Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ııı | ɬгєʂ

2.8K 376 548
By Exrineance

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Father emphasized, his emerald eyes darkening as it stares at me, "But I'm not requesting anything. As the head of our household and as your father, I give you this command."

Naririnig ba niya ang kanyang sarili? Inuutusan niya akong magpakasal sa hindi ko naman mahal! Pinipilit niya akong nagsinungaling sa harap ng Diyos!

Sa lahat ng bagay na hindi namin napagkakasunduan ni Dad, ang paksang ito ang laging puno't dulo ng malalala naming pagtatalo.

Wala akong pakialam sa nakaraan, hindi na namin mababago 'yon. Kahit anong gawin ng pamilyang 'to para maibalik ang maharlika naming antas sa buhay, hindi nito mababago ang katotohanan na wala na ang dugong pinahahalagahan nila sa aming ugat.

Hindi ako tulad ng kapatid ko na kayang maging sunud-sunuran sa batas ng pamilyang ito.

Subalit kahit gusto nang kumawala nang lahat ng hinanakit dito sa aking puso, pinili kong kalmahin ang aking sarili. Hindi maganda na galitin si Dad ng sobra.

I put my head on the floor and begged my father, "Please know that I will do as you say, with the exception of this. I'm already in love with someone. Chichiue, I will take him and no one else."

Narinig kong tumayo si Dad at ibinato ang basong may lamang sake — isang inuming nakalalasing na gawa sa pamamagitan ng pagbuburo ng bigas na pinuhan upang alisin ang mga talupak — sa espasyong pagitan namin ni Mom.

"Ottosan!" pigil ni Mom kay Dad at sinubukang tumayo.

"Damare! Kono baka!" Dad gave a raucous shout. All Mom could do was take her seat again and stare at the ground. (Shut up! This fool!)

"Was it not my directive for you to avoid dating anyone while you were in the Philippines? What a woman you are! Following the death of the imperial princess, our clan has been unable to conceive a daughter. Not a single one at all! None up until your birth! You are a blessing to us! It is truly an honour for you to be the one leading our family back to our rightful place. And yet you were so bold as to enter into a romantic relationship with an average person?" with a furious expression, Father glared at me with his quivering index finger.

Sa aking mga narinig, hindi ko na napigilang sumabog.

Paulit-ulit na naman ang bibig ni Dad tungkol diyan sa royal blood quest ng family namin. Hindi ko talaga maatim na pati ang aking buhay-pag-ibig ay kailangan i-ayon rin sa batas ng aming pamilya.

"Yuan is not your average person! He is a wonderful man and a devoted partner. When you meet him, Chichiue, you'll realize this. Give him a chance, you won't be disappointed," I shouted and then stood up.

Marahil ganito ang pananaw ni Dad sa kasal dahil sa kanyang karanasan. Subalit iba ako kay Dad, at naiiba ako sa pamilyang ito.

Kung ano ang ninanais nila ay aking gagawin, at sana kung ano rin ang gustuhin ko'y kanila ring tanggapin. Ngunit kung hindi kami magkakasundo ay hindi ko ipagpipilitan sa kanila ang aking iniibig.

Ako ay may kalayaang magdesisyon para sa aking sarili. Lahat ng nilalang sa mundo ay may karapatang manindigan sa kung ano ang pinaniniwalaan nila. Kaya nirerespeto ko ang mga kagustuhan ng aking pamilya, ngunit hindi nila kayang baguhin ang katigasan ng aking ulo.

Ang gusto ko ang aking susundin. Sapagkat akin ang buhay na ito. Ako ang bangkero na naglalayag ng sarili kong buhay.

"Besides, we belong to the modern generation. These antiquated customs are no longer essential. I genuinely love Yuan, and I sense that he feels the same way about me," I said, making sure to speak clearly enough for my father to understand.

Nakayukom ang mga kamay ni Dad at halatang pinipigilan niyang magalit ng husto. Samantalang nananatiling nakaupo si Mom sa isang tabi.

Father chuckled to me as he walked up to me, saying, "Who are you, that you believe you are? Think I'll allow you to wed this Yuan guy?"

