ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

By prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16-Last Part

Chapter 13

245 4 0
By prettywicked84

Akala ni Kim ay tuluyan ng magiging okey ang lahat pero nagkamali siya. Dahil mukhang magsisimula pa lamang ang sunod-sunod na dagok sa buhay nila at sa relasyon nila ni Sid.

Galing siya sa opisina noon ng mapadaan siya sa study room ng ama niya. Akala niya walang tao sa loob kaya nabigla siya ng marinig ang galit na tinig ng ama. Papasok na sana siya ng marinig niya ang pangalan niya kaya nakinig na lamang muna siya sa usapan ng mga ito.

"Bakit kelangan mo pang ipaalam sa kapatid mo ang lahat ng ito? I've protected your sister for all these years para hindi siya masaktan at sasabihin mo sa akin ngayon na sasabihin mo sa kanya. How dare you?" galit na sabi ng ama. Nabigla siya sa narinig pero nakinig pa rin siya.

"But Kim has the right to know Dad. Hindi natin habang buhay na maitatago sa kanya ang totoo. At hindi rin tama na isinaksak mo sa utak ng kapatid ko na magalit sa isang taong kung tutuusin ay kayo ang nanakit.", sumbat naman ni Klark rito.

"You better watch your mouth Klark. Hindi kita pinalaki para pagtaasan mo ako ng boses. Anak pa rin kita. Anak lang kita," ganting sagot nito.

Natahimik ito at hindi na niya narinig ang sagot nito. Nang mapansin niyang papalabas ang kapatid ay nagkubli siya. Saka pa siya pumasok sa kwarto niya ng makitang wala na ang kapatid. Pagdaan niya sa study room ay napansin niyang nakatanaw sa labas ng bintana ang ama. Kumatok siya bago pumasok.

"Hi Dad," pinasaya niya ang boses. "I saw kuya downstairs. Mukhang nagmamadali na namang umalis."

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "You're home. May kinuha lang na mga dokumento ang kuya mo. Nagpaalam din naman siya agad. How is work? Balita ko maganda ang performance mo mula kay Blast."

"Im doing good Dad. Thanks to you. But are you okey? You dont look okey to me," nag-aalala niyang tanong sa ama.

"Im okey anak, huwag mo akoang alalahanin. Cge na magpahinga ka na,"pagtataboy ng ama sa kanya. "Love you sweetie." sabi nito na hinalikan siya ulit sa noo.

"Love u too Dad." Mukhang kelangan na talaga niyang kausapin ang kapatid tungkol sa ama nila by hook or by crook.

*******

Naisip niyang sorpresahin ang nobyo para na rin masabi niya rito ang mga agam-agam niya tungkol sa ama at kapatid. Matagal na rin niyang hindi nakasama ang nobyo kahit madalas silang nag-uusap sa phone. Nagtake out pa siya ng makakain bago ito binisita sa opisina nito. Nagulat pa ang sekretarya nito ng makita siya.

"Dont tell your boss, gusto ko siyang surpresahin," nakangiti niyang bungad sa sekretarya ni Sid matapos siyang batiin nito. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at diretso ng pumasok sa opisina para lang magimbal sa kanyang naabutan.

On top of her boyfriend is Marie. Nasa pang isahang sofa ang mga ito. Ayaw man niyang mag-isip ng masama pero kinain na ng selos ang kanyang puso.

"What is happening here?" lakas loob na sabi ni Kim. Nabigla ang dalawa at muntik pang maitulak ni Sid si Marie na nakatayo naman agad.

"Honey," paglapit ni Sid sa kanya. Guilt run all over his face na lalong nagpainis sa kanya.

"Heto ba ang dahilan kaya lagi kang busy Sid? Ito ba?" hindi na niya napigilan ang sumigaw. "And you, akala ko ba magkaibigan tayo," sumbat niya kay Marie.

"Honey its not what you think. Please makinig ka muna sa kin," pakiusap ni Sid.

"Then explain it to me. At siguraduhin mong magugustuhan ko lahat ng sasabihin mo Sid," galit pa rin niyang sabi na iniiwasan ang hawak ni Sid. "Wala ka bang sasabihin sa kin Marie?"

"What do you want me to say Kimberly? Gusto mo bang idetalye ko pa sayo ang lahat? Isnt it obvious?" may pagmamalaki pang sabi ni Marie.

