Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.7K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
3
Cast 2
4
5
6
7
CHAPTER 7.5
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

2

768 21 2
By fuckoffxxcc

Rogue's POV

Sabado ngayon at papunta na ako kina Arria dahil iniimbita nila akong magkakapatid na tumambay sa bahay nila ngayong araw, hindi narin ako makatanggi dahil matagal-tagal narin nung huli kong bisita sa kanila.

~ Beep Beep ~

Pagbusina ko ng makarating ako sa bahay nila, dala-dala ko kasi ngayon ang isa sa baby ko na kawasaki ninja. Agad akong bumuba dala-dala ang pizza ng makita ko silang lumabas patakbo sa akin.

"DEV!!!" sabay na sigaw nilang tatlo na magkakapatid. Agad-agad akong niyakap ni Ate Erica ng makalapit na ako sa kanila.

"Nakuu! namiss kita babyyyy" sabi nito sa akin sabay kurot ng pisngi ko.

"Arayyy Atse ang shakit ha." parang bata kong sabi tsaka hinimas ang pisngi na kinurot niya.

"Masakit ba? Sorry ha namiss lang talaga kita." sabi niya tsaka hinalikan kung saan niya ako kinurot, kaya naman napangiti ako.

"Devv!" tawag sa akin ni Arria tsaka hinablot ako palayo kay Ate Erica at hinalikan ako sa kabilang pisngi.

"Luhhh!! Magkasama naman tayo kahapon ha" sabi ko pero di parin ito nagpapigil sa pagyakap sa akin. Napansin ko naman si Kiya na pumasok sa loob ng bahay nila. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap ni Arria at binigay sa kanya ang pizza na hawak-hawak ko bago sundan si Kiya sa loob.

"Psssttt" tawag ko sakanya pero di parin ako pinansin at patuloy lang ito sa pag-akyat papunta sa kwarto niya, bago pa ito makapasok sa loob ay niyakap ko ito patalikod.

"Babe~" malambing na bulong ko sakanya pero waepek parin.

"Babe naman, di mo ba ako namiss?" tanong ko

"Hindi kaya dun kana kina Ate" sabi nito pero di parin ako kumalas, hinarap ko siya sa akin at tinitigan ang kulay itim na mata nito bago ngumiti.

"Ang ganda mo talaga" di ko maiwasan sabi kaya umiwas ito ng tingin pero syempre ako itong makulit ay hinarap ulit siya sa akin at dahan-dahan na nilapit ang mukha ko sa mukha niya, napapikit naman ito kaya naman hinalikan ko na ito.... sa noo bago ngumiti sa kanya. Opss wag bigyan ng malisya bestfriend ko lang rin si Kiya sa totoo niyan babe lang ang tawagan namin kapag nilalambing ko siya o kailangan ko ng tulong, minsan kasi napagkakamalan akong lalaki at ako minsan ang nanjan kapag may umaaligid sa kanyang ibang lalaki, minsan rin ay ako yung hinahabol buti nalang at nanjan parati ang mga kaibigan ko para tulungan ako, isa na si Kiya sa tumutulong sa akin.

"Bati na tayo pllss" sabi ko, namumulang napatango ito at hinila ko ito pababa papunta sa living room nila kung saan nadatnan namin sina Arria at Ate Erica na kinakain na ang pizza habang nanunuod ng movie. Habang nanunuod ay di ko maiwasang di mapatingin sa kanilang tatlo, para kasi silang tres marias. Magaganda, matalino, sexy at higit sa lahat mabait napakaswerte ko pala talaga kasi nakilala ko sila at naging kaibigan. Tinignan ko si Ate Erica at mukhang napansin niya naman ito kaya napatingin ito ng masama sa akin, napailing nalang ako, ' Kaya di nagkakaboyfriend eh' tanging sabi ko sa sarili ko.

Mabait naman si Ate Erica yun nga lang may pag ka topak din, unang tingin mo sa kanya matatakot ka sa kanya dahil sa bitch face nito pero kapag makilala mo talaga siya mapapaisip ka nalang kung bakit sa edad niyang yan ay isip bata ito. Friendly siya sa kanilang tatlo kahit di halata sa mukha pero nakakatakot rin siya kapag naging masama ang mood nito dahil magsusungit talaga sayo, siya rin yung tinatawag na 'matandang dalaga' ng mga kapatid niya.

Sunod kong tinignan si Kiya ang bunso nila, unang tingin mo palang sa kanya ay mapapanganga ka dahil sino ba naman ang hindi mapapanganga sa kagandahan niya bonus na yung mataas siya at maganda ang katawan kaya nga minsan kinukuha siyang model ng ilang modeling company, marami rin ang nanliligaw sa kanya pero ewan ko ba kung bakit di manlang ito interesado sa mga ito. Sa totoo niyan siya ang pinakamahirap kausapin sa kanilang tatlo dahil malimit lang itong magsalita at mahirap din basahin ang ekspresyon nito, minsan kasi blangko ito pero kapag pamilya o kaibigan niya ang kasama niya ay mabait at masayahin rin ito kaya nga lang di ko rin maintidihan to minsan kasi kapag kinakausap ko ito nagsusungit tapos kapag nagtatampo ka na ay lalambingan ka niya, ewan ko ba may saltik rin to minsan eh, kung sa anime ay tsundere ito pero cute na tsundere lalo na pag naka ngiti.

Napatingin naman ako kay Arria ng humiga ito sa kandungan ko. Sa kanilang tatlo si Arria ang pinakaclingy o flirt sa kanila, sa madaling salita ay playgirl ito. Walang pang boyfriend pero maraming flings at ang latest niyang fling ay si Chris Milbrown ng ibang school. Nakilala niya ito sa isang bar ng minsan nagbar kami kasama ang tropa. Katulad ni Kiya ay model rin ito at tandem sila na magkapatid kapag nagmomodel minsan nga ay tatlo silang magkakapatid ang nagmomodel sa sariling nilang modeling company na pinapamahalaan ni Ate Erica.

