Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER VI; Untold feeling

49 38 16
By laymedown_07

-KIANDRA-

Magkadikit ang mga labi namin!

Literal na nanlalaki ang mga mata naming nagkatitigan. Nawala ang hilo ko dahil sa pangyayari. Taranta kaming napahiwalay sa isa't-isa, at napatayo.

Packing tape! First Kiss ko iyon!

"Huy Charles". Kulbit sa kaniya ni Dan.

"Hmm"?

"Yare ka".

Mapupungay ang mga mata nitong umupo. Napatingin naman siya sa akin.

"Bakit umuusok ang ilong ni Kia"?

"Charles David Ibañoz, ewan ko sa iyo"!

"H-Ha? T-Teka, anong ginawa ko"?

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Sinalag pa nito ang mga braso niya nang makaraan ako sa harapan niya.

"Huy. Kia naman". Rinig ko pang tawag niya.

Bahala siya jan.

Nagmamadali akong isinarado ang pinto, at inis na padapang ibinaksak ang sarili ko sa kama.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan para impit na sumigaw.

Sa dinarami-raming makakakuha ng first kiss ko, sa isang hambog pa mapupunta.

Patuloy lang ako sa paghihimutok. Dahil na rin sa epekto ng alak, hindi ko na namalayan, at nakatulog na rin ako.

Naalimpungatan lang ako nang makaramdam ng uhaw. Nakangiwing umupo ako.

Tila yata ako magkakasakit. Alak pa, Kia.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Sumilip na muna ako sa sala kung saan natutulog ang mga ugok.

Lahat sila ay mga nakanganga na. Napailing na lang ako. Hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang bakanteng sofa.

Nasaan ang isang iyon? Napailing ako. At ano naman daw ang pakielam ko?

"Tsk".

Dumeretso ako sa kusina para gawin ang tunay na pakay.

Kasalukuyan akong umiinom ng tubig, nang may biglang nag salita sa likuran ko.

Anak ng tinapa.

"Bakit gising ka pa"?

Sandali lang akong pinasadaan ng tingin nito, bago ako lagpasan at kumuha rin ng tubig  Sinundan ko lang ng tingin ang ginagawa niya.

"I just woke up".

Nang wala akong makuhang sagot mula sa Lars, ay inubos ko na lang ang bago kong kuhang tubig.

Awkward 'yarn?

Pabalik na sana muli sa kwarto ko, nang hawakan ng Lars ang braso ko para pigilan ako.

Napaharap ako rito. "What"?

"Kia... I'm sorry for what happened earlier. I didn't mean to-"

"Okay na ako. Kalimutan na lang nating nangyari iyon. At pwede ba, layuan mo na lang ako".

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kanang braso ko para lagpasan siya.

May narinig pa akong sinabi niya, pero hindi ko na lang ito pinansin, at tuluyan siyang iniwan.

"Hindi ko kaya. Ngayon pa, kung kailan abot kamay na kita".

-LARS-

Nakatingin lang ako sa likod niyang papaalis. Napabuntong hininga na lang ako.

Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kaniya na rati pa kami nagkakilala, pero hindi ko magawa. Ayoko na siyang madamay sa mga gulong pinasukan ko. Isa pa, mukha namang hindi na niya ako naaalala.

Pagkatapos ko sa kusina, bumalik ako sa sofa kung saan ako nakahiga kanina. Muli akong nahiga rito at tumitig sa kisami.

I closed my eyes. Kasabay ng pagsarado ng mga mata ko, ay ang pagbalik ng nakaraan.

-Flashback-

Almost 4 years ago...

Nakapamulsa ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Papasok na sana ako sa school. Hindi na ako nag-abala pang tumakbo o sumakay sa jeep dahil tanghali naman na.

Male-late rin naman ako kahit anong gawin ko. Kaya bakit pa ako magmamadali?

Habang naglalakad, napansin kong may grupo ng mga kalalakihan ang nakapalibot sa isang kanto na madaraanan ko. Tinitigan ko ito. Mukha namang nakatambay lang sila at hindi nagkakagulo. Hinayaan ko na lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Medyo umiwas pa ako ng marating ko ang kinaroroonan nila.

Malalagpasan ko na sana sila nang biglang may humila ng kwelyo ko sa may batok ko at pahagis akong binitawan sa loob ng eskinita. Sanhi para mapadapa ako.

Shit. Muntik na ang mukha ko.

Matalim ko silang binalikan ng tingin. Lahat sila nakangisi.

"Long time no see, Jandrik". Nakangising sabi ng lalaking kalalabas lang sa gitna ng mga kapwa niya mukhang unggoy.

"What the f*ck is your problem"? Mahinahon kong sabi rito.

Dahan-dahan akong tumayo.

Nagasgas yata ang palad ko ha?

"My problem"? Tumawa ito ng tila hindi makapaniwala. "Nabagok ka ba at nagka-amnesia? Hayaan mo. Aalugin ko 'yang utak mo para maalala mo".

Tumawa ako na tila hindi rin makapaniwala. "Seriously? Sino ba kayo ha"? May halong inis na ang boses ko.

Katakot-takot na naman na sermon ang aabutin ko nito sa Teacher ko. Late na nga, lalo pang na-late.

Damn!

"Pagkatapos mong gawin sa kapatid ko 'yon kakalimutan mo na lang, ha"?! Taka ko siyang tinignan.

Kapatid? Sinong kapatid? Ang dami ko nang nakabasag ulo. Sino ba ang tinutukoy niyang kapatid niya?

"Sinong kapatid ba sinasabi mo jan, ha"?

Hindi ko naman kasi talaga alam.

"Gago ka. Dahil sa'yo comatose ang kapatid ko".

Napaseryoso naman ako ng mukha nang maalala ko na ang kapatid niyang sinasabi.

"Tss. Is it my fault if tanga ang kakampi niya na, imbis na ako ang barilin, siya ang nabaril"?

Kitid ng utak.

"Kung hindi ka sana umiwas, hindi siya ang mababaril"! Natawa ako ng malakas.

Benta ng joke niya ha.

"Bobo ka ba? Alangan naman na salagin ko yung bala. Ano ako, super hero"?

"Gago ka"! Dahil tumatawa, hindi ko napansin ang balak niyang gawin.

Nasapak ako! Nakagat ko tuloy ang labi ko dahilan para makalasa ako ng dugo.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya habang pinupusan ang dugo sa gilid ng labi ko.

Tila naman may pumitik na ugat sa utak ko nang makita ko siyang nakangisi.

Hindi na ako nag dalawang isip at sinapak din siya sa may panga. Hindi ko napuruhan, pero naging sanhi 'yon para mapaupo siya sa lupa.

"B-boss"! Taranta namang tawag sa kaniya ng mga tauhan niya.

Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para mabilang ko sila.

Sampo. Kung isasama ang boss nilang 'to, labing isa na. Napangisi ako. Mukhang malambot lang ang iba sa kanila.

"T-tangina mo"!

Dahil abala ako sa pagtitig sa mga kasamahan niya, hindi ko napansin na sumusugod na pala siya ulit.

Damn.

Nasapak na naman ako. "Tss." Pinunasan ko ulit ang dugong nalasahan ko sa gilid ng labi ko.

Aktong susugod na naman sana siya, pero mas mabilis ako sa kaniya sa pagkakataon na 'to at mas nauna ko siyang nasapak ulit. But this time, hindi na sa panga niya tumama ang sapak ko, kundi sa pisngi na lang.

Sayang. Nilakasan ko pa naman na. You're to lucky Bastard.

Nagulat ako ng may humatak sa kwelyo ko at saktong sasapakin ako, pero hindi niya naituloy, dahil agad ko nang tinuhod ang alaga niya.

Basag!

I smirked. Dahil busy ako sa pagtitig sa kaharap ko, hindi ko napansin ang nasa tabi ko at nasapak ako sa kanang pisngi ko.

"Shit!"

Medyo masakit ha.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko habang dahan-dahang lumingon sa sumapak sa akin.

Nakita ko namang napalunok ito dahil sa matalim kong tingin sa kaniya.

Hindi libre ang pananakit sa mukha ko.

Mabilis akong sumugod rito at sinapak siya sa panga. Nilagyan ko ng kaonting pwersa 'yon, dahilan para mawalan siya ng malay.

Asshole.

Nakaramdam naman ako ng presensya sa likod ko kaya agad akong yumuko dahilan para hindi tumama ang suntok niya sa akin.

Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para mapuntirya ang sikmura niya at sinuntok ko 'yon. Nilagyan ko rin ng pwersa 'yon, kaya malakas siyang napaubo at napahawak sa sikmura niya. Namilipit pa itong napahiga sa kalsada habang hawak pa rin ang sikmura niyang sinuntok ko. Para siguradong hindi na siya makakatayo, sinipa ko pa ulit ang tyan nito. Tila lalabas na ang lalamunan niya sa tindi ng pag-ubo niya.

4 down. 7 to go.

"Ano? Sino pa"?

Napangisi ako ng makita ko ang sunod-sunod na paglunok ng iba sa kanila.

"Ang yabang mo"!

Sabay sugod niya sa akin, pero nahawakan ko agad ang kamao niya gamit ang kaliwang kamay ko, habang ang kanan naman ang pinanggamit kong pangsapak sa panga niya.

Hindi pa ako nakakabawi sa pangyayari nang may sumugod ulit.

Muntik pa akong matamaan, kung hindi lang ako napa-atras. Sunod-sunod ang pag-atake nito sa'kin. Halatang hindi nag-iisip. Ako naman puro atras at sangga lang ang nagawa.

Imbis na sanggain ang huling suntok nito, sinalo ko na lang 'yon gamit ulit ang kaliwa kong kamay, kasabay ng pag suntok ko sa panga niya katulad ng nauna sa kaniyang napabagsak ko.

5 down, 6 to go.

"Shit". Mahinang mura ko. Hingal na hingal na ako dahil sa mga ugok na 'to.

Dapat pala talaga kumain muna ako bago umalis ng bahay.

Unti-unti akong pinaligiran ng mga natitirang nakatayo. Ako naman nililigid lang ang paningin ko sa kanila para makiramdam sa paligid.

Naramdaman kong may papasugod sa akin mula sa gilid ko, kaya napayuko ako para iwasan 'yon.

Sasapakin ko na sana siya, pero may humawak ng brasong ipangsasapak ko sana rito kaya hindi ko natuloy. Dahil may humawak ng brasong pangsasapak ko, sinipa ko na lang ang kaninang susugod sana sa akin.

Bahagya siyang napaatras sa akin at napahawak sa tyan niya. Hindi ko na siya pinansin at inilipat ko ang paningin ko roon sa may hawak ng braso ko. Sinapak ko ito deretso sa ilong gamit ang kaliwang kamao ko. Nakita ko pang tumulo ang dugo mula sa ilong nito bago bumagsak sa lupa.

Lilingon pa lang sana ako sa likod, nang may bumatak na paharap sa balikat ko at sinapak na naman ako.

Napaatras ako dahil medyo malakas rin ang pagkakasuntok niya. Pero wala naman akong naramdamang sakit.

"Tangina, namanhid na yata". Nakangising usal ko.

Susuntok pa sana siya, nang maunahan ko ito at pabalibag na iningudngod sa pader.

"Anong grupo kayo nabibilang"? Hindi ito sumagot.

Sinabunutan ko naman ito at mas iningudngod ko siya sa pader. "Sabi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may pumutol sa'kin.

"We're from Black gang".

Lilingon pa lang sana ako, pero hindi ko na natuloy dahil may matigas na bagay na lang akong naramdaman na malakas na humampas sa likod ng ulo ko.

Tila nag slow motion ang lahat at bumagsak ako dahan-dahan. Puro blur na lang ang nakikita ko. Sobrang nahihilo ako.

May naramdam rin akong mainit na likidong unti-unting tumutulo mula sa parteng hinampas nila.

Katapusan ko na yata.

"Hoy"! Sigaw ng kung sinong boses babae.

"Shit"! Rinig kong tarantang sabi ng lalaki sa likod ko.

Nakaharap ako sa kanilang bumagsak kaya kahit malabong hugis lang ng mga tao ang nakikita ko, ay nahuhulaan ko pa rin naman ang mga pangyayari. Pero malabo ang tunogNakita ko na lang na natataranta silang lahat at isa-isa rin silang bumagsak sa lupaKahit namamanhid na ang buong katawan ko, napakunot pa rin ang noo ko.

Anong nangyayari?

Napaluhod ang huling lalaking nakita kong nakatayo kanina. Malabo na ang mga imaheng nakikita ko, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang imahe ng babaeng sinipa ang mukha ng nakaluhod na lalaki kanina, kasabay ng tuluyang pagbagsak ng buong katawan nito sa lupaKasabay ng nakita ko, ay ang pag dilim ng paligid ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Minulat ko ang mga mata ko at tanging puro puti lang ang nakikita ko. Katulad sa mga storyang nababasa o napapanood kong nakakakita ng ganito, naisip ko rin na baka...

Am i already dead?

Ginalaw ko ang kamay ko, pero may mabigat na kung anong nakadagan dito. Dahan-dahan kong inangat ang ulo kong tila binibiyak para lang tignan ang mabigat na bagay.

