VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.1 : Lost Soul✨
✨1.2 : Welcome Home✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.5 : Good boy ✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.10 :Intense✨
✨1.11 : Gone✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.7 : Uhaw✨

42.8K 795 92
By Chelsea_13

1.7: Uhaw

"What's your business in Montego, Ash?"

"Dad wants me to check up on the plantation."

"You're still manufacturing those things?"

"Yup. Family business, I told you."

"Isn't that dangerous?"

"We have a backer in the police. And Papi's the Governor. No big deal."

Pinatapos ko muna silang mag-usap bago ako bumaba sa may sala. They are still sitting on the sofa but Ash looks bored more than ever kaya mas binilisan ko ang kilos ko.

"Change your clothes."

Wala pa ngang isang minuto akong tiningnan ni Reed ay 'yon kaagad ang bungad niya sa akin. Tinapatan ko ang titig niya. Nagtataka kung saan na naman ako nagkamali sa suot na napili ko. Kaninang naka-dress ako ayaw niya. Ngayon naman nagpalit ako into shorts at medyo see through na blouse ayaw niya pa rin. Ano ba ang gusto niya? Magtalukbong ako? Kung ito lang ang mga nahanap ko sa walk-in closet ko, anong magagawa ko?

"Reed, come on, man. I need to get there early. Hinihintay ako doon." Bumusangot si Ash at mukhang bored na bored na talaga siya sa panonood sa amin ng kapatid kong mag-away sa kung ano ang isusuot ko. I totally agree with him. Kung ako lang ang masusunod ay okay na 'yong blue dress ko kanina, mas presko 'yon sa pakiramdam.

"Kuya, okay na 'to." Pinasadahan ko ulit ang damit ko ng tingin. Oo at medyo see through ang blouse na suot ko pero meron naman akong suot na puting camison sa loob at 'yong shorts naman ay hindi naman ganoon kaikli.

"No."

Nagtinginan lang kami. Hindi ako nagpatinag kahit na gaano pa kalagkit at nakakalambot ng tuhod ang kanyang mga titig. Alam kong naiinis na naman siya sa pagtawag ko ng kuya. Tsk. Bahala siyang mainis diyan, pinapahirapan niya ako sa mga simpleng bagay na katulad na lang nito.

"Savannah, change your clothes."

Kinuha ko na 'yong hand bag ko sa gilid at naglakad papunta sa kinauupuan niya. Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga mata ko sa kanya. Nang makarating ako sa harapan niya ay nagpatalukipkip ako ng kamay.

"Make me."

Nang nagbuntonghininga siya, doon ako napangisi. Game over, kuya. Ako ang nanalo.

***

"Saan ba 'yong Montego? Malayo ba 'yon?" Tanong ko kay Reed pagkasakay ko sa Dodge Challenger niya. We're supposed to ride his Audi R8 pero sabi ko ito na lang ang dalhin niya dahil masyado yatang magarbo ang Audi kung sa Montego kami pupunta. Nakikinig kasi ako sa pag-uusap nila ni Ash kanina habang nagbibihis ako, at base sa mga narinig ko ay parang probinsya yata ang Montego dahil madami daw ditong bukid at mga plantasyon.

"Just two hours away from here," nag-lean in sa akin si Reed para tulungan akong ilagay ang seat belt na kanina pang nagloloko. Iniwas ko ang mukha ko dahil hindi ako makapag-focus sa paghinga. Napakalapit kasi ng mukha niya sa akin at kitang kita ang pagka-define ng panga niya. Pero kahit na iniwas ko na ang buong mukha ko at nagpanggap na nakatingin sa labas ay agad namang napuno ako ng lalaking lalaking amoy niya. Damn. Even if he didn't know it, he's being totally unfair to me.

"Two hours?"

"Yeah. Don't worry, baby, you'll enjoy the ride."

