Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 2🌿✨ -Together, One

1.4K 49 1
By aefanfiction

ANGGE'S POV:

🎼: PATULOY ANG PANGARAP

'Di pa rin makapaniwala Sa lahat ng nangyari
Pangarap parang kailan lang Sa panaginip ko'y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di naubusan ng pagasa ako'y nanalig sa...

Pitong taon na ang lumipas. Pitong taon na simula nung una kong masabi sa sarili ko na 'Sa wakas, eto na ang simula'.

Pitong taon ng hindi matatawarang saya. Pitong taon na puno ng mga tagumpay, mga pagsubok at mga alaala na naging bahagi na ng buhay ko.

Sa loob ng pitong taon mas lalo kong nakilala ang sarili ko, mas lalo kong napagtanto na hindi pa nga tapos ang mga problema na haharapin ko pero sa loob ng pitong taon, hindi ako sumuko.

At ngayon, nandito na ako.

Isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap pangarap...

Napatingin ako sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Nakita kong nakangiti silang lahat habang nakatingin sa akin.

Noon, hindi ko inakala na darating ako sa puntong ito. Ang lahat na parang panaginip lang noon, ngayon ay nagkatotoo.

'Di pa rin makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang...

Isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap...

Nakita ko ang mga fans ko na walang tigil na isinisigaw ang pangalan ko, ang mga katrabaho at kaibigan ko na halos araw-araw kong nakakasama sa loob ng pitong taon at higit sa lahat, ang pamilya ko na hindi rin sumuko kagaya ko.

Wala sa loob kong unti-unti akong napangiti habang tinitingnan sila. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng mga taong nasa paligid mo.

Kahit saan, kahit kailan
Alam kong ako'y patungo
Sa marami pang tagumpay

Sa isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap pangarap...

Hindi pa man tumitigil ang musika ay narinig ko na ang malakas na palakpakan ng mga tao kaya naman kahit hindi nila rinig lahat ay umusal ako ng Thank You habang nakaharap sa kanila.

"Sabay sabay nating batiin ang ating Queen of Teleserye Themesongs in 1, 2, 3. HAPPY ANNIVERSARY ANGELINE!" sabay sabay na sabi ng mga co-hosts ko na siyang lalong nagpangiti sa akin.

Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos kong awitin ang kantang naging malaking bahagi ng karera ko.

Patuloy Ang Pangarap.

Napatingin ako sa paligid ko. Halos lahat nang narito ay mga taong naging malaki ang parte sa buhay ko.

Ang mga fans, mga katrabaho at mga kaibigan ko. Lahat sila naging saksi sa kung anong buhay ang mayroon ako ngayon.

Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, hindi ako si Angeline ngayon kundi dahil sa mga taong patuloy na naniwala sa akin.

"Maraming Salamat po sa inyong lahat! Mahal na mahal ko po kayo!" sabi ko naman

Sobra akong nagpapasalamat sa kanilang lahat.

Matapos ang sandaling picture taking kasama ang ibang mga katrabaho ko matapos ang airing ng production number ko ay napagpasyahan ko nang pumunta sa dressing room para sana makapagpahinga na.

Finally! Thank You Lord dahil successful ang anniversary production number ko.

Pero bago yun ay inikot ko ang paningin ko para sana hanapin yung kanina ko pang hindi nakikita pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Weird.

Saan nanaman kaya sumuot yun?

"ANGGE KO! HAPPY ANNIVERSARY!" abala ako sa pagtingin-tingin sa paligid halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may yumakap mula sa likod ko.

"JUSKO NAMAN YENGGAY! MUNTIK NANG UMALIS YUNG PUSO KO SA RIBCAGE KO OH! GINULAT MO AKO!" sabi ko naman habang nakahawak pa sa dibdib ko.

Pero imbes na magreact siya sa sinabi ko ay lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.

"EEEEEHHHH! PROUD NA PROUD AKO SAYO GE! ANG GALING MO! SINGER KA BA?!"

Dahil doon sa sinabi niya ay natawa ako.

"Hindi, dancer ako, Yenggay. Member ako ng G Force, nakita mo naman diba? Ang galing ko 'no?" pabiro ko ring sagot.

"Sabi ko na nga ba eh, isang sample pa nga dyan." sabi niya at umakbay pa sa akin habang naglalakad kami patungo sa dressing room. "Pero seryoso Ge, ang galing mo talaga. Sobrang proud ako sayo. Alam mo yon habang pinapanood kita kulang na lang sumigaw ako kanina ng 'Whoooo si Angeline yan! Kaibigan ko yan!' ganon Ge, nakakaamaze ka talaga."

"Sus grabe ah puring puri ako sayo ngayon. Yung totoo, magpapalibre ka nanaman ng kape no? *chuckles* pero thank you Yenggay. Salamat din sa lahat ng nagawa mo para sa akin for the past 7 years." nakangiting sabi ko.

