MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBOD...

Od La_Diyosa

16K 912 88

Gwapo, mayaman, sikat. Yan si Kendrix Dale Lee. A half Filipino, half Korean artist na sikat sa Pilipinas. La... Viac

PROLOUGE
CHAPTER 1: FIRST KISS
CHAPTER 2: FIANCÉ?
CHAPTER 3: FIRST DAY
CHAPTER 4: SEATMATE
CHAPTER 5: SUPER HERO
CHAPTER 6: LIBRARY
CHAPTER 7: ASSUMING
CHAPTER 8: MR. PERFECT STRANGER
CHAPTER 9: SORRY
CHAPTER 10: LIES
CHAPTER 11: IMAGINATIONS
CHAPTER 13: DETENTION
CHAPTER 14: REALIZATION
CHAPTER 15: AFFECTED
CHAPTER 16: MAKE OVER
CHAPTER 17: VIRAL PICTURE
CHAPTER 18: KISSING SCENE
CHAPTER 19: DEFENSIVE
CHAPTER 20: SUPERMAN
CHAPTER 21: COMPLICATED
CHAPTER 22: LOVE BATTLE
CHAPTER 23: SNOW WHITE
CHAPTER 24: FRIEND REQUEST
CHAPTER 25: VICTORY PARTY
CHAPTER 26: AWKWARD
CHAPTER 27: SCHOOL FAIR
CHAPTER 28: MS. S.H UNIVERSITY
CHAPTER 29: TAGU-TAGUAN
CHAPTER 30: FISHBALLS
CHAPTER 31: KAYCEE'S BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS
CHAPTER 34: HOUSEMATE
CHAPTER 35: KAPIT-BAHAY
CHAPTER 36: HOTDOG
CHAPTER 37: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 38: KULOG
CHAPTER 39: INTERVIEW
CHAPTER 40: CRUSH
CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE
CHAPTER 42: AWARDING
CHAPTER 43: REUNION
CHAPTER 44: PERSONAL ASSISTANT
CHAPTER 45: HELLO KITTY
CHAPTER 46: PIANO
CHAPTER 47: COMMERCIAL
CHAPTER 48: EFFORT
CHAPTER 49: BANDAID
CHAPTER 50: BOLD STAR
CHAPTER 51: I'M YOUR NURSE
CHAPTER 52: MICKEY MOUSE
CHAPTER 53: RESEARCH
CHAPTER 54: MULTO
CHAPTER 55: CELEBRATION
CHAPTER 56: INTERNSHIP
CHAPTER 57: SANITARY NAPKIN
CHAPTER 58: PANTY
CHAPTER 59: CHEWING GUM
CHAPTER 60: BABYSITTER
CHAPTER 61: CAMPING
CHAPTER 62: SHELLS
CHAPTER 63: ULAN
CHAPTER 64: RESCUE
CHAPTER 65: BURAOT
CHAPTER 66: CONTRACT
CHAPTER 67: ALLERGY
CHAPTER 68: PREPARATION
CHAPTER 69: BRA
CHAPTER 70: RED ROSES
CHAPTER 71: ATHENA'S BIRTHDAY
CHAPTER 72: TRUTH OR DARE
CHAPTER 73: SIGNS
CHAPTER 74: OUTFIT
CHAPTER 75: PAINTING
CHAPTER 76: KWINTAS
CHAPTER 77: REVELATIONS
CHAPTER 78: GRADUATION
CHAPTER 79: LDR
CHAPTER 80: HAPPY ENDING?

CHAPTER 12: DISAPPOINTED

231 16 9
Od La_Diyosa

ATHENA'S POV

Pagkatapos ng tatlong subject, tumunog na ang bell. OH MY GHAD! LUNCH TIME NA. Kinakabahan ako. SHEEEEEEEET! Kaya ko ba to? HINDI KO KAYA! KALOKA! Magdadate kami ni Calyx? The man of my dreams? JUICECOLORED! Aatakihin na ata ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Huhuhu! T__T

Habang nag lalakad papalabas ng university nang makasalubong ko si Kendrix kasama si Angel.

"Oh hello there Athena." Bati ni Angel.
"Hi Athena." Bati naman ni Kendrix.

Tinignan ako ni Angel ng masama.

"Hi Angel." sabi ko.
"Kendrix and I were going on a date. Kaya please excuse us Ms. President. Baka malate na kami sa lunch namin. Bye!" nakangiting sabi ni Angel.

