Chapter 86: bikini bottom

66.4K 1.1K 1.2K
                                    

Malaki ang hotel nila dito kaya ang ibig sabihin. . . buffet ang breakfast bukas, diba? Imposibleng hindi!

Pwede din kaya ang lunch at dinner buffet? May ganun ba dito? Tanungin ko na lang ang manager mamaya kapag hindi ko na kasama si mr. Putik. Sabihin niya na naman na tabachoy ako tapos mababdtrip na naman ako tapos mawawalan ako ng appetite.

Ok, hindi basta basta mawawala ang appetite ko sa pagkain. Ano akala ni mr. Putik, ha? Kahit 100 times niya pa akong sabihan na tabachoy araw araw, kakain pa rin ako!

Food > mr. Putik

"Hana, tulala ka na naman. Tara na, naghihintay na sila sa loob" sabi ni mr. Putik. Oo nga pala, sabi niya sakin na nandito ang troputik pati si Sulli. Buti na lang, hindi ko kasi kaya na dalawa lang kami dito.

Halos nalibot na ata namin ang buong hotel, san ba ako dadalin ng lalaking to? Hindi ba pwedeng kumain muna kami? Kahit fruitshake lang? Oh kaya buko juice? Ang init kaya!

"Pagod ka na?" sabi niya, halatang nangaasar.

"Hindi ba halata sa pawis ko?" sabi ko.

"Pinagpapawisan pala ang piglet?" sabi niya.
.
.
.
.
Bwisit ka talaga mr. Putik. Di ko alam kung bakit ikaw ang naging boyfriend ko, naglalagay ata siya ng gayuma tuwing binibigyan niya ako ng cake.

"Mainit kasi!" sabi ko.

"Ah, alam ko na ang ireregalo ko sayo sa birthday mo" sabi niya. Gift? Agad agad? Pero sige, gusto ko yan.

"Dapat maganda yan kasi first gift ko yan from my first boyfriend" sabi ko. 1 year pass sa vikings buffet kaya ang isuggest ko sa kanya? After school, diretso na agad ako dun para sulit.

"One year---"

"Talaga??? Thank you!! Ang sweet sweet mo talaga! Best boyfriend ever! Pwede bang iadvance mo na ang gift mo?" sabi ko. Mind reader ba siya? Paano niya nalaman yung saktong gusto ko? Narealize ko bigla na love ko na talaga siya.

"One year membership sa gym" sabi niya.

O______O++

"Ang sama talaga ng ugali mo! Sarap mong i-break!" Sabi ko at lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko para di ako makawala.

"Sure ka? Makikipagbreak ka sa akin?" Mahina niyang sinabi.

Nagblanko bigla ang utak ko.

"Ah. . . Eeeeh"

Oo! Sabihin mo oo, Hana! Wag kang magpapadistract sa kanya!

". . . Oo" mahina kong sinabi.

Sana nilakasan ko pa para convincing.

"You really wanna break up with me?" Sabi niya habang nakasmirk at palapit ng palapit ang muka niya sa akin.

Eto, totoo na. Blanko na ang utak ko.

"Umm. . ." ayun, natameme na ako.

Pumikit ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Hana! Oppa! Ang tagal niyo nandito lang pala kayo!"

Lumayo agad ako kay Shin.

Kainis naman Sulli! Sana naghintay ka pa ng two minutes!

"Hana? Bakit ang pula ng face mo?" sabi ni Sulli.

"Mainit daw kasi, baka na-sunburn" sabi ni mr. Putik habang nakangiti sa akin. Halata bang namumula ako? Tss. Kasalanan niya to.

"Dont worry, may dala akong sunscreen. Tara Hana, samahan mo ako sa girl's c.r. And ikaw oppa, mauna ka na dun. Hinihintay ka na nila Jop sa beach.

"Fine, hintayin na namin kayo dun" sabi ni mr. Putik peeo may binulong muna siya sakin bago siya umalis.

"I'll make sure to kiss you later. Without any interruptions." At umalis na siya.

(O///////////O)

"Hana, bat parang mas lalong namumula ka ata? Tara na sa c.r para mabigyan kita ng sunscreen" sabi ni Sulli pero medyo shookt pa ako sa sinabi ni mr. Putik.

"Ha? Ano ulit?" Sabi ko kay Sulli.

"Sasamhan mo ako sa c.r kasi magbibeach tayo mamaya"

Beach? Teka teka, anong beach? Wala namang sinabing beach si mr. Putik ah, wala tuloy akong dalang rash guard.

Nang makarating kami ni Sulli sa c.r, nagpalit na siya ng pang swim wear na one piece. Ang sexy ni Sulli, bakit hindi ganyan katawan ko? Bakit parang bitin ang puberty ko?T_____T

"Di ka pa magpapalit?" tanong si Sulli.

"Nahihiya ako eh" parang gusto ko na atang tanggapin yung binibigay na one year membership sa gym ni mr. Putik.

"What? Ang ganda kaya ng figure mo!" bolera din pala tong si Sulli.

"Eh kapatid mo na mismo ang nagsabi na mag-gym na akooooo!" sabi ko. Ang sakit kaya nun! Literal na masakit din kasi pag-akyat pa lang sa hagdan hinihingal na ako.

"Wait, oppa said that to you?! That's so mean kahit pa-joke lang!" sabi ni Sulli. Buti pa siya, nage-gets ako. Masarap kumain kaya!

Medyo tumahimik si Sulli, parang may iniisip.

"Hana, you wanna borrow my rashguard? Nagdala ako ng extra just in case. Sayang naman kasi, ang linaw ng tubig sa beach masarap magswimming" sabi niya.

"Talaga? Ok lang?" sabi ko. Lifesaver ka talaga Sulli! Epal kasi tong si mr. Putik, di man kumpleto ang info na binibigay niya tapos bigla biglang magyayaya.

"Ofcourse! Palit ka na ng damit sa cubicle tapos nandito sa bag yung rashguard and shorts.

"Thank you! Sige wait lang" sabi ko at pumasok na ako sa cubicle. Nagtanggal na ako ng damit at sinabit 'to sa taas ng pintuan.

Nang isusuot ko na ang rash guard. . .

"Sulli, mali ata yung bag na binigay mo. Two piece ang nandito" sabi ko pero di siya sumagot.

"Sulli?"

Teka, nasaan na yung pinatong na damit ko? Seryoso ba? Nilayasan ako ni Sulli at iniwan ako dito sa c.r?

"Hoy Sulli!!!" Sigaw ko pero wala pa rin.

Tiningnan ko yung bikini. . . Cute siya pero di ko talaga kayang suotin toT____T

Ano akala ni Sulli? Susuotin ko to sa beach? Di ko talaga kaya! Matira matibay na lang, dito muna ako sa cubicle nang nakaunderwear hanggang sa balikan niya ako.

15 minutes later. . . .

ANG LAMIG.

Sino ba kasi ang nagisip na gawing airconditioned ang c.r? Masyado namang sosyal ang c.r na to. Sana may libreng damit din para sa mga emergencies katulad nito.

Kaya ko kayang gawing damit tong tissue?
.
.
.
Wala na. Nababaliw na ako dito.

Masyado nang malamig. Lalabas ba ako nang nakabikini o mamatay ako sa hyperthermia? Parang mas gusto ko yung second option.

No choice.

Sana kayanin to ng kahihiyan ko.

Author's note:
Thanks for reading this chapter:) may book 3 na pala para sa mga nagtatanong:) available na sa bookstores:)
Ps. Kakain ako cake kapag maaga ang next update ko :D
Sa mga nagtatanong pa, medyo iba ang book version ng pvp sa watty kasi sa watty book 1 lang siya and nagstop kung saan nasa relationship pa si hana and shin:) feel free to message me kung may questions kayo:)

Public vs. PrivateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon