Your Maid [Completed]

By NotLikeNobody

137K 3.2K 100

Si Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito a... More

Announcement
Prologue
Your Maid 1
Your Maid 2
Your Maid 3
Your Maid 4
Your Maid 5
Your Maid 6
Your Maid 7
Your Maid 8
Your Maid 9
Your Maid 10
Your Maid 11
Your Maid 12
Your Maid 13
Your Maid 14
Your Maid 15
Your Maid 16
Your Maid 17
Your Maid 18
Your Maid 19
Your Maid 20
Your Maid 21
Your Maid 22
Your Maid 23
Your Maid 24
Your Maid 25
Your Maid 26
Your Maid 27
Your Maid 28
Your Maid 29
Your Maid 30
Your Maid 31
Your Maid 32
Your Maid 33
Your Maid 34
Your Maid 35
Your Maid 36
Your Maid 38
Your Maid 39
Your Maid 40
Your Maid 41
Your Maid 42
Your Maid 43
Your Maid 44
Your Maid 45
Your Maid 46
Your Maid 47
Your Maid 48
Your Maid 49
Your Maid 50
Epilogue
THANK YOU!

Your Maid 37

1.5K 51 1
By NotLikeNobody

When the heart speaks.

Alam ko naman noong una palang na hindi magiging madali ang buhay ko dito sa south korea, ngunit una kong iniisip na kailangan kong kumayod ng mas malaki at kumita para sa pamilya ko. Para maiahon kami sa pagkakalubog sa mga utang, para rin mabili ang mga pangangailangan nila sa pang araw-araw.

Ngunit hindi ko inaasahan na ibang paghihirap ang dadanasin ko, dito ko pa pala mararanasang umibig at masaktan. Dito sa pamamahay ng pinakasikat na grupo na hindi ko naman kilala noong una.

Noong una ay hindi ako makapaniwala na magagawa iyon sa akin ni min. Magagawa niya akong saktan at paglaruan ng ganito, ngunit naiintindihan ko na masama nga ako para kay jeon at sa career nila. Pinoprotektahan niya lamang ang kaniyang mga ka-grupo mula sa kapahamakan.

Ngunit ngayon ay tanggap ko na. Hindi ko siya masisisi, siguro kung ako ang nasa posisyon niya ay ganiyon din ang aking gagawin, papaalisin ko rin ang taong sumisira sa kanila. Ngunit hindi sa paraang naisip ni min, kasi masyado itong masakit eh.

Pero ngayon, huwag siyang mag alala dahil tanggap ko na.

Tanggap ko na ang lahat at masyado akong nag i-ilusyon na totoo lahat ng iyon. Nag i-ilusyon lamang ako sa paraang kung paano niya sabihin iyon sa akin, sa mga titig niya at sa mga kilos niya na akala ko ay totoo. Ang galing niya doon, naniwala ako at umasa ng hindi ko namamalayan.

Kasalanan ko rin naman siguro talaga ito. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko.

Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking mata. Hindi parin kasi ito tumitigil, hindi ko alam kung wala bang kapaguran ito o normal na tutulo nalang ito basta basta dahil sa sanay na ito. Ang kirot ng puso ko ay hindi parin tumitigil. Masakit parin ito sa tuwing inaalala ko ang mga alaala ko sa pamamahay na ito.

Kay rey, jin, yoong, hob, joon, tae, jeon at min. Lahat ng magagandang alaala na pinagsaluhan namin dito. Mga kulitan, alitan, pagpapakumbaba, pagpapatawad, at ang buhay pag-ibig ko na sobrang hirap makamit. Ako iyong talo dito, pero hinding hindi ko kayang magalit sa ginawa ni min sa akin kaya naiinis ako sa aking sarili.

Itinupi ko na ang huling damit na dala ko saka ito nilagay sa loob at isinara. Umikot ako sa aking naging panandaliang kwarto habang sinisigurado na wala nang matitirang gamit dito. Nang nasiguro kong wala nang natira na orihinal kong gamit at saka ko ipinuwesto ang aking mga maleta sa gilid ng pinto.

