The Waiting Game

By CA_Flockhart

24.2K 1.1K 1K

(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay... More

"The Second Time Around"
THE WAITING GAME
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
Bonus Chapter
THE LAST CHAPTER

29.

343 22 14
By CA_Flockhart

            INABOT ni Blaire ang cellphone niya sa ibabaw ng kanyang nightstand at sinagot ang tawag na kanyang natanggap. "Hello?" sagot niya sa tawag habang pumipikit-pikit pa dahil sa sinag ng araw. Nakalimutan pala niyang isara ang blinds ng kuwarto niya.

            "Moooommy! Good morning!" matinis na sigaw ni Lara sa kanya. Nailayo pa nga ni Blaire nang bahagya ang cellphone sa lakas ng sigaw ni Lara.

            Blaire chuckled and said, "Good morning, Sweetie. What is it?"

            "Mommy, let's go out!" masayang yaya ni Lara sa kanya.

            "Sweetie, I told you that Mommy might need to go to work today," rinig ni Blaire na frustrated na sabi ni Exequiel sa anak nito sa kabilang linya. Hindi napigilan ni Blaire na matawa nang mahina.

            "I don't need to go to work today," sabi ni Blaire. "Take Lara here and I'll take her to the mall to watch the movie she wants," dagdag ni Blaire.

            Bumuntong-hininga si Exequiel sa kabilang linya at sinabing, "I'm really sorry, Wife."

            "Sorry for?" tanong ni Blaire.

            "I can't tame the little devil today," nakasimangot na sagot ni Exequiel habang pinapanood niya ang anak niyang bigla na lang tumayo mula sa long couch at habulin si Manang Renalyn sa kung saan.

            "Like father, like daughter," natatawang komento ni Blaire. She stood up from her bed, wore her robe, and went to the bathroom. "Exequiel, wait lang, hilamos lang ako," paalam niya sa binata.

            "Take your time, but don't hang up," sagot ni Exequiel sa kanya.

            Binaba ni Blaire ang kanyang cellphone sa tabi ng lababo at naghilamos. Nang matapos siya ay pinunasan niya ang mukha gamit ang maliit na tuwalyang naka-fold sa tray na nasa tabi ng lababo.

            Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin.

            She still looks tired.

            These past few weeks, kahit anong gawin niyang pahinga, pagod pa rin siya. Mabigat ang katawan niya, masama ang pakiramdam niya, pati na ang ulo niya'y mabigat ang pakiramdam.

            It has been three weeks as well since Xavier found out about everything, including her pregnancy. It has also been three weeks since something happened between her and Xavier in that house that he built for him and her; for their future family.

            Hindi na ito muling nagparamdam sa kanya. Ang huling pag-uusap nila ay no'ng ihatid siya nito pauwi sa condo niya after everything that happened to them that day.

            After Xavier left her in front of the building that she lives in, she took a cab and went to her own house. She also didn't visit her condo unit in three weeks. She doesn't want to because it's full of memories of Xavier.

            "Devan?" dinig ni Blaire mula sa cellphone niya. Bumalik siya sa realidad dahil do'n.

            Binaba niya ang tuwalyang nagamit sa ibabaw ng bathroom counter niya at lumabas habang hawak-hawak ang cellphone niya.

            "I'm here," sagot ni Blaire kay Exequiel.

            "Eat breakfast. We're coming over once Lara's done taking a bath," sabi ni Exequiel sa kanya.

            "I'm not in the mood for breakfast," sagot ni Blaire.

            "Devan," seryosong tawag sa kanya ni Exequiel.

            "Okay. I'll eat oats," natatawang sagot ni Blaire. "Make Lara wear the white dress I bought for her recently. She'll look like a doll in it," sabi ni Blaire kay Exequiel.

            "Okay," sagot ni Exequiel. "Eat your oats, and maybe drink milk too. Huwag matigas ang ulo mo, Wife," bilin ni Exequiel. "I can call one of your household helpers to confirm it," dagdag ni Exequiel.

            "Stalker," natatawang sagot ni Blaire.

            "Stop it," sagot ni Exequiel sa kanya. "Do you understand what I'm asking you to do, Wife?"

            "Of course! Anong akala mo sa'kin? Si Lara?" natatawa at pabirong sagot ni Blaire.

            Exequiel laughed so hard and said, "Sige na. Eat your breakfast."

            "Mommy!" dinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Lara nang makapasok ito sa kanyang bahay. Nakangiting sinalubong naman ni Blaire si Lara at binuhat ito. "Mommy, you're wearing white too!" masayang sabi ni Lara bago halikan nang madiin si Blaire sa pisngi.

