Season Of Rainbow

By BlackBitchWP

254 33 0

Season of Rainbows: Kasabay ng paglalaho ng mga kwento ng musika ng pagmamahal ay siyang pag-usbong ng isang... More

Introduction
The White Flower
Peter
Elton
A Vampires Kiss
Talaga Ba at Bakit Hindi
Lost Boys
Have You Ever Heard Of Cinderella?
Sekandtaym
Kissing The Crying Man
When The Sun Sets
Into You Since 1819
Lights Out
Season Of Rainbow

Until We Meet Again

37 2 0
By BlackBitchWP


Until We Meet Again

Written By: Liam_Sketchy


DEDICATION

I dedicate this work to those people who believes in me. Who trusts me that I can do. To those people who cheers me up. And to those person who encourages and enlightened me to keep fighting. I would also dedicate this to those people who are truly give their trust on me that I can give their satisfaction in terms of making a story. I also dedicate this work of mine to my happy pill for supporting me. For making my life meaningful and he gives me so much happiness. He keeps supporting me for every thing that I wanted to do. So, as his partner and also a happy pill of him, this work of mine is just for him. It is a appreciation for him being part of my life.


Story Description

Magmamahal ka pa rin ba kahit hindi na siya ang taong minahal mo noon? Muli ka bang magmamahal kung noon ay nagawa mo nang mang loko kapalit ng isang sagot na wala namang basehan. Magmamahal ka pa ba kung ang pagmamahal mo ay nababahiran lamang ng kuryosidad, alaala. Magpapatuloy at muli ka bang susugal sa pagmamahal kahit iba na ang taong mahal mo at hindi na ang taong minahal mo noon?

Ang buhay ng bawat isa sa atin ay unti-unting mawawala at lilisanin ang mundong ibabaw. Ngunit, sa paglisan natin, ang iba ay bumabalik dahil sa mga naiwan nilang pangako o gampanin sa pamilya nila o sa mga taong mahahalaga sa kanila. Minsan, may mga bumabalik rin dahil hindi pa nila tanggap ang nangyari sa kanila. At kung minsan, may mga taong bumabalik ngunit sa ibang aspeto na ng pagkatao

Naghahanap ako ng libro ng may isang kamay ang dumampi sa aking likurang bahagi na siyang aking ikinalingon. Nang makita ko ang taong gumawa nun, ay napasimangot ako. Dahil siya lang naman ang taong patay na patay sa akin.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko rito sa masungit na tono ng aking pananalita.

"Wala naman. Gusto ko lang na ayain ka, kung... papayag ka?" Nag-aalangan niyang pagtatanong sa akin. Napakunot naman ako ng noo at napataas ang aking kilay sa naging kasagutan niya saakin.

"Para saan naman?" Tanong ko at muli kong itinuon ang aking pokus sa paghahanap ng aklat na aking mababasa.

"Wala. Kuwentuhan lang. Pampalipas oras, ganun." Sagot niya saakin at hinawakan niya ang aking braso.

Wala na akong nagawa at hindi na rin ako nakatanggi ng walang pasabi niyang hinila ako palabas ng Library. Habang naglalakad kami palabas, sinusubukan kong pumiglas pero mas nadadaig niya ang lakas ko. Gusto kong umayaw at tumanggi pero nakakahiya naman kung gagawin ko iyon.

Wala naman sigurong ibang kahulugan ang pag-aya niya saakin. Gusto lamang niya siguro na magpalipas oras at magkaroon ng kakuwentuhan. Kaya naman nagpaubaya na lamang ako kung saan niya ako dadalhin. Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad, sa isang tahimik at mapayapang lugar niya ako dinala.

Dito niya ako dinala sa dalampasigan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin siguro dala na rin ng malapit nang paglubog ng araw. Mapayapang mga alon at magandang kalangitan. Tanaw rin rito ang malapit na paglubog ng araw.

At habang inililibot ko ang aking paningin ng bigla na lamang siyang nagsalita. At sa mga kaniyang sinabi, napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi na ako nagulat subalit natigil ako sa aking ginagawa.

"Bakit si Zavier pa, Elizandro? Bakit siya pa 'yung minahal mo at hindi ako?"

Ayun ang kaniyang naging katanungan sa akin. Napatulala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano at saan niya nalaman ang bagay na iyon. Ngunit, wala naman akong pinagsabihan na iba maliban sa aming dalawa ni Zavier tungkol sa binubuo naming relasyon.

"Anong ibig mong sabihin, Christine?" Tanong ko sa kaniya.

Naging tahimik siya at yumuko samantalang ako naman ay hanggang ngayon ay naguguluhan kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto kong itanggi ang mayroon kami ni Zavier. Alam kong hindi pa ako handa na malaman ng iba ang tungkol sa akin. Natatakot rin ako na mahusgahan ng marami lalo na ng aking pamilya.

Natatakot rin ako na baka malaman ng aking mga kaibigan ang tungkol dito. Natatakot rin ako na baka pag nalaman ng aking pamilya ang tungkol sa aking pagkatao ay ikahiya at itakwil nila ako bilang kanilang anak. Hindi pa ako handa. Takot ako na malaman ng lahat kung ano nga ba talaga ako at kung ano ang gusto kong mahalin.

"Wala naman. Ang tagal ko nang umamin sa 'yo na mahal kita. Na tanggap kita kahit ano ka pa. Kahit hindi mo sabihin sa akin ang tungkol doon, alam at ramdam ko na may itinatago kang lihim sa akin."

Sa mga narinig kong tinuran ni Christine, hindi ko magawang makapagsalita tila nawala ang aking dila. Nanigas ang buo kong katawan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat, hindi ko alam kung paano ko aaminin sa kaniya.

Naging tahimik ako sa gitna ng aming pag-uusap. Kaya naman nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin. Kinuha niya ang pagkakatong iyon para makapagsalitang muli.

"Ang sakit na umamin ako sa 'yo na mahal kita. Pero hindi pala ako 'yung gusto mo. Ang sakit pero ipaglalaban ko 'yung nararamdam ko para sa 'yo, Elizandro. Hindi ako papayag na si Zavier ang manalo. Mahal na mahal kita, Elizandro. Kaya lahat gagawin ko para lang makuha kita mula kay Zavier."

Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ako magbibigay reaksyon ukol sa mga sinabi niya. Hindi ko magawang makapagsalita. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin ngunit tulad ng aking bibig, tila nawalan rin ng laban ang aking katawan.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip, naramdaman ko na lamang na magkadikit na pala ang aming labi ni Christine. Huli na nang maramdaman ko iyon. Wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang kaniyang halik.

Tumagal ng ilang segundo ang aming halikan. Muli, nagdikit ang aming mga labi. Alam kong mali itong ginagawa ko. Nagtataksil ako kay Zavier, pero ano ang magagawa ko? Lalaki rin ako. Mahal ko siya, pero tulad nga ng tinuran ko, natutukso rin ako.

Tumigil kami sa aming ginawang halikan ng parehas naming nalaman na lumalalim na ang gabi. Parehas kaming napatawa sa aming ginawa. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kaniyang mga tinuran. Pumayag ako na ligawan siya tulad ng panliligaw ko kay Zavier. Bahala na kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa.

Wala na akong pakialam kung mali ang aking ginagawa. Alam kong mali ang ginawa kong ito na pumayag na ligawan si Christine. At alam kong malaking kasalanan at pagtataksil kay Zavier ang aking ginawa. Pero, alam ko na isa rin itong daan para maiwasan ko na malihis ng landas. Siguro, pagsubok ito sa aking katauhan kung ano at sino nga talaga ang dapat na mahalin ko.

Kung lalaki ba na alam kong hindi ako magkakaanak, hindi rin makakabuo ng isang masaya, kumpleto at tanggap na pamilya sa lipunan. O, isang babae na alam kong mabibigyan ako ng anak, makakabuo ng isang masaya at tunay na pamilya. Isang babae na walang hahadlang, walang panghuhusga mula sa lipunan. At walang lihim na itinatago.

Tao rin ako, nagkakamali. Nagiging marupok. Pero ano ang gagawin ko kung ito 'yung nararamdaman ko. Ito 'yung sinasabi ng puso ko na kailangan kong timbangin kung sino ang mamahalin ko. Manggagamit man akong matatawag pero kailangan kong gawin ito para sa ikabubuti ko.

Nang tuluyan nang magdilim ang buong paligid ng dalampasigan, napagdesisyunan na namin ni Christine na umuwi. At habang naglalakad kaming dalawa, ang mga kamay namin ay unti-unti ng naging isa. Muli ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi at pisngi na siyang ikinatuwa niya.

"Salamat, Christine. Nang dahil sa 'yo nalaman ko kung ano 'yung dapat kong gawin." Saad ko sa kaniya. Napangiti naman ang binibining kausap ko sa naging tinuran ko.

"Mahal kita. At ayaw kong maligaw ka ng landas. Alam kong mali itong ginawa ko. Pero ang mas mali siguro kung hindi ako sumugal sa pagmamahal ko para sa'yo kahit alam kong kasalanan ito." Tugon ng binibini ko.

Nakaramdam ako ng kilig sa mga salitang binitiwan niya. Ramdam ko ang sinsiridad niya sa bawat salita na sinasabi niya sa akin. Wala na akong sinabi sa kaniya, bagkus muli ko itong hinalikan at nagpatuloy sa paglalakad na magkahawak kamay pa rin.

Mali man ito at kasalanan na maituturing. Susugal ako. Susugal ako para sa tunay na mahal ko. At kung sino man ang mas matimbang sa aking puso siya ang tunay kong mamahalin.

Nang makarating ako sa dorm na aking inuupahan, dumeretso agad ako sa aking silid at doon, sumalampak ako at inisip ang mga nangyari kanina.

"Elizandro, hayaan mo ko na patunayan 'yung pagmamahal ko para sa 'yo. Hayaan mo akong mahalin ka kahit hindi ako 'yung taong nasa puso mo. Hayaan mo kong iparamdam sa 'yo 'yung nararamdaman ko. Kasalanan man na maituturing ito, wala akong pakialam. Ito 'yung nararamdaman ko para sa 'yo. Handa akong sumugal kahit mababa ang porsyento ko na makuha ka."

"Hindi mo naman kailangang gawin ang bagay na 'yan, Christine. Hindi mo kailangang patunayan 'yung nararamdaman mo para sa akin." Saad ko sa kaniya. Huminto ako para huminga ng malalim saka ako nagpatuloy sa aking sasabihin.

"Sige, pumapayag ako. Pero... hindi ikaw ang gagawa ng panliligaw kundi ako. Hindi bagay sa isang babaeng tulad mo ang manligaw. Simula sa araw at oras na ito, liligawan na kita." Sagot ko rito.

Ngunit, ang masayang ekspresyon na aking dapat na inaasahan na makita sa mukha ni Christine ay hindi ko nakita at nasilayan. Tila isang ekspresyon na kung saan may bagay na bumabagabag sa kaniya.

"May problema ba, Christine? May mali ba akong nasabi sa 'yo na hindi mo nagustuhan?" Magkakasunod na tanong ko sa binibini. Umiling naman ito at humarap sa akin ng nakangisi.

"Wala ka namang nasabi na mali." Tumigil ito sa kaniyang pagsasalita ng bumuntong hininga ito. "Elizandro, paano si Zavier? Paano 'yung panliligaw mo sa kaniya? Paano 'yung relasyong binubuo niyo?" Sunod-sunod niyang pagtatanong sa akin.

Sa mga naging katanungan ni Christine sa akin, napaisip rin ako roon. Paano na nga ba ang panliligaw ko kay Zavier? Ititigil ko ba? O, ipagpapatuloy ko pa? Dahil sa mga naging katanungan ni Christine, bigla akong nagkaroon ng pag-aalinlangan para sa nararamdaman ko kay Zavier. Kung tama ba iyon o hindi.

"Bahala na, Christine. Ako nang bahala kay Zavier. Ako na bahalang magpaliwanag sa kaniya kung sakaling malaman niya ang tungkol sa bagay na ito."

"Paano kung itigil ko na lamang kaya ito?" Biglang saad ni Christine na siyang ikinagulat ko.

"Hindi! Ako na ang gagawa ng paraan para sa bagay na ito. Wala kang dapat na ipag-alala, magtiwala ka lang sa akin."

Tama ba itong ginawa ko? Tama kaya 'yung desisyon na pinasok ko? Alam kong may tao akong masasaktan at paaasahin. Mahal ko si Zavier. Mahal na mahal ko siya. Pero, napagtanto ko rin na baka may iba pa bukod kay Zavier. Dapat ko rin na pagbigyan si Christine sa kaniyang nararamdaman.

Dapat ko ring bigyan pansin 'yung isa. Alam kong isa lang ang puso ko, isa lang dapat 'yung taong mamahalin at minamahal ko. Pero ano bang magagawa ko? Gusto ko rin malaman kung ano ba pakiramdam na may isa pang taong nagmamahal sa 'yo? Gusto ko lang na maging pantay sa lahat. Maging pantay sa nararamdaman ko sa dalawang tao.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga nangyari sa buong maghapon. Bahala na kung ano ang kalalabasan ng pinasok kong gulo. Kinuha ko ang aking telepono sa bulsa at ng buksan ko ito, nakita ko na may ilang tawag at mensaheng pinadala si Zavier. Hindi ko iyon nasagot lahat dahil abala ako kay Christine. Nakaramdam ako ng sakit sa aking ginawa. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin at natulog na lamang ako.

Bukas ko na lamang tatawagan at kakausapin si Zavier kapag nagkita na kami sa eskuwelahan. Ngayon, gusto kong ipahinga ang aking isipan at puso.

Habang naglalakad ako, isang tao ang aking nakitang naglalakad sa gitna ng daanan ng mga sasakyan. Nakatalikod ito mula sa akin kaya hindi ko masilayan at maaninag ang wangis nito.

Nang ihahakbang ko na ang aking paa, bigla na lamang akong nakarinig ng mga busina ng mga sasakyan. At nang mapagtanto ko na daanan nga pala iyon, ay agad rumihistro sa aking isipang ang lalaking naglalakad na wari'y wala iyon sa kaniyang sarili.

Halos maputulan ako ng aking hininga ng makita ko ang lalaking nakatayo sa gitna ng mga rumaragasang sasakyan na walang habas sa kanilang pagmamaneho. Kaya naman sinubukan ko itong tawagin upang paalisin sa gitna.

"Kuya! Kuya! Kuya!" Tawag ko sa lalaki na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Waring wala siyang naririnig dahil hindi man lang niya ako binigyan pansin na lingunin. Kaya naman nang akmang lalapitan ko na ang lalaki, nagulat na lamang ako ng biglang nawala ito sa kaniyang kinatatayuan.

At makabilang lamang ng ilang segundo, may narinig akong mga sigawan na nagmumula 'di kalayuan saaking kinatatayuan. At nang sundan ko ang mga sigawan na aking naririnig. Nakita ng aking dalawang mata ang kumpol na mga tao, lumapit ako roon upang makita kung ano ang nangyayari.

Habang papalapit ako, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot na nagmumula sa aking puso. Isinantabi ko ang kaba at takot na aking nararamdaman. Nang makalapit ako roon, nakita ko ang lalaking kanina lamang ay nakatayo na ngayo'y nakahandusay at naliligo na sa sarili niyang dugo.

"Nako! Kawawa naman ang binata."

"Kawawa naman siya, nahit and run"

Samo't saring mga kuwento ang aking narinig mula sa mga taong nakapaligid sa binata. Nilapitan ko ito at unti-unti kong iniharap ang katawan niyang nakadapa paharap sa akin. Nang maiharap ko ito. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa aking nasaksihan. Parang naestatwa ako sa aking kinalalagyan ng makita ang binatang iyon.

Dahil ang binatang aking nakita na nahit and run pala ay walang iba kundi si Zavier. Ang taong mahal na mahal ko. Siya pala 'yung lalaki kanina na nasa gitna ng mga rumaragasang mga sasakyan. At ngayon, ay walang buhay, hindi gumagalaw at saradong mga mata.

Bumuhos ang aking mga luha ng dahil sa aking nakikita ngayon. Halos ayaw kong bitawan ang lalaking mahal ko na ngayo'y walang buhay at nakahandusay sa kalsada. Halos hindi ko alam kung paano ako kikilos, paano ko siya matutulungan na dalhin sa malapit na Hospital. Halos hindi na gumana ng maayos ang aking isipan dahil sa nakikita kong nahihirapan si Zavier. Mas nahihirapan ang aking kalooban dahil nakikita ko ang taong mahal ko na walang buhay.

Napukaw lamang ang aking pagtulog ng may narinig akong walang habas na kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko. Kaya naman agad na nag-init ang aking ulo kaya sinigawan ko ang taong nasa labas nito.

"Sandali lamang! Natutulog 'yung tao, e!" Bulyaw ko sa taong patuloy pa rin sa pagkatok. Nang buksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin ang isang lalaki na kawangis niya sa aking panaginip. Biglang nawala ang inis na aking nararamdaman at napalitan iyon ng pag-aalala. Agad kong yinakap ang taong iyon kahit alam kong bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito dahil sa aking naging pagkilos.

"Teka... teka... Ano bang nangyayari sa 'yo, Elizandro?" Pagtatanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot bagkus, hinigpitan ko ang aking pagkakayakap sa kaniya. Sobra akong nag-alala, ang buo kong akala ay totoo na ang naging panaginip ko.

"Wala. Wala. Gusto ko lang na yakapin ang taong mahal na mahal ko." Saad ko rito. Nakita ko naman ang kaniyang pamumula ng pisngi, kung hindi ako nagkakamali, kinilig siya sa aking tinuran.

Nang mapagtanto ko ang aking sinabi, bigla na lamang lumitaw sa aking balintataw ang mga nangyari sa aming dalawa ni Christine. Nawalan ako ng sigla na siya namang ipinagtaka ni Zavier.

