Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 4

468 43 19
By sobercatnip

Matinding takot at kaba ang bumabalot ngayon kay Vice habang matalim na nagkatitigan ang kanyang lolo at si Alena. Kung pwede lang himatayin ay ginawa na niya.

Alam ng huli na wala na siyang takas ngayon. Lalo pa at naabutan sila ng lolo niya na silang dalawa lang ni Alena habang sobrang lapit pa sa isa't isa, at sa gitna ng gabi.

Napahinga nalang siya ng malalim at kinuha ang anumang natitirang lakas ng loob sa kanyang buong pagkatao. Hindi niya akalaing darating ang araw na ito.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Alena na halatang nabigla, at diretso siyang napatingin sa matanda. "Lolo, siya po si Alena. Ang g-girlfriend ko," sagot ni Vice na ikinagulat ni Lolo Gonzalo at ikinatalim naman ng tingin ni Alena sa kanya.

Bibitaw na sana ang dalaga sa pagkahawak ni Vice nang mas hinigpitan ito ng huli dahilan para mas lalong bumaon ang kanyang matalim na tingin.

"Detrumvia (Sinungaling)! Bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong mabalian."

Nagulat si Vice nang marinig ang boses ni Alena sa kanyang isipan. Napalingon siya dito at hindi siya makapaniwalang kinakausap siya nito gamit ang kanyang isip. May kakayahan pala itong gawin iyon.

"Binabalaan kita, tagalupa. Bitawan mo ang kamay ko!" giit ni Alena habang nakatingin kay Vice na ngayon ay kinakabahan na.

"P-Pwede bang sumunod ka nalang? Ito lang ang naisip kong palusot para hindi ako malagot kay lolo."

Napakunot naman ang noo ni Alena. "Wala akong pakialam kung ano man ang nais gawin sayo ng matandang iyan, basta't bitawan mo ang kamay ko!"

Tinignan namang mabuti ni Vice si Alena at mas hinigpitan pa ang pagkahawak sa kanyang kamay. "Hindi nga kasi pwede. Kapag nalaman ni lolo ang totoo, mawawalan siya ng tiwala sa akin at baka pagbawalan niya akong tulungan kang mahanap ang brilyante."

Natigilan naman si Alena at nanatiling nakatingin kay Vice. Magkatapat pa rin ang kanilang mga mata na tila ba nag-uusap sila na sila lang ang nagkakaintindihan. Nagtataka naman silang pinagmamasdan ni Lolo Gonzalo.















"Apo, girlfriend mo ba talaga ang babaeng ito?" tanong ni Lolo Gonzalo at naglakad papalapit kay Alena. Nagulat si Vice, maging ang huli nang hawakan ng matanda ang kamay ng dalaga. Napaatras si Alena ngunit pinigilan siya ni Vice at hinawakan siya nito sa likuran.

"Mahal na sang'gre, hayaan mo nalang na hawakan ka ni lolo. Please," giit ni Vice sa kanyang isipan habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Alena. Hindi kasi talaga sanay ang dalaga na hinahawakan siya ng iba, lalo pa ng mga mortal o tagalupa.

"Napakagandang bata. Kasingganda mo ang pangalan mo, hija." Napanganga naman si Vice dahil nakangiti na ngayon ang kanyang lolo. Para bang nagustuhan niya agad si Alena para sa kanya.

"Hindi ko akalain na papatulan mo itong apo ko na pinaglihi sa sama ng loob," tawa pa ni Don Gonzalo at sinamaan lang naman siya ng tingin ni Vice. "Taga-saan ka, hija? At paano ba kayo nagkakilala nitong apo ko?"

Walang kurap naman siyang tinitigan ni Alena habang hawak pa rin ng matanda ang kanyang kamay. Ito kasi ang unang pagkakataong may tagalupang nagpakita sa kanya agad ng kabaitan. Ang ngiti at pakikitungo sa kanya ng matanda ay tila nakakagaan ng kanyang loob.

Hindi agad nakasagot si Alena dahil natulala siya sa matanda, kaya bigla siyang nagulat nang hapitin ni Vice ang kanyang beywang.

"Lolo, hayaan niyo po na ako ang magkuwento sa inyo kung paano kami nagkakilala nitong girlfriend ko," halatang naiilang na pagbida ng huli at napapikit naman agad si Alena dahil sa sobrang inis.













"Kaya ba hindi ka agad nakauwi noong galing ka sa Batangas dahil pinuntahan mo itong girlfriend mo?" kinikilig na tanong ni Don Gonzalo. Nawala raw ang antok nito dahil gusto niyang marinig ang kwentong pag-ibig ng kanyang nag-iisang apo.

Nagpasalamat lang naman si Vice dahil naniwala agad ang kanyang lolo na kahit bakla siya ay nagawa niyang magkaroon ng girlfriend. Mas sumaya pa nga si Don Gonzalo sa kanyang nalaman.

"Opo. Sa Batangas po siya nakatira. Diba, pangga?" baling ni Vice kay Alena na walang emosyong nakaupo sa kanyang tabi.

Dahil hindi ito sumagot ay patagong binatukan ng bakla si Alena para kunwaring napatango ito. Mahina lang naman ang pagbatok ni Vice pero matalim pa rin siyang tinignan ni Alena.

"Kung ganun, bakit ka naparito sa Maynila, hija?" baling ni Don Gonzalo sa dalaga ngunit si Vice na agad ang sumagot.

"Kasi po, hindi talaga siya nakatiis na mawalay sakin. Sinundan niya po ako dito sa Maynila para —"

"Para patayin," walang emosyong singit ni Alena dahilan para manlaki ang mga ni Don Gonzalo.

"Anong patayin? Pumunta ka rito para patayin ang apo ko?" gulat na tanong ng matanda. Mabilis namang kumuwala ng kunwaring tawa si Vice at hinawakan si Alena sa balikat.

"Ang ibig sabihin po ng girlfriend ko, sinundan niya po ako dito para patayin ng pagmamahal at pag-aalaga. Patay na patay po kasi sakin to eh," ngisi ni Vice at nakahinga naman ng maluwag ang kanyang lolo, na naniwala na naman agad.

"Sa katunayan, siya pa po ang nanligaw. Lumuluwas siya ng Maynila at binibisita ako sa opisina at pinapadalhan ng kung anu-anong kakanin. May gayuma yata yung mga nakain ko kaya sinagot ko na siya agad," tawa pa ni Vice at kinilig naman ang kanyang lolo, habang seryoso lang naman silang pinagmamasdan ng dalaga.

"Narealize ko pong hindi naman problema ang kasarian pagdating sa pag-ibig kaya pinagbigyan ko na po siya, dahil kahit anong mangyari —"

"Kahit anong mangyari, ay wala siyang takas. Kahit saan man siya mapunta, mapapatay at mapapatay ko pa rin siya," pagsingit ulit ni Alena.

Inis namang napatingin sa kanya si Vice dahil panira ito sa kanyang kuwento. Nanlaki naman ang mga mata ng matanda dahil sa gulat.

"Ng pagmamahal!" palusot ulit ni Vice. "Hay naku! Pagpasensiyahan niyo na po tong girlfriend ko, lo. Ganito talaga kami magbiruan. Pero ang ibig sabihin talaga niya, hindi na daw talaga ako makakatakas sa kanyang pagmamahal at ikakamatay niya kung mawala ako sa kanyang tabi. Diba, pangga?" ngiti ni Vice, kahit pa sa kanyang isip ay gusto na niyang masuka sa kanyang mga sinasabi.

"Hindi ko talaga inakalang darating pa ang araw na ito, apo," nakangiting giit ng matanda habang tinitignan ang dalawang nasa kanyang harap.

"Ako nga din po eh," makahulugang giit ni Vice na mapaklang napangiti, at bahagyang nilingon ang matalim na tingin sa kanya ni Alena.














"O ayan, bumili ako ng mga damit na pwede mong suotin habang nandito ka sa lupa. Kailangan mong magmukhang normal para hindi ka pagkaguluhan ng mga tao," saad ni Vice sabay abot ng mga shopping bags kay Alena.

