Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 3🌿✨ -Back

1.1K 43 0
By aefanfiction

ANGGE'S POV:

REEL BUT NEVER REAL: ANGELINE QUINTO HANGGANG FRIENDS LANG DAW SILA NI ERIK SANTOS.

I heavily sighed nang makita ko ang headline ng isa sa online news sa Internet.

Heto nanaman tayo, we're facing the same scenario as usual.

"Nak, nabasa mo na?!" biglang sabi ni Nanay Bianca sa akin at tumayo pa sa kinauupuan niya.

Tumango na lang ako and bitterly smiled.

"Wala naman akong magagawa Nay."

"Hay nako mga showbiz people talaga ang galing gumawa ng kwento, oh e anong sabi ni Pogs sayo? Nakita niya na ba yan?" tanong pa ni Nanay sa akin.

I sighed. Wala eh, yun ang trabaho nila-- ang gumawa ng pag-uusapan ng maraming tao.

"Hindi ko alam Nay, hindi pa nga siya nagtetext o tumatawag simula kagabi." malamyang sagot ko.

Nakita ko namang sumimangot si Nanay dahil sa sinabi ko at agad niya akong nilapitan.

Lumabas na kasi yung interview ko kagabi sa isang press conference at syempre bilang artista, tinanong nila ako kung kamusta na kami ni Erik at siyempre sinabi ko na magkaibigan kami dahil yun naman ang totoo.

Oo, magkaibigan naman talaga kami pero higit pa doon ang turing namin sa isa't isa.

Magulo di ba? Parang kami pero hindi.

"Nakakaimbyerna kasi Nak! Hindi ba hindi naman yun ang sinabi mo?! Ang sabi mo lang naman friends kayo. Magkaiba yun sa mismong sinabi nila." disappointed na turan ni Nanay Bianca sa akin

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

Wala eh, this is the life that we're into. Dapat na akong masanay... kami.

Kahit kasi gaano ko kagustong sabihin sa lahat, hindi naman pwede.

Alam kong nasaktan nanaman si Erik sa sinabi ko sa interview pero wala akong magagawa.

Hindi ko basta na lang pwedeng sabihin sa lahat na mahal na mahal ko siya. Hindi pwede, hindi pa pwede.

Dahil sa akin, hindi pwedeng malaman ng lahat kung ano kami.

"Miss Angeline ready na po tayo, magsstart na po in 10 minutes."

Nginitian ko lang ang isang staff na tumawag sa akin bago ako tumayo para lumabas na ng dressing room.

Taping kasi ngayon namin para sa isang weekend show kung saan ako kasali.

Mag-isa ako ngayong nagkalakad papunta sa studio dahil hindi pa nakakabalik si Ate Irene galing sa baba para bumili ng pagkain. Si Nanay Bianca ay nagpaiwan na lang sa dressing room para magpahinga.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa cellphone ko.

Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi pa rin siya nagtetext. Ano bang nangyari?

Galit ba talaga siya?

I sighed bago ko naisipan na itext na lang siya. Wala namang mangyayari kung magpapakiramdaman pa kaming dalawa.

TO: LOVE

Mahal ko, galit ka ba?

*sent*

Medyo nag aaalala naman ako kasi mula kahapon ay hindi siya tumawag sa akin matapos nung interview ko na malamang ay napanood niya na kaya hindi niya ako kinikibo ngayon.

Hindi ko kasi akalaing maiinterview ako ng live kahapon at wala naman akong magagawa.

Kailangan ko lang talagang gawin yun, para sa akin at lalo na ring para sa kanya.

Dahil sa sobrang busy ko sa kakahintay kung magrereply siya ay hindi ko na napansin ang mga nakakasalubong ko habang naglalakad hanggang sa...

"OUUUUCH!" sabay naming sabi nung nakabanggaan ko.

Muntik nang tumalsik ang cellphone ko sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin sa isa't isa.

"OMG I'm sorry! I'm really sorry talaga!" narinig kong sabi nung babaeng nasa harap ko kaya agad kong iniangat ang paningin ko para makita kung sino yung nagsasalita.

