I'm in Love With Mr. Kimchi

By CouncilXean

1.6M 37.9K 2.2K

Luke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listaha... More

DISCLAIMER
Dedications
Prologue: Orion's Belt
Chapter One: The Working Student
Chapter Two: Eyes
Chapter Three: Polaris
Chapter Four: Farewell
Chapter Five: That One Look Moment
Chapter Six: Chinito and His Pet Pillow
Chapter Seven: Ikot-ikot
Chapter Eight: You're Just Mine
Chapter Nine: Bad Mood
Chapter Ten: Static T♥uch
Chapter Eleven: B♥wls of N♥♥dles
Chapter Twelve: Fav♥rite S♥ng
Chapter Thirteen: Senti M♥ment
Chapter F♥urteen: Capti♥ns
Chapter Fifteen: Bruises
Chapter Sixteen: Roof T♥p
Chapter Seventeen: L♥ve Rides
Chapter Eighteen: M♥ments
Chapter Nineteen: Maldit♥
Chapter Twenty: The T♥mcat and the Pig
Chapter Twenty-one: Fire and Ice
Chapter Twenty Two: Guarded
Chapter Twenty Three: N♥t friends
Chapter Twenty F♥ur: Crush
Chapter Twenty Five: Skies
Chapter Twenty Six: Terrified
Chapter Twenty Seven: And they kissed?
Chapter Twenty Eight: Confession
Chapter Twenty Nine: Travel Pill♥w
Chapter Thirty: ♥ne and ♥nly
Chapter Thirty One: Peper♥
Chapter Thirty Tw♥: Stars Versus Sw♥rds
Chapter Thirty Three: P♥werpuff!
Chapter Thirty F❤ur: Nighty Night.
Chapter Thirty Five: Bac♥n
Chapter Thirty Six: Stati♥n Six
Chapter Thirty Seven: C♥nfrontation
Chapter Thirty Eight: Clean Up
Chapter Thirty Nine: Mistaken Bed Scene
Chapter F♥urty: Fragile
Chapter Forty-one: Meditation Camp
Chapter Forty-two: The End?
Chapter Forty-three: Questi♥ns
Chapter Forty-four: That One Look Moment... AGAIN!!
Chapter Forty-five: Xean and Seo Joon
Chapter Forty-six: Blanket
Chapter Forty-seven: This is it, pancit!
Chapter Forty-eight: Otaku Hats
Chapter Forty-nine: Horror House
Chapter Fifty: Tito Mallows
Chapter Fifty-one: Almost Bed Scene
Chapter Fifty-two: LuXean
Chapter Fifty-three: Apples, Kisses and Gummy Bears
Chapter Fifty-four: Diary ng Pillow
Chapter Fifty-five: Captured
Chapter Fifty-six: Couple Phones
Chapter Fifty-seven: Horror Movie
Chapter Fifty-eight: Close
Chapter Fifty-nine: LuXean Forever
Chapter Sixty: Mr. Sushi
Chapter Sixty-one: Cross Over
Chapter Sixty-two: 아이스크림
Chapter Sixty-three: Fighting!
Chapter Sixty-four: Missin Impossible
Chapter Sixty-five: Mr. Kimchi, The Pranksters and The Korean Princess
Chapter Sixty-six: Miss Danmuji
Chapter Sixty-Seven: The Race
Chapter Six-eight: Kidnapped
Chapter Sixty-nine: Saved
Chapter Seventy-one: Gardens
Chapter Seventy-two: Forever
Chapter Seventy-three: One
Chapter Seventy-four: The Bear Family and the Park
Chapter Seventy-five: Home
Chapter Seventy-six: Mother and Son
Chapter Seventy-seven: Taming Monster Mom
Chapter Seventy-eight: L. O. V. E.
Chapter Seventy-nine: Family
Chapter Eighty: Arguments
Chapter Eighty-one: Fearless
Chapter Eighty-two: The Unexpected Person
Chapter Eighty-three: Kakaibabe
Chapter Eighty-four: Reminiscing
Chapter Eighty-five: #LoveWins
Chapter Eighty-six: INFINITY
Chapter Eighty-seven: Mr. Kimchi Vs. Mr. Sushi
Chapter Eighty-eight: A Writer's Thoughts
Chapter Eighty-nine: Mallows and Marshmallows
Chapter Ninety: The Truth
Chapter Ninety-one: Goodbye
Chapter Ninety-two: Surprise!!!!
Chapter Ninety-three: Mr. Kimchi Versus Mr. Sushi 2.50
Chapter Ninety-four: Lost
Chapter Ninety-five: The End?
Final Chapter: Is it a Yes?
Author's Notes
Announcement 2022
Announcement

