Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 4🌿✨ -Contract

1.2K 40 0
By aefanfiction

ANGGE'S POV:

Halos ilang minuto na kaming walang imik habang nasa byahe. Oo, kasama ko si Erik ngayon.

Ano pa nga ba? Talagang hindi siya nagpatalo.

Halos ilang minuto na kaming nasa byahe at ilang minuto na rin akong nakatingin lang nang diretso sa harapan ng kotse. Ang tahimik.

Tanging ang tunog lang na nanggagaling sa aircon ang naririnig namin.

Saglit ko siyang nilingon para makita kung anong reaksyon niya. Ganoon pa rin kagaya ng kanina. Nakasimangot pa rin siya.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kami katahimik tuwing biyahe.

Madalas kasi kahit kapag natutulog ako sa sasakyan o kung parehas kaming pagod ay binubuksan namin ang radyo para makinig ng mga kanta.

Pero ngayon, hindi lang sobrang tahimik, sobrang awkward pa. Parang wala ni isa ang may balak sa aming magsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nakakastress naman 'to!

Oo sige na, alam kong nagtatampo si Erik sa akin ngayon. Kasi kung hindi, edi sana kanina pa siya nagkwento ng mga nangyari sa kanya ngayong araw na hindi kami magkasama.

Ganoon kami lagi sa isa't isa.

Sabagay, bakit nga naman niya ikukwento sa akin na may kasama siyang ibang babae? Na kasama niya yung dating nakalaban ko sa contest na crush na crush niya?

Nainis naman ako sa naalala ko. Nakakairita talaga. Ay nako hindi pwede 'to, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Kaya naman magpapatugtog na sana ako ng kanta pero bigla namang hinawakan ni Erik ang kamay ko habang diretso pa ring nakatingin sa kalsada.

Para bang nakuryente naman ako sa paghawak niya.

"Huwag mong buksan yan. Mag -usap tayo." seryosong sabi niya.

Binawi ko naman ang kamay ko at diretsong umupo.

Tsh, ang sungit.

Okay let's talk daw Angge, oh sige na magalit ka na.

Huminga ako nang malalim para sana magsimula nang tumalak kagaya ng madalas kong ginagawa pero naunahan niya na ako.

Aba first time.

G na g ba?

"Hindi ako galit. Masama lang ang loob ko."

Napatingin ako sa kanya dahil sa mga salitang binitawan niya. Wala pa ring emosyon sa mukha niya.

"May pinagkaiba ba yun?"

"Oo, spelling di'ba?" sagot naman niya.

Ugh, Santos!

"Hindi ako bobo."

"Hindi ka bobo, matigas lang ang ulo mo."

"Ha? Bakit, ano bang ikinagagalit mo?" I frowned

"Wala. Bakit ako magagalit e di'ba kaibigan mo lang naman ako?"

Napabuntong hininga ako sa naging sagot niya. Edi lumabas din ang totoo.

"Pogs, alam mo naman diba? Hindi ba sa lahat ng tao hindi ba dapat ikaw ang nakakaintindi sa sitwasyon natin?" malumanay ko nang sabi.

"*sigh* Alam ko. Kaya nga alam ko rin na totoo yung sinabi nila. Friends lang naman talaga tayo hindi ba? Kahit anong gawin natin, hanggang friends lang naman talaga. Hanggang dun lang tayo."

"Erik naman. Paulit ulit na lang ba tayo? Hindi mo nanaman naiintindihan." may bahid ng inis kong sabi.

Paulit-ulit na lang kasi kami.

"Hindi naiintindihan? Paano mo nasabi Ge, hindi ba wala na akong ginawa kundi intindihin ka kahit hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba tayong dalawa? Ako pa ang hindi nakakaintindi ha?"

Hindi na ako umimik. Alam kong totoong nasaktan siya. Ke iyon man ang totoong sinabi ko o hindi, alam kong hindi lang iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganyan siya.

Nasasaktan siya sa tuwing sinasabi ko yun sa iba.

Oo mahal namin ang isa't isa pero hindi pa pwede. At nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko na nahihirapan siya.

