Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 3

475 46 26
By sobercatnip

"Ene be, mey kiliti ako diyan eh," kinikilig na giit ni Vice habang nakapikit. Bigla namang siyang naalimpungatan nang tumama ang nakakasilaw na sinag ng araw sa kanyang mukha.

Dali-dali siyang bumangon at nang iminulat niya ang kanyang mga mata, ay gulat niyang napagtantong isang pusang gala pala ang dahilan ng kanyang kilig at kiliti. Nanaginip kasi ito tungkol sa boylet na nakasama niya noong isang gabi.

Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mukha na puno na ng laway ng pusa. Maya maya pa ay napakurap siya ng ilang beses nang makita kung nasaan siya ngayon.

Buong gabi palang siyang nakahundasay sa walang katao-taong lugar kung saan siya nahimatay kagabi.

"Isa kang lapastangan! Ibalik mo sakin ang brilyante!" matapang na tugon ng dalaga habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Vice. Bakas sa mukha nito na kaya niyang tapusin ang buhay ng huli.

Agad namang itinaas ni Vice ang kanyang kamay sa ere at pilit na nagpapaliwanag ngunit mas lalong nanlisik ang mga mata ng dalaga at unti-unti itong naging kulay berde.

Napalingon siya sa magnanakaw at mas lalo siyang nagulat nang wala na ito roon dahil mabilis na pala itong nakatakas. "S-Sandali lang, M-magpapaliwanag ako —"

"Ibalik mo sakin ang brilyanteng ninakaw mo, kung hindi ay papatayin kita!" seryosong giit ng dalaga habang sinisindak si Vice gamit ang kanyang matalim na tingin. Napalunok naman ang huli dahil sa matinding takot at kaba.

Hindi siya makapaniwala na nasundan at natagpuan siya ng nilalang na nakita niya noong isang gabi.

"Pashnea! Magsalita ka! Nasaan ang brilyante ng tubig?!" galit na giit ni Alena at akmang hahampasin na si Vice.

Ngunit dahil sa pagod, matinding nerbyos at sugat na natamo kanina ay bigla nalang itong nawalan ng malay. 

Agad na napahawak si Vice sa kanyang tagiliran at laking gulat niya nang mapagtantong wala na siyang sugat o kahit bakas ng saksak, maliban nalang sa butas niyang pantaas.

Napalingon siya sa paligid at nakahinga siya nang maluwag dahil wala ring bakas ng kakaibang nilalang na nakita niya kagabi.

Kukunin niya na sana ang kanyang phone upang tawagan si Anne pero naalala niyang ninakaw nga pala ito. Napasabunot nalang siya ng buhok dahil hindi niya alam kung paano siya makakauwi.

"Wala ka ng choice kung hindi ang mag-walkathon, bakla," reklamo niya at tumayo na mula sa pagkaupo sa lupa. Akmang maglalakad na siya nang bigla siyang napahinto dahil may nagsalita.

"Nasaan ang brilyante?" kalmado ngunit nakakakilabot na giit ng tao mula sa kanyang likuran. Bigla namang tumindig ang balahibo ni Vice dahil sa lamig na dulot ng boses nito.

Hindi na lumingon ang huli dahil alam na niya kung sino ang taong nagsalita. Tatakbo na sana siya upang takasan ito nang bigla siyang hinagisan ng tabla ng kahoy mula likod. Agad na sumubsob ang mukha ni Vice sa lupa at napasigaw ito dahil sa sakit.

Walang kahirap-hirap siyang pinatayo ni Alena habang hawak ang leeg nito. Naiyak naman sa takot si Vice dahil nasasakal na siya.

"Nasaan ang brilyanteng kinuha mo sakin, tagalupa?!" sigaw ni Alena at hinagis si Vice dahilan upang tumilapon siya sa mga nagkukumpulang basurang nasa gilid.

Umaga na pero wala talagang katao-tao sa lugar na'yon. Dahan-dahang lumapit si Alena kay Vice na ngayo'y nanginginig na sa sobrang takot at pangamba.

Sinubukan naman ng huli na gumapang palayo ngunit agad siyang naabutan ng tadyak ni Alena. Hinawakan niya si Vice sa braso at walang kahirap hirap namang hinagis sa isa na namang bundok ng basura.

"A-Aray! Kotang-kota ka na ha!" sigaw ni Vice at napahawak sa kanyang balakang at braso na halatang napuruhan. Puno na rin ng gasgas ang kanyang mga binti. Inamoy niya rin ang kanyang sarili at galit siyang napalingon kay Alena dahil amoy basura na siya ngayon.

"Hoy ikaw bruha! Hindi porket babae ka hindi kita papatu —" hindi na natapos ni Vice ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang natameme nang makitang naglalakad si Alena palapit sa kanya. Kahit nanlilisik ang mga mata nito dahil sa galit ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kakaibang ganda.

Napabalik nalang siya sa kanyang ulirat nang hawakan ni Alena ang kanyang kwelyo at hinila siya pataas. "Papatayin kita!" sigaw ni Alena at sinuntok naman ngayon sa mukha si Vice dahilan para ito ay mamaga. "Nasaan ang brilyante?!"

"Wala! Hindi ko alam. Wala sa akin yung brilyanteng sinasabi mo!"

"Wala kang kwentang nilalang kaya lubos na nararapat sayo ang kamatayan!" Akmang sasaksakin na ni Alena si Vice nang matalim na bakal nang sumigaw ito ng napakalakas.

"SANDALI! HINDI AKO PWEDENG MAMATAY! HINDI MO AKO PWEDENG PATAYIN DAHIL HINDI MO MAHAHANAP ANG BRILYANTE KAPAG PATAY NA AKO!" mangiyak-ngiyak na saad ni Vice dahil hindi na siya makahinga.

"Hindi ako naparito sa lupa upang mag-aksaya ng oras at panahon, kaya sabihin mo na sakin ngayon kung nasaan ang brilyanteng ninakaw mo," galit na giit ni Alena. Ang kanyang kinikilos ngayon ay hindi akma sa kanyang tinataglay na kagandahan.

Napalunok naman si Vice dahil kahit takot na takot siya ay hindi niya maiwasang hangaan ang ganda ng sang'gre. Bakla siya pero may kung anong mahika ang babaeng ito para makaramdam siya ng paghanga.

"W-Wala na sakin ang brilyanteng hinahanap mo. Ninakaw rin siya sakin kagabi," sagot ni Vice at tinignan naman siya ng mabuti ni Alena kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"H-Hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko, may taong kumuha sakin non kagabi."

"Kung gayun ay wala na palang silbi ang isang tagalupang tulad mo. Kaya mas mabuti kung papatayin nalang rin kita" Akmang sasakalin niya ulit si Vice nang mapasigaw na naman ang huli.

"WAG! HINDI MO MAHAHANAP ANG BRILYANTE DAHIL HINDI MO KILALA ANG NAGNAKAW NON! KAYA DAPAT AKONG MABUHAY PARA HINDI KA MAHIRAPAN SA PAGHAHANAP!"

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong ni Alena at niluwagan na ang pagkasakal kay Vice.

"Ako ang nakakita sa magnanakaw, diba? So, ako lang ang nakakaalam ng mukha niya."

Tinignan lang naman siya ni Alena ngunit hindi pa rin ito kumbinsido kung dapat pa niyang buhayin si Vice.

"Kapag nawala ako, walang magtuturo sa taong kumuha ng brilyante, at kapag nagkataon, hindi iyon maibabalik sayo. Kaya sa ayaw at gusto mo, kailangan mo ako."

Sa pagkakataong iyon ay mas lalong nagtapat ang kanilang mga mata. Napatitig naman ng mabuti si Vice sa kaharap at maliban sa takot ay hindi niya talaga maiwasang makaramdam ng kakaiba.




















Tulalang nakatingin si Anne sa kaniyang bagong bisita. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang taong nababasa niya lamang sa mga libro at alamat.

Kasalukuyang nililibot ni Alena ang sala ng condo ni Anne. Wala itong emosyon habang ginagala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid. Panaka-naka niya ring hinahawakan ang mga makabagong kasangkapan na naroroon.