"Tara na, Zavier. Mahuhuli na tayo sa klase natin." Pagmamadali kong sabi. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. Umalis agad ako sa kaniyang harapan at nagtungo sa palikuran at pagkatapos ay nag-ayos na ako.

Makalipas ang ilang minuto, sabay kaming naglalakad ni Zavier. Tahimik at walang salita ang namumutawi sa akin. At alam ko at ramdam ko na nagdududa na sa akin si Zavier.

"Elizandro, ayos ka lamang ba? Kanina pa kita napapansin na parang lutang ka?" Tanong nito habang naglalakad kami.

"'Wag mo na lamang akong pansinin. Pagod lamang ako. Tara na, mahuhuli pa tayo sa klase natin." Mabilis kong sagot rito at binilisan ko ang aking paglakad.

Nauna akong nakarating sa silid-aralan, magkatabi kami ni Zavier. Ngunit, sa pagkakataong ito, hihiwalay ako sa kaniya. Alam kong magtataka siya sa mga ikinikilos ko pero sa ngayon, magulo pa ang isipan ko simula nung pumayag ako sa kagustuhan ni Christine na ligawan ko siya.

Makalipas ang ilang segundo, agad kong nakita si Zavier na pumasok kasabay pa ng ilan naming kamag-aral. Nagkrus ang aming mga tingin. Ngunit, inalis ko ang mga iyon at itinuon ko sa ibang tao.

Hindi na ko nilapitan pa ni Zavier. Siguro ramdam niya ang mga ikinikilos ko kaya siya na mismo ang umiwas. At habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip, nakita kong pumasok na sa silid-aralan si Christine kasabay ang aming guro. Agad akong nakita ni Christine, tinaasan ko naman siya ng aking kilay senyales na rito sa aking tabi siya umupo.

"Magandang umaga, Elizandro." Bati nito sa akin.

"Mas maganda ka pa sa umaga, Christine." Balik kong sagot sa binibini.

"Bakit hindi kayo magkatabi ni Zavier sa upuan?" Pagtatakang tanong nito sa akin na patuloy pa rin sa pagsulyap kay Zavier. Sinabihan ko naman siya na tumigil sa kaniyang ginagawa. Sinabi ko rin sa kaniya na iiwasan ko muna si Zavier para sa kaniya. Na siya namang ikinatuwa ng dalaga.

Natapos na ang aming unang asignatura. Nagmamadali ang lahat na lumabas samantalang ako ay nananatiling nakaupo at hinihintay na maubos silang lahat. Hindi rin ako lumingon sa likuran dahil ramdam ko na pinagmamasdan ako ni Zavier. Ngayong nakalabas na ang lahat at kaming dalawa na lamang ni Christine ang narito sa loob ng silid-aralan. Ay may isang bagay akong sinabi sa kaniya.

"Balak ko na sa nang itigil 'yung panliligaw ko kay Zavier. Napagtanto ko kasi na mali 'yon at tama ang mga tinuran mo sa akin." Saad ko rito na nakatingin at patuloy sa kaniyang pakikinig sa aking mga sinasabi. "Mali na mahulog ang damdamin ko sa kapwa ko lalaki. Dahil naisip ko na ang puso ko ay para lamang sa isang babae na tulad mo." Dagdag ko pa.

"Hindi ako ang magdedesisyon para sa 'yo. Wala rin akong sinabi na itigil mo ang panliligaw kay Zavier. Pero, ikaw? Desisyon mo 'yan at wala akong magagawa roon." Sambit nito sa akin.

Napangiti naman ako dahil sa sobrang maintindihin niya sa sitwasyon naming tatlo. Mukhang unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa dalagang ito samantalang ang damdamin ko naman para kay Zavier, ay unti-unting nawawalan ng pagmamahal.

Sabay kaming lumabas ng silid-aralan ni Christine at magkahawak-kamay kaming naglakad palabas ng paaralan. Masaya kaming nagkukuwentuhan at nagsasabihan kung paano siya umamin sa akin noon at kung paano ko siya tinanggihan ng paulit-ulit.

...

Ilang araw simula nung nagtanong sa akin si Elizandro kung puwede raw ba niya akong ligawan. Nung una, hindi ko alam kung papayag ba ako? O, tatanggihan ko ang kaniyang inaalok. Hindi ko rin lubos maisip na isa pala siyang kalahati. Ang buo kong akala ay deretso at tunay siyang lalaki.

"Magandang umaga, Zavier." Nakangiting bati sa akin ni Elizandro.

"Magandang umaga rin." Bati ko rin ng nakangiti sa binata.

Nakaupo ako sa isang mesa rito sa silid-aklatan ng biglang sumulpot ang binatang nagngangalang Elizandro. Nagtanong siya kung pupuwede raw na makisalo sa mesa. Siyempre hindi ko naman pagmamay-ari 'yon kaya naman pumayag ako.

At habang nagbabasa ako ng aklat, bigla na lamang siyang nagtanong sa akin na siyang ikinagulat ko. Napatigil ako sa aking ginagawang pagbabasa at hinarap ang binata.

"Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan sa akin?" Tanong ko rito ng nagtataka.

"Wala. Ramdam ko lang sa mga kilos mo. Pero seryoso hindi ka talaga deretso?" Muling pagtatanong nito sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sa kaniyang kakulitan at wala nga akong nagawa kaya sinagot ko na lamang ang kaniyang tinatanong.

"Oo. Hindi ako deretso. Silahis ako." Pag-amin ko sa katotohanan at tumigil ako sa aking pagsasalita. "Ano? May mga katanungan ka pa ba na dapat kong sagutin?" Sarkastiko kong saad rito na kaniya namang ikinailing.

Lumipas ang mga araw na lagi kaming magkasama na dalawa. Walang araw na hindi kami magkausap at walang minuto na hindi kami nagkukulitan na dalawa. Ngunit, sa paglipas ng mga araw, ramdam ko ang kaunting pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Elizandro.

Nitong mga nagdaang araw, madalas kong napapansin na lagi silang magkasama ng kamag-aral naming si Christine. Nagbago rin 'yung dating sabay kaming kumakain at umuuwi. Kanina lamang, hindi siya tumabi sa akin at humiwalay siya ng upuan. Hindi ko na lamang pinansin ang bagay na 'yon baka kasi may problema siya na hinaharap.

Kahapon naman, nakailang tawag ako sa kaniyang telepono. Nakailang bigay rin ako ng mensahe ngunit ni isa wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Inisip ko na baka wala nang karga 'yung baterya ng kaniyang telepono kaya hindi niya magawang sagutin ang mga tawag ko. Tapos nitong umaga lang, sinagawan niya ako.

Alam ko naman na paulit-ulit ang pagkatok ko sa kuwarto niya. Dahil anong oras na at hindi pa rin siya bumabangon at nag-aayos para pumasok. Sunod roon, iniwan niya rin ako na naglalakad at nauna siyang pumasok sa silid-aralan kanina.

'Yung mga naging kilos ni Elizandro. Sobra akong nasaktan. Hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako na ligawan niya ako. Tama ba na dapat kong maramdaman ang lahat ng ito. Sandaling panahon ko lamang naramdaman 'yung pagmamahal ni Elizandro. Bakit parang sobrang bilis naman yatang magbago? Bakit sobrang bilis mawala?

Ngayong mag-isa lamang akong naglalakad, walang kasabay, walang kausap. Tanging sarili ko lamang ang kasama ko. Tanging anino ko lamang ang kasa-kasama ko sa mga sandaling ito. Nagsisisi tuloy ako na hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko. Hindi ko naman alam na ganun kabilis siyang mawawala at magsasawa sa ganung kabilis na panahon.

Naalala ko pa kung panano niya pa ako tinanong na manliligaw siya. Kung alan ko lamang na hahantong sa ganitong punto ito, hindi na sana ako pumayag pa. At kung maibabalik ko lamang ang nakalipas na oras, ibabalik at hindi ako pumayag sa kaniyang pakiusap.

"Zaiver..." Tawag sa akin ni Elizandro. Nilingon ko naman ito at nagbigay ng isang ekspresyon na nagtatanong. Napakamot naman ito sa kaniyang ulo. At base sa aking nakikita, may nais siyang sabihin na parang may pumipigil sa kaniya na hindi ko mawari.

"Ano kasi, e... ah?? Ano?..." Paulit-ulit niyang sambit na hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. Naantala tuloy ang pagbabasa ko dito sa silid-aklatan nang dahil sa kaniyang inaasta.

Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na tanungin kung ano ang bumabagabag sa kaniya na hindi niya masabi-sabi sa akin ng harapan.

"May sasabihin ka ba, Elizandro? Parang kinakabahan ka kasi, e." Inosente kong pagtatanong sa binata.

Hindi ko maunawan kung bakit ganun ang kaniyang ikinikilos. Wala naman siyang ginawa mali na ikagagalit o ikasasama ng aking kalooban.

"P-p-puwede b-bang l-l-igawan k-kita...?"

Parang nawala ako sa aking sariling katinuan nang marinig ko ang sinambit ni Elizandro. Para bang may bomba sa aking puso na nagbigay ng matinding kaba at takot. Ngunit, tila may isang bagay na bumabagabag sa akin, paapayag kaya ako? Alam kong sasaya ako rito ngunit hanggang kailan?

"Pumapayag ako sa alok mo, Elizandro."

Nagulat na lamang ako sa naging tugon ko sa binata at taliwas ito sa nais at gusto kong sabihin kay Elizandro. Isang matamis na ngiti naman ang aking nasilayan sa binatang nakayuko at pakiwari ko'y namumula siya

Simula nung pumayag akong ligawan niya ako, ibang saya ang naramdaman ko. Iba 'yung pakiramdam na alam mong may taong nagmamahal sa 'yo ng totoo. Pero, naroon rin 'yung mga tanong na 'hanggang kailan?' 'Gaano kaya ito tatagal?'

Habang patuloy ako sa aking paglalakad at kasalukuyan akong nasa malalim na pag-iisip. At sa hindi sinasadiyang pagkakataon, dalawang tao ang aking nakita. Magkahawak ito ng kanilang mga kamay. Ngunit ang mas nagpasakit sa aking puso, ay ang makita silang masaya na dalawa. Nagkukulitan at... naghalikan.

Alam ko na hindi nila ako napapansin sa aking puwesto. Alam ko na parang hangin lamang ako sa kanilang mga paningin. Nanlulumo ako sa aking nakita. Hindi ko alam na ganito pala kasakit na makita ang taong sinisimulan mong mahalin na may iba ring mahal. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko.

Kung magsasaya ba ako dahil nakita ko siyang may kasamang babae at magkahawak kamay? O, masasaktan ako dahil ang buo kong akala ay ako lamang? Pero nagkamali ako. Dalawa kami. At 'yung taong kasama niya ngayon, ay alam kong matindi ang pagtingin nito sa kaniya.

At habang patuloy ko silang pinagmamasdan sa parehas na posisyon, mga luhang hindi ko inaasahan na luluha, ay nagsimula ng lumuha. Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong lumuha. Siguro, dala na rin ng sama nang loob at galit, selos. Naiinggit ako kay Christine. Dahil masaya siya kasama ang taong mahal niya na mahal ko. Naiinggit ako dahil akala ko, ako 'yon pero nagkamali ako.

Lumipas ang ilang segundo, nagpasiya akong lisanin ang lugar kung saan nagtagpo ang aming mga landas. Takbo. Lakad. Takbo, ang aking ginawa makalayo lamang sa lugar na iyon. Naging mas lumakas pa ang aking hikbi dala ng sakir na aking nararamdaman sa mga sandaling ito.

Napatanong ako saaking sarili, minahal ba talaga ako ni Elizandro kahit sandali lang? Talaga bang may sinsiridad ang panliligaw niya saakin? O, baka naman, niloloko niya lamang ako?

Habang tumatakbo ako, isang malakas na buhos ng ulan ang sumalubong saakin sa gitna ng daan. Mukhang ramdam rin ng kalangitan ang aking kalungkutan. Tila nakikisama siya sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

Napaupo ako sa gitna ng daanan, doon, ibinuhos ko lahat ng sakit at pagsisisi. Nagsisisi ako na hinayaan kong pumasok at sirain niya ang matahimik kong buhay. Ngunit, wala naman akong magagawa kung ayun 'yung desisyon niya sa buhay.

Nang may napagtanto akong desisyon na nabuo sa aking isipan, tumayo ako at inayos ang aking sarili kahit pa basang-basa na ako ng ulan. Itinatak ko sa aking isipan, na simula sa oras na ito, wala nang Elizandro sa buhay ko. Kikilos ng normal tulad ng dati. Kikilos ako ng parang hindi ko siya nakilala. Alam kong malakas ako, at hindi ko hahayaan na masira ako ng sarili kong emosyon ko.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nag-uusap ni Elizandro. Walang kumustahan. Walang kibiuan. Walang komunikasyon sa bawat isa. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobra akong nasasaktan sa bawat oras na nakikita ko silang magkasama ni Christine. Tila ba talagang inayawan na ako ni Elizandro? Talaga bang biro lamang para sa kaniya 'yung ginawa niyang huwag na panliligaw sa akin?

Muli na namang tumulo ang aking mga luha dala ng sakit na aking nararamdaman. Bakit ganito? Bakit puso ang nasasaktan sa akin at hindi ang aking isipan. Siya naman 'yung pumili at gumawa ng desisyon na pumayag sa alok ni Elizandro, hindi ang puso ko.

Sobrang sakit na makita ko siyang masaya sa piling ng iba. Sobrang sakit sa parte ko na nakikita ko 'yung totoo niyang ngiti ngunit hindi ako ang rason ng mga iyon. Naglakad ako habang nakayuko ang aking ulo. Tanging mga paa ko lamang ang nakikita. Wala akong pakialam sa ibang estudyante kung pinagmamasdan man nila akong ganito.

At sa hindi ko inaasahang pangyayari, habang naglalakad ako ng nakayuko, isang lalaki ang aking nabangga. Sa lakas nang pagtama ko sa binata, ay parehas kaming napahiga. Hindi ko alam kung paano ako babangon dahil sa hiyang aking nararamdaman.

Sobrang takot at kaba ang aking nadama ng mga sandaling ito. Kaya naman ng hindi ko magawang makagalaw sa ibabaw ng binata. Siya na mismo ang nag-alis sa akin mula sa kaniyang ibabaw.

"Ayos ka lamang ba?..." Tanong ng binata sa akin.

Nananatili pa rin akong nakaupo at nakayuko dahil sa nangyari. Hindi ko magawang mag-angat ng aking paningin dahil baka kutyain lamang niya ako dahil sa katangahang aking nagawa. Tanging patango lamang ang aking ginawa kaysa sagutin ang katanungan ng binata.

"Pasensiya na. Hindi kasi ako tumatabi. Nakalimutan kong daanan pala ito. Pasensiya na ulit." Paghingi nito ng paumanhin sa akin.

"Wala iyon. Pasensiya na rin kung nabangga kita. Kasalanan ko rin kasi hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Paghingi ko ng paumanhin sa binata.

Naramdaman ko namang napatawa ito at napakamot sa kaniyang ulo. Napangiti na lamang ako dahil sa nangyari.

"Sige na. Pasensiya na ulit sa nangyari. Mauuna na ako sa 'yo." Matapos kong sabihin iyon, akdamang maglalalad na ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking pulsuhan. Na siya namang itinatigil ko.

"Sandali lang!" Pigil nito sa akin. "Ako nga pala si Lorenzo. At ikaw? Ano naman ang pangalan mo?" Tanong nito sa akin.

"Zavier..." Tugon ko rito.

Napakunot naman ito ng kaniyang noo at napataas ng kilay. Hindi ko maiwasan ang hindi mapatawa sa naging reaksyon ng binata.

"May nakakatawa ba?" Kuryos na tanong nito sa akin.

"Wala." Maiksi kong sagot.

"Zavier lang ang pangalan mo? Wala kang apelyido?" Pilosopong saad nito.

Napataas naman ako ng aking kilay dahil sa pamimilosopong pagtatanong nito saakin. Kaya naman, sinabi ko ang buo kong pangalan sa binata.

"Zavier Fransico."

"Lorenzo Riego."

Halos sabay naming sambit. Tumigil nang ilang segundo na nagkatitigan kaming dalawa. Tila huminto ang buo kong paligid dahil sa aking nakikita sa binatang nasa harapan ko. Halos walang namumutawing salita sa akin ang nais kumawala sa aking bibig. Tila ako'y napipi sa mga sandaling ito.

Anong mayroon sa taong ito? Bakit ganito kabilis ang pintig ng aking puso? Sa halos ilang minuto naming pagkikita, tila nagbago ang lahat. Nagbago ang pagtinign ko sa taong ito.

"Ayos ka lang ba?" Pagputol nito sa aking pag-iisip. Doon lamang bumalik ang aking ulirat sa ginawa niyang pag-uga sa akin. Kaya naman napaayos ako ng aking sarili. Medyo nakaramdam ako ng hiya sa naging asal ko.

"P-pasensiya k-ka n-na..." Utal kong sagot rito.

"Sige na. Mauuna na ako. Baka naiistorbo na kita."

Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na ang binata. Humakbang ako ng ilang hakbang, huminto. Bago ako humakbang muli, isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Nilisan ko ang lugar na iyon nang may pag-aalinlangan ngunit hindi ko na iyon binigyan pansin pa ang bagay na 'yon.

Iniwan ko ang binatang nakatayo at nakatingin lamang sa akin. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Baka sobra ko na siyang naabala sa nangyari, sobrang nakakahiya na para sa kaniya.

Habang ako'y naglalakad, isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Sa aking paglalakad, dalawang tao ang hindi ko inaasahang aking makikita. Magkahawak sila ng kamay, masayang nag-uusap. Bakas sa mga ekspresyon sa kanilang mga imahe ang saya at tuwa kung gaano nila kagusto ang kanilang pag-uusap.

Samanatalang ako, eto. Pinagmamasdan sila. Nasasaktan. Nais kong lumuha sa mga sandali ito. Ang sakit na makita silang masaya samanatalang ako ay miserable at walang alam kung bakit iniiwasan ako ni Elizandro.

Nasa ganung posisyon ako ng malihis ang paningin sa akin ni Christine. Bakas sa kaniyang mukha ang gulat. Walang emosyon kong pinagmasdan ang dalaga. Samantalang patuloy lamang si Elizandro sa kaniyang paglalakad. Napahinto ito ng kaniyang napansin na nakatigil si Christine at may tinitignan ang kaniyang kasama. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ni Christine.

Tulad ng pagkagulat ni Christine. Ganun rin ang gulat na nakita ko kay Elizandro. At tulad ng kanina, walang emsoyon kong pinagmasdan ang lalaking ito. Wala akong gustong gawin sa mga sandaling ito. Tanging pagsisisi lamang ang aking nararamdaman.

Huminto ang oras sa pagitan naming tatlo. Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaloy sa aming tatlo. Tanging pag-ihip lamang ng haangin ang aming naririnig. Parang umatras ang aming mga dila, walang naglakas loob sa amin ang nais na magsalita. Hanggang ngayon, nakatulala pa rin sina Elizandro at Christine.

Kung kanina ay hindi ko magawang makagalaw. Ngayon, pinilit kong ihakbang ang aking mga paa. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang ang aking ginawa ng huminto ako sa gitna ng dalawa. Yumuko ako senyales na ako ay mauuna na sa kanila. Hahakbang na sana ako ng hawakan ni Elizandro ang aking kaliwang braso.

Napahinto ako sa kaniyang ginawa. Sa ginawa niyang iyon, biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Parang bumalik lahat ng nakaraan, pati 'yung sakit at sugat sa aking puso.

"Zavier..." Pagtawag ni Elizandro sa akin.

Hindi ko iyon nilingon. Tanging ang pokus ko lamang sa daan na aking dadaanan. Walang salita ang nais kumawala sa aking bibig. Tanging pananahimik lamang ang aking ginawa.

Nang wala siyang narinig mula sa akin. Kinuha niya 'yung oportunidad para makapagsalitang muli.

"Pasensiya-" Agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin. Alam ko naman na hihingi lamang siya ng paumanhin sa ginawa niya sa akin.

"Wala iyon. Nauunawaan ko naman." Saad ko.

Hindi ko siya magawang tignan sa kaniyang mga mata. Tila para bang may pumipigil na kung ano sa akin. Dahil alam kong isang sulyap lamang ang aking ginawa, alam ko sa aking sarili na bibigay ako.

"Nais ko na makausap ka, Zavier. Nais kong ipaliwanag sa 'yo ang tungkol rito."

"Tungkol saan, Elizandro?" Patay malisya kong pagtatanong sa binata. Sa ginnawa kong iyon, doon ko lamang siya tinignan. Doon ko na lamang ulit nakita ang kaniyang wangis sa malapitan.

"Christine, puwede bang iwan mo muna kaming dalawa sandali?" Pakiusap nito sa dalagang kasama niya.

"S-sige-" Sagot ng dalaga. Ngunit agad akong sumingit sa naging kasagutan ng dalaga.

"Hindi. Dito ka lamang. Nais kong marining mo kung ano 'yung gustong pag-usapan namin ni Elizandro." Saad ko rito.

"Zavier..."

"Ano pala 'yung nais mong pag-usapan natin, Elizandro?" Tanong ko sa binata.

Sa naging katanungan ko rito, bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot. Nakita ko kung paano niya nillunok ang likido sa kaniyang lalamunan. Nnakita ko rin ang ilang butil ng pawis na nagsisimula nang tumulo sa kaniyang ulo.

"Zavier..." Banggit nito sa aking pangalan. Wala akong naging reaksyon, tanging pagtitig lamang ang aking ginawa kaya nung wapa siyang nakuhang kasagutan sa akin, doon ay nagpatuloy siya. "Si Chrisitne talaga 'yung gusto ko..."

Sa aking narinig, alam ko na ito ang nais niyang sambitin. Handa naman ako sa mga maririnig ko mula kay Elizandro. Pero bakit ganito pa rin? Tila isang malakas na bomba ang parang sumabog sa aking puso ng sinambit iyon ni Elizandro. Nasasaktan pa rin ako.

Wala akong salitang masabi kundi ang manahimik at yumuko na lamang habang pinagmamasdan ako ni Elizandro. Wala na rin akong pakialam kung nakatingin rin sa akin si Christine.

"Sinubukan kong mahalin ka. Pinilit ko 'yung sarili ko na gustuhin ka. P-pero... hindi talaga iyon ang gusto ng aking puso. H-hindi ang isang tulad mo ang nais niya para sa akin. I-isang bababe. I-sang babaeng alam ko na liligaya ako. At natagpuan k-ko iyon kay C-christine..." Utal-utal nitong pagpapaliwanag niya sa akin.

Gusto ko siyang saktan.

Gusto ko siyang murahin nang murahin.

Gusto kong magkaawa sa kaniya na 'ako na lang'.

"Wala naman akong magagawa kung sa iba mo nahanap ang wala saakin. Hindi ko naman ginusto na pilitin ka. Hindi ko rin naman sinabi sa 'yo na mahalin mo ko. Pero, ang pagkakamali ko lamang ay 'yung hinayaan kita na guluhin ang tahimik kong buhay pag-ibig." Saad ko rito. Huminto ako para humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

Nais lumuha ng aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nais kong umalis sa harapan niya at tumakbo na lamang para hindi ko na sila ulit makita pa. Pero, nandito na. Ito na 'yung pagkakataon ko para sabihin lahat ng nais ko.

"Wala akong magagawa sa kagustuhan mong mahalin si Christine. Labas na ako sa desisyon na ginawa mo. Masaya ako para sainyong dalawa, kahit na alam kong masakit para saakin na masaya ka at hindi ako ang dahilan ng iyong pagngiti" Huminto ako saglit upang punasan ang luhang namumuo sa aking mga mata at tsaka ako nagpatuloy.

"Masaya ako na nakita mo kay Christine ang hindi mo nakita sa akin. Alam ko naman na maraming kulang saakin na hindi ko maibibigay sa 'yo. Sana Elizandro, ito na ang una't huli nating pagkikita. Ito na sana 'yung huling sandali na makikita at makakausap kita. Salamat sa maikling panahon na nakasama kita. Salamat."

"Zavier..."

"'Wag kang mag-alala, hindi naman ako nagagalit o nagtatanim ng sama nang loob sa 'yo dahil sa ginawa mo. Masaya pa nga ako, e. Kasi naging tama ang desisyon mo sa pagpili ng taong mamahalin." Saad ko. Ngumiti ako kay Elizandro. Isang ngiti na senyales na natanggap ko ng maluwag ang lahat. At sa mga sandaling ito, medyo gumaan ang aking pakiramdam. Nabawasan ang bigat. Nabasan ang sakit at kirot.

Nagpaalam na ako kay Elizandro. Matapos iyon, tinungo ko naman ang kinatatayuan ni Christine. Isang mainit na pagyakap ang aking ibinigay aa dalaga. At bbago ako umalis, isang mensahe ang aking sinabi sa kaniya. Hindi rin naman ako nagagalit aa kaniya. Natutuwa at masaya ako dahil alam kong sasaya si Elizandro sa piling niya.

"Christine, 'wag mo sanang pababayaan si Elizandro. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal na pinaparamdam niya sa 'yo. Kung magkaroon man kayo ng hindi pagkakaunawaan, agad niyo iyong ayusin. Huwag nang palipasin pa ang araw para ayusin ang gusot. Maraming salamat. Dahil sa 'yo, naging tuwid ang landas ni Elizandro. Tama lang ang ginawa mo. Salamat sa 'yo." Saad ko sa dalaga.

"Zavier..." Tanging pagsambit lamang ni Christine sa aking pangalan ang kaniyang nagawa. Napatingin naman ako sa dalaga, isang tingin ang aking ibinigay senyales na nagtatanong.

"Pasensiya ka na." Pagputol nito sa kaniyang pagsasalita. Huminto siya ng ilang segundo upang humugot ng lakas ng loob. "Salamat rin. Huuwag kang mag-alala. Aalagaan ko si Elizandro tulad ng pag-aalaga niya saakin. Mamahalin ko siya kung paano niya rin ako mahalin. At, makakaasa ka saaking mga sinabi. Pangako."

Isang mahigpit at mainit na yakap ang aking natanggap mula kay Christine. At sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan pa ang aking luha na tumulo mula sa aking mga mata.

Ito ba 'yung pagtanggap na tinatawag nila? Kung ito nga iyon, masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa sarili ko na natanggap ko silang dalawa.

Matapos ang mga pangyayaring iyon, agad na akong nagpaalam kina Elizandro at Chrisitine. At sa huling sandaling magkikita at makakausap si Elizandro ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na yakapin ang taong minsa'y minahal ko ng totoo sa loob ng maiksing panahon.

.......

Ano kaya ang pakiramdam ng pumapasok ka sa eskuwelahan araw-araw? Ano kaya pakiramdam na sa bawat araw na pagpasok mo, marami kang natututunan ng dahil sa mga mahuhusay na guro. Sayang lamang dahil kapos kami sa buhay. Isang kahid, isang tuka ang klase ng aming pamumuhay.

Walang sapat na ipon ang aking mga magulang. Wala ring matino at permanenteng hanap buhay ang aking ama. Kaya dala na rin ng kahirapan sa buhay, mas pinili ko na lamang ang huminto at tulungan ang aking mga magulang sa kanilang paghahanap buhay. Nang sa ganun, matulungan ko rin ang nakababatang kapatid ko na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral.

Pinili kong huminto ng pag-aaral kahit na ayaw ng aking mga magulang. Kagustuhan ko na rin ang bagay na iyon, desisyon ko na at alam ng aking mga magulang. Na kapag gumawa ang ng isang bagay pagdating sa pagdedesisyon, alam nila na gagawin ko iyon.

Habang pinagmamasdan ko ang mga estudyante sa kanilang pagpasok sa Unibersidad. Hinfi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa kanila. Wala naman akong pinagsisisihan sa bagay na nagawa ko. Sadyang kapakanan lamang ng aking kapatid ang prayoridad ko.

Habang inililibot ko ang aking paningin. Tatlong tao ang aking nakitang nakatayo 'di kalayuan sa aking kinatatayuan. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan. Tanaw mula sa aking puwesto na lumuluha ang babaeng nakaakap sa lalaking lumuluha rin. At ang isang lalaki naman ay nakayuko lamang at nababakas ko sa kaniya ang lukot, pagsisisi at sakit.

Hindi ko alam pero parang may kung anong bagay sa loob ko ang biglang nagpaiba sa aking pakiramdam. Hindi ko mawari kung ano ang bagay na iyon. Nagkibit balikat na lamang ako sa bagay na 'yon at muli kong itinuon ang aking pokus sa tatlong tao.

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap nila, agad namang nagpaalam na ang lalaking kaninay nakaakap sa babae. At muling umakap ang lalaki sa kaninang lalaking nakayuko. Hindi ko maunawan kung bakit parang sobrang seryoso naman ng kanilang ginagawang pag-uusap.

Mula sa aking kinatatayuan, nakita kong nagsimula nang maglakad ang binata. Ngunit, bumilang lamang ng ilang segundo, nakita ko na lamang ang kaniyang katawan na nakahandusay sa daan. Nagkalat ang kaniyang mga gamit at ang kaniyang polong suot ay ngayo'y kulay pula na. Naliligo ang binata sa sarili niyang dugo.

"Panginoon ko..."

Tanging ayun lamang ang aking nasabi sa aking nasaksiahan. Tila ba may kung anong parte saakin na biglang nagpakaba. Nagbigay ng matinding takot na siyang naging sanhi ng aking pangangatog. Isa ito sa aking kinatatakutan, ang pangatugañ ng buong katawan. Tila nawawala ako sa pokus ng buhay sa bawat oras na sinusumpong ako mg ganitong atake.

Nang muli kong tignan ang kaawa-awang binata, ay wala na siya roon. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala na siya. Isang grupo ng mag-aaral ang dumaan sa aking harapan at sa hindi inaasahang pangyayari, narinigko ang kanilang pinag-uusapan.

"Kawawa naman si Zavier. Nadisgrasya pa." Saad ng babae.

"Oo nga, e. Ang alam ko dahil iyon kay Elizandro." Tugon naman ng isa.

"Hindi niyo ba nakita na aksidente ang nangyari? Nabangga siya ng sasakyan at ang masama pa'y tinakbuhan siya at hindi man lang tinulungan."

Ganun pala ang tunay na nangyari. Hindi ko na napansin ang bagay na iyon dahil nangibabaw na saakin ang matinding takot. Halos magdilim na rin ang buo kong paligid dahil sa takot na bumabalot sa akin.

Nais ko sanang magtanong sa tatlong babae. Ngunit nang ako'y magtatanong, agad namang nakaalis ang mga iyon. Kaya wala na akong nagawa kundi ang maglakad paalis sa lugar na 'yon.

Habang naglalakad ako, hindi pa rin maalis saaking isipan ang nangyari kanina. Para bang may kung ano sa akin na nagsasabing may koneksyon kami sa isa't isa. Para bang ang tagal na naming magkakilala nang makita ko ang lalaking iyon.

At habang nagkukuwentuhan ang isang grupo ng mga babae, isang pangalan ng lalaki ang aking narinig, Zavier. Zavier pala ang pangalan ng lalaking iyon. Ang lalaking nadisgrasya kani-kanina lamang.

At sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na may isang truck pala ang paparating. At sa hindi inaasahang pangyayari, nakarinig ako ng mga sigawan ng mga taong nasa paligid ko. Natagpuan ko na lamang ang aking katawan na nakahandusay sa kalsada. Naliligo sa sariling kong dugo, pinagkukumpulan ng mgaa tao.

Matapos ang pangyayaring iyon, unti-unti nang bumigat ang mga talukap ng aking mata. At ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na nalaman pa.

.....

Kasama si Christine, sabay naming isinugod sa pinakamalapit na ospital si Zavier. Halos malagutan ako ng hininga sa mga nasaksohan ko. Naanlambot ang aking mga tuhod na parang naubusan ang mga ito ng protina. Hindi ko rin mapigilan ang mga mata kong kanina pa tumatangis dulot ng sobrang pag-aalala ko kay Zavier.

Tulad ko, matinding takot rin ang bumalot kay Christine nang dahil sa nangyari kay Zavier. Pati siya ay tumatangis na rin sa sobrang pag-aalala kay Zavier. Narating namin ang ospital sa loob ng labing-limang minuto. Agadd siyang inasikaso ng mga doktor at ipinasok na siya sa isang silid kung saan ginagamot ang mga pasyente nila.

Para na akong tatakasan ng bait sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang isipan at ang katawan ko. Natatakot ako na baka may ibang mangyaring hindi maganda kay Zavier. Natatakot ako na baka iwanan niya na ko ng tuluyan.

"Elizandro..." Dinig kong pagtawag sa akin ni Christine.

Hindi ko siya pinansin dahil hanggang ngayon ay nakasalampak ako sa isang sulok ng ospital na ito. Nakayuko at nakadiin sa magkabilang tuhod ko habang lumuluha. Nang walang sagot na marinig si Christine mula saakin ay naramdaman ko ang dalaga na tumabi saaking pagkakaupo.

"Pasensiya na." Dinig kong sambit niya.

Napaangat naman ako ng aking ulo at tumingin kay Christine na ngayon ay lumuluha na rin.

"Bakit ka umiiyak, Christine?" Tanong ko rito.

"Nakokonsensya ako sa ginawa ko." Maigsi nitong tugon sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit ako rin naman ay nakonsensya sa ginawa ko, sa naging desisyon ko. Pero huli na naman ang lahat para makonsensya ako 'di ba?

Muli kong tinignan si Christine at patuloy pa rin ito sa kaniyang pag-iyak. Bago ako lumapit sa dalaga, inayos ko muna ang aking sarili at saka ito nilapitan. Inakap ko ito ng mahigpit at sinabi sa kaniya na walang may gusto sa nangyari, isang aksidente lamang ang naganap.

"Tahan na. Walang may gusto sa nanagyari. Aksidente ang nangyari kay Zavier." Pagpapakalma ko kay Christine.

Nasa ganung posisyon kami ng ilang minuto ang nakalipas, nang may isang taong tinatakbo ang mga doktor at duguan rin ang lalaking iyon. Parang magkasing edad lamang sila ni Zavier. Ngunit, tulad ni Zavier. Duguan rin ang binatang isinugod ngayon.

Kasunod niya, may ilang taong kasabay niyang dumating sa ospital. Nag-iiyakan ang mga ito. Habang pinagmamasdan ko ang mga iyon, isang matandang babae ang pumukaw saaking atensyon. Napabitaw ako ng pagakakayap kay Christine at unti-unting lumapit sa mga taong iyon.

Habang naglalakad ako palapit sa mga iyon, hindi ko alam kung paano at bakit. Ngunit, bago pa ako makalapit, bigla na lamang bumagsak ang matandang babae na ikinataranta ng lahat.

Nawalan ng malay ang matandang babae, siguro iyon ang ina ng binatang isinugod rito kani-kanina lamang. At hindi nga ako nagkamali, siya nga ang ina ng binata.

"Inay!" Dinig kong sambit ng batang maliit na kasama nila.

"Linda! Asawa ko! Gumising ka!" Takot na paggising ng kaniyang asawa.

Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang maawa sa sitwasyon nila. Parang parehas kami ng pinagdaraanan ngayon ng pamilya nung binata. Ilang sandali pa nang may isang doktor ang lunapit sa kanila, naging maayos na rin ang kalagayan ng matandang nagngangalang Linda.

"Kayo po ba ang pamilya nang pasyente?" Dinig kong tanong ng doktor.

"Opo, kami nga po." Agad na sagot ng kaniyang ama.

Nakatayo pa rin ako, pinagmamasdan ang pamilyang ito. Hindi ko alam pero may kung ano sa akin ang nakahatak ng ateensyon ko.

