Nang Makilala Ko Siya (Comple...

By Rikamadz

69.5K 1.8K 66

Read at your own risk! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 30

2.2K 68 8
By Rikamadz

Chapter 30

"Alam niyo, masyado talagang ma-drama ang bruhang iyon. Antrip niya at talagang binigyan pa tayo ng sulat isa-isa?"

Naiiyak na sabi ni Vivi.

"Mukhang prepared yata siya Vivi."

Naiiyak ring sagot ni Nikolla.

May sulat kasing hinanda si Yanella para sa kanila.

"Masyadong old style, feeling niya naman ang ganda ng penmanship niya."

Naiiyak rin ani ni Zeus kaya mas lalo silang nalulungkot.

Kasalukuyan na kasing nasa operating room si Yanella.

At wala silang magawa kundi ang magdasal at maghintay.

Napahinga nalang tuloy ng malalim sina Poseidon saka binuksan ang sulat ni Yanella para sa kanila.

'Dear Zeus and Poseidon,
I just wrote this out of boredom kaya h'wag kayong OA diyan. Hoy Zeus, h'wag kang umiyak. Nagmumukha kang si Mr. Bean, baka lalo talagang ma-turn off si Keanna. But I just want to say that I am really lucky to have you two in my life. You're my brothers in heart. My knights in shining armors. Na kahit na hindi naman talaga tayo nagkakasundo minsan at parehas tayong tatlong baliw, nakakaintindihan pa rin tayo. And I couldn't asked for more. For me, the two of you were already enough. Masyado na akong blessed. Nandiyan na nga sina Vivi , then dinagdagan niyo pa. You were the   family that I've been dreaming of. The loneliness that I've felt have fade because of you and I'm really thankful for that. Pero di nga, gusto ko talaga kayong makitang head over heels sa isang babae. Iyong tipong kaya niyong gawin ang lahat para sa kanya. At sa oras na mangyari, sana naman i-inform niyo ko diba. Para at least kapag binusted kayo, may taga-tawa at asar kayo. Ganun iyon. But nonetheless, I will always love you! Kayong dalawa! Mga greek god kong mga kuya. You should take care of yourselves always. Iwasan na rin ang pagba-bar at pangbabae, lalo ka na Zeus. Kapag ikaw karmahin, ewan ko nalang talaga sa inyo.

Ps. H'wag kayong masyadong OA, this letter just serves as mybmessage for the two of you. Hindi 'to huling habilin. Babatukan ko talaga kayo.'

Napasinghot naman si Zeus.

"Kita mo na ang babaeng 'to, may sakit na nga may balak pang mangbatok."

Sabi ni Zeus kaya napailing nalang sila.

"Pero in fairness, ang ganda ng sulat niya."

Aniya pa kaya binatukan siya ni Poseidon.

"We were supposed to be emotional here pero nagiging comedy dahil sa pinagsasabi mo. Tumigil ka nga diyan."

Sabi ni Poseidon kaya napaismid nalang si Zeus.

Napangiwi na lamang silang dalawa nang makita nilang humahagulhol na sina Vivianne.

Inilibot naman nila ang kanilang tingin at nakitang missing in action si Calvin.

'Nasaan kaya ito?'

Tanong ni Poseidon sa sarili.

* - *

Huminga na lamang ng malalim sina Vivianne bago binuksan ang sulat ni Yanella.

Napaluha nalang silang dalawa nang sa likuran nito ay may sketch nilang tatlo.

'Kita mo nang babaeng 'to, may sakit na at lahat-lahat pero talagang inalala pa kami.'

Sabi ni Nikolla sa kanyang sarili.

'Dear Nikolla and Vivianne,
H'wag kayong umiyak mga bruha kayo. Ang O-oa niyo. I just wrote this out of boredom kaya chill lang kayo. I just really want to say a few things na hindi ko masabi sa inyong dalawa ng personal. I am really grateful for having the two of you as my friends. Na kahit ang babaliw niyong dalawa, alam ko namang mahal niyo ko. H'WAG NIYO NANG I-DENY. We don't treat each other na parang besties forever. Tinatrato natin ang isa't isa as if we're really sisters. Iyong tipong aakalain nalang ng iba na, magkapatid tayong tatlo. Halos hindi na nga tayo mapaghiwalay noong high school pero akalain niyo nga naman. Parehas na tayong tatlong may mga asawa at anak. Well kayong dalawa may mga anak pa, iyong akin on the way pa. I am really happy that I had the chance to get to know the two of you. And I am always grateful to our God because of that. I was supposed to be sad and all pero kapag susulpot na kayo, bigla nalang akong magkaka-energy at mawawala sa isip ko ang mga problema. You're my breather. Kayong dalawa ang escape ko from the loneliness and grieve that I feel. Kaya dahil diyan, ninang kayo ng anak ko.'

