ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

By prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16-Last Part

Chapter 9

288 8 0
By prettywicked84

        Hindi makapaniwala si Sidrick ng makilala si Don Karlito. Ito pala ang sinasabi ng ama na bisita kaya kahit pagod ay bumiyahe pa siya pauwi sa ancestral house nila. Naabutan niya ang dalawa na masayang nagkukwentuhan sa may bahay-kubo malapit sa lawa.

            Hindi siya makapaniwalang ang isang tycoon at tinitingala sa real estate business ay tumatawa rin pala.

            "I’m glad I finally meet you iho. Alam mo bang bentang-benta ka na sakin dahil sa dami ng sinabi nitong tatay mo," sabi ng Don ng makipagkamay sa kanya. Napakamot tuloy siya sa ulo.

            "Minsan po talaga exaggerated na masyado ang sinasabi nitong si Tatay, Don Karlito. Buti naman po napadalaw kayo rito sa amin."

            "Matagal na panahon na rin akong hindi napasyal rito. Buhay pa ata ang nanay mo noon ng tulungan ko ang tatay mo. Hindi na rin ako nakabalik mula noon at ang laki na ng iginanda ng lugar na ito," sagot ng Don na nilibot ang tingin sa buong paligid.

            Matagal ng kawaksi ni Don Karlito ang tatay niya noon. Pero ng magkasakit ang ina ay tumigil ito sa pagtatrabho para maasikaso ang ina at nagbuy at sell na lamang ng mga appliances noon. Pumayag naman ang Don at ng malaman ang pinasok na negosyo ng ama ay tumulong pa ito na hanapan ang ama ng mga kliyente. Hindi nga makapaniwala ang Don na napatatag nila ang negosyong iyon.

            "Napag-isipan mo na ba ang inaalok ko iho?" tanong nito sa kanya.

Matagal na nitong gustong magsosyo na lang sila sa negosyo na pinag-iisipan pa din niya. Alam niyang lalo pang lalago iyon kung ang papasok sila sa kompanya ng Don. Pero hindi pa nila masyadong napag-usapan iyon ng ama.

           

            "Pag-uusapan po namin ulit ni Tatay ang tungkol.sa proposal ninyo Don Karlito." sabi na lamang niya.

            "Pwede bang Tito na lang ang itawag mo sa kin. Para ka ding tatay mo sa kapormalan," pabirong sabi nito.

            Bigla siyang nag-alangan."Nakakahiya naman po ata yun."

            "But I insist iho. Oo nga pala nasaan na ba ang batang yun para mapakilala kita," sabi ng Don at may tinawagan.

            Nagliwanag bigla ang mukha niya. Mukhang kasama ni Don Karlito ang laging laman ng kanyang isip kaya nagboluntaryo na siyang hanapin ito.

*******

            Natagpuan niya ang hinahanap na sinasamyo ang bulaklak ng orchid. Pinagmasdan muna niya ito at natutuwa siyang makita itong napapangiti. Kahit simpleng sundress ang suot nito ay para itong diwata na nasa gitna ng gardin nila. Mukhang napansin ata nito na may nakatingin rito dahil nagpalinga-linga ito sa paligid. Nagpasya na siyang lapitan ito.

            "Do you like the place?" tanong niya sa nakatalikod na dalaga. Bahagyang nanigas ito at marahan siyang nilingon.

            "What are you doing here?" tanong nito ng makabawi.

            He smile. "I think I should be the one asking that question since dito ako nakatira." Napangiti siya lalo ng makita ang pamimilog ng mata nito.

            "You lived here? Ikaw si Rick?" tanong nito. "Yah, right. Sidrick, Rick." kausap nito mas sa sarili. Nilapitan niya ito at niyayang maupo sa wrought iron na upuan.

            "Seat down Kim," yaya niya rito. " Yes, Rick, but I prefer being called Sid. Sila lang ata dito sa bahay ang nasanay sa pangalang Rick. I think you have a huge explaining to do.  Bakit hindi mo sinabing anak ka ni Don Karlito?"

            "Coz hindi na rin naman kelangan. Alam kung malalaman mo rin naman eventually.  And I dont usually share my life to a stranger."

