Simula

1.4K 36 0
                                    

Noong unang panahon, may isang babae na laking may na nanalaytay na dugong bughaw. Anak ng dalawang negosyante at may maharlikang estado ng pamumuhay. Lahat ng gusto niya nakukuha niya ng walang kahirap-hirap pero kahit ganon kapalad ang estado ng kanyang buhay, hindi siya mayabang at mapagmalaki, sa halip isa siyang mabuti at mabait na dalaga at anak ng kanyang magulang.

May kutis na kasing puti ng gatas, may pilik matang maaalon, may kulay karbong buhok, may mapupulang labi at may malaperpektong hugis ng mukha. Sa madaling salita, isa siyang nakakabighani na binibini sa balat ng lupa. Dahil sa magandang wangis at katauhan, maraming naiinggit sa kanya. Maraming naghahangad sa perpektong niyang buhay.

Pero sadyang makatarungan ang mundo. Sa isang hindi malimot-limot na gabi, nangyari ang isang nakakatakot at nagpapabago ng buhay ng dalaga-namatay ang kanyang magulang. Naaksedinte ito dahil sa hindi matukoy-tukoy na kadahilanan. Dahil sa pagkamatay ng minamahal niyang magulang, nagbago ang estado ng kanyang pamumuhay.

Wala siyang ibang mapupuntahan kundi ang inaama at matalik na kaibigan ng kanyang magulang. Iyon lang ang mapupuntahan niya kaya sa ayaw at sa gusto niya maninirahan siya sa maliit na nayon ng Perrigrines na pagmamay-ari ng kanyang inaama na si Ginoong Leomore Perrigrines . Dahil sadyang mabait ang dalaga, hindi siya nagreklamo.

Sa ika labing-isa ng nobyembre, nakatakda ang paglipat niya at ngayon ang araw na iyon kaya naluluhang nag-impake ng kanyang kagamitan ang dalaga at patuloy na tinitignan ang iiwan niyang tahanan na may milyong hindi malilimutang magagandang alaala.

"ZAFIRA!" tawag ng kanyang tagapaglingkod na tumatayong ina niya ngayon "Bumaba kana aking binibini dahil andito na ang kotsero na maghahatid satin patungo sa mansiyon ng iyong inaama"

Bumuntong-hininga siya "Bababa na po" aniya

Bumaba siya at pumunta sa kinarorounan ng kanyang tagapaglingkod at mayordoma ng kanilang mansiyon na si Lhacerta Exxays. Nang makababa na siya, nakita niya agad ito na naghahanda rin sa mga dadalhing gamit. "Nanay pwedeng bukas nalang tayo maglakbay patungong nayon ng Perrigrines?"

"Binibini.... Alam mo naman na ngayon naghihintay ang iyong inaama."mahinahong sagot nito

Tumango nalang ang dalaga at sumakay sa karwahe."Binibini asaan ang iyong gamit?" tanong ni Gng. Lhacerta

"Nasa aking silid po"bangot na sagot ng dalaga

Kinuha na ng mga katulong ang mga gamit ng dalaga sa kanyang silid at linagay sa karwahe. Nang handa na ang lahat sa paglalakbay, nagsimula ng paandarin ng kotsero ang karwahe.

Malungkot na pinagmasdan ng dalaga ang bayang kanyang sinilangan. Kahit masakit, pinilit niyang maging matapang para sa kanyang sarili dahil wala na siyang ibang pagkukuhaan ng lakas. Hindi mapigilan ng dalaga na maluha at masaktan sa kanyang sitwasyon ngayon. Wala siyang kasiguruhan na magiging masaya siya lilipatang bagong tahanan. Hindi niya rin alam kung ano ang magiging buhay niya sa piling ng kanyang inaama dahil hindi niya ito kilala at ni minsan hindi niya ito nasilayan at sadyang ngayon lang.

Ilang oras na nilang binabaybay ang kagubatan at tanging huni ng ibon at pagaspas ng dahon lang ang kanilang naririnig. Mapayapa ang kanilang paglalakbay hanggang makarating sa isang malaking tarangkahan.

May isa itong bantay sa itaas "Sino kayo?" tanong ng tagapagbantay

"Lulan ng karwaheng ito ang inaanak ng alkalde na si Zafira Hydra Luvdale" sagot ng aming kotsero

Tumango ang tagapagbantay at binuksan ang tarangkahan "Maligang pagdating sa bayan ng Perrigrines mga panauhin!" maligayang bati nito

Nagpatuloy ang aming karuwahe at binaybay naman makipot na daan na pinapalibutan ng palayan. Dumungaw ang dalaga sa bintana at nakita niya ang masisipag na magsasaka at mga luntiang palay. Namangha ito at napangiti dahil sa nakita. Ngayon niya lang kasi na silayan ang mga ganitong tanawin dahil lumaki at namulat siya sa bayang may matatayog na gusali at maiingay na lansangan. Ilang minuto nilang binaybay iyon hanggang makarating sila sa may maraming samot saring punong kahoy. May nakita rin siyang mga tao na pumipitas ng mga bunga nito. Nasiyahan na naman ang dalaga dahil sa kanyang nasilayan.