Naluluha naman sila na parang natatawa.

"Kahit kailan talaga baliw ang babaeng 'to."

Sabi ni Nikolla kaya napatango si Vivi.

"Naman. Mana sa atin eh."

Sagot ni Vivi.

'And I want you to know that you'll always be my sisters. Maybe not by blood but by heart. I love you. (Pwe. Kinilabutan ako, pero sige nalang.) Take care of yourselves, pati na rin ng pamilya. At saka hoy Vivi, h'wag mong kawawain si Gab. Saka ikaw Nikolla h'wag ka ring masyadong pabebe pagdating kay Brix. Basta iyon na iyon! I love you.'

Napangiti nalang silang dalawa matapos basahin ang sulat ni Yanella.

How they wished na sana maging maayos na ito.

Masyado na silang excited na asarin ito pagkagising niya.

Aasarin nila ito buong araw.

Hanggang sa magsawa nalang ito sa mukha nilang dalawa.

Napalingon naman sila sa paligid at napatigil nalang nang mapansin nilang wala si Calvin.

"Nasaan si Calvin?"

Tanong ni Nikolla at nagsiilingan naman sila.

Napabuntong-hininga na lamang tuloy sila.

* - *

Napalunok na lamang si Nana Jo habang papasok sa kwarto kung nasaan ang ina ni Yanella.

"Yannah?"

Tawag niya ritonat gulat naman itong napalingon sa kanya.

"Nana Jo!"

Sagot nito saka siya dali-daling nilapitan.

Napangiti na lamang tuloy siya.

"Napadalaw ka?"

Napatitig naman siya rito.

Mabuti nalang ay maayos ang lagay nito ngayon kaya matino niya itong makakausap.

"Alam mo ba kung nasaan si Yanella ngayon Yannah?"

Tanong niya rito.

"Bakit anong meron kay Isabella?"

Sagot sa kanya nito.

Agad niya namang inilabas ang photo album nilang mag-anak.

Inisa-isang tiningnan ang mga pictures para ipaalala sa ina nito kung ano na nga ba ang itsura ni Yanella.

Inilabas rin naman ni Nana Jo ang lahat ng sketches na bigay ng Mommy ni Yanella sa kanya.

Isa-isa naman nitong tiningnan ang sketches at agad na napatigil nang makita niya ang sketches na bigay niya kay Yanella noong araw ng kasal niya.

"Ba't 'to nandito? Bigay ko 'to kay Teacher Yannie."

Ani nito kaya napangiti nang bahagya si Nana Jo.

"Siya iyong Teacher Yannie hindi ba?"

Tanong ni Nana Jo rito saka ipinakita ang picture ni Yanella.

Itinabi niya ito sa picture ni Yanella noong bata pa siya.

Nakita niya naman itong napatitig ito rito.

"Ba't magkahawig sila?"

Tanong ng Mommy ni Yanella.

"Kasi si Teacher Yannie ay si Yanella, Yannah."

Sagot ni Nana Jo.

Nakita niya naman itong napaluha.

"Anong sabi mo?"

Tanong nito ulit.

"Si Teacher Yannie ay si Isabella, Yannah."

Sagot ni Nana Jo.

May ibinigay naman itong picture.

Picture ng ultrasound ni Yanella.

"Buntis siya, Yannah. At kasalukuyan siyang nasa hospital ngayon."

Sabi ni Nana Jo.

Hindi niya nalang muna binanggit ang tungkol sa sakit ng dalaga dahil baka hindi ito matanggap ng ina niya.

"Pinabibigay niya."

Ani ni Nana Jo saka inilapag ang sulat ni Yanella.

"Mauna na ako. Babalik ulit ako rito bukas. Iiwan ko na muna sa iyo iyan."

Paalam ni Nana Jo bago tuluyan iwan ang Mommy ni Yanella.