Chapter Seventy: Mr. Kimchi meets Mr. Wr♥ng

12.1K 344 17
By CouncilXean

Author's Note: This chapter is in collaboration with JayceeLMejica. Read his story "My Mr. Wrong" Thanks!!!! Pasensya na kung ngayon lang :3 Vote and comment! New story cover!!

"I love you" ang bulong niya sa tenga ko.

"I love you too" ang tugon ko ng buong puso.

KINABUKASAN...

Nauna akong nagising kesa sa kanya. Pinagmasdan ko lang ang mukha ng taong mahal ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama ko para makapagluto ng almusal. Nagtungo ako naman ng tindahan at dumaan na rin sa panederya. Nang makabalik sa boarding house ay dumeretso ako sa kusina. Nag-chop agad ako ng sibuyas, scrambled the eggs" (Naks!) Magluluto ako ng corned beef omelet. Habang hinihintay ko namang uminit ang kawali ay tinext ko ang mga kaibigan ko tungkol sa event ng Saint Anthony. Natigilan ako nang makita ang isang contact na matagal ko nang hindi nakikita. Si Charles. Naging kaibigan ko nang makalaban ko siya sa isang quiz bee nung high school pa ako.

"Charles! Hoy! Foundation day namin ngayon sa Saint Anthony. Actually kahapon pa ng gabi nagsimula. Punta ka!" ang text ko sa kanya. "Nakalimutan kong sabihin, magsama ka pala! Mas marami mas masaya Charles! Aasahan kita ah!"

Pagkatapos ko siyang matext ay nagsimula na ako sa paghahanda ng almusal. Nakabantay ako sa itlog nang biglang may yumakap sa akin sabay bati ng "good morning"

Napangiti naman ako at  bumati rin pabalik. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

"Ang sarap naman" ang komento niya.

"Alin? Ako o yung linuluto ko?" ang tukso ko naman.

"Siyempre, yang linuluto mo" ang tugon naman niya.

"So, ako hindi" ang sabi ko.

"Siyempre, iba ka naman. Umaga ngayon kaya yan muna. Midnight snack kita" ang paliwanag naman niya na ikinatawa ko.

"Naks! Mag-asawang mag-asawa,ha!" ang natinig ko mula kay Zeke nang pumasok siya ng kusina at nadatnan kami na naglalambingan ni Mr. Kimchi.

"Maupo ka na. Malapit nang maluto 'to" ang bilin ko kay Luke. Ninakawan niya naman ako ng halik bago sumunod sa bilin ko. Pagkatapos makapagluto ay pinaghain ko siya ng almusal. Nagulat ako nang may dalawang tasa na ng kape sa mesa. Napangiti na lang ako.

"Zeke, kain tayo!" si Luke kay Zeke na kasalukuyang nagtitimpla na rin ng kape.

"Ah, mamaya na lang" ang tugon ni Zeke. "Moment niyo yan eh"

Kinuha ni Zeke ang mug niya sabay labas ng kusina habang mapanuksong nakamasid sa amin. Napapangiti na lang ako pag pinagmamasdan si Luke habang kumakain ng almusal.

"Kumain ka na rin kaya" ang bilin niya nang mahuli akong nakamasid sa kanya. "Maaga kang papasok sa Saint Anthony, di ba?"

