Prologue

6.7K 96 2
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidential.

Prologue

Napabuntong-hininga naman si Yannella habang nakasimangot na naglilibot sa mall.

Hindi niya naman mayaya ang mga kaibigan niya dahil sa kasal na ang mga ito, at busy sa sarili nitong mga buhay.

Buti pa ang mga kaibigan niya ikinasal na.

Eh siya, wala pa rin.

Ang isa, may anak na habang ang isa buntis na.

Habang siya, panay pagsabi nalang ng 'sanaol' ang ginagawa.

Ka-badtrip naman kasi ng ex-fiancee niya.

Pinaasa ba naman siya.

Desidido na siyang magpakasal eh, pero wala.

Parehas pala sila ng hanap, iyong may hotdog.

Napangiwi nalang siya sa pinag-iisip niya.

Nang mag-ring naman ang cellphone niya.

"Oh napatawag ka bruha?"

Bungad niya sa kaibigan niyang si Nikolla.

"Punta ka rito sa bahay bukas. May ipapakilala ako."

Sagot nito kaya napangiwi siya.

"Ba't bukas pa? Pwedeng ngayon na?"

Sagot niya kaya narinig niya namang napatawa ito.

"Bukas ka na pumunta rito. May ipapakilala ako "

Napairap naman si Yannella sa sinabi ng kaibigan.

"Fine, whatever."

Sagot niya nalang.

Kinagabihan ay dahil sa wala nga siyang magawa sa buhay ay naisipan niyang pumunta ng Haven's.

She's wearing a black fitted dress.

Backless pa ito kaya hindi mapigilan ng iilan ang hindi mapasulyap sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya palang sa bar.

Lalong lalo na't maganda rin si Yannella.

Agad naman niyang tinungo ang bar counter, saka nag-order ng tequila.

Sunod-sunod ang paglagok niya ng alak kaya hindi na siya nagulat nang maramdaman niyang medyo nalalasing na siya.

Napatigil naman siya nang biglang tumigil ang kanta, at may umakyat sa stage.

'Playtime na siguro.'

Ani niya sa sarili.

Every 10 pm kasi rito sa haven's ay may palaro ito or something.

"At dahil sa Sabado ngayon, we'll have our 'Kiss Me While it's Dark' imbes na Play time. The lights will be turned off for at least 3 minutes. Kayo na bahala kung sino ang gusto niyong halikan if you're single. At kung taken naman kayo at kasama ang boyfriend and girlfriend niyo better hold them tight dahil baka may biglang humila sa kanila. Just make sure na hindi kaparehas ng gender niyo ang mahihila, baka pagsisihan niyo."

Natawa pa ng bahagya ang emcee matapos niya iyong sabihin.

"Just a friendly reminder everyone, this is just for pure fun."

Dagdag niya at nagsimula namang mag-count down hanggang sa mawala na nga ang ilaw.

Hindi naman ako gumalaw sa pwesto ko.

I don't have plans on kissing some stranger though pero nagulat nalang ako nang biglang may humila sa akin at hinalikan ako.

Napapikit naman ako nang mas idiniin nito ang sarili sa akin.

Napaawang pa ang labi ko nang maramdaman kong pinisil nito nang bahagya ang pang-upo ko.

'Expert yata ang isang, 'to.'

Sabi ni Yannella sa sarili saka hinalikan pabalik ang estranghero.

Napaungol naman siya nang magsimulang maglakbay ang kamay nito mula sa bewang niya hanggang sa naka-exposed nitong likod.

He started to draw circles and such kaya bahagya siyang napaungol.

Naramdaman niya namang napangisi ito.

Imbes na ma-concious ay mas nilaliman pa nito ang halik.

He even bit her lips hanggang sa marinig niya nang tapos na ang timer.

Nang imulat naman niya ang mata niya ay bumungad sa kanya ang isang napaka-gwapong adan.

6 ft. tall, fair skin, kissable lips, pointed nose and tantalizing blue eyes.

Napasinghap naman siya.

Bloody hell, why does he looked so freakin' handsome?

Napalunok naman siya nang inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya.

"Taste good, not that bad babe."

Sambit nito saka siya hinalikan ulit.

What the hell!

© Nang Makilala Ko Siya.All Rights Reserved.Rikamadz.2019

Nang Makilala Ko Siya (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora