Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER V; Accidentally Kiss

65 40 30
By laymedown_07

Vote, comment and follow guys! Thank youuuu! 🙏

Enjoooooy! ♥️

-KIANDRA-

Kinabukasan...

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Pikit ang mga matang kinapa ko ang cellphone kong nasa maliit kong side table sa may ulunang bahagi ko. Agad kong tinignan ang oras nang maabot ko ito. Nahiga at pinikit ko ulit ang mga mata ko nang makitang medyo maaga pa naman.

5 mins pa.

Makakaidlip na sanang muli, nang may marinig akong sumigaw.

Literal na nanlaki ang singkit kong mga mata kanina.

Konti na lang, tatakasan na ako ng puso ko dahil sa lalaking ito.

"KIA"!! Ulit niyang sigaw.

Inis akong napabuntong hininga at dumapa. Hindi ko na lang pinansin ang pinsan kong talo pa ang babae kung makasigaw, at tinakpan na lang ang ulo ko ng unan.

Handa na sanang umidlip, nang muli na naman itong sumigaw.

Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ito?! 

"Kia, buksan mo"! Inis na napabuga ako sa hangin bago padabog na naupo mula sa pagkakadapa.

"Ano na naman ba? Bakit na naman? Ang aga-aga"! Bwisit na sigaw ko pabalik sa kaniya.

"Kia"! Inis na nagulo ko naman ang buhok ko, bago padabog na bumangon sa kama ko para buksan ang pinto.

Siguraduhin niya lang na mahalaga ang reason niya kung bakit niya ako ginising ngayon!

Nakakunot ang noo ko na binuksan ang pinto.

"Problema mo"?!

"Rise and shine princess". 

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "Rise and shine your face." Pagsusungit ko na tinawanan niya lang. I rolled my eyes. "So? Ano na namang problema mo at nanggigising ka ng ganito na naman ka aga ha?! Tatayo naman na ako. 5 mins na lang hindi pa mahintay".

"I can't believe you forgot"? Hindi makapaniwalang saad niya. Humawak pa ito sa dibdib niya at umarteng nasasaktan.

Napakalandi!

"Forgot what"? Humalukipkip akong tumayo.

"Mag go-groceries tayo dahil may mga bisita akong darating mamaya". Saad niya.

"Bakit? Anong meron"? Pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay. Gano'n din ang ginawa ko.

Aba, hindi ako papatalo, ano.

"Birthday ko ho ngayon prinsesa".

Ah Birth-

Literal na napaawang ang bibig ko.

"Tss. Dahil nakalimutan mo na ang Birthday ko, bawal kang magreklamo sa akin ngayong araw". Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

Nagkapang black mail pa. Bakit ba kasi nakalimutan ko? 

Napanguso ako. "Mag-asikaso ka na. Samahan mo ako mamili. Nga pala. Nagpadala na sila Tita kanina. Kinuha ko na rin. Ibibigay ko sa iyo yung parte mo mamaya. Bilisan mo ha"?

"Oo na"!

Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko at sinarado ang pinto.

Mahirap na. Baka mabungangaan na naman ako. Talo pa naman ng bibig nito ang bibig ng Nanay ko.

Inis na nagulo ko na lang ang buhok ko. Pero napangiti rin ako ng maalala ang sinabi ni Aaron.

Ayan na ang allowance ko! Pera na lang talaga ang nagpapasaya sa akin.

Talo ko pa ang isang teenager na inlababo kung makahagikgik.

Niligpit ko na muna ang higaan ko bago dumeretso ng tuluyan sa banyo para maligo.

Sana lang huwag akong maging yelo nito.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na rin agad ako.

"Good morning. Kumain na muna kayo bago umalis". Nakangiting sambit ni Yaya.

"Good morning din po".

"Si Aaron po"? Tanong ko nang makasandok ng kanin sa plato.

"Nag-aasikaso na rin". Tumango na lang ako.

Nauna pa ako? New record ito!

Nang makarating kami ng grocery, unang pinuntahang stand ni Aaron ay ang sa mga alak.