"Ano po ang nangyari sa kaniya?" Sunod na tanong ng doktor.

"Nabangga po, dok. Nabangga po 'yung anak..." Dinig kong sambit nung matandang babae. "Tapos, tinakbuhan po siya nung nakasaga sa kaniya." Sunod nitong sagot sa doktor.

Nang rumihistro sa aking isipan ang pagkakaparehas ng sitwasyon at insidenteng naangyari kay Zavier at sa binatang iyon, parang may kung ano sa aking dibdib na nagpabilis sa aking puso. Hindi ko maunawaan kung bakit. Napakunot noo naman ako dahil sa kakaibang nangyayari saakin.

Matapos iyon, hindi ko na hinintay pa magiging kasagutan ng doktor. Agad kong nilisan ang lugar at bumalik sa tabi ni Christine na ngayo'y nakaupo na at maayos na ang kaniyang pustora.

Sa ilang oras na nagdaan, lumabas na rin ang doktor na gumamot kay Zavier. Hinanap niya kung sino ang kamag-anak o kasama nang pasyente. Dahil wala ang kaniyang mga magulang, ako na lamang ang nagprisinta sa doktor.

"Ako po, dok. Kasintahan niya po." Sagot ko aa doktor.

Nangunot naman ang noo at napataas ang kilay ng doktor ng marinig niya ang aking sinabi. Bumaling naman ako kay Christine ngunit wala namang itong imik at emosyon.

"Kung ganun, tatapatin na kita ijo." Huminto ito at humugot ng isang malalim na paghinga, wari'y humuhugot siya ng lakas ng loob para masabi ang nais niya. "Hindi maganda ang kalagayan ng kasintahan mo. Sa mga sandaling ito, nakikipaglaban siya sa life and death battle. Ibig sabihin, siento por siento ang posibilidad na mabuhay. May posibilidad rin na mawalan siya ng buhay.

Tanging mga aparato lamang ang nagsosoporta saa kaniyang buhay. Sa madaling salita, comatosed ang kasintahan mo. Ang kailangan lang mangyari ay isang himala upang mapabilis ang kaniyang paggaling." Pagpapaliwanag ng doktor sa akin.

Wala akong masabi na iba. Walang mga salita ang nais kumawala sa aking bibig. Biglang nanghina ang aking mga tuhod at parang naputulan ako ng dila nang dahil sa mga nalaman ko mula sa doktor na gumamot kay Zavier.

"D-d-dok..." Utal kong pagtawag sa doktor.

"Ijo, kung itatanong mo kong bakit naging ganun ang kalagayan ng kasintahan mo, naalala mo ba na malakas ang pagkakabangga sa kaniya. Kung mabubuhay man siya, panigurado na mabubura lahat ng kaniyang alaala mula sa nakaraan." Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at isang tapik sa aking balikat ang kaniyang ibinigay sa akin. "Kakayanin mo 'yan, ijo. Manalig ka lamang."

Nakalipas na ang halos isang oras matapos kong makausap ang doktor na gumamot kay Zavier. At hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa rin matanggap ng aking isipan ang mga posibleng mangyari kay Zavier. Hindi ko rin matanggap ang nangyari sa kaniya ngayon. Hindi ko rin lubos na maunawaan kung bakit siya pa at hindi na lamang ako ang nasa sitwasyon niya.

Ang sakit sa akin na makita siyang nakahimlay sa kama.

Ang sakit sa akin na makitang walang buhay ang taong minsa'y minahal ko.

Nang dahil sa akin, humantong ang lahat rito. Nang dahil sa ginawa ko, pinahamak at nilagay ko sa peligro ang buhay ng taong minahal ko.

Muling tumulo ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang walang buhay na si Zavier. Nakahiga siya sa kama kung saan maraming aparato ang nakalagay sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Masakit para saakin na 'yung dating masiyahan, tahimik at mapagbigay na tao ay nakahiga at wapang malay dahil sa isang kamalian na ginawa ko. Isang desisyon na naglagay sa kaniya rito sa ganitong klaseng sitwasyon.

"Elizandro..." Dinig kong tawag sa akin ni Christine.

Nilingon ko naman ang dalaga at nagbigay ako ng isang ekspresyon na nagtatanong. Agad niya namang nakuha iyon kaya naman nagsaalita ito.

"Kasalanan ko ang lahat nang ito. Nang dahil saakin, nagulo 'yung pagmamahal mo para kay Zavier. Nang dahil saakin, inilayo niya 'yung loob niya sa 'yo. Kasalanan ko ang lahat. Tatanggapin ko lahat ng gawin at sabihin saakin ni Zavier oras na magising siya. Hindi ako lalaban o gaganti ng salita. Bagkus, hahayaan ko lamang na sumbatan niya ako nang dahil sa mga kasalanang ginawa ko sa kaniya."

Umiiyak na sambit ni Chrisitne. Hindi ko siya magawang sisihin sa pangyayaring ito. Dahil totoo naman ang mga tinuran niyam siya ang puno't dulo nang lahat ng ito. Siya ang dahilan kung bakit nalito ako sa aking nararamdaman para kay Zavier. Siya rin ang dahilan kung bakit inayawan ko si Zavier at umalis ng walang sinasabing rason sa kaniya.

Mahal na mahal ko si Zavier, ngunit nabulag lamang ako sa mga salita ni Christine. Mga matatamis at nakakaakit na salita na siya'y nagpabighani sa akin upang iwanan at alisan ang relasyong mayroon ako kay Zavier. Pero, huli na. Huli na para parehas pa naming sisihin ang isa't isa.

......

"Doktor, ano pong nangyari sa aking anak. Puwede niyo po bang ipaliwang saakin ang nangyari? Tsaka sino po ang kasama niya rito ngayon?" Dinig kong sunod-sunod na pagtatanong ng isang tao. Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ng isang matandang babae.

Nag-angat ako ng aking ulo uoang makita kung sino iyon. Nang makita ko ang babae, isang napakagandang matandang babae. Pusturado ang kaniyang porma. Kasama niya ang isang lalaki at dalawa nitong anak.

Nang makita ako ng doktor, agad niya akong itinuro na aking ikinagulat at kasabay ng pagturo sa akin ay siya ring paglingon ng isang pamilya mula sa aking kinauupuan. Isang matinding kaba at takot ang bumalot aa aking katawan. Hindi ko magawang maigalaw ang ibang parte ko. Tila tinakasan rin ako ng sarili kong anino.

"Kayo po ba ang pamilya ni Zavier?" Biglang pagtatanong ng doktor. Agad naman nilang ibinaling ang kanilang mga tingin sa doktor. At sumagot ang matandang babae sa naging katanungan ng doktor. "Opo, kami nga ho."

"Ayon sa mga nakasaksi, at sa lalaking iyon..." Huminto ang doktor at sabay turo sa aking puwesto na ikinakulot ng aking mga kilay. Hindi ko maunawaan ang nais niyang ipahiwataig. "Ang lalaking 'yon ang nagdala sa anak niyo rito sa ospital. At base sa mga naging kasagutan niya sa'kin, na hit and run raw ho ang inyong anak." Pagpapatuloy ng doktor.

Nilingon ako ng matandang babae at lumapit sa akin ito. Napalaki naman ako ng aking mata at nakaramdam ng matinding takot at kaba. Napalunok naman ako nang walla sa oras at ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng butip ng aking pawis.

"Ano ang iyong pangalan ijo?" Magalang na pagtatanong saakin ng matandang babae na ina pala ni Zavier.

"Elizandro ho." Maikli kong tugon rito.

"Ikaw ba ang kinukuwento ni Zavier saamin?" Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at tumabi sa aking kinauupuan.

"Oho." Tugon ko rito.

"Ikaw pala iyon." Pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi. "Kung ganun, ikaw pala 'yung kasintahang sinasabi niya saamin." Pagpapatuloy nito.

"O-oho..." Utal kong sagot sa ina ni Zavier.

"Mabuti at may nakilala siyang katulad mo na mabait. 'Wag mong sasaktan at paiiyakin ang aking anak, ijo. Mahal na mahal namin si Zavier. Ayaw naming nakikitang malungkot at umiiyak 'yon." Sagot nito sa akin.

Sa mga katagang binitawan ng ina ni Zavier. Hindi ko magawang maging masaya. Hindi ko magawang ngumiti sa likod ng pagtanggap sa akin ng ina ni Zavier. Nakokonsensya ako sa aking mga nagawa. Naaawa ako para sa sarili ko. Nanghihinayang ako sa bagay na pinakawalan ko.

"S-salamat h-ho..." Tipid kong sagot sa matanda. Nananatili pa rin akong nakayuko at hindi ko magawang tapunan ng tingin ang ina ni Zavier.

Nahihiya.

Nanghihinayang.

Nakokonsensya.

Mga pakiramdam ko'y hindi ko maisalarawan. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa ina ni Zavier ang tunay na nangyari sa amin. Natatakot akong harapin ang galit kung sakaling sabihin ko sa kanila ang tunay na nangyari.

"Ijo, may bumabagabag ba sa 'yo?" Pagpukaw nito sa malalim kong pag-iisip.

"A-ah! W-wala h-ho i-ito..." Utal kong sagot rito.

Mukhang nakunbinsi ko naman ang matanda kaya tanging pagtango na lamang ang aking natanggap mula rito.

"Gina." Maiksing nitong sambit. Napatingin naman ako sa matanda at ayon lamang ang pagkakataon na makita ko ang wangis nito mula kanina. Nang aking makita at masilayan ang kaniyang mukha, walang dudang ina nga siya ni Zavier. Parehas sila ng itsura. Parehas matangos ang ilong, makakapal na mga kilay at mapupungay na mga mata.

"Pasensiya na ijo kung hindi ako agad nakapagpakilala sa 'yo kanina. Kasama ko pala ang ama ni Zavier at kapatid na sina Robert, Michael at Mary." Mahabang talumpati ng babae.

Napatango na lamang ako rito at binigyan ito ng isang matipid na ngiti. Matapos naming mag-usap, isang narse ang lumabas mula sa kuwarto kung saan nakahimlay ang katawan ni Zavier.

"Dok! May nangyayari po sa pasyente." Malakas at pasigaw na sabi ng narse.

Agad kaming naglapitan sa pinto ng kuwarto ni Zavier. Habang ang doktor naman mabilis na nilisan ang labas at agad na pumasok sa silid. Hindi kami pinayagan ng ilang narse na makapasok sa loob, tanging paghihintay na lamang ang aming ginawa.

Lumipas pa ang ilang mga oras at lumabas na rin ang doktor at narse. Nang makita ko ang kanilang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, parang may kung anong malakas na kutob ang aking naramdaman.

At base sa kanilang mga kilos, isang masama at malungkot na balita ang kanilang inihatid sa amin. Parang bigla na lamang akong nawala saaking ulirat nung mga sandaling iyon. Para bang huminto ang lahat saaking paligid nang dahil sa balitang iyon. Unti-unting nawala ang liwanag sa aking mundo. Parang bumagsak ang lahat ng bagay na iniwan niya saakin.

"Ikinalulungkot ko hong sabihin sainyo na wala na ho ang inyong anak. Sa madaling sabi, hindi niya na nakayanan pa ang hirap ng kaniyang sitwasyon." Malungkot na pagbabalita ng doktor.

Sa koridor ng ospital, napuno iyon ng paghihinagpis. Pighati ng pamilya. Kalungkutan at pangungulila sa taong minahal nila ng totoo at sobra. Sa parte ko naman, parang hindi pa rin rumirihistro sa aking isipan ang pagkawala ni Zavier. Parang ayaw tanggapin ng aking utak ang balitang iyon.

"Dok! Baka ho may iba pang paraan para maisalba pa si Zavier. Dok! Nagmamakaawa ho ako sainyo. Buhayin niyo po si Zavier, gawin niyo po lahat ng inyong makakaya." Halos hindi ko na maisatinig ang aking mga salita.

Para bang nagkakabuhol ang mga letra at dila ko dahil sa sakit na akong nararamdaman ng mga sandaling ito. Nahihirapan akong sabihin ang mga bagay ngunit ginawa ko pa rin ang aking makakaya upang masabi iyon.

Patuloy pa rin ako sa aking paghikbi habang patuloy pa rin ako sa aking pakiusap sa dokto na ibalik ang buhay ni Zavier. Halos mawalan na ako ng ulirat at unti-unti na ring nawawala ang aking pakiramdam. Ngunit, isang malamig na palad ang dumampi sa aking likurang bahagi na siyang ikinatigil ko.

"Ijo, tanggapin na lamang natin ang nangyari kay Zavier. Masakit man pero ito na 'yung reyalidad ng buhay niya. Wala na tayong magagawa pa na maibalik ang buhay niya. Alam naman nating lahat na ginawa ng mga doktor ang lahat nang kanilang makakaya upang iligtas si Zavier. Ngunit, hanggang roon na lamang iyon. Lahat tayo o bagay ay may hangganan at limitasyon. Kaya sana maunawaan mo ako, ijo."

Mahabang pagpapaliwanag sa akin ng ama ni Zavier. At habang ginagawa niya ang bagay na iyon, ramdam ko ang kirot, sakit at pangungulila niya sa kaniyang anak. Sa aking palagay, mas mahirap matanggap ng isang magulang na nawala na ang kanilang anak. Mas mahirap para sa kanila na kalimutan si Zavier.

Hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa rin tumitigil ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi, tila ba'y ayaw nang tumigil ng aking mga mata sa pagtangia nito.

"Nauunawaan ko." Labag man sa aking kalooban na sabihin ang bagay na 'yon, ngunit wala akong magagawa kundi ang sundin kung ano ang nais ng ama ni Zavier.

.....

Sa paglipas ng mga buwan, sa bawat segundo, minuto o oras na magdaan. Ay kailanman ay hindi nawala sa aking isipan si Zavier. Hindi siya nawala sa puso ko. Nakokonsensya ako sa mga ginawa ko kay Zavier. Naaawa ako sa sarili at naiinis dahil nagpadala ako sa tukso. Naiinis ako dahil naging marupok ako para kay Zavier.

Ngayong wala na ang iisang taong minahal ko sa loob ng maikling panahon, hindi ko alam kung paano magsimulang muli. Hindi ko alam kung paano ko ibabangong muli ang sarili ko, at harapin ang bukas na mag-isa, na wala nang Zavier sa buhay ko.

Habang pinagmamasdan ko ang pamilya ni Zavier na isa-isang nagbibigay ng mensahe at pagpapaalam sa kaniya. Muli na namang naglandas ang aking mga luha. Sobrang sakit na makita mo ang taong minsa'y inalayan mo ng tunay at totoong pag-ibig. Masakit para saakin na mawala siya, hindi ko na magagawa pang bumawi sa mga pagkukulang ko sa kaniya. Hindi ko na rin masasabi kung gaano ko siya kamahal ng lubos.

At ngayong ako na ang magbibigay mensahe kay Zavier, inayos ko ang aking sarili at tinataggan ang aking loob. Alam kong hindi siya matutuwa o magiging masaya kung makikita noya akong malungkot at umiiyak.

Nang makalapit na ako sa nitso kung saan siya ipapasok. Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa upang humugot ng lakas ng loob at determinsayong makapagsalita ng maayos.

"Zavier, mapatawad mo sana ako sa mga nagawa ko sa 'yo. Mapatawad mo sana ako sa mga sakit na naibigay ko at ipinaramdam ko sa 'yo. Alam mo, sobra akong nagsisisi sa mga nagawa ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawa 'yung mga ipinangako ko sa 'yo, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi kita nabigyan ng importansya. Patawarin mo sana ako, Zavier."

Ang kaninang pagluha ay ngayo'y naging hikbi na. Marami akong gustong sabihin kay Zavier. Ngunit ano pa ba ang silbi ng mga iyon kung 'di rin naman maririnig pa ni Zavier ang lahat ng mga sasabihin ko. Marami akong gustong patunayan sa kaniya na kailanman hindi ko na magagawa pa.

Sa gitna ng aking paghikbi sa harap ng huling sandali ni Zavier, isang mahigpit na yakap ang aking naramdaman mula sa aking likurang bahagi. Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Christine, namumugto ang kaniyang mga mata. Tulad ko, hirap rin siyang tanggapin ang nangyari kay Zavier.

Masakit rin para sa kaniya na mawala si Zavier. Nung huli naming usap, tanging pag-iyak lamang ang aking narinig mula sa kaniya. Wala akong salita na narinig kay Christine. Ang tanging narinig ko lamang sa kaniya ay "Pasensya na" at "Itigil na natin ito." Ayun lamang iyon ang mga narinig ko sa kaniya. Wala akong pagtutol na ginawa dahil wala ako sa aking sarili nung mga panahong iyon.

"Iiyak mo lang ang lahat, Elizandro. Alam ko at tulad mo, napakahirap para saatin na tanggapin ang pagkawala ni Zavier. Masakit at naiinis ako sa sarili ko dahil saakin, nawala siya. Nang dahil saakin, nawala 'yung taong mahal niya. Ang gaga ko, no? Sinira kita sa kaniya. Sinira ko 'yung pagmamahal mo para sa kaniya."

"Kalimutan na natin ang bagay na 'yon. Nakapag-usap na tayo na hanggang magkaibigan na lamang tayong dalawa. Sobrang sakit saakin na ganito ang kinahantungan ng relasyon namin ni Zavier. Walang may kasalanan, walang may gusto sa nangyari. Christine, ang sakit. Ang sakit-sakit na wala na 'yung taong mahal na mahal ko." Matapos kong magsalita ay napayakap na lamang ako kay Christine. Isang mahigpit na yakap naman ang inihagod saakin ni Christine. Isang yakap bilang kaibigan.

Matapos ang tagpong iyon, naglapitan na saaming dalawa ni Christine ang pamilya ni Zavier at naki-akap na rin sa aming dalawa. Ang sabi pa ng mga magulang ni Zavier, wala nang rason para maging malungkot. Maluwang na tanggapin na namin ang nangyari kay Zavier. Dahil ayaw raw ni Zavier na malungkot at umiiyak kami sa huling araw niya rito aa lupa.

Kahit mahirap saakin, sinunod ko ang nais ng kaniyang mga magulang. Sinubukan kong ngumit kahit napipilitan ako. Zavier, kung naririnig mo man ako, mahal na mahal kita. Nagkamali man ako noon, ngunit ikaw pa rin ang taong minahal ko ng sobra at totoo. Nabulag man ako noon, pero kahit wala ka na sa buhay namin, ikaw pa rin 'yung taong sinisigaw at tinitibok nitong puso ko. Hanggang sa huling hininga ko sa mundong ito.

Zavier, nabulag man ako saaking pag-ibig dulot ng isang tao, kailanman hindi kita pinalitan sa puso't isipan ko. Tanging takot lamang ang aking naramdaman kaya ko nagawa sa 'yo ang bagay na 'yon. Ngunit, hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ng kuwento nating dalawa. Hindi ko pa nasasabi at nagagawa ang mga ipinangako ko sa 'yo. Naiinis ako dahil naging marupok ako pagdating sa 'yo, hindi ko nagawang labanan ang tuksong lumapit saakin.

Zavier, mahal na mahal na mahal kita. Patawarin mo man ako o hindi. Hinding-hindi ka mawawala dito saaking puso pati na rin dito saaking isipan. Walang tao o kung sinoman ang papantay sa 'yo. Walang ibang makakapagbigay saakin ng pagmammahal na ipinaramdam mo saakin. Lagi kong aalalahanin lahat ng mga pinagsamahan nating dalawa. At kahit masakit man iyon saakin, iyon na lamang ang tanging alaala na maiiwan mo saakin. Paalam, Zavier. Paalam, mahal ko.

.....

Ilang buwan rin akong walang malay na parang nagmistulang patay. Ilang buwan ang nakalipas na ang aking katawan ay nakaratay rito sa ospital kung saan ako dinala. Maraming bagay ang nagbago, maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan ngayon. Halos minu-minutong sumasakit ang aking ulo, para bang may kung anong bagay ang pumapasok sa aking isipan. Ganun rin saaking puso.

Ilang buwan rin ang aking itinagal dito sa hospital. Ilang buwan rin ang ginugol ng aking mga magulang sa pagbabantay saakin. Nung mga panahong isinugod ako rito at nung panahon nasa kalagitnaan ako ng pagiging comatose ko. Maraming boses ang aking naririnig. Naisin ko man ang magsalita ngunit hindi ko magawa. Hindi ko rin maigalawa ang iba parte ng aking katawan, miski ang pagdilat ay hindi ko rin magawa.

"Anak ko, Xavier. Anak, gumising ka na. Nandito na si mama. Anak, parang awa mo na o? Gusto na ni mama na makita kang gising. Sige anak o? Pagbigyan mo na si mama."

Ito ang paulit-ulit kong naririnig sa bawat minutong binabatayan ako ng aking ina. Gusto kong magsalita ngunit oarang may puwersa saakin ang pumipigil na gawin ang bagay na 'yon. Gusto kong sabihin sa aking ina na "Ma, 'wag ka na hong umiyak. Lalo lamang akong nahihirapan na makita kang malungkot."

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi nagsawa saakin ang aking ina na bantayan ako, ganun rin ang aking ama at mga kapatid ko. Salitan sila sa pagbabantay saakin, kahit may mga trabaho sila at nag-aaral ang aking kapatid. Nagagawan pa rin nila ako ng paraan para mabantayan rito. Nung mga panahong iyon, tanging pagluha lamang ang aking nagawa. Ang luha kong iyon ang nagsilbing mga salita't sagot ko sa kanila.

Tanging pagluha lamang ang aking nagawa nung mga panahong iyon. Ayun lamang ang nagsisilbing komunikasyon naming pamilya. At habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong nakakarekober mula sa pagkakakomatos. Unti-unti ko rin naigaggalaw ang ibang bahagi ng aking katawan.

Nabasag lamang ang aking pagbabalik tanaw ng biglang pumasok ang aming ama at ina na may dalang mga pagkain, base sa kanilang mga mukha, mababakas mo rito ang sobrang galak, saya at tuwa. Natutuwa ako na makita silang masaya dahil sa wakas, gising na ako. Ayokong naririnig sila na puro pasakit ang kanilang mga salita. Masakit para saakin na marinig sila ng ganun.

"Anak, eto o? Kumain ka na muna. Alam namin ng papa mo gutom ka. Damihan mo ang kain anak ha?" Pagsasalita ng aking ina na abala sa kaniyang ginagawang paghahanda ng aking kakainin. Tanging pagngiti na lamang ang aking naisagot aa aking ina.

Lumapit naman saakin ang aking ama na sinabayan ako ng akbay nito. Napangiti rin ako rito at umusod ako upang makaupo ito ng maayos.

"Alam mo anak, ito na 'yung pinakamagandang regalong na tanggap namin ngayong taon. 'Yung magising ka mula sa pagiging comatosed, isa na 'yon na maituturing biyaya mula sa Diyos. Walang araw, segundo o minuto ang hindi lumilipas makapagdasal lamang sa kaniya. Alam mo anak, sobrang saya namin ng mama mo simula nung nagkamalay ka, muntik na ngang mawalan ng malay ang mama mo dahil sa sobrang tuwa at saya."

Masayang pagbabalita ng aking ama. Napangiti ako sa mga naging kuwento ni papa. Masaya ako dahil nagising ako at hindi ko mabilis na nilisan ang mundong ibabaw. Masaya ako dahil muli kong makakapiling ang mga taong mahal ko. Masaya ako dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos na Maykapal. Kaya napagdesisyunan ko na, pagkalabas ko rito sa ospital, hindi ako mag-aatubiling dumaan ng simbahan upang magbigay pasasalamat sa Kaniya.

Matapos ang tagpung iyon, nagpatuloy pa ang aming kuwentuhan ng mama at papa ko, kasama ang nakababatang kapatid ko. Sobra akong nanabik sa kanila, sobra 'yung kagustuhan kong 'wag silang umalis sa tabi ko. Gusto ko sa bawat segundong magdaan, ay lagi silang nakikita ng aking mga mata. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Siguro kaya hindi pa ipinahintulot ng Diyos na mawala ako, ay dahil may misyon pa ako para sa pamilya, para sa sarili ko.

Lumipas pa ang mga araw, unti-unting naging maayos ang aking katawan. Nanumbalik na rin ang aking normal na lakas. Gumaling ma rin ang ilang mga sugat ko na ngayo'y peklat na lamang ng kahapon. Masaya ako dahil muli kong makakapiling ang pamilya ko.

Wala na akong magagawa kung hindi man ako panagutan ng taong nakadisgrasya saakin. Diyos na lamang ang bahalang gumanti at magparusa sa kaniya sa ginawa niya saakin.

Ngayong araw, araw ng Miyerkules. Ito ang araw na kung saan ay lilisanin ko na ang ospital. Ang ospital na naging tahanan ko ng halos isang linggo. Sabay-sabay kaming naglalakad ng aking pamilya papunta sa sakayanan ng mga jeep. Narating namin iyon ng halos sampung minuto.

Habang pinagmamasdan silang punong-puno ng saya, galak at tuwa sa kanilang mga mukha. Naiibsan 'yung sakit ng kahapon dulot ng aksidente. Ayoko nang maalala pa kung ano ang nangyari saakin noon. Ayokong maalala kung paano lumuha ang aking mga magulang, kung gaano sila nag-alala para saakin.

Makalipas ang ilang minutong biyahe, pinauna ko na ang aking mama, papa at ang aking kapatid. Sinabihan ko sila na dadaan na muna ako sa simbahan upang magbigay pasasalamat sa Diyos. Gusto kong gawin ito dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob niya saakin.

"Anak, mag-iingat ka ha? 'Wag kang magpapagabi sa daan." Pagbibilin saakin ng aking mama. Tanging pagtango lamang ang aking sinabi at binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi.

Naramdaman ko naman na napangiti ko ang aking mama, senyales nang kaniyang pagtitiwala saakin. Umalis na ako at naglakad palayo sa kanila. Bago ako humakbang ng ikalawa, muli ko silang nilingon at kumamay upang sabihin sa kabila na 'mahal na mahal ko sila'.

.....

Ilang buwan na rin nung huli akong nakapasok ng simbahan. Sobrang daming pagbababgo. Marami na ring nadagdag na mga santo sa palibot ng simbahan. Mas marami na rin ang mga ilaw na nakapalibot sa bawat sulok ng simabahan dahil sa nalalapit na kapaskuhan. May mga parol at mga belen na nakadispley sa loob malapit sa pinaka altar ng simbahan.

Ang ganda at ang sayang pagmasdan ng mga ito. Idagdag mo pa ang mga taong narito ngayon sa loob ng simbahan. Mga taong taimtim na nagdarasal sa Poong Maykapal. Habang inililibot ko ang aking paningin, humanap ako ng isang puwesto na kung saan magiging komportable akong umupo.

Pinili ko ang nasa bandang hulihan ng simbahan. Umupo ako at lumuhod. Bago ako pumikit, nag altanda muna ako ng krus. Sinimulan ko nang ipikit ang aking mga mata, pinagkrus ang aking mga kamay. At mataimtim kong ipinikit ang aking mga mata at nagsimula na ako sa aking pakay.

"Panginoon, nais ko pong humingi saiyo ng pasasalamat. Pasasalamat dahil iniligtas Niyo po ako sa kapahamakan. Inilayo Niyo po ako sa kamatayan. Salamat rin ho Panginoon, sa pangalawang buhay na ipinagkaloob Niyo ho saakin. At habang wala akong malay, hindi Niyo po pinabayaan ang aking pamilya.

Panginoon, nagpapasalamat po ako Sainyo dahil sa kabutihan na ipinapamalas Ninyo saaming pamilya. Lagi Niyo po kaming inilalayo sa masasama at mga kapahamakan. Ito po Panginoon ang pinakamaganda ng regalong natanggap ko mula Sa 'yo. Ang pangalawang buhay galing Sa 'yo. Amen."

Walang pagsidlan ang saya at tuwa sa aking puso sa pasasalamat na aking ginawa sa Diyos. Ito na ang pinakamasayang regalong natanggap ko ngayong magpapasko. Bago ako tumayo mula sa aking pagkakaluhod, muli akong nag altanda ng krus, senyales nang aking pagtatapos ng pagdarasal.

Paupo na sana ako nang may isang lalaking tumabi saakin. Hindi ko naman ito binigyan pansin dahil ang pokus ko ay sa dasal lamang. Nangunot ang aking noo ng marinig ko ang lalaking humihikbi. Doon pa lamang ako lumingon upang makita ang itsura ng lalaki.

Nang makita ang kaniyang mukha, bakas sa kaniyang mga mata ang sakit, lungkot at pangungulila. Bakas rin aa kaniyang mga mata ang matinding pag-iyak dahil sa namumugtong mga mata nito.

Habang nnakaluhod ito, patuloy ko lamang siyang pinagmamasdan. At habang ginagawa ko ang bagay na iyon, bigla na lamang akong nakaramdamn ng matinding sakit, na para bang kinukurot ang aking puso. Hindi ko maunawaan kung bakit ko ito nararamdaman. At kung bakit ako napapaluha habang pinagmamasdan ang lalaking ito.

Para bang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Parang napipilan ako at naistatwa na hindi ko maigalawa ang ibang parte ng aking katawan. Tanging pagkakatitig lamang ang aking nagawa ng mga sandaling iyon.

"Patawarin Niyo ho ako. Patawarin Mo ako sa mga kasalanang nagawa ko. Sa mga sakit na ibinigay ko sa kaniya. Patawarin Mo ko kung nagkamali ako sa paggawa ng desisyon. Patawarin Mo ko kung hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Zavier. Alam kong naging mahina ako, naging marupok. Tao lang rin naman ako. Hindi ko naman alam na hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon.

Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit namatay 'yung isang taong tunay na nagmamahal saakin. Kasalanan ko kung bakit nawala ang taong minsa'y minahal ko. Panginoon, handa akong pagbayaran lahat ng mga maling nagawa ko. Handa ako kung parurusahan Niyo ako."

Habang nakatitig ako sa lalaki, hindi ko maiwasan ang maawa sa kaniya. Hindi niya mabigkas ng maayos 'yung mga salita na kaniyang sasabihin dahil sa tindi ng paghikbi nito. Alam ko at ramdam ko ang bigat na nasa loob niya. Bakas sa kaniyang awra ang hirap at sakit, pangungulila sa taong pinakamamahal niya.

Para bang may kung anong bagay saakin na parang magneto na kusa na lamang ako lumapit sa lalaki. Hindi ko rin alam kung paano at bakit ko ito ginagawa ngayon. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit bigla ko na lamang inakap ang lalaki sa gitna ng kaniyang pagluha.

At tulad niya, nararamdaman ko rin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Ang pangungulila na kaniyang pinagdaraanan. Bakit kailangan ko itong maramdaman gayung hindi ko naman kilala ang lalaking ito.

"Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lamang." Saad ko habang pinapakalma ko ang lalaki.

Napahinto ito sa kaniyang pag-iyak nang marinig niya akong nagsalita. Kumawala rin siya sa pagkakayakap ko sa kaniya. Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya akong nakayakap sa kaniya.

"A-anong s-sinabi m-mo...?" Utal nitong pagtatanong saakin.

Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at umupo sa tabi nito. Nang makita niya akong umupo, gumaya rin ang binata saakin. Ngayon, parehas kaming nakaupo, magkatabi at tuwid na nakatingin sa altar.

"Ang sabi ko, ayos lang 'yan. Magiging maayos rin ang lahat." Saad ko nang nakangiti rito.

"Z-zavier..." Mahina ngunit dinig ko ang pangalang kaniyang binanggit.

"Zavier? Sino 'yon?" Taka kong pagtatanong rito na ikinakamot ko ng aking ulo.

"Siya lang ang taong laging nagsasabi saakin niyan noon." Bakas sa kaniyang pananalita ang gulat at pagkamangha. Hindi na ito bago saakin. Lahat naman ng tao ay may pare-parehas na pananalita.

"Mr, hindi lang naman siya ang may alam nang ganung salita. Miski ikaw, alam mo rin ang salitang iyon." Tugon ko rito.

Napatungo naman siya saaking tinuran. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na tanungin kung bakit ang bigat ng kaniyang mga binibitawang salita kanina.

"Maaari ba akong magtanong. May matindi ka bang pinagdaraanan?" Maayos at mahinahon kong pagtatanong sa binata.

Nang marinig niya ang aking tanong, agad siyang napatingin saakin. At base sa kaniyang tingin, mababakas sa kaniyang mga mata ang pagdadalamhati.

"Mahirap at masakit man sabihin, pero mayroon nga." Maikli nitong sagot.

"Puwede mo bang ikuwento saakin. Baka kasi makatulong ako sa 'yo. Sabi kasi nila, mas maganda raw na magsabi ng problema sa estranghero kaysa sa taong kakilala mo nang matagal. Pero kung ayaw mo, hin-" Hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi ng agad siyang nagsalita.

"Namatay ang taong minsa'y minahal ko. Siya lang 'yung lalaking nagmahal at naglakas loob na mahalin ang isang tulad ko. Siya lang 'yung taong nakakaintindi saakin. Siya lang 'yung tanging lalaking nagmahal sa isang tulad ko."

Humunto ito sa kaniyang pagsasalita. Huminga ng malalim at humugot ito ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. Ngunit bago siya magsalita, pinunasan niya muna ang luhang nagbabadyang tumulong muli.

"Namatay siya sa isang hit and run. Hindi siya pinanagutan nung taong nakasagasa sa kaniya. Ayun 'yung oras na pinalaya niya ako. 'Yung araw na binigyan niya ako ng isang desisyon na alam kong makakatulong saakin. Ayun rin 'yung araw na pinapaubaya niya na ako sa isang babae." Pagpapatuloy nito.

Hindi naman ako kumikibo nais kong tapusin niya ang kaniyang kuwento bago ako magbigay abiso o opinyon ukol sa naging senaryo ng kaniyang kuwento.

"Nung una, gusto ko sa nang isekreto 'yung namumuong relasyon namin ni Christine habang may relasyon kami ni Zavier. Pumayag ako sa alok ni Christine na kaya niya raw ibigay ang lahat saakin na hindi kayang ibigay ni Zavier na isang lalaki rin tulad ko. Nabulag ako, naging marupok ako nung mga panahong iyon. Alam kong masasaktan ko si Zavier, pero nagpatuloy ako sa ganung ayos.

Hindi ko naman masisis ang sarili ko, dahil sarili kong desisyon ang bagay na 'yon. Hanggang isang araw, nalaman ni Zavier ang tungkol saamin ni Christine. Hindi ko alam kung paano niya nalamang ang tungkol sa bagay na iyon. Simula nung nalaman niya ang tungkol sa aming dalawa, unti-unti siyang lumayo sa akin. Alam ko naman kung bakit niya ako nilalayuan, at aminado ako na kasalanan ko ang bagay ma iyon.

Masakit rin nung mga panahong gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw niya. Gusto kong humingi ng tawad pero patuloy niya akong iniiwasan. Nung mga panahong iyon, naisip ko na. Sana hindi na lamang ako pumayag. Na sana, hindi namatay ang taong minsa'y natutunan kong mahalin. Ngayon, wala na siya. Suma kabilang buhay na. Nawala na rin si Christine. Gusto niya raw magbagong buhay at magpakalayo-layo dahil nakokonsensya siya sa kaniyang nagawa kay Zavier.

Ang sakit lang at ang tanga ko dahil pinagpalit ko 'yung dapat na pangmatagalan sa panandaliang ligaya lamang."

