Love Genius

By immissluvee

39.9K 1.7K 480

Garnett Sardoncillo is known as one of the smartest in the school of Alvarez University. She is also known as... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 15

864 38 4
By immissluvee

[Chapter 15]


"Oh? Akala ba namin kasabay mong kakain si Garnett?"- hindi ko pinansin yung tanong ni Dexter, nilapag ko yung pagkain ko sa lamesa at agad kumain.

"Mukang badtrip tayo ngayon ha."- Calvin said

"Ano kayang nang-yari?"- Jerome ask

"Ano pa ba? Syempre si Garnett na naman."- Arvin said

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanila.

"Please shut up?"

Natahimik silang apat. Nilapag ko yung spoon hawak ko sa lamesa. Napalunok ako at napahinga ng malalim.

Tsk?! What happened to you, Raven?! Are you going crazy??? Tsh.

"Pare just relax, today is your special day."- Calvin said

"I don't care."

"Paano yan pare? Nakapag handa na kami para sa surprise mo for her?"- Arvin ask

Napahinga ako ng malalim. Hays! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon? Naiinis ako! Nababadtrip ako! Pumapasok sa utak ko na huwag ng itulak ang sarili ko sa kanya but, fvck? I can't!

"Raven?"- Jerome ask

Tumingin ako sa kanila at huminga ng malalim.

"Bahala na, bahala na kung anong mangyari."- sabay sandal ko sa upuan.

"Eh paano kung walang mangyari?"- Dexter ask

"Tss edi wala."- i said

Natawa naman sila.

"I'm joking?"- i ask seriously

Tumigil naman sila.

"Eh kasi naman pre, ano ba talagang nangyari? Bakit badtrip ka dyan?"- Arvin ask

"That George."- nakakaramdam na naman ako ng kabadtripan nang maalala ko ang nakita ko kanina.

"Bakit? Anong meron dun sa George?"- Calvin ask

Hindi na ako sumagot, baka mas lalo lang akong mabadtrip.




(GARNETT POV)


After breaktime nauna na sa akin yung tatlo, ako naman nandito pa sa labas sinasamahan si George. Hays, hindi ko syang magawang iwan eh.

Tahimik lang kaming nakaupo dito.

Nagulat naman ako ng konti dahil tumayo sya bigla.

"Garnett ayos na ako, pumasok kana sa loob."- he said and smiled slightly

Tumayo rin ako.

"Are you sure? Ayos kana ba?"

Ngumiti sya at tumango.

"Dahil sa'yo kaya gumagaan ang pakiramdam ko, maraming salamat."- he smiled

Napangiti ako.

"Alam kong makakaya mo ang pagsubok sa buhay mo ngayon, George."

Tumango sya.

"Oo, salamat."

Pagkatapos nun pumasok narin ako sa loob, habang naglalakad ako sa corridor malayo palang nakikita ko na si Raven at Sarrah na nag uusap.

May pahawak-hawak pa sa braso si Sarrah kay Raven. Tsh! Naglakad nalang ako ng mabilis at umiwas nalang ng tingin mula sa kanila.

Nung nakadaan na ako sa harap nila kahit hindi ako nakatingin alam kong tumingin sa akin si Raven.

"Raven later okay?"- dinig kong sabi ni Sarrah sa kanya.

Tss? Later?

"Bahala ka."- dinig kong reply ni Raven

Napangiti naman ako, pero argh anong meron sa mamaya?

Pagpasok ko sa classroom namin umupo na agad ako, nakita kong sumunod rin agad si Raven.

Himala?

Hindi nya ako tinignan, pinansin or inasar manlang? Nagdire-diretso lang syang umupo papunta sa upuan nya.

Tss, ano naman kayang problema nun?

"Ano? Napapansin mo bang nakasimangot na si Raven?"- Hazel ask

Tumingin ako sa tatlo.

"As if i care?"- i ask

"Sus, naninibago ka no? Hindi ka sanay."- Elisha said

"E-Edi wow."- sabi ko nalang



DISMISSED

Habang nag-aayos ako ng gamit napapatingin ako kay Raven na nag-aayos rin ng gamit nya, seryoso lang syang nag-aayos habang hinihintay sya nung apat.

