*Yeonwoo's POV*
"Congratulations!" sabay na sabi namin ni nancy kay seolhyun. Kasalukuyan kaming nasa reception ng kasal niya
"Thank you" sabi niya at niyakap si nancy
Tumingin naman siya sakin at niyakap din ako "I'm happy for you" bulong ko
Ngumiti lang siya at at bumitaw na "Balik lang ako don" paalam niya
Pagkaalis ni seolhyun ay kakausapin ko sana si nancy pero tinawag siya ni jane
"Can we talk?" tanong ni jane
"Tungkol saan yung pag-uusapan niyo?" tanong ko
Tinignan lang ako ni jane, tatanungin ko na sana si nancy pero tumayo na ito at nginitian ako
Nasundan nalang namin yung dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin namin
*Nancy's POV*
"So..." napatingin ako kay jane unnie ng basagin niya ang katahimikan
"Kamusta?" tanong niya at tumingin sakin
"A-ayos lang" gosh! Bakit ako nautal?
"Sinabi na ni hyebin samin ang lahat nung time na umalis ka sa pangalawang pagkakataon, and i just want to say sorry" tumingin ako sakanya
"Bakit ka naman nagso-sorry?" tanong ko
"Sa lahat. Lahat ng ginawa at sinabi ko sayo. I'm sorry nancy, narealize ko na...mali pala ako" napangiti ako at tinapik siya sa likod
"Ayos lang yun, kasalanan ko rin naman eh" sabi ko
"Nung umalis ka, walang araw na hindi umiyak si yeonwoo nun,lagi siyang naglalasing. Nadala siya sa emosyon niya. She suffered from a depression because of you. Para siyang baliw kasi lagi lang siyang nasa pintuan non at hinihintay ang pagbabalik mo, sobra akong naawa kay yeonwoo non kasi noon ko lang siya nakitang nagkaganon. Kaya lalo akong nagalit sayo, dinala namin siya sa hospital para magamot siya. Luckily after 2 months ay umayos na siya, napag-desisyunan namin na papuntahin siya sa new york para malibang siya at doon niya ulit nakita si seolhyun" napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang mga sinabi ni jane unnie
"I-i'm sorry" sabi ko at dumilat
Naramdaman ko ang pag-akbay niya sakin kaya napatingin ako sakanya "Wag ka na mag-sorry, tapos na yun. ang mahalaga ay yung ngayon at yung future" sabi niya at ngintian ako
***
Pagtapos namin mag-usap ay bumalik na kami sa table namin. Kakausapin ko na sana si yeonwoo pero biglang tumugtog kaya inaya niya akong sumayaw
Nakahawak siya sa wait ko habang nakasakit ang mga kamay ko sa leeg niya. Habang sumasayaw kami ay nagsalita na ako
"Sorry yeon" sabi ko at niyakap siya
"Hmm? Bakit ka nagsosorry?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko
"I'm so sorry yeonwoo...i didn't know"
"Hey may problema ba?" tanong niya at kumalas sa yakap at tinignan ako
"Jane unnie told me everything" sabi ko
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig sakin
"Pati yung...ano sinabi niya?" mabagal niyang tanong
"Yung ano? Yung nadepressed ka?" tanong ko
Umiwas lang siya ng tingin at pumikit
"Yeon..." tawag ko, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaharap sakin
"I love you" biglang sabi niya
Tintigan ko mabuti ang mukha niya at doon ko lang napansin na ang pula ng pisngi niya at namumungay na ang mga mata niya
"Lasing ka ba?" tanong ko
Dahan-dahan siyang umiling at ngumiti sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yun
"Nancy..."
"Will you be my girlfriend?" biglang tanong niya
Syempre nagulat ako, sino ba namang hindi?
"Sure ka bang hindi ka lasing?" tanong ko
Umiling ulit siya "Hindi nga, nakainom lang ako pero hindi ako lasing" sabi niya
"So?" tinitigan ko lang siya at ngumiti saka dahan-dahang tumango
Nanlaki ang mata niya at ngumiti ng malapad "T-talaga?!" tanong niya
Tumango ulit ako at magsasalita na sana ng bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko
Humiwalay naman agad siya kaya napatingin ako sa paligid, kaming dalawa nalang pala ang nasa gitna
God! Nakakahiya!
