Your Place Or Mine? BOOK VERS...

By turning_japanese

19.4M 162K 25.6K

One night with a total stranger. And fate brought them together once again. That's where their whirlwind rom... More

Description
Intro
Chapter 1: What the hell?!
Chapter 2: The Girl from the bar
Chapter 3: I wish....
Chapter 4: The tigress
Chapter 5: Vince
Chapter 6: We meet again Part 1
Chapter 7: We meet again Part 2
Chapter 8: Z3
Chapter 9: Halter Top
Chapter 10: The Crime?
Chapter 11: Moving on...
Chapter 12: I'm back!
Chapter 13: The witch
Chapter 14: Talk$hit
Chapter 15: Jessica
Chapter 16: Ouch!
Chapter 17: The Party
Chapter 18: My fiancee
Chapter 19: His Fiancee
Chapter 20: Confused
Chapter 21: The As$hole
Chapter 22: Confrontation
Chapter 23: The Engagement
Chapter 24: Unexpected
Chapter 25: The Annual Dance
Chapter 26: Not Again...
Chapter 27: Finally...
Chapter 28: The Groom
Chapter 29: Ralph
Chapter 30: Hopeless?
Chapter 31: The Wedding (Part 1)
Chapter 32: The Wedding (Part 2)
Chapter 33: Cebu (Part 1)
Chapter 34: Cebu (Part 2)
PC: The Suite
Chapter 35: The Check-up
Deleted?
Chapter 36: He loves me...he loves me not?
Chapter 37: The Blushing Bride
Chapter 38: Ohemgi!
Chapter 39: Friends?....
Chapter 40: A glimpse of his past...
Chapter 41: Untitled
Chapter 42: Conflicts
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: Questions and Answers
Chapter 45: All About Trust
Chapter 46: Sem Break
Chapter 47: Seth
Chapter 48: House Blessing
Chapter 49: FB
Chapter 50: Two beats in one heart?
Chapter 51: The bracelet
Chapter 52: Secrets
Chapter 53: Christmas (Part I)
Chapter 54: Christmas (Part 2)
Chapter 55: The Other Woman
Chapter 56: Auld Lang Syne
Chapter 57: Only You
Chapter 58: Valentine
Chapter 59: Kirsten
Chapter 61: Breathe Again
Chapter 62: Reese Is Home
Chapter 63: The Truth
Chapter 64: After All
EPILOGUE
Answers
Private Chapter: "Birthday Gift"
Private Chapter: "The Suite"
"Birthday Gift"

Chapter 60: When All Else Fails....

178K 2.1K 765
By turning_japanese

HALEY'S POV

Nakita mo ba 'yung hairbrush ko?"

Gulat na gulat si Russell nang makita akong nakatayo sa pinto ng banyo.

"Wooah! Can you knock?!" natatawang sabi nito pero bakas sa mukha niya ang matinding gulat. Nakatayo ito at nakaharap sa toilet bowl, doing his private thing.

"Knock? Sana nag-lolock ka ng pinto," sagot ko sabay talikod. Hindi ko maitago ang inis sa tono ko.

"I don't lock this door and you know that," sagot nito habang palabas ng banyo. "At hindi ka naman basta-basta pumapasok sa banyo kapag nasa loob ako. And you barged in just because of hairbrush?" Hindi makapaniwala ito.

Wait lang. Did he say, "just a hairbrush?"

"Nilalang mo ang hairbrush ko? Alam mo namang 'yon lang ang ginagamit ko ngayon," nakapameywang ko siyang hinarap.

Ngumiti ito at naiiling. "You can use another one. Ayan oh. May tatlo ka pa nga dito," nakaturo ito sa dresser.

Inirapan ko siya at sumalampak ako ng upo sa kama. "Gusto ko 'yon kasi malambot. Hindi masakit sa anit. Hindi ko na nga ginagamit 'yang mga yan," nakasimangot kong sagot.

Hahanapin ko ba 'yon kung may magagamit ako? Nakakainis siya.

Lumapit siya at umupo siya sa tabi ko. "Fine, bibili na lang ulit tayo ng bago. Saan mo ba binili 'yon?" lambing nito.

"Sa Spain ko binili 'yon," nakasimangot pa rin ako.

