Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.8K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
2
Cast 2
4
5
6
7
CHAPTER 7.5
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

3

552 20 0
By fuckoffxxcc

Rogue/ Devon's POV

Nasa gym kami ngayon kasama ang mga kaklase ko dahil PE namin ngayon at gusto ng coach or pe teacher namin na mag laro ng basketball para daw makahanap sila ng bagong player sa team. Hinati kami sa dalawang grupo ang red at blue, sa blue naman ako napunta kung saan kasama ko ang captain ng basketball girls na si Zeddy, kasama ko rin ang teammate ko sa soccer na si Neanna.

" Coach ang daya naman, mananalo na ang blue team niyan" reklamo ng isa kong kaklase

"Oo nga coach, tignan mo oh nandiyan na si Zed, tapos kasama niya pa si Neanna at Rogue." dugtong ng isa pa, napatingin naman si coach sa amin kaya napangisi nalang kaming tatlo, napailing nalang si coach.

" Oh sige, Rogue lumipat ka sa red team dahil iiyak na sila" natatawang asar ni coach sa Red team kaya nagreklamo naman sila. Tumingin ako kay Zeddy na nakatingin rin sa akin.

"Paano ba yan Capt. mukhang makakalaban mo pa ako" pabirong sabi ko kay Zeddy bago lumipat sa kabilang team.

"Don't worry kahit na lilipat ka jan kami parin ang mananalo" tumatawang sabi nito

"Asa" sabi naman ng mga kasamahan ko.

"Ganito nalang, magdeal tayo. Kapag natalo ang grupo niya maghuhubad ka ng pang itaas mo at kapag natalo din ang grupo namin ay ganun din ang mangyayari" sabi ni Zed, napangisi naman ako sakanya at tumango.

"DEAL" at nagshake hands pa kami

"OKAY!! Maghanda na kayo at magsisimula na tayo" sabi ni coach kaya pumuwesto na kami.

Third Person's POV

Nagmamadali naman ang mga estudyante na pumunta sa gym ng malamang maglalaro ngayon ang mga idolo nilang tao na pinaka sikat na sa Morria Academy.

- Arria's Side-
"Arria biiilliisss! Maglalaro na sina Zeddy ko" tili ng isa sa kasama ni Arria habang tumatakbo sila papuntang gym.

"Oo na" sabi naman ni Arria na humahabol sa kanila, ng makarating sila doon ay agad silang umupo sa pinakaunahang parte ng mga upuan sa gym.

"OHMYGHADDD ARRIA!! KASALI RIN SINA NEANNA AT ROGUE SA LARO!! MYGHAADD" tili ng mga kaibigan niya ng makita nila na nag-uusap sina Zeddy, Neanna at Devon sa gitna ng court habang nagbibigay instruction ang coach nila.

-Kiya's Side-
" Ba't ba tayo nandito?" tanong ni Kiya sa mga kaibigan niya ng hatakin siya papasok sa gym.

"Manunuod tayo ng laro nina Zed!" pasigaw na may halong tili na sabi ng isa niyang kaibigan, umikot naman ang mata ni Kiya ng malaman na lumalandi na naman ang mga kaibigan niya.

"Tsaka kasali rin si Roguue" tili pa nung isa, humarap naman si Kiya sa kaibigan niya ng marinig niya na kasali si Dev.

"Kasali si Dev?" ulit na tanong ni Kiya

"Oo nga" sagot ulit ng kaibigan niya. Nang makarating sila doon ay agad silang pumuwesto malapit sa bench ng Red team pero nasa 2nd row sila. Nakita naman agad ni Kiya si Dev na nakapuwesto na sa gitna ng court at handa na magjump ball.

-Back to normal-

Tumalon ng mataas si Dev para makuha ang bola at hindi nga siya nabigo, pinasa niya naman agad ito sa kasama niya na si Ella na mabilis itong dinirible papunta sa ring nila pero napigilan siya ni Neanna, di naman nagpatinag si Ella at pasimple itong pinasa kay Dev na nakatalon na sa gilid ng court, ng masalo ni Dev ang bola habang sa ere ay agad niya itong tinira.