            Napatingin si Sid sa dalaga. "Stranger ha!? Stranger pa rin ba ako para sayo Kim?"

            ”Let’s not complicate things Sid. Siguro naman alam mo na ngayon kung bakit hindi ako vocal sa pagsasabi ng buhay ko. Ako nga itong dapat magtanong kung bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtrabho ang tatay mo noon sa amin."

            "Because you closed yourself to me," pabulong lang na sagot ni Sid. Pareho silang biglang natahimik.

            "I think we should start a new. No more pretenses. Can we Kim?," maya-maya ay sabi ni Sid.

            "How?"

            "Let me introduce myself first," tumayo si Sid sa harap ng dalaga at nilahad ang kamay. “I’m Sidrick Sebastian, 27, capable at very much available."

            Natawa siya sa sinabi nito. "Kimberly Grace Asuncion, 20."

            "Available or taken?"

            Napailing na lang ito sa tanong niya. "So I presume your available right? Okay. Nice to meet you Ms Kim."

            "Tumigil ka na nga. Nandito ako para magrelax kaya huwag kang makulit," napapangiti ng sabi ni Kim kay Sid. "I like your place. Dito ka ba laging umuuwi?"

            Biglang lumamlam ang mga mata ni Sid at muling naupo. "I want to stay here. Lagi nga akong napagsasabihan ni Tatay eh. Pero pag nandito ako naaalala ko lang lalo si Nanay. Naghihinayang kasi akong hindi niya nakita ang lahat ng ito. This is for her, all of these."

            "You most love her so much," tanging nasabi ni Kim.

           

            "Yes, so much. I could even give my own heart just to let her live. Kung may heart donor lang sana baka nailigtas pa siya.’’

            Hindi napigilan ni Kim na hawakan ang kamay ng binata. Nararamdaman niyang masakit pa rin dito ang pagkawala ng ina.

           

            "Huwag ka ng malungkot. Nakikita naman ng nanay mo ang lahat ng pinaghirapan mo para sa kanya. I’m sure ginagabayan pa rin niya kayo ni Tito kahit wla na siya rito."

           

            "Yah, pero hindi ko pa rin maiwasang maisip siya. Alam mo ba si Tatay ang pinaka naapektuhan sa lahat ng ito. Akala ko nga hindi na siya makakapag move on eh. Kaya nga kahit naiinis na siya sa kin, hinahanapan ko siya ng girlfriend," may ngiti na ng sabihin ni Sid iyon.

           

            Napangiti na rin siya sa sinabi nito. "Yun nga ang sabi ni Tito sa amin kanina. Alam mo, iba ka rin ano. Ikaw pa mismo ang naghahanap para sa tatay mo. Hindi ka ba natatakot na baka pera lang ang habol ng mga babae sa tatay mo."

           

            "Alam mo Kim sa pag-ibig kelangan mong sumugal dahil hindi mo malalaman kung sino ang para sayo kung hindi mo susubukan. Its risky but malay mo doon mo makikita ang happiness mo," sabi ni Sid na kinindatan pa siya. Mukhang pinaparinggan siya ng binata. "Eh bakit ang Daddy mo hindi mo hinahanapan ng girlfriend? Balita ko matagal na rin siyang biyudo gaya ni tatay."

           

            "Hindi naman kasi namin pinag-uusapan ang tungkol jan sa bahay. Allergic na rin sa babae ang Dad gaya ng tatay mo," sabi na lang  ni Kim.

           

            "Mukhang wagas magmahal ng asawa ang mga tatay natin ano? " nakangiting sabi ni Sid kay Kim. "Magkwento ka naman tungkol sa nanay mo. She must be beautiful dahil maganda ka.’’

            "Pasensiya ka na Sid ayoko munang pag-usapan natin ang ina ko," pag-iwas ni Kim. "Balik na tayo kina Dad baka hinahanap na tayo ng mga yun."

            Nauna na itong naglakad pabalik ng kubo. Mukhang off limits talaga sa iba ang tungkol sa ina nito dahil kahit ilang beses na silang nag-usap ni Klark ay iniiwasan din nito ang tungkol sa ina. Maliban sa kaalamang namatay ito  sa hindi malamang sakit ay wala na siyang nalaman mula rito. Wala ring nababanggit tungkol sa ina nito sa mga write-ups ng mga magazine kung saan nafeature ang Don. Kailangan na ata niyang magresearch ng maigi. Dahil mukhang hindi naman magbibigay ng impormasyon ang dalaga tungkol rito.