Iba pakiramdam ko, feeling ko may problema kaming dalawa. Tss! Eh hindi naman kami ha? Kaya bakit ko nararamdaman 'to?!

"Garnett mauuna na ba kami?"- Ami ask

Lumingon naman ako sa tatlo, tapos lingon ulit ako kay Raven. Siya kaya? Papasok kaya sya sa restaurant ngayon?

Pagtayo ni Raven, lalapit at magsasalita na sana ako sa kanya pero hindi ko na tinuloy.

Nilagpasan nya na ako agad.

Hindi nya ako pinansin.

Parang hindi kami magkakilala.

Wait?

Bakit ang sakit?


Napalunok ako at lumingon, tuluyan na talaga syang lumabas mula dito sa classroom. Pagtingin ko sa apat na kaibigan nya nakatingin lang sa akin.

Napahinga nalang ako ng malalim at nagkunwari nalang na wala effect sa akin yung ginawa nya, kinuha ko na yung bag ko at sumunod agad sa tatlo.

Hays!

"Are you okay?"- Hazel ask me

Ngumiti ako ng slight at tumango.

"So you're going to work na?"- Elisha ask

"Oo kailangan eh, by the way tuloy mamaya ang lakad natin?"- tanong ko sa kanila, nagka-tinginan naman silang tatlo.

"Ahm ano eh, baka hindi na matuloy?"- Ami ask

Nagulat naman ako.

"Ha? Bakit naman?"

"Hindi naman sa hindi tuloy, siguro not sure .. basta update ka namin mamaya."- Hazel said

Ngumiti nalang ako at tumango tapos napatingin ako sa malayo, nakita ko na saktong pasakay ng kotse si Raven.

Tsk, ano kayang nagawa kong mali? Bakit parang hindi nya ako pinapansin? Hays! Over think malala ka ngayon, Garnett.




RESTAURANT

Pagdating ko sa restaurant nilibot ko agad ang mga mata ko, wala si Raven.

Hays! Bakit ko ba sya iniisip?!

Maya-maya nag-ready na ko, nagpalit na ako ng damit at inumpisahan ng magtrabaho. Habang naghihintay at nakatayo lang ako dito hindi ko maiwasang hindi isipin si Raven.

Tsk, bakit naman kasi ganun? Hindi ako sanay na parang hindi nya ako pinapanasin? Na parang bumalik ang lahat sa dati? Tsk! Papasok kaya sya dito ngayon sa restaurant?

"Miss?!"

Natauhan naman ako bigla at agad napatingin sa isang customer, lumapit agad ako sa kanya.

"Yes po Sir?"- i ask

"Kanina pa kita tinatawag pero nakatunganga kalang dyan!"- galit na si Manong.

"I'm so sorry po Sir, hindi bale ho ano po ba ang gusto nyong i-order?"- i ask

After that pagkakuha ko ng order nya napaupo ako at napapahinga nalang ng malalim. Garnett magrelax ka nga, pati trabaho mo naaapektuhan eh!


*ring.ring.ring*

Kinuha ko agad phone ko. Pagtingin ko si Mama tumatawag.

Naalala ko naman bigla na kailangan ko palang magpadala ng pera sa kanila, patay! Tsk.

"Hello Ma?"

(Anak, ano kumusta kana?)

"Okay lang po ako Ma, ahm .. oo nga po pala yung ipapadala ko pasensya po nakalimutan ko."

(Ayos lang anak, huwag mo na kaming intindihin. Nagawa na namin ng paraan ang problema dito.)

Napangiti naman ako ng slight, hays salamat naman.

"Mom??"

Napatayo naman ako bigla nang may pumasok na babae, cute .. maganda. Tinabi ko muna yung phone ko tapos lumapit ako sa kanya.

"Excuse me po Ma'am, ano po ang kailangan nyo?"- i ask

"Ah i knew it, you don't know me. Where's my Mom? She is here ba?"

Nanlalaki naman ang mga mata ko, wait? Ibig sabihin ..

Napapangiti naman sya bigla.

