ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

By prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16-Last Part

Chapter 14

243 5 0
By prettywicked84

Sa sarili nilang mansiyon ipinalagak ng Kuya Klark niya ang labi ng ama dahil ito daw ang hiling nito. Napaayos na ng mga kaibigan at kaopisina ang mansiyon at marami ng taong umaasikaso sa kanila. Nakablusang puti at maong na pantalon si Kim ng magkalakas loob siyang makita ang labi ng ama. Si Blast ang naghatid sa kanya na hindi umaalis sa tabi niya. Nasa may hardin pa lang siya ng mansiyon ay umiiyak na si Kim, unti-unting nanghihina ang tuhod niya pero inalalayan siya ni Blast para pumasok. Sinalubong siya nina Jean at Ferlyn.

"Kim, halika na. Hinihintay ka na ng Daddy mo," kumbinsi ni Ferlyn sa kanya na pinipigilan ang luha.

"Kim, nandito lang kami sasamahan ka namin. Pumasok na tayo Kim. Ayaw ni Tito na nakikita kang ganito." sabi ni Jean.

Napatango na lamang siya at dahan-dahang pumasok sa loob. Halos mawalan siya ng ulirat ng makita ang kabaong ng ama na nasa gitna ng mansiyon. Tumayo ang Kuya Klark niya at nilapitan siya. Niyakap siya nito ng mahigpit at umiiyak na rin itong tulad niya.

"Come on Kim. Wala ng mas madaling paraan para harapin natin ito. I know you are hurting. We are all hurting. I can’t do this alone Kim."

Nahimasmasan siya sa sinabi ng kapatid. Tama ito, kelangan nilang harapin ang katotohanan.

"I’m sorry kuya kung hindi ko man lang inisip na nasasaktan ka rin. Yeah your right we need to do this."

Hinawakan nito ang pisngi niya. "No baby dont say sorry. Naiintindihan ko. Lets go. Hinihintay na tayo ni Dad."  

Sabay nilang pinuntahan ang kabaong ng ama at sabay silang umiyak ng kapatid. Sinabayan rin sila ng mga kaibigan at kasambahay sa tahimik na pagluha ng mga ito. Marami ang nakiramay sa kanila hanggang sa mailibing ang ama. Ang Tito Sunny niya ay palaging nasa mansiyon nila sa panahon ng burol.

Kahit malimit niyang kausapin si Sidrick ay hindi ito nagsawang damayan siya. Kahit si Marie ay nakiramay din na hindi na lang niya hinarap. Nalaman na rin ng mga kaibigan nila ang tungkol sa nangyari sa kanilang tatlo ni Marie at Sid. Pero dahil sa nangyari sa ama ay hindi na muna niya pinagtuunan ng pansin ang buhay pag-ibig niya.

Kakalibing lang ng ama at nasa garden lang rin si Kim. May mga nagliligpit pa naman sa loob ng bahay pero pinili niyang manatili roon kahit gusto sana ng kapatid na doon na siya manatili muna sa villa nito. Nasa loob siya ng gazebo nila at tinitingala ang langit ng lapitan siya ng kapatid. May dala itong sandwich at juice.

"Kanina ka pa raw hindi kumakain. Come here Kim. Seat down and eat this," sabi ni Klark.

"I’m not hungry kuya. I’m fine."

"I know you’re not fine. Ako pa ba ang lolokuhin mo. Come here."

Umupo na lang siya sa tabi nito at isinubo ang isang clubhouse sandwich na dala nito.

"Kuya, kumusta si Mommy?"  Nabigla ito sa sinabi niya. "Alam ko na.  Dad told me before he died."

Klark let out a sigh. "Akala ko tuluyan na talagang dinala ni Dad ang galit niya kay Mom hanggang sa kabilang buhay. Do you hate our mom Kim?"

"I really don’t know kuya. All this time akala ko wala na akong ina. Nabuhay akong galit sa ginawa niya na kahit nalaman kung patay na raw siya ay hindi ko pa rin siya napatawad. Why didn’t you tell me? Why didnt you tell me na yan ang lagi ninyong pinag-aawayan ni Dad."

"Because I love Dad,”  sabi nitong nabasag ang tinig. "Dahil kahit lagi kaming nag-aaway he is still my father. At nirerespeto ko ang gusto niya kahit minsan gusto ko ng magalit sa kanya. Nasasaktan din naman si Mommy pero wala siyang nagawa para itama ang lahat noon at ng mabigyan na siya ng chance hindi naman nakinig si Dad sa kanya."