            Hinabol na rin niya ang dalaga na papunta na sa may kubo. Napag-usapan na nila ng tatay niya na doon na lang maghanda ng hapunan para makita naman ng mag-ama ang ganda ng paligid. Ng maabutan ang dalaga ay sumabay na siya sa paglalakad nito. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya nanahimik na lang din siya.

            Mukhang tuwang-tuwa ang mga tatay nila na pinagmamasdan silang dalawa na palapit sa may kubo. Binulungan nya ang dalaga.

            "Mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang iniisip ng dalawang yan," sabi nya sa dalaga.

            Napatingin muna ito sa kanya bago ibinalik ang tingin sa matatanda sa kubo. "Parang nahuhulaan ko na rin. I know that look in my Dad's face, match-maker mood na naman yan for sure," napailing-iling ito.

            "Ok lang at least may puntos na ako," pilyo niyang sabi rito. Inirapan lang siya nito. Ngingiti-ngiti pa rin siya ng makalapit na sila.

            "You know what Sunny? Mukhang bagay ang mga anak natin ano," biglang sabi ng Daddy ni Kim.

            Napangiti na lamang si Mang Sunny sa sinabi ng Don. "Kung matatanggap mo ang anak ko Don Karlito aba eh ako pa ba ang tatanggi rito kay Kimberly."

            "Daddy what are you saying? Nakakahiya kayo," bulong ni Kim sa ama. Namumula ang pisngi nito. "Pasensiya na kayo Tito Sunny ha. Don't listen to this man."

            "Wala yun anak. Natutuwa nga ako eh at may gwapo akong anak. Malapit na rin sanang matapos sa pagdodoktor ito ewan ko ba kung bakit tinigil pa," may paghihinayang na sabi ni Mang Sunny.

           

            "Tay naman. Napag-usapan na natin yan diba?" mukhang nabigla si Sid sa sinabi ng ama.

            Hindi napigilan ni Kim na sumabat sa usapan.

            "Tumigil ka na sa pag-aaral? Kelan lang?" hindi nito napigilang tanong na pinagtaka ng mga ama nila.

            "Hindi naman tumigil. Anytime naman pwede ko ulit kunin lahat ng subjects ko," paliwanag nito sa kanya.

            "Pero patapos na ang semester sayang naman. Pangarap mo yun diba? Why stop when you’re close enough to becoming a doctor?" hindi niya naiwasang ilabas ang nasa isip.

            Sasagot pa sana si Sid ng biglang tumikhim si Don Karlito. Para namang natauhan ang dalawa  na may iba palang nakikinig sa kanila.

            "Can you both explain what is happening? Magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong ng Don sa kanila.

            "Sa totoo lang po Tito magka schoolmate po kami ni Kim at matagal na po kaming magkakilala. Sa St. Michael ko kasi kinuha yung pag memedisina ko." paliwanag niya sa dalawa.

            Napatango-tango lang ang dalawa at nagkatinginan pa na parang natutuwa. Tinapik pa ni Don Karlito ang balikat ng binata.

            Hanggang sa maihain na ang hapunan nila wala pa ring tigil sa panunukso ang mga ama nila. Manaka-naka namang nasisingit ang usapin tungkol sa negosyo pati na rin ang tungkol kay Klark. Napansin naman ni Sid na tahimik lang na kumakain ang dalaga at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Sumasagot lang ito kapag tinatanong. Nagde-desert na sila ng hindi na makatiis ang binata sa pananahimik ni Kim.

            ‘’Tito, Tay, pwede ko ba munang mahiram si Kim. Ipapakita ko lang sa kanya ang loob ng bahay,’’ sabi niya sa mga ito. Napatingin si Kim sa kanya kaya sinenyasan niya itong tumayo.

            ‘’Sige, iho. Mukhang kanina pa nga gustong makita nitong si Kim ang loob ng bahay ninyo,’’ magiling na sabi ng Don. ‘’Sige na Kim samahan mo na si Sid.’’