"Ay suuuus eto naman nagdrama pa e kape lang naman ang gusto ko de joke lang. Salamat din sa lahat Ge, tsaka wala yun ano ka ba, alam mo naman na basta ikaw lagi lang akong nandito. Proud na proud kaya ako lagi sayo." sabi ni Yenggay sa akin.

Ngumiti naman ako. Haaay isa talaga siya sa mga taong hindi ako iniwan simula naging parte ako ng industriyang ito. Thankful ako kasi naging kaibigan ko si Yenggay.

"Ay pero eto siya talaga, alam ko na mas proud siya sayo. Obvious naman." sabi niya bago pa kami makapasok ng dressing room.

"Ha, ano? Sin--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang saktong pagtapak ko sa pintuan ng dressing room ay pumailanlang na ang boses ng isang taong sobrang pamilyar sa akin.

"SURPRISE! HAPPY ANNIVERSARY SEXY KO! I LOVE YOU!"

Kumunot ang noo ko habang hindi ko mapigilang matawa sa nakita ko. Halos lahat ng tao sa loob ng dressing room ay sa kanya nakatingin habang nakangiti.

Nakangiti din siya na para bang sobrang proud siya sa ginawa niya.

Okay, anong pakulo 'to aber?

Naspeechless man ako sa una dahil sa nakita ko ay pinilit ko pa ring magsalita kahit na sobra akong nagulat at natatawa pa rin.

"Anong kalokohan naman 'to Mr. Erik Santos?"

Natatawa kong sabi habang papalapit sa kanya.

Agad niya namang iniabot sa akin ang isang bouquet ng red roses bago niya ako inakbayan at sinagot ang tanong ko.

Lahat ng mga mata ay nakamasid lang sa bawat mga kilos at galawa namin.

"Aray naman, kalokohan talaga? Hindi mo man lang ba naappreciate yung effort ko? Isang linggo ko kayang pinaghandaan 'to." kunyaring nagdadramang sabi niya sa akin.

"Wow ha, effort talaga 'to? E halata naman na hindi ikaw ang gumawa neto eh. Parang si Nanay Litz at Ayah pa ang nagdikit dikit ng banner mo." sabi ko habang nakatingin sa banner at mga lobo na hawak ng glam team ko.

Talaga namang nang abala pa siya ng ibang tao sa kalokohan niya. Isa pa ay totoo naman, halatang hindi siya ang gumawa nito.

Kilala ko si Erik, hindi siya magtityagang magdikit-dikit nang kung anu-ano.

"E syempre wala akong time. Sila ang nagdikit niyan pero ako naman ang naggupit at nag edit niyang pictures mo. Hindi ka man lang ba proud sa akin ha? Wala man lang bang thank you diyan?" pakunwaring nakasimangot na sabi niya habang nakatingin sa akin.

Napansin ko namang nakatingin halos lahat sa amin at ang iba pa nga ay kinukuhanan kami ng video.

Para bang lahat sila ay nag aabang sa sasabihin ko.

"Ganda mo girl!" nang-aasar na sabi pa ni Yenggay habang kilig na kilig din na ewan.

Napailing na lang ako, eksena talaga 'to kahit kailan. Talagang bida bida rin.

"Sos naku naman oh siya! Sige na, sige na. Naappreciate ko na yung pasurprise mo na pinaghandaan mo ng one week. Thank you so much, Pogs." sabi ko sa kanya dahilan para magsigawan ang mga tao sa paligid namin.

Kilig kayo? Aba, mas kinilig ako. Hindi lang pwedeng ipahalata syempre pero grabe ang pagtibok ng puso ko dahil sa lalaking ngayon ay nasa tabi ko.

"Yun na yon, thank you lang? Pagkatapos kong ipahiya ang sarili ko sa guard maipasok lang lahat nang to, thank you lang matatanggap ko mula sayo ha?" sabi niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin habang nakaakbay pa rin.

Aba naman para bang kasalanan ko pa ngayon na napahiya siya?

"Ang demanding mo 'no? Bakit sinabi ko bang isurprise mo ako? Ano pa bang gusto mo ha?" sakay ko naman sa kalokohan niya tutal ay di naman siya magpapatalo.

Sandi naman siyang kunyari ay nag isip bago muling tumingin sa akin.

"Uhm, pwedeng kiss o di kaya pwede din namang anak na lang. Mamili ka." kaswal na sabi niya.

Para akong nilamig sa biglaang tinuran niya.

What did he just---Erik!!!

Dahil doon ay halos nagulat ang buong sistema ko sa sinabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Pogs!"

Ipapahamak pa ako nitong lokong 'to! Ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Wala talagang preno ang bibig nito minsan!

