Stallion #34: ROZEN ALDEGUER

By Sonia_Francesca

139K 2.1K 289

Tahimik ang gabi ni Ada habang pinapangarap ang kanyang ultimate crush na si Jigger Samaniego at inaalala ang... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8

Part 4

8.9K 258 55
By Sonia_Francesca

"I CAN'T believe this. I really can't believe this!" Iyon ang patuloy na litanya ni Ada habang sinusundan si Rozen pabalik ng Clubhouse lobby. "Kung bakit naman kasi naisipan ko pang puntahan ang lalaking iyon sa Clinic? Sabi na nga ba at hindi dapat ako nagdididikit sa mga club members na ito. Dapat talaga, nakuntento na lang ako sa pagtingin-tingin sa kanila sa malayo. Dapat nakuntento na lang ako sa pagdi-daydream sa kanila. Buwisit! Ang dami ko ng taong nasaksihang nalukring ang buhay nang madikit sa isa sa mga club members, hindi pa ako natuto! Hayan tuloy!"

Asar talaga! Ano na ngayon ang gagawin niya? Okay lang sana kung kay Jigger siya involved. Walang problema iyon sa kanya. At least, gusto niya ang taong manggugulo sa buhay niya. Tiningnan niya si Rozen na nagmamadali pa ring maglakad habang may kausap na naman sa cellphone. Nagmaktol na naman siya.

"Bakit siya pa? Mapagtitiyagaan ko ang pagiging palikero nina Ricos at Daboi, ang pagka-paranoid ni Myco, ang insecurities ko sa kagandahan ni Cloud, ang kayabangan nina Mark Ashly at Richard Don. Pero hindi kaya ng powers ko ang kasamaan ng ugali ng Rozen Aldeguer na iyan."

Napansin niyang huminto ito sa paglalakad at bumaling sa kanya, kunot ang noo na tila ba nagsasabing narinig nito ang sintimyento niya. Tumingin na lang siya sa langit at kinausap ang Diyos.

Nakita na po Ninyo ang ugali ng lalaking iyon? Mabait naman po ako at nagpapakabait pa sa abot ng aking makakaya. Pero, Diyos ko, parang matutuyuan ako ng dugo sa lalaking iyon. Bakit sa kanya pa Ninyo ako itinambak? Nag-iipon po ako ng reward points. Huwag naman po sana Ninyo hayaang mawala ang lahat ng pinaghirapan ko nang dahil lang sa...sa kanya.

Paglingon niya kay Rozen ay wala na ito. Marahil ay nakapasok na ito ng Clubhouse. Kaya nagmamadali na siyang sinundan uli ito. Ayaw niyang mawala ang maganda niyang trabaho sa lugar na iyon. kaya siguro ay pagtitiyagaan na rin niyang pakisamahan ang Rozen na iyon tutal ang kailangan lang naman niyang gawin ay i-report na maganda ang lagay ng kalusugan nito. At isang linggo lang ang ilalaan niya para roon. She had to get back to the Stallion Riding Club or else, mauunahan na siya ng iba kay Jigger. Pagpasok niya ng lobby ay nakita niyang magiliw na nakikipagkuwentuhan si Rozen sa dalawang babae.

"My father's been expecting you, Roz. Interesado raw siya sa business proposal na ibinigay mo sa kanya at gusto niyang bumisita sa Sta. Barbara."

"Oh, that's nice to hear, Lena. I'm going to talk to your father maybe on Thursday. Have you had your lunch yet?"

"Hindi pa nga, eh. Samahan mo na kami, Roz." Umangkla pa sa braso ng batang mayor ang babae at idinikit nito ang katawan nila. "Mas masaya kung makakasama ka naming mag-lunch. And then maybe we could go...to your place after. How about it?"

"I'd love that. Ang problema, may mga natanguan pa akong meeting ngayon sa labas ng Stallion Riding Club." Sinulyapan nito ang relong pambisig. "At may isang oras na lang ako para makarating sa Laguna."

"That's too bad. Akala ko pa naman ay masosolo ka na namin."

"Don't worry, Lena. We'll have our time." Nakangiti pa nitong hinaplos ang pisngi ng babae.

"Nakakadiri ang mga ito," bulong niya. "Dito pa kayo nagkakalat ng kahalayaan. Inosente pa kaya ako. Haller! Tamaan sana kayo ng kidlat, mga imoral!"

"Sino?"

Napaurong siya nang magulat sa biglang nagsalita sa kanyang tabi. Pero may nabangga siya sa likuran niya. When she turned to face who it was, she was greeted by one of the most handsome faces in all the planet.

"J-Jigger!"

Ngumiti lang ito. "Sorry. I'm Trigger."

"Ang guwapo mo..." No matter, she still loves that face. Natauhan lang siya nang tumikhim ito. "I...I mean, p-pasensiya na ho. Hindi ko kayo napansin."