Habang nakaupo lang naman si Vice sa sofa katabi ng kaibigan at pinapatong ang cold compress sa nasapak niyang pisngi.

"Mahal na sang'gre, sigurado po akong napagod kayo sa paglalakad papunta dito. Gusto niyo po ba ng maiinom? Tubig? Juice? O kahit ano pong nanaisin niyo," alok ni Anne kay Alena at seryoso lang naman siyang tinignan ng huli.

"Ang nais ko lamang ngayon ay ang mahanap ang brilyanteng ninakaw ng nilalang na 'yan," turo niya kay Vice at bumalik ulit sa pagmamasid ng kanyang paligid.

"Eh ako? Hindi mo manlang ba ako aalokin ng juice o tubig manlang? Naglakad din naman ako papunta dito ah. Mas dehado nga ako kasi ako 'tong bugbog sarado," reklamo ni Vice at napangiwi sa sakit ng namamaga niyang mukha.

"Ito naman, tampo agad! O, ito ng tubig mo," sabay patong ni Anne ng isang basong tubig sa lamesa. Agad din naman itong ininom ni Vice.

"At saka, bat ganyan ka ba kung magsalita tuwing kinakausap mo ang bruhang yan. Ni hindi nga yan humingi ng sorry sa mga ginawa niya sakin. Ang sakit sakit tuloy ng buong katawan ko," inis na giit ng huli dahilan para matalim siyang tignan ni Alena.

Pasimple naman bumulong si Anne sa kaibigan na mataray ang pakikitungo sa mahal na sang'gre. "Hoy waks, ano ka ba? Nakalimutan mo na ba? Anak ng isang dyosa ang apat na mga tagapangalaga ng brilyante ng kalikasan. Isa na si sang'gre Alena don. So, basically dyosa rin siya kaya dapat lang na galangin at tratuhin mo siyang parang isang dyosa."

Tila nakalimutan naman ni Vice na anak nga pala ni Minea, na dyosa ng kalikasan, buhay at kamatayan si Alena kaya napatulala nalang siya sa nalaman.

"Mahal na sang'gre, ipagpaumanhin niyo po itong pakikitungo sa inyo ng kaibigan ko. Hindi ho kasi naging masaya ang childhood niya noon kaya lumaki siyang siraulo," palusot ni Anne dahilan para tignan siya ng masama ni Vice.

Aalma pa sana ito ngunit mabilis siyang sinagi ni Anne sa tagiliran, sensyas na itikom nalang ang kanyang bibig.

"Kinuha ng siraulong iyan ang brilyanteng nasa ilalim ng aking pangangalaga. Kaya nararapat na maibalik niya sa akin ang ninakaw niya," maawtoridad na utos ni Alena.

Alam na ni Anne na ninakaw ng ibang tao ang brilyante ng tubig, gayunpaman kahit imposible ay kailangan nilang isauli ito sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay pareho silang malalagot ni Vice.

"Masusunod po, mahal na sang'gre. Ibabalik po ng kaibigan ko ang brilyanteng kinuha niya sa inyo." Nagtataka naman siyang tinignan ni Vice.

"Paano? Saang lupalop naman natin hahanapin ang walang hiyang magnanakaw na'yon?" bulong ng huli.

Ang mga nasabi niya kasi kay Alena kanina ay pawang mga kasinungalingan lamang para hindi matuloy ang pagpatay sa kanya. Gusto niya sanang takasin ito kanina nang patungo sila sa condo ni Anne pero sadyang nanghina ang kanyang katawan.

"Pupunta tayo sa mga police station, baka may mga sketch or information don ng mga magnanakaw na hindi pa nahuhuli o nahuli na pero nakalaya agad." Napatango rin naman si Vice, pwede nga nilang gawin yon pero siguradong mahihirapan sila.

"Bukas nalang tayo magsimula sa paghahanap. Gabi na, mahihirapan lang tayo magtanong-tanong sa mga pulis, at isa pa, inaantok na ako," reklamo ni Vice at naglakad na papunta sa pinto.

"At saan ka pupunta, tagalupa?" diretsong tanong ni Alena kaya napahinto ang huli.