Si Keia

"Keia?" medyo mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Parang medyo nagulat naman siya nang makita ako pero agad naman siyang nakabawi at nagsalita muli.

"Angeline? Oh, it's you!"

Ngumiti lang ako bilang sagot. Hindi ko talaga inaasahang makikita ko siya

"I'm sorry talaga! I'm really sorry! Are you alright?!" sabi niya naman sa akin at hinawakan pa ako sa braso.

I slightly nodded to show some assurance.

"Ah okay lang. Sorry din. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko." sabi ko naman

Ipinakita ko sa kanya yung phone ko bilang senyales na nagtetext ako.

"Oh, sorry ulit ha? I was also in a rush. May naghihintay pa kasi sa akin." malapad naman siya ngumiti nang sabihin niya yun.

Oh-kay?! I awkwardly smiled.

Wala namang nagtatanong ah?Charot.

Hindi naman kasi kami close, actually, magkasama kami noon sa contest kung saan ako nanalo pero mula noon ay naghiwalay na ang landas naming dalawa.

Sa totoo nga ay nagulat ako na nandito na ulit siya sa Pilipinas dahil ang alam ko ay nasa ibang bansa siya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero syempre ayaw ko namang magmukhang bastos.

"Ah, siguro importante yang kikitain mo. Ikaw ha." kunyaring panunukso ko naman.

Nice Angeline, hindi ka lang singer, mukhang pwede ka na rin cast sa Ang Probinsyano. Ang galing ng acting.

Napansin ko namang parang mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko.

"Uh yeah, slightly. I was actually on my way to your management office. I'll be meeting Ate Cyndy kasi." slang na sabi niya sa akin. Sa pananalita niya pa lang masasabi mo talaga na lumaki siya sa ibang bansa.

Nagtaka naman ako, bakit niya naman kikitain si Ate Cyndy?

E wala naman kami sa iisang company. Ni hindi nga siya artista dito.

Pero dahil syempre ayaw ko naman na magmukhang chismosa ay tumango na lang ako bilang sagot.

"Angge!"

Sabay naman kaming napalingon ni Kei nang marinig namin na may tumawag sa akin.

"Aba tara na! Magsstart na, Madam ang bagal mo!" pagtawag sa akin ni Alex na halos kararating lang din kaya naman medyo nakahinga na ako nang maluwag.

"Uhm sige Kei, I'll just see you around." sabi ko naman sa kanya.

"Ah okay, see you. Good luck!" sagot niya at ngumiti sa akin bago lumakad na paalis.

I looked at her habang palayong naglalakad. Ganon pa rin siya gaya ng dati, halos wala siyang pinagbago.

"Huy ano na tara na, ang dami mong kachika diyan, sino ba yun?" inakbayan ako ni Alex habang nakatingin din kay Kei na naglalakad na palayo.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya pero nang tingnan ko siya ay parang seryoso siya sa tanong niya na hindi niya nga kilala. I sighed bago sumagot.

"Si Keia, 4th runner up sa Star Power." sagot ko naman

Siya si Keia, isa siya sa mga nakalaban ko noon sa contest na sinalihan ko kung saan ako ang nanalo kung saan din kami unang nagkakilala ni Erik.

Half American, half Filipino si Kei kaya naman matangkad siya.

Inshort, si Kei ang crush noon ni Erik. Katunayan nga niyan ay dati mas close silang dalawa dahil nga hindi naman ako gaanong palaimik. Erik and Kei became friends before I came in.

Pero mula noong umalis si Kei, hindi ko alam kung may komunikasyon pa ba silang dalawa pero hindi naman ito nababanggit sa akin ni Erik.

"Aaaaaah okay." walang ganang sagot ni Alex

"Hindi mo siya kilala?" takang tanong ko. Kahit naman kasi hindi si Kei ang nanalo noon, nagkaroon pa rin naman siya ng panahon sa showbusiness.

Or ewan ko lang.

"Hindi, sino ba siya? Ikaw lang kilala ko dun."

I laughed, "Seryoso ba, Lex?"

"Bakit kailangan ba kilala ko din siya? Hindi naman ako NSO, Angeline." pilosopong sagot niya sa akin.