Kung pwede ko lang sana sayong sabihin kung bakit hindi pa pwede, Erik, ginawa ko na. Kaso hindi, kasi ayaw kong mahirapan ka pa. Ayokong pilitin mo lang ang sarili mo sa akin dahil sa naaawa ka.

Buong biyahe muli kaming naging tahimik. Walang may gustong magsalita sa amin.

Halos hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay.

See? Nakarating kami nang hindi niya naikwento sa akin ang mga nangyari sa araw niya.

Nang huminto na kami ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko at pagkatapos noon ay bababa na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.

"Love, I'm sorry." mahina pero rinig na rinig kong sabi niya.

Hindi ko alam pero pagkarinig ko sa boses niya at noong tinawag niya akong Love ay parang biglang lumambot muli ang puso ko. Parang gusto kong umiyak.

Narinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalitang muli.

"Sorry kung naging sobrang babaw ko nanaman. *sigh* Hindi ko lang kasi maiwasan, minsan kasi sa tuwing naiisip ko kung ano ba talaga tayo natatakot ako. Natatakot ako na baka dahil hindi ka naman sa akin, bigla ka na lang mawala."

Humarap ako sa kanya. I held his face bago ako naman ang nagsalita.

"Bakit ako mawawala sayo? Hindi naman ako mawawala sayo Pogs e, ikaw nga natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Baka mapagod at magsawa ka na. Sorry Pogs, sorry kung kailangan mo pang mahirapan ng ganito."

"Alam kong ang OA at ang bakla pakinggan pero iyon ang totoo Love, natatakot akong mawala ka sa akin. Mahal na mahal kita kahit pa ano tayo ngayon. Hindi ako nagrereklamo, alam mo naman dj ba na kahit anong mangyari maghihintay ako? Hihintayin kita Ge, pangako yan. Sorry." pagkasabi niya noon ay hinawakan niya ang pisngi ko and there, he kissed me in the forehead.

That gesture of him never fails to make me remember why I love this man so much.

Bukod doon, siya pa rin ang humingi ng tawad sa kabila ng mga nasabi.

"Mahal kita." he said that while looking straightly into my eyes.

"Mahal din kita. Huwag ka nang mag-iisip nang ganoon ha?" and I answered back.

--------------------------

MATAPOS ang ilang sandali pa naming pag uusap ni Erik ay napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ay tanging ang mga alagang aso ko lang ang sumalubong sa akin.

Napatingin naman ako sa orasan. Alas dose na pala ng madaling araw. Malamang kanina pa tulog sila Ate Irene at Mama Bob.

Tumungo na ako diretso sa kwarto ko sa itaas at doon naghanda na para matulog. Haaay sobrang haba ng araw ko, at bukas mas nakakapagod naman na araw ang haharapin ko.

Actually halos isang oras din kaming tumambay ni Erik sa loob ng kotse niya para magkwentuhan at mag usap. Ganoon kami, isa sa mga pinakagusto ko kay Erik ay yung ugali niya na hindi siya pumapayag na matutulog kami nang magkaaway.

As much as possible, ayaw niya na matatapos ang isang araw na may tampuhan kami lalo na kung mababaw lang naman.

Isa pa ay nakasanayan na rin namin na magkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa isang buong araw.

Natanong ko na rin siya tungkol sa kung saan sila pumunta kanina ni Ate Cyndy kasama ni Kei at doon niya nga sinabi na nangamusta lang daw ito dahil nga ilang taon din itong nawala sa bansa.

Kagaya nga ng sabi ko, close si Erik at Kei bago kami naging malapit sa isa't isa ni Erik.

Tumango naman ako at hindi ko na inusisa.

Tinukso niya pa nga ako na baka daw hanggang ngayon ay nagseselos pa rin ako pero syempre bilang babae, mapride at natural na pabebe, hindi ako aamin kahit na nagseselos pa ako lalo na't mas maganda naman ako dun.

Hindi, keme lang.

Nang matapos kong maligo ay ready na sana ako para matulog nang mapatingin ako sa isang plaka na nakadisplay sa dingding ko.