Mahaba nitong pagsasalaysay saakin. Ito pala ang nangyari sa kaniya. At ayun rin pala ang rason kung bakit siya umiiyak at humihingi ng kapatawaran sa Diyos. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nais ko. Masyadong kumplikdo ang naging sitwasyon niya. Na miski ako siguro ay hindi ko rin alam kung ano ang aking gagawin.

"Minsan, hindi natin malalaman ang mali hangga't hindi natin nagagawa ang isang bagay. Hindi mo masasabi na tama o mali dahil depende sa kapasidad ng isang tao kung paano niya ito uunawain at bibigyan solusyon. Alam ko at ramdam ko, na may natutunan ka sa pangyayaring iniwan sa 'yo ng taong minahal mo. Sana maging aral iyon sa 'yo at huwag mong ulitin at gawin sa susunod."

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sinabi ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang akin naging pahayag matapos niyang ikuwento sa akin ang tunay na pangyayari. Tila ba naguguluhan ako sa nangyayari sa akin ngayon. Para bang ang komportable ko sa taong ito. Medyo naguguluhan ako na ewan.

Nang napatingin ako sa aking likod, napansin ko na medyo palubog na ang araw. Unti-unting nawawala ang liwanag at napapalitan ang kalangitan ng dilim.

"Siya nga pala. Mauna na ako sa 'yo ha? Dumidilim na kasi. Baka hinahanap na ako sa amin." Matapos kong sabihin iyon, agad na akong tumayo at naglakad paalis. Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sasabihin ay agad ko nang nilisan ang puwesto namin.

......

Habang pinagmamasdan ko ang taong ito, para bang hindi nalalayo sa kkaniya si Zavier. 'Yung kilos, galaw at ang pananalita niya ay parehong-pareho lay Zavier. Nagpaalam na ito na aalis na siya ngunit hindi ko pa nalalaman ang kaniyang pangalan.

"Teka!" Sigaw ko. Napahinto naman siya sa kaniyang paglalakad at agad akong sinulyapan.

Ang pagsulyap na 'yon, sobrang pamilyar sa akin. Bakit parang nakikita ko sa kaniya si Zavier. Bakit ang bilis ng tibok ng aking puso. Tila ba may nais itong ipahiwatig.

"Bakit ho?!" Sigaw nito pabalik sa akin.

"Aalis ka nang hindi ko man lang nalalaman ang pangalan mo." Pagsasalita ko habang naglalakad papalapit sa kaniya. Napakamot naman ito ng kaniyang ulo at napatawa sa naging tugon ko.

"Ako nga pala si Xavier." Maikli nitong sagot. At iniabot nito ang kaniyang kamay sa akin. Napatulala ako sa kaniyang ginawa, halos parehas rin sila ng pangalan ng taong mahal ko.

"Elizandro." Maikli kong sagot. Nagbigay lamang ako ng isang ngiti sa kaniya. Hindi ko ipinahalata sa kaniya na kinakabahan ako sa mga sandaling ito. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako kung sino nga ba ang taong nasa harap ko ngayon.

"Tara, sabay na tayong umuwi. Ihatid na kita sainyo." Saad ko. Nagpatuloy kaming dalawa sa aming paglalakad. Hindi na ako nahiya, ngayon ko lamang siya nakilala ngunit agad kong hinawakan ang kaniyang kamay na ikinagulat niya naman.

Hindi ko na pinansin ang bagay na iyon. Ramdam ko ang pagtataka sa kaniyang mukha ngunit nagpatay malisya na lamang ako. At kahit pinagtitinginan kami ng ilang taong nasasalubong namin sa daan, ay hindi ko iyon pinansin.

Wala akong pakialam sa kung ano ang nais nilang sabihim saamin. At ang taong ito, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya saakin. Sa sandaling oras, nahuli niya agad ang aking loob. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Nais kong makilala kung sino ang taong ito.

Habang nakatingin ako sa mga butuin, pinagmamasdan ang mga tila maliliit na ilaw mula sa kalangitan. Hindi ko mawari kung paano kabilis nahulog ang loob ko kay Xavier. Para bang magneto na bigla na lamang niyang hinigop ang aking damdamin. Ngunit, isang bagay ang aking napansin, tila para bang sobrang gaan ng aking pakiramdam sa taong iyon. Para bang sobrang tagal na naming magkakilala.

At 'yung mga sinabi niya sa akin kanina, tila lahat ng iyon ay tumatak sa aking puso. Na hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking isipan.

"Minsan, hindi natin malalaman ang mali hangga't hindi natin nagagawa ang isang bagay. Hindi mo masasabi na tama o mali dahil depende sa kapasidad ng isang tao kung paano niya ito uunawain at bibigyan solusyon. Alam ko at ramdam ko, na may natutunan ka sa pangyayaring iniwan sa 'yo ng taong minahal mo. Sana maging aral iyon sa 'yo at huwag mong ulitin at gawin sa susunod."

Ang mga salitang iyon, sobrang gaan sa pakiramdam. Tila bigla na lamang nawala ang bigat na aking nararamdaman, nawala ang lungkot na lumulukob sa aking pagkatao. Nawala ang kirot nang sanhi ng kahapon. Simula nang makausap at nakasama ko si Xavier sa loob ng maiksing oras, tila nahulog nang tuluyan ang aking loob sa kaniya.

At sa pagkakataong ito, hinding-hindi ako matatakot na sumugal ulit. Hinding-hindi ako magpapaapekto sa ibang tao sa kung ano ang sasabihin nila sa akin. Ayoko nang maulit pa ang nangyari saamin ni Zavier. Tama si Xavier, may aral akong natutunan mula sa nakaraan. At mula roon, mamahalin ko ang taong ito nang higit pa saaking sarili, ituturing ko itong prinsesa na walang sinuman ang maaaring manakit sa kaniya.

Matapos kong alalahanin ang mga nangyari kanina, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding antok. Unti-unti na ring bumigat ang mga talukap ng aking mga mata. Kaya naman, napagdesisyunan kong pumasok na sa aking silid at roon, ay magpahinga na.

......

Masakit na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. Dahil sa rami ng kakulangan saakin, ang lahat ng iyon ay hinanap niya sa iba. Sa babae, alam ko naman na balang araw, dito rim siya sasaya at makakabuo ng isang masaya at kumpletong pamilya, at hindi sa tullad kong lalaki rin.

Mahal na mahal ko si Elizandro, ngunit ano pa ba ang aking magagawa kung masaya at komportable na siya kay Christine? Ano pa ba ang puwede kong gawin para lang maibalik sa piling ko ang taong pinakamamahal ko? Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan nang sobra.

"Elizandro." Tanging pagsambit ng kaniyang pangalan ang tangi kong nasabi. At habang pinagmmamasdan ko silang dalawa na magkahawak kamay, unti-unting naglandas ang aking mga luha. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng aking dibdib dahil sa nasasaksihan ko ngayon sa aking harapan.

"I-ikaw p-pala..." Gulat nitong tugon sa akin.

"K-kailan p-pa I-ito?" Sunod kong tanong rito.

Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala at takot. Bukod roon, ramdam ko rin ang kaniyang pagdadalawang isip na sagutin ang aking tanong.

"Magpapaliwanag ako." Maigsing tugon nito. Matapos niyang sabihin iyon, inalis niya ang pagkakalingkis ng kanilang kamay ng babae.

"Bakit, Elizandro?" Tanong ko rito na lumuluha.

"Minahal kita. Totoo 'yon. Kaso, naisip ko na, puwede ba akong magkaroon ng isang masaya at totoong pamilya kasama ka? Natatakot ako. Natatakot akong mahusgahan ng iba. Natatakot ako sa sasabihin nila tungkol sa atin. Pasensya na, kung iniwan kita ng walang sabi."

"Alam ko naman na dun ito tutungo. Hindi naman ako magagalit na maghanap ka ng babaeng bubuo sa pagkatao mo. Hindi ako magagalit kung mahanap mo 'yung taong tunay na magbibigay saya sa 'yo. Ang akin man lang, sana sinabihan mo ko. Siguro dun mas mauunawaan ko pa kung bakit. Ang sakit rito, Elizandro."

Matapos kong sabihin ang mga iyon, sunod kong itinuro ang aking puso. Puso na puno ng sugat at namamaga sa kirot dulot ng sakit na hatid ni Elizandro. Hindi ko matanggap na ganun kadali na lamang niya ako iiwan.

Matapos ang tagpong iyon, isang liwanag ang bigla na lamang lumukob sa aking harapan. Na siyang naging dahilan upang mapatakip ako ng aking mata. Sa sobrang liwanag, puno ng sigawan at iyakan ng mga tao ang aking naririnig sa buong paligid.

Nang nawala ang liwanag, isang binatang lalaki ang nakita kong nakahandusay. Nilapitan ko iyon, laking gulat ko nang makita ang aking sarili na nakahandusay, walang malay, naliligo sa sariling dugo.

Nagising na lamang ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa naiwan kong nakabukas na bintana. Napatindig naman ako sa aking pagkakahiga nang muli kong naalala ang naging panaginip ko. Bakit ganun ang panaginip ko? Bakit pakiramdam ko ako ang taong sinasabi doon? Bakit naroon si Elizandro? Ano bang kinalaman niya sa panaginip ko? At bakit lumuluha ang taong iyon?

Napapakuwestyun ako sa naging pangyayari. Para bang may malalim na rason kung bakit sobrang nasasaktan at lumuluha ang taong iyon. Ngunit, sa panaginip kong iyon, parang walang pakialam si Elizandro sa taong iyon.

Habang nasa ganung posisyon ako ng aking pag-iisp, bigla ko na lamang naramdaman ang bahagyan pagkirot ng aking ulo. Bigla ko ring naramdaman na bahagyang naninik ang daluyan ng aking paghinga. Para bang sinasakal ako na hindi ko mawari. Gusto kong magsalita at tawagin ang aking mga magulang upang humingi sa kanila ng tulong. Ngunit, huli na ang lahat para dun. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na unti-unting bumabagsak sa higaan kung saan ako nakalagak.

Lumipas ang ilang oras na wala akong malay. Naramdaman ko na lamang na may taong tumatapik sa aking mukha, nang magdilat ako ng aking mata, bumungad sa akin ang aking ina.

"Anak, kanina pa ako nag-aalalla sa 'yo. Ano ba ang nangyari at nakita ka namin ng papa mo nang walang malay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

Napabangon naman ako hinipo ko ang aking ulo. Hanggang sa mga sandaling ito, narito pa rin ang pagkirot at pagtibok ng aking sintido. Matapos kong alalahanin ang naging panaginip ko, biglat na lamang akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo na nagdulot sa akin ng pagkawala ng malay. Hindi ko alam kung bakit iyon nangyari saakin.

"Hindi ko rin po alam, mama, e." Maikli kong tugon rito.

"Gusto mo ba dalin ka na namin ni papa mo sa doktor? Nag-aalala kami sa 'yo anak."

"Hindi na po, ma. Ayos lang ako. Siguro dala rin ng pagod kahapon." Tugon ko.

Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa mga magulang ko ang nangyari. Na kahit miski ako, ay naguguluhan sa pagkataong mayroon ako ngayon. Para bang sa isang katawang lupa ko ay, may dalawang katauhan ang namamahay.

Nang naging maayos ang aking lagay, agad na nagpaalam ang aking mga magulang na may pupuntahan raw sila. Tanging pagtango na lamang ang aking naging sagot sa mga ito at isang halik naman sa aking ulo ang natanggap ko mula sa aking ina.

Lumipas pa ang mga araw at buwan, naging maayos na ang aking kalagayan. At kasabay sa paglipas ng mga iyon, unti-unti nang nararamdaman ang himig at ispiritu ng Pasko. Ramdam na rin ang malamig na simoy ng hangin sa buong kapaligiran.

Ilang araw na lamang at ang araw ng kapanganakan ng anak na si Jesus ay nalalabi nang maganap. Itong taong ito, sobrang raming naganap sa aking buhay. Naroon 'yung munti na akong mamatay dahil sa isang hit and run, nakipaglaban ako sa kamatayan. Nakakilala ako ng isang taong unti-unti ko nang natutunang mahalin. Ngunit, hanggang ngayon, sa tuwing gabing ako'y natutulog, laging sumasagi sa aking panaginip ang isang imahe ng binatang lalaki.

Isang lalaki na laging nakikiusap sa akin na pangalagaan ko si Elizandro. Mahalin ko raw siya dahil hindi niya na raw matutupad pa ang kaniyang pangako kay Elizandro. At natatandaan ko pa ang mga salitang binitawan niya sa akin bago siya magpaalam ng tuluyan.

Nasa isang mataas na burol kung saan ako nakatanaw sa mgaa magagandang lugar. Isang mataas na bundok ito kung saan tanaw mo ang buong lugar. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong klaseng lugar.

Kung pagmamasdan mo ang kabuuan ng lugar, ito ay mapayapa. Puno ng mga iba't ibang uri ng ibon. Puno ng mga magagandang puno at halaman. Sabayan pa ito ng napakapreskong hangin na nagmumula sa bulkan kung saan ako malapit na nakkatayo.

At habang abala ako sa ginagawa kong pagkamangha sa lugar, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagmula sa aking likurang bahagi. Napukaw nito ang aking atensyon na natuon sa kaniya. Kaya wala akong alinlangan na nilingon ito at tumambad saakin ang isang napamistisong binata, nakaputi ito. At may makapal na kilay. Magagandang ngipin at mapupungay na mga mata.

Habang pinagmamasdan ko siya, isang ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin. Lumapit siya saakin at tumabi sa'king tabi.

"Alam ko na nagtataka ka sa mga pagbabagong nangyayari sa 'yo ngayon." Huminto ito sa kaniyang sinasabi at diretso akong tinignan nito sa aking mga mata na ikinagulo ko naman.

"Sa mga sandaling ito, nagtataka ka at nagtatanong sa mga panaginp mo, kung sino nga ba talaga ako? Kung ano ang nais ko sa 'yo? Tama ba?" Sunod na tanong nito sa akin. Wala sa aking loob na napatango ako sa kaniya. Tanging pananahimik lamang ang aking nagawa. Kaya nung wala siyang nakuhang sagot sa'kin, nagpatuloy ang binata sa kaniyang sasabihin.

"Ako si Zavier. Zavier Francisco. Alam kong malalaman mo kung ano ang nasa likod nito kung bakit ikaw ang aking pinakikiusapan. Huwag mong sasaktan si Elizandro, mahalin mo siya gaya ng pagmamahal na binibigay niya sa 'yo. Alam-"

Hindi niya na natapos pa ang kaniyang sinasabi ng agad akong nagsalita at pinutol ang kaniyang sasabihin. Hindi ko na rin maunawaan ang nais niyang ipabatid sa'kin.

"Hindi kita maunawaan, Zavier. Ano ba talaga ang gusto mong ipaunawa sa'kin?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa paggising mo, lahat ng katanungan mo ay unti-unting masasagot. Lahat ng pagdududa at gulo sa iyong isipan ay unti-unting lilinaw. Kaya sana, at nakikiusap ako sa 'yo. Na, mahalin mo si Elizandro ng totoo at tapat. Mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya.

Hindi ko na kasi magagawa pa ang mga iyon. Hindi ko na rin maipaparamdam pa sa kaniya kung gaano ko siya kagusto at kamahal. Kaya sana, Xavier, mahalin mo ang taong pinakamamahal ko. Nakikiusap ako."

"Xavier, may bumabagabag ba sa 'yo? Puwede mong sabihin saakin at baka makatulong ako." Nag-aalalang sambit ni Elizandro saakin.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Elizandro. Narito kasi ako sa isang parke malapit sa paaralan kung saan pumapasok si Elizandro. Hindi ko alam pero nung nagsalita siya, bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding kaba. Nanayo lahat ng aking balahibo na akala ko'y nakakita ako ng multo.

Hindi ko ipinahalata sa kaniya ang aking naging reaksyon nung tinawag niya ako. Bagkus, kumilos at nilingon ko ito ng normal. Sa mga sandaling ito, marami akong katanungan na nais malaman at mabigyan linaw lahat ng mga tanong na hanggang ngayon ay patuloy na bumabagabag saakin.

"Elizandro, may itatanong sana ako sa 'yo." Mahina kong sambit dito.

Umupo naman ito at tinabihan ako. Inilapag niya ang kaniyang gamit sa tabi at tinignan ako ng deretso sa aking mata. Sa ginawa niyang pagkakatitig sa akin, hindi ako naging komportable sa bagay na iyon. Agad akong nag-iwas ng aking tingin at itinuon ito sa iba.

"Ano 'yung itatanong mo Xavier?" Saad nito.

Bago ako magsalita, isang malalim na buntong hininga ang aking hinugot. Isang buntong hininga upang maitanong ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin ng buong tapang at lakas ng loob.

"S-sino s-si Z-zavier...?" Utal kong pagtatanong rito.

Habang binibigkas ko ng mabagal ang pangalan na sinabi ng binata sa aking paniginip, ay nakayuko ang aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya rito.

Lumipas ang ilang segundo nang aking pagtatanong, ng wala akong sagot, salita na narinig mula sa kaniya. Kaya naman nagtaas ako ng aking paningin at tinignan ito. Nang makita ang binata sa aking tabi, nakayuko ito, humihikbi.

"Elizandro, ayos ka lang ba? K-kung hindi mo kayang sagutin 'yung tinatanong ko. Ayos lamang, hindi naman kita pinipilit na sagutin mo iyon." Nag-aalala kong saad rito.

Sa mga sandaling ito, nakokonsensya ako na bakit ko ba naisipan na tanungin siya sa ganung klaseng bagay. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil alam kong malalim ang rason at madilim ang kaniyang pinagdaan dun.

Habang pinagmamasdan ko siya at pinapakalma at hinihimas ko ang kaniyang likod. Hindi ko maiwasan na malungkot. Dahil sa mga luhang naglalandas sa kaniyang mga pisngi, ramdam at bakas ang sakit at kirot sa mga iyon. Patunay lamang ang mga luhang iyon kung gaano siya nasaktan sa pangyayari sa kaniyang nakaraan.