Umalis na nga sila. Habang ako naman, patuloy na naglakad palabas ng university. Nang makarating na ako sa labas ng university, hindi ko parin nakikita si Calyx. Nasaan na kaya si Calyx? Nakalimutan niya na ba na may DATE kami? Este lunch pala. Nakalimutan niya na ba ako? Di na niya ba ako mahal? Paano na kami? Paano na ako? CHAROT LANG! Hahaha!

Hindi na nga siguro siya dadating. Hay! Ano ba yan! Siguro nga tama si Maxine. Umaasa lang ako sa wala. ANG TANGA TANGA KO. ANG TANGA KO KASI NANIWALA AT NAGHINTAY AKO.

Pabalik na sana ako sa loob ng university nang biglang may humawak sa balikat ko.

"ATHENA!"
"AY BUTUKI!" sigaw ko.

Muntik na sana akong matumba at nahulog salamin ko. Buti nalang may sumalo saakin na isang lalake. KALOKA! Bakit ba kasi pinanganak akong magugulatin. Simula bukas babawasan ko na ang pag kakape ko. JUICECOLORED! Muntik na mabagok ang ulo ko sa gulat. Buti nalang may sumalo saakin. Teka nga lang. Sino ba ang sumalo saakin? Di ko makita ehh. LETCHENG MATA TO EH! ANG LABO!

"Okay ka lang ba?" tanong ng lalake.

Sino kaya to? Di ko talaga makita. Ang liwanag kasi ng sikat ng araw. Angel ba siya? OMG! PATAY NA BA AKO? OH NO! THIS CAN'T BE! HINDI PA AKO READY MAMATAY! MAY MGA PANGARAP PA KAMI NI CALYX! HUHUHU! T__T

Hanggang sa sumigaw si Zoey. OH MY GHAD! Buti nalang buhay pa ako. THANK YOU LORD!

"BEEEEESSSSS! Ano ba kasi nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ni Zoey.
"Oo bes. Okay lang ako. Pakihanap naman nung salamin ko ohh." sabi ko.

Agad naman inabot saakin ni Zoey ang salamin ko. Nang maisuot ko na yung salamin ko. Nakita ko na si Calyx pala yung sumalo saakin.

"Okay ka lang ba Athena?" tanong ni Calyx.
"CALYX? Oo okay naman ako." sagot ko.

Bumangon na ako sa pag kakahiga ko sa braso ni Calyx. SHHHHHHEEEET! ANG TIGAS AT ANG LAKI NUNG ANO NI CALYX... YUNG MUSCLE NIYA. HEHEHE!

"Sorry Athena ahh! Nagulat ba kita?" tanong ni Calyx.

AY HINDI CALYX! INI-EXPECT NGA KITA EH. INI-EXPECT KO NA SUSULPOT KA NALANG BIGLA NA PARANG KABUTE TAPOS BIGLANG HAHAWAKAN ANG BALIKAT KO. KALOKA SYEMPRE NAGULAT AKO! MUNTIK NA NGA MABAGOK ANG ULO KO SA GULAT EH. TAPOS TATANUNGIN MO AKO KUNG OKAY LANG AKO? SYEMPRE HINDI! PERO PASALAMAT KA, MEHEL KETE! EHE! HAHAHA!

"Medyo. Pero okay lang ako. Wag kang mag alala. Nga pala SALAMAT SA PAG SALO SA PUSO KO AHHH ESTE SAAKIN PALA. Nako kung hindi mo ako nasalo siguro nabagok na ang ulo ko and worse, baka ma amnesia na ako tapos nakalimutan na kita." sabi ko.
"Sorry talaga ahhh. Di na mauulit. Di na kita gugulating ulit." sabi ni Calyx.

Tinignan ko lang si Calyx na parang tutunawin ko na siya. KALOKA. Niligtas ulit ako ni Calyx! SHEEEEEEET! The man of my dreams. AMPOGE! Ayoko na sanang bumangon eh. Pakiramdam ko kasi nasa heaven na ako kanina. Hahaha! KALOKA MGA PARE! He's so strong. Like SUPERMAN Hihihihi. KEME LANG!