"What are you saying Marie?" sansala ni Sid on frustration. "You know right from the start na walang tayo and what are you saying now. You know I love Kim, Marie."

"But I love you Sid. I've always love you. Mas mabuti ng malaman mo ngayon pa lang Kim," mataray na sabi ni Marie.

Sinugod niya si Marie at sinampal.

"Bitch, kung alam ko lang na isa kang ahas. All the while akala ko okey na sayo ang lahat ng ito. Anong nagawa ko sayo Marie? Bakit ganito?" napaiyak na si Kim. Napayakap sa likod niya si Sid na pilit siyang nilalayo kay Marie. Nagpumiglas siya at sinampal rin ang nobyo na natigilan. "Magsama kayo ni Marie at wala akong pakialam. I dont want to see you anymore Sid. Lets stop this."

"No Kim, no please," pigil niya kay Kim. "You can’t do this to me. Mag-usap tayo. We can patch this up. Please honey, I love you."

Napailing-iling ito na tumutulo ang luha. "Ayusin muna natin ang mga buhay natin Sid. Bitawan mo na ako," sabi ni Kim at patakbong tinungo ang pinto palabas ng opisina ni Sid. Naririnig pa niya ang pagtawag ni Sid sa kanya pero mas pinili niyang huwag na itong lingunin.

Napasuntok si Sid sa nakasarang pinto sa sobrang galit. Hindi niya akalaing ganun kadali ang desisyon ni Kim matapos makita ang nangyari. Dumalaw lang naman si Marie sa kanya kanina dahil may ide-deal raw ito sa kanya.

Nagdala rin ito ng pagkain kaya para wala ng gulo ay pinaunlakan niya ito at dinala sa sala ng office niya. Inaabot nito ang tissue na nasa gilid ng kinauupuan ni Sid ng madulas ang isang heels nito kaya napahiga ito sa kanya na siyang naabutan ni Kim kanina.

Gusto niyang magalit sa nobya na hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya but he knew that Kim was deeply hurting at hindi niya mapapatawad ang sarili sa nangyari. Napasuntok pa uli siya sa pinto.

"I'm sorry Sid. I didnt thought na magiging ganun kababaw si Kim. Hindi man lang pinakinggan ang paliwanag mo," basag ni Marie sa katahimikan.

Nilipatan niya ito at dinaklot ang braso nito.

"Get out of my office right now Marie bago ko makalimutang babae ka,"mariin niyang sabi rito.

"Hindi ko na kasalanan kung hindi pinakinggan ni Kim ang paliwanag mo. At isa pa wala naman tayong ginagawa na masama. Bakit ka ba nagagalit sakin?" diretso ang tingin na sabi ni Marie.

"Son of a bitch!" bulalas ni Sid. "You did this on purpose Marie, alam ko yun. And dont you ever dare hurt Kim again dahil ako na talaga ang makakalaban mo. Now get out of my office. Get out," sabi niya rito na marahas na binitawan ito.

Magsasalita pa sana ito pero sinigawan na niya itong lumabas. Hindi kailanman naging bastos si Sid sa babae, ngayon lang. Nanghihinang napaupo siya at nasapo ang mukha. He need to settle this bago pa lumala ang lahat.

*********

Umiiyak pa rin si Kim habang minamaneho ang kotse. Tinigil niya sa isang tabi ang kotse ng sobra na ang panglalabo ng mata dahil sa luha. Isinubsob niya ang ulo sa manibela at nilabas ang lahat ng sama ng loob.

Pinuntahan niya ang nobyo because she missed him. Pero mukhang siya ang nasurprise nito. And matagal na niyang alam na may gusto pa rin si Marie kay Sid pero sa isang panig ng isip niya ay naisip niyang nakamove-on na ang kaibigan at tanggap na sila nito. Matagal na siyang may kutob na masama simula pa lang noong announcement ng patnership ng Dad at ni Sid. And it hurts her more ng inamin mismo ng kaibigan na mahal pa rin nito si Sid.

Ilang minuto rin ang lumipas ng mahimasmasan siya. She need to get away, to think straight. Gusto niyang pakinggan ang sasabihin ni Sid pero kinakain ng selos ang isip niya. They are close to kissing ng maabutan niya ito.

