ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

Von prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... Mehr

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16-Last Part

Chapter 15

274 7 0
Von prettywicked84

        Pumasyal ang mga kaibigan sa publishing house ng araw na yun. Nagdala ito ng mga fingerfoods na masaya nilang pinagsaluhan.

            "Congrats girl, certified writer ka na talaga ngayon. Alam mo bang ang daming bumili ng libro mong "How to Mend a Broken Heart". Ika nga sa pelikula pang blockbuster," sabi ni Jean sa kanya.

            "Oo nga, sabi nga ng mga kasama ko sa trabaho mukhang may pinaghuhugutan ka raw sa mga isinusulat mo. Ang sarap na ngang sabihing meron talaga," segunda ni Ferlyn.

            "Kumain na nga lang kayo ha. Ako na naman ang nakita ninyo", sagot niya bago isinubo ang pizza.

            "Tama, tumigil na nga kayo sa kakaasar sa isang ito. I’m glad she’s mending her heart kahit  sa pagsusulat man lang", depensa ni Hazel sa kanya. Kasal na ito sa nobyo nitong nakilala nito sa Australia.

            She mouthed "thank you" to Hazel.

            "Hay naku, ikaw talaga Haz, lagi ka na lang kumakampi rito," napasimangot na sabi ni.Ferlyn.

            "By the way guys, ayoko sanang ipaalam sa inyo ito but I guess kailangan ninyong malaman. Nakabalik na sa Pinas si Marie at nasa St. Michael Medical Center  na siya ngayon. Gusto sana niya tayong makita," imporma ni Jean sa kanila. Napatingin ang mga ito sa kanya.

            "What?" tanong niya.

            "Anong masasabi mo don Kim?" tanong ni Hazel sa kanya.

            Napaisip siya. Simula ng nangyari sa kanila ay hindi na ulit niya nakita si Marie. Iniwasan na rin niya lahat ng tungkol rito. Ang mga kaibigan naman ay hindi na rin nagbubukas ng usapan tungkol doon maliban ngayon.

            "Kaibigan pa rin naman natin si Marie. Kaya lang hindi pa rin ako handang harapin siya. Pasensiya na kayo guys," sabi ni Kim.

            "Pero girl, kelan mo ba balak harapin ang lahat ng ito. You’re not getting any younger Kim. Oras na rin siguro para harapin mo si Sid at kung talagang mahal mo siya hindi mo siya basta-basta isusuko kay Marie," sabi ni Ferlyn.

            "Agree ako dyan Ferl. Ilang beses na bang nagpabalik-balik si Sid dito para kausapin ka. Ayoko na sanang makialam Kim but I think masyado kang naging unfair sa kanya. Alam ko namang sunod-sunod yung problemang dumaan sayo kaya hindi mo na napagtuunan ng pansin ang problema ninyo ni Sid. Pero hindi mo pwedeng balewalain na lang ang lahat ng ito. Wala kayong closure," ngayon lang naglabas ng obserbasyon si Hazel tungkol sa kalagayan niya kaya napaisip siya ng malalim.

*********

            Maagang gumayak si Marie. Ngayong nasa Pinas na siya ay balak na niyang ituloy ang naudlot na plano noon. She will definitely win Sid this time. Tinawagan niya ito at sinabing gusto na niyang ayusin ang lahat ng nangyari. Nagmakaawa siya para lang pagbigyan ito at mukhang naniwala naman ito sa kanya kaya ito siya ngayon hinihintay ang binata.

            Napangiti siya ng makita ang binatang pumasok sa loob ng restaurant. Magalit na sa kanya si Sid but she will do everything makuha lang niya ang gusto. Napaupo agad ang binata pagdating sa mesang inokupa niya.

            "Anung pag-uusapan natin?" malamig na sabi ni Sid.

            "Are you in a hurry Sid? Why don’t we eat first. Masarap daw ang sisig nila rito. I remember that is your favorite food," hindi niya pinansin ang masamang tingin ni Sid.

            "Favorite namin ni Kim iyon," pagtatama nito.

            Napangiti na lamang siya sa binata at tinawag ang waiter na isinilbi agad ang pagkain.

            "Eat Sid. Ngayon na nga lang tayo nagkita."

            "Paano ko ba sasabihin sayo to Marie? Alam mo bang kung hindi ko lang naisip na magkaibigan kayo ni Kim mula high school ay hindi ko pagbibigyan ang gusto mo? You cause too much trouble Marie. And cursed me, pero sana hindi ka na bumalik," sabi ni Sid na ininum ang tubig na nasa mesa.

            Nasaktan si Marie sa sinabi ng binata pero pinilit pa rin niyang magpakatatag. Mahaba na ang hirap na pinagdaanan niya kaya tatapusin na niya ito ngayon. Ngayon din ang araw kung saan magkikita sila ng mga kaibigan. Magalit na ang dapat magalit. Hindi na ulit nagsalita si Sid at parang bagot na bagot na itong makasama siya.

            "Did you like the food Sid?" tanong niya kay Sid.

            "Cut the crap Marie. What do you want this time?"

            Napabuntong-hininga siya. "Okey, I want to say sorry. Alam ko kasalanan ko ang lahat and I’m willing to help you win Kim back. At least lets be friends Sid."

            "Bakit ako maniniwala sayo Marie? Ilang beses mo na ba kaming niloko at pinaniwala sa mga sinasabi mo. But you’re actions always contradicts what you say. Paano mo maibabalik ang relasyon na sinira mo. Alam mong mahal na mahal ko si Kim pero anong ginawa mo," hindi napigilan ng binata na sumbatan ang dalaga.

            Napatungo ito pagkaraan ay tumayo. Inilahad nito ang kamay sa harap ng binata.

            "Then lets start again Sid. Friends?" maluwang ang ngiti na sabi ni Marie.

Tinanggap ng binata ang kamay niya at walang sabi-sabing hinalikan niya ang nabiglang binata sa mga labi. And nagdiwang ang puso niya dahil nakita niyang nakapasok na ang mga kaibigan sa loob ng restaurant at kita ng mga ito ang "paghahalikan" nila ni Sid.

*********

            Hindi alam ni Kim kung paano niya naihakbang palapit sa dating nobyo at kaibigan ang kanyang mga paa na itinulos na ata sa kinatatayuan niya. Kulang pa yata ang shock para idescribe sa nararamdaman niya ng pagpasok sa loob ng restaurant ay nakita niyang hinahalikan ni Marie si Sid na nakaupo. Kung kelan gusto na niyang kausapin ang kaibigan ay nakita naman niya ang tagpong iyon. Parang nilagyan lang ulit ng kalamansi ang sugatan na niyang puso at ang hapdi-hapdi niyon.

            “Is this your surprise to us, Marie?" lakas-loob na sabi niya ng makalapit sa dalawang hindi ata sila napansin.

            Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Sid na tumayo agad pagkakita sa kanya.

            "Kim? What are you doing here?" sabi ni Sid na hindi ata inaasahan na makita siya.

            "Naistorbo pa namin ang date ninyo? Mali ata ang sinabi mong oras Marie," mataray na sabi ni Jean.

            "You invited them? For what Marie? Hinalikan mo ako dahil alam mong paparating si Kim right?" galit na sabi ni Sid.

            "Tama na Sid. Kahit ano pang sabihin mo ayoko ng maniwala", malapit ng mabasag ang boses ni Kim. "Gusto mo talagang umabot tayo sa ganito Marie? Do you hate me this much para saktan mo ako ng ganito ha?”  baling niya kay Marie.

            "Yes I hate you Kim. I envy you. Lahat na lang nasa sayo. Kaya alam mo bang ang saya ko ng unti-unting nawala sayo lahat. Gusto kung makitang naghihirap ka. Gusto kung kunin sayo ang lahat. Kahit ang lalaking mahal mo," nanglilisik ang matang sabi ni Marie.

