The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 168K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 13 : Bloodshot eyes
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 14 : Pointing fingers

89.9K 4K 2.9K
By Serialsleeper

14.

Pointing fingers

Tammy

I was so close to the truth. Kung sana hindi ako nagpaligoy-ligoy. Kung sana inalam ko ang lahat at hindi siya iniwan. Shit! Ang tanga-tanga ko!

Who couldve done that to her?

Who couldve killed Tessa?

We were just gone for a few minutes. Things are getting worse.

 I dont get it, I already saved Tessa. We solved the riddle, why did she still had to die.

Inihinto ni Calix ang kotse niya sa tapat ng bahay namin at napatingin sakin. "Kanina ko pa napapansin, may tinatago ka ba sakin?"

Napatingin ako sa kanya at umiling-iling, "N-nothing. I'm just..." Umiling-iling ako.

"If you're scared. Don't be. Kung sino man ang gumawa nun kay Tessa, siguradong nadamay lang siya dahil sa kagagawan ng ama niya." Paninigurado niya sakin pero muli akong umiling-iling. 

"But what about Tyler? What about Joy?" Napasandal ako sa kinauupuan at sinapo ang ulo ko.

"Tammy listen to me." Calix leaned closer as he looked into my eyes, "Bad things happened in Crimson Lake years ago because of what the Crimson Ripper did. But because of what the people of Crimson Lake did...  it became worse."

"Calix anong ibig mong sabihin?" Nakunot ang noo ko.

"What happened to Tyler, Joy at Tessa could be their parent's fault. People say anger would fade as time passes by, but a grudge? it doesn't. Maybe the only way for a grudge to disappear is by retribution." Walang kaemo-emosyon si Calix sa bawat salitang binibitawan niya. Kinilabutan ako. Parang hindi na si Calix ang kausap ko.

"You said the Crimson Ripper was bullshit.. Why didn't you tell me about this?" Tanong ko nang maalala ko ang mga sinabi niya noong gabing mawala si Joy.

"Its all in the past Tammy. Why would I dig something that would ruin my present?" Aniya.

Sa isang iglap para akong naliwanagan. Hindi man ako sigurado pero may teyorya na ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nalalapit na ako sa piraso ng palaisipang makakasagot sa lahat.

"If you dont want to talk about it, then dont. I know how you feel." Niyakap ko na lamang si Calix.

Nagulat ako nang maramdaman kong basa na ang balikat ko kung saan nakasandal ang mukha niya, umiiyak siya. Awang-awa ako sa kanya kaya mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

Kung sana pwede lang maibaon sa limot ang lahat.

Kung sana lang matutunan ng taong wag ng ungkatin ang nakaraan.

Crimson Ripper sino ka ba talaga?

Ikaw ba talaga ang Crimson Ripper o isa ka ring biktimang hindi makaalis sa nakaraan?

******

"Where's mom and dad?" Tanong ko nang maabutan ko si Dustin na nanonood ng cartoons sa sala. As usual yakap na naman niya ang isang bote ng stick-o. Buti pa siya mukhang good mood.

"Tumawag sila, natutuwa sila sa byahe kaya naisipan nilang mag-extend!" Kaya pala masaya ang mokong, buti pa siya.

Umupo ako sa tabi niya at sinubukang kumuha ng stick-o pero dali-dali niya itong tinakpan habang nakangiwi.

"Dusty wag kang madamot! Isa lang naman eh!" Bulyaw ko pero umiling-iling lang siya.

"Sabi ni Kirk akin lang to!" Giit ni Dustin at nakuha pang dumila.

Naiinis man, hindi ko parin napigilang magtaka. Binigyan siya ni Kirk ng pagkain?

"Tama ba ang rinig ko? Si Kirk ang nagbigay niyan?" Tanong ko at taas noo namag tumango-tango si Dustin na para bang isang batang tuwang-tuwa.

"Madami pa siyang binigay na snack pero akin lang yon!" Pagmamalaki pa niya kaya napakagat na lamang ako sa labi ko dahil sa inis. Patay gutom talaga ang kapatid kong to. Ano kayang pumasok sa isip ng Kirk na yon?

Napabuntong-hininga ako nang may maalala ako, si Ponzi.

Sa lagay ni Tessa, imposibleng magsinungaling siya.

