Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 33

1.2M 32.2K 16.8K
By jonaxx

Kabanata 33

Some Opportunities

Nasulyapan ako ni Noah habang nag s-strum siya ng gitara. Pagkatapos ay hinubad niya ang leash ng gitara at bumaba ng stgae. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kumalabog ang puso ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Nakaawang ang bibig ko habang nangingiti naman ang mga kasama ko doon. Lumagpas si Noah sa mga upuan namin at dumiretso sa gitna ng hall para salubungin ang kararating lang na si Coreen.

"I missed you!" Halakhak ni Noah tsaka hinawakan ang baywang ni Coreen, binuhat at inikot na parang ngayon lang ulit sila nagkita sa loob ng ilang taon.

"Sila na ba talaga?" Ngiwi ni Thea.

"Parang..." Malungkot na sagot ni Mara habang sinusulyapan ako.

Pinilit kong ngumiti habang pinapanood silang dalawa. Nahagip kami ng tingin ni Coreen at pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Noah can make her blush, alright. Now, what, Rozen? Mukha namang may gusto parin si Coreen kay Noah. Siguro ay may mga bagay lang talagang hindi namamatay, tulad na lang ng pakiramdam ko para sa kanya. But then you can always murder it, kaya mamamatay rin ito.

Yumakap din si Coreen sa kanya at hindi ko nasundan ang sinabi. Nag iwas ako ng tingin sa dalawa.

"Goodluck kiss naman diyan!" Sigaw ni Warren habang pinupulot ang drumstick ni Joey.

"Heh!" Nangingiting sigaw ni Coreen pabalik.

Pinuno sila ng kantyaw sa tatlong natira doon sa stage. Tawang tawa pa si Liam sa naging reaksyon ni Coreen.

"Sige na, please?" dinig kong suyo ni Noah na siyang ikinagulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko at agad bumaling sa kung saan sila nakatayo. Pulang pula ang pisngi ni Coreen, hindi makatingin sa makising na Elizaldeng nasa harap niya na nanghihingi ng halik.

"Meg..." Bulong ni Wella.

Hindi ako kumibo. Nanatili ang titig ko sa kanila. Hinintay ko ang halik ni Coreen para kay Noah. Pinanood ko kung paano lumapit ang mukha ni Noah kay Coreen at kung paano sinalubong ng pisngi ni Coreen ang labi ni Noah. Mukhang sasabog ang mukha ni Coreen sa sobrang pula pagkatapos ng halik. Sumipol si Liam at halos pumalakpak si Joey sa tuwa.

Tinakbo pabalik ni Noah ang distansya ng kinatatayuan nila ni Coreen at ang stage. Unti unti namang naglakad si Coreen sa red carpet, patungong harapan. Lumilinga siya at naghahanap ng maaaring upuan. Kahit na sa dami ng upuan ay nakita kong hindi siya makapag desisyon kung alin don ang uupuan niya.

"Coreen!" Tawag ko sa kanya.

"Meg?!" Dinig ko ang iritasyon sa boses ni Wella. Nagpoprotesta sa pag tawag ko kay Coreen.

"Oh my God, Well. This is not a good idea. This is not..." Ani Thea.

"Meg, ba't mo siya tinatawag?" Tanong ni Wella ngunit nginuso ko na ang upuan sa dulong tabi ko para doon na siya maupo.

Pumanhik naman si Coreen at nakita ko ang kaba sa kanyang mukha. If you think I am going to bitch about you and Noah, think again. Hindi ako pinalaking ganon ng mga magulang ko at isa pa, hindi ko pag aari si Noah. Hindi ko ipaglalaban ang mga bagay na hindi naman akin. Ang pinaglalaban ko noon ay ang sarili ko. Dahil mahal ko si Noah kaya pinaglalaban ko ang nararamdaman ko.

"Nakakainggit talaga. Sana palit na lang tayo ng kapalaran." Ngiti ko nang nakalapit na siya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "Huh? Bakit?" Ngumiwi siya.

Naalala ko ang mga ngiwi nina Warren at Joey sa gabing halos ipagtabuyan nila ako. Nangiti ako nang dalawang beses akong tiningnan ni Joey at kinawayan niya pa ako. Mukhang ngayon niya lang ako nakita simula kanina. Tinuro niya ako kay Warren kaya kumaway din siya.

Bumaling ulit ako sa nakangiwing mukha ni Coreen. I know she's fully misunderstood me. Siguro ay tingin niya ay baliw akong babae na habol nang habol kay Noah. Siguro rin ay totoo 'yon, baliw na nga yata ako noon. But I want my name cleared... kung unti unting pagbabago ang gusto ko, bago iyon ay maglilinis muna ako ng pangalan.

Ipinakita ko sa kanya ang tattoo na nasa upper abdomen ko. Kita ko ang panlalaki ng mata niya at pagsinghap.

"My God!"

Humalakhak ako. "Sorry, ah? Crush na crush ko talaga siya, e. Noon, sayang talaga, nung na in love siya sakin, umalis ako kaya ayun at binasted ko."

Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. I knew it! Hindi ako binanggit ni Noah sa kanya. Walang sino man ang bumanggit sa akin sa kanya. Sa ilang taon kong pagkawala at ilang taon nilang pagkakaibigan ni Noah ay hindi niya ako nabanggit kahit kailan. Maybe I wasn't significant. Maybe I was just his past time. His first experience, first kiss... Iyon lang iyon. And he's stalking me because he's just curious... Nagtatanong siya kay Stan dahil gusto niyang malaman kung siya parin ba. Because there's a certain empowering feeling when you know that a person is in love with you.

Tumunog ang double doors hudyat ng pagbabalik nina Wade. Tumalon talon na sina Wella sa saya lalo na dahil nagpalit ng damit si Wade. Medyo mas pumula din ang labi niya at nangingiti nang papasok doon.

"Wooo! Wade!" Sigaw nina Wella habang niyuyugyog ako.

Natawa ako sa kanilang mga sigaw. "Gwapo mo, Wade!" Sigaw ko na rin nakikisabay.

Maingay kami samantalang si Coreen ay nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang pagbabalik nina Wade.

"Hello, Zeus!" Ani Wade at dumiretso siya sa stage, kinakamayan ang lahat.

"Oh my God! He's so hot!" Singit ni Thea.

May kaonti pa silang pinag usapan bago pumwesto pabalik ang Going South sa mahabang mesa. Nagsimulang tumugtog si Liam at sumabay kami sa lumang kantang iyon.

Mukhang nagustuhan ito ng Going South. Pumalakpak lang si Wade at naisip kong papapasukin niya ang mga ito. Minsan niya rin itong naging banda. Dito siya nagsimula. Nang nakita kong tumango si Adam ay nakakasiguro na ako. Halos pumalakpak ako pagkatapos kumanta ni Liam.

Nanlaki ang mga mata ni Liam at mabilis na tumakbo sa red carpet. Sinundan namin siya ng tingin at bago ko makita kung sinong naroon ay narinig ko na ang sinabi ni Coreen.

"OMG! Reina!" Tumalon si Coreen at mabilis ring kumawala sa kinauupuan niya para sumugod kay Reina.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang malaking pagbabago ng nakababatang kapatid ni Noah. Medyo may pagka morena si Reina noon pero ngayon ay nahaluan yata ng gatas ang kanyang balat. Makinis na ang kanyang tigyawating mukha at medyo tumangkad siya. Magaling din siyang mamili ng damit. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ngumuso ako.

She's a sign of change. May mga tao talagang kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi nagbabago samantalang may mga tao namang tulad ni Reina, na may malaking pagbabago.

Bumaba ang Zeus sa stage para dumugin si Reina. Nakita ko kung paano tumayo si Zac, Austin, at Adam para tingnan kung sino ang naroon.

"Ganda, a?" Halakhak ni Zac habang sinasapak ni Adam.

Tumawa ako at umiling.

"My kind of girl." Sabi ni Austin sabay tingin kay Reina.

"Iyan ang lagi mong linya. You told me I was your type of girl. Players..." Iling ko at tumawa na rin.

Napansin ko ang titig ni Noah sa akin. Ilang metro lang ang layo naming dalawa at nakakasiguro akong narinig niya iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay tinititigan niya na naman ako ngayon gamit ang galit niyang mga mata. What's that for? I don't want to know. Napawi ang ngisi ko at napatingin na lang sa aking mga kamay.

Maaaring ang rason kung bakit hindi ko siya nakalimutan noon ay ang kawalan namin ng closure. Umalis ako na galit siya sa akin. Hindi kami nakapag usap ng maayos at inaamin ko na dahil sa kakitiran ng musmos kong pag iisip noon ay hindi ko siya naharap ng maayos. It's my fault. But it ends there. Sa sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang buwan ay masasabi kong nakapagbayad na ako sa lahat ng sakit na iyon. Wala nang mas idudurog pa ang puso ko. Maybe it's true... that you need to hit the rock bottom so you'll wake up. At tingin ko ay nauntog na nga ako sa dulo ng pagkakahulog ko kaya ngayon lang ako nagising.

We need closure. Kailangan ko iyon at kailangan iyon ni Noah. Kailangan niyang malaman na kailangan niyang tigilan ang pag ngiwi tuwing may ibang lalaking nakaaligid sa akin. He should not give me that expression.

Nilapitan ni Noah si Reina at may munti silang pag uusap doon habang ako ay abala sa pag sagot sa mga tanong nina Wella tungkol kay Reina.

"I heard ex niya si Wade Rivas." Sabi ni Thea.

Nagkibit balikat ako. I don't know, really.

"Meg, you showed Coreen your tats. For what?" Nakita ko ang pagdududa sa mukha ni Wella.

Tumawa ako. "Para makita niya lang, Well. Anyway, may plano akong patabunan ito ng dream catcher."

"What?" Nalaglag ang panga nilang lahat sa sinabi ko.

Tumango ako at ngumiti.

Because right now, I want to completely get over him.

Hinigit ni Coreen si Reina palapit sa amin. Napatingin si Reina sa akin at matipid itong ngumiti. Mabilis ang mga sinabi ni Coreen sa kanya kaya hindi ako makasingit. Isa pa ay kumanta rin sina Wade sa entablado kaya imbes na makipag kwentuhan ay natoon ang pansin ko sa kanila. Malaki ang ngiti ko habang nag fa-flying kiss si Zac sa akin.

"May gusto yata ang mga taga Going South sa'yo, Meg." Siko ni Wella sa gitna ng hiyaw.

"Biro lang 'yan, Well. Tsaka... natatakot 'yang mga 'yan sa akin dahil boss nila si Mommy." Tawa ko.

Lumingon ako sa bandang kanan kung nasaan nag hiheadbang ng kaonti si Coreen na katabi ng namamanghang si Reina. Sa malayo ay kitang kita ko ang titig ni Noah sa akin. Napawi ang ngiti ko at natigil ako sa konting pag palakpak. Sa titigan naming dalawa ay tumalikod siya at naglakad patungong double doors. Hindi ko alam kung lalabas o ano?

"Excuse me." Sambit ko para makadaan at masundan si Noah.

This is probably the last time I'm going to support them physically. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataong ito para mag usap kaming dalawa.

"Noah... Sandali." Tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "What is it?" Tanong niya.

"Noah, can we talk, please." Sabi ko.

"Ano bang pag uusapan natin? Wala akong gustong sabihin sayo." Mariing sinabi ni Noah.

Nagulat ako nang biglang dumating si Coreen sa aming gilid. I don't care. I want to talk to him for the last time.

"Noah..." Sabi ko, diretsong nakatingin kay Noah. Seryoso ako. Gusto ko lang naman kasing mag sorry sa lahat ng ginawa ko. Gusto kong sabihin na sorry kasi pinatattoo ko ang pangalan niya. I know he finds it creepy. Sorry sa ginawa ko noong high school pa kami. Sorry sa lahat. And I hope we can be friends after everything. Hindi ako mangugulo. Pero hindi ko iyon nasabi dahil ayaw kong sabihin iyon sa gitna ng pagkakairita niya. I want to talk to him sincerely.

"Ano ba? "May gagawin kami ni Coreen. Will you please stop stalking me! Naiinis ako sayo!" Mariing sinabi ni Noah.

Bumagsak ang mata ko sa aking kamay. I guess this is not the right time, then? Tinalikuran ko sila para makaalis. Oo, nasaktan na naman ako. Pero ito 'yong sakit na ikinakatakot ko. Sa sobrang pasakit ay namanhid na lang ako, wala nang luhang lumalabas. Para bang normal na lang ang sakit. Para bang nakasanayan ko na. And that's not healthy. Noah is not healthy for me.

Wala akong ginawa sa mga sumunod na linggo. Inindian pa ako ng big boss sa unang interview ko. Halos sigawan ko si Rozen at naisip kong pinaglalaruan niya lang ako, kung hindi lang sobrang pag aalala niya na wala 'yong boss kaya hindi ako na interview ay sasabihin ko na talagang pinaglaruan niya ako.

"He went to New York, sabi ng secretary. Hindi siya nagsabi sa akin. Shit!" Malutong na mura ni Rozen. "I'll book you another appointment."

Halos nawalan na ako ng gana para doon. Talaga bang matatanggap ako sa kompanyang iyon? Kaya habang naghihintay sa oportunidad ay tinulungan ko na lang si mommy at daddy sa kompanya kahit ilang beses nila akong sinasaway na dapat ay hindi.

Nakapag concert ang Zeus. Isa ako sa nag organisa kasama ang ibang staff. Mas gusto ko iyong nag popromote at nag aadvertise through digital art or photography. Ako rin ang gumawa ng iilang advertisements nila kasama ang ilan pang graphic artists. I'm not paid for this but I have some funds from my parents. Hindi naman ako nanghihingi pero gusto ko ang pakiramdam na ako mismo ang naghihirap sa sarili kong pera.

"Papagalitan tayo ni Madame!" Halos patiling sinabi ni Hugo.

"Oh, Hugo. Don't worry about my mom!" Sabi ko habang nag kakatuwaan kami sa after party.

Maraming games doon at nakisali ako sa pinaka nakakatawa at green na laro. Maraming pictures and I find them all green-looking. Hope this won't be published or something?

"You won that game, Maria Georgianne?" Nagtaas ng kilay si mommy nang nakarating na pagkatapos ng ilan pang laro.

"Mom... what's the prob?" Ngisi ko habang pinapakita sa kanya ang award ng mga nanalo.

Umiling si mommy at uminom ng tubig.

Nagkakatuwaan na ang staff ng Moon Records kasama ang Going South. Umupo si daddy sa tabi ko.

"Ayos lang, Alejandra. Your daughter's of age. It's just a game. It's not like she's gonna marry Austin. And besides, he's a good man." Nakakunot ang noo ni daddy habang pinagmamasdan ang Going South na nagkakatuwaan sa gitna.

Nanliit ang mata ko. "Ang akala ko, dad, ay hindi mo gusto 'yong mga nag babanda?"

Bumaling si daddy sa akin at tumikhim. "Honey, it's Going South. They are established and very, very successful. Alam ko ring may mga business si Austin. Why? Is he courting you, honey?"

Umiling ako. "Hindi po."

Tumawa si dad. "I heard Zeus, 'yong banda ni Stan noon, got in? Nagustuhan ng Going South ang music nila. Marami pa silang bigas na kakainin bago maging kasing sikat ng Going South. O baka nga hindi nila iyon maabot."

"Dad!" Halos pasigaw kong sinabi.

"That's what I told them. You know, Megan, some opportunities are meant for certain people only... Hindi para sa lahat ng tao."

"You told them that?" Hindi ko maalis ang gulat sa mukha ko.

"Yes. Kasi alam kong galing sa tanyag na mga pamilya ang nasa bandang iyon. It's a shame if they continue their music and neglect their family duties for that."

Natulala ako kay daddy habang siya ay natawa sa nangyayaring laro sa gitna. I can't believe him! Iyon ang sinabi ni dad kina Noah?

Continue Reading

You'll Also Like

49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...