Not a Fairy Tale at All

By chaylenexandra

619 14 3

Story of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immat... More

Chapter 1 - No Consideration
Chapter 2 - Bessprenn
Chapter 3 - Asungot sa Bangungot
Chapter 4 - Starting a Fight
Chapter 6 - Christmas Miracle
Chapter 7 - Leaving
Chapter 8 - Before You Go
Chapter 9 - Friends
Chapter 10 - Bye Bye
Chapter 11 - Here
Chapter 12 - Again
Chapter 13 - What Now?
Chapter 14 - Happy
Chapter 15 - Cry
Chapter 16 - Hell-o

Chapter 5 - Desperado

57 1 0
By chaylenexandra

“Make it or break it”

[Candy]

Himala at hindi ako sinundo ni Chrystal. Kaya heto ako naglalakad mag-isa papuntang school.

Pagpasok sa classroom nakita ko si Chrystal nagbabasa ng libro, as always.

“Bes, saan ka kanina? Bakit di mo ako sinundo?”

“Ha? Eh… nakalimutan lang.” Sagot niya na di tumitingin sa akin. Concentrate siya sa binabasa niya kaya umalis nalang ako.

Nakaupo ako sa pathway ng entrance door. For short, nakaharang. Nakatunganga sa sahig. 

“Tabi” Sabi ng may-ari ng sapatos na nasa harapan ko. Kilala ko na kung sino. Si Asungot.

“Di marunong mag-excuse?” Tumingin ako sa taas para makita ang pagmumukha niya. Bakit ba ako tumitingin sa mukha niya kung naaasar lang din ako. Tange lang.

“Kung di ka matututo mag-excuse, dun ka sa exit door pumasok.”  Kaming tatlo pa lamang ang nasa classroom. Ay—dalawa lang pala. Nasa labas pa pala si Xander.

“Kaylan pa naging entrance ang exit? Exit nga di ba?” Namimilosopo na naman.

“Ngayon lang.” Daily routine na yata namin to. Ang asarin ang isat isa.

“Papasukin mo na ako, please.” Uy, marunong magplease.

“Ayoko. Kita mo namang komportable na ang tao.”

“Sige. Diyan ka lang hanggang sa matapos ang araw.” Pupunta na sana siyang exit door ng biglang tumayo si Chrystal at lumabas ng room.

“Hala ka.” Kantyaw ni Xander habang tinuturo niya ako gamit ang pointing finger niya.

Hinabol ko si Chrystal.

Sa bilis maglakad ng babaeng to, pinatakbo pa niya ako. She slowed down and faced me.

“Uy bes, sorry na kung naingayan ka sa amin ni Xander.” Mukha siyang galit na naiinis. Maybe it’s because of me and Xander. Ang lalakas kasi ng mga boses namin. Naidistorbo namin siya.

“Hindi ka ba napapagod sa ginagawa niyo? Away nalang kayo ng away. Ni minsan di pa kayo nagkakabati. Please do the favor I asked you… please.” And she walked away. She left me nailed in my spot.

Bumalik ako sa classroom na takang-taka. Bakit ganun siya ka desperado na maging kaibigan kami ni Xander? Eh nandyan naman siya. Hindi ba siya magseselos kung magiging close kami ni Xander? 

Kami lang dalawa ni Xander ang nasa loob ng room.

“Anong nangyari don?” Tanong niya.

“Ikaw kasi.” Tumabi na ako sa kanya.

“Anong ako?! Nandito nga lang ako. Walang ginagawa.” Nginitian ko nalang siya.

“Alam mo, may baon ako dito. Sayo nalang. Parang wala ka pang agahan eh.” Saad ni Xander at kinuha ang isang supot ng tinapay at inaabot sa akin. Kumuha naman ako ng isa. Kumain ako habang nakatanga.

“Lalim yata ng inisip mo…” Tumingin ako sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Xander na nakatingin sa akin. Tama nga siya. Ang lalim ng iniisip ko. Sing lalim ng balon.  

Natapos nalang ang araw, di ako pinansin ni Chrystal. Huhu… talagang pinipilit niya ako sa gusto niya.

[Ram]

Mag-isa na naman akong pupunta ng library kasi si Alex ayaw. Gusto niya lang makinig ng loug music which is bawal sa loob ng library.

Now entering the library. Lumingon-lingon ako. I am now inside the library—

“Wow! Ang galing talaga nitong si Ram!”

“Gwapo na! Pumupunta pa ng library!”

“Ang talino niya siguro no?!”

Hay nako…Pati ba naman sa library?! Kaya nga dahan-dahan akong pumasok.

Dumiretso nalang ako sa Sci-Fi section. Naks naman! Wala yung paborito kung libro! But! Look on the brighter Ram! Mababasa ko na ang pinahiram na libro ng aking katabi!

Actually it was a lie when I told Chrystal that I hate factual books. Paborito ko kayang basahin ang mga libro na Sci-Fi at Factual. I love to feed my mind and imagination.

Ang ayaw ko lang sa lahat ay mga love story. Ew… Dahil sa maliit na dahilan away/tampuhan na agad? LQ-LQ kayo, ingay lang nagagawa niyo.

Gusto ko, kung mainlove ako man ako, ang makakapaghiwalay lang sa amin ay kamatayan. Kaya nga magpapari nalang ako. Malabo ng mangyari yun eh.

Dun sa pinakasulok ako umupo, para maiwasan narin ang ingay hatid ng mga babae. Di naman ako loner dito dahil may nakaupo naman sa harap ko.

-Banging your head against a wall uses 150 calories an hour.

-A person cannot taste food unless it is mixed with saliva.

-The average person falls asleep in seven minutes.

-Thirty-five percent of the people who use personal ads for dating are already married.

-Man can read smaller print than women. Women can hear well than men.

-Intelligent people have more zinc and copper in their hair.

-Einstein couldn’t speak fluently when he was nine. His parents thought he might be retarded.

-Ketchup was sold in the 1830s as medicine.

Namangha at natatawa ako sa mga nabasa ko.

“Akala ko di mo na yan babasahin.” Sabi ng tao sa harapan ko. Sumilip ako mula sa libro kung sino yun. Si Chrystal pala ang kaharap ko all this time.

“Oh Chrystal. Ikaw pala yan. Di kalang man nag-ingay.” Sarkastiko kong sabi.

“Alam ko namang naiinis ka na sa akin dahil maingay ako. Atsaka…maintain silence kaya dito.” Buti naman gets niya ang gusto kong mangyari.

“Akala ko talaga mabubulok na yan sa bag mo. Tapos makikita ng asawa mo at magtatanong kung kanino yan at isasagot mo pangalan ko. Tapos aakalain ng asawa mo na babae mo ako at dahil dun maghihiwalay kayo.”

“Ang lalim naman ng imagination mo!” Tumawa lang siya.

“Atsaka… Bakit naman siya mabubulok sa bag ko? Di mo ba to kukunin balik sa akin?”  Ngumiti siya.

“Hindi na sayo na yan.”-Chrystal

“Akala ko ba mahalaga to sayo?”-Ako

“Oo nga. Pero tapos na ako gamit niyan, ikaw naman. Alalahanin mo ako tuwing makikita mo yang librong yan.”-Chrystal Nandito naman yang kaOAhan niya.

“OA mo ha. Senti lang? Atsaka hindi tayo close paramaghabilin-habilin ka diyan.”-Ako

“Edi simulan natin ang pagiging close ngayon.” She grinned.

“Wag na. Nandyan naman si Alex eh. Atsaka di ba magseselos si Candy pagnalaman niyang may iba ka pang kaibigan bukod sa kanya?”

“Di naman yun selosa. Atsaka pagmaykaibigan ka na, di na pwede magkaroon ng iba? Ay nako tingnan mo tuloy, nahahawa na ako sa ‘Atsaka’ mo!” Tumawa kaming dalawa.

“Bakit mag-isa ka lang?” Mag-isa kaming dalawa. Pwede ba yun?

“Ahh si Candy… Kaylangang iwan eh.” Ha? Ano?

“Ha? Bakit mo na naman siya iniwan? Ganyan ka ba sa mga ka-close mo? Iniiwan mo sila? Kasi kung ganon ayaw ko na lang makipagclose sayo kung lalayo ka rin.” Totoo lahat ng sinasabi ko.

“Hindi naman ganun. Iniwan ko lang siya para rin sa kanya. Hindi naman lahat ng paalam ay masama, paminsan ibig sabihin nun mahalaga ka kaya umalis.” Grabe naman to ka sentimental.

Oh before I forget! “Chrystal, maiba ako, pwede favor?”

Nakataas ang isang kilay niya. “Anong klaseng favor naman yan?”

“Tulungan mo ako magkabati na sina Candy at Alex. Nakakairita na kasi mga away nila eh. Parang walang katapusan kung walang tutulong sa kanila.”

“Yun na nga ginagawa ko. Kaya ko nga iniiwasan si Candy para mas maraming time na ang dalawa.”