"Okay lang. Pero mukhang masama ang mood mo, ah." Tiningnan nito ang direksyon nina Rozen bago muling bumaling sa kanya. "Jealous?"

"Ha? Naku, hindi, ah!" buong tanggi niya. "Crush ko si Jigger, eh! Tsaka...ikaw." Kimi siyang ngumiti. "Ay...sorry po."

"Okay lang." May kinawayan ito. "Aalis na ba tayo?"

"Tayo?" Si Rozen na ang nagsalita. Nakalapit na pala ito nang hindi niya namamalayan. At gaya ng inaasahan, hindi pa rin maganda ang reaksyon nito ngayon habang pinagmamasdan siya. "Bakit kasama ka?"

"Belive me, Sir Rozen, hindi ko rin pinangarap na makasama ka," nakasimangot niyang sagot.

"Si Jigger ang tinatanong ko."

"He's Trigger."

"He's Jigger. Katatapos lang naming mag-usap ni Trigger sa cellphone at nasa Lakeside Clubhouse siya."

Tiningnan niya ang katabi. Ngumiti lang ito. Ngumiti na lang din siya. Kung ganon, masuwerte talaga siya ngayong araw.

"Ako ang second pilot ni Mark Ashly ngayon," sagot ni Jigger. "Wala naman akong ginagawa kaya sumama na ako."

"Kung tapos na kayong maglambingan, baka puwede na tayong umalis. Where's Mark Ashly?"

"Oh, that," sagot ni Jigger. "Nauna na raw siya sa helipad. I'm just here to inform you. So...let's go?"

"Okay." Nagmamadali siyang dumikit kay Jigger. "Sir, okay lang ba sa iyo na malaman 'yung ano..."

"That you have a crush on me? Okay lang iyon. Sanay na ako sa mga ganyang confession. Oo nga pala, sumabay ka na kay Rozen. May dadaanan pa kasi ako sa Picka-Picka."

"Ha..." Nakasakay na ito ng sasakyan nito bago pa siya nakapag-react. "Sayang iyon, ah." Napalingon siya sa direksyon ng sasakyan ni Rozen nang marinig ang pagbuhay nito sa makina. Mabilis siyang lumapit. "Balak mo ba akong iwan?"

Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at sumakay na lang sa backseat. "Bakit nandiyan ka? Dito ka sa passenger seat. Sabit ka na nga lang, pagmumukhain mo pa akong driver mo."

"Hindi ko rin ginustong maging kabit mo." Pareho silang natigilan sa sinabi niya. Ngumiti lang siya. Ni hindi man lang nabanat ang pisngi nito kahit para sa isang simpleng ngiti. Badtrip na naman siya nang lumipat sa passenger seat. "Bawal ba sa relihiyon mo ang ngumiti? Pero bakit nung nakikipag-usap ka sa dalawang babaeng iyon doon sa Clubhouse, kuntodo ngiti ka naman."

"Walang rason para ngumiti ako sa iyo."

Napasimangot na naman. Ito, ito ang dahilan kung bakit ayaw niya sa lalaking ito. Napakasama ng ugali! Walang pakundangan kung magsalita.

"Kunsabagay, pang-tao nga lang pala ang mga jokes ko," bulong niya. "Hindi iyon ma-a-appreciate ng mga gaya mong kalahi ni ET."

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko, ET's beri hat tonayt."

"May araw pa."

"Hay naku, kaya nga joke, eh."

"Joke na ba iyon?"

"Huwag kang mag-alala, hindi para sa iyo iyon." nagpangalumbaba na lang siya. At para hindi tuluyang mabuwisit ay inalala na lang niya ang munting eksena nilang iyon ni Jigger. "Ang bango-bango talaga niya. Ang guwapo-guwapo pa lalo na kapag nakangiti. Ang tangkad, ang suwabe ng mga kilos...hay! Kinikilig na naman ako."

"Saan ka bababa? Puwede ka na siguro dito."

"Dito?" Ni walang bakas ng sibilisasyon sa kinaroroonan nila nang mga oras na iyon. Isa iyon sa parte ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club. "Hindi ako bababa dito. Sasama ako sa iyo. Ayokong mawala ang magandang trabaho ko rito kaya kahit labag sa loob ko, gagawin ko ang iniutos ni Reid."

"You don't have to come with me. Puwede mong sabihin sa kanya na maayos an ang lagay ng kalusugan ko kahit hindi tayo magsama."

"Tuturuan mo pa akong magsinungaling. Ayoko. Pinalaki ako ng mga magulang kong may takot sa Diyos. Isa pa, nag-iipon ako ng reward points para sa Pasko at wala akong balak na ikaw lang ang makakasira sa agenda kong iyon."

"Reward points?"