"Sannen mae, anata wa watashitachi no kake o omoidashimasu ka? Anata wa ima anata no kotoba o kowasu tsumoridesu ka?" I responded with mockery, bringing up the previous event. (Three years ago, do you remember our wager? Are you going to break your words now?)

He is my father, and I am his daughter. I'm capable of doing anything he can.

Dad laughed and grinned at me, as though he hadn't been so serious earlier.

"I remembered, of course. That was when you started to retaliate against me. The moment I realised you were my child and that you were my reflection. Nothing can stop my daughter from fighting back, not even with her own blood," Dad said something, and I'm not sure if that's a compliment or an insult.

"I won't lose, but I will accept that you have won. All I'll do is accept that wager under one proviso. You already know what it is, I'm sure of it. But allow me to enjoy myself. After all, isn't it monotonous to play and then be eaten right away?" Father looked at my eyes mockingly, like a hawk sizing up its prey.

Once I had inhaled deeply, I asked, "Sorehanandesuka?" Dad returns to his chair and motions for me to take a seat. I took a seat in seiza after following him. (What is it?)

Kailangan kong kumalma. Ayoko na masyadong ginagalit si Dad. Isa pa, hindi pa lumilipas ang ilang araw e magka-away na kami. Malukungkot si kuya nito kapag nagkagano'n.

"Aria, I'm your father. All I want is what's best for you. Please don't interpret what I did as me taking control of your life and your brother's. I know you'll understand when you become the head of our family. Like you, I once experienced love and had to defend the woman I was in love with from my parents. Chasing after her for all of eternity, but ultimately in vain. I've already learned my lesson, and when the time is right, so will you," Dad gave me some advice in a caring manner. And for that reason, I find him to be simultaneously hateful and loving.

I know. Alam ko na maraming pinagdaanan si Dad kaya kahit anong sakit ang ginawa niya sa akin, hindi ko magawang magalit ng tuluyan sa kanya.

Father studied my reaction and asked inquisitively, "As I mentioned earlier, if you succeed me, I will grant your brother's freedom. However, an even bigger stake struck me. Are you curious to know?"

I raised both of my eyebrows and asked, "What?"

"You will succeed me rather than your brother if you marry whoever I choose for you, without raising any objections. As my heir, you will also serve as the lady of the house," Dad took a moment to pour himself a glass of sake, "Alternatively, you could wed the Yuan you adore, in which case your brother would take my place and you two would reside here. Atsuya runs the hospital, you will oversee the residence. Those are fair stakes for us both, are they not?"

Hindi siya nakatingin sa akin at nananatili ang kanyang mata sa basong may lamang sake. Bagamat sinalinan ni Dad ang baso, hindi niya iniinom ang laman nito. Nakangiti lamang siya na tila ba may ibang nakikita.

Hindi ko mapigilang maikunot ang aking noo. Gaano ba niya ibig na sakalin kami ni kuya sa pamilyang ito?

"Select one of the two options, Aria, or you will squander your opportunity to defeat me. I won't be forgiving the next time," He went on, daring me to fall for his trick.

Can a father be so cruel to his children?

It is unduly harsh to tell me to be the lady of the house and then ask my brother to take over him. What makes him...

"Ottosan, dosureba Ariachan ni kareshi ni tekishite inai hito to kekkon sa seru koto ga dekimasu ka?" Mom questioned my father while feigning concern for me, even though she was unable to defend me before. (Husband, how can I make Aria marry someone who is not suitable for her?)

Dad, widening his eyes, turn at my Mom and glared at her.

Sa nakakasindak na tingin ni Dad, agad na tumiklop ang aking ina. Muli na naman siyang natahimik at nag-iwas na lang ng tingin.

Ramdam naming dalawa na galit na si Dad pero nagawa pa ring magsalita ni Mom. Hindi tulad ko, madaling mabahag ang buntot ng aking ina. Kaya 'di ko alam kung kanino ako nagmana e.

"Bakana! Do you think I'll give in to her wishes? Aria must get married, so she will! Even with you, do I need to explain things?" Dad pointed out that he was almost furious.