            Hindi napigilan ni Kim na sampalin ito.

 "Akala mo ba kung mawawala sa akin ang lahat malulungkot ako. Doon ka nagkakamali Marie dahil mawala man ang kayamanan ko nanatili namang matatag ang pamilya ko at nasa tabi ko ang mga tunay kung kaibigan. Ikaw, may natitira ka pa bang kaibigan. I think wala na. Dahil kahit kaming mga kaibigan mo inilayo mo sa sarili mo. Sana masaya ka na ang lalaking gusto mo ay hindi ka naman gusto." sumbat niya rito at dali-daling lumabas ng reataurant. Sumunod naman si Sid rito.

            "Masaya ka ba sa ginawa mo Marie? Sana masaya ka at pasensiya ka na. I can’t tolerate you anymore," sabi ni Hazel. "Ipinaglaban pa naman kita."

            "Bitch!!! Enjoy this while it last," mataray na sabi ni Ferlyn na dinuro pa si Marie bago lumabas. Matalim lang na irap ang binigay ni Jean rito.

********

 "Kim, kim. Stop," sabi ni Sid ng mahawakan ang braso ng dalaga. "Mag-usap tayo."

            "Bitawan mo ako Sid. What is there to talk about? Paulit-ulit na lang tayong ganito eh. Ano pa bang pag-uusapan natin kung sa bawat oras na gusto kitang bigyan ng pagkakataon ay ito ay pinapakita ninyo sa akin. Tama na Sid. And sakit-sakit na eh," tumulo ang luha sa mukha ni Kim. Hahawakan sana niya ang pisngi nito ng umiwas ito sa kanya.

            "Ikaw ang mahal ko. At kahit anong gawin ni Marie hindi magbabago yun. Ayaw mo lang kasing magtiwala sa kin. Ginagawa ko naman ang lahat para patunayan sayo yun. Please Kim hindi natin maso-solve ito kung hindi tayo magtutulungan," sabi ni Sid na nafu-frustrate na.

            Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala.siyang pakialam.

            "Ayoko na Sid. Tigilan na natin ito. Sa simula pa lang mali na tayo. Sinaktan natin si Marie noon kaya parang nakarma lang tayo ngayon. Nakakasawa na kaya tumigil ka na."

            "Titigil lang ako kung sasabihin mong hindi mo na ako mahal," sabi nito na pilit siyang hinarap. "Hangga’t alam kung mahal mo ako hindi ako titigil Kim.

            Tiningnan niya nang diretso sa mata ang binata. "Hindi na kita mahal Sid dahil ang hirap mong mahalin at ang sakit mong mahalin," sabi niya sa binatang nabigla sa tinuran niya.

Sinamantala niya ang pagkakataon at tinakbo niya ang kabilang panig ng kalsada bago pa magbago ang isip niya. Hindi pa man niya naihahakbang ang mga paa ay napalingon na lang siya ng marinig ang pagsagitsit ng gulong ng sasakyan.

            Nalingunan niya si Sid na tulalang naglalakad sa kalsada. Huli na ng masigawan niya ito at gayon na lang ang tili niya ng makita ang katawan ng binata na tumapon sa di kalayuan. Dali-dali niyang tinakbo ang binata.

            "Sid," umiiyak na siya ng subukan niyang iupo ang binata at lalo siyang napaiyak ng makita ang dugo sa ulo ng walang malay na nobyo. "Tumawag kayo ng ambulansiya please tulungan ninyo kami. Sid, gumising ka Sid".

            Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ang kotse ni Ferlyn at pinagtulungan nila si Sid na ipasok roon. Ang St. Michael Medical Center ang pinakamalapit na.hospital sa kinaroroonan nila ng panahong iyon. Pagpasok sa emergency room ay nandoon na si Marie at nakaupo sa isang tabi nakatingin lang sa laptop nito. Nabigla pa ito ng humahangos na pumasok ang mga kaibigan.

            "Anong nangyari?" nagtataka niyang tanong at tiningnan ang pasyenteng ipinapasok na sa emergency room. "Sid?" sindak na sabi nito.

            Hindi na napigilan ni Jean na murahin si Marie. "Look at what you have done Marie? Ano masaya ka na ba ha?"

            "Tama na yan Jean. Come on, kelangan tayo ni Kim," saway ni Hazel kay Jean at inakay palayo kay Marie.

            Nilapitan ng isang nurse si Marie.

            "Doc marami na po ang nawalang dugo sa pasyente pinipigilan na po namin ang pagdurugo."

            "Sige, titingnan ko muna ang pasyente. Ako na ang bahala." sabi ni Marie at lumapit kay Sid.

            "Don’t you dare touch him. Gusto ko ng ibang doktor nurse. Huwag lang siya." sabi ni Kim sa nurse at itinuro si Marie.

            "Pero ma'am kritikal po ang pasyente at si Doc Marie ang resident doctor na nandito ngayon. Pag ligtas na po ang pasyente pwede na po kayong humanap ng ibang doktor na gusto ninyo."

            Tiningnan niya ng masama si Marie. Nilapitan pa rin siya nito.

            "Alam ko galit kayo sa kin. Pero pagkatiwalaan ninyo ako ngayon. Kahit ngayon lang." sabi ni Marie at sinabihan na ang mga nurse na sa labas na sila paghintayin.

            Kinailangang salinan ng dugo si Sid. Tinawagan naman niya ang ama ni Sid pati na rin ang mommy niya. Ang kuya niya ay kasalukuyang nasa Amerika at may show na naman roon.

            Sinalubong nila si Marie ng lumabas ito ng emergency room. Kinausap nito si Tito Sunny.

            "Mr Sebastian, may clot po sa brain ni Sid at kelangan natin itong operahan agad. Kelangan ko po ng blood A para sa operasyon."

            "Naku paano ba yan Dok hindi na ako pwede matanda na ako. Saan tayo maghahanap ng dugo ngayon," nanghihinang sabi ni Tito Sunny. Nakaalalay lang rito ang Mommy niya.

            Nilapitan niya si Marie. "Ako type A ako. Magpapakuha ako ng dugo."

            "Type A din ako." sabi din ni Ferlyn.

            Bahagyang ngumiti si Marie. "Sumunod na lang kayo sa kin."

            "Dok, ikaw na ang bahala sa anak ko," habilin ni Mang Sunny.

            "Huwag po kayong mag alala Tito gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya."

            Si Marie mismo ang kumukuha ng dugo ni Kim.

            "Do you really love him Marie?"

            Napatingin si Marie sa kanya. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi Kim. Pero hindi ko naisip na aabot sa ganito ang lahat." malungkot na sabi ni Marie.

            "Then kailangan mo siyang iligtas. Kung mahal mo talaga si Sid, iligtas mo siya at pag nagawa mo yun ipapaubaya ko na siya sayo," hindi napigilan ni.Kim ang maiyak. Delikado ang lagay ni Sid at comatose ito. Kung hindi matatanggal ang namuong dugo sa utak nito ay maaari itong mamatay.  "Mahal na mahal ko si Sid, Marie. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ako tumawid hindi sana niya ako sinundan."

            "Enough Kim. Pareho nating hindi ginusto ang lahat ng ito. Gusto ko mang tanggapin ang hamon mo pero hindi ko maipapangako ang kaligtasan ni Sid. We need to pray for it Kim. At oras na makaligtas siya sana mapatawad mo na siya at matanggap ulit. Because I know na kahit anung gawin ko hindi kita pwedeng palitan sa puso ni Sid. Ikaw at ikaw pa rin ang gusto niya." umiiyak na rin si Marie. "And forgive me for destroying the two of you."

            "Iligtas mo siya Marie at ibibigay ko sayo ang kapatawaran. Please Marie."

********

Kahit nanghihina pa ay nagpunta pa rin sa chapel sa loob ng hospital si Kim para magdasal kasama ng ina. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya at dasal para sa kaligtasan ni Sid.

            "Magtiwala ka lang sa Kanya anak ililigtas niya si Sid," sabi ng mommy niya habang hinahaplos nito ang ulo niyang nakasandig sa balikat nito.

            "Mahal na mahal ko po siya Mom. Hindi ko na talaga makakaya kung may mawawala na namang isang mahalagang tao sa buhay ko."

            "Magdasal tayo anak at ipaubaya natin sa Diyos ang lahat at sana mapatawad mo na ang lahat ng nanakit sayo pati si Sidrick. Oras na siguro para ipaglaban mo ang gusto mo Kim. Pinalaki ka ng ama mo sa galit noon kaya hindi ka madaling magtiwala sa iba pero buksan mo sa puso ang pagbabago anak, lahat nagkakamali, ang mahalaga ay pinagsisisihan nila ang lahat ng iyon."

            Taimtim siyang nanalangin ulit para sa kaligtasan ni Sid. Ayaw pa sana niyang magpahinga pero pinilit siya ng mga kaibigan dahil dalawang bag ng dugo ang kinuha sa kanya. Pero manaka-naka pa rin siyang lumalabas ng hospital room para makibalita.

            Maghahating-gabi na ng lumabas ng operating room si Marie. Sinabi nitong natanggal na ang clot sa ulo ng binata pero hindi pa ito nagkakamalay. Kailangan pa itong obserbahan.

            Nanlumo pa rin sila sa balita kahit tagumpay ang operasyon ni Sid. Comatose pa rin ang binata at wala pang makakapagsabi kung kelan ito magigising.

            Mag-iisang linggo ng comatose ang binata. Nasa suite ni Sid si Marie ng araw na iyon at tinitingnan ang vital signs nito. Si Kim pa rin ang bantay na umuuwi lang ata para magbihis.

            "Why don’t you take a rest Kim? Pwede naman akong magpalagay ng mga nurses dito."

            "Thanks but no thanks Marie. Gusto kung makita kung kelan siya magigising."

Inayos ni Marie ang kumot nito. "Alam mo Kim minsan kulang lang ng drive ang isang comatose victim. Baka may gusto silang marinig mula sa isang tao na magbibigay sa kanila ng lakas para lumaban. Bigyan mo ng lakas si Sid, Kim. Bigyan mo siya ng rason para lumaban." sabi ni Marie na tinapik ang balikat niya bago lumabas.

            Napatitig siya sa natutulog na binata. Tumulo ang luha niya ng pagmasdan ito. Nandoon pa rin ang sakit sa mukha nito. Kung dahil sa pagkakabangga o dahil sa kanya ay hindi niya alam. Dinala niya sa palad ang isang kamay nito at hinalikan.

            “Honey, please gumising ka na. Miss na miss na kita. Please huwag mo akong iiwan. Alam mo naman kung gaano katigas ang ulo ko diba. Mahal na mahal kita Sid at ngayon hindi na ako makakapayag na agawin ka ninuman. Please honey. Wake up. I love you." kausap niya sa natutulog na nobyo. Inihiga niya ang mukha sa gilid ng kama nito hawak pa rin ang kamay ni Sid. Nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

268K 6.1K 23
Naghahanap si Rosario ng tahimik at magandang environment para sa ipapatayong bahay. Balak niyang sa Pilipinas na lang manirahan dahil sa nandoon na...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
4.6K 121 16
Zia and Kenneth met each other when they are still too young. Yet despite their age, they found true love. But circumstances pushed them apart. By f...
116K 2.9K 27
Siya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inaka...