' 3 POINTSS FROM ROGUE!'

Nabigla naman ang players ng may marinig silang announcer.

"Coach kala ko ba laro lang to ba't may announcer?" takang tanong ni Rogue/Dev.

"Para mas masaya, kaya galingan niyo kasi nakalive tayo sa buong school" natatawang sabi ng Coach nila, napasimangot naman ang mga players dahil di nila inaasahan na gagawin palang live ang laro nila.

"Ang bad mo Coach, di mo agad sinabi sa amin edi sana nakapag-ayos ako" sabi ni Zeddy tsaka nag wink sa mga babaeng chinicheer siya, napatili naman ang mga ito.

"Flirt mo talaga kahit kailan" sabi ni Neanna at umiling, bumelat naman si Zeddy sa kanya.

"Oh siya, laro na kayo" sabi ng coach nila, bumalik naman sa paglalaro sina Dev. Sunod-sunod naman ang mga score na ginagawa ng parehong grupo pero lamang ngayon ang blue team dahil mahigpit nilang binabantayan sina Dev at Ella ng kabilang grupo.

FAST FORWARD~

"Paano ba yan Dev, 1 minute nalang at matatapos na ang laban tsaka lamang kami ng sampu sa inyo" nang-aasar na sabi ni Zed kay Dev.

"Yun nga eh, may 1 minute pa kaya wag kang makampante" natatawang sabi ni Dev, habang dinidrible ni Zed ang bola papunta sa ring nil ay napigilan siya ni Ella, nahirapan naman si Zed na makawala sa pagbabantay ni Ella pero ang di niya napansin ay nasa likod na niya pala si Dev kaya naagawan siya ng bola ni Dev, mabilis naman pinasa ni Dev ang bola kay Ella ng makuha nila ito kay Zed, mabilis na tumakbo si Ella papunta sa ring nila pero dahil mas mabilis na tumakbo si Zed ay binantayan niya ito sa ilalim ng ring, di naman nagpatinag si Ella at patuloy sa pagtakbo papunta sa ring nila habang nakasunod sa likod niya si Dev.

"Diyan ka lang Ella" tanging sabi ni Zed sakanya kaya naphinto si Ella sa pagtakbo, nagtaka naman si Zed ng ngumiti lang si Ella sa kanya perk ang mas kinatataka niya ay tinapon ni Ella ang bola sa ere at yumuko, doon niya nakita si Dev na hawak hawak na ang bola sa ere at nagdunk ito kaya napahiyaw ang mga tao.

"Nice passed Ella" sabi ni Dev tsaka nag apir sila ni Ella. Nagpatuloy lang ang laro nila at tulad nga ng sinabi ni Dev ay nakahabol sila sa kalaban at apat puntos nalang ang lamang nina Zed sa kanila at sampung segundo nalang rin ang natitira.

Tumawag naman ng timeout ang grupo nina Dev para makapagpahinga sila ng sandali.

"Dev diba sina Kiya yun, kasama mga kaibigan niya" sabi ni Ella tsaka tinuro ang lugar kung saan sina Kiya, napatingin naman si Dev kung saan sina Kiya at nakita niya itong nakangiti sakanya, kumaway naman ng pabalik si Dev at ngumiti rin.

~toootttt~

' Back to the court ladies'

Agad naman bumalik ang mga players sa court. Sina Dev ngayon ang may hawak ng bola. Nang ipasa ni Ella kay Dev ang bola ay binantayan siya ni Zed kahit na nasa court parin siya ng kalaban.

"Paano ba yan kami na ang mananalo" sabi ni Zed habang binabantayan si Dev pero ngumiti lang si Dev.