Tumawa siya. At tiningnan ko siya nang masama. He's been so annoying these past few days. Hindi ko alam kung bakit.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

Nagulat siya sa seryosong expression ng mukha ko. Nawala ang ngiti sa labi nito.

"Wala naman. Sige, maghahanap ako online ng similar na brush. Wag ka nang magalit." Yumakap siya sabay halik sa gilid ng tenga ko. He was shocked when I pushed him too hard.

"Hindi ka pa nagshe-shave," reklamo ko sabay haplos sa part na hinalikan niya.

Hindi naman ito makati, pero hindi ko gusto ang pakiramdam ng magaspang na bigote niya sa balat ko. Naiirita ako.

Napahawak din siya sa gilid ng labi niya. "Hindi naman ah. Tsaka, sabi mo dati mas gusto mo kapag hindi pa ako nagshe-shave. Especially when I kiss you down –"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Hinampas ko siya ng unan.

"Aray!" reklamo nito at pilit hinuhuli ang mga kamay ko para pigilan ako sa susunod na hampas ko sa kanya.

Nang-aasar na naman siya. It's one of our intimate moments. Nakakahiya mang aminin, oo, sinabi ko sa kanya na gusto ko kapag hindi pa siya nakapag-shave. I love the feeling of his stubbles when he kissed my body.

Actually I love everything about him, mag-shave man siya o hindi. But these past few days, naiinis ako sa kanya. Lalo na kapag tinatawanan niya ako. O kaya kapag lagi siyang nakabuntot kahit nasaan man ako magpunta. Kapag nanood ako ng TV sa sala, sisiksik siya kung saan ako nakaupo. O kaya kapag natutulog ako, nakasikisik 'yung mukha niya sa leeg ko. Nakakairita na minsan.

Minsan naman, kapag nagigising ako at nakikita ko ang mukha niya, pinipisil ko ang ilong niya hanggang sa magising ito. Pero never naman siyang nagalit. He's been very patient with me sa mga mood swings ko. At ang mas nakakainis pa, tinatawanan lang niya ako at parang tuwang-tuwa pa siya na naiinis ako. Kagaya ngayon. Hinampas ko na, tumatawa pa.

"Pikon ka 'no?" natatawang sabi nito habang hawak pa rin niya ang dalawa kong kamay.

At pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya. "Bitiwan mo nga ako. Masakit ah," pinandilatan ko siya.

Pero hindi pa rin niya ako binitawan.

"Hindi ka na mabiro. Ilang araw ka ng ganyan, lagi kang masungit. Meron ka ba ngayon ha?" pabirong sabi nito.

Natigilan ako. Meron ba ako?

Nagkatitigan kaming dalawa.

Teka, kelan ba ako huling nagkaroon?

Bago pa ako makasagot, tumunog ang doorbell. He let me go and headed to the door.

Sino kaya ang dumating? Wala kaming ine-expect na bisita ngayon. Naiwan akong mag-isa sa kwarto at nakatitig sa kisame. Tinatamad akong bumangon. Hapon na pero hindi pa rin ako naliligo. Napatingin ako desk calendar sa side table. Next week na pala ang alis namin papuntang Prague. Nabuhay ang excitement ko sa katawan.

Bumangon ako. I need to pack wardrobe for a week. Since I'm a light traveler, I just need a small bag. Bumaba ako para kuhain ang bag sa storage room. Nagtaka nang hindi ko naabutan si Russell sa baba.

Nasaan kaya yung lalaking 'yon? Sino kaya 'yung nag-buzzer kanina? Na-curious tuloy ako. Ba't kaya hindi man lang niya pinapasok ang bisita?

Lumabas ako sa garahe. At may marinig akong kausap si Russell. Pero hindi ko ito makita kasi nakaharang ang kotse niya.

"Please –leave now." Pigil na pigil na tumaas ang boses ni Russell.

"Bakit natatakot ka ba?" boses ito ng isang babae.

Sounds familiar. Sumilip ako. At nanlaki ang mata ko sa nakita. That bitch again! Ano naman ang kailangan niya at nandito na naman siya sa pamamahay ko?

"Why would I?" gigil na sagot ni Russell sa babae.

Lumabas ako sa pagkakakubli. I put my hands in my pocket at hinarap silang dalawa. At para silang nakakita ng multo pareho.

"What's going on?" Pinilit kong kalmahain ang sarili ko. Kahit pakiramdam ko, gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Haley –" Naglakad palapit sa akin si Russell.

