Not So Boy Next Door (COMPLET...

Per aril_daine

3.4M 76.1K 6.6K

If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz Més

Not So Boy Next Door
Chapter 1: So freaking wrong!
Chapter 2: Maybe
Chapter 3: Dyosa
Chapter 4: I won't go chasing
Chapter 5: Chess Master
Chapter 6: Feeling Superhero
Chapter 7: Seriously?
Chapter 8: Weakness
Chapter 9: Good Old Days
Chapter 10: Love is...
Chapter 11: I hate her
Chapter 12: Help me
Chapter 13: Bwisit ka talaga!
Chapter 14: Tsismosa
Chapter 15: Goodnight
Chapter 16: ...
Chapter 17: Weird
Chapter 18: I waited for nothing
Chapter 19: 'Kay
Chapter 20: Pain Pain Go Away?
Chapter 21: Buti nga!
Chapter 22: Drunk
Chapter 23: Ten
Chapter 24: Meanie
Chapter 25: Bwisit
Chapter 26: Broken Rule
Chapter 27: Valid or void?
Chapter 29: Ewan! Ewan!
Chapter 30: You're Annoying
Chapter 31: D and his Game
Chapter 32: That was so embarrassing!
Chapter 33: Hormones
Chapter 34: 2 seconds
Chapter 35: Only one
Chapter 36: Clingy
Chapter 37: Happy birthday to me
Chapter 38: Thief
Chapter 39: Stop
Chapter 40: Baliw
Chapter 41: Damn Medicine
Chapter 42: Suhol
Chapter 43: Amazing
Chapter 44: Katahimikan
CHAPTER 44 Part 2: Bun in the Oven
CHAPTER 45: FLASHBACK
CHAPTER 46
Chapter 47: Party
Chapter 48: Assuming
CHAPTER 49: Fine!
CHAPTER 50: END

Chapter 28: Midnight Phone Call

50.3K 1.1K 113
Per aril_daine

Chapter 28: Midnight Phone Call

 

Wala si D sa bahay nang makauwi ako. Sabi ni lola baka umuwi raw sakanila. Tatanungin ko pa naman sana siya tungkol sa relasyon namin. Kung kami pa ba o hindi na.

Tapos na akong kumain at magshower pero ni isang tawag mula sa ulupong na iyon wala akong natanggap. Siguro hindi talaga kami.

Limang minuto na siguro akong nakahiga lang sa kama ko kaya lang sadyang hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang mga sinabi ni Pauline kanina. Gusto pa niya si D. Dapat ba akong mainis? Pero boyfriend ko pa ba siya? Pero pumayag ako noon kahit alam kong gusto siya nina Leo at Pauline. Well, anyway hindi naman ako naiinis.

                                                                                                                                                  

Tatawagan ko na sana si D para sana magtanong kaya lang biglang may tumatawag naman saakin. Si Erick.

“Hey.” Bungad ko.

“Hi. Nagulo ba kita?”

“Hindi naman. Kumusta?”

“Ayos lang. Nananakit ang katawan.” Umupo ako at saka binuksan ko ang lampshade sa side table ko.

“Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit nananakit ang katawan mo? Gee Erick! Mag-ingat ka naman. Alagaan mo naman ang sarili mo.”

“Napaaway lang.”

“Erick!”

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya sa kabilang linya. This isn’t even funny. What’s wrong with him?

“Erick, mag-ingat ka naman. Huwag kang makipag-away.” Huminga ako nang malalim dahil nai-stress ako sakanya.

“Napapangiti mo pa rin ako tuwing nag-aaalala ka saakin.”

“Natural! I care for you! Magulat ka kapag wala na akong pakialam sa’yo! Erick naman. Ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag kang sumasali sa mga gulo? Lalo na’t madalas lasing ang na-eencounter mo. Huwag mo nalang kasi silang patulan.”

“Sabi nila huwag daw ako magkakagusto sa taong walang pakialam. Kaya ako nagkagusto sayo, eh.”

“Erick.” Muli kong pinatay ang ilaw ko at saka nahiga.

“Just kidding. Kumusta na kayo nung exotic mong boyfriend? Paano ka ba niya napasagot? Nadaan ka ba sa pananamit niya?”

“We’re fine. At least, that’s what I think.”

“May ginawa ba siyang hindi mo nagustuhan? May problema ba?”

“Nah. Not really. So ikaw, magkwento ka rin.”

“Sinubukan ko yung sinabi mo. May dini-date ako ngayon. Tinawagan kita para sabihin ‘yun baka sakaling magselos ka.” 

“Oh geez! As if naman Erick. But anyway, I’m happy for you. So you like her?”

“Not really. We’re cool though. Hindi siya nagdedemand. She’s nice and cute.”

“That’s great.” Mas nauna akong magkaboyfriend pero mukhang mas may spark pa sina Erick at ang dini-date niya ngayon. But i’m really happy for him. “Napaaway ka dahil sakanya, ano?”

“Medyo. O siya, matutulog na ako. Kapag pinaiyak ka nung exotic mong boyfriend. Sabihin mo kaagad saakin. Baka sakaling pwede ulit manligaw. Goodnight.” He hung up after that. But actually I doubt it. Baka hindi naman ako umiyak dahil kay D. He’s nice... Well, sort of.

Kakapikit ko palang ng mga mata ko ay bigla nanamang tumunog ang cellphone ko! Kung kailan naman inaantok na ako! Wala ba silang balak magpatulog?

“Hello?” Pabalang kong sagot.

“Hi.” Mas malalim ang boses niya kapag sa call. Husky na parang nanlalambing sa pandinig. “Kanina pa kita tinatawagan.” Ngayon naman parang may halong lungkot ang boses nito. Gee!

“D.”

“May kausap ka kanina. Babae o lalaki?” Siguradong-sigurado talaga siyang may kausap ako kanina. Stalker ba siya?

“Bakit? Kung may kausap ba ako kanina ay magseselos ka? Hindi naman, e.” Niyakap ko ang unan ko at pumikit. Sabi niya noon na hindi siya seloso.

“Uhm... Kapag lalaki.” Humigpit ang yakap ko sa unan ko dahil sa sagot niya. Napangiti rin ako nito. I don’t know why.

“Akala ko ba hindi ka naman seloso?”

“Ah. Lalaki nga. Sino sa mga lalaking nakita ko na?”

“Si Erick.” Sagot ko sakanya at bigla nalang siyang tumahimik sa kabilang linya. Nagalit ba siya? Ayaw ba niyang may kausap akong iba?

Nagseselos na ba siya? Marunong ba siya non? Dapat ko bang tanungin yung dalawang ex niya? Gee!!! Bakit ba bigla nalang bumilis yung heartbeat ko? Mas lalo ko panghinigpitan ang yakap ko sa unan ko. Hindi talaga siya nagsasalita.

Natulugan na ba niya ako?

“D?”

“Huwag kang maingay. Nag-iisip ako.” Huminga nalang ako ng malalim. Pasalamat siya dahil humaba na ang pasensya ko nang dahil sa mga estudyante ko.

“Malalim ba yang iniisip mo at kulang nalang sabihin mong i-tape ko na ang bibig ko?”

“Oo malalim.”

“Then don’t call me!” Naiinis kong sabi sakanya. Tatawagan niya ako para lang mag-isip siya? “I have a question pa naman! But gee! Bye na nga. Mag-isip ka nalang dyan forever!”

“Jeling... Galit ka?” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tono ng boses niya ngayon. Kung kikilabutan ba ako o kikiligin. May halong panglalambing kasi, e! ToT

“Ano ba kasing iniisip mo? Parang nang-aasar ka lang, e. Tingin ko tuloy hindi na ako makakatulog dahil naha-high blood na ako sayo ngayon.” Kako sakanya. Hindi ko nga namalayan na nakaupo na ulit ako ngayon. Nawala na ang antok ko dahil sakanya.

“Kung anong magiging tawagan natin. Pwede naman kitang kantahan mamaya para makatulog ka. Ano palang itatanong mo?”

“Tawagan? Anong sinasabi mo dyan? Anong tawagan naman ‘yan?”

“Endearment! Ano ba naman ‘to parang hindi nagkaboyfriend.” Parang ‘duh’ na mahabang version lang ang sinabi niya ngayon. Ang sarkastik din niya kung gugustuhin niya.

“Seriously? Iyan talaga ang iniisip mo?” Muli akong huminga nang malalim at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Bakit ba ang weird niya?

“Ano nga kasing itatanong mo?” Kung tayo pa ba? Yun lang naman ang itatanong ko sakanya kaya lang nasagot na pala.

“Wala na nalimutan ko na.” Muli akong nahiga at pumikit. Susubukan ko lang kung matutulugan ko siya. Kaya lang sobrang na-HB ako sakanya kanina. Feeling ko ang active ng dugo sa katawan ko ngayon.

“Babe sana ang itatawag ko sayo kaso common. Baka yun din ang itinawag mo sa ex mo noon. Ayaw ko.” Para siyang naasar ngayon dahil sa mga naiisip niya.

“Naka-pout ka ba?” Tanong ko sakanya pero imbes na sumagot siya ay natawa siya sa tanong ko.

“Medyo lang. Ini-imagine mo ba ako? Nakahiga ako ngayon at nakapikit. At kinakausap ka. Huwag mo akong hubaran.” Biro niya pero sa totoo lang ini-imagine ko nga ang hitsura niyang naka-pout. Ang cute kasi niya kaninang tanghali nang makita ko siyang naka-pout. Mukha siyang bata.

