Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine

1.4K 46 0
By aefanfiction

ANGGE'S POV:

TEXT:

'Ate handa na lahat para sa operasyon ni Mama Bob. Maya maya dadalhin na siya sa operating room. Sabi ng doktor tatagal daw ng anim na oras ang operasyon pero h'wag kang mag alala Ate, nandito naman kami. Kami na ang bahala kay Mama Bob kaya huwag mo muna kaming intindihin. Galingan mo sa pagkanta ngayong gabi Ate ha? Mahal ka namin.'

Nanghihina kong ibinaba ang cellphone kasabay ng pagpunas ko sa mga luhang sunod sunod na pumapatak sa mga mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra akong nanghihina sa mga oras na 'to.

"Oh ladies, 15 minutes na lang magsisimula na ang show! Be ready! Talent coordinators, stand-by na!"

Sa narinig kong pagsigaw ng floor director ay lalo akong napaiyak.

Matapos kong mabasa ang text sa akin ng kapatid ko ay parang nawalan na ako ng lakas at gana para magperform ngayon.

Parang gusto ko na lang tumakbo paalis dito at pumunta kay Mama.

Gusto ko siyang makita, gusto kong manatili sa tabi niya sa mga oras na ito dahil alam kong kailangan niya ako.

Pero heto ako, nakasuot ng kulay luntiang bistida at kung anu anong mga kolorete. Nandito sana ako para tuparin ang isa sa mga malalaking pangarap ko sa buhay--- ang isa sa mga pangarap namin ni Mama.

Dinig na dinig ko ang ingay sa paligid ko. Sandali kong iniangat ang paningin ko para makita kung ano na ang nangyayari.

Kahit nanlalabo na dahil sa patuloy na pagluha ko ang aking paningin ay nakita ko na ang lahat ng tao sa paligid ko ay nagmamadali at nagkukumahog para sa gabing ito.

Lahat sila paroon at parito abala sa paggawa ng mga trabaho nila. Yung iba pa nga sa mga kasama ko ay nandiyan ang mga pamilya nila para suportahan sila.

Samantalang eto ako, mag-isang umiiyak.

Kung nandito lang sana ngayon si Mama Bob, edi sana hindi ako ngayon nag iisa. Sana may magsasabi din sa akin na kaya kong lampasan ang lahat nang ito.

Pero wala.

Malungkot kong itinungo na lang ulit ang ulo ko at umiyak dahil sa naalala ko.

Siguradong papagalitan ako ni Nanay Bianca kapag nadatnan niya ako sa itsura ko ngayon.

Pero hindi ko na talaga alam, hindi ko na yata kayang ituloy 'to. Habang tumatakbo ang oras, patuloy kong naiisip ang kalagayan ng Mama ko.

Gusto ko siyang makita ngayon. Hindi ko kaya kung mawawala siya sa akin, hinding hindi ko kakayanin.

Halos ilang minuto na akong umiiyak na nakatungo nang may maramdaman akong tumapik sa likod ko.

Inisip ko na si Nanay Bianca na iyon na nakabalik na galing sa pagbili niya ng makakain kaya hindi ko agad siya hinarap dahil alam kong papagalitan niya lang ako.

"Nay sorry ayoko na kumanta. Hindi ko na yata kaya, gusto ko nang makita si Mama." pahikbing sabi ko habang patuloy pa rin sa pag iyak nang nakayuko.

"Ngayon ka pa ba susuko kung kailan malapit ka na sa mga pangarap mo?" narinig kong sagot nung boses.

Dahil doon ay unti-unti akong tumigil sa paghikbi ko nang marinig ko na hindi naman si Nanay Bianca ang nagsalita.

Isang pamilyar pero hindi inaasahang tinig ang narinig ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino ang nasa harapan ko at nang makita ko na ay nakita ko siyang matamis na nakangiting nakatitig sa akin.

"E-Erik."

Yun lang ang nasabi ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na siya ang nasa harap ko ngayon.

Pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya at lumuhod siya para pantayan ako sa pagkakaupo ko.

Napansin kong nakabihis na siya ng damit niya para mamaya.

Nakaitim na tuxedo na bagay na bagay sa kagwapuhang taglay niya.

"Oh bakit parang nagulat ka naman yata?" ngayon ay magkatapat na kaming dalawa. "Ang sabi ko, ngayon ka pa ba susuko kung kailan andito ka na? Konting tiis na lang oh, maabot mo na yung pangarap mo. Ngayon mo pa ba bibitawan kung hawak mo na?"