            Blaire giggled and said, "I'm going on a date with my baby today."

            "I'm baby, 'di ba Mommy? Daddy, I'm Mommy's baby!" sabi nito.

            "Yes. Yes. You're Mommy's baby," natatawang sagot ni Exequiel bago halikan sa noo si Blaire. "I told you to stop carrying her because she's too heavy for you," sabi ni Exequiel at kinuha niya si Lara mula kay Blaire.

            "Kaya nga ako naggy-gym 'di ba?" natatawang sagot ni Blaire.

            "You look beautiful, Wife," nakangiting sabi ni Exequiel kay Blaire.

            "Mommy is beautiful," dagdag naman ni Lara.

            "Hep! Sweetie, 'wag natin masyadong purihin si Mommy kasi yayabang," pabirong sabi ni Exequiel sa kanyang anak.

            "Parang sira 'to!" asar na sagot ni Blaire.

            Ngiti lamang ang isinagot ni Exequiel at hinawakan na niya ang kanang kamay ni Blaire gamit ang kanyang kaliwang kamay habang buhat-buhat naman ng kanang braso niya si Lara. "Let's go," yaya ni Exequiel.


            HINAWAKAN ni Blaire ang kamay ni Lara pagkatapos silang kapkapan sa entrance ng mall. Iniwan sila ni Exequiel sa mall dahil may mga meeting ito ngayong umaga. Wala naman kaso iyon kay Blaire dahil close na close naman na sila ni Lara.

            Sa sobrang close nila ay parang ayaw na talagang mahiwalay ni Lara sa kanya kaya madalas siya nitong niyaya at pinipilit na lumabas. May isang beses pa nga na sinabi nitong tumira na lang daw siya sa bahay ni Exequiel.

            So pure and cute, isip ni Blaire.

            "What do you want?" tanong ni Blaire habang nakatingin silang mag-ina sa menu ng ice cream shop.

            Ice cream talaga ang unang-unang hinihingi sa kanya ni Lara, at dahil nakapag-almusal naman ito nang maayos ay papayagan niya ito. Hindi nga lang ito makakaulit mamaya. As much as possible kasi, Exequiel limits Lara's sweet desserts in once a day or kung pupuwede ay once in two days.

            "Kitkat," sagot ni Lara habang nakahawak sa kamay ni Blaire.

            "One regular Kitkat, and one medium Double Dutch," sabi ni Blaire sa cashier at binayaran na rin niya agad ang mga iyon. "Let's go find a seat," nakangiting yaya ni Blaire kay Lara.

            Tumingin si Blaire sa labas.

            Sobrang daming nangyari sa kanya and it all led to Xavier finding out that she was pregnant with his unborn child a long time ago and finding out about everything—her feelings and reasons. It also led to Xavier fucking her until she can't stand the idea of fucking Xavier anymore.

            God, I'm so stupid, isip ni Blaire.

            "Mommy?" rinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Lara.

            Tiningnan niya ito at ngumiti.

            "Are you sad?" tanong ni Lara.

            Nagtatakang tiningnan niya ang bata dahil sa tanong nito. "Why? Does it look like I'm sad?" tanong niya kay Lara at tumango-tango naman ito. Ngumiti lang ito bigla nang dumating na ang ice cream nilang dalawa.

            Gano'n na ba talaga kahalata sa kanya na may dinaramdam siyang sakit at pati bata ay nagtataka na rin at napapansin na ring may mabigat siyang dinadala?

            "Daddy said ice cream can make someone feel better," nakangiting sabi ni Lara kay Blaire. "Eat, Mommy," dagdag nito.

            Blaire chuckled and nodded to Lara bago sumubo ng isa mula sa kanyang ice cream cup. Nag-ring naman ang cellphone niya and she saw Exequiel's name flashing on her phone's screen.

            "Your father's calling," balita ni Blaire kay Lara at natawa siya nang balewalain ito iyon, samantalang dati'y parang gusto pang agawin ni Lara mula sa kanya ang cellphone niya mauna lang itong mag-hi sa ama nito. "Yes?" sagot ni Blaire sa tawag.

            "I can't make it to lunch. May meeting ako. Take care, okay?" sabi ni Exequiel.

            "Lara, your dad can't make it to lunch," sabi ni Blaire kay Lara at natawa na naman siya nang magkibit-balikat lang ito. "Your daughter doesn't seem to care anymore," sabi ni Blaire kay Exequiel na ikinatawa ng binata.

            Kumakain na naman siguro sila ng ice cream, isip ni Exequiel.