Napahingang malalim ako habang hinahanda ko na ang aking mga maleta, hindi ito madali sa akin dahil para ito sa pamilya ko ngunit hindi ko na kayang may madamay pa dahil sa akin. Ayoko maging makasarili, ayoko na ako pa maging dahilan ng pagbagsak nila.

Inabot ako ng ilang minutong pagpupunas ng aking luha. Pagkatapos mahimasmasan ay bumaba na ako at nagluto ng almusal ni jeon at min. Silang dalawa lang pala ang nakauwi, hindi ko alam kung bakit at hindi ko na balak pang alamin iyon dahil may pagkakataon talagang ganoon na may nagbabakasyon sa isa sa kanila, noong nakaraan si tae eh. Pero sa lahat ang hindi ko nakakasama ay si rey, siya ang pinakamaraming pinagkakaabalahan.

Narinig ko naman maya maya na bumaba ang dalawa at umupo sa may lamesa habang ako ay nagsasalin ng ihahain.

Nakatalikod ako sa kanila habang naghahain. Sumilip ako kaunti at nakita nagkakatitigan at nagsusukatan sila ng tingin. Simula nang akalain ni jeon na may relasyon kami ni min ay naging tahimik na siya. Hindi na siya makulit tulad ng dati at isip bata, simula rin niyon ay hindi ko pa sila nakikitang nag uusap dito sa bahay. Hindi ko lang alam kung sa trabaho ay ganoon parin sila.

Naging ganito lang simula nang nandito ako sa pamamahay na ito.

Napabuntong hininga na lamang ako, mukhang tama si hyun-ae sa mga sinasabi niya na ako lang problema dito. Ako lang ang sisira ng pagkakaibigan at career ng mga taong nandirito na walang ibang ginawa kundi ay tratuhin lang naman ako ng maayos at ituring na parang pamilya.

Pumikit ako sandali saka huminga ng malalim bago ko nilapag sa lamesa ang mga niluto kong pagkain. Pagkatapos ay binigay ko ang kanilang plato at kubyertos, inuna ko si min na kanina pa nakatingin. Para bang ino-obserbahan niya ako.

Parang may gusto siyang gawin at sabihin, hindi ko alam kung ano iyon pero hindi na iyon mahalaga. Alam ko naman na eh. Oo naiinis ako, pero hindi ako galit sa kaniya kasi mas nangingibabaw ang nararamdaman ng puso ko para sa kaniya.

Tanga hindi ba?

Nanginginig ang aking kamay habang ibinibigay kay jeon ang kaniyang plato at kubyertos. Akala ko ay aabutin niya ngunit ang aking pulso ang kaniyang hinawakan hindi ang mga hawak ko.

Napatingin ako sa kaniya sa gulat at pagtataka.

"Join us." Aniya gamit ang seryosong boses.

Agad niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin at kinuha ang mga kubyertos, ni hindi niya ako nakuhang tignan o sulyapan manlang. Malamig na ang pakikitungo niya sa akin ngayon, hindi na siya iyong jeon na nakilala ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi ko nanaman maiwasang maging emosyonal at agad nangilid ang aking luha kaya umiling lang ako ng marahan.

"I'm full." Pagsisinungaling ko. Ilang araw na ako walang maayos na kain, minsan ay isang beses lamang sa isang araw.

Agad akong tumalikod at iniwan na sila sa kusina. Itinuon ko ang aking atensyon sa pagwawalis, pagvacuum at pag gupit ulit ng mga damo sa bakuran. Lulubusin ko na lahat lahat ngayong araw na ito.

Nilinis ko rin ang kwarto ni tae, si tae kasi ang pinakamaduming kwarto sa kanila. Sa iba naman ay malinis na.

Nag iwan ako ng sulat sa gilid ng table sa kwarto ni tae. Ito ay liham na isinulat ko kagabi patungkol sa babaeng mahal niya. Sana ay maging maalam siya patungkol sa pag ibig para iwasang maging tanga, ako kasi ganoon eh.