"But you still choose Mom over Dad, kaya nga doon ka nag stay sa America right?"

"I didn’t Kim. Nawalan lang ako ng pagpipilian. Nang makita ko si Tito Billy at nalaman ko ang lahat ng nangyari kay Mommy I understood her agad. Tito Billy is a bisexual. Paano magugustuhan ni Mommy ang bestfriend niya. Ng wala ng maipagamot si Mommy sa sakit niya which is cervix cancer ay napilitang puntahan ni Tito ang Daddy pero ako ang nakausap niya ng panahong yun. At first nagalit ako kay Dad ng nalaman kung itinago niya sa atin ang totoo. Pero sinabi sakin ni Mom na huwag akong magtanim ng galit kay Dad. Kaya nagsumikap akong makahanap ng magaling na doktor at magtrabaho  para sa pagpapagamot ni Mom. Ang sabi ni Mommy pag hindi siya gumaling wag ko ng ipaalam sa iyo na buhay siya. Pero idineklara ng doktor na cleared na siya sa sakit niya kaya ginusto niyang makausap si Dad. But all this time alam pala yun ni Dad at hindi man lang siya gumawa ng paraan at sinabi niya sa akin na wag ka ng idamay. That was the last argument we had. Kung alam ko lang na may sakit siya....." tuluyan ng napaiyak ang kuya niya. Alam niyang sobrang nasaktan ito dahil hanggang sa huli ay hindi ito nagkabati ng ama.

"Tama na kuya. Dad loves you so much alam mo yan. Naiintindihan ka niya at naiintindihan din kita. Ssshhh... I love you kuya. Dad loves us," sabi niya sa kapatid at niyakap ito.

"Alam mo bang iyak ng iyak si Mommy na hindi man lang niya nasilip si Dad. Pero ayokong  biglain ka kaya pinakiusapan ko siya. Do you hate her Kim?" tanong ni Klark sa kanya.

Kinapa niya ang sarili. Maisip lang niya ang ina ay nakakaramdam na siya ng kapayapaan. Naisip niyang iyon naman talaga ang gusto ng ama niya. Na patawarin niya ang ina at ihingi niya ng patawad ang ama sa ginawa nito sa ina.

"I don’t hate her kuya. Pwede mo ba akong dalhin sa kanya kuya?"

Bahagya itong ngumiti at niyakap siya. "Thank you Kim. Thank you. Matutuwa si Mommy pag nalaman niyang gusto mo siyang makita."

*********

Dalawang linggo na muna ang dumaan bago napagdesisyunan ni Kimberly na harapin na ang mommy Karmila niya. Maaga siyang sinundo ng kapatid sa mansiyon. Hindi na siya mapakali sa upuan. Kung iisipin niya ng maigi hindi na niya mafigure out ang mukha ng ina. Kinalimutan na kasi niya ito ng malaman niya ang lahat ng ginawa raw nito. But now she knew better kaya nahihiya siya sa ina. Naramdaman niya ang kamay ng kapatid sa kanyang kamay na nasa mga hita niya. Nginitian niya ang kapatid.

"You okey?"

"Yah, I guess. Kinakabahan ako. Baka galit sa kin si mommy."

“Kahit kailan hindi naman nagalit si mommy sayo. Nag-aalala nga siya sayo eh."

She just smiled to Klark.

Nang makarating sa villa ni Klark ay nag-atubili pa siyang bumaba. KInailangan pa siyang pagbuksan ni Klark at magkahawak-kamay sila ng kapatid na naglakad papasok sa bahay. Hindi pa man sila nakakarating sa pinto ay biglang bumukas iyon at iniluwa ang ina.

Napatigil siya sa paglakad at tiningnan ang babae sa kanyang harap. Mukhang katutubo lang ng buhok nito at mapapansin ang pagkulubot ng balat nito. Maybe her mother suffered a lot from cancer at siya na namumuhay ng sagana ay nagtanim pa ng galit para rito. Gusto na sana niyang tumalikod mula rito ng maramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng kapatid at pagpisil sa kamay niya. She looked at Klark at nakita niya ang pakiusap sa mga mata nito.

“Kim, anak,’’ tawag ni mommy niya sa kanya.

Nilingon niya ulit ito at hindi na niya napigilan ang humikbi. Lumapit naman agad ang mommy niya at niyakap siya. Yakap na kay tagal niyang hinintay mula sa isang ina.