"Sa akin na lang iyon. Basta, sasama ako sa iyo kahit saan ka pa magpunta. At least for the whole week. Sapat na sigurong panahon iyon para maniwala si Reid at ang mga taga-SRC na okay ka na kahit hindi naman totoo." Nilingon niya ito. "Naiintindihan mo iyon?"

"Hindi."

"Bahala ka sa buhay mo."

Inihinto nito ang sasakyan at binalingan siya. Hindi pa rin niya ito inurungan dahil hinarap din niya ito. Wala siyang balak na magpaapi sa isang gaya nito. pare-pareho lang silang kumakain ng bigas.

"Hey, you should watch your words when you're talking to me. Baka nakakalimutan mo kung sino ka at kung sino ang kausap mo ngayon."

"Ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyo na may pangalan ako. Ada. A-D-A. Ada Dalipe. And for your information, nakasalalay din sa akin ang lagay mo dito sa Stallion Riding Club. Kaya kung gusto mong igalang kita, matuto ka ring igalang ako. Hmm?" Bahagya pa itong napapikit nang tampalin niya ang pisngi nito. Ng may kalakasan. "Hindi ako kasing yaman mo o ng kahit na sinong miyembro ng SRC o nagiging guests dito. Pero tao rin ako, gaya nyo. Pare-pareho lang tayong anak ng Diyos."

Muli niyang naramdaman ang kinis ng balat ng pisngi nito na minsan niyang nahaplos doon sa Clinic habang natutulog ito. Touching him like that just gave her that warm and calming feeling inside her. Kaya hindi na niya namalayang masyado na pala siyang natatagalan sa pagkakadaiti ng kanyang palad sa pisngi nito. Idagdag pa ang unti-unti na naman niyang pagkahumaling sa guwapo nitong mukha. Parang sa isang iglap, nakalimutan na niya ang masamang imahe nito sa kanya. And the way he looked at her...

"Puwede kitang kasuhan ng sexual harassment, alam mo ba iyon?" untag nito.

Doon lang siya tila natauhan. Ngunit nang ma-realized niya iyon ay hawak na pala nito ang kanyang braso. She tried pulling away but he didn't let her go. Sa unang pagkakataon, kinabahan siya sa presensiya nito. Subalit ang kabang iyon ay hindi naman nagmumula sa pagkatakot dito.

"Maaaring sa iyo nakasalalay ang pananatili ko sa Stallion Riding Club. But it doesn't mean I'm letting you get too close to me. Huwag mong kalilimutan ang estado natin, Miss. I'm one of the Stallion boys. And you're just one of the people who works for us. I won't insult you just as long as you know your place. Sana naman, naiintindihan mo iyan."

Doon lang siya nito hinayaang makawala at tahimik ng muling binuhay ang makina ng sasakyan. Pinipilit niyang kalimutan ang mga sinabi nito subalit nagpapaulit-ulit lang iyon lalo sa kanyang isipan. Lantaran na nitong sinabi kung bakit ipinasya niya noon na panoorin na lang sa malayo ang mga Stallion boys. Dahil magkaiba sila ng mundo. And now, with Rozen Aldeguer just made it even more clear why there would always be a great wall between the rich and the poor.

I'm one of the Stallion boys. And you're just one of the people who works for us. Kahit kailan, hindi na yata niya makakalimutan pa ang mga salitang iyon.

"We're here."

Nauna ng lumabas ng sasakyan si Rozen. With those words still ringing in her ears, she went out after him. Pero parang nanlamig ang buong katawan niya nang makita ang helicopter. Isang lalaking naka-sunglasses at nakasandal sa katawan ng chopper ang lumapit kay Rozen.

"Ang tagal nyo. Dalawang minuto na akong naghihintay dito, ah."

"Sorry, Mark Ashly. May inasikaso lang ako sandali sa Clubhouse."

Nilingon siya nito. "Isasama mo na pala siya."

"You know about her?"

"Sinabi sa amin ni Reid ang tungkol sa kundisyon mo at kung ano ang magiging papel niya sa iyo." Inayos nito ang suot na bullcap. "Ingatan mo iyan. Lagot ka kapag hindi naging maganda ang assessment niya sa iyo. Seryoso pa naman si Reid sa banta niyang tanggalin ka sa Stallion Riding Club."

Hindi niya alam kung ano na ang naging reaksyon doon ni Rozen dahil patuloy lang siyang nakatingin helicopter. Humigpit ang pagkakakapit niya sa nakabukas na pinto ng kotse. Mananalangin na ba siya? Kaninong pangalan ang tatawagin niya? Dapat siguro ay tawagan na niya ang kanyang pamilya para ibilin ang lahat ng mga dapat niyang ibilin bago siya sumakay ng helicopter na iyon.

"Hey!" untag ni Rozen. "Let's go!"

