"Nasan na yung iba?" sabi ko habang nasa byahe kami ni mr. putik.
"Nauna na sila" sabi ni mr. putik.
"San ba tayo pupunta?" sabi ko.
"Diba sinabi ko na sayo" sabi ni mr. putik.
"I mean saang lugar. Sa Manila ba, sa Cavite, Tarlac, Pampanga, Bulacan. . . saan?" sabi ko.
"For now, secret muna" sabi ni mr. putik.
Hmp. May pasecret-secret pang nalalaman ang lalaking to.
Halos isang oras na kaming nasa byahe kaya naisipan kong matulog na lang kasi nga, puyat ako. Grab the opportunity.
Baka sakaling mawala ang sampung kilo kong eyebags.
Zzzz
.
.
Zzzz.
.
.
.
ZZzzzz
.
.
.
.
ZZZZzzzz
.
.
.
"Hoy, gising na" sabi ni mr. putik.
". . .hmm. . .? ilang oras ako nakatulog?" sabi ko.
"Anong ilang oras? 10 minutes ka lang nakatulog" sabi ni mr. putik.
10 minutes lang? Akala ko pa naman nakabawi ako ng tulog kahit papano=_____=
"Nandito na ba tayo?" sabi ko. Parang Manila to ah.
"Almost" sabi niya.
"Stop over? Salamat naman, gutom na ako eh!" sabi ko.
"Wag ka na bumili" sabi ni mr. putik.
"Bakit? Kung hindi tayo kakain, bakit pa tayo tumigil dito?" sabi ko.
At dun ko narealize. . .
"Ahhh. . . sige ok lang take your time" sabi ko.
"Ano?" sabi niya.
"Wag ka nang magmaangmaangan pa, alam ko naman kung bakit tayo nandito" sabi ko.
Kawawa naman tong si mr. putik. di na ata kinaya kaya tumigil na kami dito sa may petron.
"Hindi kita maintindihan" sabi niya.
Pa-inosente pa siya. Sus, nahiya pa siya sakin. kung kelan girlfriend na niya ako.
Actually, ang cute ng pa-inosente act niya. akala niya hindi ko alam noh? hihi^__^
"Bili na, mag-cr ka na. hinihintay pa tayo ng troputik oh" sabi ko.
"I seriously dont know what youre talking about" sai ni mr. putik.
Galing umacting ni mr. putik.
"Hindi ba masakit ang tyan mo?" sabi ko.
"Ano? Bakit naman sasakit ang tyan ko?" sabi niya.
"You know. . . kasi najejebs ka" sabi ko.
Ayun, sinabi ko na. eh kasi naman ayaw niya pang aminin eh.
"Jebs?" sabi niya.
"Oo, jebs" sabi ko. paulit-ulit?
"Bili na, mag-cr ka na" sabi ko.
"Jebs? You've tried it?" sabi niya.
Huh? Anong klaseng tanong naman yun?
"Malamang" sabi ko.
Nagdrugs ba tong si mr. putik habang tulog ako?
"Masarap dun diba? Next time sabay tayo dun" sabi niya.
WHATDA?!
#medyobaboy
Ay hindi pala.
#supermegababoy
"YAK AYOKO NGA!!!" sabi ko.
YUCK! YUCK! YUUUUUCK!
Sabay jumebs?! Kadiri myghad!!!!
"Bakit ayaw mo naman?" sabi ni mr. putik.
"Kadiri kang lalaki ka!!!" sabi ko.
"What? I only offered na kumain tayo sa Jebs" sabi niya.
.
.
.
.
Huh?
"Ano sabi mo? Anong jebs?" sabi ko.
"Eh diba ikaw ang nagsabi, natry mo na sa jebs. Yung restaurant sa may makati. Jeb's restaurant" sabi niya.
Ahh. . . restaurant. Sino naman ang magpapangalan sa restaurant na jebs?! Patang ayoko naman kumain dun. . . pwera nga lang kung libre.
Syempre, ako pa. Basta pagkain.
"Teka. . . anong jebs ba ang sinasabi mo?" sabi niya.
"Ah wala kalimutan mo na yun" sabi ko.
Ayoko! Nakakahiya!!!!
Erase! Remove! Delete!
"Na-curious na ako kaya sabihin mo na" sabi ni mr. putik.
Hala, seryoso na siya. pati boses niya, seryoso.
Eeeeehhh medyo nakakatakot si mr. putik pag seryoso eh.
"Wala nga lang yun" sabi ko.
Ano ba yan, mapilit pa siya.
Isa pa, mas mabuti nang di na alam ng anak-mayaman na to. baka sabihin pa niya na pino-pollute ko ang utak niya dahil sa mga terms na sinasabi ko sa kanya.
"Sasabihin mo o iiwanan kita dito" sabi niya.
"As if naman na iiwanan mo talaga ako dito mag-isa. Sige, subukan mo lang" sabi ko.
Di niya akong kayang tiisin noh.
Pagtingin ko ulit sa kanya, nakita ko na siya na nasa loob ng kotse at sina-start na niya yung engine.
WHATDA?!
"Iiwanan mo talaga ako?!" sabi ko sa kanya sa may bintana ng kotse.
"Sabi mo subukan ko" sabi niya sakin.
Grabe, iiwanan niya talaga ako? dito? mag-isa?!
Ang sakit naman</3
"Ganun na lang ba, Shin? Ganun na lang ba ang pagiibigan natin? Itatapon mo na lang ng ganun dahil lang sa ayaw kong sabihin sayo kung ano ang meaning ng jebs?" sabi ko.
Teary eyed effect pa with matching plema sa lalamunan.
Lumabas na siya ng kotse at hinawakan niya ang mukha ko.
"Alam mo naman Hana na more than one year na tayong magkakilala, diba?" mahinhin niyang sinabi sakin.
*singhot ng sipon*
". . .oo" sabi ko.
"Kaya syempre alam ko na kung kelan ka talaga umiiyak at kelan ka lang nagdadrama"
-______-++
"Eh nakakainis ka kasi eh!" sabi ko sa kanya.
"Edi wag mo na sabihin" sabi niya.
"Hindi mo sasabihin kung ano ang dapat kong gawin! sasabihin ko na! Poop! Manure! Feces! Tae! Yan ang ang meaning ng jebs!!"
Di ko namalayan. . . nasigaw ko pala yung sinabi ko. Nadala ng emosyon eh.
Kaso. . . pinagtitinginan tuloy ako ng tao na para bang baliw.
Teka, nireverse psychology ata ako ng lalaking to ah!
"Bakit mo naman naisip na kelangan kong gamitin ang c.r?" sabi niya.
"Eh tumigil tayo dito eh tapos sabi mo na wag na akong kumain" sabi ko.
"Ah, hindi to stopver. Nandito na tayo" sabi niya.
Ha?
"Dito? sa 7eleven?" sabi ko.
Ok lang naman sakin kasi maraming pagkain sa 7eleven at 24 hours naman to. Pero best of all, unli pagkain.
Yun nga lang, kelangan ko ng unli pera.
"Stupid. Tumingin ka sa likod mo" sabi niya.
Stupid agad? Hmp! Kaasar talaga siya.
Paglingon ko. . .
"AIRPORT?!" sabi ko.
"Oo" sabi niya.
"Mage-airplane tayo?!" sabi ko.
"Baka bus. Airport nga eh" sabi ni pilosopo.
"Ah, um. . . sige mauna ka na" sabi ko.
"San ka naman pupunta" sabi niya.
"Uuwi na, magcocommute na lang ako" sabi ko.
Seryoso ako.
"What? Bakit?" sabi niya.
"Di ko kasi trip umalis ng bansa. Isa pa wala akong passport" sabi ko.
Grabe naman sa yaman ang mga toh. Bigla bigla na lang aalis ng bansa pag trip nila? Ibang klase din eh. At alam ko wala akong passport. . . diba? O baka ginawan na nila ako.
Ibang klaseng yaman talaga.
Pero kahit na sa Paris pa ang lakad namin, ayoko.
.
.
.
.
Kaso sayang ang ticket eh. Hmm. . . di pa rin!
"Pero Hana-"
"Ayoko nga kahit Paris pa yan!" sabi ko.
Sosyal ko naman, tinatanggihan ko ang Paris. Wala eh, kakaibabe eh.
"Assuming ka naman. Cebu ang pupuntahan natin, di tayo lalabas ng bansa. Tingnan mo nga oh, nasa domestic flight airport tayo" sabi niya.
Ay. . . oo nga noh. sorry naman! Si pa ko nakakasakay ng airplane eh.
"Teka. . . takot ka sa sumakay ng eroplano, noh?" sabi niya.
"Ako? Takot? Ano tingin mo sakin? duwag?" sabi ko sa kanya.
"Oo" sabi niya.
Aray, ang pranka naman.
"Well hindi ako takot noh" sabi ko.
"Eh bakit ayaw mo sumakay?" sabi niya.
"Kasi ayoko" sabi ko.
"Ganun ba? Akala ko kasi takot ka. Sasabihin ko pa naman sana na private plane ang sasakyan natin kaya there's no need to be scared. Meron ding free chocolates sa plane at ice crea,/ pero since ayaw mo, sige uwi na lang tayo" sabi niya.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Nirereverse psychology na naman niya ako noh?
Oo, ganun nga.
Hindi ako madadala ng tricks mo mr. putik! Mas matalino ako kea sa iniisip mo.
Kaso. . . free chocolates at ice cream daw eh. Eh diba pag sa plan, imported yung mga chocolates?
Pero ayoko talaga eh. . .
Takot kasi ako sumakay ng airplaneT____T
"Masarap nga pala ang lechon ng Cebu" sabi niya.
LECHON?!
*__________*
"Sige na nga tara na!" sabi ko.
Face your fears Hana!!!
20 minutes later. . .
"WAAAAHHHH!!! PALABASIN NIYO KO DITOOOO!!!!!" sigaw ko.
"Nagte-take off pa pa lang yung airplane, di pa nga tayo nakakalipad" sabi ni mr. putik.
"BASTA AYOKOOOO!!!" sigaw ko.
Waaaahhhh!!!! Ayoko mamatay!!!!
"Ayokong matulad dun sa Malysian airlines!!!"
Diba nawala sila na parang bula? Ayoko ng ganun!
"Domestic lang ang flight natin. Isa pa, 40 minutes lang ang byahe" sabi ni mr. putik.
"AYOOKOOOO!!!!" sigaw ko.
Naiiyak na ako at naiihi! Takot talaga ako sa eroplano!
"Aish. Ang sakit mo sa tenga, buti na lang private plane to at walang nakakrinig sayo. Oh, eto" sabi ni mr. putik at binigyan nuya ako ng isang kahon.
"Ano. . . to?" sabi ko.
"Chocolates. Galing pa yan ng europe. Kumain ka na lang parang may magawa naman yang bibig kesa sumigaw ka pa ng sumigaw dyan" sabi ni mr. putik.
At ayun, nagwork yung plano niya. sa sobrang sarap ng chocolate truffles, nakalimutan ko na nasa airplane ako.
Iba talaga ang nagagawa ng pagkain.
*grrrrrkkkkkrrr*
Hala.
"Umm. . ." di ko masabi.
"Ano yun?" sabi ni mr. putik.
*grrrkkkrr*
"May cr ba dito?" sabi ko.
Natawa siya bigla.
"Dont tell me. . . najejebs ka noh?" sabi niya, natatawa pa rin.
Aba! Nangasar pa!
Pero ang halay pala pag siya ang gumamit ng salitang kebs. Di bagay sa sosyal niyang labi eh.
"Oo na! Bilis! Nasan na!!!"
Ang sakit na ng tyan ko!!!
"Diyan sa tabi mo" sabi niya.
At pumasok na ko sa cr.
Cr ba to o closet? Ang liit ah. at isang maliit na toilet lang ang nandito. Pero di na ako magpapaka-choosy pa, umupo na ako and. . .
LET IT GOOOOO
After ko na gawin ang business ko, hinanap ko na yung flush.
Nasan yung flush?
Ah eto.
*FLUUUUUUSSSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHH*
O___________O
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" sigaw ko at narinig ko si mr. putik sa may likod ng pintuan ng cr.
"Hana! Ano problema?!" sabi ni mr. putik.
"Akala ko hihigupin ako ng toilet!!!"
Ang lakas kasi ng pagflush niya!
After nang scandalong yun, malapit na kami sa cebu.
"Oo nga pala, nasan yung iba nating kasama?" sabi ko.
Dalawa lang kasi kami dito sa airplane.
"Nauna na sila kasi ang bagal mo" sabi ni mr. putik.
Ako pa ang may kasalanan ngayon-____-
Eh hindi niyo nga ako ininform eh.
Pagtingin ko sa bintana, nakita ko na.
WELCOME TO CEBU!
*Hello Lechon! <3*
Author's note:
Thank you for reading at thank you din sa mga napadaan:)