Sa madaling salita, ikakasal ako sa isang makapangyarihang Japanese official. At kapag napalitan na ang apelyido namin, kokontrolin niya ang kapatid ko upang magkaroon ng sapat na kapangyarihan para makamit ang kasarinlan sa aming pamilya.

Wala akong masagot. Hindi kayang intindihin ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Dad. Mula sa pagtutol niya sa relasyon namin ni Yuan, hanggang sa sapilitang pagpapakasal ko sa ibang tao, 'di ko na kayang intindihin ang intensyon ni Dad.

"Ryoshusama, homonsha ga tochaku shimashita," anunsyo ng jochu na nasa labas na siyang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming tatlo ni Mom at ni Dad. (Your Lordship, the visitors have arrived.)

"Shitsureishimashita," pagpapaalam ko sa kanila at mabilis na tumayo't yumuko. (Excuse me.)

Ang manatili pa sa apat na sulok ng silid na ito ay hindi ko na matitiis pa. Mabuti na lamang at may dumating na bisita. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis sa lugar na ito.

Agad akong tumalikod kay Dad. Nararamdaman ko ang kanyang mga mata na nakatuon sa akin, ngunit ayoko nang mag-aksaya pa ng oras na kasama sila.

Father continued, saying something only I could understand, "I'll give you some time to think about your marriage, but keep in mind that I won't put up with much more of your antics."

Nagtuluy-tuloy lamang ako sa paglalakad. Gusto kong makalayo sa lugar na iyon. Hindi ako makahinga. Sampu, dalawampu, hindi ko na nabilang kung nakakailang hakbang na ba ako. Basta akin lang ipinagpatuloy ang paglalakad ng walang layon hanggang sa namalayan ko na lamang na nakapasok na ako sa aking kuwarto. Kinandado ko ang pinto, dumiretso sa kama at humiga.

Alam ko kung gaano ka-importante na maibalik sa kapangyarihan ang angkan namin. Ang aming angkan na mahigpit nilang pinaniniwalaang may maharlikang antas. Pero dahil sa pagsasalinlahi ng aming mga ninuno sa dayuhan, unti-unting napalitan ang maharlikang apelyido namin ng mga banyaga ngalan.

Nababatid ko ang inanais nila, subalit hindi ako nakakapayag. Bakit ako? Bakit kailangan akong papiliin sa pagitan ng kapatid ko at ng aking nobyo?

Hindi ko namamalayang ilang oras na ang lumipas. Ilang beses na ring kumatok ng mga jochu sa aking silid para magtanghalian pero wala akong paki-alam. Napapagod ang aking utak at kalamnan, nababagabag ang aking dibdib, at napupuno ng ligalig ang puso ko. Gusto kong makita si kuya. Gusto kong mayakap si Yuan.

Determinado ako na palayain ang kapatid ko mula sa mahigpit na patakaran ng pamilya namin. Ngunit may parte sa puso ko na natatakot nang sumugal dahil ang kapalit nito ay ang kahihinatnan namin ni Yuan.

Hindi ko alam ang aking gagawin.

Tinitigan ko ang aking phone at sinubukang i-chat si Yuan.

Ayokong mag-alala si Yuan para sa amin. Kaya naman hindi ko na muna sinabi ang totoo at nagdahilan na lamang ako na masama ang aking pakiramdam.

Ilang minuto lang ang lumipas at nag-ring na ang phone ko.

"Moo, what happened? Anong masakit sa 'yo?" rinig ko ang pag-aalala niya mula sa kabilang linya. Boses pa lang ng mahal ko ay napapagaang na nito ang aking pakiramdam.

"Itong puso ko, ang bagal nang tibok kasi wala ka rito," paglalambing ko. Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Huwag kang mag-alala, ang bagal din nang tibok ng puso ko rito dahil nami-miss ka rin niya. Ilang buwan na lang naman, baka payagan na akong umalis pansamantala," pagpapaalam niya.

"Miss na kita, moo," at dahil kilala ako ni Yuan, mukhang nahinuha niya tunay kong nararamdaman nang akin 'tong sabihin dahil sumeryoso si Yuan.