Nandito sila ngayon sa kwarto ng huli dahil pumayag na si Lolo Gonzalo na pansamantala itong manirahan doon habang hinahanap nila ang naglayas na pinsan ng dalaga. Isang kasinunggalingan ni Vice na pinaniwalaan ng matanda.

"Anong ibig mong sabihin?" nakahalukipkip at seryosong tanong ni Alena, habang suot ulit ngayon ang kanyang berde at magarang bestida.

"Hindi ka normal, dahil abnormal ka," diretsong sagot ni Vice dahilan para akmang susuntukin siya ng huli pero agad siyang nakaiwas.

"Ang ibig kong sabihin — above normal. Higit pa sa karaniwan. Kasi diba sabi mo, hindi ka isang ordinaryong nilalang. Mas makapangyarihan ka at mas nakakataas kompara sa mga taong tulad namin," palusot pa nito pero tinignan lang siya ng masama ni Alena.

"Sige na. Magpalit ka na nga diyan. Sa labas nalang ako maghihintay, baka kung ano pang gawin mo sakin dito." Lalabas na sana si Vice nang pigilan siya ng dalaga.

"Nais kong maligo kaya ihanda mo ang aking paliguan," walang emosyon niyang utos sa bakla.

Si Vice naman ngayon ang nakatingin sa kanya ng matalim ngunit agad rin niya itong sinunod dahil taob talaga siya pagdating sa mahal na sang'gre.

Padabog na pinuno ng tubig ni Vice ang malaking bathtub sa restroom habang nilalagyan ito ng pabangong nirequest ng dalaga.

"Punong-puno na talaga ako sa bruha na'yan. Nakakaimbyerna, ang sarap sakalin," naiinis at nanggigil na bulong ni Vice.

"May sinasabi ka ba, tagalupa?" nakakasindak na giit ni Alena mula sa likuran dahilan para matigilan ang huli sa pagdadabog.

"Ah, ang sabi ko po, handa na po ang lahat. Pwede na po kayong maligo, kamahalan." palusot ni Vice at binigyang daan si Alena para makapasok.

Tumalikod na siya sa huli at akmang lalabas na ito nang bigla namang ulit magsalita ang dalaga. "Hindi ka maaring umalis."

"At bakit naman hin —" hindi na natapos pa ni Vice ang kanyang pagtataray dahil biglang hinubad ni Alena ang kanyang kasuotan. Nakatalikod ang dalaga sa kanya at natatakpan rin naman ng mahabang buhok nito ang kanyang katawan.

Agad na napatalikod ulit si Vice dahil sa gulat. "A-anong ginagawa mo? Sana sinabihan mo manlang ako na maghuhubad ka na pala diyan. Diyos ko po, kamuntikan ko ng makita ang matagal ko ng tinalikuran."

"Magbantay ka diyan sa tapat ng pinto," utos ni Alena, sabay ng dahan-dahang paglusong niya sa tubig.

Bahagyang nanginginig naman ngayon si Vice kahit pa tila nag-iinit ang kanyang buong katawan. Unti-unti siyang napalingon upang malaman kung ano na ang ginagawa ng dalaga.

"Subukan mong sumilip at hindi ako magdadalawang isip na baliin yang leeg mo," rinig niyang giit ni Alena kaya mabilis siyang napatalikod ulit.

"B-Bakit kasi kailangan ko pang magbantay? Wala namang mambubuso sayo dito at kung meron man, kaya mo naman silang bugbugin," tugon ni Vice at hindi maiwasang mapawisan.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan ng isang babae, tagalupa?" tanong ni Alena na para bang nang-aakit ito. Bakas sa tono ng kanyang pananalita na gusto niyang paglaruan ang emosyon ni Vice.

Hindi naman maiwasan ng huli na mapalunok sa tuwing naririnig niya ang mahinang pagtilamsik ng tubig sa bathtub. Hindi niya kasi maalis sa kanyang isipan ang hubad na imahe ni Alena.

"M-Maghinay-hinay ka sa tanong mo, mahal na sang'gre. M-marami na akong nakitang ganyan noon. Hindi ko na nga mabilang kung ilang babae ang napaiyak ko dati nang hindi pa ako tuluyang naging bakla," bidang tugon ni Vice, hindi niya maintindihan kung bakit nasabi niya yon dahil tila minamaliit ni Alena ang kanyang pagkalalaki (?).