            He badly wants to leave his company already and be with his family. Gusto niyang lumabas kasama si Blaire at ang anak niya dahil gusto niyang bumawi sa mga ito. Ang tagal niya rin kasi sa Melbourne.

            "Boss," mahinang tawag sa kanya ni Misty habang nasa harapan sila ng pintuan ng conference room. "Meeting," paalala ni Misty sa kanya.

            Tumango siya. "Ingat kayo," sabi ni Exequiel kay Blaire. "And I'll see the both of you sa bahay mamaya," paalam ni Exequiel.

            Binaba na ni Blaire ang tawag at ipinagpatuloy ang pagkain ng kanyang ice cream.

            "Mommy, someone's looking at you," biglang sabi ni Lara sa kanya.

            Tiningnan ni Blaire si Lara at sinundan niya ang tinuturo nito.

            Muntik nang mabitawan ni Blaire ang kutsarang hawak-hawak nang makita niya si Xavier na seryosong nakatingin sa kanya at naglalakad papunta sa loob ng ice cream shop.

            What the fuck? mura ni Blaire.

            "Hi, Love," malamig na bati ni Xavier nang makapasok ito sa ice cream shop at makalapit kay Blaire.


            KUMUNOT ang noo ni Exequiel nang makita niyang lumabas ang kotse ni Blaire mula sa bahay nito. Blaire texted him to come to her house dahil gustong pumunta ni Lara sa bahay nito kanina.

            Hindi alam ni Exequiel kung saan papunta si Blaire pero sinundan niya ito. Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na pagdradrive ay tumigil ang kotse ni Blaire sa tapat ng isang malawak na puting bahay na puro glass walls na may blinds.

            Exequiel followed Blaire's movement with his eyes as Blaire went out of her car and stood in the middle of the road. Nanatiling nakatingin lang si Blaire sa bahay sa tapat nito na nakabukas ang mga ilaw sa labas.

            Whose house is this? isip ni Exequiel.

            Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ni Exequiel na lumabas ng kanyang kotse. He's worried about Blaire and he's curious kung kaninong bahay itong pinagmamasdan ni Blaire na may pagkakatulad din sa mismong bahay ni Blaire.

            Nakapamulsang sumandal si Exequiel sa harapan ng kanyang kotse.

            Pinagmasdan niya muna si Blaire and he can clearly see the sadness in the eyes of the woman he loves from where he is standing.

            From that, may clue na siya kung kanino related ang bahay.

            He felt his heart being clenched by the creeping pain. Fuck, mura ni Exequiel. Tanggap naman niyang iba ang mahal ni Blaire. Tanggap naman niyang hindi pa rin ito nakakawala sa nakaraan at alam din naman niyang gano'n din si Xavier.

            But he can't help but to feel hurt kahit tanggap niya. Tao lang din naman siya 'no. Hindi naman siya manhid para hindi makaramdam ng sakit. Sino bang hindi masasaktan kung ang babaeng mahal na mahal mo ay may mahal na iba?

            He knows he was just making a fool out of himself for the years that he stayed, and he is staying by Blaire's side kahit na hindi na nito masuklian ang pagmamahal niya. But damn it, she's Blaire, isip ni Exequiel. She's the love of my life, my strength and weakness, my queen, my forever. I can't ever let go.

            There was actually a time that he thought that Blaire and Xavier will be back together. No'ng birthday kasi ni Benjie ay naimbitahan si Xavier na dumalo dahil namiss ito ng mga inaanak nito.

            Exequiel saw how much Blaire and Xavier comforted each other that day. Exequiel saw how Blaire smiled when she was talking with Xavier. Don't get Exequiel wrong; he's happy that Blaire's happy with Xavier for a while, but he's hurting deep inside that time.

            Pero ang kasiyahan at kaligtasan lang naman ni Blaire ang hiniling niya noon, hinihiling niya ngayon, at alam niyang hihilingin niya pa rin sa hinaharap. If being happy means not being with him, then it's fine, he will let her be happy with someone else.

            However, the thought that Blaire and Xavier will be back together suddenly vanished. Sinira na naman ng mga ito ang isa't isa. Exequiel can see how much Blaire and Xavier destroyed each other this time.

            A relationship that is so toxic that it left two people destroyed and miserable.

            Nakita ni Exequiel na nilingon siya ni Blaire.

            "Whose house is it?" tanong ni Exequiel at malungkot siyang nginitian ni Blaire.

            He walked towards her and stood beside her.

            "Why do you look so sad?" tanong ni Exequiel.

            "I don't know why I feel like I have to say sorry to you, Exequiel," sagot ni Blaire na wala man lang koneksyon sa tanong niya kaya nagtaka siya.

            Why is she going to say sorry? isip ni Exequiel.