"Teka. Iinom kayo ng mga bisita mo"?

"Hindi. Display lang natin 'yan sa bahay, para kung sakali man umuwi sila Tita, pagalitan tayo". Inirapan ko na lang siya.

Sabi ko nga e. Pilosopo.

Inis na napanguso na lang ako.

Pumunta na muna ako sa mga frozen habang si Aaron, naniningin sa mga alak.

Inuna pa talaga ang alak. Hindi naman siya alak na alak niyan, ano?

Tinignan ko yung listahan na nailista ko kanina habang hinihintay si Aaron sa bahay. 

Isa-isa naming binili muna yung mga nasa listahan, habang itong kasama ko, busy sa pagkutkot sa cellphone niya. Napailing na lang ako.

Siya ang may birthday, pero ako ang namimili ng mga kakailanganin niya.

Chineck ko yung listahan kung nabili na ba namin lahat. Nang masigurado kong kompleto na, ay pumunta na kami sa cashier.

Nang kami na ang magbabayad, sinabi ko na ang huling pakay ko sa cashier.

Of course my cigarette. Hindi pwedeng mawala ito, ano.

Pagkatapos namin mag grocery ni Aaron, dumaan muna kami sa isang pastry shop para bumili ng cake niya.

"So? Anong flavor ang bet mo"?

"Dapat surprise ito, diba"?

"Bakit pa, eh kakainin din naman natin 'to".

"Yung iba kasi sinu-surprise nila ang cake, pero... Chocolate na lang". Napailing na lang ako.

Sasabihin din naman pala.

Sinabi ko na agad sa cashier ang order naming cake. Pinalagyan ko na rin ng 'Happy Birthday A-aron! From Us'.

Pagkakuha namin ng cake, umuwi na agad kami para makapag luto na agad si Yaya, at para kami na rin ni Aaron ay makapag-ayos na.

Almost 1pm na ng matapos kami sa lahat. Actually hindi pa nga masyado nakapag-ayos kasi niluluto pa rin hanggang ngayon yung buttered shrimp.

Nag aasikaso na ako ng lamesa nang marinig ko ang pag door bell ng kung sino.

Since nagluluto si Yaya, and si Aaron naman ay nag aayos na, ako na lang ang nagpresintang mag bukas ng pinto.

"Ako na po Yaya".

"Hi bunso!/ Hi Kia"! Bungad na bati nila Kuya Charles at Ralph pagkabukas ko ng pinto. Nginitian ko lang sila at pinapasok na.

"Upo kayo". Inalalayan ko silang maupo muna sa living room. "Nag-aayos lang si Aaron tapos bababa na rin iyon. Wait lang ha"? They nodded.

Pumunta ako sa sala at kumuha ng tig dalawang baso ng softdrinks, pati na rin yung nalutong garlic onion toasted bread.

Shala ng isang A-aron Fernandez.

Pagkahain ko ng mga iyon sa kanila, ay nagpaalam na muna ako na aayusin ko muna yung lamesa.

Nang matapos kami ni Yaya sa kusina, sakto namang bumaba na rin si Aaron mula sa kwarto niya.

"Kanina pa nanjan sila Ralph at Kuya Charles. Para kang babae kumilos".

"Whatever Kia". Sabay irap sa akin. Natawa na lang ako habang napapailing.

Pagkatapos ko sa kusina, inayos ko naman yung sa may garden. Para roon na lang sila mamaya paglilim or kapag mag iinuman session na sila.

Its 4 pm at medyo dumarami na rin ang bisita ni Aaron. Yung iba, classmate niya rati nung college. Yung iba naman, ka band mates niya.

"Happy Birthday". Bati ko kay Aaron nang pumunta ito sa kusina at kumuha ng mga ipapakain niya sa mga bisita.

Tinignan niya ako at marahang pinat ang ibabaw ng ulo ko. "Thank you. Kumain na rin kayo".

"Umm".

"Happy Birthday, iho".

"Thank you po Yaya".

