The Waiting Game

By CA_Flockhart

24.1K 1.1K 1K

(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay... More

"The Second Time Around"
THE WAITING GAME
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
Bonus Chapter
THE LAST CHAPTER

8.

429 24 17
By CA_Flockhart

            "SAAN pala manggagaling sila Tita Paula?" tanong ni Blaire kay Exequiel habang hinihintay nilang umusad ang sasakyan sa kanilang harapan.

            "Sa bahay," natatawang sagot ni Exequiel. "Mom's very excited to meet you."

            "Sabi nga niya sa text," natatawang sagot ni Blaire.

            Oo. Nakaka-text ni Blaire ang ina ni Exequiel minsan pero never pa sila nagkakilala sa personal. Today is the first time that they'll be meeting in person.

            Inutusan kasi siya noon ni Exequiel na i-text ang ina nitong hindi ito makakadaan sa bahay ng mga magulang nito. Gagamitin nga sana ni Blaire ang cellphone ng binata pero sinabi nito sa kanyang cellphone na lang niya ang kanyang gamitin.

            Ayun. Ang ending ay may number na siya ng ina ni Exequiel.

            Tuwang-tuwa naman ang ina ni Exequiel nang malaman nitong cellphone number iyon ng "babaeng kinahuhumalingan" ng anak niya. And the next thing that Blaire knows is that tine-text na siya paminsan-minsan ng ina ni Exequiel.

            Most of the time kinakamusta lang naman siya nito.

            "Nakausap ko si Bea kanina," sabi ni Blaire kay Exequiel.

            "About what?" tanong ni Exequiel.

            "Her transfer to Cebu," sagot ni Blaire.

            "And? What did she say?" tanong ni Exequiel.

            "Mami-miss niya raw tayo lalo na si Manang Renalyn at si Eski," kuwento ni Blaire. "Biniro ko pa nga na sa yaman mo, puwedeng-puwedeng bumisita si Manang at Eski sa kanya sa Cebu any time," natatawang dagdag ni Blaire.

            "Biro? Eh totoo naman," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Yabang," natatawang sagot ni Blaire.

            "I'm actually planning on sending Eski with her," sabi ni Exequiel.

            "Seryoso ka?" tanong ni Blaire.

            "Oo naman," nakangiting sagot ni Exequiel. "Besides, siya pa nga mas kinikilalang amo ni Eski. I'm too busy to take care of him anyway. Hindi rin naman siya maaalagaan nila Manang," dagdag ni Exequiel.

            "She's going to be so happy 'pag nalaman niya 'yan," nakangiting sagot ni Blaire.

            "Bea's a good kid. Baka mangulila lang din si Eski sa kanya eh 'di dalhin na lang niya. We can visit her and him anytime anyway," sabi ni Exequiel.

            "Anong 'we'? Ikaw lang. Hindi ko naman hawak oras ko 'no. I'm working," natatawang sagot ni Blaire.

            "'Wag ka na lang mag-work," biro ni Exequiel.

            "Puwede. Kung payag kang maging sugar daddy ko," biro ni Blaire at pareho silang natawa nang malakas ni Exequiel.

            "Ano bang gusto mo? 'Yung bagong labas na iPhone? House and Lot? Bagong kotse?" pabirong sagot ni Exequiel at tumawa na naman sila nang malakas.

            "Para talaga tayong ewan 'no?" tanong ni Blaire kay Exequiel pagkatapos nilang tumawa nang tumawa.

            "Anong 'tayo'? Ikaw lang," pang-aasar na sagot ni Exequiel. "Pero okay lang, bagay pa rin naman tayo. Tanggap pa rin naman kita," dagdag ni Exequiel na ikinatawa ni Blaire.


            "'PAG ako talaga napatid, Exequiel Vonn, hindi ka na sisikatan ng araw," asar na sabi ni Blaire kay Exequiel habang nakapiring ang kanyang mga mata at inaalalayan siya sa paglalakad ni Exequiel.

            Pagkababang-pagkababa nila ng sasakyan ni Exequiel kanina, agad na dumating si Franz, ang head ng team ng bodyguards ni Exequiel at inabutan ang binata ng pampiring sa mga mata ni Blaire.

            Umayaw si Blaire kaso sinabihan siya ni Exequiel ng "Trust me" kaya tiklop siya kanina. Ayan tuloy, hirap na hirap siyang kumapa sa kanyang dinadaanan. Kung hindi pa siya hawak-hawak ni Exequiel sa kanyang beywang at kaliwang kamay, baka kanina pa siya nabangga sa kung saan.

            "Meet the parents lang naman 'to ba't kailangan pang nakaganito?" tanong ni Blaire.

            "Devan, will you please just trust me?" natatawang sagot ni Exequiel sa kanya.

            "Kung takbuhan kaya kita ngayon?" pabirong sagot ni Blaire.

            "Ikaw din naman madadapa diyan. Wala ka ring kawala sa'kin 'pag nangyari 'yun," natatawang sagot ni Exequiel. "Take three slow steps down. May konting hagdan," utos niya kay Blaire.