            Something indeed happen no'ng wala siya, no'ng nasa Melbourne siya, and he's sure he's about to find out right now what happened while he was away and the connection of the white house in front of them to Blaire and Xavier.

            Slowly, the pain is crawling around his heart.

            "What do you mean?" tanong ni Exequiel.

            "I'm sorry," sagot ni Blaire.

            "I'm confused. Why are you sorry?" naguguluhang sagot ni Exequiel.

            "Like I said, I don't know," sagot ni Blaire at ibinalik nito ang tingin sa bahay.

            "Whose house is it?" tanong ni Exequiel.

            "Xavier's, I guess," sagot ni Blaire.

            Nagtatakang napatingin si Exequiel sa bahay. Pa'nong naging bahay ito ni Xavier eh wala naman ito sa listahan ng mga properties na ibinigay nito sa kanya noon para bigyan ng seguridad? Xavier actually hired a security team from Exequiel previously.

            Pumayag naman si Exequiel na bigyan ito ng kailangan nito because there is a clear line between personal and business matters. Babayaran naman siya nang maayos ni Xavier, so why not accept Xavier's request for business?

            Blaire knows it. Hindi iyon tinago ni Exequiel sa kanya.

            "How did you find this?" tanong ni Exequiel.

            "I followed his secretary when he went missing because I figured that his secretary may have an idea where his boss is at tama nga ako," sagot ni Blaire.

            Tumango-tango si Exequiel bilang sagot at nanahimik na siya. Ngayo'y naiintindihan na niya kung bakit mukhang malungkot si Blaire habang nakatingin sa bahay. Nandito lang pala ang lalaking hinahanap nito noong mga panahong nawala ito bigla and no one has an idea, even his girlfriend named Allie, where he is.

            "He knew about our child," dagdag ni Blaire.

            Napatingin si Exequiel kay Blaire sa narinig. Agad siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa babaeng mahal na mahal niya. Pero kasabay ng pag-aalala na iyon ay ang kaba sa mga susunod na sasabihin ni Blaire.

            Something will pierce your heart, isip ni Exequiel.

            "He knew that's why he ran away," dagdag ni Blaire. "He loathes me...I had no choice but to tell him everything..."

            Fuck, malapit na, isip ni Exequiel. He can feel the tip of that sharp thing on top of his heart, waiting for its signal to pierce into it.

            "Then one thing led to another," dagdag ni Blaire. "Eventually, we fucked."

            And just like that, the sharp thing buried itself deep into Exequiel's heart na napapikit na lang siya sa biglaang pagdaloy ng sakit.

            Stop. Get ahold of yourself, isip ni Exequiel.

            Narinig niya ang mahina't sarkastikong pagtawa ni Blaire at unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Goddamn it, mura ni Exequiel. Fuck, fuck, fuck.

            "He was so angry that even in bed I felt the intensity of his pain and anger. Gano'n ba ako kasama?" tanong ni Blaire sa kanya pero hindi niya ito sinagot. Nanatili siyang nakatingin sa bahay at ramdam niya ang patuloy na pag-igting ng kanyang panga.

            Tangina, mura ni Exequiel. Tangina talaga.

            "I guess, I am," sabi ni Blaire pagkatapos nitong tumawa nang mapait.

            Fucking pain, isip ni Exequiel.

            Hindi lang siya sinaksak sa puso. Para ring biglang may martilyo na pumupukpok sa dulo ng pangsaksak sa kanya para mas bumaon ang pagkakasaksak no'n sa kanyang puso. Tapos parang may mga sumusuntok pa sa puso niyang duguan na.

            Bullshit, isip ni Exequiel. You know so damn well that you don't deserve that much pain, Devan, isip niya.

            Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa naisip. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa naisip. Sinasaktan na nga siya. Sinasaksak, pinupukpok, at sinusuntok, pero si Blaire pa rin ang iniisip at iniintindi niya.

            Damn it, martyr nga ako. Am I really the devil if I am like this? I deserve to be a fucking saint, isip ni Exequiel.

            "How many times?" galit na tanong ni Exequiel pero mahina lang ang kanyang boses.

            Hindi siya sinagot ni Blaire.

            "How many times?" ulit niya, but this time his eyes were on Blaire.

            Nagagalit siya. He's angry at fate and the universe for making Blaire suffer like this. He's angry at Xavier for using sex to get even with Blaire. That motherfucker deserves to rot in hell for hurting Blaire like this. That asshole doesn't know what Blaire has been through. He's angry at himself for not being able to really be angry at Blaire; for not being able to push Blaire away and not having the strength to let her go.

