Intoxicated

By MalditangYsa

12.5M 229K 21K

Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Published under Psicom

Chapter Thirty-seven

162K 3.7K 566
By MalditangYsa

Halos hindi ko naintindihan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyrone dahil mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Pilit kong pinipigilan si Tyrone sa pagsuntok kay Spencer pero hinahawi niya lang ang braso ko. Para bang wala siyang pakialam na nandito ako. Sigaw na rin ako ng sigaw pero balewala.

"Tyrone! Tama na!" Muli kong sigaw.

Hindi siya lumingon. Naka-igting lang ang panga niya at ramdam na ramdam ko ang galit sa kan'yang aura. Hindi rin lumaban si Spencer, tinatanggap niya lang ang bawat suntok. Naluluha na ako. Nawala na yata ang alak sa sistema ko dahil sa nakikita ko. Ayokong nag-aaway sila. Ayoko lalo na kapag dahil sa akin.

Nakita ko na lang bigla si Jerome na pinigilan ang isang suntok ni Tyrone. Kahit si Tyrone ay nagulat. Si Adam naman ay tinulungan si Spencer na makatayo. Sabog na ang kan'yang labi pero nagawa niya pang ngumisi at tumawa. Hindi na rin siya halos makabuka ng isang mata. Awang awa ako sa hitsura niya pero tuwing nakikita ko ang ngisi niya ay kahit ako naiinis.

"Asshole," Umiling pa si Spencer at pinunasan ang dugo sa kan'yang labi.

Susugod na sana muli si Tyrone nang mabilis siyang pigilan ni Jerome. Lalong humalakhak si Spencer. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Umiling si Spencer kahit nakangisi pa rin. Humakbang siya. Buong akala ko ay aalis na siya pero lahat kami ay nagulat nang suntukin niya si Tyrone. Natumba si Tyrone pero nanatili akong nakatitig lamang sa kanila, hindi alam kung ano ang dapat gawin. Mabilis umaksyon si Adam para muling iawat si Spencer pero nagpumiglas lang ito.

"Para magising ka na sa kahibangan mo, gago." Ani Spencer at naglakad palayo.

Tinanguan ni Jerome si Adam at tila ba nakuha niya ang mensahe ay sinundan nito si Spencer. Si Jerome naman ay dinaluhan si Tyrone na gulat pa rin sa ginawa ng pinsan. Bago pa siya matulungan ni Jerome ay tumayo na siya at hindi pinansin ang pinsan.

Pero mas nasaktan ako nang lagpasan niya ako na para bang wala ako roon. Na para bang hindi siya nakipag-away kanina nang dahil sa akin.

I found myself following him. Gusto ko ng sagot. Sagot sa mga tanong na matagal nang nasa utak ko. Hindi ko maintindihan ang mga pinapakita niya, at gusto ko siyang intindihin, dahil sa kabila ng lahat, I still want to know his side. I still want to understand him truly.

Halos tumakbo na ako para maka-catch up sa kan'ya. May mga pumapansin sa kan'ya pero hindi niya man lang sila tinatapunan ng titig. Diretso lang siya maglakad, at kahit na medyo malayo ako sa kan'ya ay batid ko ang galit na bumabalot sa katawan niya.

"Shit!" He cursed aloud at ginulo ang buhok niya. Nakalabas na kami ng bar nang bigla niyang sinipa ang gulong ng kan'yang sasakyan. Pinagmasdan ko lang siya. Ipinatong niya ang kan'yang ulo sa sasakyan at nanatili sa gan'ong posisyon. Dahan-dahan akong lumapit at bago ko siya tuluyang masilayan ay humarap siya sa akin.

Nagulat siya nang makita ako. He even tensed pero hindi ako nagpatinag. Kung ito na ang huling beses na makikita ko siya, gusto ko nang makakuha ng kasagutan.

"What are you doing here?" He said bluntly when he finally recomposed himself. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Ang dami kong gustong sabihin sa utak ko pero ayaw magsalita ng dila ko.

"Bumalik ka na roon. Naghihintay sa'yo si Spencer." His voice almost cracked. Humugot siya ng malalim na hininga.

Pero hindi ako umalis doon.

"I need an explanation." Iilang hakbang pa ang layo ko sa kan'ya. Marami na nga ang nagbago. Hindi ko na siya makausap tulad ng dati, hindi ko na siya mayakap, hindi ko na siya mahagkan. Hindi ko na pwedeng sabihin kung gaano ko siya kamahal. Lecheng puso. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapagod.

"Explanation for ruining your moment with him? Damn it. Hanggang ngayon, manhid ka pa rin talaga." Mahinahon ang pagkakabanggit niya pero bawat kataga ay may laman. Bawat salita ay ramdam ko ang bigat.

Lumunok ako ng maraming beses para kahit papaano ay mabasa ang nanunuyo kong lalamunan. "Ano sa'yo ngayon kung halikan ako ni Spencer? Ano 'yun sa'yo, Tyrone?"

"Urgh!" Ginulo niya ang kan'yang buhok "Now you're telling me that you like him kissing you, Yvette? Huh?"

"Hindi, Tyrone. Tinatanong kita kung bakit gan'yan ka makapag-react gayung ikaw naman ang nang-iwan sa ating dalawa! Ano? Ikaw lang ang pwede magkaroon ng bago? Ikaw lang ang pwede makipaghalikan sa... Sa iba?" Tumulo ang luha ko nang maalala kung paano ako paulit-ulit na namamatay tuwing nakikita silang magkasama ni Xena. Tuwing nakikita ko kung paano niya ginagawa sa babaeng 'yun ang mga ginagawa niya sa akin.

"Bakit mo 'ko pinapahirapan?" My voice cracked. Mabuti sana kung hinahayaan na lang niya ako para makapag-move on na ako. Pero ano itong ginagawa niya? Hinihila niya ako pabalik sa kan'ya kung kailan gustong gusto ko nang makaahon.

Pero hindi siya sumagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya kahit nangangatog ang tuhod ko because I need an answer.

"Tyrone. . ." Humikbi na ako sa harap niya. Ni hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin.

"Dahil putang ina," Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Mahigpit ito na para bang takot na takot na siyang mawala pa ako. "mahal pa rin kita."

 Hinaplos niya ang buhok ko at muli kong naramdaman ang kuryente na akala ko ay matagal nang nawala sa akin. Sa sobrang gulat ko hindi ko magalaw ang kamay ko. Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang yakapin pabalik.

Tumutulo ang luha ko pero hindi ko ito pinunasan. Hinayaan ko lang na muli akong kainin ng sakit.

Mahal niya raw ako. Pero imbes na magdiwang, bakit nasasaktan ako? Bakit ang sakit na marinig iyon sa kan'ya?

Hindi. Hindi ito totoo. Sinabi na niya sa akin noon na si Xena na ang laman ng puso niya. Sinabi na niya sa akin noon na hindi na niya ako mahal.

Kumalas ako sa yakap. Kita ko ang sakit sa mga mata ni Tyrone.

"Why are you doing this to me?!" Pinalo ko siya sa dibdib dahil gusto ko siyang masaktan tulad ng sakit na nararamdaman ko, sa kahit anong paraan, gusto ko siyang masaktan. "Paano mo nasasabing hindi mo na ako mahal, tapos sasabihin mo ulit na mahal mo ako? How could you, Tyrone?! How could you play with my heart?! Por que ba alam mong mahal pa rin kita, ginaganito mo na ako? Kung kailan gusto ko nang umahon, hihilain mo ulit ako pababa! Gan'yan ka ba talaga katigas?!"

Humikbi ako. Kulang pa. Kulang pa lahat ng sinabi ko para ipaalam sa kan'ya kung gaano ako nasasaktan ngayon. Naninikip ang dibdib ko. And'on muli ang malaking butas sa puso ko.

"Girlfriend. . ." Pagsusumamo niya. Nilapitan niya ako pero mabilis akong umatras.

"Don't you dare call me that!" Pinunasan ko ang luha ko. "Ang problema sa'yo, hindi mo ako kayang ipaglaban. Duwag ka, Tyrone. You're a fucking coward! A fucking asshole!"

Pumikit siya na para bang dinadamdam niya ang bawat salita na lumabas sa bibig ko. Nang imulat niya ang kan'yang mga mata ay may tumakas na luha sa kan'yang kanang mata. Mabilis ang hininga ko at ramdam na ramdam ko ang pakikipagkarerahan ng puso ko.

"Tama ka. Duwag ako. Hindi kita kayang ipaglaban, dahil ikaw ang iniisip ko. Dahil ayokong masira ka nang dahil sa akin. I freaking love you, too much I can't breathe. Too much I can't sleep. Too much I can't focus without you. Can't you see? Ikaw na ang mundo ko! Halos hindi na ako makakain kung hindi kita kasama! Ayokong mangyari iyon sa'yo. It's unhealthy. It's intoxicating. I am a jerk for letting you go, pero alam ko kung hanggang saan lang ako. I can't let this love destroy you. Kahit ako na lang ang masira, 'wag lang ikaw." His voice cracked. "'wag lang ikaw, Yvette."

"Hindi kita maintindihan. . ."

Ngumiti siya. Ngiting kakaiba. Ngiting may itinatagong lungkot. A smile full of promises.

Lumapit siya sa akin at napapikit na lang ako nang maramdaman ang mainit niyang labi sa noo ko. Doon ay naramdaman kong totoo ngang mahal niya pa rin ako. Pero bakit? Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero ang alam ko sa ngayon ay handa na ulit akong tanggapin siya. Katangahan, oo. Pero sa simpleng halik niya sa noo ko, lumambot muli ang puso ko. Nakuha muli niya ito.

"Handa akong masira kung ikaw lang ang dahilan. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, I can fight with you." I almost plead.

Kumalas siya at pinagmasdan ako, ang kan'yang mapupungay na mga mata ay may nais iparating. Nasasaktan ako kahit na tinititigan niya lang ako. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan din siya.

"I have to let you go now, so I can have you forever." Huminga siya ng malalim na parang may pumipigil sa kan'ya kahit sa paghinga lang. Humikbi lang ako nang humikbi. "Maiintindihan mo rin kung bakit kailangan ko 'tong gawin."

Tumalikod siya at sumakay sa kan'yang sasakyan. Natunganga ako nang humarurot ito hanggang sa mawala na sa paningin ko. Nakatitig lang ako sa kawalan, nakatitig sa kung saan dumaan ang kan'yang sasakyan. Maybe, I really didn't deserve any explanation. Maybe... Maybe I really didn't deserve him after all.

Humagulhol ako sa iyak, wala akong pakialam kung marami nang nakatitig sa akin, dahil doon alam kong iyon na ang huli naming pagkikita.

***

Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kisame ng condo ni Tyrone. Muling bumalik sa akin lahat ng alaala ng nakaraan. Kung paano niya ako iniwan noon at lahat ng hirap ko para makabangon n'ong mga oras na iyon. Marami na ang nangyari. Sa ilang taon na nakalipas, hindi ko aakalaing sa kan'ya pa rin ang bagsak ko.

Ano kaya ang nangyari sa kan'ya matapos n'on? Kung tatanungin ko ba siya ngayon, masasagot na niya ako ng maayos?

Hinarap ko siya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. He looks so peaceful. God, I missed this man. So much.

I can feel he's the same boy I fell in love with back in high school kahit na nag-mature na ang kan'yang itsura. Pareho pa rin kaming nakahubad sa ilalim ng kumot. Ngumiti ako habang naalala ang nangyari kagabi, how he made me feel like a woman. How many times did we make love? I lost count. Sa ilang ulit na iyon, he never failed on making me feel loved kahit na hindi naman talaga niya ako kilala bilang si Yvette. Hindi ako makapaniwalang nangyari iyon sa amin. Hindi ako makapaniwalang siya pa rin ang hinahanap-hanap ng katawan, puso, kaluluwa, at isip ko.

I was taken aback nang mag-alarm ang kan'yang alarm clock sa side table. Nataranta ako at mabilis itong pinatay. Hindi niya ako pwedeng maabutan pa rito ngayon.

Mahapdi man ang nararamdaman ko sa gitna ng aking hita ay pinilit kong tumayo. Nakita ko ang dugo sa kan'yang kama dala ng nangyari kagabi. It reminded me of how I offered myself to him. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumapit kay Tyrone na natutulog pa rin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi bago tumayo at naghanap ng pwedeng pampalit para makauwi na ako.

I giggled like a school girl in front of the mirror. Suot ko ang t-shirt, brief, at shorts ni Tyrone kaya mukha akong tomboy na gangster. Umiling iling ako at mabilis naghanap ng papel. Nag-iwan ako ng sulat pati na iyong maskara ko sa kan'yang side table. Kahit hirap akong maglakad at mukha akong bagong tuli dahil hindi ko maipagdikit ng maayos ang hita ko ay pinilit kong makalabas ng condo niya.

Muli ko siyang nilingon bago sinara ang pinto. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko, at gan'on pa rin ang pagtibok ng puso ko. Mabilis at pamilyar. Then I realized, I never stopped loving him, my first love, my loverboy, Tyrone Kean Feledrico.

Continue Reading

You'll Also Like

465K 3.2K 10
The bar was filling up. It was Friday night and the band was blaring. It was my classic routine after a long brain surgery. When a gorgeous woman app...
1.3M 43.3K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
114K 3.3K 28
There are things in our life that better left unsaid.