Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.3K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

My Lola's Story (Parts 1-3)

161 6 0
By Sheree_Mi_Amour


Part 1

Hi I'm Yukari. Silent Reader po ako ng Spookify. Kaya naman na-trigger na din akong magkwento. Hehe. Actually, this is not my self experience. May mga experiences din po ako pero gusto ko munang i-share yung mga shinare sakin ng Lola ko. Year 1970, she was 14 years old that time nung ipagkasundo syang ipakasal sa isang kilala ring pamilya. 1/4 ng dugo ni Lola is Kastila kasi half Kastila yung mama nya na Lola ko sa Tuhod (Alice) kaya naman sobrang Puti nya. Maitim ang kanyang manipis at mahabang buhok. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit wala pa syang napupusuan. Nung bata pa daw ang lola ko sya ang paboritong anak ng Lolo ko sa tuhod (Rap). Sya ang sinasama sa bukid dahil hindi sya maarte at talagang para syang lalaki kung kumilos. May malawak na sakahan at lupain na pag-aari sila Lolo Rap kaya masasabing angat sila sa buhay. Sa sobrang bait ni Lolo Rap maraming nakakakilala sa kanya. Pero namatay si Lolo Rap ng dahil sa sakit sa atay kaya kinailangang ipakasal si Lola nung nag-14 sya. Hindi kayang pamahalaan ni Lola Alice ang sakahan dahil wala syang alam sa pamamalakad nun. Lola ko ang nakakaalam kasi sya ang madalas na kasama ni Lolo Rap, pero dahil nga bata pa sya walang silbi ang kaalaman nya kaya ibinenta ni Lola Alice ang lahat ng ari-arian na ipinundar ni Lolo Rap na para sana sa kinabukasan nila lola. Kaya naman nagpakasal na din ang ibang kapatid ni lola ng sa gayon ay mabawasan ang bigat ng pamilya. Nung nalaman ng Lola ko na ikakasal na sya sa murang edad sobra syang nalungkot. Naging loner sya. Palaging malungkot at gusto ay palaging nag-iisa. Paborito nyang isuot ang red dress na regalo sa kanya ni Lolo Rap at madalas syang tumambay sa Kakahuyan. Inaabot sya ng takipsilim sa kakatingin lang sa mga punong malapit sa Bangin. Kaya naman kung sinuman ang mapadaan dun ay napagkakamalan syang diwata. Kaya naman pinilit na magpakasal na sya upang makaluwas na din ng Maynila sila Lola Alice kasama ang bunso nyang anak na babae at lalaki. Nung araw ng kasal. Pagkasakay ni Lola sa Bangka suot ang kanyang trahe de boda patungo sa tawid na isla kung saan gaganapin ang kanilang kasal ay biglang nag-backout si lola. Bumaba sya ng bangka at nilusong sa dagat ang kanyang gown pabalik. Tumakbo sya ng tumakbo papuntang kakahuyan hanggang sa marating nya ang bangin. Hinubad nya ang kanyang trahe de boda dahil ipinanloob nya ang kanyang pulang bestida. Inisip nyang wakasan na ang kanyang buhay kaya naisip nyang tumalon. Nung ipikit nya ang kanyang mata at ihanda ang sarili sa pagtalon, may isang matinis na boses daw syang narinig. Tinawag ang pangalan nya at malinaw na sinabing "Luna Wag!" Sobrang tinis ng Boses at Malamig sa Pakiramdam dala na rin ng katahimikan sa kakahuyan. Lumingon sya sa paligid ngunit wala syang nakita. Umupo daw sya at nanalangin. Nang matagpuan sya ng mga tauhan ng mapangangasawa nya ay wala na syang nagawa kundi sumama. Natuloy ang kasal at nagsama sila. At dito nagsimula ang mga kababalaghan at kalbaryo sa buhay ng Lola ko na nagpatatag sa pananampalataya nya sa Diyos.
Haba na, sundan ko nalang sa susunod. Pasensya na ito po muna para may ideya kayo sa susunod kong ikukwento. Thankyou.