"No, no, no... ," napailing na sabi ni Kim sa sarili. Napapitlag pa siya ng tumunog ang phone niya. Ang Nana Mimi ang tumawag. Pinilit niyang icompose ang sarili para hindi nito mahalatang umiiyak siya.

"Nana, napatawag ka?"

"Anak nasaan ka ba ngayon," sabi ng nasa kabilang linya. Nabasag ang boses nito kaya kinabahan siya agad.

"Papauwi na po ako. May nangyari po ba?"

"Anak, ang Daddy mo nasa hospital. Naku, anak bigla na lang nahulog sa may hagdan, matagal pa naming naisugot sa hospital si Don, hindi naman kasi napansin ng mga kasambhay na nasa taas na pala siya,"

Namanhid ang buong katawan ni Kim. Nabitawan niya ang cellphone. Nabahala siya ng husto para sa Daddy. Narinig niya ang paulit-ulit na tawag ni Nana Mimi sa kanya kaya pinulot ulit nito ang phone nya.

"Anak, nagmamaneho ka ba? Mag ingat ka sana anak pinag-alala mo ako ng husto. Nasaan ka at ipasusundo kita."

"Hindi na Nana.Kaya ko na po ito. Nasaan si Dad? Saan po siya isinugod?", tanong niya.

Sinabi nitong nasa St. Michael Medical Center ito. Tinapos na niya ang usapan at sinabihan ang matanda na mag-iingat siya sa pag mamaneho.

Pagdating sa hospital ay ang mga kasambahay lamang niya ang nandoon. Sinabihan niya ang mga itong tawagan ang Kuya Klark niya. Siya namang paglabas ng Doktor.

"Dok kumusta na po ang Daddy ko," tanong niya sa doktor.

"I’m afraid his not doing good iha. Napasama ang pagkakahulog niya at according to his medical history ay pangatlong atake na pala niya ito sa puso. It seems fatal. Matagal na naming sinabihan ang Daddy mo na mag ingat sa kalusugan niya."

Nabigla si Kim sa nalaman. " May sakit sa puso si Dad, Dok? Kelan pa? Bakit hindi namin alam ito."

"Come down iha. Sinabihan ko na ang ama mo na sabihin na sa inyo ang kondisyon niya. Pero ayaw niyang mag-alala kayo. Kaya siya pumupunta sa US lagi ay para magpagamot. All the while akala ko nasabi na niya sa inyo ang lahat ng ito. Mukhang hindi pa pala. I’m sorry iha. The next 24 hours is crucial. Pray hard for him. Nasa ICU pa ang Daddy mo."

Naghihinang napaupo si Kim sa labas ng ICU. Why is this happening all of a sudden. Malusog naman ang ama nya kaya nagtaka pa siya sa nalamang 3rd attack na pala nito iyon. Base na rin sa sinabi ng doktor ay mukhang inatake muna ang Don bago nagpagulong-gulong pababa ng hagdan. Napaiyak siya ng mag sink in sa sistema niya ang lahat, naiimagine pa niya ang nangyari sa ama at naawa siya sa isiping hindi agad nito nadala sa hospital.

Nasisi pa tuloy niya ang sarili. Napayakap na lang siya kay Nana Mimi ng lumapit ito sa kanya. Hindi pa rin niya makontak ang Kuya Klark niya kaya sina Jean at Ferlyn ang tinawagan niya. Pinuntahan naman agad siya ng mga ito. Si Hazel ay hindi pa rin naman nakababalik sa bansa.

Kinakausap na siya ng mga kaibigan ng lumapit ang doktor ng Daddy niya sa kanya.

"The patient is awake at mahina pa rin ang puso niya. I’m afraid he won’t make it this time Ms Asuncion so better prepare yourself. Pinapatawag ka rin ng ama mo iha." malungkot na imporma ng doktor sa kanya.

Napakapit siya sa mga kaibigan."I cant do this Dok. Gawin po ninyo ang lahat mailigtas lang ang dad ko please doc." sabi niya sa doktor.

"Kim come down. Malalampasan din ni Tito ito. Magdadasal tayong lahat,"sabi ni Jean na umiiyak na rin.

"Ayoko ko siyang kausapin. Paano kung magpaalam na sakin si Dad. No, no, no. Hindi ko kaya ito," napailing-iling si Kim.