-5 seconds

Nag back step si Dev

-4 seconds

Tumalon si Dev at pinakawalan ang bola habang nasa ere ito

-3 seconds

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Dev

-2 seconds

Pigil hininga naman na nakatingin ang lahat sa bola na nasa ere na papalapit narin sa ring at...

~tooooottttttt~

' GGGGGOOOAAAALLLLLLLL!!!' sigaw ng announcer kaya napahiyaw ang lahat kahit na natalo sina Dev ng isang puntos lang ay napamangha niya parin ang maraming tao dahil sa ginawa niyang huling shot.

"T*ngina! Ang galing nun Dev!" manghang sabi naman ni Zed

"Gaga ang baba mo" pananaway naman sakanyan ni Ella tsaka ito binatukan

"Arraayyy!! Puta nahiya ako sayo ha" sabi ni Zed at sinamaan ng tingin si Ella kaya napatawa nalang si Neanna at Dev sakanila.

"Pero talo parin kayo, pano bayan" nakasmirk na sabi ni Zed bago pa man makapagsalita si Dev ay lumpit ang Coach sakanila.

"Smith napakagaling ng ginawa mong huling tira pero sayang nga lang dahil ayaw mo paring tanggapin ang alok ko na sumali sa team" dismayadong sabi ng Coach at oo tama kayo ng basa, ilang ulit na rin tinanong ng Coach nila si Dev pero ilang ulit narin niya itong tinanggihan.

"Sorry po talaga Coach, soccer kasi ang gusto ko" paumanhin ni Dev tumango nalang ang Coach nila sakanya

"Okay lang pero kung mag bago ang isip mo alam mo na kung saan ako pupuntahan at dahil maganda ang pinakita niyong laro ay exempted kayong lahat sa darating na exam" sabi ng Coach sakanila kaya napahiyaw ang mga players sa saya.

Nang matapos ang pag-uusap nina Dev sakanilang Coach ay naghanda na si Dev sa gagawing niyang deal. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang jersey kaya natira nalang ang itim niyang sando, napatili at hiyaw ang lahat ng makita nila ang ginagawa ni Dev.

"OHMYGHADD KIIYYAAA SI ROGUE NAGHUHUBAD!!" tili ng mga kasama ni Kiya, masama naman tinignan ni Kiya si Dev bago ito tumayo at puntahan ang pwesto ni Dev na nasa gitna ng court. Tinawag naman siya ng kaibigan niya pero di niya ito pinansin.

"ARRIIIAAAA PUTANG*NA ANGG HOOTT NI ROGUE!!" sigaw na may halong tili na sabi naman ng kasama niya, mabilis rin umalis si Arria sa pwesto niya at pinuntahan rin si Dev bago pa niya hubadin ang suot rin niyang sando. Di pa nakapaghubad ng sando si Dev ay marami ng nagtitilian mapababae man o lalaki pati narin mga bakla.

' PUTTTAA ROGGUEE AKIN KA NALANG!' sigaw nalang ng isang babae kaya sunod sunod narin ang mga sigaw ng iba.

' Roguuee ang hoot moo!'

'Putang*na Rogue aanakan kita!'

'MAARRYYY ME ROGUUEE'

"Iba talaga kapag maganda na gwapo" natatawang sabi ni Neanna at nag agree naman ang iba sakanya kaya napailing nalang si Dev.

Huhubarin na sana ni Dev ang damit niya ng may yumakap sa kanya sa likod kaya bigla nalang tumahimik ang loob ng gym.

"Ako na ang magtutuloy babe" tanging sabi ng tao na nakayakap sa likod ni Dev, kinuha naman ni Dev at nakapulupot nakamay sa kanya at tinignan kung sino ito.

"Cathy ba't ka nandito?" nagtatakang tanong ni Dev

"Syempre para suportahan ka" sabi ng babaeng nagngangalang Cathy, hahalikan na niya sana si Dev ng may tumapong jacket sa mukha ni Dev.

"What the- sino yun?" supladang tanong naman ni Cathy at nilibot ang tingin.