Part 2

Konichiwa. Ayun nga po nagsama ang Lola Luna ko at ang napangasawa nyang si Lolo Cris. Hindi nila minahal ang isa't isa. Hindi sila nagkakasundo sa maraming bagay. Kaya naman laging umaalis ng bahay si Lolo Cris para makipag-inuman at mambabae. Naiiwan palagi mag-isa si Lola Luna sa bahay. Gayunpaman nagsisiping sila at nagdalang-tao ang Lola ko. Habang ipinagbubuntis nya ang panganay nyang anak, may kakaiba syang naging abilidad. Kaya nyang makarinig ng yabag ng mga paa kahit gaano pa ito kalayo at kaya din nyang kilalanin kung sino ang nagmamay-ari ng yabag. Nature Lover si Lola kaya mahilig syang tumambay sa Kakayuhan o di kaya'y sa tabing dagat. Sa tuwing maririnig nya ang mga yabag ng paa ni Lolo ay nakakauwi sya agad, nauunahan nya palagi si Lolo dahil nga sa abilidad nya. Dahil sa probinsya sya nagdalang-tao uso ang mga kung anu-anong aswang or engkanto. Madaling araw palang nagigising na ang lola ko upang mag-asikaso. May mga yabag syang naririnig sa palibot ng bahay nila ngunit hindi daw nya mawari kung kaninong yabag ito. Dahil bukod sa bago sa pandinig nya, nararamdaman daw nyang malaking nilalang ang may-ari ng yabag na ito. Ipinagwalang bahala nalang nya ito at hindi na pinansin pa. May isang gabi na sinundo nya si Lolo sa isang inuman. Galit na galit sya sapagkat pinabayaan na naman sya nitong mag-isa gayong buntis sya. Habang naglalakad sila pauwi. Napansin ni Lola ang isang puno ng niyog na nakatumba at sa pinagputulan ng puno ay may umuusok. Buong akala ng Lola ko na sinisigaan lamang ang pinakaugat ng puno. Ngunit nung tumayo ito at makita nya ang dalawang malaking mata ay nanghilakbot sya. Isang Kapre. Sinabi nya iyon sa mga kasama nya at kay Lolo kaso parang abnoy si Lolo kasi nga nakainom. Kinaladkad sya ni Lola at umiba ng daan. Habang tumatakbo sila sa kadiliman. Sinigawan ni Lola yung kasama niyang babae "Patayin mo ang Flashlight mo!" Ika nya. "Ba't ko papatayin? E ang dilim lalo natin siyang hindi makikita kung papatayin ko ang flashlight!" Sigaw ng kasama nya "Basta sumunod ka nalang!" Sagot ni Lola.

Nang makita nila ang bahay ng kumpare ni Lolo dali-dali silang pumasok doon. Palibhasa'y probinsya walang kuryente. Walang nakaalalang isara ang pinto. Habang naghahanap si Lola ng gasera ay binuksan ng kasama niyang babae ang flashlight upang i-check kung nakasunod pa ba sa kanila ang Kapre. Laking gulat nila dahil pagkabukas ng flashlight tumambad sa harapan nila ang pares ng malalaking mata. Mataas ito ng bahagya sa kanila. Inagaw ni Lola ang flashlight at ibinato sa labas saka nagsindi ng gasera at inihagis sa Labas. Sobrang liwanag sa labas gawa ng natapon na gas at kumalat ang apoy. Nawala ang Kapre "Iwasan ninyong gumamit ng flashlight sa daan tuwing gabi sapagkat naaakit ang mga engkanto sa liwanag nito dahil malamig sa kanilang mata. Hangga't maari ay gasera o sulo ang dalhin nyo." Sabi ni Lola. Nagulat silang lahat kung paanong nalaman ni Lola ang dapat gawin. Kasi sa tuwing iniiwan sya ni Lolo na mag-isa, sya lang mag-isa ang nagtatanggol sa sarili nya laban sa mga masamang elemento kaya nalaman nya ang mga pinakamabisang pangontra. Dumaan ang ilang buwan at kabuwanan na ni Lola. As usual wala na naman si Lolo. Nanganak siyang mag-isa, dahil yung kapitbahay na nakakita sa kanya ay hinanap pa si Lolo sa kung saan. Labis na nadurog ang puso nya dahil nang dumating si Lolo kasama ang Kumadrona ay patay na ang anak nya. Nalunod ito dahil nasa loob sya ng inunan. Kung maagang dumating ang Kumadrona ay maisasalba pa sana nya ang buhay ng anak nya. Para sa lola ko swerte ang batang iyon kung nabuhay dahil habang ipinagbubuntis daw nya ito ay nararamdaman na nya na may espesyal sa batang yun.