“Matino ang damit mo sa imagination ko.” Totoo ang sinabi kong iyon. Kahit sa imagination ko lang sana ay tumino naman siya. Yung hindi sinusuot ang mga bigay ni lola dahil trip lang niya. Este ni lola. “Chocolate or Vanilla?” Random kong tanong.

“Vanilla. Libro o American Series?” Tanong niya naman saakin. Ano bang trip namin bigla?

“Books. Dog or cat?”

“Both. Manicure sa kamay o manicure sa paa?” Bigla akong natawa dahil sa tanong niya. Baliw talaga siya kahit kalian.

“Pedicure kasi yun. Both.” Ilang oras kaming nagtatanungan ng kung anu-ano.

Mahilig siya sa sapatos. Mas gusto pa rin niya ang baseball kaysa sa basketball. Madami pa akong natanong pero hindi ko na natandaan yung iba sa dami.

“Matulog ka na.” Utos niya saakin. Kung kailan naman natutuwa na ako sakanya saka naman niya ako patutulugin. Isa pa hindi na ako inaantok pero siya kasi bakas na sa boses niya ang pagod.

“Hindi pa ako inaantok. Kasalanan mo ‘to.” Narinig ko ang pag-creak ng kama niya kaya alam kong tumayo siya.

“Ipikit mo ang mga mata mo.” Aniya. Alam kong malayo siya at hindi ko alam kung naka-loud speaker ba siya kaya hindi na ako sumagot. Sinunod ko nalang ang gusto niya. Pumikit ako at hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

Ilang beses kong narinig ang pagtikhim niya bago ko narinig ang pag-strum niya ng gitara. “Jeling, can you hear me?”

“Uh yeah? Naka-loud speaker ka pala.”

“Yeah. I’ll sing for you so close your eyes and listen, okay?”

“Anong kanta?”

“Butterflies by kolohe kai.” Hindi ko alam ang kantang sinabi niya at kung sino yung artist kaya naman tumahimik nalang ako at nakinig.

“There’s something in your eyes,”

 

Awtomatikong napangiti ako nang mag-umpisa siyang kumanta. Malumanay lang ang pagkanta niya at maganda ang boses niya.

 

 

“It holds a big surprise,

It made me realize how much I adore you.”

“Maganda pala ang boses mo.” Sabat ko sakanya

“Sshh! Kumakanta ako. Matulog ka na.” Parang napaskil na ang mga ngiti ngayon sa mukha ko dahil sinagot pa talaga niya ang sinabi ko. “Nawala tuloy ako!” Sisi pa nito saakin kaya naman bahagya akong natawa sakanya.

“You’re my crush,

Can’t you see the way I blush,

 but I don’t want to rush things with you my love,

You’re all I think of,

Truly sent from above.”

“Girl I get butterflies when I look into your eyes,

Girl, I get butterflies, yea I,

I get so weak when I hear you speak,

Girl, I get so weak, I get butterflies.”

 

 

Hindi ko na napakinggan ang ibang kasunod ng kanta dahil nakatulog na ako nung kumakanta siya kagabi o baka naman narinig ko at sadyang hindi ko nalang tanda dahil ilang beses akong humikab habang kumakanta siya.

 I sent him a text kanina before I took a shower. Tinanong ko ulit kung ano yung kanta at kung sino ang kumanta. I’m gonna search for it dahil hindi ko masyadong naintindihan ang lyrics kagabi. And besides, masarap pakinggan ang kinanta niya kagabi.

LSS pa rin ako sa tono. Feeling ko nga kaninang naliligo ako ay naririnig ko pa rin ang boses ni Damian. Ugh!

Bago ako pumunta sa school ay chineck ko pa kung nag-reply na siya. And he didn’t disappoint me.

“Where’s my good morning?

Anyway, Good morning “YAM”

Butterflies by Kolohe Kai. See you later. :*”

Malandi siya! Ilang beses akong nag-type ng reply ko sakanya. Na-bother kasi ako sa emoticon! Pero sa huli dalawang words lang naman ang na-type ko.

“No kissing! >.<” There!

“Anong YAM?” Reply ko pa ulit.

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya kaagad. “Peace! See you. Wink nalang dahil maarte ka. ;)”

“Kapag dalawa nalang tayong nag-uusap ay YAM nalang itatawag sayo. :D”

Hindi ko alam kung ano ang meaning ng YAM niya but yes, I’m smiling.

***

A/N: Pakinggan niyo yung kanta. LSS ako dyan ng ilang weeks na. haha!

Continua llegint

You'll Also Like

Capturing His Heart Per klare

Literatura romàntica

35.6K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
24M 371K 70
Published under Summit - Pop! Fiction. Dirham series #2
13.3K 1.2K 27
Masayang nagsusulat si Venny sa Wattpad. Everything was going well for her hanggang sa nilamon siya ng inggit at ninais na maging sikat na manunulat...
1.9M 70.6K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...