Napakagat na lang ako ng labi para maiwasan ang pagbukas ng bibig ko nang tumingin siya sa akin at kumindat. Mabuti na lang at hindi niya na ako inasar sa biglaang pag-init at pagpula ng mukha ko dahil kung hindi, baka hindi ko kayanin ang kahihiyan.

"Do you know, that's where we grow up? Nana and Papi were the one who raised us."

"Oh?" Napapiyok ako kaya umubo ako para ma-mask ang kahihiyan. "S-Sa Montego? What happened? Bakit hindi na tayo nakatira doon ngayon? And who's Nana and Papi?"

Inumpisahan niya nang i-drive 'yong kotse. Nauna na sa amin si Ash, kanina pa. Malamang nainip na sa amin 'yon. "Chill. One question at a time, baby."

Nag-blush na naman ako sa baby niya. "Sagutin mo na kasi ako, 'di ba?"

"Nana and Papi are our grandparents in our mother's side."

Tumango ako, tingin siya nang tingin sa akin kaya naman pinagalitan ko. Hindi na lang mag-focus sa biyahe, naku! "Kwentuhan mo na lang ako, Reed. Tumingin ka sa highway at 'wag sa akin baka mabangga pa tayo, mahirap na." Tumawa siya sa akin at binuksan 'yong radio. Sakto naman, kanta ni Taylor Swift 'yong tumutugtog.

"Anyway," nilipat niya 'yong radio dahil ayaw niya daw si T. Swift. Kaya ayun, nag-away muna kami bago siya napasuko at ibinalik do'n sa station na gusto ko. "Where am I?"

"Doon sa nangyari kung bakit hindi tayo sa Montego nakatira ngayon."

"Yeah. As I said, that's where we grew up but we always ended up sick so Nana decided to ship me off to London and you in Manila. I don't know, ganoon daw kasi ang kasabihan pag kambal, kailangan paghiwalayin."

"So every summer ka na lang umuuwi dito sa Pilipinas?"

"Yeah, sometimes. But sometimes, you're the one who visits me there."

Pagkatapos nung pag-uusap naming, naging tahimik lang ang buong biyahe. Okay lang naman ito sa akin dahil hindi naman awkward. Sa totoo nga niyan, kumportableng kasama itong si Reed. Well, bukod na lang kung mahuli ko siyang nakatitig sa akin sa tuwing napapahinto kami sa mga stoplight.

Sa tuwing nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin ay ginagawa kong busy na lang ang sarili ko. Nililipat ko ang radio o minsan pa nga ay tinetext ko na lang sila Chels para lang maalis ang isip ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pero pag hindi ko na talaga kaya, pinapagalitan ko siya katulad ng ginawa ko kanina. Para kasing wala nang bukas kung makatingin e.

"Stop staring like that, Reed

Nag-side smirk siya sa akin. "Stop staring like what?"

Na parang uhaw ka sa akin...

Bigla akong napakagat sa labi at napasabunot sa buhok nang marinig ko ang internal voice ko na magsalita. God! Stop it, Savannah! Ano ba 'yang mga iniisip mo! Nakakapangilabot! Kuya mo 'yan!

"You okay?"

Tanong niya sa akin. Nahiya tuloy ako dahil pakiramdam ko nababasa niya 'yong mga bastos na iniisip ko ngayon. Kaya para mapagtakpan ang sarili ko binaling ko na lang ang atensyon ko do'n sa labas. Sakto naman at nakaka-excite naman ang mga sights sa paligid.

"Pwede ko bang ibaba 'yong window?" Excited kong sabi sa kanya. Tama nga ako ng pagkakarinig. May pagka-probinsya nga ang Montego at ang mga kalapit na bayan nito. Nagsisimula na kasing dumami ang mga puno at mga bukid sa paligid. May nakita pa akong napakataas na bundok sa di kalayuan.

Gusto ko sanang ibaba 'yong bintana para malasap ang sariwang hangin. Kaso gusto ko munang magpaalam kay Reed, baka mamaya niyan ay manguna ako tapos ayaw niya palang pinapakialaman ko itong kotse niya. "Please, Reed?"