Nagyakapan muna silang dalawa bago nagpaalam si Aaron na pupuntahan na ang mga bisita niya.

Napadako naman ang paningin ko sa lamesa. Napatulala ako rito at kusang naging hugis puso ang mata ko.

Mukhang pwede na akong hindi kumain ng isang araw. Come to Mameh!

Kumuha ako ng plato namin ni Yaya at naupo sa hapag.

Masama daw pinaghihintay ang grasya.

Kumuha ako ng tig iisang sandok sa mga pagkain.

Tig isang sandok lang. Nakakahiya naman sa mga bisita.

Kalagitnaan ng pagkain ko, nang may nag door bell. Hahayaan ko na lang sana, kaso nakailang beses na ang pag door bell, wala pa rin yatang lumalabas.

Tumayo ako at tinungo ang pintuan sa may salas. Nakita ko sila Aaron with his friends na masayang nag-aasaran sa may Salas.

Thomas and friends 'yarn?

Napafacepalm ako pagkabukas ko ng pinto dahil sa taong nakita ko.

"Unang bungad, busangot agad".

"Pasok".

Iniwan ko siya sa may pinto at nauna na akong pumasok. Narinig ko namang siya na ang nagsarado ng pinto, 'tsaka sumunod sa akin.

"Lars! Ma'men"! Rinig kong bati sa kaniya ni Aaron pagkalagpas ko sa kanila. Pinabayaan ko na lang sila at bumalik sa kusina para kumain.

"Sino ang dumating"?

"Si Lars po".

"Ah. Kain na".

Tumango ako kay Yaya at naupo muli sa lamesa.

Pagkatapos, nagpaalam muna ako kay Yaya na maninigarilyo sa may garden. Nakasanayan ko na ito tuwi laging pagkatapos ko kumain.

Lumabas ako sa garden at pumwesto sa area kung saan may duyan. Umupo ako roon at kimuha ng isang stick sa kahang hawak ko.

Sinidihan ko ito at humithit rito. Isinara ko ang mga mata ko pagkatapos, para damahin ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko.

"Naninigarilyo ka na naman"? Napadilat ako dahil sa pag sulpot ng kung sino.

"Bakit kung makapag comment ka jan, parang matagal mo nang alam na ginagawa ito"?

"Yeah".

Taka akong napatingin sa kaniya. Ilang naman itong tumingin sa akin nang marealized niya ang sinabi.

"I mean, kinwento ni Aaron".

"Ah". Humithit ulit ako sa sigarilyong hawak ko.

Tumabi siya sa akin. "Can i have some"?

Napatingin ako sa kaniya. "Ng ano"?

Nginuso naman nito ang stick na hawak ko. "Niyan".

Hindi ako sumagot. Iniabot ko na lang sa kaniya ang kaha na hawak ko para makakuha siya. Pinahiram ko ang hawak kong lighter pagkakuha niya sa kaha.

Nakakahiya naman.

"Ano pala ang ginagawa mo rito"?

"Sabi ni Aaron, puntahan daw kita". Napapakamot sa likurang ulo niyang sambit.

"Kapag sinabi ni Aaron na tumalon ka sa tulay, tatalon ka"?

"Of course not. Ibang usapan iyon, syempre".

"Tsk".

Kinagabihan, nagkayayaan silang mag laro.

"Sali ka po Yaya"? Tanong ni Aaron.

"Nako hindi na. Para lang sa inyong mga kabataan iyan. Isa pa, magpapahinga na ako".

"Okay po. Good night Yaya. Thank you po ulit".

"Magandang gabi sa inyo. Huwag masyadong maglalasing".

"Opo". Sagot nila sabay-sabay.

Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Aaron. Taka akong tumingin sa kaniya. "Tara rito". Sabay pat niya sa tabi niyang bakante.

"Matutulog na ako".

"Huwag kang Kj Kia. Tara na rito".

"Ayoko-"

"May kasalanan ka pa sa akin".

"Tsk. Oo na! Pambihira".

Pabilog na umupo ang mga Ulupong pagkalapit ko.