I raised my hand to stop him. "What do you want this time?" Bitch! At nanantili ako sa pwesto ko.

Ngumisi ito. I really hate her. She's in short skirt and sleeveless top. At halos lumabas na ang mga buto niya sa katawan sa sobrang kapayatan.

"We meet again," sabi nito at tumingin kay Russell na nagulat sa narinig.

Lumapit siya sa akin at inilahad ang palad niya. "I came to return this."

Hindi ako kumilos pero tiningnan ko kung ano ang nasa kamay niya. At pakiramdam ko nawalan ng kulay ang mukha ko. Ito ang cufflinks ng polong suot ni Russell nung graduation. I knew it because I bought it for him.

"I don't wanna do this. You left me no choice," sabi nito kay Russell.

Bago pa 'ko makabawi sa pagkabigla, lumapit si Russell at hinablot nito ang nasa kamay ng babae. At pilit na hinatak palabas ng gate ang babae.

Nagpumiglas ito na bitawan siya ni Russell. "Ano ba?" singhal nito kay Russell. Tumingin sa akin ang babae at ngumisi ulit. " I told you, magiging anino mo ako."

Hindi ko alam kung ang mararamdaman ko. Parang balewala na ang mga nangyayari sa paligid ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto ko silang saktan. Gusto ko silang sigawan.

"I want you out of my house, now," mababa pero madiin ang tono ni Russell.

Hinarap ng babae si Russell. "Bakit ka ba nagagalit? Nung huling magkasama tayo hindi ka naman ganyan," makahulugang sabi nito.

Napatingin ako kay Russell. Umiiling ito.

"Why are you doing this?" tanong ni Russell sa babae na halatang pigil na pigil saktan ito.

At this point, parang silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Nginitian lang niya si Russell.

"Hindi mo na kasi ako pinupuntahan. Matapos ang lahat ng nangyari, ganon na lang ba 'yon?" sagot ng babae.

Kumunot ang noo ni Russell. Parang naguluhan siya sa sinabi ng babae.

"Hindi ako papayag na basta mo na lang ako babalewalain. Aalis ako ngayon, pero hindi ito ang huli nating pagkikita," banta nito. Naglakad ito palabas ng pinto. Pero lumingon ulit ito. "By the way, it was a great night," malanding sabi nito kay Russell.

At tuluyan na siyang lumabas ng gate.

Nanlamig ang buong katawan ko sa huling sinabi niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Binigyan ko si Russell ng isang nanunumbat na tingin. Kanina, nag-iisp ako ng ibang dahilan kung paano napunta sa kanya ang cufflinks na gamit ni Russell sa polo niya nung graduation. Kahit na sinisigaw na ng isip ko ang sagot sa tanong ko, ayokong pa ring isipin ito. Dahil may tiwala ako kay Russell at umaasa ako na mapupunta ito sa babaeng 'yon sa ibang paraan.

Pero sa huling sinabi ng babaeng 'yon, nangyari na ang kinatatakutan ko. Pero gusto ko pa ring manggaling kay Russell mismo ang totoo, kahit na alam kong masasaktan ako.

"Haley..." Palapit siya sa akin.

My legs are numbed, pero hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para umatras.

"I thought you went to see Kevin that night," simula ko.

That was the night of our graduation.

"I did," sagot nito.

Napapikit ako. Gusto ko siyang sigawan. Hindi pa rin siya aamin. "Is it true? That you went to see her that night?" I trembled, almost in tears.

There was a long pause.

"Yes." He cupped his face in desperation. "But I can explain –"

That's what I wanted to hear. At pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. And my tears fell, slowly at the corner of my eyes. I don't need any explanation. He broke his promise and lied.

"You promised not to see her again," pabulong kong sabi.

"I know, And I'm sorry, but it's not what you think –"

I can't just stand here and hear his lies. My feet moved and find their way to the stairs.

"Haley!"

Pero hindi ko siya pinansin. Pagpasok ko sa kwarto kinuha ko agad ang bag ko at susi ng kotse. My face is flooded with tears, but I don't care anymore. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Russell. He betrayed me once again. Maybe that girl was right. I'm not his type. Hindi ang kagaya ko ang makapagpaligaya sa kanya. And I want throw up, just by the thought of the two of them together, in bed.

Kinuha ko ang isang transparent na envelope sa loob ng closet na lagayan ng mga important documents ko. That's when he came in. And I saw panic in his eyes. I did not bother to change my clothes and head to the door. Hinawakan niya ako sa braso. Huminto ako at tiningnan ang kamay niya sa braso ko.

"Let me go!" I'm so proud that despite my tears, I found my voice so steady and calm.

But he didn't.

"Haley, nakikiusap ako sa'yo –"

Nagpumiglas ako at nabitawan niya ang kamay ko.

"Enough of your lies. And don't you dare touch me again. Nandidiri ako sa 'yo."

Napaawang ang bibig niya. And I saw that same horror look again on his face when I first left. Bago pa siya makabawi, nagmadali akong bumaba patungong garahe. Binuksan ko ang gate at mabilis na sumakay sa kotse. Kung gaano kabilis ang takbo ng kotse, ganon din kabilis ang pagdaloy ng mga luha ko. Wala na ba akong karapatan na sumaya?

I thought I had everything under control. Akala ko ang babaeng 'yon lang ang magiging problema ko. Pero hindi pala. And I coundn't accept the fact that he can just casually lie to me because of her. He arrived late that night. I had no idea he was with her. Nagmukha na naman akong tanga.

Why is he doing this to me? What have I done? I have never loved anyone like this. I love him so much. At kahit sa kabila ng ginawa niya, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang tanga ko.

I love him, but I don't think I can be with him anymore. The thought of losing him is unbearable. But I have to let go. I can't keep him. Masaya ako na minahal niya ako at naramdaman ko 'yon sa maikling panahong nagsama kami. He loves me, but maybe not the way he loves her. Or not the way I love him. I know he tried. And it couldn't been perfect but that bitch ruined everything.

In my mind I see a big screen. Every good memories keep on flashing. From the first night we met and our first night together. And then our first meeting after that night and I found out he's my fiancé. The night of our engagement party and he's so-called birthday gift. Our wedding, our honeymoon. Those are only few of sweet memories I had with him. And yes, they were all but memories from now on.

And what I have in mind right now tears me apart. The moment I grabbed my back and walked out the door, I already made a decision. Kahit na masakit at baka hindi ko ito kayanin, pero kailangan. Wala nang halaga pa ang lahat.

I have to see my mom. Siya lang ang makakatulong akin.

Nagulat ako sa malakas na busina. And I saw Russell's car thru the side mirror. At nataranta ako. I hit the accelerator but he matches my speed. We are in a residential area and this is not right. Binagalan ko ang takbo ng sasakyan. As soon as I hit the freeway, I do 160. And he's now so close.

I'm planning to take the right turn on the next block. I looked back and saw him few meters away. And when I had my eyes back on the road, a mini van cut me short. At halos tumaob ang kotse ko sa lakas ng impact ng preno. We collided. And my head hit the steering wheel so hard. And everything around me started to spin.

That almost got me. Napahawak ako sa bahagi ng noo ko. Parang basa ito. Tiningnan ko ang kamay ko. It's covered with blood. Kinabahan ako. And then blood started to drip down my face, I can even taste it. I tried to wipe it but I'm feelin' so dizzy. I wanted to sleep. This is not good. So I tried to open eyes. I see clouds everywhere. At unti-unting humihina ang dating ng ugong ng mga sasakyan sa pandinig ko. At hindi ko na mapigilan ang sobrang antok. I closed my eyes. Then I heard a loud crash. I opened my eyes and saw a broken window on the passenger's side. Russell's trying to reach for the lock. The last thing I heard was him, calling my name. Then, everything went black.

***

Nasilaw ako sa liwanag.

"Baby..." Si Mommy.

Hinawakan niya ako sa kamay. Her puffy eyes meant that she's been through a lot of crying.

Tumingin ako sa paligid. Nasaan ako?

"How do you feel?" tanong nito.

Kumirot ang noo ko at napahawak ako dito. My bandage ito. Napatingin ako swero na nakakabit sa kamay ko. That explains why.

Napatingin ako sa kabilang side ng kama ko. Russell's is standing there and watching me intently.

"Anong ginagawa mo rito?" angil ko sa kanya.

That's when the doctor came in. He's saved by the bell.

Ngumti ito sa lumapit sa akin. "Kumusta ka na, hija?"