Nakita ko namang natawa at nagulat din ang ibang nasa dressing room sa sinabi niya pero parang wala lang sa kanya ang sinabi niya at tumawa pa siya bago nagsalita ulit.

"Joke lang eto naman. Sige kape na lang, libre mo na lang ako ng kape napuyat ako sa paggawa ng banner na yan eh. Tara!" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng dressing room.

Napailing na lang ako habang naglalakad kami papalayo sa dressing room habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.

Hinahabol naman kami ng tingin ng mga taong nakakasalubong namin pero nakangiti lang siya habang naglalakad kami.

Ganyan siya lagi, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa aming dalawa.

Ayos lang din naman kasi kung tutuusin normal lang yun dahil sa mata ng mga tao, singing partners kaming dalawa.

Singing partners na hanggang ngayon, malabo ang relasyon sa isa't isa.

Nang medyo malayo na kami sa mga tao ay tumigil na kami sa paglalakad. Humarap siya sa akin at ngumiti. Haaaay, iyang ngiti na yan talaga, diyan nagsimula ang lahat eh. Iyang ngiti na yan ang naging dahilan kung bakit kami nandito ngayon.

"Oh inlove ka nanaman niyan sa akin. Tama na Love, alam ko naman na gwapo ako sa paningin mo palagi." pang-aasar niya sa akin

Love.

Oo, Love.

Inirapan ko naman siya nang makabawi ako.

"Ang lakas din talaga minsan ng hangin mo 'no? Kaya kita tinititigan kasi hindi ka nanaman nag-ahit ng bigote, Erik." sabi ko pa at hinawakan siya sa panga para sipatin ang mukha niya.

Ilang beses ko na siyang sinabihan na ayaw ko na may bigote siya dahil nangangati ako. Kung paano ako nangangati, basta alam niyo na yun charot.

Nakita ko ang biglang pagsimangot niya dahil sa kunyaring reklamo ko.

"Eh kakaahit ko nga lang last week di'ba? Ang bilis tumubo eh." sabi niya.

"Sinabi ko naman sayo diba nangangati ako." sagot ko naman sa kanya. "Baka kasi hindi mo inaayos."

Kung may makakakita sa amin dito ay iisipin na patago kaming naghaharutan. Sabagay, totoo naman.

He shrugged, "Inaayos ko kaya, tsaka ayaw mo ba talaga na may bigote ako? Mas pogi, mas leading man ang dating."

"Ayoko nga diba?" I rolled my eyes.

Talagang pangarap ni Erik yan, ewan ko ba.

"Hmmmn h'wag kang mag alala, mamaya pag-uwi ikaw na lang ang mag-ahit." kinindatan niya pa ako.

Pero imbes na kiligin ay kinurot ko lang siya nang mahina sa tagiliran. Iba nanaman kasi ang nasa isip niya panigurado.

"Hindi nakakapogi yan kung sa tuwing ididikit mo yang mukha mo sa akin nagkakapantal ako."

"E mas pogi nga kasi ako kapag ganito. Bagets, Love, bagets." pilit niya pa.

Minsan talaga parang pamangkin ko ang kausap ko kapag kausap ko siya. Napakakulit.

"Tse, ewan ko sayo feeling mo nanaman member ka ng boy band. Napakahangin mo." pabirong sabi ko.

Pero imbes na sumagot ay tumawa lang siya at inabot ang mga kamay ko at hinalikan niya ang mga likod nito habang nakatingin pa rin sa akin.

"Happy Anniversary sayo, Love. I love you."

Ngumiti naman ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ko nakilala ang lalaking 'to.

For 7 years, siya ang nakasama ko. Siya ang nagsilbing lakas ko habang tumatagal sa industriyang 'to.

Siya ang nagturo sa akin ng maraming mga bagay tungkol sa buhay na ginagalawan namin pareho. Kung wala siya, hindi ko yata alam kung kakayanin ko.

"Salamat Love, salamat kasi hindi mo ako pinabayaan mula noon. Salamat sa lahat. Sana huwag kang magsasawa sa akin ah? Hindi ko kaya kapag wala ka." seryosong sabi ko sa kanya.

Mula noon pa lang, si Erik na ang isa sa mga taong naging kakampi ko sa lahat. Sa dami ng pinagsamahan namin, hindi ko mabilang ang mga pagkakataon na masasabi kong si Erik ang naging partner ko.

At tama nga siya noon, balang araw magiging magkatrabaho kami.

"Anything for you binibini ko. At pangakong hinding hindi ako mawawala sayo, tandaan mo yan." sabi niya at pinisil niya ang ilong ko kagaya ng palagi niyang ginagawa. "Haaay 7 years na pala 'no? Ang bilis, 7 years mo na din akong crush. Tingin mo, dapat kaya bigyan na kita ng chance?"

Dahil sa sinabi niya ay natawa ako. Palagi niya na lang sinasabi yan. Lagi niyang ipinipilit na crush ko na daw siya sa Star Power pa lang.