Ebidensya. Kailangan ko yon.

"Problemado ka?" Tanong ni Dustin at inabot sakin ang isang stick-o.

"Can I just ask you a favor?"

Tumingala si Dustin sa kisame at pabirong nag-isip-isip.

"Dustin I'm serious." Giit ko kaya tumawa lang siya at humarap sakin.

"Ano? Kung may kinalaman sa math, pass ako." Aniya.

"Its about Ponzi..." Pagdahan-dahan ko.

"Anong tungkol kay Zipon? Nagets mo yun Tammy? Zipon! hahahaha"

"I want you to stay away from him." Bulalas ko kaya bigla siyang natigil sa pagtawa at nakunot ang noo.

"Ano? Ba't naman?" Nagulat siya.

"Just lay low for awhile." Pakiusap ko.

Napasinghal si Dustin, mukhang galit na, "Tammy ayoko kay Calix para sayo pero ni minsan ba sinabihan kitang layuan mo siya?"

"But Dustin--"

"Pwede ba Tammy? Kung may problema ka sa mga kaibigan ko, wag mo akong idadamay. Masaya ako sa mga kaibigan ko." Sabi pa niya at nilakasan ang volume sa pinapanood. Hindi ko alam anong gagawin kaya umakyat na lamang ako sa kwarto ko.

*****

Its 2 am and I still cant sleep. Hindi ako pinapatulog ng pag-aalala ko para kay Dustin. Hindi ako pinapatulog ng mga tanong ko tungkol kay Ponzi.

Gaano nga ba namin kakilala si Ponzi?

Kung tutuusin hindi ko pa nakikilala ang mga magulang niya. Ni katiting na kwento tungkol sa kanya, wala. Ang alam ko lang, pasimuno siya sa mga kalokohan at kabulastugan. Baliw, naluwagan ng turnilyo sa utak, may toyo, balahura, pero mamatay tao? ni minsan hindi yan pumasok sa isip ko.

Nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Its kirk. I'm outside. Lets talk." That's all he said and then he hung up on me. Wow. what a jerk.

Sinuot ko ang sweater saka lumabas. Wala akong pakialam mag-ayos, si Kirk yan. Kug si Calix pa yan malamang nabaliw na kaayos sa sarili ko.

"Its 2 am what are you doing here?" Bulalas ko nang maabutan ko siya sa labas ng gate.

"Tulog ka na?" Nakangiti niyang sambit.

"I can't. Not after what happened to Tessa." Pag-amin ko.

Lumingon ako at nakita kong nakabukas parin ang ilaw sa kwarto ni Dustin. Malamang naglalaro parin to ng video games.

"Lets not talk here. My brother could hear us." Giit ko kaya naglakad-lakad muna kami ni Kirk hanggang sa makarating kami sa isang playground. Naupo kaming dalawa sa mga swing.

"Tessa's dead." Pamamalita ko na agad ikinagulat ni Kirk.

"Fuck. Our only lead just turn out dead." Inis niyang sambit.

"B-but before she died, I asked who did that to her..." Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko o hindi. Ayoko parin kasing maniwala na si Ponzi ang may kagagawan.

Nanlaki ang mga mata ni Kirk, "Sinabi ba niya sino?" Tumango ko.

"Tammy sino?" Aniya.

"S-she said it was Ponzi." Napakagat na lamang ako sa kuko ko.

"Ponzi? Yan yung kaibigan ng ni Dustin diba?" Aniya kaya muli akong tumango.

"Tanga ba ako kung sasabihin kong ayaw kong maniwala?" Napatingin na lamang ako sa kawalan habang nakahawak sa magkabilang kadenang nagkakabit sa swing.

"No you're not. You're being different. Mas mabuti kung hindi tayo mambibintang ng basta-basta." Sa sinabi niya bigla kong naalala ang kasalanan ng papa ni Tessa sa ama ni Calix. 

Matagal ng nakatira si Kirk sa lugar nato.

Gustong-gusto ko siyang tanungin tungkol sa mga nangyari noon pero sa gagawin ko, baka mabulgar lang ang sarili kong sikreto kaya wag nalang. Sana malutas namin ang misteryong 'to ng hindi inuungkat ang nakaraan.

******

Matapos ang last subject ko ay naglakad-lakad muna ako sa soccer field at gaya ng inaasahan nakita ko si Ponzi na naglalaro. Mag-isa lamang siya. Hindi niya kasama si Ford o si Dustin.

"Tammy!" Nakita niya ako at kumaway siya sakin kaya napagdesisyunan kong lapitan siya.

"Hinahanap mo ba si Dustin?" Tanong niya habang hawak ang bola niyang puno ng putik.

"I want to talk to you about something." Nagdadalawang isip man, pilit kong nilalakasan ang loob ko. Kailangan kong gawin to. Kung siya nga ang mamatay-tao, kailangan tong matapos. Kailangan niyang mahimasmasan.

"Wow serious." Tumawa siya. "Wag mong sabihing liligawan mo ako?" Biro pa niya kaya umiling-iling ako.

"Ikaw ba ang pumatay kay Tessa?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Tessa?" Agad nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Ponzi, I asked Tessa who did that to her and she said it was you. Tell me, bumalik ka ba sa ospital kagabi para tapusin siya?" Bulalas ko.

"Uy teka! Ano?" Kunot noo niyang tanong.

"Ponzi please dont lie. Yung nangyari sa nakaraan, pwede mo na iyong kalimutan. Pwedeng hindi mo na iyon lingunin. Ponzi you dont have to do this." Giit ko.

Napasinghal siya't binaliktad nag suot niyang cap, "Wala akong alam tungkol kay Tessa pero kung ang nakaraan ang pag-uusapan, imposible yang sinasabi mo. Ang isang masakit na nakaraan, imposible yang kalimutan. Dadalhin at dadalhin mo yan hanggang sa mamatay ka. Nasa sa iyo lang yan kung magpapaapekto ka. Lilingunin at lilingunin mo yan Tammy." Seryoso niyang sambit kaya napaatras ako.

Ilang sandali kaming nanatiling magkatitigan. Wala sa aming nagsasalita.

Parang nanlambot ang mga paa ko dahil sa sinabi niya.

Oo apektado ako sa sinabi niya.

"Ponzi pinagbintangan rin ba ng papa ni Tessa ang kahit sino sa pamilya mo? Kung yan ang dahilan--"

"Tammy naman eh." Tumawa siya't tinapik ang balikat ko, "Heat stroke lang yan."

"Ponzi ikaw ang Crimson Ripper.... Hindi ba?" Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niyat nagsimulang maglakad palayo, "Betlog mo pink." Tumatawa niyang sambit.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi nga ba talaga si Ponzi ang Crimson Ripper? Kung hindi, bakit siya ang sinabi ni Tessa? Nalilito na ako. Nakakapagod na.

"Tammy okay ka lang?"

Ngayon ko lang napansin na nakatayo parin pala ako sa napakainit na soccer field. Nakakasilaw kaya naningkit ang mga mata ko. Nilingon ko kung sino ang nagsalita... Si Ford.

"Narinig mo ba ang pinag-usapan namin?" Tanong ko.

Tumango-tango siya at ngumiti ng tipid, "Tammy hindi ko maintindihan kung bakit mo pinagbibintangan si Ponzi pero isa lang ang nasisiguro ko, mabait ang kaibigan kong yan. Oo nga at medyo may sapak pero matino yan. Bata pa lang andami na niyang pinagdaanang lungkot at sakit, mas pinili niya lang itago ito sa pamamagitan ng mga kalokohan niya. Kung ang pagkamatay ni Tessa ang inaalala mo, sinisigurado ko sayo, hindi siya ang pumatay kay Tessa kasi hindi niya kayang magpunta ng ospital. Ayaw niya sa mga ospital."

Nakakapanibago, noong nakaraang araw si Ponzi ang nakausap ko ng matino tapos ngayon si Ford naman. 

Nakakapanlumo din. Pakiramdam ko ang sama-sama ko kay Ponzi. Gusto ko lang naman malaman ang totoo, hindi ko naman intensyong makasakit ng damdamin ng iba. 

"Nga pala tama ba yung pagkakaintindi ko sinabi mo?" Para siyang nagdadalawang-isip.

"P-pinatay ba si Tessa dahil sa ginawang pambibintang ng ama niya noon?" Nauutal na sambit ni Ford na para bang natatakot.

END OF CHAPTER 14.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

 

Continue Reading

You'll Also Like

82.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
333K 21.7K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."