"Ano bang nangyari? May problema ba? Kuwento mo sa akin, nangako tayong walang iwanan, 'di ba? Sa hirap at ginhawa," paalala niya na ikinangiti ko.

Dumapa ako mula sa pagkakahiga at bumuntong hininga bago ko sinimulang ikuwento kay Yuan ang nangyari.

Wala akong itinago. Nangako kaming magiging open sa lahat ng problema na darating sa amin. Personal man o involve ang relationship namin.

Yuan said, "This seems like a serious matter. I appreciate you telling me, moo," after I told him what had happened.

"Gusto ko na talagang pumunta riyan ng maaga, kung pwede lang ngayon gagawin ko na. Ayokong harapin mo ang problemang ito ng mag-isa. Tayo ang magkasama dito. Papatunayan kong karapat-dapat ako para sa 'yo. Hindi ko isusuko ang aking pagmamahal sa iyo. O gusto mo bang itigil 'to, Aria?" ang pinakanakakatawang tanong niya sa akin.

Dahil ayoko na maging seryoso ang usapan namin, kaya pinili kong gawing biro ang aming pag-uusap. Alam kong mahal ako ni Yuan. At ang pagmamahal niya ay hindi basta-basta matitinag.

Ramdam kong nag-uumapaw ang pagmamahal niya, na minsan ay nakapagpaparamdam sa akin na nagkukulang ako. Mayroon sa puso ko na hindi sapat, na parang may hindi tama. Ang mga bagay na iyon ang minsang nagpapaisip sa akin na hindi ako karapat-dapat para kay Yuan.

I questioned Yuan again in a lighthearted manner, "I always tell you that I do, don't you?" And I noticed that his eyes, which were already tired, widened in shock.

"What?" Yuan asked, his trembling voice showing through the speaker of my phone, "You mean you can give us up?"

Ibig kong tumawa dahil ang cute ng aking mahal. Siya ang may ganang magtanong sa akin kung ibig kong makipaghiwalay sa kanya. Tapos siya pa ang natatakot ngayon na baka seryosohin ko ang kanyang sinabi.

Gustong gusto ko tuloy pisilin ang kanyang pisngi.

I repeated, pausing to glance at my left hand, "I always say I do to you, isn't that right?"

Touching the ring on my left ring finger, I clarified, "Other than letting go of us, Yuan. You are welcome to ask me that question again, but I cannot promise that if you do, I will end our relationship. I cannot unravel your mark on me."

Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang buntong hininga niya.

"Huwag mo akong tinatakot ng ganyan, moo. Ramdam mo ba ang bilis nang tibok ng aking puso? Gusto ko lang 'to kapag nilalandi mo ako," pangongonsensya niya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang aking pagbungisngis.

Buti na lang at mukha ko lang ang nakikita ni Yuan. Dahil kung hindi'y mapapansin niya ang kilig ko sa pagpapadyak ng aking mga paa sa kama.

"Sorry. Alam mo namang mahal kita, 'di ba?" lambing ko kay Yuan bilang bawi. At parang ako lang din kanina, tumawa siya nang pagkatamis-tamis.

May narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon pinansin. Istorbo ang taong iyon. Naglalandian pa kami rito e. Bahala siya diyan.

"Moo, hintayin mo ako d'yan. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. Hindi kita iiwanan hangga't hindi mo sinasabi sa akin," paninigurado niya. Ngumiti ako sa narinig.

"Pinapatibok mo na naman puso ko," biro ko sa kanya. Narinig ko ang tawa ni Yuan kasabay ng katok mula sa pinto ng aking kuwarto.

Muli, pinagsawalang-bahala ko ang istorbo na 'yon. Walang makakapigil sa paglalandian namin ni Yuan ngayon. Kailangan ko 'to dahil 'sang damukal na hilahil ang aking naranasan kanina sa mga magulang ko.

"Pinapatibok mo rin kasi ang puso ko," balik niya sa akin. Narinig ko na naman ang katok sa pinto…

Dios mio! 'Di yata marunong makiramdam ang istorbong iyon. Wala na akong magawa kung hindi alamin na kung sino ba 'yon at putulin na ang pag-uusap namin ni Yuan.