Halos idinikit ko ang mukha ko sa bintana para lang makita nang maayos 'yong mga tanawin sa labas. Natutuwa din kasi ako sa parami-raming kalabaw sa bukid. Kahit wala akong matandaan, ang lakas ng pakiramdam ko na hindi ito ang unang beses na nakita ko 'tong mga bukirin.

Hindi ako sinagot kaagad ni Reed. Tumawa lang siya sa akin kaya naman napataas ako ng kilay. "Bakit ka tumatawa?"

Umiling siya. Nakatingin siya sa kalsada pero alam kong ako ang tinatawanan niya. Damn. 'Yong dalawang dimples niya nagpapakita na naman!

Dahan dahan niyang kinagat ang labi niya at nakailang balik pa sa akin ng tingin bago ako sagutin."Nothing, baby. It's just that..."

"What?"

Tumingin ulit siya sa akin na para bang hindi pa siya maka-decide kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin niya o hindi na. Napa-pout na lang tuloy ako at hindi na hinintay kung ano ang idurugtong niya at nagkusang ibinaba na lang ang bintana.

Agad akong sinalubong ng preskong hangin pagkabukas na pagkabukas ko ng bintana. Napapikit pa nga ako dahil ang lamig lamig sa mukha no'ng hangin sa labas. "Ang sarap naman dito! Ang lamig lamig ng hangin!"

Ilang minuto ko rin sigurong nilalasap 'yong lamig ng sariwang hangin sa labas bago ko mapansing unti-unti kaming huminto sa may gilid ng kalsada.

"O bakit tayo huminto?" Tanong ko kay Reed.

Nagulat na lang ako nang nakita ko siyang nakatitig sa akin. "Reed, ano ba? Sabi nang stop staring e. Nakakailang kaya." Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa titig niya. Ewan ko ba! Sobrang nakakapraning!

"Sorry, baby. I just can't take my eyes away from that beautiful face."

Bumusangot ako, hindi dahil sa hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Sa totoo niyan, bumusangot ako para lang pigilan ang sarili kong ngumiti. No. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na kayang kaya niya akong madala sa mga ganyang-ganyang pambobolang ginagawa niya. "Wait, I need to get something."

Hinayaan ko na lang siya sa na hanapin kung ano man ang kailangan niya sa bag na nakalagay sa may back seat at kinuha ang cellphone ko para lang makunan 'yong mga magagandang tanawin sa labas.

"Oh my gosh! Reed! Tingnan mo dali! Ang daming ibon doon o! Ano kayang mga lahi 'yon? Is it migrating season already? Ang galing! Ang dami nila!" I knew mukha akong tanga sa mga pinagsasabi ko, miski nga si Reed ay narinig kong humalakhak sa tabi ko. But sorry, I can't help it, ang ganda talaga ng mga ibon. Iba-ibang klase sila. Grabe!

May dumaang dalagita malapit sa may kotse namin na may hila-hilang kalabaw. Siguro ay uuwi na sila sa bahay nila tutal lagpas tanghali na rin naman. Ngumiti lang ako doon sa dalagita kasi nahiya ako, narinig niya yata 'yong pag-gush over ko doon sa mga nakakatuwang ibon sa may bukid nila. Kinawayan niya ako kaya mas lalong napalaki ang ngiti ko. Ang galing naman dito, parang napaka friendly ng mga tao.

"Reed," sasabihin ko sana kay Reed 'yong tungkol doon sa nakakatuwang dalagitang kumaway sa akin pero paglingon ko ay may hawak na siyang DSLR at tuloy tuloy na ang pagkuha niya sa akin ng litrato.

"What are you doing?" Naka-smile pa rin siya sa akin at tuloy tuloy na nag-picture na parang wala akong sinabi.

"Smile for me, baby." Nag-smile ako, pero isang beses lang. Pagkatapos no'n ay binlock ko na ang lens niya para huminto na siya sa pagkuha sa akin.

