basic technicalites

147 12 1
                                    

A. RIN VS DIN

I don't know why many writers didn't know this one. E, noong elementary ay pinag-aralan naman ito. Ge, proceed tayo.

—Rin, raw, roon, rito.
Ito ay ginagamit kung ang huling letra ng salita ay patinig (a, e, i, o, u) at diptonggo (diphthongs na w at y).

Hal.
Sumasaya(w) (raw) siya sa kanto.
Magand(a) (rin) si Amy. (Lol)

—Din, daw, doon, dito.
Ito naman ay ginagamit kung ang huling letra ng salita ay katinig (consonant in English term).

Hal.
Sa baya(n) (daw) tayo pupunta.
Tapo(d) (dito), tapo(n) (doon).

B. NG VS NANG

—NG
1. Sumasagot sa tanong na 'ano'.
2. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
3. Ginagamit kung sinusundan ito ng pangngalan.

Hal.
Kumain siya ng pansit. (Anong kinain niya?)
Gusto kong makatapos ng isang libro. (Ano ang gusto niya?)

—NANG
1. Ginagamit kung inuulit ang pandiwa.
2. Ginagamit sa unahan ng pangungusap.
3. Sumasagot sa tanong na gaano/paano.

Hal.
Takbo nang takbo si Mimi.
Nang sumapit ang umaga, hindi niya na alam ang gagawin.
Umupo siya nang maayos. (Paano siya umupo?)
Nakahinga nang maluwag.
(Paano siya huminga?)
Kumuha nang kaunti. (Gaano karami ang kinuha?)

C. PINTO VS PINTUAN / HAGDAN VS HAGDANAN

—PINTO (door)
Gawa sa kahoy. May doorknob. Hirap mag-explain. Lols.

Hal.
Binuksan niya ang pintuan. (MALI)
Binuksan niya ang pinto. (TAMA)

—PINTUAN (doorway)
Pinaglalagyan ng pinto.

Hal.
Pumasok siya sa pinto. (MALI)
Pumasok siya sa pintuan. (TAMA)

Same case sa hagdan at hagdanan.

—HAGDAN (STAIR)

—HAGDANAN (STAIRWAY)

D. BITIW VS BITAW

Tama: Bitiw/bitiwan

Iba po ang ibig sabibin ng bitaw.

E. MGA MATA, MGA LABI

Dalawa ang mga mata kaya kailangan lagyan palagi ng 'mga'. Dalawa rin ang part ng mga labi (upper at lower) kaya lagyan palagi ng 'mga'. Maliban na lang kung ang nais mong sabibin ay: she bites his lower lip (ganern).


***
ECRIVAINS: House of Dreamers


Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now