"By the way, I'm Ravelyne Alvarez."- pakilala nya sa akin.

Omg?! Ang dyosa ng hipag ko! Charot.

"A-Ahm ako po si Garnett, pasensya po bago lang po kasi ako dito."

"Oh i see, by the way .. where's my Mom?"

"Nasa loob po sya, Ma'am."- i smiled

"Sige."- pagkasabi nya nun pumasok na sya sa loob.

Whoaaaaa ang gandaaa nya, kamukha nya si Ma'am Charlene.



KINAGABIHAN

"Manang, una na po ako."- i said

"Sige mag-iingat ka."

Tumango nalang ako at ngumiti.

Magpapaalam sana ako kila Sir Ravil sa loob pero hindi ko na itinuloy, habang papalabas ako ng restaurant nilabas ko ang phone ko at agad kinontact si Hazel.

"Hello, ano? Tuloy ba ang lakad?"

(Ah eh ano eh.)

Ano daw???

"Tuloy ba o hindi? Para makauwi na ko dyan."

(No. Huwag ka munang uuwi, Garnett.)

"Ha? Bakit?"

(Basta dyan kalang, huwag ka munang aalis dyan.)



*toot.toot.toot*


Tss, babaan daw ba ako?

Paglabas ko ng restaurant napahinto muna ako. Hays, saan kaya ako maghihintay dito?! Pasaway talaga yung tatlong 'yon!

After that naupo muna ako dito sa gilid. Hingang malalim tapos tingin sa paligid. Kinuha ko yung phone ko, tapos check ng mga photos.

Napapangiti naman ako sa mga photos ni Raven, heto yung sa intramuros.

"Hays, aaminin ko .. hanggang ngayon, gusto parin kita."- bulong ko sa sarili ko.

"Alam ko at nararamdaman kong gusto mo rin ako, pero ayoko ng masaktan. Ayoko lang ulit maramdaman yung sakit na naramdaman ko nung umasa ako na may pagtingin ka sa akin noon, pero ang totoo .. wala."- pagpatuloy ko pa.


Hays!




"Gustong-gusto kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig ko, agad akong napatingin sa gilid ko at napatayo bigla.

H-He's here ..

May dala syang flowers ..



DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG

"R-Raven .."- hindi ako gaano makapag-salita.

Marahan syang lumapit sa akin, seryoso lang ang mukha nya habang nakatingin sa akin.

"K-Kanina kapa nandyan?"- tanong ko

"Ano sa palagay mo?"

Napalunok ako, narinig nya mga pinagsasabi ko kanina. Tsk!

"Iniisip mo parin na hindi parin totoo ang nararamdaman ko ngayon para sa'yo, okay lang .. tanggap ko dahil niloko kita noon, deserve ko na kailangan kitang maintindihan dahil nasaktan kita."

Tsk, bakit naman parang nakokonsensya ako ngayon?!

"Isa lang ang masasabi ko at isa lang ang dapat mong tandaan, maghihintay ako hanggang sa magustuhan mo ulit ako katulad ng dati."

Hindi ako makapag-salita. Bakit pakiramdam ko nasasaktan ko sya?

"For you."- he smiled slight habang inaabot sa akin yung flowers.

Ngumiti lang rin ako ng slight at marahang kinuha sa kanya yung bulaklak.

"S-Salamat .. pero p-para saan 'tong bulaklak?"

Napangiti naman sya at huminga ng malalim.

"Nothing, just for you."

Napapalunok ako at napatango-tango nalang.

Natahimik na, awkward.

"A-Ahm .. bakit hindi ka pumasok kanina dito?"- tanong ko

"May gagawin kasi sana ako kaso hindi ko rin naman itinuloy."

Napa-ah nalang ako.

"Oh Raven anak?"

Napalingon naman kami parehas, si Ma'am Charlene. Napatingin sya agad sa akin at sa bulaklak na hawak ko.

OMG?!

"Oh? Something's fishy?"- nakangiting tanong ni Ma'am Charlene. My god Garnett ano ba irereact mo dyan???

"M-Mom just .."