Ang plaka na napanalunan ko sa huling singing contest na sinalihan ko kung saan din nagsimulang magbago ang buhay ko na hindi ko inaasahan na pati si Erik ay maaapektuhan.

----FLASHBACK----

"Congratulations Miss Angeline! You made it, we are so proud of you."

"Salamat po Sir! Maraming salamat po talaga."

"So now, you are officially a part of our station. I bet you were very excited now."

"Nako Sir! Hindi lang po excited, kundi sobra sobrang excited! Ni hindi nga po ako nakatulog kagabi e."

"Hahaha ganon ba? Oh e bueno kung ganoon wag na natin tong patagalin. Here's your contract, read it and then if you have any questions then you can now sign. And were packed up."

Agad ko namang binasa ang nakalagay sa folder na iniabot sa akin. Agad kong inisa isa ang mga nakalagay dito.

"6. As part of the company's wanting to ensure the success of the artist's career, we wanted him/her to maintain a solo image that would not hinder him/her of getting projects that require partnership with different artists. Therefore, he/she should never announce in public any intimate relationships with either a co-artist or a non-showbiz individual not until she reach the age of 31. Also, no one aside from the close family members, manager, handler and other important people should know about this certain part of the contract. Voidance of this law, if not followed, should also result to breach of contract and must undergo proper due punishment."

Napakunot naman ang noo ko. So bawal akong magboyfriend?

"Are there any concerns about the contract, Miss Quinto?"

"Uhm Sir, ibig sabihin po ba nito bawal akong magkaboyfriend?"

"Hahaha not really. Of course you can still date, hindi naman namin pwedeng pigilan ang puso mo, pero we advise you not to. Of course you can date pero you can never announce or confirm it to the public. It's also for the sake of the success of your career."

Sandali akong napaisip. Hindi ko naman siguro magiging problema to diba?

"Hindi mo naman siguro hahayaang mawala ang lahat ng pinaghirapan mo para lang makarating dito diba? I'm sure you wanted to achieve more. And para rin yan sayo Miss Angeline." dagdag pa nito.

I sighed in defeat.

Tama, gagawin ko 'to para sa pangarap ko. Hindi ko naman pwedeng hayaan na masayang lahat ng pagod at sakripisyo ni Mama Bob makarating lang ako ngayon sa kinalalagyan ko.

Kaya naman pinirmahan ko na ang kontrata. Ang kontrata na magsisimula ng panibagong yugto ng buhay ko.

"Congratulations, Miss Angeline! Welcome to the family!"

----END OF FLASHBACK----

Napahiga na lang ako sa kama dahil sa naalala ko. Yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami ni Erik.

Oo, kung tutuusin ay parang higit pa nga sa magkarelasyon ang turing namin sa isa't isa pero hanggang ngayon ay wala pa ring kami.

Sa totoo lang ay gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Na dahil sa kontrata ko kaya lang sinabihan ako ng manager ko na hangga't maaari ay huwag ko na munang sabihin kay Erik dahil baka pati career niya ay maapektuhan din. Isa pa ay ilang taon na lang naman ang hihintayin namin at 31 na ako.

Ang tanging alam lang ni Erik ay hindi ko pa siya sinasagot dahil lang sa hindi pa ako handa. Erik knows how much I love him. We've been dating for almost 4 years now. Hindi naman ako nagkukulang ng pagpapaintindi at pagpaparamdam nun sa kanya palagi.

At thankfully kahit minsan ay may problema kaming dalawa dahil sa sitwasyon namin, naiintindihan naman ni Erik na kailangan niya akong hintayin.

Sa harap ng maraming tao, bukod sa singing partners kami ay loveteam din kami. Loveteam na hindi naman talaga nag umpisa dahil pinagtambal lang o di kaya gusto ng tao.

Loveteam kami dahil alam ng lahat ang personal na koneksyon namin sa isa't-isa.

Loveteam kami pero literal na love ko si Erik. Mahal ko siya nang higit pa sa kaibigan ko.

Sa tuwing kailangan kong sabihin sa mga tao na kaibigan ko lang si Erik ay nasasaktan din ako. God knows how much I love him pero mahal ko rin ang trabaho ko at dahil mahal ko ang trabaho ko, ibig sabihin rin nun ay mahal ko siya.

