♡FOUNDED LOVE♡

By Xeinadeleon82

166 23 0

When Xiana's mother died,she moved to her grandmother,and start a new life there,while she live in her grandm... More

Founded love
Chapter one
Chapter 2
Chapter 3
Chapter four
Chapter 5
Chapter 6
Chapter Seven
Chapter 8
Chapter 9
Chapter ten
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 21

2 0 0
By Xeinadeleon82


Xiana's POV

Calling

"Sa akin sasabay si Xiana."  Napahinto kami ni Gother sa paglalakad nang may nag salita sa likod.

Sabay kaming humarap ni Gother sa likuran at nakita namin si Zach, bumakas agad sa mukha ko ang ngiti.

"Oh! Zach?" Ani Gother.
Tumingin siya sakin.

"Uhm... Gother, kay Zach nalang ako sasabay, next time nalang!" Sabi ko pa at nginitian niya ako.

"Sige, gonna go na." Ani Gother saka siya naglakad paalis.

Tumingin ako kay Zach na nakangisi lang habang nakatingin sakin. Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla siyang maglakad papunta sa kotse niya.

"Hintay Zach!" Sigaw ko sa kanya pero patuloy parin siya sa paglalakad kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"Bilis." Yun lang ang sinabi niya at pumasok na sa kotse.

Agad naman akong pumasok sa kotse at kinabit ko na ang seatbelt, tumingin ako kay Zach at napaka seryoso ng mukha niya
kaya, deretsyo lang tingin ko sa labas nang bigla niyang paandarin ang kotse.
Deretsyong-deretsyo talaga ang tingin ko sa labas, hinihintay kong mag salita siya pero nabigo ako, hindi siya nagsalita, kaya naman tumingin ako sa kanya ng palihim, deretsyo lang ang tingin niya sa kalsada na para bang may iniisip.

Hindi ko nalang siya tinignan at nag muni-muni nalang ako sa labas ng bintana.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Seryosong tanong ni Zach na tumingin sakin pero agad ding tumingin ulit sa kalsada, kaya naman napaayos ako ng upo
at lumingon sa kanya.

"Ang tahimik mo ehh." Naiilang kong tugon.

"Hinihintay kong magsalita ka." Sabi niya habang nakatingin sa kalsada.

"Ha? Bakit naman?"
Tanong ko.

"Wala, namiss ko lang yung maingay mong bibig." Natatawang sabi niya saka tumingin sakin ng saglit.

"Maingay? Hehe hindi naman." Naiilang paring sagot ko.

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy nalang sa pagdadrive
hindi na rin ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin.
Nang makarating na kami sa Mansion ay agad niyang ipinark
ang kotse niya saka naman kami bumaba.

Pagpasok namin ay agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo
pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain, andun na rin ang iba na kakatapos lang ring maligo.

"Hija, let's eat." Ani Granny.

Ngumiti lang ako sa kanya saka umupo sa harap ni Zach, magkatabi naman si Cyde at Zach.

"So how's school?" Tanong ni Granny saming lahat.

"Masaya naman po, maraming friends." Nakangiting sabi ko.

'Marami ring umaaligid kay Zach, duhhh.'

"It's Fine." Sagot ni Cyde.

"Still the same." Ani Zach.

"Good to hear, ok let's eat." Ani Granny, saka kami nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay nag-iisip na rin ako para sa school bukas, may mga plano akong gawin
bwahahahaha!
Ano kaya kung inisin ko si Zach sa school bukas hahaha!
Tapos lalabas kami ni Gother, baka sakaling magselos yung isa dyaaann!
Hayyssttt imposile Xian!
Hehehehe, haysstt ahh basta meron akong gagawin bukas
Ewan ko lang kung matutuloy o Hindi.

Nang matapos akong kumain ay
umakyat na ako sa kwarto ko
ganun rin sila, nag sipilyo na ako at naligo matapos nun ay gulat akong napatingin sa mga katulong na pumasok sa kwarto ko.

"A-anong meron?" Tanong ko sa kanila, dahil may dala silang gamit pang linis.

"Inutusan po kami ni Madam Flores na linisan ang kwarto niyo." Ani nito.

"Pero, hindi naman marumi ang kwarto ko." Sabi ko pa habang tinuturo ang bawat sulok ng kwarto ko.

"Kahit na daw po, magagalit po si Madam Flores pag hindi kami naglinis." Pagdadahilan nito.

"Pero gabi na." Hehehe.

"Wag na po kayong mag pero-pero mapapagalitan po kami ni Madam Flores pag hindi kami naglinis." Nagmamakaawang Ani nito.

"S-sige na nga, bilisan niyo ha." Napilitang pagpayag ko.

"Matagal po kaming matatapos kaya sa ibang kwarto nalang po kayo matulog, yan ang sabi ni Madam Flores."

"Ahh sige, sa mga guess room nalang." Sabi ko, tatalikuran ko na sana sila pero may biglang nagsalita.

"Nililinisan na po lahat ng mga kwarto at guess room sa buong Mansyon, kaya sa kwarto po kayo ni Master Zach matutulog, iniutos rin po ni Madam Flores yan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO?!" Malakas kong sigaw.

"Ma'am naman nakakabingi." Natatawang sabi nito.

"Are you sure?! Dun daw ako?!" Hindi parin makapaniwalang tanong ko.

"Oo---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita, agad akong tumakbo papalabas ng kwarto ko at pumunta sa mga guess room
at nakita ko nga sila ron na naglilinis, tumakbo ako sa kabila pero nabigo ako, meron din pala
halos libutin ko na lahat ng guess room sa buong Mansyon, pero walang space maski isa.

Agad kong pinuntahan ang kwarto ni Granny at may nakita akong papel sa na nakadikit sa harap ng pinto niya.

May nakasulat kaya agad ko itong binasa.

Hahahah! Xiana apo!
Alam kong pupunta ka dito
pero wala ka talagang takas you have to sleep in Zach's room, sorry for doing this to you but I like you for Zach, hahaha, make memories hija,
Charrr, sige go matulog ka na it's getting late.

'Mga kalokohan ni Granny.'

Malamya akong naglakad papunta sa harap ng kwarto ni Zach, nang makarating ako run ay huminto muna ako.

May part sakin na excited, malamang kasi gusto ko siya
may part rin na ayaw kong pumasok, malamang kasi nakakahiya, NAKAKAHIYA?!
kelan ka pa nahiya Xiana?!
Oo nga, papasok ako, kasi inaantok ako, yun lang!
Yun lang talaga! Tsaka utos yun ni Granny, kasi no room available.

Ok! Ito na, papasok nako!
Ayy Hindi ko kaya! Pero gusto ko siyang makita! Hehehe!
Ohmygoshhhh ang OA mo self.

Binuksan ko ang pintuan at agad akong pumasok, nakita ko siyang nakahiga sa kama niya habang nagbabasa ng libro.

"Pwede pumasok?" Tanong ko rito.

"Nakapasok ka na." Sabi niya habang naka poker face.

"Ayy, oo nga." Sabi ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako ay tumabi ako sa kanya sa higaan at bahagya naman siyang gumilid.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang nakatingin sa libro niya.

"Nagbabasa, obvious ba?" Pilosopong sagot nito, kaya tinitigan ko siya nang naiinis na
tingin.

"Whatever." Tinalikuran ko siya saka humiga sa kabilang gilid ng kama.

"What are you doing here?"
Nagtatakang tanong with naiinis na tanong niya.

"Isn't it obvious? Matutulog." Pagpipilosopo ko rin sa kanya.

"Why here?" Inilapag niya ang librong hawak sa side table niya
saka humarap sakin.

Agad naman akong umupo at tumingin sa kanya, at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari kanina.

"What the heck?!" Hindi makapaniwalang reaksyon niya.

"See? Wala na tayong magagawa." Walang ganang sagot ko.

"Hmm! Ahh ganon? Sa sofa ka matutulog." Itinuro niya pa ang sofa na malapit lang samin.

"Wow! Excuse me? Ikaw ang lalaki kaya sa sofa ka."
Umiwas ako ng tingin saka umirap sa ere.

Tss, ano yung eksena niya kanina? 'Did you eat already?'
Tss, plastik lang pala yun.
nasasaktan ako dahil, sinusungitan niya nanaman ako
akala ko okay na kami, pwede namang siya yung sa sofa ahh!
Maging gentle naman siya kahit minsan! Bwisit!

"Dun ka, sumasakit likod dun." Ani Zach, at napaka seryoso niya.