"By the way Raven anak, bago ko makalimutan. Happy Birthday!"

Nagulat ako bigla sa sinabi ni Ma'am Charlene kay Raven, tapos napatingin ako sa kanya.

What??? Birthday nya ngayon??!

B-Bakit hindi ko alam na birthday nya ngayon????

Napatingin sya sa akin sandali.

"Tara na Raven, magcecelebrate pa tayo ng Birthday mo."- Ma'am Charlene said

"But Mom hindi na kailangan."

"Kahit simpleng dinner lang anak."

Natatahimik na ako sa isang tabi. Bakit ganun? Hindi ko alam na birthday nya ngayon? Kaarawan nya pero ako pa ang binigyan ng bulaklak?! Gossshh!

Tumingin ulit ako sa kanya, sya rin tumingin sa akin.

"Ahm .. m-mauuna na po ako."- biglang sabi ko.

"Ihahatid na kita."- Raven said

"H-Hindi na."- sabay lakad ko ng mabilis.

Waaaaaa!!! Ano bang gagawin ko???

Tsk, nahihiya ako eh, nahihiya ako dahil wala akong maireregalo sa kanya! P-Paano yan?! Tsk.



KINABUKASAN

Hindi ako mapakali. Dapat ko ba syang regaluhan? O huwag na? Pero hays, gusto ko syang bigyan ng gift.

Tapos hindi ko pa sya nabati ng happy birthday. Hay naku talaga!

"Huy Garnett anong problema mo dyan? Bakit ang tahimik mo?"- Elisha ask

Napahinga ako ng malalim.

"Wala."- i said nalang

"Oo nga pala, anong nangyari kagabi? Nag-kita ba kayo ni Raven?"- napatingin naman ako kay Ami.

"Guys."- i said tapos huminto muna ko sa paglakad.

Tumingin silang tatlo sa akin.

"Alam nyong pumunta doon si Raven kagabi?"- tanong ko

Nagulat naman sila at nag-katinginan. Hays, sabi na eh.

"Actually Garnett yes."- Hazel said

"Bakit nyo ginawa 'yon? I mean bakit pinapalabas nyo pang aalis tayo yun pala hindi nyo ko pinapaalis doon dahil pupunta si Raven."- i said

"Actually dapat talaga hindi ganun ang mangyayari Garnett, may big surprise sana sa'yo si Raven kaso .."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Elisha.

"A-Anong ibig nyong sabihin? Anong big surprise?"

"Birthday nya kahapon, gusto nyang i-surprised ka kaso nga nakita ni Raven na yakap-yakap mo si George kahapon kaya ayun .. nasaktan."- Ami said

Hindi ako makapag-salita, kaya ba hindi nya ako pinapansin kahapon dahil doon?

Tsk, Garnett?! Nasasaktan mo ang may birthday kahapon! Napapalunok ako, k-kailangan kong bumawi.

"Mauna na kayo sa school."- i said

"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"- Ami ask

"Basta."- pagkasabi ko nun naglakad na ako palayo. Tsk? Kailangan may bilhin ako kahit chip lang. Pang present lang ba? Pero nakakahiya 'yon. Hays!

Naglakad-lakad ako at nagtingin-tingin sa mga tinda sa paligid. Ano kayang pwedeng ibigay sa kanya?

May umagaw naman ng pansin ko bigla.

Lumapit ako roon at agad kinuha yung nag-iisang keychain na medyo kamukha nya. Heto nalang kaya? Kamukha naman nya eh. Hays! Bahala na.

Pagkabili ko nun nagmadali na akong pumasok sa school dahil baka ma-late pa ko.

Nakita ko naman bigla si George at Raven na magka-harap, ang sama ng awra nilang dalawa.

Lumapit agad ako sa kanila.

"George, Raven?"

Napatingin silang dalawa sa akin.

Napansin kong napahinga ng malalim si Raven, si George naman ngumiti ng slight sa akin.

"Nandito kana pala, Garnett."- George said

"Anong nangyayari? Nag-aaway ba kayo?"- tanong ko

Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Hindi naman."- George answered

Tumingin ako kay Raven, ang sama lang ng aura nya.