"Ahhh wala yun. Sorry kung nagulat kita ahh. Kanina ka pa ba naghihintay dito? Sorry kasi nagpunta pa ako sa department store. Sorry ahh." sabi ni Calyx.
"DEPARTMENT STORE? ano ginawa mo dun?" tanong ko.
"Ahhhhh I got this for you." sabi ni Calyx.

Bigla siyang lumuhod sa harap ko at may inabot na regalo. Ano to? Bakit may paregalo si mayor? Birthday ko ba? Eh September pa birthday ko eh. Ano kaya to? Bakit siya lumuhod sa harap ko? ENGAGEMENT RING BA TO? NAGPO-PROPOSE na ba siya saakin?? OH EM GEEEEE! This is it!

"YES CALYX! YES!" sigaw ko.

Nagtinginan ang lahat saakin ng dahil sa sigaw ko. Tinignan ako ni Calyx ng may blankong reaksyon sa mukha.

"Ha? YES? Alin yung yes bes?" tanong ni Zoey.
"OKAY KA LANG BA?" tanong ni Calyx.
"Oo naman. Eh ba't ba kasi naka luhod ka dyan?" Tanong ko.
"Eh nag sisintas ako eh. Nga pala ano yung yes Athena?" sabi ni Calyx.

AKALA KO NAG PO-PROPOSE NA SIYA EH. NAG SISINTAS LANG PALA. NAKAKAHIYA! ANO BA ATHENA! ASSUMING KA NAMAN EH. BAKIT NAMAN INISIP MO NA MAGPOPROPOSE SAYO SI CALYX HA? UMISIP KA NG PALUSOT ATHENA! BILISAN MO! HAY! LUPA KAININ MO NA AKO PLEASE? NOW NA! T__T

"Ahhm YES gutom na ako." sabi ko.

SIGE ILUSOT MO PA ATHENA! ILUSOT MO PA!

"Ahhm gutom kana? Sige punta na tayo sa restaurant pero wait lang buksan mo muna yan gift ko for you." sabi ni Calyx.
"Ahh oo nga pala. Ano ba to?" sabi ko.

Binuksan ko na ang regalo na binigay ni Calyx. Nang mabuksan ko na ang regalo, nakita ko na bagong eyeglasses pala ang laman neto.

"Salamin? Bakit?" Tanong ko.

Tinitigan ako ni Calyx. Lumapit siya saakin ng dahan dahan at hinubad ang salamin ko. Kaloka! Di ko makita ang poging mukha niya. HUHUHU! T__T

Maya maya pa biglang hinawakan ni Calyx ang mukha ko. Hahalikan niya ba ako? SHHHHHEEEET! Hindi ako prepared. Kamusta naman kaya ang hininga ko? BAHALA NA NGA! Pinikit ko na ang mata ko at humaba na ang nguso ko. NANG BIGLANG...

"Oy bes! Bakit ka nakapikit diyan? At bakit ang haba ng nguso mo? SUSO KA BA?" Tanong ni Zoey.

Tinignan lang ako ni Calyx na parang walang emotion.

ANO BA ATHENA! KAKALOKA KA NAMAN EHH! KANINA KA PA! ASSUMING KA NANAMAN EHH. KAKALOKA NAMAN TONG IMAGINATION KO. HUHUHU! T__T

"Ahhhm salamat pala dito Calyx sa salamin ahh. I really appreciate it." sabi ko.
"You're welcome Athena. Alam ko kasi na ganon kahalaga sayo ang salamin mo kaya binili nalang kita ng bago. Hindi ko kasi kaya makita ka na nahihirapan." naka ngiting sabi ni Calyx.

Nagtitigan kami ni Calyx ng sobrang lagkit. KALOKA! Kinikilig ako ng sobra. Ayaw niya na makita ako nahihirapan? TELEGE BE CALYX? ENE BE! MARUPOK AKO! HAHAHAHA!

NANG BIGLANG..

"Ay ano to bes? Magtititigan nalang kayo? Di ba kayo nagugutom? Kasi ako nagugutom na ehh. Bahala kayo diyan. Mauna na ako. Bye!" sabi ni Zoey.

Nag lakad na papalayo si Zoey. Kaloka! Panira talaga ng moment yung babaeng yun eh.

"Ahhm, Tara na Athena? Alis na tayo." alok ni Calyx.
"Tara. YES-GO! (Lets Go)" sabi ko

Nang makarating na kami sa paburitong italian restaurant ni Calyx. Pumasok agad kami sa loob para nag hanap ng mauupuan.

