The Rain in España (Universit...

By 4reuminct

150M 3.5M 7.9M

University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studyin... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's Note

29

3.9M 92.6K 302K
By 4reuminct


"A chance? I vote for yes! My motto in life! Saganang pechay, saganang buhay!" 


Parang gusto kong batuhin si Yanna sa mga pinagsasasabi niya ngayon. Nasa airport kami ngayon nila Sam dahil papunta kaming Boracay. Biglaan lang din silang nag-aya dahil nga malapit nang umalis si Via. Palipat-lipat din kasi siya ng bansa, e. Biglaang leave din tuloy kami ni Kierra. 


Naghihintay pa lang kami ng boarding ngayon. Mabuti na nga lang at walang lipad si Yanna. Kadalasan kasi ang mga lipad niya ay sa ibang bansa hindi local kaya hindi namin siya nasurpresa ngayon. 


"Jusko, ilang years na rin kaya, Luna. Pagkatapos ng break-up n'yo ni Kalix, nilunod mo sarili mo sa pag-aaral at trabaho. Wala talaga siyang jinowa pagkatapos!" Sambit ni Via. 


"Mayroon naman!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Hindi lang nag-work." 


"Hindi nag-work kasi ayaw mong mag-work," pag-epal ni Kierra. 


"Alam n'yo naman si Luna, lahat na jina-judge. She's still so scared to fall in love. Well, if ever he really cheated, abstain ako," sabi ni Sam. "But I doubt..." Bawi niya rin dahil magkaibigan sila.


"Bakit ba kami ang tinatanong mo? Hindi ka mag-desisyon para sa sarili mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Kierra. 


Kasi nga hindi ko alam! Hindi ko alam kung tama ba 'to o kung worth it bang subukan ulit. Well, hindi ko naman malalaman kung hindi ko ita-try. Bahala na! Hindi naman nanghihingi si Kalix ng sagot, e. Basta, he will try again. 'Yun na 'yon. 'Yun naman ang ginagawa niya kahit walang permiso ko, e.


Napatingin ako sa phone ko nang mag-text siya. 


From: Atty. Martinez

Have a safe flight. Just arrived in Malaysia. 


May meeting siya roon. Kailangan niya kasing samahan ang isang kliyente sa negotiation with a business partner kaya sumunod siya doon. Hindi ko alam kung gaano ka-tagal. Wala naman siyang sinabi. 


To: Atty. Martinez

Boarding na. Take care. 


Tumayo kami nang mag-tawag na ang nasa harapan. Tinawag pa namin si Yanna na may kausap sa phone. Para siyang kumakandidato nang pumasok sa eroplano dahil kilala niya 'yung ibang flight attendant doon. 


"Hindi mo kasama si bebe girl?" Tanong noong isa niyang kaibigan. 


Umiling lang si Yanna at nakipag-tawanan doon. Kami naman ay umupo na sa kanya-kanyang seat. Katabi ko si Kierra at sa tabi niya naman ay si Via. Nasa likod namin si Sam tsaka si Yanna. Mabilis lang ang flight dahil malapit lang din naman. Nang makarating sa airport ay sinundo kami ng service ng hotel.


Samantha booked the hotel. Sama-sama kami sa iisang suite. Naiinis ako kasi parehong hotel noong tinuluyan namin ni Kalix noon kaya kapag nakikita ko, siya ang naaalala ko at 'yung mga masasayang alaala naming dalawa. Marami ring pagbabago sa lugar. Gusto sana naming mag-Palawan kaso sa susunod na lang daw. 


Nang makarating sa hotel, nag-dibs na kaagad kami kung saang kama kami hihiga. Magkatabi kami ni Kierra at magkatabi si Sam tsaka Yanna. Masaya si Via kasi solo niya ang kama niya bilang siya ang neutral sa 'ming lima.


"E, 'di ba may girlfriend si Kalix? Bakit nanghihingi ng chance?" Nagtatakang tanong ni Yanna habang nag-aayos kami ng gamit.


"Hindi raw sila," sagot ko naman.


"Ah, so nag-assume ka na naman, girl! Winner!" Tumawa si Yanna at binato ako ng unan. "Ang lungkot mo pa noon! Hindi naman pala totoo!" 