Habang ang ina naman nito ay nagdadalawang isip pa kung babasahin nga ba nito ang sulat.

Nanginginig ang mga kamay niyang inabot ito sa mesa at dahan-dahang binuksan.

'Dear Mommy,
It's been weeks magmula nang bisitahin kita. Pinuntahan ko iyong ancestral house ni Lolo and it's still in good shape. Mukhang alagang-alaga ito ni Nana Jo. Nami-miss na po kita. I already miss you pero wala naman akong magawa para tulungan kang gumaling. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na isa ako sa naging rason kung bakit ka nandiyan. But Mom, hindi kita sinisisi sa nagawa mo noon. Sadyang minahal mo lang ng sobra si Daddy, to the point na tuluyan kang nawala sa sarili mo. And if you're still thinking na ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nag-agaw noon, Mom hindi mo iyon kasalanan and if you thought that I resent you. Pwes hindi Mom. I'm still waiting for you. I'm still waiting for you to be completely healed. I'm still waiting for the time na kikilalanin mo na rin ako bilang Isabella hindi bilang Teacher Yannie. Nami-miss ko ang amoy mo, ang haplos mo, ang mga yakap mo at ang luto mo Mom. Kaya please, magpagaling na po kayo. I won't get tired of waiting for you Mom. Alam kong darating ang araw na gagaling rin kayo. You should just let go of the past and face the present Mom. I'm still waiting for you Mom and always rememeber that I always love you. That you'll always be the best mother ever. I love you Mom.'

Napaiyak na lamang ang ina ni Yanella matapos niyang basahin ang sulat.

Hindi niya matanggap na all this time ay nakakasama niya na pala ang kanyang anak.

Natingin naman siya sa picture ng ultrasound ni Yanella.

Magiging Lola na siya.

And she just can't wait na makalabas rito at makasama ang anak at apo niya.

* - *

Napabuntong hininga na lamang ang ama ni Yanella habang nakatingin sa envelope na ibinigay sa kanya ni Nana Jo.

Dumaan raw kasi ito kanina habang nasa meeting siya.

Agad niya namang sinilip ang laman ng envelope.

Nakita niya naman ang litrato nilang tatlo ni Yanella kasama ang ina nito.

Sunod niya namang tiningnan ang isa pang picture.

Picture nilang dalawa ni Yanella.

Kitang-kita niyang sobrang saya ng anak niya rito dahil sa pagkalaki-laki ng ngiti nito.

Kahit nga siya ay nakangiti sa litrato.

Napalunok naman siya nang makita niya ang sunod na litrato.

Ang picture nang ultrasound ni Yanella.

Nanigas na lamang tuloy siga.

'Buntis ang anak niya. Ibig sabihin nito'y magiging Lolo na siya.'

Napatingin naman siya sa nakasulat sa likod ng litrato.

'Kung lalaki po siya, I'm going to name him after you and Calvin. Calvin Oliver.'

Hindi niya alam pero tila ba may humaplos sa puso niya dahil rito.

His name is Oliver Cloud.

First name niya ang Oliver.

Sinilip niya pa ang laman ng envelope at agad na napatigil nang may makita siyang papel.

Agad niya naman itong binuklat.

'Dear Daddy,
Hi Dad! Kailan ba tayo huling nagkita at nagkausap? Halos hindi ko na maalala. I wrote this just because I want to tell you something. And also there's somethingbthat I want to ask.'

Napalunok naman siya habang binabasa ito.

'All these years, palagi kong tinatanong sa sarili ko kung naging mabuting anak ba ako sayo. Kung ako ba iyong tipo ng anak na kahit kailan ay hinding-hindi magiging proud ang magulang dahil sa ugaling meron ako. I tried to make you proud by trying to do good in school. Tatlong degrees pa nga ang nakuha ko sa college but for you. It is still nothing.'

'Gumawa ako ng sarili kong business, pinalago ang mga business ni Mommy at ni Lolo but still it isn't enough. Dad, am I not worthy as your daughter? Ginawa ko naman po ang lahat. I tried my best to be good, at least pero kahit isang katiting na pagmamahal ay wala akong natanggap mula sayo.'

'Akala ko mababago ang lahat kapag ikinasal ako pero wala, you wouldn't there. Wala ka man lang sa tabi ko para i-congratulate man lang ako. Wala ka man lang sa tabi ko para ihatid ako sa altar. But you know what Dad, I'm still thankfuk to you. Kasi kung wala ka, wala rin ako rito.'

