Sleepover checklist



Damit- check

Underwear- check

Pabango- check

Towel- check

Cross- check

Holy water- check

Bible- check



Nagtataka kayo kung bakit ako nagdala ng cross, holy water, at bible noh? hindi lang kasi to ordinaryong sleepover.

Sleepover to sa mansion ni Maria Estela.

*insert horror music here*



Kahapon sa bahay ng kambal. . .

Nandito lang kami sa sala ng kambal, nagkekwento ng kung anu-ano. Ewan ko kung paano ako napunta dito eh ako lang yung babae. Kanina nandito sina Sulli at Coleen kaso kanina pa sila umuwi. Gusto ko sanang umuwi na kaso wala akong kasabay pauwiT__T

"Ano na ang plano natin bukas?" sabi ni Jam.

"Ano ba ang meron bukas?" sabi ko.

"It's halloween tomorrow" sabi ni Jop.

Halloween? Ahh. . . yun yung kapag nagsusuot ng costumes, diba? Eh hindi naman uso yun samin eh. Nafi-feel ko lang ang halloween kapag nagpalabas na sa tv yung mga halloween specials tungkol sa mga multo. Kaso di ko naman natatapos yung mga palabas na yun kasi takot ako sa multoT___T

"Maghahalloween party na naman ba tayo?" sabi ni Jop.

"Boooorrrriiiiing!" sabay na sinabi ng kambal.

"Ikaw Hana, ano ba ang ginagawa mo sa halloween?" sabi sakin ni Neil.

". . . ako? Um. . . nanunuod ng halloween specials sa tv" sabi ko.

Tumingin sila sakin.

"Nasa bahay ka lang pag halloween?" sabi ni Jop.

Kung makatingin naman sila sakin, parang nakagawa ako ng krimen.

"Oo naman" sabi ko. Ano pa ba ang gagawin ko pag halloween?

"Nakakalungkot naman an buhay ng commoners" sabi ni Jop.

Damn these rich people. Minsan, ang tawag nila sa ordinaryong tao mga commoners daw. Akala nila sila ang mga hari eh. Palibhasa mga di pa ata nakaktikim ang mga to ng kwek kwek o kaya isaw.

"Ikaw Shin, ano tingin mo ang dapat nating gawin?" sabi ni Jop.

Mukhang iritable si mr. putik ah.

"I'd rather sleep" sabi niya.

*shoooooooo*

Medyo lumamig yung hangin nung sumagot siya. Halata ang bad aura sa kanya, ano kaya ang nakain nito?

"Woah bro, bakit parang bad trip ka ata ngayon?" sabi ni Jop.

"Masyado lang maraming pinapagawa ang kompanya, di na ako nakakatulog ng maayos" sabi ni mr. putik.

Si mr. putik. . . hindi siya nakakatulog?!!O___O

Kinuha ko agad ang hershey's chocolate bar na nasa bag at binigay ko agad sa kanya.

"Ano to?" sabi niya.

"Chocolate malamang! Kainin mo na yan para hindi bumaba ang blood sugar mo! Pasalamat ka nga binigay ko pa yan sayo eh, last hershey's ko na yan" sabi ko.

Public vs. PrivateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!