"Uuwi. Hindi ba obvious?" pamimilosopo niya dahilan para mapapikit si Anne dahil sa hiya at pangamba.

"Sasama ako," walang emosyong tugon ni Alena. Nagkatinginan naman sina Anne at Vice.

"Bakit? Hindi ka ba uuwi sa inyo?" mataray na tanong ng huli.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi naibabalik sakin ang brilyante. Kaya sasama ako sayo," seryosong sagot ni Alena.

"Hindi pwede. Dito ka nalang kay Anning. Total mag-isa lang naman siya dito at mukhang vibes na rin naman kayo. Kaya dito ka na nalang dahil uuwi na ako."

"Anong karapatan mong pangunahan ang mga desisyon ko? Isa akong sang'gre habang ikaw ay isa lamang walang kwentang tagalupa."

Napalunok naman si Anne at mabilis na nilapitan ang kaibigan. "Baks, pumayag ka na lang. Wag mo ng galitin ang mahal na sang'gre. Gusto ko pang mabuhay," bulong nito pero wala talagang plano si Vice na magpatalo.

"Hindi pwede. Sigurado akong mawiwindang ang lolo ko kapag may inuwi akong babae. Baka isipin niya pang — ah basta, hindi maari," pagmamatigas ng huli. "Wag kang mag-alala, hindi naman kita tatakasan. At isa pa, siguradong maiintriga rin ang mga kasambahay namin sa mansyon at baka malaman nilang hindi ka pala talaga tao at kapag nangyari yon—"

"Papatayin ko sila," diretsong giit ni Alena dahilan para manlaki ang mga mata ng dalawa. Bakas sa mukha nito na seryoso talaga ito sa pagpatay ng kung sinuman ang humarang at sagabal sa kanya.

Napahinga naman ng malalim si Vice habang nakatingin lang sa kanya si Alena at walang emosyon ang mukha.

"Sasama ako sa'yo at wala kang magagawa para pigilan ako," saad nito at nauna na siyang maglakad palabas ng condo ni Anne.

Napahilamos lang naman ng mukha si Vice dahil sa inis at bahagyang nagdabog na parang bata. Ramdam niyang simula na ito ng pagkagulo ng kanyang tahimik na buhay.
















"Dito ka lang. Wag kang lalabas dito. Hindi alam ng lolo ko na nandito ka. Swerte mo rin dahil hindi dito natutulog ang mga kasama namin sa bahay," giit ni Vice habang nakaupo na parang reyna si Alena sa gilid ng malaking kama.

Naisipan ni Vice na itago ang dalaga sa isang bakanteng kwarto malapit sa kanya, para macheck niya ito kada oras. Magkalapit rin ang mga balkonahe nila, in case magkaroon ng kung anong emergency.

Wala namang naging tugon si Alena at nilibot lang ang kanyang paningin sa buong silid. Wala talaga siyang balak kausapin si Vice.

"Sige na. Basta dito ka lang at wag na wag kang lalabas. Pupuntahan ko lang si lolo sa baba. Siguradong hinahanap na ako non."














"Apo, may problema ba? May masakit ba sa'yo? Bakit hindi ka yata makagalaw ng maayos?" usisa ng lolo ni Vice na nasa kabilang dulo ng lamesa. Kasalukuyan silang naghahapunang dalawa.

Napili talaga ni Vice na umupo doon para hindi mahalata ng lolo niya ang pasa sa kanyang mukha dulot ng malakas na suntok ni Alena. Nagsuot rin siya ng makapal na make-up para bahagyang matakpan ito.

"Ah wala po, lo. Ito po kasi yung uso ngayon. Yung kilos dalagang Pilipina," pagsisinungaling ni Vice kahit pa nahihirapan na siyang gumalaw dahil masakit talaga ang kanyang katawan.

"Ganun ba? Hays, kayo talagang mga kabataan. Kung anu-ano nalang ang mga ginagawa at pinapauso," tawa pa ng kanyang lolo. Natawa na lang rin si Vice at nagpatuloy sa pagkain.

Ngunit ilang sandali lang ay muntik na siyang mabilaukan nang makita si Alena na nakatayo mula sa likuran ng kanyang lolo. Para siyang nakakita ng multo at hindi iyon nakalagpas sa paningin ng huli.

"Bakit apo? May problema ba?" at akmang lilingon sa likod pero mabilis siyang pinigilan ni Vice.

"Naku, lolo! Anong oras na pala. Kailangan niyo na po palang matulog. Tara na po, lo. Hatid ko na po kayo sa taas," sunod-sunod na giit ng huli. At pwersahang inalalayan ang kanyang lolo na tumayo.

"Sandali lang, hindi pa ako tapos. Sayang naman tong pagkain."

"Mas sayang po ang buhay niyo."

"Ano iyon, apo?" naguguluhang tanong ni Lolo Gonzalo dahil hindi niya narinig ang bulong ni Vice habang hinihila siya nito tungo sa kanyang kwarto.

"Ang sabi ko po, matulog na po kayo. Maaga pa po kayo bukas sa opisina, diba? Ako na pong bahalang magligpit dito. Sleep well po. Good night. Sweet dreams," sunod-sunod ulit na litanya ni Vice at mabilis na isinara ang pinto. Napasandal naman siya dito at pagkatapos ay inis na bumalik sa hapagkainan.

Naabutan niyang seryoso lang na nakaupo si Alena sa bakanteng upuan. "Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo, wag na wag kang lalabas ng kwarto hangga't hindi ko sinasabi."

"Hindi ba at sinabi ko rin sayo, na wala kang karapatang pangunahan ang mga gustong kong gawin," walang emosyong tugon ni Alena.

"Ano ba kasing kailangan mo? Bat naisipan mong lumabas ng kwarto, ha?" inis na tanong ni Vice na malapit ng maubos ang pasensiya.

"Nagugutom ako," seryosong sagot ng sang'gre.

Napabuntong hininga lang naman si Vice dahil wala siyang ibang choice kung hindi pagbigyan ang dalaga. "Ano bang kinakain ng mga tulad niyo?"














"Saan tayo pupunta?" tanong ni Alena habang nakasakay sa kotse ni Vice. Nagawa pa rin nitong magmaneho kahit pa sobrang sakit na ng katawan niya.

"Sabi mo nagugutom ka. Edi bibili tayo ng makakain mo," sagot ng huli habang diretsong nakatingin sa daan.

Maya maya pa ay huminto sila sa tapat ng isang supermarket. Buti nalang bukas pa ito ng ganoong oras.

"Bilisan mo na. Malapit ng magsara tong tindahan. Pumili ka na ng gusto mong kainin para makauwi na tayo," masungit na giit ni Vice habang nakatago ang kanyang mga kamay sa suot niyang pink na hoodie. Baka kasi may makakilala sa kanya kasama si Alena.

Habang ang huli naman ay nakasuot din ng hoodie na kulay blue. Nakapagpalit na rin ito ng damit na hiniram nila kay Anne kanina dahil agaw pansin talaga ang magara niyang berdeng bestida na tila lumiliwanag pa.

Ngayon, kung titignan sila ng ibang tao ay para silang magjowang nakahoodie at namimili ng groceries.

Nagtungo sila sa seksyon ng mga poultry, meat at iba pang uri ng frozen goods. Napahinto naman si Alena nang makita niya ang mga isdang nakahilera at wala ng buhay.

"Anong ginawa ng mga walang silbing tagalupa sa inyo, at tila kaawa-awa ang inyong lagay?" pagkausap niya sa mga isda.

Nagulat naman si Vice sa ginawa ng kanyang kasama kaya agad niya itong nilapitan. "Hoy, anong ginagawa mo diyan? Bat mo kinakausap yang mga isda?"

"Kailangan natin silang bigyan ng maayos na libing. Hindi sila maaring mabulok sa malamig na lugar na ito," seryosong saad ni Alena at akmang kukunin ang mga isda.

Mabilis naman siyang napigilan ni Vice. Buong lakas niya itong binuhat at hinablot agad ang pagkaing nais ni Alena. Hinihingal siyang nagtungo sa counter at binayaran agad ang kanyang binili.