'Hindi ako nagtanim ng galit but still longing for your love. Na kahit bago man lang ako kunin ni Lord, maramdaman ko naman na kahit isang beses lang ay minahal niyo rin ako.'

'But can I asked you a favor Dad? Pwede niyo bang bisitahin si Mommy? Kahit hindi mo na siya kausapin, just try to see her if she's doing good in behalf of me. Kahit iyon nalang Dad.'

'I love you Daddy. You should take care of yourself always.'

Hindi niya alam pero tila ba mas lalong bumigat ang kanyang dibdib..

He knew to himself na ni minsan ay hindi siya naging ama ni Yanella.

He doesn't deserve her.

Masyado siyang masama para magkaroon ng kagaya niyang mabuting anak.

Magmula nang muntikan nang mamatay ito sa kamay ng sarili nitong ina nang dahil sa kanya.

Pinahid niya naman ang iilang butil ng luha na umalpas mula sa kanyang mata.

May kinuha naman siyang isa pang papel sa envelope.

'In case na hindi binanggit ni Yanella ang sakit niya, she's currently fighting for her life, for both of their lives, ng anak niya. She has cancer, Cloud. Colon Cancer. At sana naman ngayon, ipakita mo naman sa kanya na kahit isang beses man lang ay naging ama ka para sa kanya. - Nana Jo'

Nanlamig naman siya dahil sa nalaman.

Bahagya pang nanginig ang kanyang kamay.

'Anong ibig sabihin nito?'

Kaya wala siyang sinayang na oras at dali-daling tinungo ang address ng hospital na nakalagay sa note ni Nana Jo.

* - *

Napabuntong-hininga naman si Calvin habang nakatingin sa sulat na hawak niya.

Hindi niya yatang kayang basahin ito.

"Anak, ba't ka nandito? Ngayon ang operasyon ni Yanella, hindi ba?"

Napatingin naman siya sa Mommy niya.

Umiling naman siya.

"Mom, natatakot ako."

Ani niya kaya nilapitan naman siya ng kanyang ina at niyakap ito.

"Anak, kailangan mong maging matatag. Kailangan ka ni Yanella ngayon, so you should be with her. Kasi anak, love isn't just all about being together, living in the same roof and being with each other. Love is all about accepting and fighting together."

Napaiyak namang tuluyan si Calvin sa sinabi niya.

"Yanella is a very great woman, Calvin. She is. Kaya alam kong hindi siya pababayaan ng diyos. Now be a man, be a husband. Kailangan ka niya, so you should be there, okay? Susunod kami ng Daddy mo."

Tumango naman siya saka natuon ang tingin sa sulat na bigay ni Yanella.

Lumabas ng kwarto niya ang Mommy kaya kinuha niya ang sulat at binuksan ito.

Napangiti nalang siya nang may mahulog na picture.

Picture nilang dalawa.

'Dear Calvin,
Calvin na muna ang tawag ko sayo ngayon, may baby na tayo kaya nakakaisawa kung tatawagin kitang baby. Baka magselos ang baby natin, okay?'

Natawa naman siya ng bahagya.

'I'm sorry, Cal. I'm sorry kung hindi kita hinayaang manatili sa tabi ko habang nahihirapan ako. I'm sorry for not telling you that I'm already hurting. Tama na iyong ako lang ang nasasaktan.'

Nagsituluan naman ang mga luha niya.

'You're one of the greatest thing that had happened in my life. Nang makilala ka it seems like my life has been turned upside down. You made me feel worthy of something. You made me feel that I can be someone I dreamed of. Naalala ko pa noong una nating pagkikita sa bar. Ang gwapo-gwapo mo nun. Na-starstruck pa nga ako nang makita kita. You looked like a greek god that ascended from mount olympus.'

Napangiti naman siya.

'Kaya hindi na ako nang mahulog ang loob at puso ko sayo. You're a great man. You're a great husband and I know, you'll be a great dad to our child.'

'Thank you for coming in my life, baby. Thank you for being my light and anchor. Thank you for being my strength.'