*AUTHOR'S NOTE: HINDI ALAM NI ATHENA AT NI CALYX NA NASA PAREHONG RESTAURANT PALA SINA KENDRIX AT ANGEL.*

ANGEL'S POV

Habang nag hihintay kami sa pagdating ng pagkain namin, nang biglang kong nakita sa Athena at si Calyx.

At ano naman kaya ang ginagawa ni Athena dito? At bakit kasama niya si Calyx? Hindi lang pala si Kendrix ang nilalandi ng babeng to. Humanda ka saakin mamaya. Maya maya pa, biglang nag tanong si Kendrix.

"Bakit lingon ka ng lingon diyan. Sino ba ang tinitignan mo diyan?" Tanong ni Kendrix.
"Ahhh wala. Nakita ko lang yung kaibigan ko. Never mind nalang Kendrix." Palusot ko.
"Okay! Nga pala, sa bicol kana ba pinangak at lumaki?" tanong ni Kendrix.
"Ahh...ahhm BICOL?"
"Oo, diba sa hospital sa bicol tayo nagkakilala. Nakalimutan mo na ba?" Tanong ni Kendrix.

WHAAAAT? SA BICOL? HINDI KO NGA ALAM KUNG SAAN YUN EH. HINDI PA AKO NAKAPUNTA DOON AT DI KO PINANGARAP NA PUMUNTA DOON. KAILANGAN MONG MAG ISIP ANGEL. BAKA MAHULI KA NI KENDRIX NA NAGSISINUNGALING. UMISIP KA NG PARAAN PARA DI KA MAHULI.

"Ahhh syempre naman naalala ko yun. Bakit ko ba makakalimutan yun diba?" nakangiting sabi ko.

Tinignan lang ako ni Kendrix ng may blankong reaksyon.

"Ahmm Kendrix, can I borrow your phone?" Tanong ko.

Binigay naman agad ni Kendrix ang phone niya at nilagay ko ang number ko sa phone niya.

"Oh here's your phone Kendrix. Nilagay ko na diyan ang number ko diyan para incase na gusto mo akong kausapin o you suddenly miss me, you call me anytime anywhere. Okay?" sabi ko.

Maya maya pa, dumating na ang pagkain namin at nag umpisa nang kumain.

ATHENA'S POV

Habang nakaupo kami ni Calyx ng lumapit yung waiter para magbigay ng menu at kunin ang order namin. Binuksan ko ang menu pero hindi ko alam kung paano i-pronounce yung mga nakasulat. Ganito ba ang italian food? KALOKA!

"Ano gusto mo Athena?" tanong ni Calyx.

Hindi ko nga alam kung paano i-pronouce tapos tatanungin mo pa ako kung anong gusto ko? Kaloka ka naman Calyx. Akala ko ba ayaw mo ako makitang nahihirapan? Eh sa pag pronounce palang eh halos dumugo na ilong ko. HUHUHU! T__T

"Ahh ikaw na bahala Calyx." nakangiting sabi ko.
"Okay sige. Ahm waiter we, will order SPAGHETTI ALLE VONGOLE and PIZZA MARGHERITA. Thank you." sabi ni Calyx.

ANO DAW? HINDI KO NAINTINDIHAN. KAKALOKA AHH! Pero lakas makasosyal ahh. Hahaha! Mukhang masarap naman eh. Makalipas ang 10 minutes, dumating na ang pagkain namin.

"This is your food ma'am, sir." -waiter.
"Thank you." sabi ni Calyx.

Agad kong tinanggal ang takip ng pagkain ko ng magulat ako sa laman.
Ito ba ang SPAGHETTI ALLE VONGOLE? Ehhhh SEA FOOD SPAGHETTI lang to saamin ehh. Tsaka eto naman PIZZA MARGHERITA? Ehhh PIZZA lang to saamin eh. Ang sosyal sosyal ng tawag tapos eto lang pala? KALOKA! Kaya naman lutuin ni Tita Alex to ehh. Edi sana sa bahay nalang kami kumain. Pero okay lang. Mukhang masarap naman eh. Pwede na din. Aarte pa ba ako? Isang CALYX VIXON LOPEZ na'to ohh. KEKEME KA PA BA ATHENA?

"Sige na kumain kana. May class pa tayo mamaya ehh." sabi ni Calyx.
"Ahhh oo. Sige." sabi ko.

