Stallion #34: ROZEN ALDEGUER

By Sonia_Francesca

139K 2.1K 289

Tahimik ang gabi ni Ada habang pinapangarap ang kanyang ultimate crush na si Jigger Samaniego at inaalala ang... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7

Part 8

10.7K 284 57
By Sonia_Francesca

NAGNGINGITNGIT NA si Ada. Kalalabas lang niya ng study room ni Rozen kung saan abalang-abala ito sa pakikipag-conference sa kung sino-sino. Dala na niya ang ipinaluto nitong pagkain at yayayain na sana niya itong magtanghalian na pero pinalabas lang siya nito. Mamaya na lang daw at marami pa itong ginagawa.

"Binabawi ko na ang una kong press release na okay lang na alagaan ko siya pansamantala!" Pinukpok niya ang barandilya ng hagdan. "Buwisit! Ang tagal-tagal kong nakatayo roon sa paghihintay na matapos siya dahil sinabi niyang 'sandali lang'. Mag-iisang oras na akong nakatayo roon tsaka niya sasabihing hindi siya kakain? Ah, peste! Mamatay ka sa gutom diyan!"

Sinipa naman niya ang silya roon. Napasinghap siya nang maramdaman ang sakit na iyon sa kanyang paa. Nadagdagan lang lalo tuloy ang ngitngit niya. Naupo na lang siya sa pobreng silya at hinilot ang nasaktang paa.

"What are you doing?" Si Rozen iyon, nakatayo na ito sa labas ng study room nito.

"Wala," padaskol niyang sagot. "Sinusubukan ko lang kung sino ang mas matatag. Ang silya mo o ang buto ng daliri ko sa paa."

"And well?"

"Mas matigas ang ulo ko kaysa sa buto ng daliri ko sa paa." Binuksan niya ang nakatakip na isang mangkok ng adobo at agad lumutang ang mabangong amoy niyon sa paligid. "Mukhang tapos ka ng makipag-tsismisan sa mga ka-phone pals mo. Kumain ka na bago pa iyan lumamig."

"Mamaya na. May hinihintay pa akong tawag."

"Ganito na lang. Bakit hindi ka na lang muna kumain habang hinihintay mo ang tawag na sinasabi mo? You'll be hitting two birds with one stone. O, di ba? English iyon kaya kumain ka na."

Naupo ito sa sofa at binuksan ang telebisyon. "Hindi pa ako nagugutom. Iwan mo na lang iyan sa kusina. Pupunta na lang ako doon kapag gusto ko ng kumain."

"Hindi puwede. Kailangan mo ng kumain ngayon." Bitbit ang tray ng pagkain, tumayo siya sa harap nito. "Doctor's order."

"You know, its never good when someone's blocking my tv."

"Rozen, kailangan mong kumain! Ano ka ba!"

"Rozen?" Now she got his attention. "What happened with the 'sir?"

"Do I have to? Wala na tayo sa SRC. Me calling you 'sir' only applies inside the Stallion Riding Club." Iniabot na niya rito ang tray. "Puwede ka na bang kumain ngayon?"

"No."

"Okay, I promise na tatawagin uli kita ng 'sir' kung kakain ka na."

"No."

"Okay, how about this. Tatawagan ko na ngayon si Reid at sasabihin kong tanggalin ka na sa listahan ng mga members ng SRC dahil hindi ka na babalik doon."

"You wouldn't do that."

"I have Reid's number."

"Reid don't give out his personal number."

"Oo nga. Pero hindi namna si Reid ang nagbigay sa akin." Matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. "Kundi si Sir Jigger. Sweet nya, 'no?"

His mood seemed to have gotten worse. Pero mukhang napasuko na rin niya ito sa wakas dahil pinatay na nito ang telebisyon. Masaya na niyang inilapag uli sa mesita tray ng pagkain. Inayos pa niya ang maliit na bonsai plant na naroon.

"Para mas ganahan kang kumain." Ibinigay na niya rito ang kutsara at tinidor. "Here."

He took it halfheartedly. In doing so, lumagpas ang kamay nito sa kutsara kaya ang kamay niya ang nahawakan nito. Agad niyang naramdaman ang tila paggapang ng maliit na boltahe ng kuryente mula sa kanyang kamay patungo sa buo niyang sistema. Wala tuloy sa loob niyang napatingin siya rito. At hayun na naman ang pagrarambulan sa dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay.

"Kumain ka na." Patalikod na sana siya nang marinig niyang tawagin siya nito.

"Ada."

Nilingon niya ito. "You...you called me by my name."

"Well, ikaw ang laging nag-i-insist na tawagin kita sa pangalan mo, hindi ba?" sagot nito nang hindi siya tinitingnan. Tumusok ito ng isang piraso ng ulam at pinagmasdan iyon. "Ikaw ba ang nagluto nito?"

"Hindi naman ako marunong magluto. Si Aling Elsa ang pasalamatan mo."

He tasted the dish. Tumango-tango ito. "Yeah, si Aling Elsa nga ang nagluto nito."

Nagpamaywang siya. Kinalimutan na lang niya ang nauna na niyang naramdamang pagkailang dito. Mas okay na iyon kaysa naman mamoroblema siya ng kung ano-ano na halata namang guni-guni lang niya.

"Anong ibig mong sabihin? Na hindi ako makakapagluto ng masarap?"

"Oo."

"How dare you? For your information, gifted child yata ako. Kaya kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin. At ang pagluluto na iyan, kung gugustuhin ko lang, makakapagluto rin ako ng masarap."

"Okay." Iniurong na nito ang mangkok ng ulam. "I'm through." Binuksan na nito uli ang telebisyon. "Pakisabi kay Aling Elsa na masarap ang luto niya."

"Kain na ba iyon? E daig mo pa ang pusa kung kumain, eh."

"I said I'm through. Take that away."

"Excuse me?"

"Ibalik mo na sa kusina ang mga iyan," tukoy nito sa mga pagkain sa mesita. "Busog na ako."

He really said it. Talagang mababang uri lang ang turing nito sa kanya! How dare him! Kaya imbes na sundin ang sinabi nito ay naupo na lang siya sa tabi nito.

"Hindi mo ako katulong." Kinuha niya ang plato ng kanin at sumandok ng ulam. "Kung ayaw mo, akin na lang ito."

Tiningnan lang siya nito sa kanyang maganang pagkain. Tamang-tama, hindi pa siya nanananghalian kaya pabor sa kanya na tinanggihan nito ang pagkaing iyon.

"Ang boring naman ng pinapanood mo," aniya. "Puro na lang balita. Huwag na iyan. Manood na lang tayo ng National Geographic. Tamang-tama iyon para sa mga matatalinong tulad natin."

With a sigh, he changed the channel. Naibuga pa niya ang kinakain nang makita kung anong segment ang kasalukuyang nasa cable channel na iyon. Wild Sex of the Animal Kingdom.

"Ang hahalay naman niyan!" reklamo niya. "Ilipat mo nga!"

"Sino ba ang may gusto ng pang-matalinong channel?" Pero inilipat na rin nito istasyon. HBO naman ngayon. Tamang-tama na paglipat nito ay natuon naman sa isang mainit na eksena ang pelikulang iyon. "Hmm, this is good."

"Hindi na ako nito matutunawan. Mag-Cartoon Network na nga lang tayo."

"Pang-matalino 'to."

"Sapakin kita dyan, eh!" Ipinasya niyang iwan na lang ito dahil naiilang siya sa pinapanood nila. Subalit pinigilan siya nito sa kanyang braso.

Napatingin na lang siya sa kamay nito.

"Stay," wika nito nang ilipat uli ang channel. "There's your Cartoon Network."

Wala na siyang interes manood ng telebisyon. At dala ng kakaibang init na iyon na hatid ng pagkakahawak nito sa kanya, lalayo na lang sana siya dahil pakiramdam niya ay tila lumalala ang nararamdaman niyang iyon. Pero hindi siya pinakawalan ni Rozen.

"I'll eat with you," wika pa nito saka bumaling sa kanya.

Her heart was thumping like crazy now as she turned to look at him. Nakatingala ito sa kanya at kitang-kita niya ang guwapong mukhang iyon na nakakapagpasirko sa puso niya. Kumuyom ang isa niyang kamao at napalunok siya. What's happening to her? What's with this weird feelings? Why was he making her feel this way?

He took her plate when she was still moving and pulled her down again, right beside her. Pagkatapos ay nag-umpisa na itong sumubo ng pagkain.

"Here," ibinalik nito sa kanya ang kutsara. "Don't mind me. Nakikikain lang ako."

They were sharing the same food, plate and spoon. Kung ganon, ano na ang nangyari sa batas nitong 'Stallion boy ito at empleyado lang siya'? Sa dami ng umiikot sa isip niya nang mga sandaling iyon, kaya marahil hindi na niya namalayang dinadampot na pala niya ang kutsara at sumusubo na rin ng pagkain.

"Siguro naman ngayon," wika nito kapagdaka. "Wala ka ng masamang ire-report kay Reid. I've done my part now."

"Ha?"