Napailing na lang ako. Mga kalokohan din talaga niya. Pero sige, may punto siya.

-------------------------

FOR the nth time ay muli kong tiningnan ang telepono ko pero wala pa rin akong napala. Nakakainis na, nasaan na ba yun?

"Ge! Mauna na ako!" napalingon ako nang marinig kong sumigaw si Wacky na papasok na sa loob ng dressing room. Hinarap ko naman siya kaya kumunot ang noo niya nang mapansin ang itsura ko.

"Oh, bakit naman parang inagawan ng jowa ang itsura mo ha? Anyare girl?" sabi niya sa akin at iniangat pa ang mukha ko.

"Hmmmn wala." walang gana ko lang siyang binalinan sandali at muling tiningnan ang cellphone ko.

"Ay sus, si my Love mo nanaman ba yan?" sabi niya at nagcross arms pa sa harap ko.

Tiningnan ko lang siya nang diretso at doon pa lang ay alam niya na ang ibig sabihin ko.

"Aaay LQ nanaman? Anyare?"

Sumandal naman siya sa lamesa na nasa tapat ng kinauupuan ko. Doon ko na ikwinento sa kanya yung nangyari.

Sa lahat ng katrabaho ko sa show na ito, si Wacky ang pinakamalapit sa akin at siya nakakaalam ng tungkol sa amin ni Erik.

Bagama't nakikita din naman ng iba madalas si Erik sa tuwing sinusundo niya ako, tanging si Wacky lang ang may alam kung ano talaga kami ni Erik. Siya lang rin ang nakakaalam ng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pwedeng maging kami.

"Haaaay, alam mo girl siguro nga dapat mong kausapin si bebe Erik mo. Baka nagtatampo siyempre kahit na alam naman niya kung ano kayo sa isa't-isa, masakit pa rin para sa kanya na marinig na hanggang magkaibigan lang kayo diba." sabi ni Wacky "Kung ang boyfriend nga diba nasasaktan kapag idinedeny, edi ganoon din si Erik. I'm sure maiintindihan niya naman. Kagaya nga ng sabi mo, alam niya naman. Siguro gusto niya lang na iassure mo siya."

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko na alam, minsan nahihirapan na rin ako sa sitwasyon naming dalawa.

Alam kong ako naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya matatawag na 'akin' pero minsan ang hirap na lang din talaga.

"Salamat Wacks ah. Buti ka pa, masaya lang ang lovelife."

"Sus ano ka ba no problem. Oh basta ha, pag usapan niyo yan ni Papa E. Kasi kung hindi ay naku, aagawin ko na talaga siya sayo sige ka. Alam mo naman, bet ko yung bebe mo matagal na."

Tumawa naman ako. "Sige lang, yun ay kung magpapaagaw siya. Faithful kaya yun, sa akin pa rin yun uuwi."

"E di ikaw na, napakaconfident naman po pala. Tandaan mo, kung ang asawa nga naaagaw ang alanganing jowa pa kaya? Oh siya sige na, naghihintay na ang bebe ko. Bye!" sabi niya at bumeso na sa akin.

Nagpaalam na rin naman ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay napagpasyahan ko na ring umuwi na. Mag-isa lang akong uuwi ngayon dahil nasa bakasyon si Kuya Boy kaya wala akong driver. Si Ate Irene naman ay kasama ni Mama Bob sa salon.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang maisip si Erik. Hindi pa rin kasi siya nagtetext hanggang ngayon. Nag aalala na rin ako.

Dapat sa oras na ito ay nandito na yun para sunduin ako dahil wala naman siyang event ngayon.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Jen, isa sa mga nagtatrabaho din sa kompanya namin.

"Ate Anggeeeeee!" malakas naman na sigaw niya sabay patakbong niyakap ako. "OMG namiss kita! Parang gumanda ka lalo ah?! Hala Ate blooming ka."

Baliw talaga 'to. Kakakita lang namin kahapon.

"Ay nako ewan ko sayo, puros ka kalokohan. Oh bakit naman nandito ka ha?"