*Yeonwoo's POV*
Whew! Kaya mo to yeonwoo
Kasalukuyan akong nasa bar, wala si nancy dahil may gagawin daw ito. Kinuha ko na rin ang opportunity na to para makapag-paalam kila papa at myy
Tatlong araw na makalipas ang kasal ni seolhyun at Tatlong araw na rin kami ni nancy
Pag-akyat ko ng stage ay nagsigawan na ang mga tao, sinenyasan ko sila na tumahimik na agad naman nilang sinunod. Tumingin ako kay papa, mama, myy, kuya at ahin na nagtataka kung bakit ko sila pinapunta dito
"This song is for my dad and mom, hope you like it" sabi ko
Inayos ko na ang gitara ko at nagsimula na akong kumanta. Ako lang mag-isa ang tutugtog dahil may trabaho sila nayun
Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time
See in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
Very soon I'm hoping that I...
Tumingin ako sakanila at alam kong nakuha na nila ang gusto kong iparating
Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'till the day that I die, yeah
I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
When she walks down the isle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter....
Bumaba na ako ng stage at lumapit kila papa
"Pa..."
"Yes anak" sabi niya at niyakap ako
Napangiti naman ako at niyakap din siya "Ang dalawang prinsesa ko...magpapakasal na" dagdag niya
"Thanks pa" sabi ko at kumalas sa yakap
Tumingin naman ako kay myy at niyakap din siya
"Okay lang po ba sayo myy?" bulong ko. Hinaplos niya ang likod ko at hinigpitan ang yakap
"Oo naman" sagot niya kaya napangiti ako
*Nancy's POV*
"Are you okay?" tanong ko kay yeonwoo
Kasi pa kasi siya humihinga ng malalim parang kabadong kabado
For the ninth time, huminga ng malalim ni yeonwoo kaya napatingin nanaman ako sakanya, bigla naman siyang lumuhod na ikinagulat ko
"Y-yeonwoo ano bang ginagawa mo? T-tumayo ka nga diyan" sabi ko habang hinihila ang braso niya pero nanatili lang siyang nakaluhod
"Nancy Jewel Mcdonie" tumingin ako sakanya ng banggitin niya ang buong pangalan ko
"Yun ang pangalan ng babaeng mahal na mahal ko, alam kong tatlong araw palang tayo pero hindi na tayo bumabata, at hindi na rin ako makapaghintay na maging Mrs. Lee ka. Alam kong alam mo na kung ano ang gagawin ko. Don't worry, kinausap ko na sila papa, and they said 'yes'. Sana ganun din ang maging sagot mo sa tanong ko..." may kinuha siya sa bulsa niya, binuksan niya yun at hinarap sakin
"Will you marry me?"
Nakatitig lang ako sakanya ng ilang segundo, i-is this real?
"Nancy?"
"Kung ayaw mo pa, pwede mo namang sabihin eh. Maiintindihan ko" sabi niya na ikinatawa ko
"B-bakit ka tumatawa diyan?" tanong niya
Umiling naman ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya
"YES!" sigaw ko, tumayo naman siya at sinuot sakin yung singsing
Ngumiti siya ng malapad at niyakap ako ng mahigpit
"I love you baby"
"I love you too baby"
Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya kaya pumikit na ako hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi
Sobrang dami ng pinagdaanan namin ni yeonwoo, pero nalampasan namin yun. May mga bumalik at dumating sa buhay naming dalawa. Naging hadlang yun sa pagmamahalan namin pero hindi kami nabigo at humanap ng daan pabalik sa isa't isa
Marami mang pagsubok na dumating...sa huli kami parin
The End!
***
Into You is done :( Nakakalungkot lang kasi ito ata yung pinaka-mahaba kong story tapos natapos na :(
Thanks for reading btw :)