Hinawakan ni Ferlyn ang magkabila niyang balikat. "You have to do this Kim. Kelangan mong tanggapin na sooner or later iiwan tayo ni Tito. Lahat naman tayo doon ang punta Kim. Kaya mo yan nandito lang kami okey," naiiyak na sabi nito at niyakap siya. "Go sweetie."

Sumama siya sa doktor at nagsuot muna ng hospital gown bago pumasok sa ICU. Pagpasok niya sa loob ay napaiyak na agad si Kim pagkakita sa ama. Dagli nyang hinawakan ang bibig para hindi kumawala ang iyak niya. Sobrang habag ang naramdaman niya sa ama na puno ng tubo ang katawan. Kahit nahihirapan ay nagawa pa nitong tawagin siya.

"Sweetie."

Lumapit siya sa ama at hinalikan niya ang kamay nito, hindi niya napigilang humagulhol.

"Don’t cry baby. Gusto kung humingi ng tawad sayo anak. Ang dami kung itinago sayo,"sabi ng Daddy niya.

"Daddy tama na. Huwag na kayong magsalita please. Gagaling kayo Dad I'll make sure of that."

"No baby listen to me. You need to know the truth Kim. Hindi mabait ang Daddy mo Kim. Tinuruan kitang kamuhian ang mommy mo. Patawarin mo ako anak," sabi nito sa kanya.

"Sshh.. Tama na Dad. Nasaktan din kayo sa ginawa ni Mommy. Please Dad tama na."

"Listen to me baby," sabi nito sa nahihirapang boses. "Buhay ang mommy mo anak. Patawarin mo ako na itinago ko sayo ito ng matagal. Kaya galit sakin ang kuya mo dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo. Oo iniwan tayo ng mommy mo, sumama siya sa iba pero hindi para ipagpalit tayo. Kundi para ipagamot ang sarili niya. Your mom is fighting a cancer. Inilihim niya ito sa takot na bigla na lang siyang mawala sa mundong ito kaya umalis siya. The night she run away ay nakipagkita siya kay Billy na inakala kung lalaki niya. Nalaman ito ng kuya mo nang siya ang makausap ni Billy. Sinabi ito ni Klark sakin pero hindi ako nakinig. Nagbulag-bulagan ako sa lahat at inisip na patay na ang mommy mo. Kinuha siya ng kapatid mo at dinala sa America at doon pinagpatuloy ang pag papagamot. Sinabi sa kin ng kapatid mo na papagaling na ito at gusto kang makita pero nagalit ako sa kapatid mo. I told him na hindi ko mapapatawad ang mommy mo," tumulo ang luha nito na pinahid niya agad.

"Daddy please dont cry makakasama sayo yan, please," nabigla man sa sinabi ng ama ay pinilit pa rin niyang huwag ipakita rito.

"Hindi anak, gusto kung matanggap mo ang mommy mo. Mahal na mahal ka niya," tumigil ito sa pagsasalita ng mukhang mahirapan magsalita. "Mahal kita, kayo ni Klark.  And please ihingi mo ako ng tawad kay Karmila. Be happy baby. Be happy with the one you love. Sid loves you so much."

Ngumiti ang Daddy niya sa kanya and she smile back and kiss his hand again.

Bigla siyang nataranta ng biglang tumunog ang mga aparatong nakakabit sa ama. Tuluyan na siyang napahagulhol ng biglang nawalan ng lakas ang kamay na hawak niya.

"Daddy, dad!! Please don’t do this to me. Help me, help. Doc ang Daddy ko," sigaw ni Kim at dali-dali namang pumasok ang medical team.

Inalalayan siya nina Jean at Ferlyn sa isang tabi na umiiyak na rin sa tabi niya. Napatingin sila sa may pinto ng biglang pumasok ang kuya niya.

"Dad, what happen to my Dad?" gulat na sabi nito.

Hinila nila ito sa isang tabi at niyakap niya ang kapatid.

"Kuya si Daddy," sabi na lang nya rito.

"He will be okey honey, he will be."

Pero mukhang hindi na talaga dininig ng Diyos ang dasal nila. Sinalubong agad nila ang doktor at malungkot na sinabi sa kanila ang masamang balita. Saka pa tuluyang nag sink-in sa kanya ang lahat. Wala na ang Daddy niya. Iniwan na talaga sila ng Daddy niya. Sa isiping iyon ay nahimatay na siya ng tuluyan.