            He's not really angry at Blaire. He's just disappointed. He's disappointed because he gave herself up just like that.

            "I'm sorry," sabi ni Blaire sa kanya at hinawakan nito ang kanyang kamay.

            How can I be such a fool? isip ni Exequiel. Bakit ang tanga-tanga niya't hindi niya kayang magalit kay Blaire at hindi niya kayang ipagtabuyan ito? Fucking love, isip niya.

            Huminga nang malalim si Exequiel at liningon niya si Blaire na nakatayo sa kanyang gilid. Nakita niyang nakayuko ito habang hawak-hawak ang kanyang kamay at nakaharap sa kanya. Shit, mura ni Exequiel.

            Exequiel grabbed Blaire's right arm and pulled her immediately towards his body. Then, he wrapped his arms around her tightly.

            At wala pang isang segundo ay narinig ni Exequiel ang mga hikbi ni Blaire. Napapikit na lang siya dahil sa kanyang naririnig at dahil sa panginginig ng mga balikat ni Blaire sa pag-iyak. He knows she's been keeping it all inside for the past weeks.

            Hindi ito umiyak no'ng last therapy session nito. Hindi ito umiyak kahit kailan.

            "I'm sorry because I was not here," bulong ni Exequiel. "I'm sorry that he had to do that to you. I'm sorry that I can't do anything to take away the pain," dagdag niya.


            LININGON ni Exequiel si Blaire. Napabuntong-hininga na lang siya habang nagmamaneho. Natutulog si Blaire sa may passenger's seat at pina-drive na lang niya kay Franz, na mga kasunod din naman nila kanina, ang sasakyan ni Blaire pauwi.

            Humigpit ang pagkakahawak ni Exequiel sa steering wheel nang maalala niya ang mga sinabi ni Blaire kanina. The pain is still there. Hindi iyon agad nawala, hindi katulad noon.

            Damn it, mura ni Exequiel.

            Huminga siya nang malalim to calm himself down. He can't unleash the beast. Hindi puwede because he needs to stay by Blaire's side now. And unleashing the beast and becoming the devil he is outside of business is not really good.

            Exequiel's right hand reached for Blaire's and just like that he can feel control.

            Nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya ito gamit ang earpiece na nasa kaliwang tainga niya. "What?" bungad ni Exequiel sa tumawag.

            "Sir, tulog na po si Lara," sabi ng nasa kabilang linya. Napagtanto ni Exequiel na isa sa mga kasambahay ni Blaire ang tumawag sa kanya. "Sige po, Sir, pinapaalam ko lang po sa inyo at nandito po kami sa guestroom malapit sa kuwarto ni Ma'am. Ingat po kayo ni Ma'am," dagdag nito at tinapos na nito ang tawag.

            "Is Lara okay?" biglang dinig ni Exequiel at naramdaman din niya ang pagpisil sa kanyang kanang kamay.

            Liningon niya si Blaire at tumango siya. "She's already sleeping," sagot ni Exequiel.

            Tumango-tango si Blaire at bumalik sa pagkakatulog.

            Pagdating sa bahay ni Blaire ay si Exequiel na ang nagbuhat sa dalaga papunta sa kuwarto nito. He laid her on her bed and took off her shoes. Siya na rin ang nagpalit ng damit nito. Wala siyang pakielam kung makita man niyang naka-underwear lang si Blaire, all he cares is for her to be comfortable in her sleep.

            Nang matapos niyang ayusin si Blaire ay umakyat siya ng kama ni Blaire at tinabihan niya ito. He covered them well with Blaire's comforter before pulling Blaire towards his body and hugging her tight by the waist.

            Sinilip niya si Blaire na nakatalikod sa kanya. Tulog na tulog si Blaire. Parang ngayon lang ito nakatulog nang medyo maayos sa loob ng ilang linggo.

            Bumuntong-hininga si Exequiel at inihiga ulit niya ang ulo sa unan ni Blaire. He can smell the shampoo on Blaire's hair. He pulled her closer, intertwined the fingers of his right hand with the fingers of Blaire's right hand on top of her stomach, and closed his eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 423 48
"Why? Tell me the reason why! Kahit 'yon na lang, Edson. Kahit 'yun na lang," I pleaded to him. Hindi ko alam kung bakit. Maybe for my sanity. Para a...
4.7K 63 26
Love is worth risking....
17.5K 934 45
Kiela just wanted to make a call on the rooftop of the hospital where her friend got admitted because of a minor injury. She wasn't expecting to see...
77K 1.7K 53
Beige Crimona Samaniego. She had lived her life believing that she is to become archenemies with her rival, the ever handsome and evil, Christian Har...