"Reed, stop it. Bakit mo ba ako kinukunan? 'Yong mga ibon na lang do'n ang kunan mo o, para may remembrance tayo." Matawa-tawa kong sabi. Ang kulit kulit kasi niya! Ayaw magpapigil!

Siguro ay nainis siya sa pag-block ko sa lens niya dahil agad niyang tinanggal ang kamay ko dito at hinigit papunta sa kanya. Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na ako nakapalag nang biglaan niyang halikan ang noo ko. "I just can't resist myself, baby. You're too good to be true. I don't need to capture those birds. I just need you. I just want to preserve this moment with you. So... please let me?"

Weird.

Ang weird ng feeling.

Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko.

Itinulak ko kaagad ang sarili ko papalayo sa kanya nang maramdaman ko na namang pinagtataksilan ako ng pisngi ko at magsimula itong uminit. Damn it, Savannah! 'Wag kang kiligin! Kapatid mo siya, remember? Kapatid! Pabagalin mo 'yang pagtibok ng puso mo! Dammit!

Hinalamos ko ang mukha ko para makapag focus. Tsk! Dapat pala hindi na ako nagpumilit na buksan ang bintana! Dapat nanahimik na lang ako! Ang intense niya na naman! Nakakainis!

Hindi na ako tumingin muli sa kanya dahil kabisado ko na ang disappointed niyang mukha everytime na itinutulak ko siya papalayo sa akin. "L-let's just go, kuya. B-baka nauna na sa atin si Ash."

Nakita kong nagdabog siya sa gilid ng aking mga mata na humantong sa malakas na pagbusina ng kotse. Rinig ko din ang paghinga niya nang malalim.

"K-kuya..."

Hindi niya na ako tiningnan. Pero kitang kita ko ang pagputi ng mga kamao niya sa sobrang higpit ng kapit niya sa manubela. "Tama ka, baka naghihintay na si Ash doon."

Damn, Savannah. What have you done?

***

"Nandito na ba tayo?"

Alanganin pa akong kausapin ang kuya ko dahil simula nang nangyari kanina ay wala na kaming kibuang dalawa. Nakaka-disappoint lang din dahil nag-umpisa ang biyahe na masaya kami tapos ngayon, parang na-down ang aura naming dalawa.

Hindi ko alam kung nagtampo ba siya sa akin o kung ano, pero tanging shrug lang ang naisagot niya sa akin sa tanong ko.

Nauna na siya sa akin bumaba. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung anong masasabi ko sa lugar.

"Hey, are you mad?"

Mahina kong tanong sa kanya. Nahihiya din kasi ako. Ewan ko ba, but there something in him na parang ayaw mong makagawa ng kasalanan sa kanya.

Tiningnan ko ang likuran niya nang tumigil siya sa paglalakad. Kahit na naka-t-shirt lang siyang puti ay kitang kitang kung gaano ito ka-pormado. At syempre, kung gaano ito ka-tensyonado. Malalim din ang mga paghinga niya na para bang kino-contain niya lang talaga ang galit sa akin.

Hindi niya pa ako sinasagot kaya naman iniikot ko muna ang mga mata ko sa paligid.

Kumpara sa mga bayan na una naming nadaanan kanina ay mas madaming puno dito sa Montego at mas kaunti din ang taong nakatira dito. Para bang hindi pa nga nadi-discover ito ng kabihasnan. Bihira lang kasi ang nakita kong mga kable ng kuryente doon kanina sa highway. Probinsyang probinsya talaga ang pakiramdaman.

"Is this where we really grew up?"

Wala pa ring sagot. Lumapit ako nang kaunti at hinawakan ang dulo ng t-shirt niya. "Malapit na ba dito ang bahay nila Nana?"

Nag-igting lang ang panga niya at napalunok siya pero hindi niya pa rin ako kinibo. "Reed? Sa tingin mo kaya maiintindihan nila kung hindi ko sila makilala? I mean, alam na ba nila ang nangyari sa akin?"