Makalipas ang ilang taon ay nagdalangtao ulit ang lola ko at yun na ang Papa ko. Wala namang masamang nangyari, gayon din sa pangalawa nyang anak na si Tita Risa. Namana ni Papa ang lakas ng Loob ni Lola Luna. Kaya nung umedad si Papa ng pitong taon ay nakakatuwang na sya ni Lola sa paghahanapbuhay. Nagtitinda ng kakanin ang lola ko at sumasama naman si Papa sa Laot. Si Lolo? Ayun nasa inuman as usual.

Isang gabi, ginabi ng uwi si Papa. Hindi makatulog si Lola sa kahihintay sa kanya dahil sa labis na pag-aalala. Hatinggabi na ng may kumatok sa bahay nila. Kakilala ni Lola. May ipinagbilin na dalawang batang magkapatid. Nang tanungin ni Lola kung ano nya yung dalawang bata hindi ito sumagot at sinabing daraanan yan dito mamayang madaling araw. Napansin na ni Lola na parang may kakaiba. Isang batang babae na nasa edad pito at isang batang lalaki na nasa edad lima. Pinapwesto ni Lola ang dalawang bata sa may ulunan nila. Sinabi ni Lola na matulog na sila. Sumunod naman sila ngunit hindi sila nagsasalita. Habang natutulog ang dalawang bata ay nagsalin si Lola ng langis sa dalawang bote ng eficascent (di ko alam tama ba spell ko?) bilin daw sa kanya ng nagbigay nun na ipwesto nya sa ulunan ng tao ang bote ng langis.

Part 3

Sabi ng Lola ko bata palang daw sya e may third eye na sya, kaso hindi pa open. Nakakaramdam sya pero hindi nakakakita. Kaya balewala lang sa kanya yun. Naging paborito siyang anak ni Lolo Rap dahil sa sipag nya, para syang lalaki kung kumilos, madiskarte at higit sa lahat matapang. May lola si Lolo Rap, Tory ang pangalan, bale Lola sya sa tuhod ni Lola Luna. Nung bata pa daw sya ay sinama daw sya ni Lola Tory at yung dalawa pa niyang kapatid para pumunta sa kabilang baryo. May pinuntahan silang isang bahay at may hinahanap si Lola Tory. Lumabas ang isang Lalaki at nagtanong "Anong kailangan mo sakin?" Tanong ng lalaki kay Lola Tory "Alam mo kung anong pakay ko. Ilabas mo ang mga alaga kong manok na ninakaw mo." Mahinahong sagot ni Lola Tory. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ang lakas ng loob mong mambintang!" Galit na tugon naman ng lalaki. "Sige. Babalik ako bukas." Sagot naman ni Lola Tory.