"Paanong hindi ako maga-assume, e halos lahat ng tao 'yun ang sinasabi? Anong paniniwalaan ko? Kahit kapatid niya nga alam na sila, e," pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Learn how to ask din kasi minsan," payo ni Sam. "You don't ask, e. You just assume things."


"Because she's always scared of the answer. That's why," singit ni Via. 


Hindi ko sila sinagot at sinara ang maleta ko nang malipat ko na sa cabinet ang ibang damit. Wala akong panahon para makipagtalo pa dahil inaantok ako. Ang aga-aga namin gumising dahil ang aga ng flight na 'to. 


Natulog muna kami at walang ginawa buong araw kung hindi maglibot at kumain. Marami pa namang araw para sa beach at masyado pa kaming pagod para mag-swimming. Habang hinihintay ang order, nag-text na naman si Kalix. 


From: Atty. Martinez

Eating dinner with the client. How about you?


To: Atty. Martinez

Eating dinner with the girls. Kailan meeting n'yo? 


From: Atty. Martinez

I'll ask Lorraine about it. 


Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Sino naman 'yung Lorraine? Bigla-bigla na lang nagkakaroon ng bagong pangalang binabanggit si Kalix. Hindi ko alam kung slow ako pero sabi nga ni Sam, magtanong daw ako kaya 'yun na ang ginawa ko.


To: Atty. Martinez

Sino si Lorraine 


"Huwag mag-text sa hapag," pagbabawal sa 'kin ni Kierra.


Binaba ko muna ang phone ko para kumain dahil magagalit si Mama Kierra kapag nag-text ako. Nababagabag ang utak ko at gustong-gusto nang tignan ang sagot ni Kalix pero pinigilan ko ang sarili ko. May pinag-uusapan ang apat at hindi ako masyadong nakakasunod. 


"Kung noon 'to, hindi siguro ako sa hotel room natin uuwi." Tumawa si Yanna. 


"Luna, if ever na mabuntis ka ni Kalix ngayon, if ever lang, ah, anong gagawin mo?" Curious na tanong sa 'kin ni Sam. 


Muntik ko nang madura ang kinakain ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon! Hindi naman ako aware na 'yon ang pinag-uusapan nila at nasali pa 'ko. Napaisip tuloy ako kung sakali nga!


"Paanong mabubuntis, hindi kami nagse-sex." Umirap ako. 


"If ever nga lang, e! Boba!" Gusto akong hampasin ni Yanna. 


"E 'di... Hindi ko alam! Basta, buhay ang bata at sa 'kin siya kung ayaw ni Kalix sa kanya," determinado kong sabi. 


Kinantyawan ako ni Sam sa sagot ko at natatawang siniko si Yanna. Ngumisi lang si Yanna at uminom ng tubig. Kung sakali mang mangyari 'yun, pakiramdam ko matutuwa ako. I had always wanted a child. Kaya ko naman nang bumuhay ng bata ngayon. Malulungkot lang ako para sa kanya kung aayawan siya ni Kalix. Parang gusto ko na lang siyang i-layo para hindi niya maranasang ma-reject o ano. 


"Inom tayo bukas," aya ni Kierra.


"Ayoko na!" Agad na tanggi ko. 


Napatingin silang lahat sa 'kin dahil ako lang ang tumanggi. Naalala ko 'yung last time na lasing ako at parang nakakatakot maulit lalo na't puro strangers ang nandito! Baka kung sino-sino na lang ang halikan ko! 


Kahit naman tumanggi ako, wala akong magagawa. Ayokong maging KJ. Basta, hindi na 'ko iinom kung hindi ko naman na kaya para hindi ako malasing. Hindi naman sila 'yung tipong namimilit, e. 


Tinignan ko ulit ang phone ko nang matapos kumain. 


From: Atty. Martinez

The client. 


Huminga ako nang malalim bago nag-tipa ulit.


To: Atty. Martinez

Kayo lang dalawa? 


Mabilis siyang nag-reply.


From: Atty. Martinez

Yes. Are you done eating? 


Binaba ko ang phone ko at uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili ko at ang puso kong mabilis ang pag-tibok. Pinigilan ko ang sarili ko sa mga iniisip ko dahil hindi siya maganda at baka mabadtrip lang sa 'kin si Kalix kapag sinubukan ko siya ulit. 


Nakatulog ako kaagad nang hindi nakakapagreply sa kanya, hindi dahil ayaw ko, kung hindi dahil nakatulog lang talaga ako. Hindi ko naman sinasadya kaya nang magising ako sa hampas ni Kierra sa 'kin ng unan, bumangon kaagad ako para mag-text sa kanya.


"Aba, mga senyorita, alam kong mahal ang bayad sa hotel room na 'to, pero parang sulit na sulit n'yo naman ata! Sana sa condo na lang ni Sam kung matutulog lang din kayo dito!" Ang lakas ng boses ni Ke. 


Antok na antok pa ko pero nagising ako nang makita ang maraming missed calls at texts ni Kalix sa 'kin kagabi. 


From: Atty. Martinez

We're not staying in a single room, if that's what you're thinking. 


From: Atty. Martinez

She doesn't like me. She's not my type either. 


From: Atty. Martinez

Hey, are you mad? 


From: Atty. Martinez

Wyd? 


From: Atty. Martinez

Are you sleeping?


Pagkatapos noon ay naka-limang tawag ata siya. Napasapo ako sa noo ko at nag-type muna bago pumuntang banyo. Sabi ko lang ay 'Good morning. Nakatulog ako'. 


Ang aga-aga, ang ingay-ingay na ni Kierra. Nauna na 'ko sa banyo para maligo at para hindi na marinig ang boses niya. 


"Pari ka ba?! Ha?! Dami mong sermon!" Rinig kong sigaw ni Yanna sa kanya. 


Nag-suot lang ako ng navy blue na two-piece bikini. Pinatungan ko 'yon ng maong shorts at isang see-through top na naka tuck-in. Habang nagpapatuyo ako ng buhok sa labas, may kausap na naman si Yanna sa balcony. Si Via naman ay naliligo na. Si Kierra kanina pa naka-ayos. Si Sam sinusubukan pa ring matulog.


Ginawa kong bun ang buhok ko pagkatapos matuyo gamit ang blow-dryer. Nang matuyo, umupo na ulit ako sa kama at nag-check ng Facebook. Scroll lang ako nang scroll nang maisipan kong i-stalk si Kalix. Ngayon ko lang ulit titignan ang profile niya. Nacucurious tuloy ako sa makikita ko.


Naka-suit siya sa profile picture niya at seryoso lang ang mukha. Naka-side view siya nang kaunti at inaayos ang sleeves ng polong suot. He looked so professional and ruthless here. Bagay nga siya sa korte. Nakakatakot siya kapag seryoso.


Napataas ang kilay ko nang makitang 'In a Relationship' pa rin ang nakalagay sa profile niya. Nag-scroll pa 'ko at puro tagged photos lang ang nakita ko.


Napakagat ako sa labi ko habang tinitignan ang family pictures nila. Mga family gatherings na naroon si Amethyst at ang pamilya niya. May isang picture last year na nakaakbay siya kay Amy at nakahawak si quartz sa bewang niya. Pasko 'yon. Nag-scroll pa 'ko at nakita ang tag sa kanya ni quartz dati pa. 


Matagal na ang litrato dahil graduation 'yon ng Ateneo Law School. Nakangiti silang dalawa sa picture at naka-toga. Sa isang picture, sila namang apat nila Adonis at Leo. Buhat ni Adonis si Amethyst na nakahawak sa cap niya at tumatawa. Si Leo ay naka-peace sign. Si Kalix naman ay nakangiti lang sa camera. 


Amethyst Alvarez:

Congratulations to us, my babies! 

These guys just made law school bearable for me. We laughed together and cried together. Good thing we didn't fail together. Ehem, Adonis. Jk. 

Lahat ng iniyak natin ay worth it. I remember Leo crying because he wasn't prepared for his first recit, and Adonis crying because of his Crim Law grade. Kalix? Kalix never cried. He slayed law school. Damn you. But I commend him for always being there for us during our breakdowns. Nice, love! Thumbs up sa pag-bili ng favorite naming ice cream at pag-share ng digests.

Not to be dramatic but I'd defend these guys until death. Again, thank you and congratulations. 


Inaamin kong ang saya nilang tignan at pakiramdam ko proud din ako kung naroon lang ako para suportahan sila. Amethyst was there for them. She was always there for them to support them and probably help them survive law school, the way she called them her 'babies'.


I wasn't jealous. I was just happy for them. Achievement nila 'yon. Naisip ko lang, what if kami pa noon? How will I comfort Kalix during his down times? After a bad recit? After a prof's sermon?


But I wasn't there. I chose to leave.


I scrolled more and saw another tag from Amethyst. Screenshot na 'yun ng BAR exam passers. Halata sa post niya na tuwang tuwa siya. Apat na pangalan 'yon. Nakapasa sila nang sabay-sabay. 


Amethyst Alvarez:

AAAAA, WE MADE IT! We're now lawyers! 


"Stalk pa more," bulong ni Kierra bigla sa gilid ko.


Napatalon tuloy ako sa kinauupuan ko at nagmadaling tumayo. Tinago ko pa ang cellphone ko sa kanya dahil baka kuhanin niya. 


"Wala nang saysay ang pag-stalk sa mga milestone ni ex na hindi ka naman present. Let's go swimming!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Sam. 


Sumunod ako sa kanila palabas nang maglagay na 'ko ng sun screen. Sa private beach kami kaya kaunti lang din ang tao. Ang sabi ko ay ayoko pang mag-swimming pero pinagtulungan nila ko't binuhat papunta doon sa dagat. 


"Baka kaya ayaw niyang mag-swimming, may naaalala siya rito," tumatawang sabi ni Via. 


"Oooh, that's hot." Yanna winked at me. 


"Gago!" Agad ko siyang sinampal ng tubig nang mabasa ang iniisip niya. 


Nag-swimming pa kami saglit at nag-harutan sila roon bago napagod at bumalik sa silong. Umupo kami sa longue chair habang umiinom ng juice. Pinagkekwentuhan na nila ngayon 'yung mga kalandian ni Yanna noon. Ako naman, kinuha ko ang phone ko para tignan ang text ni Kalix. 


From: Atty. Martinez

Good morning. Eat your breakfast. 


Hindi ako nag-reply kaagad dahil nag-air drop si Sam ng pictures namin galing doon sa dala niyang DSLR. Parang nag photoshoot kami rito kanina. Ang dami kong pictures! Pinilit-pilit pa nila 'ko sa mga ibang pose. Naiwan ako sa two-piece bikini. Hindi ko alam kung pinagtitripan na lang nila ako o ano. Pinahiga nila 'ko sa buhanginan, pinadapa, pinaluhod. Naglagay pa ng bulaklak sa tenga ko. Parang mas pinagtuonan nila 'ko ng pansin kasi ako raw ang tuyot na tuyot ang lovelife! 


"Tapos, gumawa ka ng Tinder or Bumble. Profile picture mo 'to, ha." Tinuturuan ako ni Yanna. "Marami roon! Kung gusto mo ng sugar daddy, halika't may kilala akong matandang piloto. Single! Ipapakilala kita!" 


Tinakpan ko ang tenga ko para asarin siya. Hindi na talaga ako makikinig kay Yanna! Last time na nakinig ako sa mga nirereto niya sa 'kin, nakipag-halikan ako sa club! To be fair, pogi naman 'yung pilotong 'yon. 


Nag-post ako ng ibang pictures ko sa Instagram at flower emoji lang ang cinaption ko. Pagkatapos, bumalik na kami sa hotel para mag-banlaw. Kakain na naman kami, e. Dahil daw may pictures na, pwede nang kumain nang marami. 


Nang matapos kumain, chineck ko na ulit ang Instagram ko. Tumatawa ako habang nagii-scroll sa comments dahil kila Kierra. 


kierra_: damn girl kapag sinipa mo 'ko sa mukha matutuwa pa 'ko #pinsankoto #blood #is #sticker #than #water xD 


itsamantha: ily so pretty so gorg marry me!! 


aviannadiaz: tapakan mo 'ko sa leeg tapos magsosorry ako


ashiannakim: Hi, my friend is single. If interested, my DMs are open. xx 


sevirous: ★BASTA POST NI IDOL ⓛⓘⓚⓔ KO YAN.!!★ SANA LAGi KANG ACTiVE AH... para my #LiKE kana my #COMMENT kapa..❤️♥️❤️ BASTA WAG MONG KAKALIMUTAN MAG #LiKE_BACK AH.. Sinu dito Gusto #ACTIVE_LiKER & #ACTiVE_COMMENTOR.?? #PM_muko para #ADD kita. #CF_TO_CF TAU.! ⓛⓘⓚⓔ ( BOY & GiRL ) #ACCEPTED...√√√ Ung #HONEST Lang na #TULAD_KO ah..✌ >ACTiVE AKO sa ACTiVE SAKiN< HONEST PA.! PROMiSE! ✋✋✋


Parang gusto kong i-block si Sevi. Napaka-panira! Icha-chat ko na sana siya nang may lumabas na notification sa phone ko. Halos masamid ako nang i-like ni Kalix ang picture ko at nag-reply sa comment ni Yanna. 


kalixjm: DM. 


"Oh my god!" Hinampas kaagad ako ni Yanna nang makita rin. "Nahanapan na kita, Luna! Nahanapan na kita! Abogado pala!" 


Napasapo ako sa noo ko sa kahihiyan. Nagulantang ako nang mag-text na naman si Kalix. Nagugulat ako palagi kapag nagte-text siya kasi hindi naman ako sanay. Tsaka ngayon lang siya text nang text kasi hindi naman niya 'ko nakikita. Walang ibang way para mag-communicate kami. 


From: Atty. Martinez

Saw your pictures. 


I smirked and typed something. 


To: Atty. Martinez

And so? What do you think? 


From: Atty. Martinez

You look beautiful. 


I was expecting him to say that I looked hot or sexy but he was very wholesome so I just sent 'Thanks'. Nag-aya na rin naman sila Yanna na bumalik sa beach para mag-scuba diving. Naalala ko tuloy kami ni Kalix. Hindi kami nakapag ganito dahil hindi available noon. Hindi rin natuloy 'yung sinabi niyang next time dahil naghiwalay kami. 


Nang mapagod, bumalik na kami sa hotel at nag-banlaw muna sa shower bago nagsama-sama sa jacuzzi. Umiinom ako ng wine nang kuhanin ni Yanna ang phone ko.


"Picture!" Sambit niya sa 'kin. 


I looked at the camera and smiled a little while holding my wine. Kita ang bikini top ko at magulo na ang naka-bun kong buhok kanina. Pagkatapos, nanlaki ang mga mata ko nang may kinalikot siya sa phone ko.


"Yanna!" Agad kong inagaw sa kanya ang phone. "Oh my god! Fuck you! Gago!" 


I tried to cancel the message but it was already sent! Yanna sent my picture to Kalix! With no context! Nagpapanic akong nag-type doon, saying my phone was hacked by an evil witch. 


"Don't reply yet! Tignan mo muna kung anong ire-reply niya!" Tumatawa si Sam, suportado ang bestfriend niya.


Kahit kinakabahan, sinunod ko naman si Sam. Ang tagal mag-reply ni Kalix dahil baka nasa meeting o ano. Hindi ako mapakali at nakalapag lang sa sofa 'yung phone ko, malapit sa jacuzzi. Kanina ko pa tinitignan 'yon. 


"I'm sorry, Luna, tinutulungan lang kita mag-progress," sincere na pagsosorry ni Yanna. 


"Okay lang," sambit ko. 


I was kinda curious about Kalix's reaction pero nahihiya ako sa sarili ko. Hindi naman nudes ang sinend ko pero bakit hiyang hiya ako?! Medyo okay lang din kasi pwedeng-pwede kong sabihing si Yanna ang nag-send noon dahil 'yun ang totoo. 


Nang mag-vibrate ang phone ko, agad kong inabot 'yon sa sofa at tumalikod sa kanila para tignan ang text. 


From: Atty. Martinez


Nag-init ang pisngi ko at kabadong-kabado akong nag-type. Nakaka-ilang bura na 'ko pero wala pa rin akong maisip na irereply. Napahinga ako nang malalim nang magtext ulit si Kalix. 


From: Atty. Martinez

I'm in a meeting. I'll call later. 