‘’Anak, patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa lahat ng panahong wala ako. Sa pagiging duwag ko. Sa pagtalikod ko sayo. I’m sorry anak. Patawarin mo ako,’’Umiiyak na sabi ng mommy niya. Napailing-iling siya kumawala sa yakap ng ina.

‘’Ako ang dapat mag sorry sa inyo. Sorry sa pagiging iresponsable kung anak. Sorry at nagalit ako sa inyo. Patawarin mo kami ni Daddy sa lahat. I miss you mommy,’’ naluluha pa ring sabi ni Kim at muli ay niyakap siya ni Karmila.

‘’Mahal na mahal kita anak ko. And I miss you so much anak. At kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa ama mo mahal na mahal ko si Karlito’’

Nakiyakap na rin ang kuya niya sa kanilang dalawa. “Naku, naku, tama na nga ito at pumasok na tayo sa loob at mahamog na rito sa labas. Itong mga mahal ko talaga puro mga iyakin. Sigurado akong tuwang-tuwa si Dad na nakikita tayo ngayon. Dad, ako na po ang bahala sa dalawang ito hindi ko po sila pababayaan pangako po yan.’’

Yun na ang simula ng unti-unting pagbangon nila Kim mula sa trahedyang nangyari. Madalas ng samahan ni Kim ang mommy niya sa mga follow-up check-up nito. Madalas na ring naglalagi sa villa si Kim at kahit gusto niyang palipatin na ang ina sa mansiyon ay mas mabuti pa rin rito ang villa ng kapatid na malayo sa siyudad at polusyon. Marami-rami na rin ang naikwento ni Kim sa ina at kahit pati ang tungkol kina Sid at Marie ay naibahagi niya rito.

Sid…. Ilang buwan na rin niyang hindi kinakausap at nakita ang binata. Ang balita niya naman kay Marie ay nagpunta raw ito sa Amerika para mag-aral ulit. Wala rin naman itong sinabi na kahit ano sa kanya kaya hindi na rin siya nagkainteres na kausapin ito.

Ang akala niya ay magiging ok na ang lahat pero isang araw ay dumating si Atty. Abad sa kanila, ang family lawyer at binasa ang last will and testament ng ama. Kasama ang ina, si Klark at sina Sidrick at Tito Sunny ay nasa study room sila ng mansiyon. Kahit ayaw makita ng dalaga ang binata ay wala siyang nagawa ng ipatawag rin ito ng abogado.

‘’Ikinalulungkot kung sabihin sa inyo Kimberly, Klark at Karmila na naibenta na ni Karlito ang bahay na ito. Matagal ng nalulugi ang kompanya dahil sa sunod-sunod na pagpapagamot ng ama ninyo sa Amerika. Ang tanging natitirang share ninyo ay ang share na inilagay niya sa kompanya nila Mr Sebastian. Matagal ng gustong tanggalin ng board ang ama mo bilang CEO ng Primelands kaya lang ay napigilan ito ng pagpasok ni Sidrick sa kompanya.’’

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Wala ng naiwan na kahit anong property ang ama. Kahit ang mansiyon na naging bahay na niya ay hindi na rin pala nila pagmamay-ari. At ang tanging makakatulong sa kanila ay ang taksil niyang ex-boyfriend pa. Kung sana nalaman ng ama ang ginawa ni Sidrick sa kanya.

‘’So ibig po ninyong sabihin anytime now paaalisin na kami sa bahay na ito. Would you mind if I ask who bought the mansion?’’ tanong ni Klark.

‘’Si Mr Blast Gomez na ang bagong may-ari ng mansiyon Klark. Noong una ay ginawa munang collateral ng ama ninyo ang lupa dahil akala niya ang mababayaran niya ang utang niya sa mga Gomez pero noong lumala ang sakit ng ama mo ay nagdesisyon na siyang ibenta ito sa kagustuhang gumaling.’’

‘’Si Blast? And he didn’t even bother telling me about this?’’ bumangon ang galit ni Kim kay Blast. All this time wala man lamang nababanggit ito na ibinenta ng ama ang bahay nila rito.

‘’As to the shares you have with Mr Sebastian, mas mabuting pag-usapan na muna ninyo ito. You can contact me with the legal matters. Pero kung hahayaan ninyong si Sid ang mag represent sa inyo sa board maaari pa ring maretain sayo Kim ang pagiging CEO kapalit ng ama mo.’’

‘’The hell with being the CEO. Sa kanila na yan kung gusto nila. I could find a job anytime. Ayoko ng magtrabaho sa kompanyang hindi rin naman pala kumakampi sa ama ko. They took advantage of my father’s health. May sakit na nga ang ama ko dinagdagan pa nila ang sama ng loob niya,’’ sabi ni Kim.

‘’Pero pwede naman tayong magtulungan Kim. We can work this out,’’ hindi napigilang sabat ni Sid.

‘’Unfortunately I don’t want to work with you Sid,’’ mataray niyang sabi rito na nagpabigla sa mga tao roon.

‘’Hindi ito ang panahon para isipin natin ang problema nating dalawa. Kelangan nating magtulungan kung gusto mong maisalba ang pinaghirapan ni Tito Karlito,’’ malapit ng mapikon si Sid.

‘’Bakit Sid kailan natin pag-uusapan ang problema? Pag may nangyari na namang katulad ng ginawa ninyo ni Marie noon. You don’t really know me Sid. Noon pa man alam mo ng I can just live in an ordinary life. Kaya kung kalimutan at talikuran ang lahat ng kayamanang ito, huwag lang akong saktan ng taong mahal ko,’’ hindi na napigilang sumbat ni Kim at bago pa tumulo ang luha at lumabas na siya ng study room.

Susundan sana ni Sidrick si Kim pero pinigilan na siya ni Klark.

‘’Hayaan mo muna siya Sid. Just give her some more time.Pag-usapan na lang muna natin ang tungkol sa shares na nasa kompanya mo. Pwede na si Kim at si mommy sa villa. Mas mabuti na rin sigurong nabenta ang bahay para madaling makalimot si Kim. Siguro naisip rin ni Dad na pag nawala siya we could start a new.’’ sabi ni Klark.

‘’She really doesn’t like to work in the Primelands Klark. Noon pa alam kung pagsusulat na talaga ang gusto niya. Anong gusto mung gawin ko sa shares ninyo?’’

‘’I don’t really need anything Sid. Kaya ko pa namang buhayin ang pamilya ko. But alam mo namang walang permanente sa pagmomodelo. But kakausapin ko na lang muna si Kim tungkol rito.’’

‘’You know we are always here for all of you. Kung may kailangan kayo tumawag lamang kayo sa amin,’’ sabi ni Tito Sunny.

“’Salamat Sunny. At sana Sid maayos na ninyo ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni Kim.’’ Sabi naman ni Karmila.

‘’Hindi po ako titigil hanggang hindi nalalaman ni Kim na mahal na mahal ko siya’’ matapat na sabi ni Sid.

‘Salamat anak, matagal ng nasasaktan ang anak ko, mula sa akin, sa kanyang ama , sa isang kaibigan at ngayon sayo. Sana maitama mo na ang lahat ng ito,’’ sabi ni Karmila bago nagpaalam sa tatlong lalaki.

*******

Hindi pa rin makapaniwala si Kimberly na naibenta pati ang mansiyon nila. OO at maraming masasamang alaala ang bahay pero ito pa rin ang pinaghirapang ipundar ng ama para sa kanila. Kaya nagdesisyon siyang makipagkita kay Blast ng araw na iyon. Ilang buwan na rin siyang hindi nakaputa sa opisinang hindi na rin pala sa kanila. Naabutan niya itong nakatanaw sa labas ng bintana sa opisina nito. Kumatok siya para ipaalam na nandoon siya. Nang makita siya ng binata ay pinapasok siya agad. Nakangiti pa itong nagpakuha ng maiinum para sa kanya.

‘’I’m happy na okey na uli kayo ng mommy mo. At mukhang okey ka na rin,’’ masayang sabi nito.

‘’Maraming salamat nga pala Blast sa lahat ng naitulong ninyo ng ama mo sa Daddy ko noon at sa pagdamay mo naman sa akin ng mawala si Dad,’’ matapat niyang sabi nito at tiningnan ito ng diretso sa mata. ‘’But why didn’t you tell me na naibenta na pala sa inyo ang mansiyon?’’

Nabigla ito sa sinabi niya. Tumayo at humarap ulit sa bintana. “Because your Dad ask me to. Ayaw niyang malaman mo ang pagkakasakit niya, ang pagkabaon ninyo sa utang at ang malapit ng pagkaubos ng kayamanan ninyo dahil lang sa sakit niya.’’