“Magkasama sila?! Away lang ang abot non! Sabi ko ‘bati’ hindi ‘away’!” Hindi ko maintindihan expression ng mukha ko. Naguguluhan na nag-aalala na takang-taka na naiinis na ewan.

“Hindi mo naiintindihan eh. Hindi sila magkakabati kung hindi sila magkakalapit. Sabi mo walang katapusan ang away nila kung walang tutulong. Eto nayung tulung natin—ang lumayo, sila lang dalawa ang makakatulong sa kanilang sarili.” Tumahimik nalang ako.  Wala naman akong alam sa mga ganyan eh.

[Alexander]

MAPEH time …

Gymnastics practicum naman ngayon. Tapos na kami present.

“Ms. Real paki ring naman ng bell.” Saad ni Ms. Eula.

“Saan po ba ms?” Tanong ni Nips.

“Pasama ka nalang kay Mr. Olivares.” Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha ni Nips.

At sinamahan ko na siya. I was thinking… an idea that—wahaha!

“Asungot Xander, saan ba dito?” May dalawang button. Yung pula at puti. Saan tayo sa pula o sa puti?

“Yang pula.” Actually di ko talaga alam kung para saan yung pula. Pero alam kung pang bell yung puti.

“Sure ka?” Kulit.

“Oo! I-long press mo ha.”

At ginawa niya.

Wiwww! Wiww!

Alarm button! Oh no!

Hinawakan ko kamay niya at daliang tinanggal sa pagka diin doon sa button. Agad naman akong tumakbo at iniwan siya. >:D  Naiwan siyang nakatayo doon.

Nagsilabasan ang mga estudyante from 2nd floor upto ground floor. At lumabas din ang admin, and director!

Hinila ko si Candy papalayo doon sa button at pumunta kung saan ang aming mga kaklase.

Habang nagkukumpulan ang mga estudyante, nakita ko kung paano tumingin si Ms. Eula kay Nips. Disappointed?

At sa kalagitnaan ng kaingayan, sumigaw si Nips. “False alarm po ang lahat!” Napatingin ang lahat sa kanya.

“Si Xander po ang may kasalanan nitong lahat. Sorry po sa abala.” Sabi niya habang turo-turo ako.

“Anong ako?! Ikaw kaya!”

“Okay everybody! Go back to your rooms now!” Sigaw ni Director. Nagsimula narin akong maglakad.      

“Ms. Real and Mr. Olivares, in my office!” Parang feeling ko papasok ako sa horror house.

“Sino ang may kasalanan ng lahat ng to?!” Tinititigan kami ni Director. Kami namang dalawa nakayuko lang. Walang sumagot.

“Sige walang sasagot. 2 weeks detention kayong dalawa.”

“Ay wag po! Siya po ang may kasalanan!” Sabay naming sabi.

“Okay dahil wala talagang aamin sa inyo, iibahin ko nalang ang tanong. Sino ang pumindot ng button?!”

Mabilis namang sumagot si Nips. “Ako po, pero—”

“Wala nang pero-pero Ms. Real! Di na ako maloloko ng mga wise na estudyante! 2 weeks detention.” Oh great. Di lang man siya pinayagang magpaliwanag.

“Happy now?!” Lumabas na siya.

I’m not really happy… I feel sorry.    

[Chrystal]

Bumalik sa classroom si Candy na mamula-mula ang mata. Sumunod na pumasok si Alex na nakayuko lang.

Agad ko namang pinuntahan si Candy.

“Okay ka lang Bes?” Obviously ulit, hindi.

“Mas malala pa dito ang aabutin ko kung itutuloy ko pa ang gusto mo.” Isinubsub niya ang mukha niya sa armchair.

Umalis nalang ako at bumalik sa chair ko. Mas malala pa dito ang aabutin ko kung itutuloy ko pa ang gusto mo. Sorry talaga bes… But this has to go own. Don’t worry in the end, everything will be fine.

Hindi kami sabay umuwi ngayon ni Candy. Badtrip parin.  

“Chrystal!” Lumingon ako. Nakita kong hinahabol ako ni Ram.

“Oh, Ram bakit? May naiwan ba ako? Or gamit mo na nadala ko?” Makakalimutin ako eh.

“Napag-isip-isipan ko yung sinabi mo. Lalayo narin muna ako kay Alex. So patuloy tayo sa closeness?” Closeness—yung pinag-usapan naming sa library.

Inabot niya kamay niya.“Patuloy, friend.” Nagshake hands kami.

Continue Reading

You'll Also Like

7K 4 70
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.
7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
37.5K 689 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
75.9K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...