ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

By prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16-Last Part

Chapter 5

255 9 0
By prettywicked84

Isang linggo na ring hindi nagkikita sina Sidrick at Kimberly. Malimit na lang kasi siyang gumimik ngayon dahil nagkaroon na rin sa wakas ng panahon ang kuya niya sa kanya. Nasa mansiyon nila ito buong linggo dahil break daw nito para sa sarili pero nataon naman na wala ang ama at na sa New York. Alam niyang nag iiwasan ang mga ito.

           

            Nabalitaan naman niya galing kay Ferlyn na laging nag uupdate sa kanya ng tungkol sa laging away nila ni Walter, na lagi daw sumasabay sa mga kaibigan sina Sidrick. Pero ang kinabigla niya ay ang balitang lagi daw magkasama sina Marie at Sidrick ngayon. Hindi na siya nagtaka dahil pareho ang kursong kinukuha ng mga ito kaya natural lang na may subject na magkaklase sila. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may nararamdaman siyang paghihinayang. Masaya siya para sa kaibigan but something is disturbing her system. Simula ng kumain sila sa pancake house ay iniwasan na niya si Sidrick. Nagpalit nga siya ng number para hindi siya makontak nito.

           

            Palabas na siya ng campus ng may biglang humila sa kanya. Magtataray na sana niya ng makilala niyang si Sidrick iyon. Kumakabok ang puso niya ng makita ang nakakunot na noo nito na nakatingin sa kanya, hindi pa rin binibitawan ang braso niya.

            "Iniiwasan mo ba ako Kimberly Grace?" agad na tanong nito.

            "Hi. Ginulat mo naman ako," pilit ang ngiting bati nya rito. Nag iinit kasi ang pakiramdam nya habang hawak pa ng binata ang braso. "Bakit naman kita iiwasan Mr Sidrick? Bakit mo naman naisip yun? And pwedeng bitiwan mo muna ako dahil pinagtitinginan na po nila tayo."

            Napabitiw ito sa kanya at nakapamulsa ng harapin ulit siya. "At binalik mo talaga sa kin ang tanong ha. But why do I have a feeling na iniiwasan mo ako. Binigyan mo ako ng cell number mo but I can’t reach you. Tuwing itatanong ko naman sa mga kaibigan mo iniiwasan nila ang tanong ko. Now tell me, hindi ka ba umiiwas?"

            Natahimik na lamang siya sa mga sinabi nito. Nag iisip kung ano ang isasagot niya sa binatang mukhang hinihintay ang isasagot nya.

            "Well naging busy lang talaga ako this past few days Sid. At saka yung tungkol sa number pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sayo na I've change it. Hindi ko naman alam na hindi ka pala nila binigyan." sabi ni Kim hoping na tatanggapin ito ng binata.

            Napabuntong-hininga na lang ito. "Okey palulusutin ko yang rason mo ngayon. But first give me your phone," naguguluhan man ay binigay pa rin nito ang phone sa kanya. Dali-dali niyang dinial ang number nya sa phone ng dalaga at isinave nito at inabot ulit rito. "There, I've save my number in your phone and your number in my phone. Siguro naman hindi na masisira ang sim mo next week diba?"

            Napapailing na lng siya sa sinabi ng binata. Napangiti na rin ito.

 "Sorry na po. Eh balita ko naman lagi kayong gumigimik ng mga katropa ko na katropa  na rin pala ninyo. Binibida nga sakin lagi ni Ferlyn ang mga escapades ninyo eh."

           

            "Yah, but going out with them is not the same pag kasama ka," pilyo ang ngiting sabi nito na nagpasingkit sa singkit na nitong mata.

           

            Nabigla man sa sinabi ay hindi na niya pinahalata rito. Baka nga totoong me gusto ito sa kanya gaya ng madalas na conclusion ni Ferlyn na napatunayan na raw nito pagpumapasyal sila dahil lagi raw siyang hinahanap nito.