            Napilitan namang nagpaalam ang dalaga sa dalawa. Wala silang imikan papunta sa loob ng bahay. Pagpasok nila sa loob ay napa’’wow’’ ito sa nakitang kabuuan ng bahay nila. Mukhang newly renovated ang loob pero halata pa rin ang antigong essence nito. Nilapitan ng dalaga ang nakahilerang picture frames sa isang bahagi ng sala. Kinuha nito ang solong frame ng yumao niyang ina.

            ‘’Is this your mother?’’ tanong nito sa kanya ng lumapit siya rito. ‘’Ang ganda naman ng nanay mo.’’

            Napangiti siya sa sinabi nito. ‘’Talaga? Sabi kasi ng tatay ko, ang nanay ko na raw ang pinakapangit na babaeng nakita niya noon. Best enemies daw kasi sila bago nahulog ang loob ng tatay kay nanay. Nagtaka na nga lang raw siya isang araw ng tuwing tinitingnan niya si inay eh ang ganda-ganda raw nito. Hindi pa daw niya alam noon na inlove na pala siya kay nanay.’’

            ‘’That’s so sweet,’’napangiti na ring sabi ng babae. ‘’Pero mas nagmana yung mukha mo sa nanay mo keysa kay Tito Sunny. You got her eyes. Mesmerizing eyes.’’

            ‘’So ibig sabihin na mesmerize ka na rin ng mga mata ko?’’ naaliw niyang tanong.

            ‘’I did not say that,’’ sabi nitong bahagyang namula. ‘’Assuming ka masyado.’’ Ibinalik na nito ang frame at pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa mga pictures.

            ‘’Sorry if hindi ko nasabi sayong huminto muna ako sa pag-aaral,’’ pag-iiba ni Sid sa usapan.

            Napatingin si Kim sa kanya. ‘’You don’t have to say sorry Sid. Wala naman akong karapatang pakialaman ang mga desisyon mo sa buhay. That’s your life. Paensiya ka na kanina nabigla lang ako.’’

            Napasandal siya sa grand piano. Mahilig kasi ang nanay niyang tumugtog niyon noon at marunong din naman siyang tumugtog kahit paano kaya nandoon pa rin ito sa bahay nila.

            ‘’Pero gusto kung makialam ka Kim. Gusto kung malaman mo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko coz  I  want you to be part of it,’’ sabi niya rito at tiningnan ito ng diretso. Nag iwas ito ng tingin.

            ‘’Napag-usapan na natin ito Sid. Please let’s stop this. Sinabi ko na sayo…..’’

            Inilang hakbang ni Sid ang pagitan nila ni Kim at hinapit ito. ‘’Look at me. Please come on, look at me,’’ kausap niya rito at hinawakan ang baba nito para magtagpo ang mga mata nila. ‘’Alam ko nalilito ka. Naiintindihan ko din na marami kang issues sa buhay na ayaw mong ibahagi sa iba. Ayaw mung makasakit, I can live with that. But please don’t push me away Kim dahil mas lalo lang akong magpupursiging makalapit sayo.’’

            ‘’You don’t understand,’’ napailing-iling ito.

            ‘’But I’m willing to understand, just let me.’’ Matatag niyang sabi rito. Nagtagisan sila ng tingin. Ng una itong nagbaba ng tingin kaya hinalikan niya ito sa noo. ‘’I’m willing to listen to everything  Kim hayaan mo lang ako sa buhay mo.  Hindi mo naman kelangan solohin ang lahat ng burden eh. If tungkol kay Marie, I’ll talk to her again para sayo.’’

            ‘’Pero, pero….,’’ naguguluhang sabi nito. “I don’t know Sid. Alam mo ba na tuwing pinakikinggan ko ang tungkol sa pamilya mo, kung gaano kayo kasaya noong nandito pa ang nanay mo. Kung paanong kahit wala na siya eh nakikita ko pa rin ang pagmamahal ninyo sa kanya. Kung gaano kayo kalapit ng tatay mo sa kabila ng karangyaang ito ay nananatili parin kayong humble sa lahat. I feel so insecure Sid. Dahil wala akong ganung buhay na maishare sayo. Dahil ang buhay na nakalakihan ko ay kabaliktaran ng buhay na naranasan mo,’’naiiyak na sabi ng dalaga sa kanya.

