Love and Lost (On Going - Und...

laymedown_07 tarafından

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... Daha Fazla

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER VIII; Unexpected Duet

38 37 9
laymedown_07 tarafından

Vote, comment and follow. Thankies! 😍♥️

-KIANDRA-

Kinabukasan...

Maagang-maaga akong nag-asikaso para pumasok. As in madilim pa lang. Dinala ko ang gitara ko.

Daraan pa kasi ako sa Unknown bar bago ako tuluyang pumuntang school. Kailangan ko pa raw kasi mag reherse para mamaya. Tutugtog kasi ako roon. Solo. And i hate it. Ewan ko ba. Kinakabahan kasi ako kapag nasa ibabaw na ako ng stage. Mapaliit o mapalaking stage pa iyon. Nung time lang talaga na kasama si Lars malakas ang loob ko. I don't know why.

Nang makarating ako sa unknown bar, ay agad akong dumeretso sa kinaroroonan ni Ralph.

"Ralph!" Tawag ko sa kaniya na agad naman itong napalingon.

"Kia! Ang aga mo ha"? Natawa pa ito sandali bago magpatuloy. "Are you ready"? Sambit nito na may malawak na ngiti.

"Yes. You know I'm always ready".

"'Yan ang gusto ko sa'yo eh". Sabay tawa niya ulit.

Hindi naman siya masaya niyan? Napailing na lang ako.

Hinanda ko na ang gitara ko at umayos ng tindig. Nagsimula akong mag strum.

🎶You have a way of coming easily to me
And when you take, you take the very best of me
So I start a fight 'cause I need to feel somethin'
And you do what you want 'cause I'm not what you wanted

Oh, what a shame
What a rainy ending given to a perfect day
Just walk away
Ain't no use defending words that you will never say
And now that I'm sittin' here thinkin' it through
I've never been anywhere cold as you🎶

Naalala ko na naman tuloy bigla siya dahil sa lyrics ng chorus. 'Rainy Ending'. Malakas ang buhos ng ulan nung panahong pinutol mo ang natitirang namamagitan sa ating dalawa. Kahit man lang pagkakaibigan natin, hindi mo pinalagpas at pinutol rin.

Napangiti ako ng mapait. Tumayo na ako at bumaba ng stage. Rehearsal lang naman ito, kaya okay lang kahit hindi ko na tapusin.

"Daan ka ulit dito mamaya after ng class mo, hmm"? Bungad sa akin ni Ralph pagkababa ko ng stage. Tinanguan ko na lang siya at nagtungo na sa exit ng bar.

Nang palabas na ako ng unknown, nakasalubong ko si Lars.

"What are you doing here"? I asked.

"Ahmm? Tumutugtog rin ako rito remember"? Nakataas ang isang kilay niyang tugon.

Oo nga naman Kia! Assumera ka! Pero infair. Ang aga ha. I murmured to myself.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na. Bahala siya jan. Papasok pa ako.

At school...

Pagkarating ko sa school, saktong 7 am na. Sakto ako. Hindi ako late. Nilakad ko lang kasi, dahil exercise rin naman ito.

"Good morning class". Bungad ng prof naming si Ms. Lorenzo.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko nang tawagin ako ni ma'am. "Ms. Lunox"?

"Yes ma'am"?

"Where's Mr. Montallana"?

Bakit niya sa akin tinatanong? Hanapan ba ako ng mga hambog?

Napakamot naman ako sa kilay ko. "Miss. I don't know where he is".

"Okay". sabay sulat niya sa white board. Umupo na ako pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko.

"How nurses use math in their work..." pagpapasimula niya. "There is a practical reason why nursing degree programs include required courses in mathematics. In their daily lives, nurses use basic math skills a great deal". Dugtong niya. "Equations, ratios and fractions aren't just abstract concepts when it comes to the field of nursing, according to The Houston Chronicle".

"All of you need these skill in the future for your future patients, in order to accurately administer medications, take measurements, calculate and interpret other medical data".

Kung ano-ano pang diniscuss niya buong klase about importance ng nursing hanggang sa natapos na lang ang oras niya.

Nang matapos ang lahat ng klase ko sa lahat ng subjects, dumeretso na agad ako sa unknown bar para tumugtog.

"Hi Kia! Get ready at kayo na ang susunod".

Kayo?

Napakunot ang noo ko.

Pina-akyat na ako ni Ralph sa stage at pinatugtog na. Iniwan ko na rito ang gitara ko kanina para nga sa ngayon.

"Ikaw at Ako ang kakantahin niyo, dahil sa iyon ang request ng mga nanonood ngayon. Bagay daw kasi kayong tignan magkasama. Lalo pa raw kung kakanta pa". Natatawang bulong sa akin ni Ralph.