            "Naku binola mo pa ako Mr Sebastian. But Im happy na naaalala mo pa rin ang presensiya ko kahit nandiyan ang makukulit kung mga kaibigan," pangiti niyang sagot. Biglang tumunog ang phone niya at sinagot niya ito sa harap ng binata.

            "Hi there. Nasa labas ka na ba?" tanong niya sa tumawag at napansin niya ang pagkunot ng noo ni Sidrick. " Yah, palabas na ako. Me kausap lang ako saglit I'll be there in a minute. Yes, yes I know. I'll hang up. See yah."

            Hinarap na niya si Sidrick para magpaalam. Parang bigla yatang nag iba ang timpla ng mukha nito. "I guess may lakad ka ngayon at may naghihintay sa yo sa labas right?"

            "Yes there is and kanina pa raw siya nasa labas. So paano ba yan sa susunod ulit ha. You have my number diba? Okey ka na siguro don right?" paalam niya rito. " I really have to go Sid and it’s nice to see you again."

            "Well ano pa nga bang magagawa ko. Looks like your boyfriend is outside right now. Ingat ka Kim," sabi na lang nito na mukhang napagkamalan pang boyfriend niya ang kausap na hindi na lamang niya itinama. Mas mabuti na rin sigurong mapasok sa isip nito na taken na siya.

            Paglabas niya sa gate ay nakasandal ang kuya niya sa labas ng kotse nito with all the disguise outfit mula sa bullcap, sunglasses hanggang sa rugged shirt at pants nito.           Napangiti siya, kahit ano yatang disguise ng kapatid ay gwapo pa rin ito sa paningin niya. Paglapit niya rito ay niyakap niya ito sa baywang na kinagulat nito. Mukhang nakapikit ito at sinusubukan atang matulog habang hinihintay siya.

           

            "Hello there handsome. Pwede ko bang makita ang mukha mo," pangungulit niya rito na pilit tinatanggal ang sunglasses nito.

            "Ano ba sweetie? Gusto mo bang magkagulo ang buong St Michael dahil sa kin. Will you stop it?" sabi ni Klark. na iniiwas ang mukha sa kapatid. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nagtxt sayo na sa labas mo na ako hintayin. Which is kabaliktaran dahil ako pa ang naghintay sayo."

            Pinamaywangan niya ito. "Eh sino naman kasing me sabi sayo na lumabas ka ng kotse. You could just wait inside. Gusto mo lang atang mapansin ng mga tao rito eh."

            Ginusot nito ang buhok niya. "Tsk, pahinga ko nga ngayon diba? No exposure na muna para sakin. Baka magpanic ka pag nakita mung pinagkakaguluhan na itong kapatid mo," pagyayabang nito na hinimas-himas ang baba.

            "Yabang nito. Tara na nga. Im hungry kuya. I need a treat," demand niya rito.

            "Then hop in. Mukhang matsi-tsismis ka bukas sa buong campus ah. Pinagtitinginan na nila tayo. Baka akala ng mga yan boyfriend mo ang sumundo sayo. Hindi ba nila alam na kapatid mo si Klark Mendez, latest endorser ng Printshoppe ngayon?" hindi pa rin tumitigil na sabi ng kuya niya. Ang Printshoppe ang pinakasikat na clothing brand ngayon sa Pinas at latest endorser ang kuya niya. Mendez naman ang gamit nitong apelyido bilang screen name nito.

            "Enough Mr Asuncion. Ayokong pagkaguluhan ng mga loka-loka mung fans. Paano na lang kung nalaman nilang ako ang kapatid mo baka hanggang sa bahay ay hindi na ako tantanan ng mga yan. I hate limelight alam mo yan. Kaya umalis na tayo. Gutom na ako," sagot niya sa kapatid at sumakay na sa kotse nito. Ito mismo ang nagmaneho ng sasakyan dahil baka daw makalimutan na nito kung paano magdrive.

            Parang tinadyakan bigla ang dibdib ni Sidrick ng makita ang lalaking niyakap ni Kim. Anung saya niya ng makita niyang makakasalubong niya ang dalaga na palabas na ng campus kaya walang pag aatubiling hinila niya ito. Magmula ng nailigtas niya ito ay naging malapit na rin siya sa mga kaibigan nito. Pero kasabay noon ay ang parang pag-iwas nito na kadalasan ay ginagawan naman ng palusot ng mga supportive friends nito. Kaya hindi na niya napigil ang sarili ng makita niya ito. He really missed that face of her. Hindi pa man siya gumagawa ng move rito ay parang nabasted na siya sa pag-iwas nito.

            At ngayon niya napatunayan na may basehan naman pala ito. How idiot he can get na hindi man lang niya natanong sa mga kaibigan kung available pa ba ito. And that guy is handsome, bagay na bagay sila ng dalaga na lalong nag pasakit ng loob niya. Parang gusto niyang magwala sa nararamdamang galit.

            Nabigla pa siya ng may tumapik sa balikat niya. Sisinghalan na sana niya ito ng nalingunan niya si Marie. He knew the girl has something for her. Hindi naman siya manhid para hindi yun mahalata. Alam niyang mabait si Marie at may pagkaconservative. Noong una ay sobrang tahimik nito pero ng lumaon ay nakikisabay na rin sa mga kwentuhan nila. Kahit sa mga subjects nila ay napansin na niya ito dahil matalino ito sa klase. Kahit sinong lalaki ata ay magkakagusto rito kung gugustuhin lang din naman. But his stupid heart is beating for that girl na tinatanaw pa rin niya hanggang ngayon.

            "Hoi sinong tinitingnan mo riyan? Kanina pa kita napansin ha nasa kabilang side lang naman ako, kaway ako ng kaway sayo hindi mo naman ako pinansin," sabi ni Marie sa kanya na hinahanap ang tinitingnan niya.

            "Wala naman. Nag-iisip lang ako ng magandang gawin bago umuwi. Me lakad sana kami nila Gary at Walter ngayon pero parehong nagcancel yung dalawa. Uuwi na lang siguro ako. Ikaw saan ka pupunta?" sabi niya rito para hindi nito mapansin na nakatingin siya kina Kim.

            "I saw Kim awhile ago. Nakita mo ba siya?" tanong nito.

            "Yah, pero mukhang nagmamadaling umalis eh may sundo ata," bitter na sagot niya.

            "Kaya ka highblood jan kasi you saw her with someone," seryosong sabi nito sa kanya. Isa iyong pahayag at hindi patanong na pagkasabi na para bang alam na alam nito ang nararamdaman niya.

            Napatanga siya kay Marie and parang naguilty siya ng makita ang lungkot sa mga mata nito na dagli ring ngumiti sa kanya. He smiled back at hindi na lng sumagot.

            "San ka nga pala pupunta? Hindi mo yata kasama si Jean ngayon ah," pag iiba ni Sid sa usapan.

            "May usapan kasi kaming magkikita sa mall ngayon. May hinahanap kasi kaming libro para sa anatomy namin."

            "Ganun ba. Hatid na kita. On the way ka naman eh."

            Hindi na ito tumanggi ng ihatid niya ito. Pagdating sa labas ng mall ay naghihintay na ang nakabusangot na si Jean sa labas.

            "Baba ka kaya muna. Tingnan mo naman si Jean parang galit na sa kakahintay sakin. Cge na please, pag nandiyan ka mawawala na agad ang galit niyan," kumbinsi ni Marie sa kanya.

            Dahil nahihiya siyang tumanggi kay Marie ay bumaba na rin siya ng kotse. Paglapit nila kay Jean ay magtatalak na sana ito ng mapansing nasa likod ni Marie si Sidrick. Tumakbo pa ito para salubungin ang binata.

            "Hello fafah Sid. Buti na lang nasamahan mo itong bruhang to kung hindi kinalbo ko na to ngayon," maarteng sabi ni Jean na nakaangkla na ang braso sa braso ng binata.

