In a REALationSHIT (Trese Ser...

Por chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH Mais

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

Bonus Chapter - Self-reflection

74.5K 1.8K 233
Por chiXnita

Dahil sobrang namiss ko ang IAR, ito na... self-reflection lang nila. Mwa!

--

Copyright © chiXnita

Brix Vincent Flores:
Ang naging kasalanan ko? Lumayo ako.

'Yung mga panahong magulo. Sobrang gulo. At kailangan nila ako. Wala ako. Without saying anything, I just disappeared. But if I'm going to decide again: "stay and she will die or leave and I will die in the process." I'd still choose the latter. Perhaps, they won't forgive me. She will hate me.

Sana lang maayos na ang sitwasyon nilang lahat... ngayon. Sana masaya na siya.

At sana matapos na rin 'to. Itong kinahaharap ko.

Hindi ko pa masasabi kung paano, bakit, at ano ang dahilan ng paglayo ko. Masyado pang komplikado. Hindi rin nila ako maiintindihan. Wala pang makakaintindi.

Pero sana... sa pagbalik ko, tanggapin pa rin nila ako. Hindi ang kilala nilang "ako."

Kung hindi... ang bagong ako!

Green Ryder Loriete:
Ang naging kasalanan ko? Naging makasarili ako.

Una pa lang, bawal na pero sinubukan ko. 'Di talaga p'wede, pero pinilit ko. May may-ari na, pero ninakaw ko pa.

I was so engrossed on myself, my pain, my heartache, that I didn't realize that I'm not the only one who's hurting.

I was impelled to hurt Grant for breaking me before. I want to break him, too. 'Yung mas malala. Mas masakit. 'Yung mawawasak siya, higit pa sa naranasan ko.

But I didn't know that the hole I was digging to trap him is exactly the one that will stumble and make me fall.

It isn't true that the love will blind you. It's the pain.

Masyado akong nasaktan noon... hanggang ngayon. 'Yung sakit na akala ko nakapagmove-on na ako. Akala ko 'di ko na nararamdaman. Nandiyan pa pala. Pilit ko lang itinatago at nilalabanan. Sa kakatakbo ko sa katotohanan. Sa pagganti ko sa mga nanakit sa 'kin... nabulag ako. Nagbulag-bulagan.

Ang resulta, ako lang din. Ako lang ang mas nanakit sa 'kin. Mas winasak ko ang sarili ko. Dinamay ko pa ang malalapit na tao sa buhay ko.

Huli na nang marealize kong mali. Ang biyahe na pinili kong imaneho ay ang maghahatid sa 'min sa mas matinding peligro. Ang naghihintay sa dulo ay ang mas magwawasak sa 'min nang husto.

Kaya huminto ako. Sa gitna ng biyahe. Kung saan naka-full speed ang kotse. I stepped on the break. I stopped the pain. Their sufferings. They deserved it. To be happy. Kahit na ang magiging impact ng paghinto ko ay ang muling pagkawasak ko.

I decided to be broken again to make them whole in the end.

Grant Turner Loriete:
Ang naging kasalanan ko? Naging gago at duwag ako.

Mas pinili ang utak kaysa puso. Mas pinakinggan ang isinisigaw ng utak kaysa sa ipinaglalaban ng puso. Pero sa kakapakinig ko sa utak ko dinurog ko naman ang puso ko.

I did wrong things that I thought were right... from the beginning. I listened to the inner voices inside my head to prevent the people I love from getting hurt. But in the end, I broke them and myself, too.

All the pain, the heartache, the blame, I deserved all of it. After all, it's my fault.

Naging gago! Tinalikuran ang katotohanan. Ikinimkim ang nararamdaman. Nagsinungaling sa lahat para lang 'wag silang masaktan. I masked my feelings. Hide it to the point I couldn't even control my every actions that I made so it broke her... and killed me more.

Naging duwag! Natatakot sa maraming posibilidad. Ipinagtulakan ang babaeng tanging minahal. Pilit pinapatay ang nararamdaman. Hindi ipinaglaban. Ipinasa sa iba kahit alam na pagsisisihan ang magiging resulta.

For all the things that I've done, I don't deserve her love. I'm too weak for her. She deserves someone who's going to fight for her until the end. Not someone who is always pushing her away.

Kaya 'di ko siya masisisi na pinili niya akong sukuan.

Kaso 'di ko pala kaya. 'Di ko talaga kaya. Akala ko mananalo na naman ang utak ko, pero 'di ko magawang balewalain ang puso ko.

Iniisip ko pa lang na mawawala siya, paunti-unti na akong pinapatay.

Masyado akong nasanay na kahit ano'ng gawin ko, kahit ano'ng mangyari, kahit sino ang itapat, nandiyan lang siya sa 'king tabi. Ako ang pipiliin niya. Ako lang.

Kaya nung mag-iba ang ikot ng mundo, reality hits me hard. I should man up! I can't win her back, and lose her forever if I just sit back and watch.

Sometimes, it's not wrong to listen to your mind. But are you sure that "that" decision will make you happy?

Hindi ka mababasag kung hindi ka magmamahal. Hindi ka mawawasak kung hindi ka susugal. Hindi ka masasaktan kung hindi mo susubukan.

Pero hindi ka rin sasaya kung patuloy kang nasa safe side.

Love isn't for the weak people. It's for the strong ones who are not afraid to gamble and fall.

Xhaiden Heather Roa:
Ang naging kasalanan ko? Nagpabaliw sa pag-ibig.

Ibinigay ang buong sarili sa taong mahal. Walang itinira. Handang masaktan. Handang mawasak. At handang makasakit... mapunta lang siya sa 'kin.

Sabi nila, baliw ako. Martir. Tanga. Desperada. Lahat ng masasakit na salita na p'wedeng sabihin sa 'kin... narinig ko na.

Sabi rin nila, isa lang pagkakamali ang nararamdaman ko. Hindi ko raw siya totoong mahal. May sakit lang ako. Tanga lang daw talaga ako. Kabaliwan lang at hindi totoong pagmamahal.

Nagpatherapy ako. Nagpagamot. Pinagamot "pala" nila ako. Kasi nga baliw ako.

Paglabas ko, akala nila ayos na ako. Pero ang totoo, mas natatakot lang ako. Natatakot malaman na tama nga sila. Na 'yung pagmamahal na akala ko na tunay ay kabaliwan lang pala.

Kaya pinigilan ko. Ibinaling sa iba ang nararamdaman. Aaminin ko na isa 'yun sa mga maling nagawa ko. Sinubukan ko kasing ilipat. Gumamit ng isang tao para mapatunayan kung tama nga sila. In the end, nakasakit ako. Sobrang nakasakit ako. Siya. Ako. At 'yung taong nag-iisang minahal ko nang buo.

Tama nga sila. Baliw ako. Tanga. Ako na nga 'yung minamahal nang sobra, sinasaktan ko pa.

Pero mali rin sila. Kasi napatunayan ko... hindi kabaliwan 'yung nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, 'yun lang ang siguradong-sigurado ako. Nag-iisa lang ang lalaking minahal ko simula umpisa at mamahalin hanggang katapusan.

Kung uulitin ang mga nangyari, siya pa rin pipiliin ko.

Isa lang siguro ang babaguhin ko, ang pilit na ibaling sa iba at matutunan kontrolin ang nararamdaman para hindi makasakit at hindi masaktan.

But what's the point of being a human if the decisions are always right and perfect?

How do you know it's the one, if you don't commit an error?

Paano mo malalaman na nasa tamang daan ka, kung 'di mo pa nasusubukang lumiko sa ibang kanto at maligaw, 'di ba?

Mistakes and regrets are always at the end. But those shits made you more human and mature.

Sa mga pagkakamaling 'yun, marami akong natutunan. Naging mas matapang at walang pag-aalinlangan na harapin ang kinabukasan.

'Yung mga masasakit na salitang sinasabi nila dahil sa mga katangahan ko noon, tinatawanan ko na lang ngayon.

Because at this moment... I'm contented and happy.

Don't be afraid to commit mistakes because those shits will make you real.

ChiXnita (Ate Chix):
Ang naging kasalanan ko? Ginawa kong realistic ang mga characters ko.

Hindi ko sila ginawang nakakainlove.

Hindi sila perpekto. LAHAT sila ay binase ko sa mga taong kilala ko. Maraming pagkakamali. May mga ugaling nakakabwisit na siya namang meron sa totoong mundo.

BTW, tama na. Haha. Ayoko nang masyadong ipaliwanag ang pagkatao at ugali nila.

Sa mga nabwisit sa kanila. Wow! Thanks. Natuwa ako. Narealize ko na sobrang effective ng characters nila kasi nadadala kayo.

Sa mga napaiyak ng kwento. (Based sa nababasa kong comments) Pinakilig n'yo po ako. Hindi naman 'to tragic pero tumagos sa inyo sinusulat ko. LOL

Sa mga nainlove sa mga characters nina Brix at Green... lalo na kay Grant? Talaga ba? 'Di nga? Haha! Wala talaga akong balak na gustuhin n'yo si Grant. O kung sino man sa kanila. Wala akong intensiyon. Sapat nang ako lang nakakaintindi sa kanya. Sa kanila. Pero dahil minahal n'yo sila. Nakakatuwa. 'Di na ako nag-iisa. Hahaha.

Sa mga nairita at nabwisit kay Xhai. Sige lang. Wala na akong paki kung maiintindihan n'yo siya o iintindihin. Nasa inyo na 'yon. LOL

Sa mga tinapos hanggang sa dulo. AT PINOPROMOTE pa ang In a REALationSHIT sa mga kakilala nila. Sobrang thank you. Huhuhu. You are the best, guys! Mwa. Mwa. Kinikilig talaga ako. Masyado n'yo akong pinapasaya.

Wala akong intensiyon na mahalin n'yo ang story. Ganito lang talaga ang mga trip kong BASAHIN kaya ito ang sinusulat kong theme. Mabigat ang plot. Nakakastress. Mixed emotions 'pag binasa.

Effective man o hindi sa inyo... salamat nang marami.

BTW, maraming curious sa inyo kung ano'ng nangyari kay Brix at gusto nang basahin ang story ni Green. Hahaha. Kita n'yo naman na hanggang ngayon... BROKEN sila. Sina Xhai at Grant lang kasi may happy ending dito. Haha. Pero hintay na lang muna. Tamad ang nagfefeeling n'yong author, eh.

Ang daming on-going pero hindi naman nag-uupdate. Tamad nga kasi.

Ang story ni ANGEL? Masyadong matagal pa. Sobra! 'Yun kasi ang pinaghahandaan ko nang husto. 'Yun din may pinakamabigat na plot. Kaya mahirap isulat. 'Wag n'yo muna akong kulitin about kay Angel. Hahaha.

'Yun lang. Ghad! Ang haba ng note ko. 'Di n'yo naman yata binasa? Haha.

Tama na nga. Thank you ulit sa pagbabasa ng IAR. God bless!

Love lots,

~ Chix♡

Continuar a ler

Também vai Gostar

5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way