Nagsimula na akong kumain nang biglang tumingin si Calyx saakin sabay ngiti. SHEEETTT! AMPOGE! Pwede wag mo akong tignan ng ganyan Calyx? Natutunaw ako ehh. ENE BE!

"Bakit ganyan ka makatingin saakin? May dumi ba ang mukha ko?" tanong ko.
"Meron ehh." sabi ni Calyx.

Kumuha si Calyx ng tissue at pinunasan ang dumi sa mukha ko.

"Ang cute mo naman kumain ng spaghetti para kang bata. Hahaha!" biro ni Calyx.

AKO CUTE? ENE BE. HAHAHAHA! Maya maya pa, natapos na kami kumain at bumalik na sa school.

"Salamat sa lunch ahh. Next time ako naman ang manlilibre sayo." sabi ko.
"Nako wag na. Masaya na ako na masaya ka." Sabi ni Calyx.

Maya maya pa, tumunog na ang bell.

"Ah I have to go Athena. See you later." sabi ni Calyx sabay lakad papalayo.

Habang nag lalakad ako papunta sa next class ko ng makita ko Zoey sa hallway.

"So kamusta naman ang first ever date niyo ng man of your dreams sis?" sabi ni Zoey.
"Ano kaba! Di yun date. Kumain lang kami ng lunch. Yun lang wala nang iba. Kaya wag kang O.A bes." sabi ko.
"Napaka seryoso mo naman bes. Kaloka ka naman." sagot ni Zoey.

Hindi nalang ako sumagot ang naglakad nalang papunta sa next class ko.

KENDRIX'S POV

Makalipas ang 15 minutes, natapos na kami kumain.

"Ahmm Angel. Pwede ba na mauna kana papunta sa school?" sabi ko.
"Ha? Bakit? May pupuntahan ka pa?" tanong ni Angel.
"Ahhhm pupunta kasi ako sa department store may bibilhin lang." Sabi ko.
"Ganon ba? Sige ingat ka." sabi ni Angel sabay yakap saakin.

Makalipas ang 30 minutes, nakarating na ako sa school. Pumunta agad ako sa locker ni Athena para magdikit ulit ng sulat. Pagkatapos ko magdikit ng sulat, umalis na ako at pumunta sa class ko.

ANGEL'S POV

"WHAAAT? Kendrix is Mr. Perfect Stranger? Seryoso ba to? Kendrix likes Athena? HELL NO! Hindi to pwedeng mangyari! Hindi ako papayag na si Kendrix at Athena ang magkatuluyan. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkalabuan silang dalawa." bulong ko.

Nang makaalis na si Kendrix, pumunta ako sa locker Athena at binasa ang sinulat ni Kendrix.

"LET YOUR SMILE CHANGE THE WORLD BUT DONT LET THE WORLD CHANGE YOUR SMILE!

-MR. PERFECT STRANGER<3"

OMG! HINDI SILA BAGAY NI KENDRIX. HOW DISGUSTING! I HAVE TO DO SOMETHING PARA MAGALIT SI KENDRIX KAY ATHENA. AND I'LL MAKE SURE THAT ATHENA WILL SUFFER! TEKA WHAT WILL I DO? THINK ANGEL! THINK!

ATHENA'S POV

Makalipas ang tatlong subjects, nag bell na. Yes! Uwian na. Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay yung mga libro ko.

"Bes saan ka pupunta?" tanong ni Zoey.
"Ahhh sa locker ko bes. Bakit?" Sabi ko.
"Wala lang. Tara samahan na kita." sabi ni Zoey.

Maya maya pa, nakarating na kami sa locker ko. May nakita ulit akong sulat na nakadikit sa labas ng locker ko.

"Want to see me? Go to locker number 75 then you will know all about me. Get the book and see the truth."

-Mr. Perfect Stranger<3"

Bigla kaming nagkatinginan ni Zoey.

"So ano ang plano mo sis? Pupunta ka ba dun?" tanong ni Zoey.
"Siguro? Hindi ko alam bes naguguluhan ako." sabi ko.
"Gusto mo ba siya makita?"
"Oo naman. Sino ba naman ang hindi diba?" sagot ko.
"Edi pumunta tayo doon. Wag kang mag alala nandito ako sasamahan kita." sabi ni Zoey.

Naglakad na kami papunta sa locker number 75. Nang makarating na kami doon. May nakita kaming bukas na locker at may libro sa loob.

"Bes sigurado ka ba sa gagawin mo? Parang hindi to tama ehh. Kinakabahan kasi ako ehh." sabi ni Zoey.

Bigla akong natahimik at napaisip ako.

"Nandito na tayo bes aatras pa ba tayo? Tuloy ko na to." sabi ko.

Hawak ko na yung libro. NANG BIGLANG...

"HOY PANGET! WHAT ARE YOU DOING THERE? NINANAKAWAN MO BA AKO?" sigaw ni Angel.
"What? Ako? Magnanakaw? Wala akong ninanakaw sayo Angel." sabi ko.
"WALA? Eh ano yang ginagawa mo? Bakit nakabukas ang locker ko at hawak mo yang libro ko? Tell me? NASA LAHI NIYO BA ANG PAGIGING MAGNANAKAW HA? Magnanakaw kana nga ng gamit, mag nanakaw kapa ng boyfriend ng iba. Una si Kendrix tapos ngayon naman si Calyx? MAHIYA KA NAMAN ATHENA!" galit na galit na sabi ni Angel.
"Pero hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Wala akong ninanakaw at mas lalo pang wala akong inaagaw sayo. Kung gusto mo si Kendrix sayong sayo na siya. Wala naman akong balak na agawin siya sayo eh." sagot ko.
"WALA KANG BALAK AGAWIN SI KENDRIX? EH BAKIT LAPIT KA NG LAPIT SAKANYA? ILANG BESES KO BANG UULITIN SAYO NA WAG NA WAG MONG LALAPITAN AT WAG NA WAG MO SIYANG KAKAUSAPIN. PERO ANONG GINAGAWA MO? NILALANDI MO PARIN SI KENDRIX. ANG BOYFRIEND KO! HINDI MO BA YUN NAIINTINDIHAN O SADIYANG BOBO KA LANG?" sabi ni Angel sabay hatak sa buhok ko.
"ARAY!! Nasasaktan na ako Angel. Tama na! Wala naman akong nilalandi eh at wala din akong ninanakaw sayo! Maniwala ka naman sana." sabi ko habang nag pupumiglas.
"Do you think maniniwala ako after what I saw? Hindi ako tanga Athena! I'll make sure you will pay for this." Galit na galit na sabi ni Angel.

NANG BIGLANG..

"HOY BABAENG LABANOS! WAG MONG SASAKTAN YUNG BESTFRIEND KO!" sabi ni Zoey.
"Eh ano naman sayo kung saktan ko yung kaibigan mong MALANDI! Tsaka isa ka pa! Wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay sa galit ko!" sabi ni Angel habang hawak parin ang buhok ko.
"AKALA MO NAMAN KUNG SINO KANG KAGANDAHAN EH GAWA KA NAMAN NGA SA PLASTIC!! WAG KANG MAG MAGANDA KASI HINDI KA MAGANDA! TSAKA KONTING PAALALA LANG GIRL! WAG KANG LALAPIT SA APOY BAKA MATUNAW KA!!" Sigaw ni Zoey.
"How dare you to say that! Hindi mo ba ako kilala? Ako ang apo ng may-ari ng school na to kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganun!" sabi ni Angel.

Itinulak niya ako at naumpog ang ulo ko sa pader. Maya maya pa, napadaan si Mr. Alcantara. Professor namin sa P.E. Balitang balita sa buong school na paboritong studyante niya si Angel.

"What is happening here girls?" tanong ni Mr. Alcantara.
"Kasi Mr. Alcantara nahuli ko po si Athena na may ninanakaw sa locker ko. Upon checking, nawawala po yung earings ko. Tapos sabi niya po sasaktan niya daw ako pag nag sumbong ako. Im just protecting myself, kaya naitulak ko siya. And sa tingin ko po sir nabalian po ako ng dahil kay Athena. Kasi itinulak niya po ako kanina." Sabi ni Angel.
"Are you okay Angel?" -Mr. Alcantara.
"No Sir. Ang sakit po kasi ng ulo at braso ko. Bukod sa nabalian po ako ng braso, nauntog rin po yung ulo nung itinulak ako ni Athena. Grabe ang sakit! OUCH!!" sabi ni Angel sabay hawak sa ulo niya.
"HOY! WAG MONG IBAHIN ANG KWENTO! Ikaw ang unang nanakit! Hindi si Athena tapos ang lakas lakas pa ng loob mo na sabihin na sinaktan ka ng bestfriend ko? WAG KA NANG MAG SINUNGALING ANGEL." sigaw ni Zoey.
"Im just telling the truth! Hindi po ako nag sisinungaling sir. Ako na nga po ang nabalian tapos ako pa yung may kasalanan? Sir maniwala po kayo saakin. Ako po ang nag sasabi ng totoo." sabi ni Angel.