            "Hoi Mr JOHN, tigilan mo na nga si Sidrick. Nakakahiya ka kaya masyado. Hinatid lang ako niyan dito for your information," sabi ni Marie.

            "Ganun? At pwede ba, kelangan ba talagang ipagsigawan na John ako," nakataas ang kilay na sabi ni Jean. "Fafah, sama ka na samin wala ka na naman sigurong ginagawa ngayon diba? Your the boss in your company naman eh," sabi nito kay Sidrick.

            "Okey, okey.... Pero dapat ililibre nyo ako ha. Kakapagod kaya maglakad2x sa mall," nakangiti ng sabi ni Sid sa dalawa.

            Napahiyaw sa tuwa sa Jean at napangiti na lang si Marie. Masaya na silang pumasok sa loob ng mall. Habang tumitingin-tingin sila ng mga libro sa loob ng National Bookstore ay hindi napigilan ni Sidrick na buksan ang paksa tungkol kay Kimberly.

            "Jean, bakit nga pala hindi na sumasabay sa inyo si Kim," tanong ni Sid na tinitingnan ang librong hawak.

            Napatingin si Marie kay Jean na parang hinihintay din ang isasagot nito.

            "Hmmm I heard busy siya ngayon."

            "Yah, nakita ko nga siya kanina eh sinundo ata ng boyfriend," mababakas na naman ang pait sa boses ni Sid.

            Biglang nacurious si Jean sa sinabi ng binata. "Boyfriend? Si Kim, may boyfriend? Imposible. Hindi pa ata nagkakaboyfriend yun na hindi namin nalalaman. You must be mistaken Sid. Pwede mo bang idescribe sakin yung mukha ng guy?"

            Napaangat ang tingin ni Sid sa dalawa. Napatingin siya kay Marie na iniiwasan ang tingin niya. "Well, his good looking. I don’t know I saw the two of them in the parking lot kanina sa campus.”

           

            Napamulagat si Jean sa harap niya na parang nasorpresa. Tinakpan pa ang bibig sa pagpipigil na tumili. “O.M.G. Masasabunutan ko talaga itong si Kimmy. For sure that’s the super hot Klark your talking about. Oh my, oh my. Bakit hindi ko alam na siya ang sumusundo sa babaeng yun this past few days. Kakainis naman.”

           

            “So that’s her boyfriend?” tanong ni Sid na nakuha na ng tuluyan ang atensiyon sa sinabi ni Jean.

            “Of course not. Hindi mo ba kilala yun. Halika rito ipapakilala kita,’’ at hinila siya nito palabas ng bookstore. Itinuro nito ang isang poster sa labas ng Printshoppe na nasa tapad nila. “ That’s Klark you know. And…..”

            “That’s Kimberly’s fiancé,’’ putol ni Marie sa sasabihin ni Jean at tumingin ng diretso sa mata ng kaibigan na parang nakikiusap.

            Kahit gustong magprotesta at nagtaka sa sinabi ni Marie ay nanahimik na lang si Jean at parang pinararating sa kaibigan na kelangan nilang mag-usap pagkatapos niyon. Ngumiti lang ito sa kanya.

            Parang bombang sumabok sa harap niya ang sinabi ni Marie. Muli niyang sinulyapan ang poster ni Klark. So, kaya pala labis ang pag-iwas niya sakin at hindi siya masyadong open sa personal life coz she’s enganged. Naghihimutok na sabi ni Sid sa sarili. Im dead, Im really dead…

 ********

            Dahil na rin sa kahilingan niya ay napapayag niya ang kuya Klark na gumala sa mall. Gusto niyang maranasan naman nito kung paano mamasyal na walang kasamang crew at media. She missed mall hopping with him dahil natatandaan niyang elementary days pa ata ng huli silang namasyal ng kapatid. Noong panahong hindi pa inaagaw ng kasikatan ang kuya.

            Alam niyang nag-aalala ang kuya niya dahil ilang beses na itong nagtatanong sa kanya kung okey lang ba ang mall and she assured him na hindi siya makikilala dahil sa disguise nito.