Nang makaramdam ako ng gutom ay napatingin ako sa kanilang tatlo na mahimbing ng natutulog, si Arria sa kandungan ko, si Kiya sa balikat ko habang si Ate Erica sa kabilang sofa. Dahan-dahan ko namang inalis ang ulo ni Kiya at pinatong ito sa headboard ng sofa. Si Arria naman ay dahan-dahan kong inangat ang ulo niya tapos umalis ako at nilagyan ng unan ang pwesto ko kanina para jan nalang nakapatong ang ulo ni Arria, binalik ko ang tingin ko kay Kiya bago ko ayusin ang pwesto niya at pinahiga siya para comportable itong matulog. Umalis ako at pumuntang kusina para tignan ang ref nila kung may laman bang pwedeng meryenda pero wala puro mga itlog, karne, isda, prutas, gulay at mga inumin ang laman nito kaya napadako ang tingin ko sa itaas na cabinet nila na may mga lamang pang bake. ' Pwede na to' sabi ko sa sarili ko at kinuha ang mga materyales na gagamitin kong magbake.

Fast Forward
Third Person's POV

Bigla namang nagising si Erica ng makarinig ito ng ingay mula sa kusina kaya dali-daling ito pumunta roon at nadatnan si Dev na nililigpit na ang ginamit niyang magbake.

"Oh Ate Erica gising ka na pala" sabi ni Dev ng mapansin niya si Erica na nakatayo sa entrance ng kusina, lumapit naman si Erica sa kanya.

"Ano ba yang binabake mo?" tanong nito kay Dev

"Cookies, nagutom kasi ako kaya naisipan kong magbake tsaka tulog na kayo kaya di ko na kayo inisturbo" paliwanag naman ni Dev kaya napatango nalang si Erica.

~ Ting ~

"Oh tapos na pala sandali kukunin ko lang Ate ha" kukunin na sana ni Dev ang cookies sa oven ng pigilan siya ni Erica.

"No, ako nalang tsaka tapusin mo nalang yan" sabi ni Erica wala namang nagawa si Dev kasi kinuha na ni Erica ang cookies sa oven at nilapag ito sa counter table ng kusina. Lumapit na si Dev sa kanya ng matapos itong magligpit at may dala-dalang juice.

"Oh pantulak" sabi ni Dev nagpasalamat naman si Erica. Kukuha na sana si Erica ng cookies ng bigla niyang nalimutan na maingit pa pala ang mga ito dahil sa kagagaling lang ito sa luto kaya napaso ito.

"Araayy!" mahina pero masakit na sabi ni Erica

"Patingin nga" sabi ni Dev at kinuha ang kamay ni Erica, sinuri niya ito bago halikan sa parte ng napaso at nilagyan ng toothpaste.

"Sabi ni Mommy effective daw kapag nilalagyan ng toothpaste ang napasong parte ng katawan pero mas effective daw kapag hinalikan ito" paliwanag ni Dev at ngumiti kay Erica kaya napangiti naman si Erica sa kanya.

"Thank you Dev" sabi ni Erica at hinalikan sa pisngi si Devon.

Nang maging okay na si Erica ay ginising na nilang dalawa sina Arria at Kiya para kumain ng meryenda na inihanda ni Dev para sa kanila. Nang matapos ang pagkain nila ay napagpsyahan nilang lumangoy sa indoor pool ng Frost para magpalamig.

Nagbihis silang apat at naunang matapos si Dev na nakasandong itim at shorts lang ito. Sunod-sunod namang lumabas ang tatlo na parang model na maglakad papunta sa pwesto ni Dev.

Naka pink stripes two piece bikini si Erica at umupo ito sa tabi ni Dev. Sunod naman si Arria.

Na naka checkered two piece bikini at umupo sa kabila naman ni Dev. Huling lumabas si Kiya.

Na naka one piece bikini na black and white pero kita parin ang kurba na katawa nito. Di na lumapit si Kiya kina Dev, kumaway lang ito at dumiretso sa pagdive sa pool.

Di naman nagpahuli si Dev at sumunod narin, ganun rin ang ginawa ng dalawa. Puro kulitan at asaran ang ginawa nila apat sa pool hanggang sa napagod sila at napagdesisyonan ng tumigil at uminom nalang sa mini bar nila na katabi lang ng pool.

Si Dev narin ang naging bartender nila dahil marunong din naman ito.

Fast Forward~

"Baby mag ingat ka sa pag-uwi ha" sabi ni Erica kay Dev at hinalikan ito sa pisngi, tumango naman si Dev at ngumiti.

"Beh, dahan-dahan lang sa pagmaneho" sabi naman ni Arria at hinalikan rin si Dev sa kabilang pisngi, niyakap naman siya ni Dev.

"Nasabi na naman nila Ate ang lahat lahat so... Goodbye nalang at goodnight" natatawang sabi ni Kiya at hinalikan sa ilong si Dev, ngumiti ito sakanya at tumango.

"OKAY PO MGA NAY, Kaya naman kayo matulog narin ng maaga at wag magpuyat para palagi kayong maganda" nakangiting sabi ni Dev at isa-isa silang hinalikan ni Dev sa mga noo nila.

Continue Reading

You'll Also Like

672K 33.9K 28
𝐓𝐡𝐞 𝐔𝐧𝐞𝐱𝐩𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ~ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟐 Sara Zafar, once a vibrant, effervescent spirit, embarks on a new chapter of her life in New Y...
4.3M 272K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.2M 63.9K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
682K 36K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...