Kinabukasan ay bumalik nga si Lola Tory. "Ano bang problema mo? Sinabi nang hindi ako ang nagnakaw ng mga manok mo!" Saad ng lalaki. "Ganito nalang, aminin mo na lamang na ikaw ang nagnakaw ng sa gayo'y mapatawad kita." Ani Lola Tory. Pero nagmatigas pa rin ang lalaki. Alam nilang lahat na ang lalaking iyon talaga ang nagnakaw dahil may nakakita sa kanya. Kaya sinabi ni Lola Tory "Bukas na bukas din sa oras na ikaapat ng hapon babawian ka ng buhay." Yun lamang at umalis na sila. Kinabukasan nabalitaan nilang ganun nga ang nangyari. Inatake sa puso ang lalaki na siyang ikinamatay nya. Sa ganap na ikaapat ng hapon. Maraming natakot noon kay Lola Tory at usap-usapang isa siyang mangkukulam. Ginusto ni Lola Luna ng ganoong kakayahan ngunit pinagbawalan sya ni Lola Tory at pinagsabihan "Wag mong hangarin ang ganitong kakayahan sapagkat ito ay galing sa masama. Bagkus mag-ingat ka at maging matalino sa pagpapasya." Di kalaunan namatay si Lola Tory. Sabi-sabi buhay ang kinuha kaya buhay din ang naging kabayaran (alam kong mababaw yung sa manok pero ang punto dito ayaw ni Lola Tory ng sinungaling). Ngunit bago ito mamatay, binilinan nya si Lola Luna na mag-iingat sa dilim at huwag magpapalinlang sa mga magagandang bagay na makikita nya sa dilim. Nung nag-edad Labing-apat sya (edad nya nung ipagkasundo siyang ikasal) doon na nya naranasang makakita ng mga elemento na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Ipinagwalang bahala na lamang nya ito dahil hindi naman sya sinasaktan o nilalapitan. Hindi daw nya alam kung bakit may ganoon syang abilidad. Iba't ibang uri na daw ng engkanto ang nakita nya. May mga nagpapanggap na tao o nanggagaya ng anyo ng kakilala, may kapre, engkantada, malalaking ibon na may kakaibang huni, kwago na hindi pangkaraniwan, duwende at sigben. Sabi din ni Lola Luna may mga mabubuting elemento ng dilim at meron ding masasama. May mga nakikipagkaibigan at may mga nangunguha. Gaya na lamang daw ng kapitbahay nila noon na isang dalagita na nasa edad labing anim. Bigla na lamang daw itong nawala, hinanap nila ito at makalipas ang ilang araw ay natagpuan nila sa kakahuyan ang katawan ng babaeng walang malay. Nang akma na nila itong bubuhatin ay nagbago ang anyo nito. Naging katawan ng puno ng saging kaya napagtanto nilang nakuha na ito ng mga engkanto. Kaya naman nang mag-asawa na si Lola Luna ay doon na nya naranasan ang lahat. Ang kalbaryo sa pagkakaroon ng iresponsableng asawa at ang mga pagpaparamdam at pagpapakita ng mga engkanto. Lumipas ang ilang taon at nagdalangtao ulit si Lola (pang-apat kasama yung panganay na namatay) hindi na naman naging pangkaraniwan ang naranasan nya. May isang gabi daw na naglatag na sya ng banig dahil matutulog na sila papa at Tita Risa, buntis na sya nun. Nagtatahi daw sya at kutsilyo ang ginagamit nyang pangputol ng sinulid. Nang matapos siyang manahi at puputulin na ang sinulid ay bigla na lamang nawala ang kutsilyo. Labis nya iyong ipinagtaka sapagkat hindi naman maaaring malaglag iyon sa silong dahil nga nakalatag na ang banig. Hinanap nya ng hinanap ngunit hindi nya talaga matagpuan, kaya nagpasya na siyang iangat ang banig at silipin sa kawayan nilang sahig kung nalaglag nga ba ang kutsilyo sa silong. Ayun nga, naroon nga ang kutsilyo at nakatarak sa buhanginan. Sa sobrang inis ni Lola ay bumaba sya upang kunin. Sabi nya yun daw ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa nya. Dahil nang hugutin nya ang kutsilyo ay naghugis sungkaan ang buhangin at masama daw ang ibig sabihin noon. Masamang pangitain. Umihip ang hangin at kinilabutan sya kaya dali-dali na siyang bumalik sa kanilang higaan at pilit na binalewala na lamang ang nakita. Nung kabuwanan na nya, biglang nagdilim ang kanyang paningin, maging ang kanyang pandinig ay nawala. Nagmistulan daw syang bulag at bingi. Itatakbo na daw sana sya ni Lolo Cris sa bayan dahil mukhang hindi na mahihintay ang Kumadrona pero nung buhatin sya ni Lolo ay hindi sya makayang iangat, kaya naman nagpatulong si Lolo. Apat na lalaki ang bumuhat sa kanya para lang maisakay sya sa