Kabadong-kabado ako! Dahil sa kaba ko, umahon na ko doon at naligo na. Nagpalit ako ng pajamas at inabala ang sarili ko sa panonood ng TV habang hinihintay kong tumawag si Kalix. Nagkekwentuhan pa rin sila Yanna sa labas nang biglang mag-ring ang phone ko. 


Agad akong tumayo at naglakad pabalik-balik, pinag-iisipan kung paano ko ba sasagutin 'yon! Ngayon lang kami mag-uusap sa tawag. Pakiramdam ko ay teenager ako ulit! Ano ba 'to! 


Huminga ako nang malalim bago ko sinagot. "Hello?" I tried to act normal. 


[Hey...] He answered in a bedroom voice.


Umupo ako sa kama at siniksik ang sarili ko doon sa pinakagilid, katabi ng pader. 'Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. 


"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.


[Nothing. I just miss your voice.] 


I bit my lower lip and ignored the urge to hit the wall to calm myself. I tried to breathe slowly before I answered again. 


"Hindi ako 'yung nag send ng picture. Yanna used my phone," pagpapaliwanag ko kaagad. 


[That doesn't make any difference.] He sighed. 


"How's the... the meeting?" Nauutal pa 'ko! 


[Done deal. Can you stay up late for me?] 


Kumunot ang noo ko. "Para saan?" 


[We'll just...] Napahinto siya sa pagsasalita niya. Nakarinig ako ng ibang boses sa background. [Kalix, let's go to my room na...] 


Nakarinig pa 'ko ng kaluskos at yabag ng paa bago namatay 'yung tawag. I was immediately mortified! Anong mayroon?! 


Don't conclude. Don't conclude. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. I was reminded by Sam's words. I should ask. Right. I should ask first like a normal adult. 


I tried to call again but he didn't answer. It bothered me the whole night. Unwanted thoughts slowly creeped inside me. It was already 2 AM when I decided to get up and get some beer to help me sleep. 


"Can't sleep?" Tanong ni Kierra sa 'kin na naroon sa sahig sa living room, nakaupo at may hawak ding beer. 


Ngumiti ako sa kanya at kumuha ng beer in can sa ref. Pagkatapos, umupo ulit ako sa tapat niya. Nakipag-cheers muna ako sa kanya bago ako uminom doon. 


"Problem?" Tanong ko sa kanya.


She sighed. "Had a dream," she smiled at me. 


"Bumalik ulit?" Tanong ko. 


"Yes. Pag-balik, bibisita ako sa therapist ko, don't worry. How about you? Problem?" She asked. 


"Kung ano-ano lang naiisip ko ngayon... Kalix is in Malaysia with a woman. Client daw niya pero narinig kong inaaya siyang pumunta na sa kwarto. You know how my mind works after... getting cheated on. I started to get paranoid.. Aminado naman ako, e. I can't help it sometimes. I'm trying. It just doesn't make sense. I shouldn't be like this. Hell, I don't even want to be like this." I sighed. 


"Your feelings are valid, Luna." She tapped my shoulder. "After all these years, you still haven't learned to love yourself above anything else. Part of the reason why you're still like that is because there are unanswered questions inside your head. Were you enough? If yes, then why? Paano niya nagawa 'yon? Tama ba ang desisyon mong isara ang utak mo sa kanya dahil takot kang baka maging tanga ka ulit at tanggapin lahat ng eksplanasyon niya? Those questions are still roaming inside your head like a parasite. It eats you. Slowly. And I understand that." 


"It was never easy." I bit my lip to stop myself from crying. 


"Never easy." She nodded. "But it wasn't your fault. It was your choice to leave. It was your choice to not listen. Live with it. Accept the consequences. Do not let anyone make you feel like you're wrong for guarding your own heart." 


"It was my fault," I admitted. "Alam kong nasasaktan din si Kalix. He needed me that time." 


"And you were lost that time, Luna. You were so lost. Paano mo siya matutulungan kung nawawala ka rin?" 


Lumapit siya sa 'kin at sinandal ang ulo ko sa balikat niya nang magsimula akong umiyak ulit. Kierra really meant the world to me. Siya lang ang nakakaintindi sa 'kin sa mga panahong hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko. Kaya noong panahong nasa bangin siya ng kamatayan, pati ako nawala na rin. It really stressed me out. I was in total darkness. 


"But it really did hurt Kalix. Hindi lang ikaw ang nasa relasyon. Your choice was valid but it was selfish. I hope you know that. Try helping yourself out. Ask questions. Communicate properly. Don't be afraid of getting the wrong answers. Be afraid of not getting one." Hinaplos niya ang buhok ko.


"I never felt so insecure." I cried more.


"You are enough," she whispered. 


I cried more on her shoulder until I couldn't breathe anymore. It only stopped when I heard the doorbell. Napapunas kaagad ako sa luha ko at tumayo para tignan kung sino ang nasa labas.


Hindi ako makapagsalita nang makita si Kalix sa harapan ko. I thought I was dreaming. Napakurap ako nang ilang beses, sinisiguradong totoong nandito nga siya. He looked tired. 


"Were you crying?" Nag-aalalang tanong niya kaagad.


Agad ko ulit pinunasan ang luha ko. He stepped forward to wipe my tears for me. Halata sa mga mata niya ang pag-aalala at panic dahil umiiyak ako. 


Humakbang ako para i-sara ang pinto. Tuloy-tuloy akong bumaba at naglakad papunta sa buhanginan para hindi magising sila Yanna. Agad siyang sumunod sa 'kin. 


"Luna, hey..." Hinabol niya 'ko.


Nang hawakan niya ang braso ko, humarap ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Nagulat siya sa biglaang pag-yakap ko pero unti-unti rin niyang binalot sa 'kin ang braso niya. I started crying on his chest, which made him panic. 


"What's wrong?" Humigpit ang hawak niya sa 'kin. 


Umiling lang ako. I just wanted to hug him for a while and feel his warmth a bit. It calmed me down. 


"Baby, what's wrong? Please stop crying," he whispered. 


Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya at pinunasan ulit ang luha ko. Hinawakan ni Kalix ang baba ko para makita ako nang maayos. Pagkatapos, pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. 


"Did you cheat on me?" I was still crying.


Nagulat siya pero mukhang agad niyang na-realize kung ano ang tinatanong ko. 


"Was it because of the call? We were just about to hold a mini-celebration in Lorraine's hotel room, along with her business partners. It wasn't just us," sunod-sunod na pagpapaliwanag niya.


"No..." Yumuko ako, still letting the tears fall. "Years ago... Did you cheat on me?" 


Napaawang ang labi niya at hindi kaagad nakasagot. He was already breathing heavily. The sight of me crying made him tear up a little. 


"I didn't," he answered in a small voice. 


"E, bakit ganoon?" Nanginginig ang boses ko, sinusubukang pigilan ang iyak ngunit hindi ko kinaya. "Bakit mo siya hinalikan?!" Mahina kong hinampas ang dibdib niya. 


He caught my hands. I cried once more. Napalunok siya habang pinapanood akong umiyak at hampas-hampasin ang dibdib niya. The pain in his eyes reflected mine. 


"Bakit mo siya hinalikan..." Umiyak ako muli. 


"I didn't, Luna. She kissed me. I was shocked, okay? I... I was..." He couldn't form a sentence. 


"Kailan 'yun?" Pinigilan ko ang pag-nginig ng boses ko. 


He sighed heavily. "Valentine's." 


Mas lalo akong naiyak.


"Why didn't you tell me about it?! You had the chance to tell me but you didn't! Hinintay mo pang makita ko! Hinintay mo pang malaman ko sa kanya! Sa iba!" I was shouting my pain. 


"I didn't tell you because I settled it already. But I was wrong. I should have told you. I'm sorry, Luna." His eyes glinted with tears.


"Hinahalikan ka ng iba pero hindi mo man lang naisip sabihin sa 'kin? Kasi inayos mo naman na? Alam mo bang mas malala lang sa pakiramdam ko 'yung sa iba ko pa malalaman? Ha?" Hinampas ko ulit ang dibdib niya.


"I'm sorry." Kalix tried to hold my hand. 


Binagsak ko ang sarili ko sa buhanginan at tinakpan ang mukha ko habang umiiyak. Naramdaman kong lumuhod rin si Kalix sa harapan ko, hawak-hawak ang kamay kong nakayakap sa mga tuhod ko. 


"Tangina naman kasi, Kalix, eh..." Nanginginig ang boses ko.


Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita nang maayos. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ito sa pag-nginig. 


"Tangina, alam mo naman kung gaano kita ka-mahal..." Umiiyak na sabi ko. "Iintindihin naman kita kung sinabi mo lang sa 'kin kaagad pagkatapos mismo ng insidenteng 'yon. Maiintindihan ko naman. Hindi naman ako magagalit. Pero 'yung malaman ko sa iba? Ibang klaseng sakit 'yung dinulot sa 'kin noon, e. Kung ano-ano nang pumasok sa isip ko! Tangina, litrato ng taong mahal ko may kahalikang iba! Samahan mo pa ng mga text niya tungkol sa relasyon nating dalawa na parang alam niya lahat."


Hindi siya nagsalita at tumungo lang, hinahayaan ang luhang tumulo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang hangin, ang paghampas ng alon, at ang iyak naming dalawa. Kung may boses lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon, binging bingi na siguro ako. 


"Putangina, binigay ko sa 'yo lahat... Lahat." Napasabunot ako sa buhok ko. Nakaiwas ang tingin niya sa 'kin, ayaw makita ang mga luha ko. "Nagmukha siguro akong tanga sa paningin ng mga blockmates mo, 'no?" Sarkastikong sabi ko. "Ah, 'yung boyfriend ni Luna, hinahalik-halikan lang ng iba." 


"It wasn't like that, Luna, please..."Binalik na niya ang tingin sa 'kin.


"You don't know how insecure it made me feel." I sobbed. "I felt pathetic... Tinatanong ko sa sarili ko kung saan ba 'ko nagkulang? Paano mo nagawa 'yun? I was going through so much because of Kierra tapos iyon ang makikita ko sa cellphone mo. That was the last thing I wanted to see at that time when I couldn't even think properly."  


"I know, I'm sorry, please." Tumutulo na ang luha niya sa harapan ko. 


"It made me question myself every night. It was so hard to see you." Humawak ako sa dibdib ko, umaasang mababawasan ang sakit na nararamdaman ko roon. 


"I tried to understand that. I gave you time, right?" Nanghihinang tanong niya. "I chased you so many times but you ignored me. I waited and waited for you to listen... But you didn't...." 


"I couldn't talk to you or even listen to your explanations. I was blinded with doubt and I was... lost. Not just because of that, but because of what was happening around me that time. Hindi na 'ko nakakapag-isip nang maayos. Finals, requirements, Kierra, ikaw... Ang daming nangyayari." 


Natahimik siya at napalunok, pinag-iisipan nang mabuti ang mga sasabihin sa harapan ko. It was painful for me to see him like this. Parang nanghina siya. He looked so lost and in pain. 


"I wasn't asking you to forgive me... I chased you because I needed you that time." His hand trembled.


Hindi ako nagsalita at pinanood kung paano niya pilit pinipigilan ang luha niya. His eyes were bloodshot and his jaw moved aggressively from trying so hard to contain his overflowing emotions. 


"I just wanted you to be there for me," Kalix whispered. 


"I'm sorry," mahinang sabi ko. "I was consumed by my own feelings." 


"I was always there for you when you needed me the most because I love you. I wasn't expecting anything in return but... I just... really wanted you to be there for me during that time..."


Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng luha kahit tuloy-tuloy lang itong bumubuhos mula sa mga mata niya. 


"But you left." He let out a heavy breath. 


"I'm sorry." Wala na 'kong masabi kung hindi ito. 


"Ikaw lang ang pinanghahawakan ko noon..." His voice trembled. "But you chose to let go." 


Lalo akong naiyak sa sinabi niya. It was really a selfish decision. He was right. There were two of us in a relationship. One can't just decide for the both of us. 


"I..." Napaupo na lang siya sa harapan ko at iniwas ang tingin. "...really suffered a lot, Luna." 

________________________________________________________________________________

.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
74.2M 2.9M 53
UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from UP Film were inseparable, not until Lark...
30.7K 970 42
Meet Elisse Joson, Marc Carlos De Leon, Loisa Andalio and Ronnie Alonte.
127M 4.1M 48
UNIVERSITY SERIES #4. Samantha Vera from Ateneo De Manila University, the epitome of kindness, empathy, grace, and solicitude got her life ruined whe...