"Dito ka". Pat ni Ralph sa tabi niya, na sinunod ko naman.

"Naligo naman ako. Bakit ayaw mo akong katabi"? Pagd-drama ni Aaron.

"Puro ka kalokohan eh".

"Grabe ka naman".

Biniletan ko na lang siya. Inirapan naman niya ako, kaya sabay-sabay kaming natawa.

Spin the bottle...

"Okay! Game"! Masayang sambit ni Aaron.

Nilapag niya ang isang boteng mababasagin sa gitna naming lahat at pinaikot ito. Mabilis naman umikot ito.

"Kung sinong tapatan ng nguso nitong bote, ayon yung tatanungin ng 'Truth' or 'Dare'. Kung sino naman yung sa may pwetan, ayon ang magtatanong o yung magpapagawa ng Dare." Paliwanag ni Kuya Charles habang umiikot ang bote, na ikinatango naman naming lahat.

At kung talagang minamalas ka nga naman. Sa akin agad tumapat yung nguso ng bote. Napanguso na lang ako.

Mag ngusuan tayo here.

"Ang hindi makagawa ng Dare or makasagot sa Truth, mag sh-shot". Paalala ng Aaron.

"Goodluck, girl"! Asar naman ni Ralph.

Inirapan ko silang dalawa. "Dare".

Ako na matapang! Ako na men!

"Owww"~

"Tapang naman this girl"!

Napatingin ako sa taong tinapatan ng pwet nung bote. Napangiwi ako, habang napangisi naman ang taong iyon.

Pwede pa bang umurong? Kailangan ko na bang mag tawag ng mga santo?

"I dare you to kisssabayhag si Lars". Literal na nanlaki ang mga mata naming lahat.

Binatukan naman siya ni Aaron. "Ouch. What"? Reklamo ng Dan.

"What, what ka jan. Watwatin kita eh. Pinagsasasabi mo"?

"Sabi ko lang naman, kiss niya si Lars sabay hug. What's wrong with that"?

Isa-isa naman silang napa "Ah" habang kaming tatlo ng Lars at Ralph, napasapo sa noo.

Pambihirang lalaki talaga ito.

"Shot na lang pala ako".

Kinuha ko ang shot glass sa harapan ko, at bottoms up ko itong inubos. Napangiwi ako ng dumaan ang init nito sa lalamunan ko.

"You hate me that much, huh"?

"Nah. I just don't want to get involve to you". He sighed.

"Game na ulit"!

*Spin* *Spin*

Napatingin kami pare-parehas sa dalawang taong tinapatan ng bote.

George at Dan...

"Dare".

Isa pang atapang a tao...

"Wala akong maisip". Sabi ni George.

Bakit feeling ko, Awkward ang dalawang ito?

"Ako na lang mag-iisip"! Epal ni Jeff. "Kiss mo si George sa pisnge".

"Gagu ka ba"? Tanong ni Dan.

"Dali na pre. Katuwaan lang naman ito". Sulsol naman ni Kuya Charles, hanggang sa nagsunod-sunod na ang kantsaw nila.

Dahil matapang si Dan, hinalikan nga niya ang pisngi ni George.

"Owww"~

"Basic". Komento ng Dan.

"Tsk". Second demotion naman ng George. Napaliit ko ang mga mata kong tinignan ang dalawa. 

Hmm...

Nang magsawa sila sa paglalaro, nagkayayaan namang manood.

I was about to stand up and go upstairs to my room, when someone held my arm. I looked at him.

"Dito ka lang, hmm"? Sabay puppy eyes ni Aaron. I rolled my eyes.

"Whatever". Malawak naman ang naging ngiti nito.

Pumwesto na sila isa-isa. May kung sino ang naunahan ako sa tabi ni Ralph, kaya no choice ako, kundi pumwesto sa bakante, na kung saan, ay sa harap ng hambog na Lars.

Bali ganito ang pwesto...

Ang magkakatabi sa sofang mahaba, ay sila...

Carl (Classmate ni Aaron ng college), Ralph, Aaron, Kuya Charles, Jeff.