Nakangiti niya pa ring sabi sa akin habang diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi naman ako makapagsalita.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Tumigil na ako sa pag-iyak pero nandoon pa rin yung sakit na nararamdaman ko ngunit higit sa lahat, nandoon ang pagkabigla at hindi makapaniwalang pakiramdam na nandito siya ngayon sa harap ko at kinakausap ako.

Si Erik Santos?

Pinansin at kinausap ako?

Bakit? Paano?

Nang mapansin niya na wala akong balak na sumagot ay ngumiti na lang siya ulit bago dumukot sa bulsa niya at hinawakan ang kamay ko.

Bahagya akong natigilan sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Para akong nakuryente pero nawala din yun nang makita ko ang nilagay niyang bagay sa palad ko.

"Tama na ang iyak, hindi mo ba alam na maganda ka pero mas maganda ka kapag nakangiti ka?" sabi niya sa akin. "Punasan mo yung mga luha mo. Huwag mo hayaang makita nila na mahina ka kasi alam kong matapang ka. Isa pa, hindi lang naman ito ang pagdadaanan mo sa buhay, marami pa. Ngayon, kung susuko ka na agad, edi game over na. Sigurado ako na ayaw din ng Mama mo na nagkakaganyan ka. Sige ka pipingutin ka 'non kapag nalaman niyang umiyak ka lang buong gabi."

Marahan niyang isinara ang palad ko na ngayon ay hawak na ang panyong ibinigay niya.

"Hindi ko alam kung weird ba kung sasabihin ko sayo ngayon 'to pero alam mo ba na noong una pa lang kitang nakita naramdaman ko na agad na balang araw magiging katrabaho kita nang matagal na matagal? Ang weird 'no pero totoo." he slightly laughed

Magiging magkatrabaho kami?

"T-Talaga?" tanging nasabi ko lang.

Parang hindi ko alam kung bakit pero yun lang ang nasabi ko.

He then sighed at tumingin nang diretso sa akin.

"Oo, kaya sana huwag mong hayaan na masira yung pangarap ko na yun. Ipakita mo sa kanila ngayon kung gaano ka kagaling. Ipakita mo sa kanila yung Angeline na makakatrabaho ko habambuhay."

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi man ako makapagsalita, pakiramdam ko lahat ng lungkot at sakit sa puso ko ay unti-unting nawala sa oras na ito. Diretso ko lang din siyang tinitigan. Para bang sa tingin niya pa lang, nagiging okay na agad ako.

Oo ang weird din pero those simple words affected me, big time.

"Mr. Erik Santos, tinatawag na po kayo sa backstage." sabay kaming napalingon noon sa nagsalitang stage manager sa pintuan.

Nakita ko namang tinanguan niya ito bago umalis.

Tumayo naman siya mula sa pagkakaluhod niya sa harapan ko.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko bago sinabing "Laban lang Angeline ah? Goodluck!" tsaka lumakad palabas ng dressing room.

Pero, bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan ay muli niya akong nilingon at sinabing...

"Yung panyo ko nga pala pakibalik. Masama magbigay ng panyo, wala akong balak na paiyakin ka habambuhay kaya pakibalik na lang mamaya pagkatapos mong umiyak. Salamat." malokong sabi niya na naging dahilan para unti-unti akong mapangiti.

Hindi ko namalayan na gumaan na pala ang pakiramdam ko.

Bumalik na lang ako sa diwa ko nang marinig ko ang gulat na gulat na boses ni Nanay Bianca

"JUSKO NAK ANONG NANGYARI SA IYO?! BAKIT GANYAN ANG ITSURA MO?!" naloloka niyang sabi pero parang hindi ko yun napansin.

Tama si Erik, tuloy lang dapat ang laban. Hindi dapat ako ngayon sumuko.

Marahan akong humarap sa salamin at unti unting pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyong ibinigay niya sa akin.

Napabuntong hininga pa ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin at matapos noon ay ngumiti.

"Lalaban tayo Nay, hindi pa tapos ang laban ko. Kaya ko 'to."

Continue Reading

You'll Also Like

276K 10.2K 63
May mga bagay na nagbabago dahil sa unang halik. Kahit sinadya man 'to, o aksidente lamang, babaguhin nito ang takbo ng 'yong buhay. Kung nagha...
38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
375K 4K 83
Dont ask me about LOVE because I'm NOT Dr. LOVE I knew nothing about LOVE but don't get me wrong I knew How to LOVE but The Problem is I don't know...
509K 21.2K 57
Meet Porsche Kaligayahan. She's the most angelic, innocent and pure woman you'll ever meet. She's almost perfect. Beautiful, smart, talented, kind...