Nagmahal Sa Maginoong Manyak

By Miss_Think

16.3K 326 18

Huwag nating gawing besahan ang panlabas na anyo ng tao dahil may mga taong may kaaya-ayang mukha pero masam... More

Pasilip Na Pangyayari
Simula
Kabanata 1:Unang Araw Sa Mansiyon
Kabanata 2:Ang Pagkikita
Kabanata 3:Anak Ng Alkalde
Kabanata 4:Panauhin
Kabanata 5:Ang Muntikang Halik
Kabanata 6: Pamamasyal
Kabanata 7: Masarap Na Parusa
Kabanata 8: Pag-alis
Kabanata 9: Pag-aaral
Kabanata 10:Muling Pagkikita
Kabanata 11: Selos O Nag-aalala?
Kabanata 12:Panganib
Kabanata 14:Panliligaw
Kabanata 15: Katutuhanan
Kabanata 16: Desgrasya
Kabanata 17:Kinalimutan
Kabanata 18:Sakit Ni Zafira
Kabanata 19: Pagbalik Ng Totoong Minamahal
Kabanata 20: Pamamaalam
Epilogo
ATTENTION

Kabanata 13:Tulong

414 10 0
By Miss_Think

Nakangiting bumangon si Zafira sa kama. Pagkagising niya, nakita kaagad niya ang nakahandang damit kaya sinuot niya ito. Biglang lumabas si Sextans sa banyo na may tapis na tuwalya sa bewang at halatang bagong ligo ito dahil may mga butil ng tubig na pumapatak sa katawan niya.

"Magandang umaga! Mahal kong binibini!" bati ni Sextans sabay lapit at yakap sa kanya

Tumawa si Zafira at nagreklamo "Nababasa ako!"

"Ayus lang yan. Binasa ko nga ang pagkababae mo kagabi pero hindi ka nagreklamo"

"Cheeee! Iwan ko sayo umalis kana!" biglang nainis si Zafira dahil sa hiya

Yumakap parin si Sextans kay Zafira "Mahal kita"

Nang marinig ni Zafira ang dalawang salitang iyon, napangiti siya "Mahal din kita" aniya sabay yakap

Tumawa ito at pagkatapos ay kumalas sa pagkakayakap. Nakangiting tinignan ni Zafira si Sextans at may naisip siya.

"Sextans hindi kita kasintahan" aniya na seryoso. Hindi nangligaw si Sextans sa kanya at hindi rin niya ito sinagot kaya wala silang lebel ngayon. Kailangang muna mapatunayan ni Sextans na mahal siya nito

Nagulat ito "Hindi pa pala tayo?"

"Oo kasi hindi ka nangligaw sakin" sagot niya

"Ahh ganon ba. Sigi simula ngayon liligawan na kita" anito sabay alis

"Huyy saan ka pupunta?"

"Maghahanda ako kasi sisiguraduhin kong matitikman mo ang nakakapanindig balahibong panliligaw"anito" Paalam mahal kong binibini"

Napatawa nalang siya dahil parang bata si Sextans at ang lambing nito sa kanya. Kahit masaya na siya, may kunti paring pangamba dahil baka niloloko lang siya nito gaya ng ginagawa nito sa ibang babae. Kailangan niyang alisin ang pangambang iyon kasi baka ito pa ang magdulot ng away sa kanila. Kailangan niyang magtiwa rito dahil mahal niya ang Ginoong manyak na yun.

NAKANGITING lumabas si Sextans sa dormitoryo ni Zafira. Ang saya niya dahil wala na siyang kahati sa dalaga at sinabi na nito na mahal din siya. Nagpagtanto niya noong nakaraan na kailangan niyang sumaya at si Zafira lang ang magpapasaya sa kanya kaya hindi na niya pipigilan ang tinitibok ng damdamin niya. Mamahalin niya na si Zafira ng walang pag-aalinlangan. Hindi na naman yata lahat ng babae ay magkaparehas kaya nasisiguro siyang hindi siya sasaktan ni Zafira. Kakalimutan niya ang takot na baka iwan lang siya ni Zafira sa bandang dulo gaya ng ginawa ng ina niya noon. Ang importante mahal niya ito at mahal siya nito. Ang problema nalang ngayon ay kung pano niya ito liligawan. Wala kasi sa bukabularyo niya ang salitang panliligaw dahil lahat ng babae sa tingin palang niya ay napapaoo niya na ito pero ngayon kailangan niyang ilagay ang salitang panliligaw sa bukabularyo niya para kay Zafira. Ang tanong nalang ngayon ay Paano niya liligawan ang dalaga?