"Naalala mo pa 'yung mga kinuwento ko sa 'yo noon nung aksidente tayong nagkatabi sa simbahan? Iyon ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin." Huminto ito sa kaniyang pagsasalita at pinunasan ang luhang walang tigil sa pag-agos sa kaniyang mga pisngi.

Tanging pag tango na lamang ang aking naisagot kay Elizandro nung mga sandaling iyon. Para bang napako ako sa aking kinauupuhan. Nanlamig ang buo kong katawan at para bang napipilan ang aking dila na magsalita.

"Si Zavier? Siya lang naman 'yung taong minahal ko. Siya lang naman 'yung unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Nagpabago saaking pananaw sa buhay pag-ibig. Siya lang 'yung unang lalaki na nagpatunay na ang pagmamahal ay walang pinipiling kasarian.

Si Zavier, nang dahil sa akin, nawala siya. Ako 'yung rason kung bakit namatay siya. Kung bakit nasagasaan siya."

Habang pinapakilala niya saakin si Zavier, ramdam ko ang pangungulila niya, ang sakit at kirot, lungkot na bumabalot sa kaniya.

"Si Zavier, minahal ako ng tunay ngunit hindi ko naalayan ng totoong pagmamahal. Hindi ko nasuklian 'yung pagmamahal na pinaramdam niya sa akin. Ang tanga ko 'di ba? Sinayang ko 'yung taong tunay na nagmamahal saakin at pinagpalit ko sa pangmadalian lamang." Dagdag niya pa.

"Elizandro, hindi kita pinipilit na sagutin kung ano 'yung tinatanong ko sa 'yo. At kung hindi ka pa handa na sabihin saakin ang lahat, hindi kita pipilitin sa bagay na iyon."

"Hindi, Xavier. Nais kong malaman mo ang lahat. Nais kong ilabas lahat ng sakit dito sa puso ko. Kasi-kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapatulog ng konsensya ko sa bawat gabing nagdaraan.

Napayuko na lamang ako sa mga pangyayari iyon. Mukhang desidido talaga si Elizandro na sabihin saakin ang lahat-lahat mula sa kaniyang nakaraan.

.....

"Ang tanga ko lang dahil hindi ko pinanghawakan 'yung pagmamahal na ibinigay saakin ni Zavier. Nanghihinayang ako na sinayang ko 'yung taong nagparamdam saakin ng totoong pagmamahal. Ang tanga ko sobra. Ni halos hindi ko napansin ang lahat nang iyon."

"Bakit simula nung umpisa, hindi mo na agad ginawang lumaban para kay Zavier? Bakit kung kailan huli na ang lahat, saka mo pa naisipan na ipaglaban siya?" Hindi ko alam kung paano at ano ang aking mga sinasabi. Hindi ko rin alam kung saan ko hinuhugot ang mga tanong na ibinabato ko kay Elizandro.

Napatingin naman siya saakin na namumugto ang kaniyang mata. Bakas sa mga iyon ang lubos na pagsisising nagawa niya sa nakaraan. Tila ba nagmamakaawa at nagsusumamo ang kaniyang mga mata at humihingi ng kapatawaran.

"Natakot ako. Natakot ako sa sasabihin ng iba. Natatakot ako na kapag nalaman ng aking pamilya at mga kaibigan ang tungkol saamin ni Zavier, ay baka layuan at paalisin nila ako. Pandirihan. Ayokong mangyari ang mga bagay na 'yon saakin. Kaya mas minabuti ko na sabihin sa kaniya na itago ang relasyon naming dalawa.

Naging mahina ako. Nagpahatak sa tukso. Hindi ko naisip na may isang taong nasasaktan habang nakikipagkasundo ako na bumuo ng isang relasyon. Hindi ko naisip na nasasaktan ko na pala si Zavier ng patago habang nagbibigay ako ng ligaya sa iba."

Hindi niya na natapos pa ang kaniyang pagsasalita dahil sa mga luhang muling naglandas sa kaniyang mga mata. Halos hindi niya kayang huminga pa ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak nito. Nilapitan ko naman si Elizandro upang mapagaan ang kaniyang kalooban.

At wala sa aking loob, na unti-unting lumalapat ang aking katawan sa katawan ng isang lalaking walang humpay sa pag-iyak. Naaawa ako sakaniya. Naaawa ako sa naging sitwasyon nung mga panahong takot at naguguluhan siya sa buhay niya. Ganito pala ang nangyari, isa rin siya sa biktima. Naipit lamang siya sa totoong pagkatao at pagkagusto niya.

"Hindi ko alam kung paano ko pagagaangin ang kalooban mo ngayon, Elizandro. Pero nais ko lamang malaman ang totoo sa likod ng mga panaginip ko-" Agad na napahinto ako sa aking sinasabi nang biglang napatingin saakin si Elizandro. Dahil sa kaniyang ginawa, napahinto ako at nagulat na siyang naging dahilan ng bahagyan pananakit ng aking ulo.

"Panaginip? Anong panaginip 'yung sinasabi mo, Xavier?" Pagtatanong niya habang patuloy sa paglandas ang kaniyang mga luha.

Hindi ko ininda ang sakit ng aking ulo. Bagkus, nagpokus ako sa mga nais kong sabihin kay Elizandro. Hindi ko alam kung paniniwalaan niya ba ang lahat ng ito. Ngunit nais kong mabigyan linaw kung bakit sa gabi-gabing nagdaraan, lagi kong kasama si Zavier sa aking panaginip.

"Simula nung araw na naaksidente ako, halos nakipaglaban rin ako sa kay kamatayan. Ayun 'yung araw na may nnakita akong tao na nahit and run malapit rin sa eskuwelahang pinapasukan mo. Matapos ang pangyayaring iyon, hindi ko namalayan na may paparating palang sasakyan.

Elizandro, hindi ko alam kung paniniwalaan mo 'yung sasabihin ko. Simula nung nagising ako mula sa pagkocomatosed ko, sa bawat gabing natutulog ako. Lagi akong nananaginip, at sa bawat panaginip na iyon, laging naroon si Zavier. Hindi ko maunawan pero ang dami niyang bilin saakin."

Pinutol ko ang aking sasabihin at napahawak ako saaking ulo. Ganito ako lagi, sa tuwing aalalahanin ko 'yung mga nakaraang nangyari at 'yung mga pangyayaring napaginipan ko. Laging sumasakit ang ulo ko sa tuwing may isang detalyeng nawawala saaking isipan.

"Ayos ka lamang ba, Xavier?" Nag-aalalang tanong ni Elizandro saakin. Tanging pagtango na lamang ang aking naisiagot sa kaniya.

"Ang binatang laging nasa panaginip ko, ay si Zavier pala. Siya pala 'yung laging kumakausap saakin. Siya rin pala ang dahilan kung bakit sa tuwing may nawawalang bahagi ng isang detalye, nagdudulot iyon ng matinding sakit saaking ulo. Kung bakit may mga taong pamilyar saakin, may mga lugar na kahit hindi ko pa napupuntahan ay parang alam na alam ko. Siya pala ang nasa likod ng bawat panaginip ko." Saad ko rito.

"Xavier, 'wag mo nang subukan pang alalahanin kung ano 'yung mga napaginipan mo. Sapat na sa akin ang lahat ng nalaman ko. Kuntento na ako sa bagay na 'yon. Ang mahalaga ay maayos ka, ayokong nakikita kang nahihirapan sa pag-alala ng mga bagay at huwag mo nang ipilit at puwersahin ang utak mo para sa mga alaalang iyon." Nag-aalalang sabi ni Elizandro sa akin.

Habang nakahawak pa rin ako sa aking ulo, bigla ko na lammang naramdaman na may yumakap sa akin. Ang init nang yakap niya, na damang-dama ng buo kong katawan. Para bang nanabik ako sa mga bisig na nakaakap saakin ngayon.

"Puwede naman nating pag-usapan ang bagay na ito sa ibang araw, sa ngayon, nais kong ipagpahinga mo na lang mun-"

Hindi ko na narinig pa ang kasunod na sasabihin ni Elizandro ng biglang naramdaman ko na lamang na unti-unting bumagsak ang aking katawan at nawalan ako ng malay sa gitna ng aking pakikipag-usap sa kaniya. Hindi ko na alam pa ang mga kasunod na nangyari, ang huling aking natatandaan ay, nakayakap saakin si Elizandro at pinapakalma ang aking isipan upang maiwasan nito ang matinding pagkirot ng aking utak.

Nagising na lamang ako nang may naramdaman akong humihimas sa aking buhok. Bahagya niya itong minamasahe na ikinasasarap naman ng aking pakiramdam. Nang makita ko ang taong iyon, ay walang iba kundi si Elizandro. Malawak ang ngiting binibigay niya saakin. Na aking sinuklian rin ng isang ngiting kay tamis.

"Ayos ka na ba, Xavier?" Tumigil ito sa kaniyang ginagawa at tumabi sa akin. Napaayos naman ako ng upo mula sa aking pagkakahiga upang makaupo siya ng ayos.

Bago ko sinagot ang kaniyang tanong. Inilibot ko na muna ang aking paningin. Hinihinuha ko kung nasaang lugar ako naroon ngayon.

"Ayos na naman ako." Huminto ako saglit upang umapos ng aking upo. "Elizandro, nasaan ako? Nasaan tayo?" Sunod-sunod kong tanong rito.

Anong oras na kasi. At mukhang magdidilim na rin. Alam kong nag-aalala na rin sa akin ang aking ina at ama. Sa mga sandaling ito, hindi na ako mapakali. Gusto ko nang magpaalam kay Elizandro ngunit hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

"Xavier, huminahon ka." Saad nito. Nagulat ako sa kaniyang ginawa nang bigla na lamang niya akong hinawakan sa magkabila kong balikat at deretso ako nitong tinignan sa aking mga mata. "Narito ka sa apartamento kung saan ako tumutuloy. Tsaka hindi naman ito malayo sa Unibersidad na aking pinapasukan. Kaya Xavier huwag kang mag-alala." Dugtong nito.

Tapos na siyang magsalita ngunit nakakapit pa rin siya sa aking balikat. Ngunit, naiilang ako kung paano ako titigan ni Elizandro. Hindi ako komportable sa ganung klaseng tingin.

"A-ahhh. Elizandro, maaari na ba akong umuwi? Baka kasi hinahanap na ako saamin, e." Saad ko habang nagkakamot ng aking ulo. Nakakahiya man ngunit nilakasan ko na lamang ang aking loob na magpaalam sa kaniya. Ngunit, nagulat ako sa kaniyang sinabi.

"Sige. Sigurado bang ayos ka na? Sandali lamang. Ihahatid na kita para sigurado ako na maayos at ligtas ka." Saad nito.

Nagulat ako sa naging tugon saakin ni Elizandro. Hindi ko nagawang makapagbigay ng reaksyon ukol sa kaaniyang sinabi. Bigla ko na lamang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Ngayon lamang ako ulit nakaramdam ng kaba at ilang sa taong kausap ko.

Lumipas pa ang ilang minuto, at ganun nga ang nangyari. Hinatid ako ni Elizandro pauwi saamin. Para raw masigurado niya ang kaligtasan ko. Nang marating namin ang bahay, at naabutan ang aking mga magulang na hinihintay ako sa aking pag-uwi. Sinubukan kong imbitahan si Elizandro na pumasok sa aming bahay ngunit tumanggi ito at nagpaalam nang umuwi.

Nang mawala na ito sa aking paningin, sabay-sabay kaming pumasok sa bahay. Kumain kami ng sabay-sabay at tulad ng dating gawi, habang kumakain ay nagkukuwentuhan kaami kung ano ang nangyari sa buong maghapon.

Ngayong nasa silid na ako. Nakatingin sa kisame, binibilang ang mga butiki na dumadaan. Hindi ko na maitatanggi pa ang aking nararamdaman. Alam ko na mali ito sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Pero, nahihirapan akong itago ang totoong nararamdaman ko.

Sa mga bagay na ginagawa ni Elizandro para saakin. Unti-unti nang nahuhulog ang aking loob sa kaniya. Para bang mahal ko na si Elizandro. Pero, may isang bagay ang pumipigil saakin na sabihin ang bagay na iyon sa kaniya.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka kaya ko lamang ito nararamdam ay dahil pinagbilin siya ni Zavier saaakin. Dahil nitong nakakaraan, ang buong pagkatao ni Zavier ay nareincarnate saakin. Nung una hindi ko pa lubos maunawaan kung ano ang ibig sabihin nun.

Kaya naman dahil saaking kuryosidad, nagpunta ako sa simbahan at hinanap ko roon si Father. Alam kong siya lamang ang isang taong makakatulong at makakasagot sa mga tanong ko tungkol sa pagbabago ng aking pagkatao at persona.

Maraming bagay akong naitanong kay Father. Ngunit iisa lamang ang naging kasagutan niya sa lahat nang iyon.

"Xavier, ang reincarnation o tinatawag na pagkasilang muli. Ito ay maaaring puwedeng lumipat ang ispiritu, isipan sa isang buhay na katawan mula sa namatay na orihinal na katawan. Ang reincarnation, lahat ng tao ay dumadaan sa ganitong klase ng pangyayari. Maaari noon may hindi ka kilala o hindi alam na lugar. Ngunit sa pangyayaring iyon, nagkaroon ka ng panibagong katauhan. Ngunit, ito ay pawang nanggaling mula sa alaala nang taong lumipat saiyo.

Huwag kang matakot iho sa nangyayari saiyo. Isa lamang ang nais ipahiwatig kung bakit ikaw ang nakakaranas niyan. Ang ibig sabihin lamang ng bagay na iyan, 'yung taong namatay ay maaaring tanggap niya ang nangyari sakaniya o hindi. Ngunit may mga bagay pa siyang nais gawin na hindi na nila kailan man magagawa pa sa mga taong espesyal para sa kanila. Ikaw ay magiging tulay para sa taong iyon, Xavier."

Simula nung nalaman ko kung ano ang tunay na nangyayari saakin. Dun ko rin naunawaan na kung ano rin ang tunay kong nararamdaman para kay Elizandro. Ngayon, may dahilan na ako para matakot at sumubok magmahal. Natatakot ako na sabihin kay Elizandro na mahal ko na siya.

Ngunit, parang hinahadlangan ko kung ano ang kagustuhan ni Zavier para sa kaniya. Hindi ko matutupad 'yung mga paakiusap saakin ni Zavier para kay Elizandro. Ang hirap. Nahihirapan akong magmahal. Dahil ito ang unang beses na nagmahal ako sa kapwa ko lalaki. Ito rin ang unang pagkakataon na nahulog ang loob ko sa isang tulad ni Elizandro.

Natatakot akong magmahal na baka nagmamahal ako ay hindi para sa totoong nararamdaman ko. Kundi sa mga pakiusap ni Zavier saakin. Natatakot akong mabigo at masaktan ang sarili ko, sa pag-asang mamahalin rin ako ni Elizandro pabalik.

......

Isang araw na lamang ang nalalapit upang sumapit ang araw ng Kapaskuhan. Ito ang unang Pasko na magdaraan na hindi ko makakasama si Zavier. Ito rin ang unang pagkakataon na sasalubungin ko ang Kapaskuhan na mag-isa, malayo saaking pamilya. Naisin ko mang umuwi sa Probinsya ngunit hindi ko magawa dahil sa rami ng gawain sa eskuwela.

Sa mga nakalipas na linggo, sobrang raming nagdaan. Ang raming bagay na nangyari saakin sa taong ito. At ang pinakamasakit na nangyari saakin sa taong ito, ay 'yung mawala ang taong mahal ko ngunit pinagtaksilan ko. Aminado naman ako na malaki ang pagkakamali at kasalanan ko kay Zavier. Namatay siya na hindi man lang ako nakakahingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko sa kaniya.

"Zavier, kung nasaan ka man ngayon. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa kong mali sa 'yo. Alam ko na nagkulang ako. Nagkamali ako at naging mahina noon. Patawad aking mahal. Nawa'y patawarin ako ng Maykapal sa lahat ng pagkakamali ko."

Habang sinasabi ko ang bagay na 'yon habang nakatingin sa kisame ng aking kuwarto. Nakahiga ako at nagmumuni-muni sa mga sandaling ito. Matapos iyon, bigla na lamang lumabas sa aking isipan ang imahe ni Xavier. Ang taong aksidenteng nakausap ko noon sa simbahan.

Aaminin ko, sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano at bakit nangyari 'yon, basta isang araw. Nalaman at naramdaman ko na espesyal siya saakin. Na ayaw kong makikita siyang malungkot at nasasaktan. Nitong mga nakalipas na araw, doon ko lamang napagtanto ang lahat.

Hindi ko man aminin, ngunit ang puso ko na ang nagsasabi na unti-unti ko nang ginugusto si Xavier. Para bang mahal ko na siya ngunit natatakot ako na baka mabaliwala lamang ang pagmamahal kong iyon. Natatakot ako na baka maulit muli ang ginawa ko kay Zavier kay Xavier. Iyon ang bagay na ayaw kong mangyari at magawa.

"Sana maging aral na iyon sa 'yo at huwag mo nang gawin at ulitin sa susunod."

Sa sinabing iyon ni Xavier, natauhan ako ng husto. Nasaktan ako dahil totoo ang mga sinabi niya. Ngunit, naging aral rin iyon saakin na pahalagahan ang taong minahal ko at mamahalin ako ng tunay at lubos.

Mula sa aking pagkkakahiga, tumayo na ako upang mag-ayos saaking sarili. Nais kong makausap si Xavier. Nalulungkot ako at naiinis kapag hindi ko nakikita o nakakausap man lang si Xavier. Para bang masisiraan ako ng bait kapag wala sa tabi ko ang taong sinisimulan ko nang mahalin.

Matapos kong mag-ayos saaking sarili ay nagbigay ako mensahe kay Xavier na magkita kami sa parke malapit aa Unibersidad na aking pinapasukan. Pumayag naman ito at hihibtayin niya raw ako roon.