"Talaga? Humarap ka nga sakin ngayon," nakakahumaling pa ring giit ng dalaga. Bigla namang napailing si Vice dahil sa nerbyos. Tila nagliliyab na ang kanyang pinipigilang damdamin.

"Kung ayaw mo, ako nalang ang lalapit diyan —" hindi naman agad natapos ni Alena ang kanyang sasabihin nang biglang lumingon si Vice na nakapikit ang mga mata.

Ilang sandali pa ay napamulat siya at napakunot ng noo nang makitang tuluyan na palang nakabihis ang kaharap. Nakahinga siya ng maluwag at sinundan si Alena na nauna pang lumabas sa shower room.

Inis niyang tinignan ang dalaga mula sa likod dahil napagtanto niyang pinagtripan lang siya nito. Maya maya pa ay dumako ang kanyang paningin sa napakahabang buhok ni Alena na hanggang talampakan. Kahit nakasuot na ng pangkaraniwang damit ng tao ay kapansin-pansin pa rin ang buhok nito na tila kumikislap.

"Kailangang may gawin tayo diyan sa buhok mo. Masyadong mahaba, sigurado akong pagtitinginan tayo ng mga tao dahil mahahalata nilang bruha ka." Matalim namang tinignan ni Alena si Vice na tila komportable na sa pagtawag sa kanya ng bruha.

"Putulin nalang natin para —"

"Hindi. Hindi ako makakapayag," matapang na giit ng dalaga at napaupo sa gilid ng kama.

Wala namang ibang nagawa si Vice kung hindi ang mag-isip nalang ng iba pang paraan. Kahit pa sinusungitan niya ito ay natatakot pa rin siyang mabugbog ulit ni Alena.

Ilang sandali lang ay pinatawag niya ang kanilang mga kasambahay. Tumambad sa huli ang tatlong malulusog na bakla. Nakasuot ng parehong uniporme ang tatlo na magkaiba ang kulay.

"Blossom, Buttercup, at Bubbles, kayo na ang bahala sa kanya. Gusto ko pagbalik ko, maayos na yan dahil may mahalaga kaming lakad. Maliwanag ba, girls?"

Napatango naman si Blossom na kilala rin bilang si Baltazar, habang nakatulala lang kay Alena, si Buttercup na may totoong pangalang Brandon at panay ngiti lang naman sa kanila si Bubbles na kilala ng kanyang ama bilang si Bartolome. Sila ang mga powerpuff girls ng mansyon nila Vice.

"Masusunod po, meme! Maliwanag na maliwanag po," sabay na pabeking tugon ng tatlo at gulat namang napatingin si Alena sa huli.

"Anong ibig mong sabihin? Gusto mo bang masaktan itong mga kasamahan mo? Itutuloy mo talaga ang balak mong pagputol sa aking buhok?" Pag-uusap ulit nila ng huli gamit ang kanilang isipan.

"Hindi. Basta. Hayaan mo nalang silang ayusan ka. Magagaling ang mga yan. Babalik nalang ako after fifteen minutes. May aasikasuhin lang ako sa baba," tugon ni Vice at hindi na nakasagot pa si Alena dahil hinila na siya nito sa tapat ng malaking salamin.
















Wala namang imik si Vice habang nagmamaneho ng sasakyan. At hindi naman maalis-alis ni Anne ang kanyang tingin sa taong nakaupo sa likod.

"Napakaganda niyo po ngayon, mahal na sang'gre. I really love what you've done with the hair," kikay na giit ni Anne ngunit seryoso lang siyang tinignan ni Alena.

Nakasuot siya ngayon ng asul na pantaas at maong shorts na binili sa kanya ni Vice habang nakatirintas naman na parang korona ang kanyang mahabang buhok.

Hindi maiitatanggi na ang kanyang simpleng ayos ay nagdadala pa rin kakaibang dating. Kahit siguro basahan ang isuot sa kanya ay mangingibabaw pa rin ang kanyang nakakahumaling na kagandahan.

