[5] she's the real challenge

93 3 2
                                    

She's The Real Challengeby mr_cuddles

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


She's The Real Challenge
by mr_cuddles

Chapter 1 - 13

Good day. Sobrang bagal ng usad ng critique corner na ito. Pasensya na, naging busy lang sa real world. :>

All right. Nasa pang-lima na akong book, She's The Real Challenge. Ang totoo po niyan ay nagdadalawang isip ako kung bibigyan ko pa ba ito ng critique dahil na-critique ko na ito noon sa dating critique shop ko. Haha. The username starts with letter V. 😂

Sige, proceed na muna tayo sa kuwento. Same reaction, amazed pa rin ako sa cute na kuwento nina Sage at Ken. At habang binabasa ko ang kuwento, napupunta ako sa ibang mundo. Buhay mayaman.

POSITIVE

1. Commendable ang writing style ni writer. Para sa akin, naging balance lang ang English at Filipino languages sa story. Hindi siya off basahin. Mapapansin kasing may grasp si writer sa dalawang lenggwaheng nabanggit. At para sa akin din, natural ang shifting ng dalawang lenggwahe. Kudos!

2. Gaya ng sabi ko noon, trip ko talaga ang pagpapakilala kay Kendra Selene sa kuwento. Yes, yes. Commendable ito.

3. Mahusay ang pagbuo ng characters ni writer sa kuwento. Alam kong hindi na unique ang ganitong plot, body guard tapos suitor ng babaeng binabantayan ng body guard pero, may way kasi si writer kung paano magiging unique at kakaiba ang panlasa ng story niya. Ano po iyon? Plot twists po at characterization. :>

4. Commendable din ang description ni writer. Sa kuwento niya, makikita talagang pinaglalaanan niya ng effort na i-describe ang setting at ilang detalye sa story para mas ma-imagine ng readers ang nangyayari. Useful din ito dahil nga, buhay mayaman ang mga character. Nadadala kami ni writer sa ibang mundo. :>

5. Aaand, ang isa rin sa nagustuhan ko sa kuwentong ito ay unpredictable ang mga susunod na pangyayari at fresh para sa akin ang mga eksena na ipinapasok ni writer. Iyon nga, may way kasi siya para gawing fresh sa mambabasa ang story niya. Kudos!

NEGATIVE

6. Ewan ko kung ako lang ito pero, medyo nabibilisan ako sa kuwento. Siguro dahil hindi kahabaan ang wordcount kada chapter. And this is only my personal preference. Ayos lang naman na may kabilisan ang pacing para maiwasan na rin ang fillers. :>

7. Napansin ko rin na may pagka-convenient ang ibang scene dito. Halimbawa na lang ay noong nasa birthday party sila then nalasing si Ken, then may mga stage daw iyon ayon kay Lily pero di na nahatid ni Lily si Ken dahil biglang tumawag ang parent niya. So iyon nga, dahil tumawag ang mom ni Lily, si Sage ang maghahatid kay Ken sa place kung saan din siya tumutuloy.

Isa rin sa napansin ko na may pagka-plot-driven ang kuwento. Karaniwan kasi sa ganitong genre, character-driven ang ginagamit ng writers at nag-i-invest sa emotions ng character. Actually, hindi naman ito masama. Base sa lang sa perspective ko, kung trip mo ang plot-driven, ayos lang pero, mag-invest din tayo sa emotion. Medyo nakukulangan kasi ako sa reactions at emotions ng character, especially noong part kay Yumi, parang wala yata akong nakita na reaction ni Sage about sa flashback. Kasi para sa akin, major factor talaga ang background story dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit ganoon na ang isang tao sa kasalukuyan at mas makikilala ni reader ang hero sa story dahil iyon nga, mas maiintindihan niya ito (magkakaroon ng sympathy, ganern). :>

8. So iyon nga, medyo off ang pagpasok ng past ni Sage after ng chapter kung saan ay nag-kiss sila ni Ken. Parang feeling ko ay may mas maganda pang execution para sa background story ni Sage. As a reader, hindi ko pa gaanong nakikita ang putahe, binigay na sa akin agad. Hindi pa ako nate-temp na tikman, pinatikim na sa akin agad. Parang ganyan (sana na-gets ako ni writer haha). :>

TECHNICALITIES

1. Feeling ko ay may clue na si writer dito. Ihiwalay ang english at filipino words gamit ang dash.

Hal: Ch-in-eck, nag-clash, etc.

2. Mga wall, mga attempt. Without 's' po dahil mayroon na namang word na 'mga'. :>

Overall comment, maganda ang story na ito lalo na kung fan ka ng romance dahil mayroon siyang spices para maging kakaiba ang panlasa ng kuwento pero, kung hindi ka fan ng kuwentong may mabilis na pacing, hindi ito para sa 'yo. :> Recommended po ang story na ito. All in all, verdict!

Rating: 8.8/10

***
ECRIVAINS: House of Dreamers

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now