Ecrivains' Critique Corner

By Ecrivains_

2.3K 138 151

Critique corner for filipino writers. Status: One Slot Left. More

intro
rules & conditions
forms (batch 1)
basic technicalites
action tag & dialogue tag
transition
[1] his uncontrollable craving
[2] hiraeth play
[3] biringan city
[4] enzo zavala
[5] she's the real challenge
[6] mental disorder
[7] shocker files
[8] blades and bones
[9] this love is golden
[10] the falling game

background

82 6 0
By Ecrivains_

Isa ito sa madalas kong nakikita na problema sa mga baguhang writer. Kadalasan, walang maayos na back story ang characters nila.

Gaano po ba kahalaga ang background story?

Mahalaga po. Kasi ito po ang magsisilbing dahilan kung bakit ganoon na ang bida sa kasalukuyan.

Halimbawa: villain.

Wala namang tao na inborn nang masama 'di ba? Laging may dahilan kung bakit siya naging masama. Doon papasok ang past experiences niya.

Lagi ring tatandaan na, sa paggawa ng villain, sobrang importante ng background story rito. Syempre, kailangan, kapag binasa ng readers ang story ni villain, maiintindihan ng readers kung bakit siya ganoon. Makikisimpatsya ang readers sa villain dahil sa masaklap na pinagdaan nito.

At masasabing effective villain ang nasa kuwento mo, kung mami-meet mo iyan.

Isa pa, makakatulong ang background ng characters para mas lalo nating makilala ang character natin. Like, syempre iba-iba ang tao sa realidad. Iba-iba rin ang tao sa ginagawa nating story. Iba-iba ang paraan nila ng pag-iisip at pagso-solve ng problems 'di ba?

So paano nakatutulong ang background story? Maghalimbawa ako para madali.

Halimbawa:

A. Si girl 1 na naloko ng ex niya kaya hindi siya naniniwala sa love.
B. Si girl 2 na hopeless romantic at wala pa ring love life. NBSB.

Kung ipupunta natin silang dalawa sa isang sitwasyon kung saan may isang lalaking nanligaw sa kanila, paano ang magiging reaksyon nilang dalawa?

Syempre, magkaiba 'di ba? Dahil iyon sa karanasan nila.

Ito tip, kung gusto mong ma-curious ang readers mo sa kakaibang attitude ng character, gamitin mo bilang hidden piece ang background story niya. I-sure mo rin na, deserving ang background story, ang reason kung bakit siya ganoon sa kasalukuyan.

Ipasok mo ang eksenang ito sa tamang panahon. May tinatawag din kasi tayong right timing sa pagpasok ng eksena 'di ba?

So iyon lang muna. Haha. Sana nakatulong ang pagiging mema ko rito.

***

ECRIVAINS: House of Dreamers

Continue Reading

You'll Also Like

71.1K 2.4K 70
I do not own any of the characters. Y/n are a supe. But not a famous one, that didn't work out. Now you are one of the sevens PAs. Maybe, briefly Th...
145K 5.3K 25
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
63.7K 3.5K 76
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
109K 235 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report