"Lagot" mahinang usal ni Zed pero narinig yun ni Dev kaya hinanap niya rin kung sino ang nagtapon ng jacket at nakita niya naman ang dalawang magkapatid na Frost na magkatabing tinitignan ng masama si Cathy kaya napalunok nalang si Dev ng laway.

"Oh its the Frost sisters" nakasmirk na sabi ni Cathy di naman siya pinansin ng dalawa dahil napunta ang atensyon ng dalawa kay Dev na nanginginig na ngayon sa kaba. Matalim nila itong tinignan.

"Suot" cold na sabi ni Arria, na gets naman ito ni Dev kaya dali-dali niya ring sinuot ang damit nito at pagkatapos ay lumapit sa dalawa.

"Hehehe, hi Arria at Kiya" kinakabahang sabi ni Dev habang kinakamot ang kilay niya pero di parin sumasagot ang dalawa.

"Nakuu~ lagot ka Dev" pang-aasar ni Zed sa kanya kaya tinapunan siya ng masamang tingin ni Dev na nakapagpatahimik sakanya. Magsasalita na sana ulit si Dev ng hilahin siya ng dalawa papunta sa locker room ng gym, hindi narin nakaprotesta si Dev dahil baka ano pa ang gawin ng dalawa sakanya.

Nang makarating sila sa locker room ay mabilis naman nilang tinulak si Dev papasok sa shower room.

"Ligo" tanging sabi ni Arria at umalis silang magkapatid para kunin ang gamit ni Dev sa gym.

Wala ng nagawa si Dev at dahil nangangamoy narin siya ay naligo rin ito. Pagkatapos niya maligo ang lumabas ito sa shower room na nakatapis ang tuwalya sa ibaba niya habang may extra din siyang tuwalya na nakasabit sa leeg niya at abot ito hanggang sa dibdib kaya di makikita ang dibdib niya kahit wala naman siyang ganun. Ang sumalubong sakanya sa labas ay ang dalawa parin na ngayo'y masama paring nakatingin sakanya. Namumulang kinakabahan naman si Dev ng mapansing kung ano ang kanyang sitwasyon.

Mabilis na kinuha ni Dev ang bag niya sa tabi ni Kiya at pumasok ulit sa loob ng shower room para makapagbihis habang naiwan parin ang dalawa sa labas na nakahinga ng maluwag ng makapasok si Dev sa loob.

"Hot diba" tanging sabi ng tao na nasa likod nila kaya napatingin naman ang dalawa sakanya.

"Huh?" takang tanong ni Kiya.

"Wala sabi ko makikiraan dahil magbibihis rin ako" natatawang sabi ni Zed at dumaan para makuha ang gamit niya sa locker bago pumasok sa shower room.

Nang matapos ang pagbibihis ni Dev ay lumabas ito. Nakita niya naman ang dalawa na kanina pa naghihintay sa kanya.

"Sorry natagalan, nainip ba kayo?" tanong nito sa dalawa, umiling nalang ang dalawa.

"Tara" tanging sabi ni Arria dahil nagtatampo parin sila sa ginawa ng isa kanina.

"Wait!" sabi ni Dev at sabay na hinawakan ang kamay ng dalawa.

"Sorry na pllsss" nagmamakaawang sabi ni Dev, tumingin naman sakanya ang dalawa at sabay na ngumiti sa kanya.

"Okay lang tsaka pinaliwanag na ni Neanna ang nagawa niyong deal kanina ni Zed" sabi ni Arria kaya napangiti si Dev sa dalawa.

"Basta sa susunod wag ka ng dumidikit sa Cathy na yun" matalim na sabi ni Kiya kaya mabilis na napatango si Dev. Natawa nalang ang dalawa sa inasal ni Dev at aalis na sana ng hilahin ulit sila ni Dev at niyakap.

~~~
Cathyline Jones in the media above

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 70.1K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
3M 99.5K 29
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
1.3M 67.7K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1.6M 113K 43
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...