Nang hindi niya pa rin ako kibuin sa pangatlong pagkakataon ay naglakad na ako sa harapan niya. "Come on, galit ka ba? Kung ano man ang ginawa ko kanina na nagalit ka, sorry na? Kuya, please?"

Hindi ko inaasahan ang mabilisang pagbaling niya ng atensyon niya sa akin.

Argh! Ayan na naman 'yong mga titig niya! Nakakapang-init ng mukha! Dahil hindi ko makayanan ang grabedad ng tingin niya sa akin ay nagkunwari akong napakaimportante ng himumol sa damit ko para lang makaiwas ng tingin.

Ayan, Savannah! Ang lakas pa ng loob mo kasing umasta na kaya mo ang mga tingin ni Reed!

Pero kasi! Ano ba kasing magagawa ko 'di ba? Nakaka-guilty kasi ang ginawa ko kanina. Lagi ko na lang kasi siya itinutulak papalayo... pero, 'yon naman talaga ang dapat na ginagawa, 'di ba? Lumalampas na kasi sa pagiging magkapatid ang mga ginagawa at sinasabi niya sa akin kung minsan. Dapat lang naman talaga na ako na mismo ang mangunang magbawas bawas at pumigil dito pag nasosobrahan na siya.

Tama ba?

"Unfair."

He clicked his tongue and he honeslty looked forlorn. Ano na namang ginawa ko?

"Ha?"

"Stop that."

Tiningnan ko siya pero siya naman ngayon ang umiwas ng tingin. "Stop what?" Mas lalo tuloy ako napanguso kasi hindi ko na naman siya maintindihan.

"That. Stop pouting. Stop looking cute."

I covered my mouth with my hands trying to cover up the smile that's mockingly forming on my lips. Argh! Reed!

Narinig ko siyang nagbuntonghininga kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nakalagay na ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang at nagpailing iling sa direksyon ko.

"You know what? Let's just forget about it. Just don't push me away like that in the future."

Lumapit siya sa akin at inilagay ang ligaw na buhok ko sa tainga. Ito na naman. Bumabalik na naman 'yong weird na pakiramdam ko kanina. Sumisikip na naman 'yong dibdib ko. Dammit.

"And baby, how many times do I need to tell you? Never call me kuya? For fuck sake, Savannah! I'm only two minutes older than you."

Seryoso ang mukha niya at magkasalubong pa rin ang mga kilay niya, pero ewan ko kung bakit ako natawa. Hindi ko na napigilan 'yong ngiti ko. Ang cute kasi ng itsura niya! Naka-pout siya tapos parang nagpapaawa pa! Naku! Parang bata! Hindi bagay sa lalaking lalaking physique niya!

"Anyway do you like this place?"

Hindi niya na ako binitiwan nang maglakad na kami. 'Yong isang kamay niya para nang naka-glue sa baywang ko at paulit ulit na hinahaplos ang naka-expose kong balat doon. Hindi ko na lang 'yon binigyan ng malisya kahit na halos lahat ng balahibo ko ay nagsisitaasan na sa ginagawa niya. Hinayaan ko na lang, baka magalit na naman kasi ito sa akin pag pinansin ko pa.

At bahala na. Pagod na ako. Kahit ano namang pagtutulak ko sa kanya papalayo para namang ako pa itong lumalapit e. Siguro, ang dapat ko na lang gawin ay 'wag nang bigyan lahat ng malisya ang mga ginagawa niya sa akin. Iisipin ko na lang na sibling love ang ipinapakita niya para hindi ako ma-wirduhan.

Oo, tama.

Sibling love nga lang.

"It's beautiful, Reed."

Tiningnan ko ulit ang paligid ko. Mabuti na lang at iniwan namin ni Reed ang kotse doon sa may highway. Noong una pa nga ay nagtaka ako kung bakit ang lakas ng loob niyang iwanan ang Dodge doon. Sabi niya, wala naman daw magnanakaw doon. Malaki ang respeto ng mga tao dito sa pamilya. Kilala kasi ang pamilya namin sa buong Montego dahil halos lahat daw ng bukid at plantasyon na nandito ay kami ang nagmamay-ari.