Pumunta siya sa dormitoryo ng nag-iisa niyang kaibigan. Kailangan niyang humingi ng tulong sa gagong lalaking yun. May karanasan na kasi yun sa panliligaw kasi nakahanap na ito ng katapat at sana hindi kagaya ni Miya si Zafira kasi noong nangliligaw pa si Alucard kay Miya, pinalinis ito ng inodoro at pinalinis pa ng buong bahay. Diba grabe ang panliligaw ng kaibigan niya? May pagkaamazona kasi si Miya kaya tiklop ang babaero niyang kaibigan.



"Gago!" sigaw niya ng makapasok na siya sa dormitoryo ng kaibigan



"Ang ingaw mo! Lumayas ka dito kung gusto mo pang magbuhay" sigaw nito sa kanya





Tinawanan niya lang ito at pumasok sa kwarto. Nadatnan niya si Alucard na bagong gising at parang pugad ang buhok. Linapitan niya ito. "Gago may problema ako" aniya




"Alam mo tukmol para kanang matematika kasi yung problema mo sakin mo pinapalutas" Andito sabay buntong-hininga pa "Ano ba ang problema mo?"




"Ganito kasi yun........ Ano kasi......... Paano ko basasabihin?" hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang problema kasi baka pagtawanan siya dahil nauso sa kanya ang panliligaw at nasisiguro siyang magugulat ito.





"Ano kasi yun? Sasabihin mo ba o hindi? Kasi kung hindi, mawalang galang na lumayas kana kasi nakakaistorbo ka sa pagtulog kung hinayupak ka!"




"Sigi sa sabihin ko na" aniya sabay kagat labi "Gusto kong manligaw pero hindi ko alam kung paano"





Napahinto si Alucard at gulat na tinitigan siya "Si Sextans na tamang kidhat lang sa babae nakakadali na tapos ngayon magpapaturo kung paano manligaw?"




"Ano manliligaw ka Sextans?" sigaw ni Miya na kakarating lang




"Oo manliligaw ako at sa tingin ko wala namang masama dun diba? Sukdulan ang reaksyon niyo ha!? Parang nakapatay ako tao" reklamo niya




"Hindi naman sa ganon Sextans. Ang amin lang naman ay imposeble kang manligaw sa isang babae at alam naming lahat na wala sa bukabyularyo mo ang salitang panliligaw. Nadadaan mo kasi sa tingin ang lahat na babae" paliwanag ni Miya na tumabi sa gago niyang kaibigan at yung gago naman, abot langit ang ngiti na yumakap at bumati rito



Noon nasusuka siya sa ganyang senaryo pero ngayon napapangiti siya kasi naiisip niya si Zafira. Iba talaga kapag natamaan kana sa pana ni kupido no?




"Huyy tukmol! Mukhang  umiibig kana talaga. Noon kasi halos himatayin kapag naglalambingan kaming dalawa pero ngayon, nakangiti na parang baliw" sabi ni Alucard





"Pake mo! Naiisip ko lang si Zafira pagnaglalambingan kayo ngayon" aniya




"Ahh Zafira pala ang pangalan ng babaeng nagpatino sayo. Sabi ko na nga ba. Lahat kayong mga babaero may katapat at may magpapatino sa inyo." sabi ni Miya






Tama si Miya, lahat ng mga babaero may katapat at may pagpapatino sa mga ito kaya ngayon nahanap na ni Sextans ang magpapatino at katapat niya. Masaya naman siya rito dahil ang babae namang iyon ang bumubuo sa araw niya at nagpapasaya sa kanya.







"Ano na gago? Tutulungan mo ako sa panliligaw o hindi?" tanong niya




"Hindi" anito at binatukan ito ni Miya. Buti nga sa kanya.



"Anong hindi? Tutulungan natin si Sextans kasi baka nakakalimutan mong tinulungan ka niya sa panliligaw sakin!?" sabi ni Miya





"Babe hindi niya ako tinulungan!" giit nito






"Huyy tinulungan kita noh!"





"Sigi nga paano mo ko tinulungan?"





"Tinulungan kita pagtawanan ang paglilinis mo ng inidoro" sabay tawa dahil naalala niya ang panahon pinaglinis siya ni Miya ng inidoro, pagpapatunay na kaya niyang gawin lahat para rito






"Ewan ko sayo! Lumayas kana!" sigaw nito




"Huwag mo nga siyang palayasin" sabi ni Miya "Huwag kang mag-aalala Sextans, tutulungan ka naming manligaw kay Zafira

Continue Reading

You'll Also Like

196K 1.2K 43
...........WARNING!... Be Open Minded...... Dito natin ipag patuloy ang kwento ng simulan sa HOT COUPLE GILFRIEND BOYFRIEND (SCANDAL)SPG dito pa nati...
229K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
144K 1.7K 12
** BOOK 2 ng Sextutor ng Artista ** Tayo nga ba hanggang sa huli?
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...