"Ah, pupuntahan ko si Ate Yenggay sa kabilang studio. Ako kasi ang isasama niya ngayon kasi diba may mall show siya? Napapagod na nga 'tong bangs ko oh." sabi niya naman.

Tumango ako bilang pagsagot. Wala kasi talaga akong gana ngayon. Bigla naman siyang luminga linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"Oh, asan si Kuya Erik? Akala ko ba susunduin ka niya?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Nandito si Erik?"

"*nods* Kanina pa yun nandito Ate, nauna siyang umalis sa akin sa office. Doon siya galing kanina pagkabalik nila ni Ate Cyndy. Tapos sabi niya nga susunduin ka daw niya."

Si Ate Cyndy ang handler namin ni Erik at the same time isa sa mga closest friends niya.

Kasama niya si Ate Cyndy?

"Saan naman sila galing ni Ate Cyndy kanina?"

"Ay ayun ang hindi ko alam Ate. Chismosa ako pero hindi ko alam kung saan sila galing. Basta kanina dumating yung Keia ba yun? Oo basta yun, sa office tapos ayun lumabas silang tatlo. Hindi ko na alam kung saan sila pumunta."

So magkasama silang dalawa ni Kei kanina.

Hindi na ako umimik, parang kusang bumigat ang loob ko sa narinig ko.

I know that I shouldn't be feeling this way pero ewan ko ba, I feel so strange.

Nang makarating ako sa parking lot ay hinanap ko ang susi ng kotse. Habang abala ako sa paghalungkat sa bag ko ay may biglang humawak sa braso ko dahilan para magulat ako.

Pero sisigaw pa lang sana ako nang matakpan niya agad ang bibig ko kaya nakita ko kung sino ang humawak sa akin.

"Erik!" tanging sabi ko nang tanggalin niya ang kamay niya sa bibig ko.

Wala namang reaksyon sa mukha niya habang diretso siyang nakatingin sa akin.

"Bwiset ka akala ko kidnap!"

"Bakit bata ka pa ba? Hindi ka na nga bata pero ang tigas pa rin ng ulo mo eh." walang emosyong sagot niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nasa harapan ko siya. Parang masaya ako na kinakabahan, na naiinis.

Oo, naiinis na rin ako.

"Tara na." sabi naman niya sa akin at hinila na ako papunta malamang sa kotse niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero pinilit kong bumitaw sa pagkakahawak niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

Naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"May dala akong kotse, uuwi na ako mag-isa."

"At sinong nagsabi?" cold pero maawtoridad na tanong niya. "Tara na." hinila niya na ulit ako

"Ano ba Pogs! Bitawan mo ako. Uuwi na ako."

"UUWI.NA.TAYO."

"Ang kulit mo naman! Sinabi ngang uuwi na ako mag isa."

"At sino ngang nagsabi na papayagan kita?" pagkasabi niya nun ay huminto na kami sa tapat ng kotse niya at binuksan niya na ang passenger seat. "Sakay."

Pero dahil matigas ang ulo ko ay nakipagtitigan lang ako sa kanya bago tumalikod at humakbang paalis pero nahawakan niya agad ako.

"Tsk, Angeline! Isa! Bakit ba ang kulit mo?!"

"E ikaw, bakit din ang kulit mo?! Bitawan mo na nga kasi ako uuwi na ako, pagod na ako Pogs oh!"

"Oh yun na nga e, pagod ka na! Tapos magdadrive ka pa? Dalawa! Huwag mo akong sagarin sumakay ka na."

Nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa kanya. Kung matapang siya, mas matapang ako.

"Dalawa't kalahati! Ano, sasakay ka ba o bubuhatin pa kita papasok?!

Nakakainis, nag alala pa ako yun pala may kasamang ibang babae!

"Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo!" pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na lang ang pag angat ng mga paa ko sa lupa.

Continue Reading

You'll Also Like

200K 8.4K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
54.8K 1.8K 39
Can he change the woman with a jet black heart?
38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
375K 4K 83
Dont ask me about LOVE because I'm NOT Dr. LOVE I knew nothing about LOVE but don't get me wrong I knew How to LOVE but The Problem is I don't know...