Lahat sila ay ginawan ko ng sulat hindi lang si tae. Nilagay ko iyon sa kanilang kwarto, kay min at jeon naman ay nilagay ko sa kanilang drawer para hindi nila agad mabasa ito. Liham lang naman iyon ng pasasalamat at pamamaalam, kung gaano ako kasaya at ka-swerteng makilala silang lahat.

Alas dose ng tanghali nang matapos ako sa paglilinis, nagluto na rin ako ng tanghalian nilang dalawa habang sila ay nasa kani-kanilang kwarto. Sanay naman sila na iniiwanan nalang ng pagkain saka nakahanda naman na mga plato doon sa lamesa pati na mga kubyertos, sa umaga lang hindi.

Humiga ako sa aking kama para magpahinga dahil sa pagod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya agad akong bumangon at nakita sa orasan na alas tres na ng hapon.

Agad akong naligo at pagkatapos ay nanood muna ako sa youtube ng mga stage performance ng bang boys. Lahat sila ay magaling at talentado talaga, bukod pa doon ay mabait sila kahit sa kasambahay lang nila.

Habang nanonood ay napangiti ako sa kung gaano sila kagaling humataw sa entablado, hindi maipagkakaila na deserve talaga nila ang pagiging successful artist dahil kita ko kung gaano sila ka-determinado at gaano sila kasaya sa kanilang ginagawa. Napaka talentado rin ng bawat isa sa kanila na hindi maku-kuwestyon ang kanilang kasikatan ninuman.

Sumunod na lumabas sa aking pinapanood ay ang kanilang cute/happy moments. Nakangiti lamang ako sa kanilang bonding at samahan sa bawat isa. Para na silang magkakapatid magturingan, kitang kita ko rin si min at jeon na mas close sila kaysa sa iba.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha kung hindi ko pa nahawakan ang aking basang pisngi habang patuloy na nanonood.

Ito ba ang samahang sisirain ko? Ito ba ang mga taong tatanggalan ko ng pangarap? Kitang kita ko kung gaano sila nagsikap ng ilang taon sa kanilang tagumpay na tinatamasa ngayon. Masisikmura ba ng konsensya ko na sirain lahat ng pagsasama, karanasan, saya, lungkot, hirap, at tagumpay?

Hindi.

Hininto ko na ang aking pinapanood. Pinikit kong ikalma ang akin sarili mula sa pagluha at pagkirot ng aking puso.

Napagpasiyahan kong pumunta sa rooftop, hindi ko ugaling pumunta ng rooftop ng hapon ngunit hindi na kasi ito mauulit muli kaya sa tingin ko ay tama na ang oras na ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahang naroon rin si jeon. Nakatalikod ito sa akin habang tumatanaw at nakatingin lang sa malayo.

Habang nakatalikod siya ay kilalang kilala ko parin siya. Kung gaano siya katangkad, ka-maskulado at pati na rin ang kaniyang buhok. Gusto ko siyang yakapin tulad ng pangungulit niya dati, dati ay siya ang unang bumabati, dati ay siya iyong sweet at panay tawag sa pangalan ko.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kaniya saka huminto nang mga limang dipang layo mula sa kaniya.

"J-jeon." Mahinang sambit ko. Gusto ko siyang makausap ngayon.

"I told you to stay away from me." Matigas niyang saad saka humarap sa akin si jeon habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"I-I just want to talk--"

"I don't want to, layla. Leave." Napayuko ako ngunit hindi ako umaalis sa aking pwesto.

Naniniwala akong ito na ang tamang pagkakataon para kausapin siya at hindi na ito mauulit pa.

Marahan akong umiling bilang sagot. "I already told you that don't come near me! Stop being stupid!!" Napapikit ako sa lakas ng kaniyang pagkakasigaw.

Galit siya sa akin. Ngayon niya lang ako pinagsalitaan ng ganito. Dati rati ay malambing ito ngunit ngayon ay tila naglaho na at nagbago ang lahat.