********

Napanaginipan ni Kim ang ama. Kumakaway ito sa kanya at maya-maya ay sumenyas na ngumiti siya. Sinubukan niya itong habulin ngunit mabilis itong nakalayo sa paningin nya. Napasigaw si Kim, tinatawag ang pangalan ng ama at saka naman siya nagising.

"Daddy no?" sigaw niya ng biglang magising. Lumapit sa kanya ang Kuya Klark niya na mugto na rin ang mata.

"Sshh Kim. Nananaginip ka lang."

"Kuya si Dad. Tell me panaginip lang lahat. Tell me natutulog lang si Dad please kuya please," nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya. Niyakap siya agad ng kapatid.

"Sweetie please tama na. Wala na si Dad. Wala na siya Kim."

"No, no, no. Hindi totoo ito. This is not happening. Gusto kung makita si Dad kuya please dalhin mo ako sa kanya." hysterical na siya kaya nagpatawag na ang kuya nya ng doktor para isedate siya. Bago umepekto ang gamot sa kanya ay narinig pa nya ang sinabi ng kapatid.

"You need to calm down Kim. Kaya natin ito. Nandito lang ako"

Sa muling pagmulat ng mata ni Kim ay nasa hospital room pa rin siya. Dahan-dahan siyang umupo at medyo kalmado na. Napansin niyang nakayukyok sa tabi niya si Sid nakahawak sa kamay niya. Muling nanumbalik ang sakit na nararamdaman niya para sa nobyo. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Blast. Nagising naman si Sid at tumuwid ng upo pagkakita sa kanya.

"Honey are you okey?" puno ng pag-aalala ang boses nito at sinubukang hawakan ang kamay niya.

"Do I look ok Sid?" hindi niya napigilan ang magtaray. "And please ayoko munang makita ka. Please leave me alone Sid."

"Honey please don’t do this. Alam kung nasasaktan ka ngayon pero hindi kita pwedeng pabayaan."

"Puwes I dont need you now Sid and I dont need you ever. So please step out of this room," matigas niyang sabi rito. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito. "Blast, please palabasin mo na siya rito. I want to be alone."

Nabigla man si Blast ay tumango na lamang ito. Nilapitan nito si Sid at giniya ito palabas ng kwarto. Nang nasa labas na sila ay kinausap niya si Blast.

"Pare ikaw na munang bahala sa kanya."

"Hindi ko na itatanong kung anong nangyari Sid. But I will take care of her not because you told me so. But because I really care for her," matapat na sabi ni Blast.

"She’s  my girlfriend and she’s mine Blast. Keep that in mind," banta niya rito bago iniwan ito.

Pumasok na ulit  sa loob ng kwarto ni Kim si Blast.

"Umalis na ba siya?" tanong ni Kim kay Blast.

"Yeah, you told him to get out right. It’s okey Kim. Nandito lang ako para sayo," sabi ni Blast at hinawakan ang kamay ng dalaga. Napaiyak na naman ito.

"Why is this happening to me, to us? Bakit iniwan ako ni Dad matapos niyang sabihin sakin na buhay ang mommy ko. Sabihin mo nga sakin Blast, paano ko haharapin lahat ng ito. Paano?" nanginginig na ang buong katawan ni Kim sa pag-iyak. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ng mahigpit ni Blast.

"You can do this Kim. Take one step at a time. May dahilan ang lahat ng ito. And nandito lang kaming lahat para sayo. Tahan na."

"But I dont see the reason for all of this Blast. Bakit??"

"You need to calm down Kim. Listen to me," hinarap siya ni Blast. "Your Dad is waiting for you. Kelangan mong harapin ito Kim. Hinihintay ka na ni Klark. He needs you too this time. Nandito lang ako sasamahan kita."

Puno ng pangako ang sinabi ni Blast. But deep in her heart she wish it was Sid na nasa tabi niya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

80.4K 2.1K 21
THE HEARTBREAKER TEAM Series Book 1: Mr. RACER BREAKER Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield Unive...
36.7K 2.1K 25
Brian really loved his independent life. He got his own condo. He had a car and a decent job on his very own architectural firm. May pagka-workaholic...
78.6K 1.6K 27
A young business tycoon, Yuan Yashiro is the president of the Flower Boys Host Club, a charity business that aims to help people in needs. He is know...
304K 10.4K 23