Sa dalawang magkatapatan namang sofa na maliit, ay sila George at Dan.

Sabi na at Awkward ang dalawang ito eh.

Sa lapag naman...

Ang Lars, apat na classmate ni Aaron nung College (Arthur, James, Brix at Rey).

Syempre kanino pa ba ako tatabi? Syempre sa kilala ko. Sa harap ng talipandas na Lars.

Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kinauupuan niya.

Itinukod ko ang kamay ko sa hita ni Dan para pang suporta, 'tsaka ako tuluyang umupo. Napasandal pa ako sa tuhod ng Lars dahil sa biglaan kong pag-upo.

Ang balakang ko...

"Anong papanoorin natin"?

"Pang senti naman"! Komento ng kung sino.

"Napaka-emo talaga".

"Dali na. Maiba naman".

In the end, Warm bodies ang napagdesisyunan nilang panoorin.

"Pwede ba manigarilyo rito Aaron"? Tanong ng Brix nang magsimula na ang palabas.

"Tanong mo kay Kia".

Napatingin naman ako sa kaniya. "Bakit sa akin"?

"Kayong dalawa ni Yaya ang nag-aayos rito".

I sighed. "Bahala kayo. Nasa kusina yung Ash tray".

"Thanks Kia"~

"Umm".

"Pakuha na rin pre yung mga beer sa reff. Tig i-isa tayo rito. Salamat".

Tumayo ang Brix para kuhanin ang Ash tray at mga beer. Pumayag na rin ako kasi...

Gusto ko rin mag yosi, ano. Ano, sila lang? Syempre ako rin.

Ipinatong ng Brix ang kaha ng sigarilyo sa center table. "Hmm. Kumuha kung sino may gusto". Ibinigay naman niya sa bawat isa sa amin na nandito ang mga beer na kinuha niya.

"Can i have some"? Rinig kong tanong ni Ralph. Tinutukoy ang yosi.

"Sige lang. Ito naman. Englisherist pa rin".

"Pasensya ka na. Godbless". Sabay silang nagtawanan. Kumuha si Ralph ng isang stick, at nagulat ako, dahil kinalabit ako nito ng kamay niyang may hawak pang isang stick, at ibinigay sa akin.

"Thank you". Nginitian lang ako nito.

Alam na alam ang gusto ko! You're the best Mareng Ralph!

Dahil may lighter naman ako sa bulsa, ito na lang ang ginamit kong panindi.

Humithit buga muna ako rito nang masindihan ko, bago sumimsim sa beer na hawak ko.

"Madam Kia. Paabot naman ako oh". Kalabit sa akin ni Dan.

"Okay". Ia-abot ko na sana ang kaha ng yosi kay Dan, nang pigilan ako ni George.

"Hindi pwede".

"Bakit naman"? Reklamo ni Dan.

"Basta hindi pwede".

"Ano ka? Boss"? Medyo yumuko ito sa akin at hinawakan ang wrist ko para kuhanin ang hawak kong kaha. Gano'n rin naman ang ginawa ni George.

"Sabi nang hindi pwede eh". Matigas na sambit ni George. Hinila nito ang wrist ko pagkasabi.

"Ano bang pakielam mo"? Matigas na reklamo rin ng Dan. Hinila rin nito ang wrist ko.

Ahm. Baka pwede ko munang makuha ulit ang braso ko bago kayo mag LQ na dalawa, ano? Nakakaloka.

"Sabi nang-"

"Hep! Baka pwedeng makuha muna ang kamay ko mawalang galang na, ano? Bago kayo mag LQ na dalawa jan".

Nakakaloka. Nalamas yata masyado ang laman ko sa wrist.

"LQ? Anong LQ? Tsk". Sabay nilang sambit at sabay rin silang bumalik sa pagkaka-upo.

Parehas ko silang tinignan.

Sus. In-denial pa kayo jan. Kung hindi lang nagkaroon ng mga past Girlfriends ang dalawang ito, iisipin ko nang LQ talaga sila, at bet nila ang isa't-isa.

"Hmm". Napatingin naman ako sa kamay na nasa tabi kong may hawak na Ashtray.

Itinaktak ko rito ang abo ng sigarilyo ko, dahil nangangalahati na rin naman. "Thank you".

"Umm".

Naks naman. Alagang-alaga naman iyan ng Ate mo Ralph. Ay. Kuya pa rin pala. Bi lang pala itey. Eher.

Nasa part na kami na unti-unti nang nararamdaman ng nga tropa ni R na tumitibok na ulit ang mga puso nila.

"Sana all tumitibok". Komento ng kung sino.

"Bakit yung sa iyo ba hindi"? Sagot ng Carl.

"Hindi na. Simula nang iwanan niya ako".

"Oww"~

"Tanga. Edi sana patay ka na". Sagot naman ni Kuya Charles.

"Eh iyang mga iyan nga, buhay pa rin kahit tumigil ng ilang years ang mga puso nila eh".

"Ang iingay niyo"! Saway sa kanila ni Aaron.

Relate 'yarn?

"Sorry Master Lunox".

Nasa part na kami nung sinundan ni R yung babae, nang may maramdaman akong kumakalikot sa ilang strands ng buhok ko. Napatingin ako sa Lars. Seryoso pa rin itong nakatingin sa TV habang iniikot-ikot ang buhok ko. Pinabayaan ko na lang.

Sakto namang ubos na rin ang mga beer namin nang matapos ang palabas.

Kumuha pa sila Aaron ng another batch of beer. This time, tig mutcho naman.

Tubig 'yarn? Nakakaloka.

Ininom ko na lang rin ang ibinigay nila sa akin. Inaantok na ako, pero nagdesisyon pa silang mag isang salang pa ng movie.

Bago pa magsimula ang bagong salang na movie, lumabas si Yaya mula sa kwarto niya na may dalang mga unan at kumot.

"Hmm. Rito na lang muna kayo magpalipas ng gabi at mga nakainom kayong lahat. Delikado". Tumingin si Yaya kay Aaron. "Kunin mo na lang iho ang malaking kutson sa itaas. Rito na lang kayo sa baba matulog lahat".

"Opo".

"Babalik na ulit ako sa pag tulog. Mag linis na lang kayo".

"Thank you po". Sabi ng mga lalaki.

Tumayo sila Aaron, Ralph at Kuya Charles para kuhanin ang malaking kutson sa itaas.

Although medyo manipis lang ito, pero malapad naman, kaya kasya na silang lahat. Besides, may sofa pa naman kaya ang iba, pwedeng rito na lang mahiga.

Madaling araw na rin nang matapos kami. Yung iba sa amin, tulog na. Yung iba naman, mga hilo na dahil sa alak. At... isa na ako roon.

*hic*

Mukhang marami na naman ako nitong lilinis ulit bukas.

"Good night Kia". Bati sa akin ni Aaron nang matapos naming ayusin ang lahat.

"Goodnight Aaron. Happy Birthday again".

"Umm". Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi, bago muling bumalik sa tabi ni Ralph at nahiga.

Lahat sila nakabaluktot na ng higa at kami na lang ng Lars ang nakatayo.

Kampante akong walang nakaharang sa daraanan ko, nang biglang may kung sino ang nag straight ng paa niya, kaya napatid ako.

Punyawa!!

Pero bago pa man ako masubsob, may kung sino na ang humila sa braso ko paharap sa kaniya. Akala ko okay na, pero na-out of balance rin ang sasalo dapat sa akin.

Kaya in the end...

Napahiga siya, habang ako, nakadapa at nakapatong sa kaniya.

Ang worst?

MAGKALAPAT ANG MGA LABI NAMING DALAWA!!!!

-TO BE CONTINUED-

(A/N: Sorry for this cliched chapter. I hope you enjoy this though. Mwuaaa~

- Laymedown_07 💚

Continue Reading

You'll Also Like

43.9K 3.3K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
53.8K 881 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.1M 51.3K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