"Usap na lang tayo mamaya, moo. Kanina pa may kumakatok dito. Gihigugma ko ikaw," paalam ko kay Yuan. Tumawa naman siya bago sumagot.

"Kapag malungkot ka, isipin mo lang ako at alalahanin mo ang sasabihin kong ito... Kaluguran daka, Aria," paalam niya bago putulin ang linya ng tawag.

Mahal na mahal din kita, kung alam mo lang.

Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang screen ng aking telepono, hanggang sa mamatay ito at lumitaw ang repleksyon ko rito. Napansin ko ang tamis ng aking ngiti.

Huminga ako ng malalim at humayo na sa pagkakadapa sa kama. Panahon na upang alamin ang istorbo sa aking buhay-pag-ibig.

Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang aking ina. Kahit 'di ko tignan sa salamin, nababatid kong nawala ang tamis ng aking ngiti.

"Aria," tawag niya sa akin. Bahagya akong ngumiti at binuksan nang malaki ang pinto upang makapasok siya.

Aga na naupo sa kama si Mom at iginiya akong umupo sa tabi niya. Sinunod ko siya.

I didn't want to hear it now, but Mom brought up the subject I thought she would, "Ariya, your father expressed his concern for you through the things he previously told you. I hope you will see that what we are saying is for your own benefit, even though I know you felt trapped and cornered by what he wanted to happen."

She shouldn't be telling me this. Although it disappoints me a little, I always have to consider her point of view. My mother and my father share the same ideals. Other than that, what can I expect her to say?

"Mom, akala ko na kakampi kita. Akala ko naiintindihan mo ang nararamda—"

Mother cut me off right away, saying, "Aria, please stop speaking to me in Filipino. Talk in English at the very least. Do you have any manners left?"

"What? Why? Tayo lang naman ang nasa kuwarto ko. Wala naman si Dad dito. Bakit hindi pwede? Mom, Pilipino tayo! We're not Japanese nor American. Sarili nating lengwahe 'to, pero hindi natin pwedeng gamitin?" ang nagpupuyos kong hinaing sa aking ina.

Naiinis na akong talaga. Simula nang napunta kami rito sa Japan, parang nawalan na kami ng kalayaan para sa aming sarili.

"You! You—!" Hindi naitinuloy ni mom ang sasabihin at pinakalma ang sarili, "You are required to follow us while you are under our care. Until Ariya comes back, you have no authority to disobey us!"

I turned to face her after getting up. It's unbelievable that my own mother is telling me this at this very moment. That means that since my memory doesn't return, I'm still at fault?

"I'm your daughter, Mom. I had an accident, but it wasn't my fault! What happened, how could you hold me responsible?" my screaming voice sounded raspy. At that moment, Mom got up and gave me a hug, as if she had realized something.

"Alam ko na mabuti ang intensyon n'yo para sa akin, pero hindi n'yo man lang tinanong ang aking gusto? Sinubukan mo bang malaman kung ano ang mararamdaman ko sa arrange marriage na ito? At kahit aking tanggapin ang nais ni Dad, alam at ramdam ko na iisang tao lang ang aking pakakasalan," panghihimutok ko kay Mom.

Gusto kong umiyak pero ayoko. Gusto kong ireserba ang aking mga luha kapag sa wakas ay nanalo ako sa taya na ito. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sa aking mga magulang.

"Ariya, just do as your father says. He won't let you wind up with the wrong person, I'm sure of it," I felt Mom hug me even more tightly after she persuaded me to do so.

Mom got up to say goodbye to me and then left my room.  I just gazed at my room's closed door.

I'm not sure what is morally correct, but I'm not going to back down. I chose both my brother and Yuan, and I'm determined to give my brother's freedom back, along with mine.

I'll manage to make it happen. Nobody has the power to alter my desires. Even my mum and dad.

Hindi naging maayos ang pagtulog ko kagabi. Ayaw mawala-wala sa isipan ko ang mga problemang ibinibigay ng aking mga magulang.