"We used to play there a lot," sabi niya sa akin sabay turo sa isang napakalaking windmill na nakalagay sa isang di kalayuang burol. I smiled at him; I knew he's telling the truth. Para kasi ang homey ng feel ng buong paligid.

Mas na-appreciate ko pa ang ganda ng paligid dahil parang tino-tour ako ni Reed. Kung saan-saan kami nagpunta. Hindi pa naman ako gutom kaya sama lang ako nang sama sa kanya. We went to this small falls na sobrang ganda talaga.

Sobrang clear ng water, tapos ang sarap pang magtampisaw dito after a hearty lunch. I asked him if we can stop there muna para magpahinga pero sabi niya babalikan na lang daw namin ito mamaya bago bumalik sa Manila. I think he wants us to go night swimming mamaya.

I was having a great time with him actually, kahit na picture siya sa akin nang picture. He's taking pictures of me, everywhere we went. Hindi na ako umangal ngayon. Bahala na siya kung 'yon ang gusto niya. Remembrance din naman iyon.

Para nga kaming inilagay sa isang fairytale story habang dinaraanan namin 'yong way papunta sa bahay ng mga grandparents ko. 'Yong kalsada kasi, kahit na batuhan ay napapaligiran naman ng mga puno. Iba't ibang klase, may mga balete, may mga willow at kung ano-ano pang malalaking puno. Ang presko-presko tuloy ng hangin kahit tanghaling tapat na.

Kaunti lang ang mga bahay sa paligid. Kung meron man, mga maliliit na bahay lang, 'yong iba pa nga ay parang bahay-kubo pa.

"Balik ulit tayo dito sa susunod? Sama na natin sila Kuya Seb at sila Keira. Tapos dala na rin tayo ng mga pwedeng ihawin. Para kasing ang ganda doon mag-barbeque."

I was fully aware na magka-holding hands kami ngayon ni Reed. Ewan ko ba paano narating ng kamay ko ang sa kanya, pero parang normal na normal lang ito sa aming dalawa kaya hinayaan ko na lang. Nakakagaan din kasi ng loob 'yong paglalaro niya sa mga daliri ko habang naglalakad kami dito sa may batuhan.

"Sure, anything you want Savannah... Anything."

I smiled when he said that, because at that moment I knew... I was sure. Kaya niyang ibigay sa akin ang lahat.

"Okay, we're here, baby."

When we reached the place napatanggal ako sa pagkakahawak sa akin ni Reed. Sobrang nagulat kasi ako sa tumambad na bahay sa amin. Nasa magarbong labas palang kami ng gate, na-overwhelm na ako sa ancestral house ng mga grandparents ko. Para talaga siyang hinugot sa mga mansyon noong mga Spanish era. Ang laki at ang engrande.

"Are you sure they'll like me?"

Nagtaas ng kilay si Reed sa sinabi ko. Damn, Reed. Kilay mo pa lang, nakakapang-init na.

"Why wouldn't they? You are their granddaughter. And besides," Pinulupot niya ang isang kamay niya sa baywang ko at halos hagkan niya na ako. Kinabahan na naman ako sa ginawa niya. Masyadong malapit, Reed. Masyadong malapit.

Nang idinikit niya ang labi niya sa tainga ko, wala na akong magawa kung hindi mapapikit na lang. Oh god. Ano ba naman itong kasalanang inihahain mo sa akin? Bakit ang sarap sunggaban?

"I'm always here baby... I've got you."

Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 524 58
Ang magulong buhay ng Young Family. Bakit nga ba 'Where is the Love?' Ang title ng SS na'to? Kasi..... Basahin nyo na!
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1M 22K 43
He's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fel...
1.5M 1.7K 1
Dela Marcel II: Kalix Dos Dela Marcel Story by Diyosangwriter Cover by: CookieMallows