Dahil sa aking nabasang sagot ni Xavier, isang malawak na ngiti ang bumakas saaking mukha. Nasasabik na akong makita ang taong mahal ko.

.....

Maghahapon na nang makarating ako sa parke kung saan kami magkikita ni Xavier. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin si Xavier kung narito na siya. Ang buo kong akala ay wala pa siya rito ngunit isang imahe ang aking nakita. Nakatalikod ito saakin at may isang lalaking pamilyar saakin ang kaniyang kausap.

Lumapit ako ng dahan-dahan palapit sa kanilang dalawa. Habang ginagawa ko ang paglakad na iyon, bigla ako nakaramdam ng kirot sa aking puso.

"Selos ba itong nararamdaman ko?" Bulong ko sa aking sarili.

Nang bahagya akong makalapit sa kanila. Dinig ko ang kanilang pag-uusap na akin naman kinainis at ikinainit ng aking ulo. Oo, aamin na ako. Nagseselos at naiinggit ako kapag may ibang lalaki na kumakausap at pumupukaw sa atensyon ni Xavier.

Ang nais ko, ako lamang ang dapat na kumakausap sa kaniya. Ako lamang ang nagbibigay ngiti sa mga labi niya at wala nang iba pa.

"Paano ba 'yan, Xavier? Mauuna na ako ha? Merry Christmas na lang ulit." Dinig kong pagpapaalam nito kay Xavier.

'Di kalayuan mula sa kanilang puwesto, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ngumiti si Xavier sa kaniya. Naiinis ako sa lalaking iyon at gusto ko siyang sapakin sa mga sandaling ito.

"Ganun ba?" Malungkot na pagkakaaabi ni Xavier sa lalaki. "Sige, mag-iingat ka Lorenzo ha? Medyo mag gagabi na rin, e. Ingat!"

"Oo nga, e. Ikaw rin ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi. Hindi na kita maihahatid pa dahil may lakad rin ako ngayon. Salamat."

Tanging pagtango na lamang ni Xavier ang naging sagot niya kay Lorenzo. Ngayon ko lamang napagtanto na si Lorenzo ay aking kapwa estudyante at parehas kami ng Unibersidad na pinapasukan.

Nang nakatalikod na si Xavier ay saka lamang ako lumapit rito. Magkasalubong ang aking mga kilay na lumapit sa kaniya. Nang makita niya ako, isang ngiti ang aking nasaksihan sa mukha ni Xavier. Hindi ko alam pero parang minagneto niya ang aking mukha na gawin nitong masaya at alisin ang inis na bumabalot saakin.

"Oh? Elizandro, kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong nito saakin.

Hindi ko pa rin binabago ang aking ekspresyon. Nais kong malaman niya na naiinis at nagseselos ako sa ginawa niya. Hindi ko siya kinibo at tanging pagtingin lamang ang aking ginawa sa kaniya.

Nang walang sagot itong nakuha mula saakin. Muli siyang nagtanong ngunit sa pagkakataong ito. Deretsahan ko na siyang sinagot. Wala na akong pakialam kung magmukha akong ewan at tanga sa kaniyang harapan.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para kay Xavier. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ako'y iibig muli. Ayokong pakawalan muli ang taong mamahalin ko ngayon hanggang sa huli kong paghinga.

"May problema ba, Elizandro? Pasensiya na kung napaghinta-"

"Nagseselos ako."

Hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sinasabi nang bigla kong pinutol iyon. Seryos ang aking mukha sa mga sandaling ito. Nais kong malaman niya na seryoso ako sa sinabi ko sakaniya.

"A-ano? N-nag s-s-selos k-ka?" Utal-utal nitong tanong sa akin.

"Hindi ba halata, Xavier? Oo. Nagseselos ako. Nagseselos ako dahil mahal kita."

Sa mga sinabi kong iyon, napatulala si Xavier saakin. Kinuha ko ang pagkakkataon na iyon upang lumapit sa kaniya at agad ko siyang inakap ng mahigpit.

"Ayokong may ibang lalaking kakausap sa 'yo. Ayokong may ibang lalaking magpapangiti sa 'yo bukod saakin. Xavier, mahal kita. Hindi lang mahal, mahal na mahal."

Naglakas loob ko itong sinabi kay Xavier. Wala na akong pakialam kung baliwalain niya ang mga iyon.

"Teka, Elizandro." Pagkalaaa nito sa aking pagkakayakap. "Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo para saakin?" Dugtong niya.

Tulad ng aking inaasahan, alam ko na itatanong niya ito saakin.

"Hindi. Totoo ang aking nararamdaman para sa 'yo, Xavier. Mahal kita at walang halong biro sa mga iyon." Seryoso kong sabi rito.

Magkaharap kami ni Xavier nang may isang pamaskong musika ang bigla na lamang dumugtong. Ang lahat ng nasa parke ay napahinto at napasabay sa musikang aming naririnig.

Pasko na, sinta ko

Hanap-hanap kita

Bakit nagtatampo

Nilisan ako

Muli kong itinuon ang aking sarili kay Xavier. Ito na ang tamang pagkakataon para masabi ko na sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.

"Xavier, alam kong mahirap paniwalaan ito. Alam ko na sobrang bilis nang pangyayari. Pero, hindi mo ko masisisi kung mabilis akong nahulog sa 'yo. Kung mabilis kitang minahal kahit na hindi pa kita lubos na kilala."

"Elizandro, nauunawaan kita. May nais rin akong ipagtapat sa 'yo. Pero natatakot ako na baka isang araw, masaktan ako. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan lang din ako. Elizandro, hindi pa ako handang masaktan at maiwan."

Bakas sa mga mata ni Xavier ang takot at pangamba na baka masaktan ko siya at iwan. Alam kong nagkamali na ako noon, ngunit hindi ko na uulitin pa ang mali kong nagawa noon sa kasalukuyan.

Kung mawawala ka

Sa piling ko sinta

Paano ang paskong

Inulila mo

"Elizandro, hindi ko na rin kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa 'yo. Sa palagay ko, mahal na rin kita."

Sa mga sinabing iyon ni Xavier, isang pag-asa ang nabuo sa aking dibdib. Nabigyan muli ako ng isa pang pagkakataon na magmahal muli.

"Ano pa ba ang ikinatatakot mo, Xavier? Mahal kita at mahal mo ko. Sapat na 'yon para mas makilala pa natin ang isa't isa." Saad ko.

Sayang, sinta

Ang sinumpaan

At pagtitinginang tunay

Nais mo bang

Kalimutang ganap

Ang ating suyuan at galak

Sa mga sandaling ito, nakita ko kung paano yumuko si Xavier. Ngunit sa kaniyang pagyuko kasabay rin iyon ng pagpatak ng kaniyang mga luha na aking ikinadurog.

Ayokong nakikitang lumuluha si Elizandro. Ayokong ako ang dahilan kung bakit siya nalulungkot at lumuluha.

"Xavier, alam kong may pag aalinlangan ka sa nararamdaman mo para saakin. Alam kong nagdadalawang isip ka kung tutulot ka ba o hindi diyan sa pagmamahal mo saakin. Xavier, narito lang ako. Hinding-hindi kita paiiyakin at sasaktan.

Hindi ko hahayaang tumulo ang iyong mga luha na ako ang dahilan. Ayokong makita kang miserable na akong ang nagdulot sa 'yo."

"Elizandro, alam kong mahirap unawain. Si Zavier ang nakikita mo saaking katauhan at hindi ako mismo. Natatakot akong sumugal sa pagmamahal kung isang araw ay mapagtanto mo na, hindi ako ang mahal ko. Kundi ang ideya na nakikita mo saaking katauhan si Zavier. Ayoko nang ganun, ayokong minamahal mo ako nang dahil lang sa alaala ng minahal noon."

Kung mawawala ka

Sa piling ko sinta

Paano ang paskong

Alay ko sa'yo

"Hindi ganun 'yon, Xavier. Minamahal kita dahil sa ikaw 'yan. Hindi kita minamahal dahil lang sa nakikita kong alaala sa 'yo ni Zavier. Alam kong may mga paniginip kang kasama mo roon si Zavier, may mga pakiusap siya sa 'yo noon. Pero iba na ngayon. Mahal kita bilang Xavier hindi bilang Zavier na nakilala at minahal ko noon."

Habang nagsasalita ako, lalong lumalakas ang pagtangis ni Xavier. Mas lalo akong nadudurog dahil nakikita siyang umiiyak dahil sa pag-amin na aking ginawa.

"Elizandro..." Tanging pangalan ko na lamang ang kaniyang nasambit at bigla na lamang itong yumakap saakin ng mahigpit. Agad ko naman siyang hinimas sa kaniyang likurang bahagi, senyales na pinapagaan ko ang kaniyang mabigat na kalooban sa mga sandaling ito.

Sayang, sinta

Ang sinumpaan

At pagtitinginang tunay

Nais mo bang

Kalimutang ganap

Ang ating suyuan at galak

"Xavier, mahal na mahal kita. Huwag mong isipin na sasaktan at paiiyakin kita. Natuto na ako noon. At ayoko nang maulit pa ang pagkakamaling iyon ngayon. Kaya naman Xavier, hayaan mo ako mahalin ka, alagaan ka. Hayaan mong pagsilbihan kita. Mahal na mahal kita, at hindi ko alam kung anong mangyayari saakin kung pakakawalan pa kita." Mahaba kong sambit rito.

Nasa posisyong magkayakap pa rin kami. Kumalas ito sa mga bising ko at pinunasan ang bakas ng mga luha sa kaniyang pisngi. Matapos iyon, umupo siya sa duyan na nasa harapan namin. Agad ko naman siyang sinundan sa kaniyang pag-upo.

"Xavier, natatakot ako. Natatakot ako na magmahal. Baka kasi-" Muli ko na namang narinig sa kaniyang bibig ang salitang "takot". Kaya naman hinawakan ko ang kaniyang mga kamay upang patunay sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Narito ako at handang patunayan ang pagmamahal ko sakaniya at handa akong samaya at damayan siya sa lahat ng pagsubok na aming pagdaraanan.

Kung mawawala ka

Sa piling ko sinta

Paano ang paskong

Alay ko sa 'yo

Nang marining ko ang huling linya ng musika, muli kong itinuon kay Xavier ang aking sarili. Base sa kaniyang mukha, unti-unting nawawala roon ang pangamba, takot, at pagdadalawang isip na pumasok sa isang relasyon.

Ramdam ko rin kay Xavier, na unti-unti siyang bumibigay saakin. Ayokong sayangin ang pagkakataong ito upang hindi kunin si Xavier. Alam kong makasarili ang aking gagawin, ngunit ayoko siyang mapunta pa sa ibang lalaki.

"Elizandro," Dinig kong sambit niya sa aking pangalan. Huminto siya sa kaniyang sasabihin at nakita kong nagbuntong hinga siya. Alam ko ang ganung klaseng gawain. Humuhugot siya ng lakas ng loob upang masabi ang mga bagay na mahirap sabihin o itanong.

"Kaya mo lamang ba ako minahal dahil nakikita mo saakin 'yung alaala ni Zavier? Paano kung hindi napunta saakin ang mga iyon? Patuloy mo pa rin ba akong mamahalin kahit na hindi ako ang taong minahal mo noon?" Muli niyang pagtatanong saakin.

Sa mga naging katanungan ni Xavier. Nawalan ako ng lakas ng loob. Para bang naputulan ako ng dila upang sagutin lahat ng mga katanungan niya saakin. Nawala ako sa aking sarili kung paano ko siya sasagutin.

Nang walang makuhang sagot saakin si Xavier, agad itong nagsalitang muli. Kinakabahan ako na baka iba ang kaniyang isipin. Ayokong mangyari ang bagay na iyon.

"I-ibig sabihin, t-tama ak-" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin upang hindi na niya isipin na kaya ko lamang siya minahal ay dahil sa alaalang nakikita ko kay Zavier sa kaniya. Nais kong ipamukha sa kaniya na mali ang ideyang namumuo sa kaniyang isipan.

"Hindi." Maikling kong sagot rito. Muli ko na namang nasaksihan ang paglandas ng kaniyang mga luha. Tumayo ako sa aking pagkakaupo mula sa duyan at nilapit ako ito. Humarap ako kay Xavier, pantay sa kaniyang mukha. Saka ako nagtuloy sa aking sasabihin.

"Xavier, makita ko man ang alaala sa 'yo ni Zavier. Nagreincarnate man sa 'yo ang katauhan niya. Bilang Xavier, ikaw 'yung taong mamahalin ko, tatanggapin ko kung sino at ano ka pa. Hindi kita mamahalin dahil lamang sa nakikita ko sa 'yo 'yung mga bagay na madalas gawin ni Zavier. Minahal kita dahil ikaw si Xavier. Ikaw 'yung taong ginugusto ko.

Nakaraan na ang nakaraan. Nakalipas na ang mga araw na dapat hindi ko na para balikan pa. At sa mga nakaraang iyon, marami akong natutunan. Mga sinabi mo saakin noon, narito pa sa aking puso. Hinding-hindi iyon maaalis dahil ikaw, Xavier aking mahal ang nagsabi nun saakin."

Mahabang kong sagot sa kaniya. Wala akong sagot na nakuha sa kaniya. Ngunit, nagulat ako sa kaniyang ginawa ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ngayon ko lamanf naramdaman ang kakaibang pakiramdam na bumabalot saakin ngayon. Sobrang bago nito kumpara sa mga nakalipas kong pakiramdam.

Ngayon ko lamang ito nadama, 'yung biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Ngayon ko lamang ito naramdaman 'yung bang tila kinabahan ako ng biglaan. At sa ginawang pagyakap saakin ni Xavier, isang matinding kuryente ang aking naramdaman sa buo kong katawan.

Ganito ba ang totoong nagmamahal? Ganito ba ang pakiramdam na lahat ng imposibleng maramdaman ay mararamdaman mo ng biglaan? Sa aking palagay, ito na ang totoong pagmamahal na hinahanap ko. Hindi ko man iyon nakita at natagpuan kay Zavier. Ngunit nakita at naramdaman ko naman ito kay Xavier.

Hindi man naging maganda ang kuwento namin ni Zavier, dahil sa naging masalimuot ang aming kuwento. Aking sisiguraduhin na ang kuwento namin ni Xavier ay magiging masaya at puno ng pagmamahal.

Nasa ganung posisyon kami ng bigla kong naalala ang lalaking kanina ay kausao niya. Kaya ako naman ang pumiglas sa kaniyang mahigpit na bisig na nakayakap saakin.

"Xavier, sino pala ang lalaking kanina ay kausap mo?" Tanong ko rito.

Alam ko na naman kung sino ang lalaking iyon. Nais ko lamang na makasigurado kung sino at ano ang papel ng taong iyon aa buhay ng taong mahal ko. Nangunot naman ang aking noo at napataas ang kanang kilay ko nang makita siyang tumatawa.

"Ayun ba?" Pagkakamot nito sa kaniyang ulo habang patulot pa rin sa pagtawa. "Si Lorenzo iyon, kababata ko. Nakita niya kasi ako kaya tinanong ko kung saan siya pupunta." Alam ko na alam ni Xavier, na nagseselos ako. Kaya hindi pa naman ako nakakasagot ay naunahan na niya akong magsalita.

"Huwag kang magselos. Mahal kita ayun ang importante. Kababata ko lamang si Lorenzo. Ikaw? Elizandro ang taong mahal na mahal ko." Sagot niya saakin.

Alam kong namumula ako ngayon. Kaya naman yumuko ako sa kaniya at palihim na ngumingiti dahil sa kilig na aking nararamdaman ngayon.

"Mahal na mahal na mahal rin kita, Xavier." Sagot ko rito.

Kinuha ko ang pagkakataon upang mahalikan siya sa kaniyang labi. Halik na pasasalamat at pagmamahal na nais kong iparamdam sa kaniya. Nagulat naman siya ngunit muli na naman siyang napakayap saakin na sinuklian ko naman ng isang mahigpit na yakap at muli ko siyang binigyan ng halik sa kaniyang ulo.

Masaya naming pinagsaluhan ang gabi, puno ng kuwentuhan at pagpapakilala sa isa't isa. Sabihan nang mga ayaw at gusto. Pinakilala niya rin ako sa kaniyang pamilya at ganun rin ang aking ginawa. Wala naman ang may hadlang sa mga pamilya namin. Bagkus, suportado nila kung ano ang magpapasaya saaming dalawa. Ngayon ang araw ng pinakahihintay ng lahat. Ito ang araw ng kapanganakan ni Jesus. At ito rin ang araw na unang beses kong sasalubungin ang Pasko kasama ang mahal kong si Xavier.

- W A K A S -


AUTHOR'S PROFILE

Mark Jhon Malaca was born on August 10, 1999. He is now 20 years old. He sets his pen name as LIAM_SKETCHY and he chose this pen name to hide his real identity to public. He was started making and creating stories on Wattpad since way back November 2017. And, he already 2 years now in the world of Wattpad. He is an aspiring writer and he accepts constructive criticism in order for him to improve and develop his skills in terms of writing. He's willing to learn more and gain more knowledge to those writers he encountered.

As he writes, he already have had 4 on-going stories pending on Wattpad. These are the works of LIAM_SKETCHY entitled; Could It Be Change?, Crazy In Love With You, ANG MUNDO KO and I Love You, Forever. These works of him was all about and tackled for ManXMan. Meaning, love story between two guys.

ENDING MESSAGE

I would like to thank to those loyal readers of LGBTQ+ who reads our second collaboration. This is all for you guys and it is a thank you story for keep supporting us. And, of course, I just wanted to thank to all participants and co-writers who participated this collaboration. Who exerted their efforts just to give and show their best. For the one who made this collaboration successful, Author Adamant. I thanked him because he's the one who helped me to sharpen and improved my skills in terms of that matter.

To end this, of course, I really appreciated you guys for reading our works. This is all for you. Thank you and God bless us.

Continue Reading

You'll Also Like

820K 39.9K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
2M 32.8K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...