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin ng walk-in closet habang pinagmamasdan ang sarili kong inaayusan ng mga jochu.

5:00 AM palang ay nagising na ako sa mga katok nila. May pormal na pagpupulong daw na magaganap mamaya at kailangan ako ni Dad doon.

Habang tumatagal ay lalong hindi ko na nakikilala ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng navy blue na kimono na may design na white chrysanthemum sa dulong bahagi ng sodetake o 'yung mahabang sleeves ng kimono. Habang white naman ang color ng obi o 'yung belt ng kimono, na may navy blue outline na chrysanthemum na design. May tatlong maliliit na fake white chrysanthemum ang naka-hairpin sa naka-bun kong buhok.

Nakasuot din ako ng stripe navy blue and white na zori na isang wooden sandal at puting tabi na isang mahabang medyas.

"Nani ga okotte iru? Naze watashi wa seishikina hoho de kodo shinakereba naranai nodesu ka?" I asked while gazing at my maid in the mirror as she was fixing my hair. (What's happening? Why do I need to act in a formal way?)

"Tashikade wa arimasen, Ojousama. Tadashi, sunin no chumoku subeki gesuto ga izen ni arawaremashita," the jochu replied, having finished my hair. (We're not sure, Young Lady. However, a few notable guests showed up earlier.)

The other maids treated me in the same way, retreating and bowing for a brief period of time.

"Watashitachiha owatta, Ojousama," all of them told me at once. The jochu at the closest door then moved forward. (We're done, Young Lady.)

"Watashi ga anata o jushin horu ni michibiku yo ni shite kudasai," she motioned for me to leave. I turned to her and nodded after giving my reflection in the mirror some serious thought. (Allow me to lead you to the receiving hall.)

When I got out of my chamber, an abrupt sense of foreboding fell upon me. I remember what went on yesterday. I'm still unable to solve my problems. And now here we are once more, I can't help but be distressed as we stride down the corridors.

Tulad ng nangyari kahapon, may dalawang jochu ang naka-seiza sa magkabilang dulo ng pinto. Inanunsyo ng nasa kaliwa na naandito na ako at ilang saglit lang, narinig ko ang pagpayag ni Dad na papasukin ako.

Pagbukas ng sliding door, bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang pumasok.

Ang una kong nakita ay ang aking ama sa gitna ng bulwagan. Katabi niya si Mom. At saglit akong natigilan nang mapagtanto na hindi lang pala sila ang naroroon sa kuwarto. May ilang kalalakihan din na naka-formal attire at nakaupo ng seiza sa magkabilang gilid. Hindi ko makita ang aking kapatid sa kahit saang sulok ng bulwagan. Ang mga bisita ni Dad ay pawang mga nasa edad cuarenta hangang cincuenta na mga lalaki.

Ang kanilang tindig at ayos, mapapansin ang pagiging elegante at respetado nila. May hinuha ako na hindi lang sila simpleng negosyante.

Tumigil ako sa harap ni Dad — may tatlong hakbang ang layo sa pagitan namin — bago yumuko at bumati.

"Aisatsu, Chichiue, soshite minnasan," I greeted Dad with deference. I attempted to smile, but my lips stayed flat because I still couldn't get over what had happened the day before. (Greetings, Father, and everyone.)

Dad nodded and got to his feet. My father was staring at me with pride, as if we had never argued before. He appeared to be enjoying what was about to happen, as evidenced by the amusement in his eyes. I absolutely detest it.

"Minna, kiitekudasai. Anata ga watashi no musume ni naru mae ni koko ni," Father introduced me to the gentlemen. Dad paused and turned to face me, so I turned to face his guests and bowed. (Everyone, please listen. Here before you is my daughter.)

Their surprise and perplexity are audible to me. I understand why they responded that way.

The majority of people only knew that I existed, and they knew nothing more about me. They have no idea who I am or what my appearance is — all they know is that Mom and Dad have a daughter.

My brother brings great pride to my parents. I live in their shadow all the time, but he is their pride. I don't really care. Knowing that they love me, despite the times when I think they might not be proud of me, is enough for me.