"Just keep the change," nagmamadali niyang giit habang buhat buhat pa rin ang dalaga. Mahirap na dahil balak talaga ng huli na bigyan ng maayos na libing ang mga isdang nasa loob na ng malaking freezer.

"Grabe, ang sweet naman ng magjowang yon," kinikilig na saad ng cashier sa katabi niyang cashier din habang tanaw si Vice na buhat pa rin si Alena at tumatakbo patungo sa kanilang sasakyan.
















"Ano bang pumasok sa isip mo at gusto mong ilibing yong mga isdang yon? Nakakaloka ka! Muntik mo na akong mapahamak," litanya ni Vice habang hinihintay na maluto ang pagkain ni Alena.

Malalim na ang gabi, at tahimik na ang buong paligid. Tanging silang dalawa nalang ang gising sa loob ng mansyon.

"Ang lahat ng nilalang sa daigdig ay mayroong kaluluwa, kaya nararapat lang na bigyan sila ng maayos na libing kapag oras na ng kanilang paglisan," seryosong sagot ng dalaga. "Maliban nalang siguro sayo dahil mukhang wala ka namang kaluluwa."

Tinignan naman siya ni Vice ng matalim ngunit mas nakakasindak pa rin ang tingin ng dalaga kaya nagpatuloy nalang si Vice sa pagluluto at hindi na sumagot pa.

"O, ayan. Luto na po ang nais niyong kainin, mahal na sang'gre," may pagkasarkastikong giit ni Vice at nilagay na sa lamesa ang roasted beef na nirequest nito kanina.

Sandali naman itong tinignan ni Alena bago niya ito tikman. Hinintay naman ni Vice ang maging reaksyon nito. At sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang palihim at kaunting pagngiti ng sang'gre.

Napangisi naman si Vice dahil tila nagustuhan ni Alena ang kanyang inihandang pagkain. Ngunit napawi iyon nang biglang tumayo ang dalaga.

"Teka, saan ka pupunta? Akala ko ba nagugutom ka? Hindi mo ba uubusin tong niluto ko para sayo?"

"Ang mga makapangyarihang tulad ko kailanman ay hindi nakakaramdam ng gutom," diretsong giit ni Alena dahilan upang biglang kumulo ang dugo ni Vice.

"ANO?!" inis niyang sigaw pero bigla rin siyang natigilan nang napagtanto niyang tulog na ang kanyang lolo. "Kung hindi pala kayo nagugutom, eh bat sinabi mo pa kanina na nagugutom ka. Bat nag-utos ka pang bumili ng karne ng baka?! Bat pinagluto mo pa ako ng ganitong oras?!"

"Nais ko lang matikman ang mga pagkaing karaniwang kinakain ng mga tulad niyo. At isa pa, hindi naman ako ang nagsabi sayong bumili tayo kanina. Ikaw ang mismong nagtanong kung anong gusto ko at sinagot ko lang rin naman iyon," kampanteng tugon ni Alena na hindi manlang naapektuhan sa naging reaksyon ni Vice.

Naiwan naman ang huli sa dining area habang nagpapadyak dahil sa inis. "Bwesit ka talagang bruha ka!" bulong niya at padabog na iniligpit ang hapagkainan.

















Tila lantang gulay na umakyat si Vice sa hagdan tungo sa kanyang kwarto pagkatapos nitong maglinis sa kusina. Madaling araw na at wala pa rin siyang maayos na tulog simula kagabi. Sobrang sakit na rin ng kanyang katawan dahil sa mga natamo kaninang umaga.

Akmang papasok na siya ng kanyang silid nang biglang bumukas ang pinto sa kabila. Lumabas mula doon si Alena at seryoso siyang tinignan.

"Ano na namang kailangan mo?" pasukong giit ni Vice dahil mukhang iinisin na naman siya ng mahal na sang'gre.

Hindi naman nagsalita si Alena at bahagyang nilapitan si Vice. Nagulat naman ang huli nang tignan nitong mabuti ang kanyang mukha.

"A-Anong ginagawa mo?" nauutal na tanong ni Vice dahil ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't isa.