"H-ha? E..." Lumingon-lingon siya sa paligid. "Wala pa si Jigger. Hindi ba natin siya hihintayin?"

"Hindi na. Tumawag na siya kanina kay Mark Ashly bago tayo dumating. May importante raw silang pag-uusapan ng kakambal niya." Hinintay siya nitong kumilos. Nang hindi siya kumilos ay nagpamaywang na ito. "What?"

"Ahm...w-wala pa si Jigger—"

"The hell with Jigger! Kung ayaw mong sumama, bahala ka—"

"Roz," singit ni Mark Ashly. "Remember, you could get kick out of the club if you—"

"Alright, alright." He gave out a frustrated sigh. "Damn it! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?"

Tinapik lang ito ni Mark Ashly sa balikat bago lumapit sa kanya. "Let's go." Umiling siya. "I don't have time for this, woman."

Isang beses pa siyang umiling habagn patuloy na humihigpit ang pagkakakapit niya sa pinto ng kotse. Doon na yata naputol ng tuluyan ang pasensiya nito dahil hinila na nito ang kanyang kamay. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito nang hindi siya bumitaw sa kotse. Isang beses pa siya nitong tinangkang hilahin pero hindi pa rin siya kumilos.

"You know what? I'm really getting tired of this."

Pinilit na nitong tanggalin ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay ipinulupot nito ang mga braso sa katawan niya para igiya siya patungong helicopter.

"Ahm, Sir Rozen, alam mo kasi, hindi maganda na iwan natin si Sir Jigger. I really think we should wait for him. Baka kasi magalit iyon kapag—"

"No. He's not coming anymore."

She planted her feet on the ground and her arms on the chopper's steps. "Teka muna, Sir. Hahangaan ko muna ang ganda ng design ng helicopter na ito. You know, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang likha ng sensiya sa buong buhay. Maganda pala, ha? Ano kaya ang itsura ng elisi nito sa likod—"

"Shut up and just get in!"

"Yes, Sir!"

Mahigpit ang hawak niya sa kinauupuan nang isara ni Rozen ang pinto ng chopper pag-akyat nito. Sa isang senyas sa pilotong si Mark Ashly ay umangat na ang helicopter sa lupa. Mariin siyang napapikit at impit na napatili.

"Hey, are you alright?" Sunod-sunod lang siyang tumango. "Ah, I see. You're afraid of boarding a plane, aren't you? Well, don't worry. There's always a first time for everything."

"Oo—" Impit uli siyang napatili nang maramdaman ang paggalaw ng chopper.

"Just relax."

"I am relaxed. I'm fine."

"Yeah, right."

"I said I'm fine." Iminulat niya ang kanyang mga mata upang balingan sana ito. Wrong move. Dahil lumagpas sa mukha ni Rozen ang kanyang paningin. Nakita niya ang mga ulap at na-realize niya kung gaano na sila kataas ngayon. Mabilis niyang itinakip sa kanyang mga mata ang mga kamay niya. "I'm fine, I'm fine...I'm gonna die..."

"Ah, geez! Bakit hindi mo sinabi kanina na takot ka palang sumakay ng chopper kanina?"

"Becuaseyouneveraskedmeandyoudidnttellmeweregoingtotakeachoppertoyourplace."

"What?"

Sa sobrang nerbiyos niya ay dire-diretso nalang ang pagsasalita niya. Kahit siya ay hindi na naintindihan ang kanyang mga sinabi.

"Are we dead yet?"

"Mukha kang tanga riyan. Tigilan mo na nga iyan. walang mangyayaring masama dahil magaling na chopper pilot si Mark Ashly."

"Are we dead yet?"

"You—"

"Are we dead yet?"

Naramdaman niyang inalis nito ang mga nakatakip niyang kamay sa kanyang mga mata. "Open your eyes—what's wrong with you? Bakit nanginginig ka ng ganito?"

"Are we dead yet?"

She felt him pulling her towards him and the next thing she knew, there was this calming warm feeling surrounding her. Naramdaman din niya ang pagdampi ng pisngi niya sa dibdib nito dahil naririnig na niya ang malakas na tibok ng puso nito.

"Mark Ashly, get us down."

"Hindi puwede, Rozen. Wala tayong mala-landing-an."

"Maghanap ka na lang ng clearing diyan."

"You're going to get us in trouble for this."

"Wala akong pakialam!" sigaw na nito. "Just get us down! Now!"

Continue Reading

You'll Also Like

82.4K 3K 13
Ang sosyal na Bisaya at ang makulit na playboy.
271K 3.3K 6
Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get the attention she wanted. When she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakas...
245K 360 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
297K 2.5K 5
Egoistic and opportunistic Renzell Zapanta finally met his match in the form of his very stubborn and very strong-willed bride-to-be Paz Dominique. W...