Papikit na sana ako nang marinig ko na nagring ang telepono ko na nakapatong sa bedside table ko.

*Calling... LOVE*

Aysuuus may pagtawag pa. Lagi siyang ganito, kahit na kakikita lang namin, palagi siyang tumatawag kaagad.

Kaagad kong sinagot ang video call niya.

"Love." bungad niya sa akin sa camera.

Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin. Ano ba, bakit naman kasi ang gwapo niya?

"Oh hmmmn? Ano na, bakit tumawag ka pa aber? Gabi na Pogs, matulog ka na." sabi ko para maitago ang pagkagulat ko nang makita ko kung gaano siya kagwapo kahit gabi na.

"Wala lang namiss agad kita."

Hindi ko naman mapigilan mapangiti sa kilig. Pereng tenge te. Hahahaha.

"Lol miss agad?! Wag ako Erik." sabi ko na lang.

Aasarin nanaman ako nito.

"O diba, kinilig ka? Oo nga namiss agad kita. Hmmmn kakarating ko lang ng bahay. Kakahiga ko lang dito sa kwarto. Tapos napaisip lang ako."

"At ano namang iniisip mo ha? May time ka pang mag isip gabing gabi na." sabi ko at humiga na rin sa kama.

I heard him laugh. Lalong naging gwapo. Nawawala yung mga mata niya kapag tumatawa. Alam niyo yung kantang Chinito ni Yenggay? Favorite ko yun kasi ganon na ganoon si Erik.

"Habang tumitingin ako sa loob ng bahay, naisip ko lang kasi na..."

"Na ano?"

"Na kailan kaya kita maiuuwi dito? Yung ganon ba."

Ano daw?! Kaloka.

"Aruuuu hahaha baliw! Umuuwi naman ako diyan ah?"

"Hmmmn iba pa rin yung iuuwi kita dito bilang misis na." nakangiting sabi niya.

Enebe.

"Alam mo, tulog mo na lang yan. Kung anu-ano nang sinasabi mo, pagod lang yan."

Ito naman, gabing gabi na nanglalandi pa. Nagtalukbong ako ng kumot. Baka kasi biglang pumasok si Ate Irene o si Mama Bob tapos makita na  gabi na ay naghaharutan pa kami ni Erik.

"*laughs* seryoso ako. Wala lang, naisip ko lang. Yun bang pagkatapos ng trabaho natin na kanya kanya hindi na kita kailangang ihatid pauwi---"

"Wow ah. Edi kung ayaw mo na akong ihatid pauwi edi w---"

"Kasi sa iisang bahay na lang tayo uuwi. Tapos sasalubungin tayo ng mga anak natin, may tatawag sa atin ng Mommy at Daddy. Kakain ng dinner palagi ng sabay, magkukwentuhan nang magkatabi bago matulog para magtrabaho ulit bukas. Yun bang gano'n."

Aaaaaahhh puso kalma. hindi naman ako nakasagot para lang akong tangang nakangiti dito habang nakikinig sa kanya.

He's really imagining our future life together. Yung future na kaming dalawa kasama ang mga magiging anak namin.

Napansin niya siguro na wala akong balak magsalita kaya naman nagsalita na muli siya.

"Alam mo ba Love kanina pagdating ko, si Nanay ang nagbukas ng pintuan. Tapos tinanong niya ako kung saan ako galing, nung sinabi ko na hinatid kita bigla niyang sinabi na namimiss ka na daw niya. Tinanong ako kung kailan ka daw ba pupunta dito."

Aysus, ayun nga, favorite din talaga ako ng nanay niya.

"Namiss din agad ako ni Nanay kahit kakapunta ko lang diyan nung Friday?"

"Alam mo naman yun bukambibig ka din lagi. Miss niya na daw yung manugang niyang madaldal. Minsan nga tinatanong ako kung kailan daw ba kita iuuwi dito."

Manugang talaga?