Kinuha nito ang chart record ko sa mesa.

"Okay naman po. Medyo nahihilo lang ako," sagot ko.

Tumango ito pero mukhang busy sa pagbabasa sa chart. Lumapit si Mommy.

"Kumusta po ang lab tests niya, doc?" tanong ni Mommy.

"So far negative ang result ng CT scan. Siguro hindi naman masyadong malakas ang tama niya sa ulo. Wala namang fracture. Dumugo lang siguro 'yung noo niya kasi nagasgas ito sa steering wheel –"

"Kelan ako po ako pwedeng lumabas?" walang kaabog-abog kong tanong at hindi ko siya pinatapos magsalita.

Napatingin sa akin si Mommy. "Haley – "

"Kung ako ang tatanungin, anytime pwede ka ng lumabas. We have to observe kung mahihilo ka, or lalagnatin within the next 24hrs. But, let's just wait for your OB to clear you," sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Mommy. Sinulyapan ko rin si Russell na nakatingin sa amin.

"Bakit po kailangan ng clearance sa OB?" nagtataka kong tanong.

"You almost had a miscarriage," sagot nito.

Miscarriage. This word dropped like a bomb in front me. At the same time, parang gustong kong tumalon sa tuwa.

Buntis ako.

"What?" pabulong kong tanong.

"Don't worry, the baby is safe. Just take necessary precautions. Iwas sa stress at pagod –" nakangiting sabi nito.

The rest ng bilin niya, wala na akong naintindihan. At hindi ko na rin namalayan ang paglabas niya. Ang alam ko lang, I'm pregnant at muntik nang makunan. At hirap pa rin akong i-absorb ang mga pangyayari.

Tumulo ulit ang mga luha ko. Bakit ngayon pa? I'm happy at the same time, takot na takot. What will happen to me now that things between me and Russell are getting rough?

Napatingin ako kay Russell. Bakas ang tuwa sa mga mata nito. Pero may halong lungkot at pagmamakaawa.

"Mommy!" Yumakap ako sa kanya.

And tuluyan na akong napahagulgol.

"Hush, Baby. I'm here." Niyakap niya ako nang mahigpit.

"I didn't know, Mom," I said in between sobs.

"Ssshh, it's not your fault. That explains why there was so much blood on your shorts. I just thought you have your period or baka may sugat ka somewhere. Kaya nagtaka ako sa pregnancy test request. I never thought–"

She stared at me in horror. She can't say that I almost has a miscarriage.

"Haley –" Rusell attempted to touch me.

"Don't you dare – come near me," madiin kong sabi na ikinagulat ni Mommy.

"Anak," awat nito.

Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin kay Russell.

"Mom, I want him out of this room," madiin kong sabi.

And I looked away. I can't bear the sight of him. Sa totoo lang, gustung-gusto ko na siyang yakapin. Pero ayokong magpadala sa emosyon ko. This is one of the happiest days of my life. This is what we wanted. Ang magka-baby kami. At the same time, I'm so down, because I don't know what lies ahead. I failed. I can no longer stay this relationship without trust.

"Haley, please lets talk – " nagmamakawa ito.

Pumikit ako. Isang pang pagmamakaawa niya at bibigay na ako. Kaya inipon ko lahat ng natitirang lakas ko.

"GET OUT OF THIS ROOM NOW!" sigaw ko sa kanya.

Nataranta si Mommy at hinawakan niya ito sa braso.

"Please hijo – " She can't just tell Russell to leave.

Puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Russell pero nanatiling matigas ang puso ko para sa kanya.

"Leave!" gigil kong sabi sa kanya.

Laylay ang mga balikat at kuyom ang mga palad nito. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Niyakap ako ni Mommy. And in her arms, I poured all my tears that I've been holding on for Russell.

"Tahan na. Makasasama sa'yo at sa baby mo ang pag-iyak."

Ilang minuto rin bago ako tuluyang tumigil sa pag-iyak. At walang nagawa si Mommy para patahanin ako. Humiwalay ako sa kanya kasi basang-basa na ang blouse niya ng luha ko. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukha ko. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"What happened? Ano ba'ng pinag-awayan niyo?" tanong nito.

Hindi ako sumagot. Hindi niya kailangang malaman pa ang detalye ng mga nangyari.