"Kanina ko pa ipinagtataka ang mga kulay na nakalagay sa iyong mukha," inosente ngunit seryosong giit ni Alena. "Tila ikaw lang ang tagalupang nakita kong naglalagay niyan."

"N-ng ano? Nitong make-up? Naku teh, hindi lang ako ang naglalagay nito, no! Marami kami. Mawiwindang ka lang sa sobrang dami. Kung gusto mo lagyan din kita eh."

"Bakit kinakailangan mo pang maglagay ng ganyan?" Napahikab naman si Vice dahil pagod at inaantok na talaga siya.

"Syempre para mas lalo akong gumanda. At isa pa, binugbog mo kasi ako kanina. Kailangan ko tuloy itago itong pasa ko sa mukha."

Pagkatapos ay napairap lang si Vice. Bahagya niya ring hinilot ang kanyang balikat na mukhang napuruhan din nang ihagis siya ni Alena sa gabundok na basura.

"O? May tanong ka pa ba? Kasi kung wala na, matutulog na ako. Inaantok na talaga —" hindi na natapos ni Vice ang kanyang sasabihin nang biglang hawakan ni Alena ang kanyang kaliwang pisngi.

Napatulala siya nang makaramdam ng kakaibang lamig na dumadaloy sa kanyang buong katawan. Tila ba nawala lahat ng sakit na tinitiis niya kanina pa, at nangyari yon sa isang iglap lamang.

Maliban don ay biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso sa pagdampi ng kamay ni Alena sa kanyang pisngi. Muli niyang pinagmasdan ang mga mapupungay nitong mata, matangos na ilong at manipis na labi.

Magrereklamo pa sana si Vice sa ginawang paghawak ni Alena sa kanya nang bigla siyang napatigil. Nanlaki ang mga mata ni Vice nang lumabas mula sa kanyang silid ang kanyang lolo Gonzalo na gulat ring napatingin kay Alena.

Tinignan rin siya ng dalaga ngunit walang emosyon ang mukha nito. Agad namang humarang si Vice sa pagitan ng dalawa habang sobrang pinagpapawisan. Tila nawala ang kanyang pagka-antok.

"S-Sino ang babaeng yan?" seryosong tanong ni Lolo Gonzalo habang nakatingin ng diretso kay Alena, na hindi rin nagpapatinag.

"Ah lolo, m-magpapaliwanag po ako," kinakabahang saad ni Vice sabay tago kay Alena sa kanyang likod. Natatakot si Vice para sa kanyang lolo dahil sa oras na kwestyunin nito si Alena ay baka masipa siya ng huli.

Alam ni Lolo Gonzalo na bakla si Vice at may sarili na itong pag-iisip ngunit strikto at mahigpit pa rin ito sa mga taong dinadala at inuuwi ng kanyang apo sa kanilang tahanan.

"Apo, uulitin ko! Sino yan? Sino yang nasa likod mo?" tanong ulit nito sa kanyang apo, na ngayo'y napalunok nalang sa matinding kaba. Kung pwede lang himatayin ay ginawa na ni Vice.

Alam ng huli na wala na siyang takas ngayon. Lalo pa at naabutan sila ni Alena na silang dalawa lang habang sobrang lapit pa sa isa't isa, sa gitna ng gabi.

Napahinga nalang siya ng malalim at kinuha ang anumang natitirang lakas ng loob sa kanyang buong pagkatao. Hindi niya akalaing darating ang araw na ito.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Alena na halatang nabigla, at diretso siyang napatingin sa matanda. "Lolo, siya po si Alena. Ang g-girlfriend ko," sagot ni Vice na ikinagulat ni Lolo Gonzalo at ikinatalim naman ng tingin ni Alena sa kanya.































Author's Note:
So, anong tingin niyo sa karakter ni Alena? Ano kayang susunod na mangyayari sa kanila? Hmmm. Please vote, and then comment or tweet your insights about the story. Thank you! 🤓


itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
10.8K 472 27
Hindi siya tulad ng iba Maraming nalilito sa pagkatao niya Mapababae o lalaki ay nagugustuhan siya She will never be your damsel in distress But She...
230K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...