Kabanata 14:Panliligaw

380 8 0
                                    

"Anong gagawin ko?" tanong ni Sextans sa gago niyang kaibigan

"Madali lang naman ang gagawin mo" anito "Pumunta ka lang sa labas ng silid-aralan nila tapos kumanta. Ako na bahala sa gitara. Maliwanag?"

Tumango lang siya kahit napipilitan kasi gagawin niya ang hindi niya ginawa sa buong buhay niya. Marunong siyang kumanta pero wala pang nakarinig na kumanta siya pero ngayon, kakanta siya sa harap ng taong mahal at sa harap ng maraming tao. Kakayanin niya para sa taong mahal niya.

Pumunta na siya sa harap ng silid-aralan ni Zafira kasama si Alucard na may bitbit na gitara. Kinakabahan siya at pinagpapawisan siya ng malamig dahil sa kaba.

"Sigurado ka bang gagawin mo to?" tanong ni Alucard sa kanya "Ako nga na kaibigan mo hindi nakarinig na kumanta ka tapos ngayon kakantahan mo sa harap ng maraming tao si Zafira!? Tukmol ang swerte niya!! Mapapasana all ka talaga!"

"Walang imposibleng gawin basta mo si Zafira na ang pag-uusapan" aniya

"Ayieeeee nagbibinata ka na talaga Tukmol!" sigaw nito

"Tumahimik ka nga diyan" saway niya "Magsimula na tayo" tumango si Alucard at nagsimula na siyang kumanta

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako


Nadagdagan ang kaba niya ng lumabas si Zafira at gulat na gulat na makita siyang kumakanta

At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag ibig
Natin na magtatagal

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon (Mula noon)
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako


Lumapit siya at hinawakan niya kamay nito. Bakas sa mukha ni Zafira ang saya at kilig kaya napapangiti siya habang tinitignan ang dalaga.

At ngayon, nandito na
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
'Di ka na mag-iisa
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Mula noon
Hanggang ngayon
Mula ngayon
Hanggang dulo
Ikaw at Ako


"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong nito

"Nanghaharana ako sayo, hindi ba halata?"

NAKATIKOM parin ang bibig ni Zafira dahil sa pagkabigla. Akala niya hindi niya seseryosohin ni Sextans ang sinasabi niyang panliligaw pero ngayon, nasa harapan niya ang binata na kumanta at sa harap pa talaga sa maraming tao.

"Ang swerte mo Zafira kasi ikaw lang kinatahan ni tukmol sa harap ng ibang tao. Tsaka alam mo, maski ako hindi ko narinig na kumanta yan" sabi ng naggitara na katabi ni Sextans at mukhang matalik na kaibigan ang dalawa

"Talaga?" tanong niya

Tumango-tango lang ang lalaki at tignan niya si Sextans ngayon na papalapit sa kanya. "Oo kumakanta ako pero hindi ko pinapangalandakan iyon at hindi ako kumakanta sa harap ng tao pero heto ako ngayon, kumanta sa harap ng taong mahal ko na sinaksihan ng maraming tao" kinuha ni Sextans ang kamay "Tinulungan ko ang isang babae na hindi ko na nagawa sa buong buhay ko, hindi ako lumayo sa iyo, ikaw ang pinakamagal na nakasama ko na babae maliban sa walang hiya kong ina, ikaw ang nagpalambot sa mala bato kong puso, ikaw ang nagpatino sakin at higit sa lahat, ikaw ang babaeng minahal ko ng lubos. Zafira Hydra Luvdale, mahal na mahal kita"

Napaluha si Zafira dahil sa tuwa at dahil kay Sextans naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. "Mahal rin kita Sextans Pornue" aniya

"Ibig bang sabihin niyan, tayo na?" tanong ng binata at tumango siya

Sumigaw ng malakas si Sextans at bakas na bakas sa mga mata ang kaligayahan. Natatawa rin siyang tinignan si Sextans dahil iba ito kung kinikilig. Nanbubugbug. At alam niyo kung sino ang binubugbug nito? Alang iba kundi ang kaibigan nito. Tawa lang ng tawa si Zafira hanggang linapitan siya ni Sextans. Sinakop ng dalawang kamay nito ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo pababa sa ilong hanggang sa labi pero bago lumapat ang labi nila sa isa't isa may biglang sumigaw sa gilid.

"Pinapatawag ka inaama mo na nasa opisina ng punong-guro" napalingon kaagad silang dalawa ni Sextans sa sumigaw

Hindi na nagdalawang isip s Zafira na tumakbo papunta sa opisina at hindi na siya nakapagpaalam dahil alam niya kung gaano ka tigre kung magalit ang inaama kung nagagalit at alam niyang magagalit ito kapag nahuli siya. Nabigla siya pagdating nito at hindi niya alam kung bakit ito nandito.

Nasa harapan na niya ang pintuan ng opisina ng punong-guro kaya dahan-dahang siyang pumasok. Kaagad niya nakita ang dalawang Ginoo na seryosong nag-uusap kaya tumikhim siya para makuha ng atensyon nito. Napalingon naman sa kanyang direksiyon ang dalawang Ginoo.


"Andito na pala siya" sabi ni Ginoong Bedivere


Dumiretso siyang pumupo sa gilid ng inaama niya. "Masaya akong masilayan ka inaama"


Tumango lang ito habang seryoso parin ang mukha "Anong relasyon ni Sextans?" diretsong tanong nito




Hindi na siya nagulat dahil alam niyang kalat na sa buong unibersidad ang relasyon nilang dalawa ni Sextans. "Kasintahan ko na po siya" sagot niya


Kumunot ang noo nito at mukhang galit kaya kinabahan na si Zafira "Kung ganoon, kailangan mo ng bumalik sa mansyon" anito na ikinagulat niya


"Pero inaama, hindi pwede!" aniya


"At bakit?"



"Kasi nag-aaral na po ako dito at masaya na ako rito" sagot niya


"Masaya? Masaya ka sa anak ng pumatay ng mga magulang mo?"napatingin siya sa kanyang inaama



" A-anong pong ibig niyong s-sabihin?" nanginginig ang tuhod at labi niya at pinipigilan niyang pumatak ang luha niya. Alam niyang hindi iyon ang katutuhan at nagsisinungaling lang ang inaama niya pero paano kung tama ito?

Nagmahal Sa Maginoong ManyakNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