‘’But I have all the right to know. Kaya ba nabigla ang board noong magpaparty ang ama ko at ipinakilala si Sid bilang bagong partner ng Primelands.’’

‘’Yes and no. No, dahil yun ang huling hiling ng ama mo bago siya bumaba bilang CEO ng Primelands at yes, dahil nagtaka ang board kung bakit ipinapasok niya si Sid sa kompanya. Maybe because he is your boyfriend.’’

Wala siyang naisagot sa mga sinabi ni Blast. Talagang naghihirap na sila at wala man lamang siyang kaalam-alam tungkol dito. Nabigla pa siya ng maramdaman ang kamay ni Blast sa kamay niya. Nakaupo na pala ito sa harap niya.

‘’But you can still stay here Kim at pwede ka pa ring tumira sa mansiyon,’’ sabi ni Blast na hawak pa rin ang kamay niya. “’Marry me Kim, and I’ll make sure maibabalik ko lahat ng ito sayo.’’

Napatayo siya bigla sa sinabi ni Blast. ‘’What are you saying? Alam mong hindi ko magagawa yan Blast.’’

‘’Pero sinaktan ka na ni Sid. Umaasa ka pa rin bang magiging okey kayo? Babalik ulit si Marie dito at ano? Guguluhin pa rin niya kayo. Why can’t you love me Kim?’’ tanong nito sa kanya.

‘’Because you’re not Sid, Blast. Si Sidrick ang mahal ko at kahit maghirap man ako hindi ko pa rin pwedeng dayain ang gusto ng puso ko. I’m sorry Blast. Kung pwede ko lang turuan  ang puso ko na ikaw ang mahalin, ginawa ko na dahil napatunayan kung mabuting tao ka. Darating din ang araw na makikita mo rin ang babaeng karapat-dapat sayo Blast,’’ pag-amin ni Kim rito. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito pero pilit pa rin itong ngumiti.

‘’Ang sakit naman n’on,’’ pilit ang ngiting sabi ni Blast. “’Ang sakit palang mabasted. Naiintindihan ko Kim. Alam kung tatalikuran mo lahat ng yaman lalo na kung para sa pag-ibig and masaya akong umibig ako sayo. Sana lang makita yun ni Sid at sana pagkatiwalaan mo pa siya dahil mahal ka non.’’

Niyakap niya ito. “Salamat Blast. Salamat sa pagkakaibigan.’’

‘’Pag naisip mo ng mahal mo ako, alam mo na kung saan ako hahanapin ha,’’ biro pang sabi nito. ‘’Take care Kim. And follow your heart, follow your dream. Tiyak matutuwa din ang Daddy mo doon.’’

May ngiti na sa mga labi ni Kim ng lumabas ng Primelands. Tiningala niya ang malaking building dahil tiyak na ito na ang huling beses na makakapunta siya sa lugar na yun. Nandoon pa rin naman ang alaala ng ama na kahit kalian ay hindi mawawala. Pero tama si Blast, she should follow her dreams this time. At sigurado siyang magugustuhan ito ng Daddy niya.

*******

Kinausap niya ang kapatid at ina tungkol sa plano niya. Gusto niyang kunin ang shares niya sa kompanya ni Sid at magtayo na lang sila ng ina ng publishing house nila. Oo at malaki ang puhunan pero noong isang lingo ay nakausap niya si Hazel na magsosyo sila sa pagtatayo at ito ang magiging editor in chief at siya naman ang sa finances nila. Madaling naisagawa ang plano nila at dahil may namanang lote ang ina muna sa lolo at lola niya ay iyon ang pinagpatayuan nila ng publishing house.

Totoo nga sigurong kung gusto mo ang ipinasok mo ay magiging successful ito. Tumanggap sila ng mga amateur writers. Noong una ay magazine ang inilabas nila. Dahil mahilig na siyang magsulat ay nakakacontribute na rin siya sa magazine. At sa launching nila ay sinulat niya ang story ng ama at ina. At syempre dinumog sila dahil sa kapatid at mga kaibigan nito na siyang nag endorse sa magazine nila.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 144 48
Ellie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break...
7.8K 128 15
Nang madiskubre ni Ayie ang ginawang panloloko ng kanyang Fiance na si Nathan Zamora ilang araw bago ang kanilang kasal- she decided to go back home...
1.2M 36.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
384K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...