bangka. Sobrang nakakapagtaka daw ang pangyayaring ito. Nung isasampa na si Lola sa bangka ay nahulog ang isang paa nya at nasawsaw sa dagat at doon bumalik lahat. Ang pandinig nya, ang paningin nya at ang totoong timbang nya. Hindi makapaniwala ang mga nakasaksi sa nangyari. Sabi nila ay naengkanto daw si Lola kaya naman iniuwi na lamang sya at hinintay ang Kumadrona. Nang isilang nya ang pang-apat nyang anak ay labis silang namangha dahil napakagwapo daw ng sanggol. Maputi at may maninipis na buhok (namana nya yata kay Lola Luna) ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay nilanggam ang ulo nito. Malalaking kulay itim na Langgam. Nililiguan at nilalagyan ni Lola ng sombrero ang baby para hindi langgamin ang ulo, pinapalitan din nila ang punda ng unan maging ang higaan nito pero sa tuwing tatanggalin na ni Lola ang sombrero ay nandun na naman ang mga langgam na naghuhugis korona. Nangilabot ang mga kapitbahay na nakakita. Sabi nila ay ginagawa daw prinsipe ang sanggol sa mundo ng mga engkanto. Dahil hindi naniniwala si Lola sa albularyo ay hindi nya ito dinala doon. Ilang araw lamang ay namatay ang sanggol. Labis na nagdalamhati si Lola dahil sa pangalawang pagkakataon ay nawalan na naman sya ng anak. Pero dahil may dalawang anak pa syang natitira ay pilit niyang pinatatag at nilakasan ang kanyang loob. Nagkaanak ulit sya ng babae at yun ang Tita Momo ko. Wala namang naging problema. Pero nung pagdating sa bunso niyang anak na lalaki, habang ipinagbubuntis nya ito ay muntik na siyang makunan dahil sa kapreng laging nakamasid sa kanya. Kaya sinabi ni Lola sa Diyos na wag na sana siyang kuhaan ng isa pang anak. Naipanganak naman nya ng maayos si Tito Rey sa awa ng Diyos (kaya siguro maitim si tito. char. maitim kasi si Lolo Cris, pero kahit ganun pogi yun). Hanggang sa dumating na sa puntong tuluyan nang pinabayaan ni Lolo Cris ang pamilya nya. Nagpakalango sya sa alak at babae hanggang sa nakulong sya dahil napagbintangan sya sa isang krimen na barkada nya ang may gawa . Kaya nagdesisyon si Lola Luna na tuluyan na siyang iwanan at lumuwas silang lima ng Maynila at nagsimula ng bagong buhay. Una ay panghihilot ang pinagkakitaan nya. Nawala ang pananampalataya ni Lola sa Diyos. Nagkaroon ng bisyo si Lola. Umiinom sya ng alak at nagsisigarilyo. Dala ng labis na kalungkutan. At ginagamit din nya ang kanyang abilidad na manghula (opo, may abilidad din si Lola Luna na manghula gamit ang baraha at kaya niyang basahin ang palad mo, nasa Maynila na sila nung matuklasan ni Lola na may kakayahan siyang ganun, nang maghilot sya ng isang customer at makita ang palad nito. sa tingin nya kay Lola Tory nya namana yun). Pinagkakitaan din nya iyon dahil lahat ng naging hula nya ay tumatama. Pero dumating din sa punto na tinawag syang muli ng Panginoon. Kaya naman nang magbalik loob sya ay itinigil nya ang panghuhula. Naging Kumadrona sya, at ipinangako nya sa sarili nyang sisikapin niyang iligtas ang mga sanggol sa abot ng kanyang makakaya. Dito na rin nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya ang mga anak nya. Maraming humanga sa kanya dahil makailang beses man siyang sinubok ng Diyos ay nagbalik loob pa rin sya at yun ang lalong nagpatatag sa pananampalataya nya at nagawa niyang itaguyod ang apat nyang anak ng sya lang mag-isa.

Take note : walang napariwara sa mga anak nya. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral sila papa ay maayos naman ang naging pamumuhay nila. Pero hindi pa rin dito nagtatapos ang lahat.

-Yukari

Continue Reading

You'll Also Like

64.1K 2.6K 28
*Highest Rank. HORROR #1 [9.9.2020](COMPLETED) Isang maling akala ang magdudulot kay James para gawin ang isang bagay na hindi aakalain ng lahat. Paa...
204K 4.1K 58
Ang kwentong tutuklas sa Dark side ng Internet: Surface Web. Creepy/Scary/Weird things in Internet. Read this and You will know the Deepest Secret an...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
17.3K 620 3
Mahilig ka ba sa Alamat? May paborito ka ba sa mga Alamat na narinig o nabasa mo na? Paano kung may iba pang kwento sa Alamat na noong bata ka ay gus...