Gano'n na lang ang gulat ko nang may nakita akong babaeng nakadukdok malapit sa may kamay ko at natutulog. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa kamay ko.

Sa hindi ko malaman na kadahilanan, nakaramdam ako ng tila kuryenteng maliliit na dumadaloy sa kung saan siya nakahawak sa akin.

Bakit siya narito?

Kasabay ng tanong ko ay ang pagpasok ng huling scenariong nakita ko."Who are you"? Wala sa sariling nausal ko. Sandali itong gumalaw. Ilang segundo lang rin ng umupo ito ng deretso at nagkusot ng mga mata.

Mukhang nagising ko yata siya.

Napatingin ito sa cellphone na hawak niya sa kanang kamay niya, at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya"Shemay! Anong oras na pala. Yare ako nito"! Napataas ang isang kilay ko sa kaniya.

Mukhang napansin naman na niya yatang gising na ako.

Dahan-dahan akong umupo dahil masakit pa rin ang bahaging pinukpok ng mga hudas kanina. Napapangiwi pa ako habang inaangat ang sarili.

"T-teka. 'Wag ka munang masyadong kumilos".

"I-i want to s-sit".

Tila binibiyak ang ulo ko tuwing nagsasalita ako.

"Fine. Tulungan na kita".

Kagaya ng sinabi niya, inalalayan niya akong umupo. Nang makaupo ako, umupo na rin siya ulit sa stool na kaninang ikinau-upuan niya.

"Sino ba kasi yung mga ulupong na 'yon at pinagtulungan ka"? Takang tanong niya habang nakatingin sa akin.

Napailing ako. "No one." Pinaningkitan niya ako ng mata sa sagot ko.

"Mukha mo no one". Inis na sabi niya na ikinatawa ko. "Pero sinaktan ka". Pagpapatuloy niyaNapabuntong hininga ako. Pwede ko naman yatang sabihin dahil tinulungan niya naman ako.

"Gang na nakalaban ko rati". Napatingin ako sa mga kamay kong kasalukuyang nasa ibabaw ng hita ko.

"Gang? Gangster ka"? Tumango naman ako. Tumingin ako sa kaniya.

"And you? What are you doing to a place like that"?

"Wala. Nagkataon lang na may narinig akong sumigaw ng 'Tangina mo'" Ginaya niya pa yung way ng pagkasabi sa huling sentence niya, na ikinatawa ko. "Kaya ayon. Hindi ko na sana papansinin kaso naisip ko na baka may kailangan ng tulong at tama nga ako". Tumingin ito sa akin at nginitian ako. Napayuko naman ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"You shouldn't have done that". I said. Almost a whisper.

"Tss. Gusto mo bang hindi ako patulugin ng konsensya ko? Atsaka kung hindi ko ginawa 'yon, patay ka na sana ngayon. Paano naman yung mga taong maiiwan mo? Hindi mo man lang naisip 'yon".

Napayuko pa lalo ako sa sermon niya.

"I'm sorry".

Hindi ko alam kung bakit sa babaeng 'to nagiging parang maamo akong tigre. Wala pang nakapagpaganito sa akin.

"Okay lang. Lumipas naman na. Mag-ingat ka na lang sa susunod".

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kinuha niya ang phone niya at sa tingin ko, oras ang tiningnan niya roon. "Shit! Sige na. Masyado nang gabi. Kailangan ko nang umuwi".

Gabi? Gano'n kahaba ang tulog ko?

Inayos na niya ang mga gamit niya 'tsaka ito tuluyang tumayo.

Pipihitin na niya sana ang door knob ng lumingon ulit ito sa akin. "Ano nga pala name mo"? Nakangiting tanong niya. Nakakahawa ang mga ngiting 'yon.

"Lars... Lars Jandrik Montallana".

Napansin ko namang sumeryoso saglit ang mukha niya bago ulit ngumiti at tumango. Lalabas na sana siya ng magsalita ako"And you? What's your name"?

"Kia... Kiandra Kyle Lunox". Ngumiti na muna ito sa akin bago nagsalita. "Kita na lang tayo sa daan". At tuluyan na siyang umalis.

Napatulala ako.

Kiandra?

"No". Napailing ako.

Baka kapangalan niya lang.

Kusa na lang pumasok sa isip ko ang mga ngiti niya. I smiled.

I hope to see you soon, again... Milady.

*End of Flashback*

-TO BE CONTINUED-

So how is it? Hope you like this.

Vote, comment and follow me! 🙏

Lovelots! :* ♥️

- Laymedown_07 💚

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
43.9K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
53.8K 881 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: