The girl who cried murder

By Serialsleeper

4M 167K 79.8K

Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask... More

Prologue
Chapter 1 : The Crimson Ripper
Chapter 2 : Teenage freaks
Chapter 3 : And then there was him
Chapter 4 : The Bad blood
Chapter 5 : Play my game
Chapter 6 : Can you save them?
Chapter 7 : Smells like teenage sht
Chapter 8 : Left for dead
Chapter 9 : Faces of Grief
Chapter 10 : Dead and Gone
Chapter 11 : Never look back
Chapter 12 : Tattle
Chapter 14 : Pointing fingers
Chapter 14 : Pointing Fingers (cont.)
Chapter 15 : Vague
Chapter 16 : How bad the past was
Chapter 17 : A toast
Chapter 18 : The Name Game
Chapter 19 : The end of their story
Chapter 20 : Rippled Effects
Chapter 21 : Hoodwinked
Chapter 22 : The past she begged to bury
Chapter 23 : Her Worst Nightmare
Chapter 24 : The good girl's downfall
Chapter 25 : Her untold misery
Chapter 26 : How to end the game
Chapter 27 : Nice to meet you
Chapter 28 : The Missing Piece
Chapter 29 : Ain't a coward
Chapter 30 : She who cried murder
Chapter 31 : Beguiled
Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake
Chapter 33 : Haywire
Chapter 34 : The Expiration
Epilogue.
Author's Note
Sequel

Chapter 13 : Bloodshot eyes

74K 3.8K 792
By Serialsleeper

13. 

Bloodshot eyes

Tammy

Dumaloy ang matinding kilabot sa sistema ko at naiwan akong nakanganga. Pinagmasdan ko ang luhaang mata ni Tessa na halatang hanggang ngayon ay takot na takot parin.

Si Ponzi? Paanong si Ponzi?

Hindi maari...

"T-tessa sigurado ka ba? S-si Ponzi?" Halos hindi ako makapagsalita.

"Ms. Tamara halika na po, andito na si Chief Toralba!" Lumingon ako at nakita ko ang nurse na natataranta na at gustong-gusto na akong paalisin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Tessa at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Tessa sigurado ka ba?! Tessa wag kang magsisinungaling!"

Hindi ko na narinig pang sumagot ang nakaawang na bibig ni Tessa nang tuluyan akong kinaladkad ng dalawang nurse palabas ng kwarto.

"Miss pasensya na pero ayaw lang talaga naming mapagalitan." Paalam ng nurse nang makarating kami sa hilera ng mga upuang kinaroroonan nila Milky kanina ngunit wala na sila dito ngayon.

"Tammy pasensya ka na natagalan ako." Humihingal na sambit ni Calix nang makahabol.

"Two times late. Isa nalang strike ka na." Biro ko.

"Better late than never." Ngumisi siya't inakbayan ako.

Aalis na sana kami nang saktong makasalubong namin si Chief Toralba. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ikaw na naman Ms. Consulacion?" Aniya kaya ngumiti na lamang ako.

"I just want to visit Tessa. But bawal daw kasi.." Palusot ko na lamang.

"Calix hijo andito ka rin pala?" Ngumiti si Chief Toralba kay Calix, palibhasa lolo ni Calix ang may-ari ng tanging pahayagan dito sa Crimson Lake at gusto niyang sumipsip.

Calix held me closer to him, "My girlfriend is the best right? Niligtas na nga niya ang anak mo, binibisita pa niya ngayon." Ngumisi si Calix kay Chief Toralba na para bang nanunuya. I have always known na may inis si Calix kay Chief Toralba, hindi ko lang alam bakit.

"Tell your grandpa I said hi." Ngumiti parin ang matandang pulis ngunit agad itong nawala nang ibinaling niya ang tingin sakin, "And as for you, Ms. Consulacion, i'm keeping my eye on you."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya iniyuko ko na lamang ang ulo ko at napahawak ng mahigpit kay Calix.

"At bakit?" Lumingon ako kay Calix at kinabahan ako nang makita ko ang galit sa mukha niya. Sa isang iglap, para bang dumilim ang mukha niya.

"Wala hijo." Giit ni Chief Toralba at tumawa ng pilit. "Binibiro ko lang 'tong girlfriend mo."

"Ah, akala ko nagsisimula ka na namang mambintang. Diyan ka kasi magaling eh, yung mambintang ng walang sapat na dahilan." Matabang na sambit ni Calix kaya lalo akong naguluhan.

"Calix hanggang ngayon sinisisi mo parin ba--" Hindi na natapos pa ni Chief Toralba ang sinasabi niya nang tumawa bigla si Calix.

"Ah oo nga pala, pasensya ka na, nakalimutan ko. You only pointed your finger. You weren't the person who tied a rope in my father's neck." 

Nagulat ako sa narinig mula kay Calix kaya unti-unti akong napabitaw sa kanya. Wala akong magawa kundi mapatitig sa mga mata niyang nagngingitngit sa galit.

Alam kong matagal ng patay ang totoong ama ni Calix pero ni minsan hindi ako nagtanong sa kanya kung ano ang nangyari. 

"Hijo, hindi ko ginustong umabot sa puntong iyon!" Giit ng matanda na para bang nagagalit na.

"Maraming mga namatay dahil sa kagagawan ng Crimson Ripper pero mas marami ang mga buhay na nasira dahil sa paghahanap mo sa kanya. Sige tanda, isipin mo ang gusto mong isipin kung yan ang magpapatulog sayo ng mahimbing gabi-gabi."

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Calix. Lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isipan ko pero pakiramdam ko unti-unti ko ng nabubuo ang piraso sa palaisipan.

Namuo ang matinding tensyon sa pagitan nila. Namumula na ang mga mata ni Calix at pakiramdam ko, ano mang oras ay susugurin na niya ito. Akala ko ito na ang patutunguhan ng nangyayari ngunit nagulat ako nang bigla na lamang dumilim ang lahat.

Narinig kong nagsigawan ang ilang mga naririto sa ospital dahil sa gulat. Brownout.

Napahawak akong muli sa kamay ni Calix.

Naguguluhan man, mas pinili naming manatili sa kinatatayuan namin at maghintay na gumana ang generator. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ng bumalik ang kuryente. Ngunit sa di malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng matinding kaba.

Lumingon ako sa direksyon ng kwarto ni Tessa.

"Calix hindi mo ako dapat sisihin dahil ginawa ko lang ang......" Naririnig kong may sinasabi si Chief Toralba pero hindi ko na sila pinakinggan pa. Bumitaw ako kay Calix at nagsimulang maglakad.

Parang may sariling isip ang mga paa ko at dinadala nila ako pabalik sa kwarto ni Tessa.

Ang paglalakad ko ay nauwi sa pagtakbo nang maaninag kong nakabukas ang pinto ng kwarto niya.

"Tammy?" Narinig kong tinawag ni Calix ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan akong makapasok sa kwarto niya.

Nakita ko si Tessa. Nakahiga parin siya sa kama niya. Natutulog. Napasulyap ako sa kamay niya at nagtaka ako nang makitang nakalupaypay lamang ito sa gilid ng kama. At sa sahig naman, ay isang unan.

"Tabi!" Narinig kong sumigaw ang isa sa mga nurse at itinulak ako. Napakabilis ng mga pangyayari, namalayan ko na lamang na pinagkakaguluhan na siya ng mga nurse at isang doktor. Nasa likuran ko na sina Calix at Chief Toralba.

May ikinakabit sila na mga aparato kay Tessa kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang lapitan siya. Hindi na siya gumagalaw at para bang nag-kulay violet ang mukha niya. Bago pa man nila ako sitahin, dali-dali kong iniangat ang talukap ng mga mata ni Tessa gamit ang dalawa kong kamay.

Napasinghap ako nang makita ko ang kulay pula niyang mga mata.

Her bloodshot eyes. 

The pillow on the floor.

Oh God, this cant be happening.

"Time of death : 6:43pm"

Kasunod ng pag-anunsyo ng doktor ay ang nakabibinging palahaw ni Chief Toralba.

END OF CHAPTER 13!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

78.9K 6.4K 26
Standalone novel || After graduating, all Elix wanted to do was rest for a while, but an invitation changed the course of her summer vacation. She ha...
2.2K 102 40
Ellery Catalina Samonte, the eldest among Samonte Heiress. Nanggaling man sa marangyang pamilya kung saan ang lahat ng kaniyang naisin ay kaniyang n...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
2.3M 83.5K 39
Pact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"