Doon ay mas lalo akong kinilig. Sobrang saya ko talaga dahil umpisa pa lang na ipinakilala ako ni Pogs sa pamilya niya ay tanggap na agad nila ako at minahal nila ako na parang kapamilya na nila.

Magmula sa Nanay at Tatay niya hanggang sa mga kapatid niya, lahat sila itinuring ako na parang hindi iba sa kanila. Pakiramdam ko parte na rin ako ng pamilya nila.

"Talaga ba? O siya sige mag iimpake na ako ng gamit."

"Ha? Bakit saan ka pupunta?" kunyari ay inosenteng tanong niya na para lang masabi ko yung ibabanat ko.

"Diyan sa inyo, hindi ba sabi mo diyan na ako tumira? Bilisan mo na sunduin mo na ako, Love."

"Talaga ba seryoso ka na diyan? Wag mo akong subukan susunduin talaga kita ngayon na mismo." sabi naman niya sa akin kaya natawa ako lalo.

Patola? I sighed.

Di bale Pogs, kaunting tiis na lang. Pangako, sa iyo na rin ako uuwi.

"Basta ba ikaw magpaalam kay Mama Bob. Overnight nga ayaw akong payagan nun e, lipat bahay pa kaya?"

I heard him laugh kaya naman natawa na rin ako.

"Soon Love, soon ipagpapaalam na talaga kita kay Mama Bob. Ipagpapaalam na kita na sasamahan mo ako. Samahan mo ako ha?" makahulugang sabi niya.

"Sasamahan naman saan Erik, ikaw napakagala mo talaga."

"Sasamahan mo ako... sa pagtanda. Boom! Ano, okay ba ang banat ko, Love?" sabi niya

Okay.

Teenager ka Pogs? Ang harot.

"Sabi mo yan ah, baka naman may iba ka nang gustong kasama sa susunod." natatawang sabi ko.

"Ikaw lang gusto kong kasama sa pagtanda at sa kahit saan, nililibre mo ako eh." sabi naman niya.

Oo nga, baligtad. Sa tuwing may concert at shows kami sa abroad ang hilig niyang magpalibre. Diba nga nagpapalibre pa siya sa akin ng kape?

Pero kahit na ganoon, sobrang galante sa akin ni Erik. Lahat na yata ng mga bagay na ibinigay niya sa akin, lahat mahal.

Pero siyempre, mas mahal niya ako.

"Oh siya pakisabi kay Nanay na pupunta ako diyan bukas pagkatapos ng taping ko. Magdadala ako ng paborito niyang binagoongan." sabi ko naman

"Talaga? Paborito lang ng biyenan. 'E paano naman yung paborito ko?"

"Ay bakit? Biyenan ba kita para magpalakas ako sayo ha?" pagsakay ko naman sa biro niya.

"Hmmn sige na nga, alam ko naman na mas mahal ka ng pamilya ko kaysa sa akin." pagpapatalo niya naman.

Mga ilang segundo din kaming nanahimik bago ako nagsalita ulit.

"Love?"

"Hmmmn?"

"Love kantahan mo nga ako. Pleaseee." paglalambing ko sa kanya.

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.

Alam kong ang weird namin, oo, kahit na singer kami pareho gustong gusto ko pa ring naririnig ko ang boses niya at kinakantahan niya ako.

Iba kasi sa pakiramdam sa tuwing alam ko na ako lang ang nakakarinig ng boses niya.

Ang sweet kaya nun, para kang nililigawan araw araw.

"Inaantok ka na 'no? O sige na, anong kanta?"

"Ikaw ang bahala." sabi ko at pumikit na.

"Hmmmn o sige."

🎼: KULANG AKO KUNG WALA KA

Nag-iisa at hindi mapakali
Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka

Nag-iisa ang isang kagaya mo
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko

Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na
Kulang ako kung wala ka

Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Ako din Pogs, kulang din ako kung wala ka.

Pinakinggan ko lang siya habang kumakanta hanggang sa unti unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Hanggang sa huling linya ng kanta ay narinig kong nagsalita pa siya bago niya pinatay ang tawag.

"Goodnight, Angeline ko. I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
26.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong πŸ₯΄
10.6K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
131K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...