"Ah, eh- oo" ang tugon ko sabay kuha ng tinapay at sawsaw sa kape bago konito kinagatan. "Eh, ikaw ba?"

"Mamayang hapon pa ako pupunta" ang tugon niya.

"Eh, di ba may date ka?" ang bitter kong tanong.

"Mamayang gabi pa naman yun"

"Ah, sige" ang tugon ko bago pinagpatuloy ang almusal.

"Ihahatid na kita sa Saint Anthony bago ako umuwi" si Luke. Tumango naman ako. "I love you"

"I love you too" ang tugon ko. Pagkatapos makapag-almusal ay naghanda na kami. Nagmadali naman ako dahil nakatalaga ako sa booth namin. Hinatid nga ako ni Luke sa school. Kaagad akong pumunta sa booth namin na parang mini café at nagbantay ako.

"Xean!" ang pagtawag sa akin ni Sophia. Napatingin naman ako. Bigla niya na lang akong sinuotan ng kung ano sa ulo; cat ears.

"Para saan to?" ang tanong ko.

"Uniform para sa booth" ang tugon naman ni Sophia. Hindi naman ako umimik. Batid kong mamaya-maya lang ay darating na ang mga  bisita ng university namin. Gusto ko ring mamasyal pero kailangan ko talagang magbantay ng booth namin.

"Mag-waiter ka, ha?" ang bilin sa akin ni Princess. Tinuro ko naman ang sarili ko.

"Alangan naman ako" ang komento niya. Tumayo na lang ako at nagpunta sa naka set-up na outdoor café. Kumuha ako mg gawa-gawa naming menu at tumambay roon. Nakikita ko ang iba't-ibang booth sa malapit. Ang saya lang.

"Excuse me" ang pagtawag ng isang boses napatingin naman ako. Customers. Kaagad ko naman silang inasikaso. Nagsimulang dumagsa ang mga tao sa booth naamin. Kasama ko ang iba kong blockmate sa kaasikaso sa mga tao.

"Sino gustong magdeliver?" ang tanong ni Princess.

"Ako na!!!" ang pagprisinta ko.

"Sige. Halika rito" ang pagtawag sa akin ni Princess. "Ito yung listahan at pagkaing idedeliver mo sa mga colleges"

"O, sige" ang tugon ko bago kinuha ang mga yun. Tinignan ko ang listahan.

*Song booth(SLH): Five mocha frappé and Ten peanut butter cookies.... Malapit lang to. Booth to nila Kuya PeeJay. Kaagad naman akong nagsimulang maglakad patungo dun. Sa di kalayuan ay naririnig ko na ang live singing sa booth na yun. Natigilan ako nang makita ang kumakanta habang naggigitara. Hala, si Kuya PeeJay? Ang galing pala niyang kumanta!!!

Lumapit naman ako kay Ate Aryan.

"Xean!" ang pagbati niya nang makita ako.

"Hi, Ate!" ang magiliw kong pagbati.

"Mag-rerequest ka ba ng kanta?" ang tanong niya.

"Hindi Ate. I dedeliver ko yung in-order niyo galing sa booth namin." ang paliwanag ko naman.

"Ah, oo nga pala" si Ate Aryan. Inabot ko ang limang inumin pati ang bag ng cookies.

"Salamat" si Ate Aryan sabay abot ng bayad.

"Ang galing pala kumanta ni Kuya PeeJay" ang komento ko.

"Sinabi mo pa" ang pagsang-ayon naman ni Ate. "Bukod dun. Magaling yan mag-DJ at tumugtog ng mga musical instruments"

"Ang galing naman" ang nasabi ko dahil sa pagkamangha. Pagkatapos ay nagpaaalaam na ako para magadeliver pa para sa iba. Napabagal ako ng lakad nang masaksihan ang nagaganap sa wedding booth. Ang cute nung kasal-kasalan. Napapangiti na lang ako. Ano kaya yung feeling ng proposal? Yung kasal? Yung thought na makakasama mo sa natitirang taon ng buhay mo yung taong mahal mo? Masaya siguro.