'And if you're crying right now, h'wag kang iyakin baby. H'wag mong agawin ang trono ko so ngumiti ka na diyan. Gigising rin ako. Anong akala mo sa akin aalis nalang basta-basta nang hindi nalalaman kung ano ang gender at kung kanino nagmana ang baby natin? Sapakin kaya kita diyan.'

'So just wait for me for the meantime, at kung magka-problema man. H'wag kang mag-alala, lalaban ako. Like duh, as if naman kaya kitang iwan. So h'wag ka nang mag-drama. Lalaban ako, Cal. Lalaban ako. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sayo at sa baby natin.'

'I love you, Mr. Montemayor. Always and forever.'

Mas lalo naman siyang naiyak matapos basahin ang sulat ng asawa niya.

He really need to get a hold of himself.

Kailangan siya ng asawa niya.

Huminga naman siya ng malalim saka kinuha ang susi ng kotse niya.

* - *

Pagkarating niya naman sa hospital ay kasalukuyan pa ring nasa operating room si Yanella.

Aabutin pa raw ito ng ilang oras, sabi ng Doctor kaya matyaga silang naghintay habang nagdadasal.

Nagulat pa sila nang dumating ang ama nito.

"Nasaan si Yanella?"

Tanong nito kaya natahimik silang lahat.

Lumingon naman ito sa operating room.

"So she's really sick huh?"

Ani nito at nagulat nalang silang lahat nang makita nila itong umiyak.

Nilapitan naman ito ni Nikolla at inalo.

Iniiwas niya na lamang ang kanyang tingin.

Baka binigyan rin ito ng sulat ni Yanella.

Makalipas ang isa pang oras ay bumukas ang pinto.

"Sino rito ang asawa ng pasyente?"

Tanong ng Doctor kaya agad rin naman siyang tumayo.

"Ako ho Doc."

Aniya pinasuot naman siya ng mask and all.

"Pasok ka."

Sagot ng Doctor kaya kinakabahan naman siyang pumasok.

Naiyak naman siya nang tuluyan nang makita niya ang kalagayan ng asawa.

"Medyo nahihirapan kaming kunin ang bata. Humihina kasi ang tibok ng puso niya. Maybe you can help her. Try mong kausapin."

Sabi ng Doctor kaya tumango naman siya saka nilapitan si Yanella.

Hinawakan niya naman ang kamay nito.

"Baby"

Tawag niya rito.

Naiyak naman siya nang makita niyang lumuluha ang mga nakapikit nitong mata.

"Kaya mo iyan, para sa baby natin."

Sabi niya rito.

Napangiti naman siya nang bahagyang gumalaw ang mga daliri nito.

"Naririnig mo ko?"

Turan niya.

"Kaya mo iyan. Kailangan mo pang malaman kung ano ang baby natin, kung si Calvin Oliver ba o si Isabella Maureen."

"Baby, hindi ko kayang mawala ka. Kaya kailangan mong maging malakas. You're love and my life and I can't bear being apart with you."

"Kailangan mo pang bayaran ang pagpapaiyak mo sa akin. Kaya lumaban ka baby, okay?"

Sabi niya saka hinalikan sa noo nito.

Ilang minuto pa ang makalipas ay nailabas na rin nila nang tuluyan ang baby nila.

"Congrats. It's a baby boy."

Sabi ng Doctor kaya napabaling siya kay Yanella.

"Baby, it's Calvin Oliver."

Bulong niya rito.

Pero agad rin naman siyang natigil nang biglang umugong ang makinang naka-konekta sa asawa niya.

No!

Hindi pwede!

"Ilabas niyo na muna ang bata! Humihina ang tibok ng puso ng pasyente!"

Sabi ng Doctor.

Bigla nalang tuloy siyang kinabahan.

"No, baby kailangan mong lumaban. Sabay pa nating palakihin si baby Calvin."

Umiiyak niyang ani pero tuluyan na siyang pinalabas sa operating room.

Narinig niya naman ang iyakan ng mga kasama niya.

No.

Hindi siya pwedeng iwan ni Yanella.

Continue Reading

You'll Also Like

358K 4.4K 175
Complete songs ni Taylor Swift including other songs niya na di niyo pa alam. Andito rin po yung bago niyang album yung 1989. Swiftie forever!!! Enjo...
178K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
259K 5.5K 25
She's innocent. She's an Angel. When the night comes the Angel you know turns a Devil at night. And that's Gabriela Zeferina Luciano a hired assassin...