"Hindi ako ang may pakana nito," walang emosyong sagot ni Alena at diretsong napatingin sa mga mata ni Vice.

Napaiwas naman ng tingin ang bakla dahil nahuli siyang pinagmamasdan ang dalaga gamit ang rear-view mirror ng sasakyan.

"Buti nga at nagmukha ng tao yan," giit ni Vice habang diretso ng nakatingin sa daan.

"Tama. Buti pa ako nagmukha ng tao. Eh ikaw, tagalupa? Kailan mo balak gawin iyon?"

Bigla namang napahalakhak at palakpak ng malakas si Anne dahil may taglay palang pagkapilya ang mahal na sang'gre.

Habang sinamaan lang ng tingin ni Vice si Alena sa rear-view mirror ngunit napawi ito nang mahuli niya sa pangalawang pagkakataon ang pagsilay ng kaunting ngiti sa labi ng sang'greng minsan lang nagpapakita ng kasiyahan.























Napakagulo at nakakabinging ingay ang tumambad kay Alena nang makapasok silang tatlo sa loob ng police station. Walang emosyon niyang pinasada ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. May dalawang babaeng nagsisigawan habang pinipigilan sila ng mga pulis na magsabunutan. Mayroon namang matabang misis na talak ng talak habang nakaposas ang kanyang asawa. Rinig niya rin ang sigaw ng mga tao sa loob ng selda habang nakalabas ang mga kamay nilang napupuno ng mga tattoo.

Ang magulong senaryong ito ay iba sa kinagisnan niyang buhay sa ilalim ng dagat, kung saan siya nanatili ng ilang libong taon bilang tagapangalaga ng brilyante ng tubig. Napagtanto niyang iba na nga ang mundo ng mga tao ngayon kung ihahambing noong malapit pa ang mga sang'gre at iilang nilalang ng kalikasan sa daigdig ng mga tagalupa.

"Pamilyar ba sa'yo ang isa sa mga to?" tanong ng isang pulis kay Vice habang tinitignan nitong mabuti ang mga sketch ng mga magnanakaw na nakulong na noon.

"Ano na, waks? Nakita mo na ba?" pangungulit rin ni Anne sa kaibigan. Gusto na niya kasing umalis doon dahil sa sobrang ingay.

"Sandali, bat ba nagmamadali ka — Ito!" biglang sigaw ni Vice nang makita na niya ang isang pamilyar na mukha. Napatingin din naman si Alena dito at kinilatis ng maigi ang taong kasalukuyang may hawak ng kanyang brilyante.

"Ito chief. Ito po yung holdaper na mabaho ang hininga. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng damuho na yan," saad ni Vice sa police officer.

Tinignan din naman ng mabuti ng pulis ang mukhang itinuro ng huli, sabay utos sa isa pang pulis na kunin ang impormasyong meron sila tungkol sa taong iyon.

"Siya si Virgilio Hilario, Jr. alyas Tsonggo. Higit isang taon rin siyang pasok-labas dito sa kulungan. Noong kamakailan ay nakulong rin yan dito dahil sa pagnanakaw pero nakapagpiyensa din agad," pagsasalaysay ng pulis. Tahimik lang namang nakikinig si Alena sa likod nila Anne at Vice.

"Ang huli niyang address na nakalagay dito ay sa Tondo, pero may report na natupok ng sunog ang lugar noong nakaraang Lunes kaya posibleng wala na siya don ngayon," pagpapatuloy ng pulis.

Napasapo naman ng noo si Vice dahil siguradong mahihirapan talaga sila sa paghahanap, lalo pa at hindi nila alam ang kasalukuyang address nito. Nangangamba rin siyang naibenta na nito ang brilyante.

"Uhmm, wala po bang ibang address na nakalagay diyan, Mr. Officer? Address ng kamag-anak o kaibigan, maybe," singit ni Anne na nanatiling positibo tungkol sa kanilang sitwasyon.

Binasa naman ulit ng pulis ang folder ng tinuro nilang holdaper. Ilang sandali pa ay nakita niya ang isa pang address na nilagay ni Virgilio.