Mula pagkabata ay ganito na ang turo ng mga magulang ni Dad sa kanya.  Kaya 'di na kataka-taka kung bakit astang hapon ang aking ama. Si Mom naman ay natuto lamang ng kaugaliang Niponggo nang makasal siya kay Dad.

Noong sinaunang panahon ay mas makapangyarihan talaga ang mga kalalakihan. Sunud-sunuran kaming mga kababaihan sa punong may bahay ng pamilya Marqueza.

"She is a contender to be my successor as well. She will undoubtedly live up to my high expectations of her and show you that she is capable of being on par with her brother," in Japanese, father made a firm announcement to them and motioned for me to take a seat next to him.

I just went with his flow, bowing once more. Despite his smile, my father's eyes are menacing, and I lack the will to confront him.

"Mom, nasaan si kuya?" pasimpleng bulong ko kay Mom upang hindi mahalata ng iba.

"He's in the hospital and will be there for some time," Mom whispered without looking at me.

My brother's constant absence from Kijin Manor made sense now. What I heard made me furrow my brow involuntarily. Despite not having assumed the role of official successor just yet, my brother is already heavily burdened with family duties.

"Gentlemen, I have gathered you here for more than just my daughter — a momentous event has occurred. I want to make something clear, and by doing so, the truth will come to light," Father said in a commanding tone. Once more, in Japanese.

Sumeryoso ang lahat sa tono ng boses ni Dad. Ang lahat ay tumindig at umayos ng pag-seiza. Sapagkat ngayon ko pa lang nakakasama si Dad ng matagal, sa inaasta nila, napagtatanto ko na kung ano ang katauhan ni Dad.

"Koko ni kite, Shinohara," Dad gave a command to one of the men. The others turned to look at this late-forties man right away. (Come here, Shinohara.)

Tipikal na itsura ng isang hapon. Ganyan ko kung ihambing ang lalaking alanganing tumayo at pumunta sa gitna. Hindi siya kapansin-pansin sa nakararami at mukhang ordinaryong mamamayan lang ng Japan.

"H-hai?" nauutal na tanong ni Mr. Shinohara. Kapansin-pansin ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa kanyang noo. Ang ligalig din ng kanyang mga daliri kahit sinusubukan niyang pigilan ito. (Y-yes?)

Halatang may itinatagong baho kaya kinakabahan.

"Shinohara," binanggit ni Dad ang apelyido nito at tila ba napaso ang lalaki. Agad itong yumuko't lumuhod sa harap ni Dad.

"Incho!" malakas at nanginginig ang boses ni Mr. Shinohara habang nakayuko pa rin. (Director!)

Tumawa si Dad sa inakto ng lalaking nasa harapan namin.

"Relax... There is nothing to be afraid of," Father comforted the man with his words. But for some reason, Mr. Shinohara continued to tremble in fear rather than getting calmer.

Tumayo ang aking ama at inalalayan si Mr. Shinohara na bumangon. Matapos noon ay tumawa siya nang malakas at bumalik sa pwestong inuupuan niya kanina. Subalit nanatili siyang nakatayo't hindi roon umupo.

"Shinohara, oshiete. Watashi o azamuita hitobito o matte iru unmei wa nanidesu ka?" Dad, who is still upright, questioned him as though it were an easy question. The atmosphere grew stifling and everyone fell silent. (Shinohara, tell me. What fate awaits those who deceived me?)

"I-Incho—"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Mr. Shinohara nang may mabilis na kinuha si Dad sa loob ng sleeves niya. Narinig ko na lang ang isang malakas na pagputok.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be on every second and fourth Saturday of the month.

Sa mga nagtataka o naiinip dahil hindi pa napupunta sa nakaraan ang ating bida, ilang kabanata pa ang magdadaan bago ito maganap. Nais ko munang bigyan pansin ang mga nagaganap at magaganap pa lang sa kasalukuyan upang mabigyan ng pundasyon ang kuwento sa gitnang bahagi ng istorya.

Mag-ingat tayo lagi and please conduct proper social distancing para hindi lalong kumalat ang COVID-19.

May God bless and protect us always.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...