            Binitawan niya ito at hinila paupo sa sofa. ‘’Listen to me Kimberly. Lahat naman tayo may pangit na nakaraan. Lahat tayo nakaranas ng dagok, ng problema at ng trahedya. Pero ang mahalaga ay kung paano tayo lumaban, tumayo ulit para ipagpatuloy ang buhay,’’ sabi niya rito.

            ‘’Sabihin mo nga sa akin Sid. Gugustuhin mo bang mahalin ang tulad kung iniwan ng ina dahil sumama ito sa ibang lalaki, na iniwan ang karangyaan para sumama sa iba, Na nagkasakit at namatay na hindi man lang nagpakita sa iniwan niyang pamilya. Na kaya subsob si Dad sa trabaho ay dahil hindi pa rin makalimutan ang ginawa ng asawa nito. Na may kapatid nga pero piniling manirahan sa ibang bansa just to avoid embarrassment,’’ siwalat ni Kim na tumutulo pa rin ang luha. ‘’Now tell me, Sid. Karapat-dapat pa ba ako sa pagmamahal at atensiyon mo?’’

            Pinahid niya ang mga luhang walang tigil sa pagtulo sa mukha ni Kim at buong suyo niya itong tiningnan.

            ‘’Then let me make good memories in your life Kim. Ngayon, bukas, sa susunod na bukas at sa future. Hindi ko maipapangakong walang pagsubok pero I’ll make it sure hindi ka na masasaktan,’’ sabi niya kay Kim na lalo pa atang naiyak. ‘’Stop crying. Baka sabihin ng Daddy mo inaway kita.’’

            Natawa ito kahit may luha pa rin sa mata. Niyakap niya ito ng mahigpit.

            ‘’You don’t give up,don’t you?’’ tanong nito.

            Nilayo niya ito at masuyong nginitian. ‘’Pasensiya ka na Ms Asuncion kasi wala pa po sa bokabularyo ko ang salitang give-up. So mas mabuti pang tanggapin mo na ako.’’

            Napailing na lamang si Kim. ‘’Paano naman kita tatanggapin eh hindi ka pa naman nangliligaw diba?’’’

            Napakamot siya sa ulo. ‘’Kelangan pa ba. Eh kahit nga si Tito eh botong-boto na sa kin.’’

            ‘’Naku, naku. Ang kapal ng isang mama diyan. Sige doon ka kay Daddy, baka tanggapin ka agad,’’ sabi niya rito.

            ‘’Ito naman hindi mabiro. OO na po syempre kelangan munang mangligaw.,’’ sabi nito na hinimas ang baba ng talaga. Hinawakan niya ang kamay nito at itinayo. ‘’Come, I’ll play a song for you.’’

            Napatingin ito sa kanya in disbelieved.

            ‘’Marunong po ako nyan. Kung makatingin naman ito,’’ sabi niya sa dalaga. Binuksan niya ang grand piano at pina-upo sa tabi niya ang dalaga.

            ‘’Talagang marunong ka niyan ha. Minus points ka pag hindi,’’ nakairap na sabi ng dalaga rito.

            Ngiti lang ang sinagot nito. At ng magsimula itong tumugtog at humilig ang dalaga sa balikat niya ay sigurado siyang tinanggap na rin sa wakas ng dalaga ang pag-ibig nya.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 3.7K 23
Nagkaroon ng isang fun game sa Anniversary ng kompanya, na tinatawag na 'We Got Married' kung saan ipapakasal ang isang babae at isang lalaki-to show...
23.5K 448 13
Once happened... Once forgotten... But that once, became a lifetime.
26.2K 848 20
Hindi katulad ng ibang bata ay may kinilalang ama o kumpletong pamilya pero siya ay lumaking walang kinilalang ama dahil namatay ang kanyang ama sa s...
52K 1.2K 16
Synopsis ANGEL DALUMPINES. Sa murang edad ay nabulag sa mala-fairytale na pinakita at pinadama ng kasintahang si RYAN GUERERO na inakala niyang may p...