Parang sinaksak ang puso ko ng ilang beses sa kaniyang pagsigaw. Para bang kinamumuhian at pinagsisisihan niyang nakilala niya pa ako. Hindi na siya ang jeon na pinaka-unang makakaintindi sa akin, na kahit kamuhian ako ng lahat ay nandyan siya, hindi na siya ang jeon na nagiging sandalan ko sa aking problema bukod kay joon. Hindi na siya ang jeon na walang palyang magbigay ng mensahe araw araw na ang ganda ko at gustong gusto niya ako, pati sa araw araw na pagtawag na hindi ko madalas nasasagot,

Nanginginig ako sa aking sakit na nararamdaman at tila nanghihina ang aking nga tuhod. Ngunit lumaban ako at unti-unting dinilat ang aking mga mata. Nanlilisik ang kaniyang mga mata direkta sa akin habang umiigting ang kaniyang panga.

Hindi ko na napigilan na mapaluha, wala na akong pakialam kung kaawa awa ako ngayon. Wala na akong pakialam kung desperada na ang itsura ko o masokista pa. Gusto ko lang siyang makausap ngayon.

"J-jeon, please hear me out." Nanginginig ang aking mga labi habang nagsasalita, hindi sa lamig ngunit sa halu-halong emosyon na aking nararamdaman.

Nakita ko kung paanong nag iba ang kaniyang ekspresyon, bigla itong lumambot nang makitang umiiyak ako sa harap niya. Bumalik ang jeon na palagi kong nakikita.

"J-just this one, please." Pabulong kong sambit na sakto lang para marinig niya.

Umiwas siya ng tingin saka tinalikuran ulit ako habang nakatanaw siya sa malayo ngunit wala naman siyang sinabi. Napapikit ako at huminga ng malalim.

"I-I just want to thank you for being so good to me." Pinunasan ko ang aking mga luha ngunit ang aking mga luha ay hindi parin magkamayaw sa pagtulo nito.

"T-thank you for being one of the best guy I've ever met. If there's anyone out there deserves all the love in this world, it might be you." Napahinto ako sandali at humingang malalim. "I wish I could teach my heart. But I didn't chose him, Jeon. My heart does."

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang paghikbi. Ayokong marinig niya na umiiyak ako, ayoko na mawala pa ang pagkakataong makausap siya ngayon.

"B-but, jeon. Min and I are not together, this is just fall for his plan and I think I deserve it." Napagitla ako nang bigla siyang humarap habang madilim na nakatitig sa akin.

"Stop lying." Aniya ng seryosong boses. Dahan dahan akong umiling habang nakatitig sa kaniyang mata para sabihing totoo ang sinasabi ko.

"J-jeon, I-I hope you'll find someone who can love you the way you deserve to be." Pilit akong ngumiti kahit na nanlalabo na ang aking mata dahil sa aking luha.

Agad ko itong pinunasan at hindi na nagdalawang isip pa. Agad din akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman kong napasinghap siya sa ginawa ko ngunit hindi naman niya ako pinigilan, hindi niya rin ako niyakap pabalik. Okay na ito sa akin na hindi niya ako pinapalayo, ito lang ay sapat na sa akin.

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kaniya habang nakapikit. Talagang isa siya sa pinaka-mamimiss kong tao dito sa bahay lalo na ang pagiging sweet niya.

Lord, bigyan niyo po siya ng taong magmamahal sa kaniya ng totoo.

"J-jeon, thank you for loving me. Thank you so much." Bulong ko sa kaniyang dibdib.

Kumalas na ako sa pagkakayakap saka humarap sa kaniya. Nakatitig siya sa akin. Iniisa isa kong tinignan ang bawat parte ng kaniyang mukha mula sa mata, ilong, kilay, pilikmata at labi na talagang hanggang ngayon ko nalang makikita ng personal, na talagang mamimiss ko ng sobra.

Mahalaga siya sa akin at mahal ko siya bilang bunso namin dito sa bahay.

Pinunasan ko ulit ang aking mga luha saka kinuha ang kamay niya at inilagay sa kaniyang palad, napatingin siya dito nang makita ang kwintas na buwan. Lumipat din agad ang kaniyang matang gulat sa akin.

"I-I promise that I will never come near you again." Ngumiti ako saka ibinaba ang kaniyang kamay kung nasaan ang kuwintas na binigay niya.

"T-this will be the last time that we will see each other. I'll be the one to avoid to cross our paths again." Nagulat ako nang may biglang tumulo mula sa kaniyang mata hanggang sa nagkasunod-sunod itong kusang lumalabas.

Nasasaktan ko nanaman siya. Tangina.

"Promise me you'll be happy, okay?" Tumango ako at tilid na ngumit saka agad tumalikod.

Binilisan ko ang aking paglalakad. Ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa hagdan ay napahinto ako nang bigla siyang nagsalita na sakto lang para marinig ko.

"Don't leave, I love you." Hindi ko alam kung bakit hindi maubos ubos ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko hanggang sa sambitin niya ang katagang iyon.

Umiling iling ako ngunit hindi ko na siya nilingon. Tumakbo na ako pababa ng hagdan at nagmamadali akong pumasok sa aking kwarto at ni-lock iyon.

Napasandal ako sa aking pinto at dumausdos sa sahig. Nawalan ako ng lakas sa lahat ng nangyayari ngayon. Impit akong humagulgol sa sakit ng nararamdaman ko.

Nagulat ako nang kumalabog ng malakas ang aking pinto, may kumakatok at kinakalabog ito ng malakas habang pilit na binubuksan ang door knob.

"LAYLA OPEN THIS DOOR!" Rinig ko ang lakas ng sigaw ni jeon mula sa aking pinto.

Umupo ako sa aking kama at tinakpan ang aking mukha habang humahagulgol. Hindi ko akalain na ganito kasakit magmahal at manakit ng taong nagmamahal sayo. Ang kumplikado dahil maraming masisira dahil sakin.

"DON'T DO THIS! PLEASE! I'LL BE GOOD, I PROMISE! JUST DON'T LEAVE ME!" Patuloy na nagwawala si jeon sa labas ng pinto. Kumakalabog ang pintuan ko na mukhang masisira pa ito ni jeon.

"NO ONE ORDER YOU TO LEAVE! LAYLA! DON'T LEAVE ME PLEASE! PLEASE! I'M BEGGING YOU!" Basag na ang kaniyang boses, naririnig ko ang paghikbi niya habang kinakalabog ang pinto.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin at anong ginawa ko para maging ganito siya. Deserve ko bang mahalin ng tulad niya?

Hindi. Kahit kailan, hindi.

Humihina na ang kalabog hanggang sa nawala na ang tunog kahit katok. Akala ko ay umalis na si jeon kaya lumapit na ako sa pinto para lumabas sana at magpahangin sa street. Ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni jeon, nasa pinto ko parin pala siya.

"P-please, don't leave me. It damn hurts." Mahina lang ito at ngayon ko lang narinig ang basag na boses ni jeon. Sobrang nasasaktan ko na siya, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Para sa akin ay bawat kilos ko may masasaktan.

"I love you." Nanginginig kong binuksan ang aking pinto.

Nagulat ako sa itsura ni jeon. Gulo gulo na ang buhok niya hindi tulad kanina, ang kaniyang mata ay namamaga at namumula, pati na rin ilong at pisngi niya.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at hinagod hagod ang kaniyang likod. Nagpatuloy siya sa paghikbi.

Hindi ko na alam gagawin ko. Makakaya ko ba siyang iwan? Pero kung tatagal ako dito mas lalala ang sitwasyon, kung nandirito parin ako mas aasa siya.

Ang hirap. Hindi ko alam.

"I love you so much, layla." Bulong niya.

Napapikit ako, sana siya nalang ang minamahal ko.

"It hurts so bad. I know from the very start that you won't love me back. But I can't control my feelings for you from the day you arrived."

Pinakinggan ko lang lahat ng sinasabi niya.

"Layla, I can break the rules. I want to make us happen." Umiling ako ng marahan habang nakayakap parin siya ng mahigpit.

"Everything will be fine." Sana.