"Ok! Fine!" Sigaw ko habang tinataas ang dalawang kamay ko
saka pumunta sa sofa.

Humiga nako saka nagkumot
sumilip ako sa kanya at bwisit na yan! Nakahiga na siya, nakakainis talaga siya!!!!!!!!!
Malambot rin naman ang sofa at malaki, pero dapat maging gentle man naman siya kahit minsan.

"Ang lamig." Mahinang bulong ko.

'Ang lakas naman kasi ng aircon.'

Umupo ako saka lumingon sa buong parte ng kwarto niya
hinahanap ko ang switch ng aircon, nang makita ko ito ay agad akong pumunta doon
saka ito pinatay.
Bumalik na ako sa sofa at nahiga
maya-maya ay onti-onti nang nawawala ang lamig, kaya komportable nako.

Nang maramdaman kong lumamig ulit, pumunta ako sa switch at nakita ko itong naka on ulit! Tumingin ako nang masama kay Zach pero tulog na siya.

'Sinong nag on?'

Kinilabutan ako kaya agad ko itong pinatay saka tumakbo papunta sa sofa at nahiga.

Mayamaya ay uminit na, pero nabigo ako nang bigla ulit itong bumukas, pinuntahan ko nanaman at bukas nga ito, kaya pala ang lamig, tumingin ulit ako kay Zach pero tulog nga siya at nakatalikod pa sakin.
Pinatay ko ulit yun saka nagtago sa gilid ng kama ni Zach.
Mayamaya lang ay nakita ko siyang bumaba sa higaan at pumunta sa switch.

"Aha!" Sigaw ko at gulat naman siyang humarap sakin.

"It's you!" Sigaw ko sa kanya.

"No, it's you." Inaantok na ani nito.

"Edi ako, ano ba?! Ang lamig
gusto ko nang matulog." Naiinis na sabi ko.

"Then go out."

'Ouch.'

"Mmmm, may jacket ka?" Tanong ko sa kanya.

"Meron, anong gagawin mo?"

"Itatapon, malamang susuotin
ang lamig kaya." Hindi niya nako sinagot, pumunta siya sa wardrobe at kinuha niya yung pinaka malaking jacket.

"Here, don't ever bother me again, I'm tired." Masungit nitong usal saka pumunta sa higaan at nahiga.

"Here, don't ever bother me again, I'm tired." Panggagaya ko sa kanya, saka ko isinuot ang jacket at natulog sa sofa.

K.I.N.A.B.U.K.A.S.A.N

Pagkagising ko ay agad akong bumangon at lumingon sa higaan ni Zach, paglapag ng paningin ko sa higaan niya ay wala na siya don,nakita ko ang phone niya sa side table kaya kinuha ko ito BWAHAHAHA!
tumingin ako sa pintuan at wala parin siya, kaya nakangisi
akong tumakbo palabas ng kwarto niya, ngunit nang makarating ako sa harap ng pintuan ay may nabangga ako.

"Ayy Diyos ko po! Wag po!" Sigaw ko habang nakapikit, paglingon ko rito ay agad akong napabalikwas sa gulat, agad kong itinago ang phone niya sa likod ko.

"What are you doing?"
Nagtatakang tanong ni Zach.

"Tumatakbo, maliligo nako
may pasok pa diba?"

"Bakit kailangan mong tumakbo?" Tanong nito, pero wala talaga akong dahilan kung bakit ako tumakbo.

"Uhmmm... Kasi late nako."
Wala nakong maisip na sasabihin.

"Matagal pa ang pasok." Sagot nito.

Psh! Istoryahe Zach uyy!
Ambot nimo, ang dami mong sinasabi, aishhhh buti 'di niya nakita yung 'phone.

"Whatever, basta maliligo nako." Sabi ko pa, maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

'Yehet Ohorat, pinigilan niya ako!
baka nakita niya yung 'phone?
I'm so dedzz.'

"Ano?" Kunwaring tanong ko.

"My Jacket." Ani nito at bahagyang inabot ang kamay niya sakin, napapahiya ko naman itong hinubad saka inabot sa kanya, kung ano-ano kasi iniisip mo Xian!
Hoo! Malapit na yun ahh.

Ngumisi nalang ako sa kanya saka ko siya tinalikuran, binatukan ko pa sarili ko dahil kung ano-ano ang iniisip ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay gulat akong napatingin sa paligid dahil nag iba ang ayos nito, at napakalinis ngang tignan
naninibago akong pumasok rito
saka pumasok sa CR para maligo.

Habang naliligo ako ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

'Anong nangyari kay Zach kagabi?'

'Bakit ang init ng ulo niya kagabi?'

'Bipolar ba siya? Hahaha!'

May oras kasi na ang bait niya tapos tatahimik tapos seseryoso tapos susungit tapos biglang magagalit, ughhhhhh!!!!
Ano ba! Naguguluhan nako ha!
Nagpatuloy nalang ako sa pagligo.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis, bumaba na rin ako
para kumain, nang makababa
ako ay nandoon na rin ang lahat
tumingin ako kay Granny at
nagulat ako dahil nanunukso
ang tingin niya, dumeretsyo
nalang ako sa upuan ko at kumain.

"So how's your night hija?" Nanunuksong tanong ni Granny.

"Awful." Pabirong sagot ko na bahagyang tumingin kay Zach,
Nagtataka siyang tumingin sakin.

"I thought it will be good." Tumatawang sabi ni Granny.

"Tsk." Rinig kong singhal ni Zach kaya tumahimik na ako, ganun rin si Granny.

"Cyde apo, why are you so silent?" Tanong ni Granny kay Cyde.

"Narinig niyo na ba 'kong nag-ingay lola?" Sagot nito saka nagpatuloy sa pagkain.

"Oo nga naman apo."

Nang matapos kaming kumain agad akong pumasok sa kwarto ko at nag sipilyo ganun sina Cyde, Zach at Granny, mayamaya ay nagpaalam na si Granny dahil
marami daw siyang work sa Company, kaya nauna na siyang umalis samin, lumabas na kaming tatlo at pumunta sa kani-kaniyang sasakyan, nakisakay ulit ako kay Zach, while si Cyde ay, nauna na.

"Let's go?" Tanong ni Zach.

"Sige." Sagot ko.

Nang makarating kami sa school ay, hindi pa nagsisimula ang klase, dahil nga napaaga kami ng dating, si Zach ay pumunta na sa room niya at ganun rin ako
nang makarating ako sa classroom namin ay naroon
na ang mga freindzyyy ko.

"Hi Xiana!" Sabay sabay nilang pagbati sakin.

"Hello, Good morning." Pagbati ko rin sa kanila.

Umupo ako sa upuan ko at ngumiti ako sa kanilang lahat.
"Bakit wala pang professor?" Tanong ko sa kanila.

"Kasi maaga pa." Sagot ni Azor.

"Ayy oo nga, hehehe." Napapahiyang sabi ko.

"Hey Xian, where do you live before?" Tanong ni Gother.

"Sa Cebu, in a far far away province hahaha." Sagot ko rito..

"So marunong ka mag Cebuano? Am I right?" Tanong ni Shakira.

"Yes, Cebuano." Naiilang kong sagot rito.

"Sample nga Xian." Ani Riyu.

"Yeah Xian, speak Cebuano." Pagsang-ayon ni Cyde.

"Uhmmm.... Anong Cebuano ng 'Mahal ko kayong lahat' ?" Tanong ni Samithy.

"Ano....palangga tamong tanan." Nahihiyang sabi ko.

"Mahal ka rin namin." Gulat akong napatingin sa kanila isa-isa, at ganun rin sila sa isat-isa
sabay kasi nilang sinabi yun.

"HAHAHAHA!" Tawa naming lahat.

"Ano yun? Chorus sabay-sabay?" Natatawang sabi ni Riyu, kaya nakitawa narin kami.

Kahit papano masaya rin silang kasama, dahil mga monggoloyd rin pala sila, di joke lang, masaya talaga silang kasama kaya komportable nako sa kanila.

"Xiana." Biglang tumahimik ang lugar nang may magsabi ng pangalan ko, mukhang galing ito
sa may pintuan ng room
pero hindi parin ako lumilingon
dahil parang kilala ko na ang boses na yun.

"Xian, he's calling you." Ani Shakira, kaya kinabahan ako.

*To be continued*

Written by; xixxx48

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
5.3K 3 60
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.
1.8M 72.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
45.4K 1.3K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...