            "Ba't ba kasi may hagdan dito? Daming arte," rinig ni Blaire na reklamo ni Exequel kaya hindi niya mapigilang matawa.

            Ilang lakad pa at tumigil sila sa paglalakad ni Exequiel. Kinabahan si Blaire saglit nang bitawan siya ni Exequiel. She felt alone. Wala siyang marinig kundi ang paghampas ng hangin sa mga puno o halaman sa paligid.

            "Exequiel?" tawag ni Blaire.

            "It all started with a mere crush," dinig ni Blaire na bulong ni Exequiel.

            Naestatwa sa kanyang kinatatayuan si Blaire. Ramdam niya ang mainit na hininga ni Exequiel sa kanyang batok at ang matigas na katawan ni Exequiel sa kanyang likod. Anong mayro'n? isip ni Blaire na kanina pa talaga niya iniisip simula no'ng dumating sila sa lugar na 'to.

            Hindi naman kasi sila napadpad sa isang restaurant 'no. Ang expected niya sa isang restaurant sila since lunch nga ang yaya ni Exequiel sa mga magulang nila. Pero hindi. Nasa kabilang gawi ng lupain 'yung restaurant eh.

            Nasa part sila ng papuntang garden.

            "And then one day, I just caught myself smiling for no reason. However, I thought wrong because I realized that I was smiling while I was thinking of you...only you," bulong ni Exequiel.

            Right there, tinanggal ni Exequiel ang pagkakapiring ng kanyang mga mata. Unti-unting minulat ni Blaire ang kanyang mga mata. She adjusted her eyes sa liwanag ng kanyang paligid. Doon lang niya napagtanto that they're in an open garden.

            Bumungad sa mata ni Blaire ang pamilya niyang nakangiti sa kanya, ang mga magulang ni Exequiel na nakangiti lang din sa kanya, ang mga katrabaho niya sa dinner shift, ang kaibigan niyang si Reneth, ang mga bagong kaibigan niya, at iba pa.

            "W-What's happening?" halos pabulong na tanong ni Blaire.

            "Happy birthday, my love," nakangiting bulong ni Exequiel sabay halik sa noo ni Blaire.

            "B-Birthday?" tanong ni Blaire.

            Exequiel chuckled and held Blaire's face. "Yes. It's your birthday today. You're now 23," nakangiting sagot ni Exequiel.

            "Hindi ko naalala?" naguguluhang sagot ni Blaire.

            Exequiel can't help but to laugh again and pull Blaire into a tight hug because of how confused and cute she looks right now.

           "Buti na lang papatulan pa rin kita," bulong ni Exequiel sabay halik ulit sa noo ni Blaire.

           "Sinabi mo na 'yan kanina eh," halos pabulong na sagot ni Blaire at suminghot.

            Kumunot naman ang noo ni Exequiel sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Suminghot si Blaire?

            He pulled Blaire away from his body and tried to hold her head up again pero hinila ni Blaire ang suot-suot niyang polo at isinubsob ulit doon ang mukha nito. Natawa na lang si Exequiel at yumakap ulit kay Blaire.

            "Nakakainis ka! Hindi mo man lang pinaalala sa'kin 'tas may paganito ka pa!" umiiyak na sabi ni Blaire.

            Lumingon si Exequiel sa gawi ng pamilya ni Blaire na tumatawa. Blaire's brother even mouthed, "Crying?" to him kaya nakangiting tumango siya.

            "Shh..." natatawang pag-alo ni Exequiel kay Blaire.

            "Pagod na pagod ako this past few days 'tas ginanito mo pa 'ko!" umiiyak na sabi ni Blaire. "Emotional ako 'tas may ganitong pag-atake pa. You're taking advantage of my vulnerability," dagdag ni Blaire.

            "I know. I'm sorry," natatawang sagot ni Exequiel. "Ganito na lang. You wanna know who I'm in love with?" biglang tanong niya sa dalaga. Kahit corny, okay lang kay Exequiel.

            Sumisinghot na tumingala si Blaire kay Exequiel. Nakangiti lang sa kanya ang mokong habang nakayuko sa kanya. Pinunasan ni Blaire ang kanyang mga mata at tinanong, "Kanino? Pinapaasa mo ba 'ko?"

            "Silly. I love you. I'm in love with you...only you," nakangiting sabi ni Exequiel sa kanya.

            Natigilan si Blaire. 'Yung mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata niya kanina ay nag-backout. Did Exequiel say he loves her? Tama 'di ba? Hindi siya nabingi? Hindi siya delusional?

            "Walang sagot?" dinig ni Blaire na sigaw ni Reneth sa hindi kalayuan na umani ng tawa mula sa ibang mga bisita pero hindi natinag ang mga mata ni Blaire kay Exequiel. Nanatili lang siyang nakatingin sa binata.

            "It's okay. I didn't say 'I love you' to hear it back. I said it to make sure that you knew and know," nakangiting sabi ni Exequiel kay Blaire.

            "'Yun lang? Sasabihin mo lang na mahal mo 'ko?" tanong ni Blaire sabay alis sa pagkakayakap ni Exequiel.

            "What do you mean?" natatawang tanong ni Exequiel.

            "Hindi mo man lang ako yayayaing maging girlfriend? Gano'n na lang? Mahal mo lang ako?" sagot ni Blaire.

            "Hindi pa 'ko sinasagot ng parents mo eh," natatawang sagot ni Exequiel sabay tingin sa mga magulang ni Blaire.

            Sa totoo lang, nagpaalam na siya sa mga magulang ni Blaire noong nakaraang buwan kung puwede na ba niyang maging girlfriend ang anak nila. Hindi siya sinagot ng mga ito pero pinasama siya ng mga 'to sa pamimili ng grocery.

            Naguluhan pa siya no'n pero sumama na lang siya. Kasama rin siyang kumain ng dinner ng mga ito.

            Kinilala siya ng mga magulang ni Blaire no'ng araw at gabing iyon. Maraming tinanong ang mga ito tungkol sa buhay niya. Alam din ni Exequiel na may pag-aalinlangan ang mga magulang ni Blaire dahil nga sa negosyo at pangalan niya.

            Hindi alam ni Blaire ang pangyayaring 'yon and he doesn't have any plans of telling her. Kung ano man ang nangyari at naging usapan niya at ng mga magulang ni Blaire that time, sa kanila na lang iyon.

            Sinabihan din kasi siya ng mga magulang ni Blaire na 'wag sasabihin sa anak nila.

            Napangiti si Exequiel nang tumango ang mga magulang ni Blaire sa kanya.

            "Ayun, pumayag na," nakangiting sabi ni Exequiel sabay lingon kay Blaire.

            "Since I met you, I am not able to look at any other girl. Kinulam mo ata ako," panimula ni Exequiel at sinamaan naman siya ng tingin ni Blaire. "When you're with me, I only see you, and when you're not, I only think of you..." at lumapit si Exequiel kay Blaire.

            He held her hands and looked into her eyes before continuing, "...You are something special...something wonderful that happens only once in life, and I don't have any plans of losing my chance with you..."

            "...So, I always make sure that I know every single detail about you because I don't want to fuck this up, I don't want to miss my chance, and I don't want to miss a single thing about you. Blaire, you were perfect, and I loved you. Then, I saw that you're not, and I loved you even more—I love you even more..."

            "...I am truly and deeply in love with you, and I will do whatever it takes to make you happy. I wish you an amazing birthday, my love. Thank you for existing...and I hope I can also thank you for being mine," nakangiting pagtatapos ni Exequiel.

            Ngumiti si Blaire.

            Everyone around them smiled as well.

            Blaire felt a lot...a lot of good things dahil sa mga salitang binitawan ni Exequiel. How can she not fall for him simula umpisa?

            He makes her feel giddy. The mere mention of his name brings butterflies to her stomach. 'Pag dumadaan ito sa harapan niya, tumatabi sa kanya, o sasalubungin pa lang siya, nakangiti man o hindi, her heart speeds up.

            She also knows that she smiles sometimes for no reason. Well, actually may rason because she's thinking about Exequiel. Every love song she hears even becomes about Exequiel. Ganyan siya kahulog.

            My God. Forget the butterflies. She can feel the whole zoo because of Exequiel, lalong-lalo na ngayon.

            Liningon ni Blaire ang kanyang mga magulang. Nakangiti ang ina niya, samantalang ang ama niya'y nakangiti pero alam ni Blaire na gusto na siya nitong hablutin mula kay Exequiel. Prinsesa siya ng kanyang ama eh. Alam din ni Blaire na gano'n din ang gustong gawin ng kapatid niyang si Blake.

            But her family knows that she's happy and that she's going to be happy.

            Liningon naman ni Blaire ang mga magulang ni Exequiel. Sobrang lapad ng ngiti ng mga ito at inuudyok na siyang sagutin na ang anak nila.

            Tiningnan ni Blaire si Exequiel. Nakangiti pa rin ito sa kanya.

            "You can start thanking me now," nakangiting sagot ni Blaire kay Exequiel.

            Unti-unting mas lumapad ang ngiti ni Exequiel sa narinig. He pulled Blaire towards him and kissed her on the lips.

            "Happy birthday, Blaire!" rinig ni Blaire na sigaw ng mga taong nasa paligid nila habang hinahalikan siya ni Exequiel. She smiled against Exequiel's lips and wrapped her arms around Exequiel's neck.

            "Thank you," nakangiting bulong ni Exequiel kay Blaire pagkatapos ng halik na kanilang pinagsaluhan.

            "Our first kiss," nakangiting bulong ni Blaire.

            "Thank you," ulit ni Exequiel.

            "You're welcome, Mon beau," sagot ni Blaire. (My handsome)

            "L'amour de Ma Vie," sagot ni Exequiel. (The love of my life)

Continue Reading

You'll Also Like

625K 22.1K 52
To: Rush Dela Vega Subject: I Hate You Dear Boss Bastard, No. I don't like sitting beside you or even being near you. Kaya tigilan mo na a...
28K 1.3K 41
Stephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past...
85.8K 2K 38
Lana Marjorie del Rey refused to be a puppet of a world she doesn't admire. She was tired of being not herself anymore. She destroyed the image they'...
13.5K 335 58
SURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and...