Maya maya pa dumating na si Kendrix.

"Are you okay Angel? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong ni Kendrix kay Angel.
"Sinaktan ako ni Athena! Pinagbantaan niya ang buhay ko." sagot ni Angel.
"TOTOO BA YUN ATHENA?" Pasigaw na tanong ni Kendrix.
"Hindi totoo yan Kendrix! Wag kang maniwala sa babaeng yan. Puro FAKE NEWS lang ang alam niyan." sabi ni Zoey.
"Hindi kita kinakausap Zoey! TOTOO BA ATHENA? SINAKTAN MO BA SI ANGEL? OO o HINDI? SAGOT!" Galit na sabi ni Kendrix.
"Pero wala talaga akong ginagawang masama kay Angel. Maniwala ka naman saakin Kendrix." sabi ko.
"Pero tignan mo ang ginawa mo kay Angel. Nabalian siya ng dahil sayo. Masaya kana ba ngayon ha? Masaya ka ba na nasaktan mo yung kaibigan ko?" sabi ni Kendrix.
"Pero Kendrix..." sabi ko.
"WAG KA NANG MAGSINUNGALING ATHENA! KITANG KITA NAMAN ANG IBIDENSYA OH. IM SO DISSAPONTED SAYO ATHENA! AKALA KO MABAIT KA, NAGKAMALI PALA AKO. TANDAAN MO TO ATHENA! FROM NOW ON, KALIMUTAN MO NA MAGKAIBIGAN TAYO." sabi ni Kendrix

Parang biglang gumuho ang mundo ng dahil sa narinig ko. Wala na akong ibang nagawa kung hindi umiyak nalang.

"Mr. Lee, samahan mo si Angel sa school clinic and you Ms. Salvador. Proceed to the DETENTION NOW!!". Sigaw ni Mr. Alcantara.

Tinignan lang ako ni Kendrix na parang wala na siyang pakialam saakin. Binuhat niya si Angel at dinala sa school clinic. Maya maya pa, dumating na si Calyx.

"Athena? Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Nag aalalang sabi ni Calyx.
"Hindi ko naman sinaktan si Angel eh. Wala akong ginagawang masama." umiiyak na sabi ko.

Tinignan ako ni Calyx sabay yakap ng mahigpit.

"Wag kang mag alala, naniniwala ako sayo. Alam ko naman na hindi mo magagawa na manakit ng tao." sabi ni Calyx.
"Wag kang mag alala bes, nandito lang kami para sayo. Sabi ni Zoey.
"Tama si Zoey, wag mong kakalimutan na nandito lang kami para sayo. Kaibigan mo kami at hinding hindi kami mawawala sa tabi mo. Lalong lalo na ako." sabi ni Calyx.

Tinignan ko lang sila at hindi na sumagot sa sinabi ni Calyx. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Basta kahit ganon ang nangyari, masaya parin ako kasi at the end of the day, may mga kaibigan ako na kagaya nila Calyx at Zoey.

Itutuloy...

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

119K 3.2K 19
hindi makapaniwala na ang isang mababaw na paghanga ang magbabago sa buhay ni sabrina, hindi niya alam na sobrang nahuhulog napala siya sa taong may...
22.6K 377 23
"Kahit kailan ay hinding hindi ako maiinlove sa isa sa mga Montenegro Brothers" yan lang naman ang laging tinatandaan ng ating bida.Ang ating bida na...
14.4K 143 15
ANG MGA SUMUSUNOD AY BASE SA ILANG MGA NAIBAHAGI SA AMING ISTORYA UKOL SA MGA KAHI-HILAKBOTAN SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN CAMPUS. ILAN...
43.6K 860 22
"Love? Kalokohan lang yan!" - Steven "You fall in LOVE with the most unexpected person at the most unexpected time." READ! VOTE! COMMENT...