"Ano ba'ng nangyayari sa inyong dalawa? Si Russell, ayaw ding magsalita." Bakas sa tono nito ang bahagyang pagkainis pero hindi maitago ang pag-aalala. "Hindi pwede ang ganyan. Ngayon pa na magkaka-apo na ako." Lumambot ang expression sa mukha nito.

Naluha ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako kasi magkaka-baby na kami. Pero nalulungkot ako sa mangyayari. Buo na ang desisyon ko. Wala nang makakapigil sa akin. I learned my lesson and I had enough. Ayoko nang masaktan pa ulit. Baka hindi ko na kayanin pa. Hindi ko kayang makisama sa kanya. I don't need him in my life.

"Mom, can I ask a favor?"

Ngumiti ito. "Anything, my dear."

Huminga ako nang malalim.

"I want a flight to Spain."

Nagulat ito pero hindi siya nagpahalata. Sometimes, she's not good in hiding her true emotions.

"Of course."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "For tomorrow."

Nanlaki ang mga mata nito. Pero hindi ito nagtanong kung bakit.

"Kung 'yon ang gusto mo, sige. Tutal malapit na ang bakasyon. You need a break." Pinunasan nito ang luha sa pisngi ko. Bakas ang awa sa mga mata niya.

"I only need a one way flight," dugtong ko.

"Haley, please." She was surprised.

Hindi ko alam kung kailan ako babalik. O hindi ko alam kung babalik pa ako. Kung may babalikan pa ba ako.

"Mom, please –" Ayokong makipagtalo pa sa kanya.

Not now. Alam kong marami siyang tanong sa isip niya. And I can't go back to that situation again. Ano'ng sasabihin ko? That he cheated on me? No. Gusto ko pa ring magtira ng respeto sa sarili ko. Ano'ng klase akong babae at nakuhang mambabae ng asawa ko?

Naiiling siya at hindi nagawang magsalita.

"One last thing – "

"Ano 'yon, hija?" tanong nito na parang kinakabahan sa susunod na hihilingin ko.

"I need a lawyer."

"Angela!"

She only called me by that name when she thought I did something horrible. And I felt the same.

"Mom please, I can no longer do this. I failed. Pinagbigyan ko naman kayo 'di ba? Sinunod ko ang gusto niyo. And you made a promise, right? Please, Mom, hindi ko na kaya."

And I broke down. Napapikit siya. She cried with me. Alam kong higit siyang nasasaktan kapag nakikita niya akong ganito. Pero alam niyang wala na siyang magagawa pa.

"As you wish, sweetheart." She gave me a weak smile.

Alam kong hindi siya pabor sa desisyon ko. She's really fond of Russell. Gusto niya ito para sa akin. But she made a promise. And I tried to have our marriage work. But I failed.

***

I looked back one last time. I didn't know why. Was I expecting that he'd show up? Pero wala siya. At pinagalitan ko ang sarili ko. Ako ang nagkusang umalis. Ako ang nagdesisyong lumayo at tapusin ang lahat. My tears had dried but the pain remained.

I refused Mom's offer to drive me to the airport. Baka hindi ko mapigilan ang emosyon ko. At gusto kong mapag-isa. Ayokong umalis na umiiyak. Gusto kong maging matatag. Hinawakan ko ang tiyan ko. Lahat gagawin ko para sa anak ko. Siya ang magpapaalala ng mga masasayang alaala namin ni Russell. Siya ang magsisilbing lakas ko. I won't be alone.

Pumikit ako. I expected this day would come. Sabi ko sa sarili ko, kapag nabuntis ako, I wanted to surprise Russell. When I had my period back to normal, I was secretly doing pregnancy test. I kept it from him. Gusto kong ako mismo ang magsasabi sa kanya. I did that for few months. And I was so stupid I missed it this time. Hindi ko namalayan na delayed ako.

I waited for this day. I wanted to see his face. His reaction. I wanted to see him happy. I have his baby. His flesh and blood. Our baby. Inside me.

"Calling all passengers for Lufthansa Airlines flight – "

Naputol ang pagmumuni-muni ko. That's my flight. I chose a connecting flight to Paris. This is it. With a heavy heart, I grabbed my carry-on and rushed.

The last teardrop fell from eyes.

Yes, that would be the last. 

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 250K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.
526K 7.6K 41
• 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 • (𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐) After being Archer's "lucky date", Vanessa is now...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...