"Teka anong kayo? Atsaka akala ko ba cold-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ito.

"Goodluck for the both of you"! Sabay sibat at ngiti ng malawak. Napanguso na lang ako.

Ano na naman kayang balak ng isang ito?

Last time na ganito ang inakto nila ni Aaron, ay yung time na sinet up nila ako roon sa Lars na iyon.

"Tss". Wala na akong nagawa at sinimulan ko na lang i-strum ang gitara ko. Alam ko rin naman na yung kanta kaya hindi na naging mahirap para sa akin.

🎶Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako🎶

Kakantahin ko na sana yung verse II nang biglang may kumanta na no'n para sa akin. Gulat akong niligid ang paningin ko. Hanggang sa nahagip siya ng mata ko.

🎶At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi

Nakatitig ako sa kaniya habang siya, dahan-dahang umaakyat sa stage.

Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag ibig
Natin na magtatagal🎶

Maganda rin pala ang boses ng isang 'to.

Teka nga Kia! Ano bang mga sinasabi mo? Are you out of your mind?! I murmured. Pasimpleng napailing na lang ako sa naisip ko.

Naalala ko naman ang mga stolen shots niyang nakita ko sa facebook niya.

Bago pa ako makapag isip ng kung ano-ano na naman, ipinagpatuloy ko na ang pag strum ko at pagkanta.

This time duet na kami. Sabi na eh. Sabi na may balak nga ang Ralph na iyon. Idadahilan pa na kesyo request ng mga tao. If i know, sila lang ang may gusto nito.

"🎶At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon (Mula noon)
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako

At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo
Ikaw at Ako🎶"

Ang weird. Ano ba itong nararamdaman ko? Parang ewan. Ikinibit balikat ko na lang ang kakaibang nararamdaman ko.

Pagkatapos namin mag perform sa stage, dumeretso na ako sa bar counter. 3pm pa lang naman. Siguro pwede pa akong uminom kahit konti?

"Congrats sa matagumpay mong perform Kia"! Masayang bati ni Ralph. Hindi ko siya pinansin. "Tampo 'yarn? Eto naman". Hindi pa rin ako nagsalita. Masama pa rin ang loob ko.

"Hindi mo man lang ako in-inform." Nakangusong napatingin ako sa kaniya.

"Kapag ba in-inform kita, tutugtog ka pa rin"? Napatahimik ako.

May point siya. Sabi ko nga hindi na ako mag tatampo.

Napangisi naman siya. Napabuntong hininga na lang ako. "One blue hawaiian, please" Agad naman akong ginawan ni Ralph ng hinihingi ko. 

Habang nag hihintay sa drink ko, may presensya akong naramdaman sa likuran ko. "Can i join you"?

Someone asked me from behind. Sa boses pa lang, ay alam ko na kung sino ito.

Sakto namang inabot sa'kin ni Ralph ang inumin ko. Sumimsim muna ako rito at balak na sanang magsalita, nang bigla na lang siyang umupo sa katabi kong stool. Napalabi na lang ako sa inasta niya.

"Nagtanong ka pa. Ikaw rin naman masusunod".

"Ang tagal mong sumagot eh".

Ibinalik ko na lang ang paningin sa basong hawak ko. Naalala ko naman na hindi pala siya pumasok kanina. "Bakit hindi ka pumasok kanina? Hinanap ka ni Miss". Pinaglaruan ko ang yelo na nasa baso ko pagkasabi ko niyan.

"Bakit? Namiss mo 'ko"? He chuckled. Napailing na lang ako. Lakas talaga ng kompyansa sa sarili. Nawa'y lahat.

"Tss.".

"Hindi na kasi ako nakaalis rito kanina pagpunta ko ng umaga. Ang dami nilang nirequest na kanta. Hindi na rin naman ako pumasok kasi masyado na akong mahuhuli kapag pinilit ko pa". Napatango na lang ako.

Taray. Todo explain.

Napansin kong nakatingin lang ito sa akin sa peripheral vision ko, kaya napatingin na rin ako sa kaniya. Taka ko siyang tinignan. "What"?

Napailing lang siya habang nakangiti. Sunod naman siyang napatingin sa iniinom ko. "'Yan pa rin pala ang iniinom mo"?

Pa rin?

"Pa rin? Bakit feeling ko sa word mo pa lang, matagal mo na akong kilala"? Napataas ang isang kilay ko ng makita kong napangisi lang ito.

"The truth is... yes. I already know you. Apat na taon na nga ngayon e."

Wait! What?

-TO BE CONTINUED-

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

51.9K 831 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.1M 26.2K 38
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
117K 5.5K 42
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
38.5K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...