Pagkalipas ng ilang oras, naaninag na nila ang malaking tarangkahan na may nakaukit na Perrigrines sa itaas. "Maligayang pagdating sa mansyon ng Perrigrines mga panauhin" bati ng tapagbantay sabay bukas sa tarangkahan.

Pumasok ang kanilang karwahe at huminto sa napakalaking kulay kremang mansyon. Pinagbuksan ng isang utusan ang karwahe at tinulungan siyang makababa. "Maligayang pagdating binibini" bati ng isang may edad na lalaki sa nakangiti sa dalaga "Ako si Ginoong Mordred Witchester, ang mayordomo ng mansyon."

"Ako naman si Zafira Hydra Luvdale." pagpapakilala ng dalaga

Tumingin ang dalaga sa mga nakahilirang utusan "Maligayang pagdating binibini!" nagagalak na bumati sa dalaga

"Nasa salas ang iyong inaama binibini" sabi ng mayordomo

Tumango ang dalaga at muling ngumiti sa mga utusan. Pagkatapos ay sinundan niya ang mayordomo.

"Binibini napakaganda ng mansyon ng iyong inaama!" namamanghang saad ni Lhacerta sa dalaga

"Tama kayo nanay. Tunay na maharlika ang aking inaama." saad din nito

Habang naglalakad sa pasilyo, nakaramdam ng kaba ang dalaga dahil hindi niya alam kung may busilak na puso o masamang ugali ang kanyang inaama. Napagtanto rin ng dalaga na tama ang sinabi ng kanyang nanay. Napakaganda ng mansyong kanyang tutuluyan. Kung tutuusin, mas malaki pa ito sa kanilang mansyon. May magagara itong muwebles at mamahaling kasangkapan.

Sa dulo ng pasilyo may malaking pintuan at doon sila pumasok. Linibot niya ng tingin ang kabuuang silid hanggang huminto ito sa lalaking nakaupo sa sopa. "Mahal na alkalde, andito na ang iyong inaanak" saad ni Ginoong Mordred

Tumangin ang lalaki sa kanilang gawi na may seryosong wangis. Nakadisenteng damit panlalaki ito at may presensyang makapangyarihan. "Maligayang pagdating sa mansyon ko, Hydra" bati nito

Na gulat si Zafira dahil tinawag siya nito sa ikalawang pangalan. Wala pa kasing tumatawag ng ganoon sa kanya kaya naninibago siya.

"Nagagalak po akong masilayan ka inaama" saad ng dalaga sabay mano

"Ako po pala si Ginang Lhacerta Exxays, Ginoo. Tagapaglingkod ako ng binibini." saad ni Lhacerta

Tumango lang ang alkalde at naglakad palabas ng silid. Tumungo ito pakanluran at umakyat sa pangalawang palapag."Dito ang salid aklatan" sabi nito at tumingin ang dalaga sa loob. May maraming itong salansanan na may ibat ibang libro at mayroon ding lamesa at upuan. "Sa tapat nito ay ang pribadong silid aklatan at ako lang ang pwedeng pumusok sa naturang silid. Maliwanag?" tanong nito

"Opo" sagot ng dalaga

Nagsimula na namang maglakad ang alkalde at tumungo pabalik sa unang palapag. "Dito naman ang silid-kainan" saad nito sabay bukas sa isang pintuan. Bumungad ang isang mahabang magarang lamesa na may bulaklak sa gitna. "Doon naman ang kusina."

Naglakad naman ang alkalde at tumungo pasilangan. "Nandito ang iyong silid-tulugan Ginang" sabi sabay turo sa  pangalawang silid.

"Halika na binibini. Natitiyak akong magkatabi lang tayo ng silid-tulugan."

"Hindi. Nasa dulo ng pasilyo ang kanyang silid-tulugan. Halika na Hydra, igigiya kita sa iyong silid" seryoso nitong saad

Tumango ang dalaga at sumunod sa inaama. Pakipot nang pakipot ang pasilyong kanilang tinatahak hanggang makarating sila sa dulo at may nag-iisa itong pinto na kulay lila. "Ito ang iyong silid-tulugan. Pumasok kana at pagpahinga dahil natitiyak akong pagod ka sa inyong paglalakbay."wika ng alkalde

Tumango ang dalaga "Maligayang gabi, inaama"bati nito sa papalayong inaama

Napabuntong hininga ang dalaga dahil sa may hindi kaaya-ayang asal ng kanyang inaama. Masyado itong seryoso at pormal na nakakatakot ang kanyang pananalita. Pano kaya siya mabubuhay pag ganoon ang kanyang makakausap araw-araw?

Sa tingin ko, hindi nalang ako magbubukas ng usapan sa kanya para maiwasan ko na matakot

Tumungo na sa kanyang silid-tulugan ang dalaga. Namangha ito dahil sa kanyang nakita. Maganda ang kanyang silid-tulugan kasi mayroon itong malambot na malaking kama, may maliit na patungan ng kagamitan sa gilid at may magagandang muwebles. Tumalon kaagad ang binibini sa kanyang malambot kama at nagpahinga.

Author's POV

Hi guys! Ito yung kauna-unahan kong story na bad. Hehehe

Sana magustuhan niyo

Please Vote and Comment

November 11,2019

Nagmahal Sa Maginoong ManyakWhere stories live. Discover now