"Ahm sige na Garnett, kitakits nalang mamaya."- George said

Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Pagkaalis ni George pagtingin ko kay Raven papaalis narin.

"Raven wait."- sumunod ako sa kanya

Tumingin naman sya sa akin, nakabugnot ang noo.

"What?"- he ask

"Ahm .. b-belated happy birthday."- i said

Unti-unting nawawala ang mga kunot ng noo nya. Hindi naman sya sumagot.

Kinuha ko yung keychain na chibi na kamukha nya.

"G-Gift ko, pasensya na dyan ha."- inaabot ko sa kanya.

Nakatitig lang sya sa keychain na hawak ko, ayaw pang kunin.

"Ayaw mo ba?! Huwag na nga."

"Syempre gusto ko!"- inagaw nya agad sa akin.

"Tss akala ko ayaw mo eh."

"Kapag galing sa'yo matik na gusto ko."- he said

Napa-tigil ako at napangiti nalang. Napapangiti rin naman sya habang pinagmamasdan yung keychain.

"Binili ko yan dahil kamukha mo."- i said

Tumingin sya sa akin, umiwas naman ako ng tingin.

"Ah so ibig sabihin iniisip mo ang mukha ko kanina."

Tss, ang hangin.

"S-Sige na, mauuna na ako sa classroom."- palakad na sana ako nang hawakan nya bigla ang kamay ko.

"Sabay na tayo."- malambing nyang sambit.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Hindi na ko nakapag-react pa, naglalakad kaming dalawa ngayon habang hawak-hawak nya ang kamay ko.

"Akala ko, hindi ko na maririnig na babatiin mo ko ng happy birthday."- he said

"Siguro dapat talaga hindi na?"

Napatingin sya sa akin.

"Hindi ko malalaman na birthday mo kahapon kung hindi ko pa narinig kay Ma'am Charlene."

Natawa naman sya ng konti.

"Tapos nalaman ko pa sa tatlo na balak mo akong i-surprised kahapon. I'm sorry if nasaktan kita ng hindi ko alam."

Natahimik sya at medyo nawala ang mga ngiti nya.

Hays, hindi ko alam kung anong meron sa ating dalawa ngayon Raven. Pero ang alam ko lang, kahit nasaktan ako noon, ayokong masaktan ka ngayon.

"May tanong ako."

Napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo ba sya?"

Medyo nagulat ako sa tanong nya.

Ayokong sabihing hindi ko gusto si George, dahil kahit papaano naman gusto ko ang personality ni George.

"Oo, gusto ko sya."- i said

Tumingin sya sa akin.

Napahinto sya sa paglakad, medyo nagsalubong ang dalawang kilay nya.

"You liked him?"- he ask again

Marahan akong tumango. Napa-sigh sya.

"Kung gusto mo sya anong meron sa ating dalawa ngayon?"- medyo pagalit nyang tanong.

Hindi ako makasagot, gusto ko sya pero ikaw ang mahal ko, Raven. Gosh, bakit hindi ko masabi???

"Y-Yeah gusto ko sya, kasi ..."

"Kasi ano?!"

Napapalunok ako.

Napahinga ako ng malalim.

"Ma----"

"Okay fine, i knew it! Siya ang gusto mo."- pagkasabi nya nun umalis sya sa harapan ko.

Napahampas ako sa noo ko, mygudnessss Garnett! Bakit naman kasi hindi ka pa umamin?! Bakit hindi mo pa itinuloy sabihin sa kanya na mahal mo sya?!

Hays!






To be continued ...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 214 42
R.J.C.E.D Heartthrob By: @c_sweetlady Limang magkakaibigan na may solid na samahan ang minsang sinubok dahil sa isang pangyayari-nan...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
191 109 20
MAHAL KITA... alam mo ba yung pakiramdam ng magmahal sa isang tao na hindi naman nito alam na gusto mo sya? yung tipong gugustuhin mong pumasok ng sa...
39K 1.1K 33
Meet Scarlett Davina Del Louise Grande, a woman whom everyone calls PLAYGIRL, posing as a lesbian to prevent what happened years ago but even as her...