"May nakalagay rin dito na isa pa niyang dating address. Ito ang address ng kanyang lola. At malaki ang posibilidad na baka bumalik nga ito doon." Nabuhayan naman agad si Vice at mabilis na tinanggap ang folder na inabot ng pulis.

Ngunit agad siyang napasimangot nang mabasa niya kung saan posibleng matatagpuan ang nagnakaw sa kanya ng brilyante.

"Bakit, waks? Saan daw ba nagtatago yung alyas tsonggo?" nagtatakang tanong ni Anne nang mapansin ang reaksiyon ni Vice.

Napatingin lang an huli kay Anne at sunod naman niyang tinignan si Alena na seryoso lang na nakikinig sa kanila. "Sa Batanes. Maaring na sa Batanes siya ngayon."

Napanganga naman si Anne dahil napakalayo ng Batanes. Maging si Vice ay bahagyang nawalan ng pag-asa dahil mahirap makapunta doon lalo pa't may isa pa siyang inaalalang problema.

Matamlay silang lumabas ng presinto at nagtungo sa sasakyan ng huli. Ngunit bago pa man makapasok ay napatigil sila sa tanong ni Anne kay Vice. "So, what do we do now?"

Hindi agad nakasagot ang huli dahil pinagmasdan niyang mabuti ang sang'gre na tahimik kanina pa, bago niya muling hinarap si Anne.

"Hindi ko pa alam. Sobrang layo ng —"

"Pupunta tayong Batanes," walang emosyong saad ni Alena at sabay na napatingin sa kanya si Anne at Vice. Tila buo na ang desisyon nitong tumungo sila ng Hilaga.

"Pero kamahalaan, imposible yang gusto mo. Hindi ganun kadali ang pagpunta don. Malayo at mahal rin ang —" hindi na natapos ni Vice ang kanyang pagpapaliwanag nang magsalita ulit si Alena. Seryoso lang ang awra nito habang tinitignan siya ng diretso sa mga mata.

"Mahal mo ba ang buhay mo, tagalupa?" tanong nito dahilan para mapalunok si Vice. Maging si Anne ay kinabahan para sa kaibigan. Alam niya ang kakayahan ng mga nilalang katulad ni Alena. Kaya nitong tapusin ang buhay ng kung sinumang mortal na sagabal sa kanilang kagustuhan.

"Batid kong mahalaga sa'yo ang iyong buhay. Ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ang brilyante, kaya malaki ang kasalanan mo sakin. Kaya kung nais mo pang manatiling humihinga at nakabukas ang iyong mga mata, wala kang ibang gagawin kundi ang sundin ang ninanais ko. Maliwanag ba?"

Hindi namalayan ni Vice ang kanyang pagtango dahil sobrang lapit ni Alena sa kanya. Nakakasindak ang kanyang tingin habang nakakakilabot din ang kanyang boses.

Napahinga siya ng malalim at nagbitaw ng mga salitang mas gugulo pa sa kanyang buhay. "Okay fine. Pupunta tayong Batanes."















Author's Note:
Yey, roadtrip! Hehe. Nakakatakot po talaga magalit ang isang sang'gre. Ano kaya ang mga mangyayari sa kanila sa susunod na mga kabanata?

P.S. Ang lenggwahe po na ginagamit ni Alena paminsan-minsan ay Enchanta, a constructed language spoken by the people of Encantadia.

Please vote, and then comment or tweet your insights about the story. Avisala Eshma! 🤓















itutuloy, tagalupa?

Continue Reading

You'll Also Like

El Sueño By Ands

Fanfiction

6.5K 518 28
Galing sa magkaibang panahon, pilit na pagtatagpuin ng iisang pagkakataon. viceryllegucci y sobercatnip (2021)
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1.3K 302 55
"That night seems so magical." Kie--a simple girl with a simple life simply wished nothing but to be liked by her guy bestfriend, Stanley. As she was...
4.3K 314 45
[COMPLETED] Meet Samantha Jimenez.....Sam for short.....masipag, mapagmahal na anak, simpleng babae.... Laki siya sa hirap kaya matatag ang kanyang l...