Sana dumating din ako sa ganung point. Ayoko mag-isa pero nasanay na rin naman ako. Pero hindi pa rin maaalis nun ang takot kong tumanda nang mag-isa. Sa tulad ko kasi... ang sabi nila, walang forever. Pero gusto kong maniwala na meron.

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang aking paglalakad.

[Luke's POV]

Pagkalipas ng ilang oras...

Maraming tao tulad ng inaasahan. Maingay. Maraming nagtatawanan. Nagkakasiyahan. Nasaan kaya ang pillow ko? Gusto ko siyang makita. Nagui-guilty ako sa nangyari kagabi. Gumawa siya ng paraan para makapasok sa race at para lang di ako maka-date ng iba... pero dahil din sa akin kaya natalo siya. Nalulungkot ako pag iniisip kong malungkot siya. Kailangan kong bumawi. Naglalakad ako sa campus nang ma-distract ako ng isang tagabantay ng isang booth.

"Kuya!!!!" ang maingay niyang pagtawag. Napatingin naman ako. "Kuya! Bili ka na ng bulaklak"

"Aanhin ko naman yan?" ang tanong ko sabay tingin sa mga naka-display na flower shop booth ng School of Agriculture.

"Para sa girlfriend?" ang suhestyon niya. Naisip ko si Xean. Pero magustuhan niya kaya?

"Hindi ko naman alam kung magugustuhan niya" ang tugon ko habang nakatitig sa mga rosas.

"Wala namang mawawala kung susubukan mo" ang muli niyang pangungumbinsi. Si Pillow yun eh. Hindi ko mahuli ang kiliti niya. Minsan, okay sa kanya. Minsan, sinusungitan ako kahit naglalambing ako. Ang hirap niyang basahin. Ang hirap niyang pakiligin. Napatango naman ako at bumili na lang ng mga bulaklak na ibibigay ko kay Pillow.

"Ayun si Luke oh!" ang sigaw ng isang boses. Si Marcus. Naalala ko kahapon, wedding booth ang sa kanila. Pinagkakakitaan na naman ako ng mga katropa ko. Mga leche! Tinakpan ko na lang ang mukha ko.

"Luke!" ang pagtawag ni   Axel.

"Aargh" ang pagsinghal ko sabay takbo palayo. Tumakbo lang ako namg tumakbo hanggang sa makasigurado na hindi na nila ako mahuhuli. Nasa tapat na pala ako mg school of Literature and Humanities. Tinago ko sa likod ang hawak-hawak ko. Ibig sabihin ay malapit lang ang booth nila. Ginala ko ang tingin ko. Kaagad ko naman siyang nakita na nagseserve ng inumin sa kung sino. Nasa kanya na lang ang atensyon ko.  Lumapit naman ako. Pumwesto siya sa tabi at naghintay pa ng mga customer. Pumunta ako sa likod niya at tumikhim. Napalingon naman siya at napatingin sa akin.

"O, anong ginagawa mo rito?" ang gulat niyang tanong.

"Ang cute mo diyan sa cat ears na suot mo" ang pagbibigay ko.ng compliment sa kanya.

"Hay naku" an nakangiti niyang reaksyon. "Wag mo akong landiin ngayon. Busy pa ako"

"Sungit" ang komento ko. "Masama bang makita yung mahal ko. May ibibigay ako sayo"

Nakatitig lang ako sa mukha niya para makita ko ang reaksyon niya. Inilabas ko ang tinatago ko sa likod ko. Napakunot naman siya noo. Yes!!! Nasorpresa ko siya. Hinintay ko ang ngiting uukit sa mukha niya pero nakatitig lang siya sa hawak ko.

"Hui, ano? Ayaw mo?" ang tanong ko. Mukhang hindi niya nagustuhan ang mga rosas na binili ko para sa kanya.

"Eeeehh, aaaaah" si Pillow. "Ano yan? Chopsticks?"

"Ch-chopsticks?" ang nagtataka kong pag-uulit sa sinabi niya sabay tingin sa hawak ko. Napanganga naman ako dahil wala akong makitang mga bulaklak kundi puro tangkay. Nagsilaglagan ang mga rosas nang tumakbo ako kanina. HALA!

EPIC FAIL!!!

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Iba ang pakiramdam nang mapahiya. Pero.mas grabe sa pakiramdam ang mapahiya sa harap ng taong mahal mo. Bigla na lang siyang tumawa.

"Tinatawanan mo na lang pala ako" ang pagtatampo ko.

"Ang cute mo kasi!" ang sabi niya na nagpatawa na rin sa akin. Kinuha niya naman ang hawak-hawak ko.

"Anong ginagawa mo?" ang tanong ko.

"Para sa akin ito, di ba?" ang tanong niya pabalik. "Thank you, blanket. I love you"

"I love you too" ang tugon ko. Gusto kong siya ang kiligin pero this time kahit na awkward ako talaga ang kinikilig.

"Kailangan ko na talagang tumulong" ang paalam niya.

"Sige" ang pagpayag ko. "See you later"

Ngumiti naman siya at tumango bago umalis. Naglakad na rin naman ako palayo. Di pa man ako nakakalayo ay may nakita akong pamilyar na tao.

"John Andrew! Oy, Andrew! Ikaw ba yan?" ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya pati ang lalakeng kasama niya. Siya nga! Matagal na nung huli ko siyang nakita. Kaagad naman akong lumapit. "Musta ka na pare?"

"I'm okay. By the way ito nga pala si Marky" ang pagpapakilala niya sa kasama niya. I offered my hand at nakipag-kamay nga siya.

"I'm Luke. Eotteohge jinaeseyo" ang bati ko sa kanya. Nakasalubong naman ang mga kilay niya.

"Huh?"

"I said how are you" ang paliwanag ko.

"Okay lang ako. Ano bang language yun?"

"Ko-"

"Ilibot mo na lang kami dito pare. Mukhang wala na din kasi yung kaibigan nito na nag-invite sa amin" ang suhestyon ni Andrew.

"Sino ba yun pare?" ang tanong ko naman.

"Xean daw" ang sagot niya. Napangiti naman ako sabay tango.

"I see" ang nakangiti ko pa ring sinabi. Napapangiti ako pag na-aalala ko si Pillow. Magkakilala pa sila. Small world. Gumala nga kami. Una naming sinubukan yung arcade sa School of Arts and Sciences. Parang timezone lang ang dating.

"Ayun. Shoot!"ang sigaw ko nang matalo ko si Andrew sa isang laro. Napansin ko ang busangot sa mukha niya. "Ayos ka lang? Tara, duon naman tayo sa mga may prize"

Pumunta nga kami dun. Nanghihinayang ako kasi hindi ko kasama ang pilloe ko. Busy kasi siya.

"Pang may mga lovelife to eh" ang bulong ni Charles. Nagpasikatan ulit kami ni Andrew pero natalo ako sa darts.

"Oh, para sayo. Ikaw nagyaya sa akin dito eh" si Andrew kay Charles. Napangiti naman siya.

"May naaamoy ako pare!" ang tukso ko sa kanila sabay tawa. Inabot na pala kami ng hapon sa pagtry ng iba pang booths. Lubog na ang araw ng matapos kami.

"Charles, mayroon nga pala kaming mini-concert. Maraming invited na magagaling na banda" ang sabi ko nang makarating kami sa open park. Naka-receive naman ako ng text mula sa isa sa katropa ko.

"Kailangan mo nang mag-ayos para sa date mo" ang sabi sa text.

"Oh, paano? Mukhang gabi na, may aasikasuhin pa ako. Bye!" ang paalam ko sabay takbo palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...