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin siya sa mga mata ko. Pulang pula ang buong mukha niya pati ang mga mata niya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinunasan iyon gamit ang aking daliri. Ngumiti ako ng matipid, ngumiti rin siya sa akin.

Hinding hindi ko malilimutan ang gwapo mong mukha jeon, pati na rin ang iyong kalooban.

"I love you so much." Aniya saka ako hinalikan sa labi.

Dahan dahan lang ito at ramdam ko ang buong pagmamahal niya sa kaniyang halik. Hinawakan niya ako sa aking baywang.

"I love you, layla." Sandaling nagkahiwalay ang aming labi. Pero bigla niya ulit akong hinalikan.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi. Hindi ko alam kung bakit ayaw makipag-cooperate ng katawan ko, na parang gusto niya ang mga halik ni jeon sa akin.

"naneun dangsin-eul neomu salanghago dangsin egei mal-eul pigonhaji anhseubnida. geumjidoeeo issdeolado dangsin-i nae yeoja chingulaneun geos-eul alligi wihae daejung-ege danghwanghaji anh-eul geos-ibnida. neomu manh-eun jeung-oleul baddeolado sang-gwan eobs-seubnida. gajang jung-yohan geos-eun dangsin-ibnida." I love you so much and I will never get tired to say this to you. I won't even get embarrassed to the public to announce that you're my girlfriend even if it's prohibited. I don't care if I receive so many hates, the most important to me is you.

Ngumiti siya pagkatapos sabihin sakin iyon, hindi niya pala alam na marunong akong umintindi. Magkadikit ang aming noo habang nakapikit siya at nakangiti, pinasadahan niya pa ako ng mabilis na halik ulit sa labi.

Jeon, sana ikaw nalang. Edi sana, wala akong sakit na nararamdaman. Sana hindi kita nasasaktan. Sana masaya tayo.

Pero kung mahalin man kita, walang pagkakaiba rin iyon kay min. Walang pagbabago, nakakasama parin ako sainyong lahat.

Ngumiti ako ngunit may pait sa labi.

Biglang bumagsak ang katawan ni jeon. Agad ko itong sinalo kahit mabigat. Nanlaki ang mga mata ko at paulit ulit siya ginigising at tinatawag ngunit hindi siya gumigising.

Hinawakan ko ang leeg at ang noo niya ang init pareho--inaapoy siya ng lagnat! Bakit hindi ko iyon napansin kanina?

"He has a fever and manager rey said I'll took care him that's why we're here." Napalingon ako sa aking likod. Nakasandal si min sa pader at nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Lumapit siya at tinulungan akong buhatin si jeon na ihatid sa kwarto niya. Nilapag namin si jeon sa kaniyang kama at mahimbing itong natutulog. Tinanggal ko ang kaniyang itim na jacket para sumingaw ang init ng kaniyang katawan.

Napaangat amg tingin ko kay min na nakatayo lang sa harap ni jeon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"I'll handle this. Thank you." Sambit ko saka dali daling lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.

Kumuha ako ng maliit na planggana at nilagyan ng tubig saka bimpo. Bumalik agad ako sa kwarto ni jeon, wala na si min. Ipinunas ko ang basang bimpo sa kaniyang katawan at mukha, basta nalang ako nagpupunas kahit nararamdaman ko ang tigas ng abs niya. Ang mas mahalaga ay mawala ang init sa kaniyang katawan.

Sinubukan ko ang thermometer na hawak ko galing sa first aid kit dito sa bahay, mataas ang lagnat niya. Masyado ata siyang nagpapapagod at hindi kinaya ng katawan niya nitong mga nakaraang araw. Nang matapos ako ay inilapat ko sa kaniyang noo ang bimpo at kinumutan siya.

Lumabas na ako sa kaniyang kwarto. Gusto ko lamang magpahinga saglit. Nang marating ko ang pinto ay agad kong binuksan ang door knob. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok ay may humila sa akin palabas ulit.

Agad akong napatingin at seryoso lamang ang itsura niya. Bumuntong hininga ako at ibinaling ang aking mata sa pinto ng kwarto ko.

"I'm tired, min. I'll just take a nap." Ngunit hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, mas lalo niya itong hinigpitan. Para siyang galit.

"I said clearly that no one should kiss you didn't I? Your lips are mine. What the fuck, layla?! Are you playing on us?!" Madiin na sambit niya. Hinawi ko ang kaniyang kamay sa aking kamay at pilit na kumakawala. Pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa akin.

"Let me go, min." Umiling iling siya habang sarkastikong tumatawa.

Hinila niya ako ng malakas saka tinulak kaya napasandal ako ng malakas sa pader. Napapikit ako sa sakit ng aking likod, aalis na sana ako ngunit kinulong niya ako sa kaniyang bisig. Sobrang lapit niya sa akin at titig na titig, galit siya.

Pero mas nagagalit ako, siya ba ang biktima dito? Hindi.

"Baby, I.." pumikit siya ng mariin. "I don't know what to do anymore with you, I'm so fucking jealous. I want to punch jeon when I saw you two kissing." Umiling iling siya.

Hindi ako makatingin sa kaniyang mata. Pumikit na lamang ako sa inis, sakit at galit na aking nararamdaman. Kasalanan ko nanaman, ako nanaman ang nasisisi dito, wala na ba akong nagawang tama sa bahay na ito?

"Shit. I don't know what to do, should I separate and take you with me? I can't own you even if I want too." Napasinghap siya at tumingin sa akin, mapungay lang ang kaniyang mga mata, iniwas ko agad ang aking tingin.

Walang anu-ano'y bigla niya akong hinalikan ng mariin, hindi ako nakapagreact agad dahil para akong natuod at hindi makagalaw. Idiniin niya rin ang kaniyang sarili sa akin kaya hindi ako makawala. Ang halik niya ay masyadong mapusok at animo'y gutom na gutom.

Iniiwas ko ang aking mukha ngunit hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para hindi na talaga ako makagalaw. Masyadong agresibo ito na akala mo ay nagmamadali.

Pilit akong kumakawala ngunit nanghihina ako sa mga halik at sa yakap niya habang kumakabog ng mabilis ang aking puso. Hinahampas ko ang kaniyang dibdib ngunit masyado itong matigas. Nakapikit lamang siya habang patuloy sa paghalik.

Pakiramdam ko ay humahapdi na ang aking labi. Masakit, masakit ang kaniyang halik. Masakit rin ang aking puso.

Inipon ko ang lahat lahat ng lakas ko para itulak siya. Nagtagumpay ako dahil napaatrass siya kaunti. Nakawaang ang kaniyang pulang labi at nanlaki ang singkit niyang matang kukay tsokolate.

Hindi ko na napigilang mapaluha sa harap niya. Agad ko siyang sinampal ng malakas. Nakita kong bumakat ito sa kaniyang pisngi. Napapikit siya habang nakatingin sa gilid.

"How could you manage to say all of that in my face even if you're just lying? I know all the truth! I know it all! Your girlfriend told me everything!" Umiling ako habang umaagos ang luha sa aking mata.

Napatingin siya sa aking ng gulat. Hindi ko na iton inalintana pa.

"You love me? You're jealous?" Natawa ako ng mapait. "No, you're not." Dagdag ko.

"You don't know how and what I feel for you." Sagot niya ng gamit ang kalmadong boses.

Umiling ako bilang sagot. "Shut it. I once believed you and you proved to me how stupid I was. You're a great actor." Umiling siya bilang sagot habang nakatitig sa mata ko. Umiling din ako at nag iwas tingin, ginagamitan niya nanaman ako ng pagmamakaawa niya.

"I'm leaving. For good." Tumango ako ng dalawang beses. "This is all you want, right? If you just told me that you don't want me here. I'll leave, min. But why do you have to make me this miserable? Did I deserve to be played? Did I deserve to have a broken heart?" Pinunasan ko ang aking mga luha habang patuloy ako sa paghikbi.

"B-baby, don't--" umiling ako at tumingin sa kaniyang mata.

"Please don't say anything. Enough. I'm done with all of your lies. You want me gone?" Umiling siya at tumango naman ako. "I'll make that happen." Huling sambit ko bago siya tinalikuran.

Hindi pa akong nakakahakbang ng isang beses at agad niya akong hinigit at niyakap ng mahigpit. Kinulong niya ako sa kaniyang bising.

"Baby, please don't leave. Don't leave us." Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. "But, if you really want it, take me with you." Napailing ako sa kaniyang sinabi at sinubukan ko aiyang itulak siya pero masyado siyang malakas.

Sana totoo ang lumalabas sa bibig mo, min.

"W-we'll leave together. Baby, I'm fucking inlove with you." Basag na ang kaniyang boses nang sabihin niya iyon. Naramdaman kong basa ang aking balikat.

Umiiyak siya dahil sa akin. Nakasakit nanaman ba ako ng iba? Bakit parang ako ang masama dito? Ako iyong pinaniwala sa kasinungalingan diba? Hindi ba? Ako iyong may karapatan magalit!

"You want to come back in philippines? I'm going with you. I'll build our own house there. Let's live together. I miss your family. We will get married and have our own children. I'll leave this fucking house. I'll quit to this group, nothing comes first before y---" napatigil siya nang tinulak ko ulit siya ng malakas. Tinignan ko siya ng masama, punong puno ng galit ang aking nararamdaman.

"Enough!" Humakbang ako paatras habang umiiling.

Minsan ko nang pinangarap na maging totoo ang mga sinasabi niya ngayon, ngunit pagod na akong umasa sa walang kasiguraduhan. Pagod na akong umasa kahit imposible.

Umigting ang kaniyang panga habang ang kaniyang singkit na mata ay mapungay. Nagmamakaawa ito na huwag ko itong gawin.

Kahit saang anggulo ay may nasasaktan ako.

Mabilis siyang lumapit muli sa akin at hinuli ang aking labi. Hinalikan niya ulit ako, ngunit ngayon ay mas gentle ito at parang takot ngunit puno ng pagmamahal. Bakit parang totoo? Bakit naniniwala ang puso ko sa kaniya? Bakit ako napapikit?

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay sa kaniyang balikat habang hindi niya inaalis ang kaniyang labi sa akin. Hinapit niya ang aking baywang, hindi ako makapalag. Hindi ako makagalaw.

Kumalas siya sa halik kaya napadilat ako. Magkalapit parin ang aming labi, naiwang nakaawang ang aking labi dahil umaasang totoo lahat ng pinaparamdam niya sa akin.

"I love you so much. I don't know if there's any word more than that. But if it does, it still can't fit on how much I feel for you, baby." Bulong niya sa aking labi at hinalikan ulit ako.

Ngayon, ngayong araw ay gustong gusto kong nang maniwala. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya, kahit ngayon lang hahayaan kong magpakatanga...ulit.

Akmang hahalikan ko na siya pabalik nang may narinig kaming nabasag na bagay.

Agad akong humiwalay at lumakas ang kabog ng puso ko nang makitang may nakatayo sa gilid namin galing sa hagdan. Nabasag ang basong hawak niya, seryoso itong nakatingin sa amin.

Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay min.

"Min, uliui geonmullo gamyeon CEOga dangsingwa iyagihago sip-eohabnida." go to our company, the ceo wants to talk to you. Sambit nito saka nilipat ang tingin sa akin.

"Layla Soledad, sumunod ka sa opisina." Saad nito at tinalikuran kami.

Para akong binuhusan ng malamig na yelo sa buong katawan ko habang nagkatinginan kami ni min.

Hindi ko inaasahang uuwi rin si rey.

Continue Reading

You'll Also Like

75K 2K 33
What if your first kiss was the one who bullied you and became your stepbrother. is it possible for you to be lovers? [Book 1]
128K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
94.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
14K 1.2K 33
(Book 2 of Deadly Romance) -COMPLETED- Finally, malaya na si Iris. Napagbayaran na nito sa batas ang lahat ng kasalanan nito. Kasama niya na ang lala...