"Kumain na ako ng tama." Ibinigay nito sa kanya ang cellphone nito. "Call Reid and tell him I'm okay now."

Saka lang niya naintindihan ang ibig sabihin ng mga ipinakita nito. Nakikisakay lang pala ito sa napagkasunduan nila. He wasn't doing this because...because...

He's still the untouchable Stallion boy, wika niya sa isip. And I'm still just a plain employee who shouldn't imagine too much.

Sumandal siya sa sofa at nagpatuloy sa pagkain habang nakatutok sa telebisyon ang kanyang mga mata. "Mamaya ko na lang siya tatawagan. Kakain na muna ako at manonood ng cartoons."

"Ikaw ang bahala."

He stood up and went back to his study room. Sinundan lang niya ito ng tingin. Ayos lang naman ang lahat. Mabuti nga na ipinaalala nito sa kanya na hindi siya dapat nangangarap ng kung ano-ano sa pagitan nila. Come on, imposibleng magkagusto ang isang tulad nito sa isang tulad niya.

Napasinghap siya. Ano raw?! At kailan pa pumasok sa kukote niyang magkagusto sa lalaking iyon? At bakit din pumasok sa isip niyang magkakagusto ito sa kanya?

"Si Jigger ang gusto ko!" mariin niyang giit sa sarili. "Hindi si Rozen!"

Kung ganon, ano ang ibig sabihin ng malakas na pagtibok na iyon ng kanyang puso sa tuwing mapapatig sa mukha ng binatang mayor? O ang kakaibang nararamdaman niya kapag napapadikit siya rito?

"Imahinasyon ko lang iyon." Tinawanan niya ang sariling iniisip. "Ganito talaga ako kapag gutom."

"Ada."

Naibuga na naman niya ang kinakain nang marinig ang baritonong boses na iyon. Malapit sa kanyang tenga! Rozen was leaning over the sofa, right behind her! Kaya paglingon niya rito, swak na swak ang mga labi niya sa makinis nitong pisngi! Time seemed to have frozen at that moment, especially for her. Dahil nang unti-unting bumaling sa kanya ang mukha nito, mas lalo siyang tila hindi na makakilos. Now his own lips was only a breath away from hers. She could feel his hot breath mixing with her own. Parang sa isang iglap, inabandona siya ng kakayahan niyang mag-isip at ang tanging naiwan ay kanyang pamdamdam. Tila iisang organ na lang niya ang gumagana nang mga sandaling iyon. Ang kanyang puso.

And then it happened. His lips touched hers. But it seemed a little brush of their lips wasn't enough. Until finally, he sealed their lips together for a short but deep kiss. Napakurap-kurap na lang siya nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Hmm." Rozen lightly touched his finger to the side of her lips. "Not bad."

Those words sent her came crashing back to reality. Her senses were back and her mind made its presence known again. Sa kabila ng malakas pa ring pagtibok ng kanyang puso dahil sa katatapos lang na pangyayari, at least nagawa na rin niyang makapag-isip ngayon.

"Not bad?" ulit niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin? Na tinesting mo lang ako?"

Hindi ito sumagot. Bagkus ay patuloy lang siya nitong pinagmasdan. Sa asar niya sa sarili dahil nagpadala siya sa kanyang emosyon, at asar na rin dahil pinaglaruan lang siya nito, inipit niya ang leeg nito sa kanyang braso.

"Not bad pala, ha? O, eto, try mo kung 'not bad' din ito."

"Stop it, Ada."

"Ada mong mukha mo! Mula sa araw na ito, pinagbabawalan na kitang tawagin ako sa pangalan ko! How dare you play with my feelings? Hindi por que mayaman ka at mahirap lang ako, may karapatan ka ng pag-trip-an ako! And how dare you kiss me?!" Inipit pa niyang lalo ang leeg nito. "Nagpaalam ka ba, ha? Pinayagan ba kita? Idedemanda kita ng sexual harassment!"

Hindi na ito umimik pa at napansin niya ang pamumula na ng mukha nito. Asar na talaga siya! Asar na asar na siya sa kanyang sarili dahil hindi na niya mapigilang mag-alala rito! Kaya mabilis niya itong pinakawalan.

"Gawin mo pa uli sa akin iyon, Rozen, at talagang hihingi na ako ng tulong kina Reid." Sa sobrang panggigigil ay binanatan na niya ito sa mukha.

Biting her lower lip to keep herself from crying, she walked out.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.6K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
3.7K 561 33
Walang gamot or treatment sa pagiging " PAASA " kasi hindi naman yan Mental disorder! alam nyo kung ano? - Attitude Disorder - PS : joke only! eh a...
161K 2.7K 48
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...