"Hoy ang kapal ng mukha mo. Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na hindi kita gusto noon. Pwede ba Erik, try mo magkape minsan."

Tumawa naman siya sa sinabi ko at pinisil ang kamay ko na hawak pa rin niya. "Okay lang yan Ge, wag mo na ideny. Tayo lang naman ang nandito oh. Hindi ko ipagkakalat. Malay mo bigyan na kita ng chance ngayon." sabi niya.

"Naku, tigilan mo nga ako. Baka nakakalimot ka, may kasalanan ka pa sa akin ah. Muntik na tayong mapahamak dahil sa kakulitan mo kanina." sabi ko naman nang maalala ko ang huling mga sinabi niya bago kami umalis ng dressing room.

Alam naman niya ang sitwasyon namin. Hindi kami basta bastang pwedeng magsalita dahil kaunting pagkakamali lang, mawawala ang lahat.

"Oh bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Alam mo Love, yun talaga ang gusto ko, alam mo yan."

Hindi naman ako umimik. Anak, yan talaga ang gusto niya. Maya-maya ay nagpatuloy siya.

"Tsaka isa pa binawi ko naman ah. Kaya nga sabi ko kape na lang diba? So, ililibre mo talaga ako." sabi niya at itinaas baba pa ang kilay niya.

I frowned.

"Oh tingnan mo! Tapos ngayon magpapalibre ka pa! Ibang klase ka rin talaga 'no?! Bakit ba ang hilig mong magpalibre sa akin, may pera ka naman."

"E kasi nga po nagtitipid ako. May pinag-iipunan kasi ako." sabi niya nang nakangiti.

"At ano naman yang pinagiipunan mo at pati kape hindi ka na makabili ha?"

"Ikaw." mabilis na sagot niya na para bang normal lang yun sa kanya. "Pinag iipunan ko na ang buhay ko kasama ka."

Tila nawala ang lahat ng pambala ko nang sinabi niya na yun.

Okay wala na, finish na.

Lord! Bakit ganito po itong lalaking 'to?! Sandali akong tumagilid para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya.

Palagi niyang sinasabi sa akin na pinag iipunan niya ang future naming dalawa.

"Oh edi tahimik ka." he said, "Kaya Love, ikaw muna ang manlibre sa akin ngayon okay? Pagkatapos, ako nang bahala sa buong buhay nating dalawa." sabi niya sa akin.

Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya.

"Pero syempre, hihintayin pa natin yung tamang timing. Basta hindi ko nakakalimutan ang pangako mo na papakasalan mo ako kapag tamang panahon na, diba po?" sabi niya

Hindi ko nakakalimutan yun, hindi ko nakakalimutan na pinangako ko na siya lang ang papakasalanan ko kahit na anong mangyari.

Tumango naman ako, "Ahuh, tama ka diyan."

"Kaya nga nag-iipon ako nang mabuti. Sa ngayon, kape kape muna, sa susunod may mga bebe na 'no?" sabi niya sa akin at doon ay tumango ako.

Sana nga Pogs, sana hindi ka magsawa. Sana samahan mo pa ako hanggang sa huli, sana makapaghintay ka pa kasi hindi ko kakayanin kapag napunta ka sa iba.

"Salamat Pogs." yun lang ang tanging nasabi ko. I am out of words basta ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa lalaking 'to. Siya ang buhay ko.

"Mahal na mahal kita, Ge. Hindi ako mapapagod maghintay, tandaan mo yan." bulong niya at kasabay noon ay ang paghila niya sa akin palapit sa kanya para yakapin.

With that, I felt so relieved. Relieved kahit na alam kong hindi ganito kadali palagi ang mga pinagdadaanan naming dalawa. Mahal na mahal ko rin siya.

God knows how much I love this man pero hindi ko basta bastang pwedeng ipakita sa lahat.

After all these years, we remained the same. Parang tayo, pero hindi, sabi nga sa kanta. We are singing partners, loveteam na naghihintayan pa rin sa mata ng madla. Pero deep within our true story lies the love na hindi pa maaaring malaman ng lahat.

Mahal ko si Erik pero mahal ko rin ang mga bagay na pinaghirapan ko at alam kong alam niya yun.

Oo, duwag ako. I cannot fight for him pero duwag ako dahil ayokong mawala ang lahat lalo na siya sa akin. We got a love that is hidden behind those curtain calls.

I love this man and I cannot bear to lose him. Kahit na hindi naman siya officially na akin.

"I love you too, Pogs. Mahal na mahal din kita."

Continue Reading

You'll Also Like

177K 13.7K 36
What if life gives Richard the chance to do things over? "If you love someone, you should let them know. Oh this light that you left me, will everg...
535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
21.6K 1.2K 85
Bawal paasa dito.....
276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...