            Kumakain na sila sa loob ng Yellow Cab Pizza, since pareho naman silang pizza at pasta lover ng kapatid at isa pa wala masyadong tao sa resto ng mga oras nay un.

            Pinili pa ni Kim ang table na malapit sa glass wall ng resto.Panay ang tawanan nila ng kapatid at kwentuhan.

            “I haven’t seen you writing Kim, hininto mo na ba yung hobby mo na yan?’’ tanong ni Klark bago isubo ang pizza.

            ‘’Paano mo naman makikita eh sa loob ako ng kwarto nagsusulat. And dahil wala naman akong kasama lagi sa bahay marami-rami na rin akong napapasang manuscripts sa publishing house but I guess they keep on rejecting them,’’ nalungkot niyang sagot rito.

            ‘’Baka naman kasi hindi nila nagustuhan yung mga kwento mo. As far as I know dapat marami kang experiences sa buhay to make a nice story and dapat na inlove ka na para alam mo ang mga nararamdaman ng character don.’’

            Napataas ang kilay niya sa kapatid. ‘’Is that you Klark Asuncion? Kelan ka pa naging interesado sa pagsusulat? Tapatin mo nga ako kuya, are you inlove? ‘’

            ‘’Hephep, ang galing mo talaga ano. Ibalik ba naman sakin yung sinabi ko. Bakit akong tatanungin mo? Of course Im in love with my millions of fans right now.’’

            ‘’Defensive ka masyado kuya, Im not talking about your million fans right now. But seriously, wala ka bang planong mag-asawa kuya or magka girlfriend, the serious one I mean.’’ Tanong niya rito. Alam niya kasing hanggang ngayon puro flings lang ang relationship ng kuya.

            ‘’Hanggang hindi ko nakikitang may nag-aalaga na sayo, hindi na muna ako mag-aasawa. I want you to be loved by the person you chose to love honey.’’

            Natouch siya sa sinabi ng kapatid. Napatingin siya sa labas ng mamataan niya si Jean. Tatayo sana siya ng makita ang nakasunod rito. Sina Marie at Sidrick na masayang nagtatawanan. Dala-dala ni Sidrick ang mga shopping bags ng mga kaibigan at sinusubuan naman ito ni Marie ng hawak nitong pagkain. Parang gusto niyang maiyak sa nasaksihan at nakalimutan niyang nasa harap niya ang kuya.

            Hindi na nga niya narinig ang iba pang sinabi nito. Nagulat na lang siya ng magsalita na ito ulit. ‘’Diba mga kaibigan mo yan Kim?’’

            ‘’Ha… Ah.. Ano yun kuya?’’ naguguluhan niyang tanong rito na bahagya lang itong tiningnan.

            ‘’Sabi ko diba si Marie at Jean yan. And sino yang kasama nila? Is that Marie’s boyfriend?’’

            ‘’Of course not,’’ napalakas ata ang pagkasabi niya dahil nabigla ang kapatid. ‘’Sorry, I mean kaklase nila sa Medicine yan.’’

            ‘’Why don’t we invite them over. Come on call Jean, no, I’ll call him for sure matutuwa yun.’’

            ‘’No kuya, stop. Mukhang busy naman kasi sila eh baka me mga plano na silang lakad ngayon,’’ pigil niya rito. She could not afford another heartache at this moment. Pero mukhang wala talagang pakialam ang kapatid dahil kausap na nito ang kaibigan niyang bading sa kabilang linya.

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
26.2K 848 20
Hindi katulad ng ibang bata ay may kinilalang ama o kumpletong pamilya pero siya ay lumaking walang kinilalang ama dahil namatay ang kanyang ama sa s...
121K 2.5K 25
TEASER: Si ZACK,mabait at mapagmahal na binata. Natutong umibig sa babaeng pag-aari na ng iba. At natuto ding magparaya para lamang sa kaligayahan ng...
103K 2.3K 42
Matagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong...